You are on page 1of 1

Magandang Hapon po Mam Bao! At sa aking mga kapwa estudyante!

Ako po nga po pala si Mary


Glorie Diodette B. Valmoria, Nasobrahan po ata ng pangalan ang aking pangalan na kahit sa N.A.T ay hindi
magkasya kaya po maaari niyo po akong tawagin sa pangalang Glorie. G-L-O-R-I-E po, hindi Y :D
Ako po’y labing walong taong gulang at kasalukuyang nakatira sa barangay Canduman, sa lungsod ng
Mandaue.
Sa totoo lang po mahirap talaga matuto ngayon lalong-lalo na kapag sa sarili lang umaasa sa pag-
intindi ng mga aralin ngunit may mga natutunan din naman po ako, lalong lalo na po tungkol sa Katangian
ng Wika tulad ng Masisitemang Balangkas, Pinipili at isinasaayos, Arbitrary at marami pang iba at kung
paano tayo nito pinagkaisa at pinaguugnay. Napapalawak ng asignaturang Filipino-Komunikasyon ang aking
mga nalalaman at mga dapat pang malamang tungkol sa Wika na ating kinakailangan sa pang-araw-araw na
pamumuhay.
Ang mga nais at inaasahan ko pong mahasa sa asignaturang pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto
ay ang mapabuti ang aking pananaliksik at paggawa ng pag-aaral na makabuluhan. Nais ko rin po sanang
mapabuti ang aking pag-intindi ng aking mga binabasa dahil sa tulong ng asignaturang pagbasa at pagsusuri
ng iba’t ibang teksto.
Yun lamang po at marami pong salamat sa pakikinig ng aking pakikipagkilala.

You might also like