You are on page 1of 2

Paalala sa mga Magulang/Guardian

Kung ang inyong anak po o ang sinuman sa inyong sambahayan ay kasalukuyang nakararanas o
nakaranas sa nakalipas na 14 na araw ng alinman sa mga sumusunod na sintomas, mangyari pong
huwag na munang papasukin ang bata sa eskwela.
___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
Huwag din po munang papasukin sa eskwelahan ang inyong anak kung siya o ang sinuman sa inyong
sambahayan ay nagpositibo sa COVID-19, naging close contact ng COVID-19 case, o nadiagnose sa
pneumonia.
Ipagbigay alam po agad ang sitwasyon sa kanilang guro na si Gng. ARAMINA R. HOLANDEZ, sa
numero bilang 09973493318, upang maisaayos ang alternative delivery mode para sa kanilang pag-
aaral habang sila ay nasa bahay.
Mangyari pong imonitor ang kondisyon ng inyong anak o kasama sa bahay, at iulat sa inyong
Barangay Health Emergency Response Team (BHERT), Barangay Health Station, o Rural Health
Unit, kung kinakailangan, upang sila ay mabigyan ng kaukulang lunas.
Ipinapabatid din po ng pamunuan ng SICSICAN MATANDA ELEMENTARY SCHOOL na
imomonitor po ng kanilang mga guro ang mga mag-aaral na pumapasok sa paaralan at ipagbibigay-
alam agad sa inyo at sa mga kinauukulan kung sila ay ma-obserbahan o maiulat na nakakaranas ng
alinman sa mga sintomas na nabanggit sa itaas.
Mangyari pong itago o idisplay sa inyong bahay ang paalalang ito upang magsilbing gabay

Symptoms Translation/Description

01 Fever Lagnat/ang body temperature ay 37.5 C o higit pa


02 Cough Ubo
03 General weakness Panghihina ng katawan
04 Fatigue/Tiredness Pagkapagod
05 Headache Pananakit ng ulo
06 Muscle/joint/body pains Pananakit ng katawan, kalamnan, kasu-kasuan 07 Sore throat Pananakit
o pamamaga ng lalamunan
08 Colds/runny nose Sipon
09 Difficulty of breathing Pagkahapo o hirap sa paghinga
10 Loss of appetite Kawalan ng ganang kumain
11 Nausea Nasusuka
12 Vomiting Pagsusuka
13 Diarrhea Pagtatae
14 Loss of smell Pagkawala ng pang-amoy
15 Loss of taste Pagkawala ng panlasa
16 Rashes Mga butlig sa balat; pamumula ng balat (maaaring makati o hindi)
Mga sintomas o obserbasyon sa pangangatawan o pagkilos ng tao/bata na kailangan ng atensyong
medikal

You might also like