You are on page 1of 2

Isang simpleng mangingisda ang nanligaw sa isang dalagang galling probinsiya.

Mula sa isang
simpleng pamilya na binuo nila Benjamin Pablo at Severa Colocado. Si Rolando Pablo ay ipinanganak
noong ika-7 ng Disyembre taong 1957. Panganay sa apat na magkakapatid, Nakita ng batang Lando ang
hirap at sakripisyo ng mga magulang ngunit ganoon pa man hindi pa rin sapat, ang kinita ng kanyang ama
upang mabuhay sila ng maayos, bilang panganay at nag iisang lalaki. Sa edad na sampung taon gulang,
nagsimula siyang sumama sa laot upang makatulong sa pamilya.
Nagsimula siya bilang bantay ng tahungan. Doon niya narasanasan na mabuhay mag isa habang
nasa gitna ng dagat, na walang inaasahan kundi ang sarili upang maitawid ang isang araw ng buhay.
Habang nasa laot, doon siya nag aral mag -isa, nag aral siyang magbasa at aritmetik sa gitna ng malalakas
na hampas ng alon sa kanyang muting kubo na nasa gitna ng karagatan. Dahil alam pa rin niya na ang
pagiging maalam ay magiging sandata niya sa hinaharap. Ilang taon din siyang naging bantay ng
tahungan, habang nasa gitna ng karagatan, doon din siya nakabuo ng pangarap. Isang pangarap na kasing
lawak ng dagat……….
Lumipas ang maraming taon ang bata ay naging binata, natutong umibig at natagpuan niya ito
kay Normita Delfin, na kanyang kababata at kapitbahay.
Hindi naging madali para sa mag asawa ang pagsisimula, ang silong ng bahay ng kanilang
kapitbahay ang una nilang naging tahanan. Dahil sa likas na sipag, sa umaga ay lumalaot si Lando at sa
hapon naman ang pagaayos ng kanilang munting tahanan ang kanyang pinagkakaabalahan.
Mabilis na lumipas ang mga taon nagkaroon ng apat na anak sina Lando at MIta, 3 babae at 1
lalaki. Lumaki ang gastos ng pamilya pero nag doble kayod ang magsawa upang matugunan ang
pangangailangan ng pamilya. Dahil sa pagsusumikap at determinasyon nagkaroon ng maliit na tahanan
ang mag asawa. Napagtapos rin nila ang kanilang apat na mga anak sa kolehiyo. Ang kanilang panganay
ay isang ng guro sa pampublikong paaralan sa Navotas, ang pangalawa nilang anak ay isang Physical
Therapist na nagtatrabaho sa ibang bansa, ang bunsong babae ay nakapagtapos ng Computer Science na
ngayon ay natatrabaho na rin sa ibang bansa, gayun din ang nag-iisang lalaki na nakapagtapos ng HRM,
na sa ibang bansa rin nagtatrabaho.
Bilang isang mangingisda, nakapagpundar siya ng sariling bangka at tahungan, dahil doon mas
marami siyang natulungang mga nangangailangan, sikat sa kabataan si Lando dahil habang nagpapalaki
siya ng mga sariling anak meron din siyang mga tinatawag na “Anak ng Dagat”, ito ay binubuo ng mga
kabataang lalaki edad 10 pataas, sila ang mga bata na sa murang edad ay umaasa sa karadagatan upang
mabuhay, Sinasama niya ang mga bata sa pagaani ng tahong, upang kahit paano ay makaroon ng baon sa
pagpasok sa eskwela at habang sila ay kumakain tinuturan niya ang mga bata ng simple aritmetik, upang
matutong mag kuwenta.
Noong taong 2006, nagkaroon ng isang insendente kung saan marami ang humanga sa kanya sa
kanyang pagligtas ng buhay ng isang batang lalaki na nalunod, Walang pagaatubili na iniligtas nya ang
bata sa paraang alam niya. Sa kabutihang palad nabuhay ang bata at sa ngayon ay kasa-ksama na niya sa
pagaani ng tahong.
Lumipas ang anim na taon, 2012 kung saan hinagupit ng “Habagat” ang Navotas, Nawala sa
paningin ng kanyang may bahay si Lando, Noong mga oras na iyon pinasok na ng tubig baha ang
kanilang tahanan, ngunit wala ang padre de pamilya, inakala ng kanyang may bahay na pinuntahan
lamang ni Lando ang kanyang tahungan, ngunit lingid sa kaalaman ng kanyang pamilya, ginamit ni
Lando ang bangka upang tulungan ang mga pamilyang naninirahan sa ilalim ng tulay, upang mailikas at
madala sa ligtas na lugar.
Sa ngayon,nabawasan na ang kanyang paglaot dahil na rin sa kanyang edad at kondisyong
pangkalusugan. Ngunit hindi pa rin nawawala sa kanyang puso ang pagmamahal at pagmamalasakit sa
karagatan. Sumasama siya sa mga Community Service, tulad ng paglilinis ng Dagat, at nagtuturo rin siya
ng paghahayuma sa mga kabataang lalaki na walang hinihintay na kapalit.
Dahil sa pinamalas niyang galing at kasipagan, nito lamang nakaraan Enero ng kasalukuyang
taon, kinilala ng Lokal na Pamahalaan ng Navotas si G. Rolando Pablo bilang, “Most Outstanding
Fisherman of the Year.”
Tunay ngang masasabi na "Hindi sapat na mabuhay. Dapat tayong maging determinado na mabuhay
para sa isang bagay. “Iminumungkahi ko na lumilikha ito ng kagalakan para sa iba, ibabahagi ang mayroon
tayo para sa ikabubuti ng taong mabait, magdadala ng pag-asa sa nawala at pag-ibig sa nag-iisa. ” – ito ay ayon
kay Leo Buscaglia

Maaaring sa mga hindi nakakakilala sa kanya, isa lamang siyang simpleng mangingisda ngunit para sa
kanyang pamilya, mga kabaranggay, at sa mga taong naging malaking bahagi ng buhay niya kung saan nag-
iwan siya ng marka ng pagiging Mabuti at mapagmalasakit sa kapwa ang pangalang Lando ay habang buhay
na nakaukit sa kanilang mga puso.

You might also like