You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Samboan Secondary Distict

SELF LEARNING HOME TASK IN FILIPINO 10


Subject __FILIPINO______ Grade ____10____ Level ________ Quarter ____2___ Week ___1______
Name __________________________ Section ________________________ Date _________________
School __________________________ District __________________________

I.MELC COMPETENCY CODE


 Nailalahad ang mga pangunahing paksa at ideya batay sa F10PN-IIa-b-71
napakinggang usapan ng mga tauhan.
 Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng F10PT-IIa-b-71
ibang kahulugan (kolokasyon)
 Nabubuo ang sistematikong panunuri sa mitolohiyang napanood F10PD-IIa-b-69

 Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa F10WG-IIa-b-66

mitolohiyang Pilipino
 Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa: Tagaganap at F10WG-IIa-b-66

Layon
II. OBJECTIVES
A. Suriin ang nilalaman, elemento, at kakanyahan ng mitolohiya sa pamamagitan ng pagpupuno sa
mga kahon ng tamang sagot
B. Ibigay ang katumbas na salitang ginamit sa kuwento sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga titik
na nasa kahon
C. Salungguhitan ang pandiwang ginamit sa pangungusap at bilugan ang pokus nito.
III. SUBJECT MATTER
Mitolohiya: Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante, Kolokasyon at Pokus ng
Pandiwa
IV. REFERENCE
MELC p. 1, esp8_q2_mod3_Kaibigan%20Panghabangbuhay.pdf,
https://www.slideshare.net/michtimado/esp-8-modyul-6-pakikipagkaibigan
https://www.slideshare.net/jaredram55/modyul-6-pakikipagkaibigan
V. PROCEDURE
A. READING

Ano nga Ba ang Mitolohiya?

Ang mitolohiya ay isang tradisyunal na salaysay na isinilang mula sa sinapupunan ng kultura ng


tradisyong oral? Ang salitang mitolohiya ay hango sa salitang Griyego na mythos na nangangahulugang
“kuwento”.
Ang mitolohiya ay isang natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos
o bathala at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao. Maaaring nagsimula ang
mitolohiya nang magsimulang magtanong ang tao tungkol sa pagkakalikha ng mundo at ano ang kanilang
tungkulin dito. Sa pamamagitan ng mitolohiya ay nabibigyan ng linaw ang mga kababalaghang pangyayari
at ang mga nakatatakot na puwersa sa daigdig tulad ng pagbabago ng panahon, apoy, kidlat, pagkagutom,
pagbaha, at kamatayan.
Bakit mahalaga ang mitolohiya?
Mahalaga ang mitolohiya upang maipaliwanag ang pagkakalikha ng mundo at mga natural na
pangyayari. Sa mitolohiya rin mababasa ang mga sinaunang paniniwalang panrelihiyon. Nagtuturo rin ito ng
aral at nagpapaliwanag ng kasaysayan. Mahalaga rin ito upang maipahayag ang takot at pag-asa ng
sangkatauhan. Ang mitolohiya ay nilikha nang dahil sa ibat-ibang kadahilanan subalit ang ilan sa
pinakamagandang dahilan ng pagbabasa sa mga ito ay upang tayo ay maaliw sa magandang kuwento,
mamangha sa taglay nitong hiwaga, matuto sa mga taglay na mabubuting aral sa buhay, at mapalawig pa
ang imahinasyon sa mga pangyayaring kakaiba kaysa pangkaraniwan.

Ano-ano ang mga elemento ng mitolohiya?


1. Tauhan
2. Tagpuan
3. Banghay
4. Tema

Tauhan. Ang mga tauhan ng mitolohiya ay mga diyos o diyosa, makulay at puno ng imahinasyon ang
pagganap ng mga tauhan, may taglay na kapangyarihan at lahat ay kanilang magagawa.

Tagpuan. Sa tagpuan nasusuri ang kalagayan ng mga bansa noon at sa kasalukuyan. Nalalaman kung
anong uri ng komunidad mayroon ang kanilang ninuno at maiuugnay sa paraan ng kanilang pamumuhay
ngayon at pagpapahalaga sa kapaligiran sa kasalukuyan.Nasasalamin ang sinaunang lugar at kalagayan ng
bansa kung saan ito umusbong at may kaugnayan sa batis, ilog, parang, triguhan, palayan, kabundukan at
iba pa.

Banghay. Ang banghay ay naglalahad ng mga mahahalagang pangyayari, pakikipagsapalaran ng isang tao
upang ipagtanggol ang kanyang bansa. Ito ay nag papaliwanag ng mga pangyayari at kalagayan ng mga
tao sa bansang inilalarawan sa mitolohiya noon at sa kasalukuyan. Sa element ring ito makikita ang sunod-
sunod na kaganapan at pangyayari at ditto rin masusuri ang pagiging makatotohanan o di-makatotohanan
ng akda.

Tema. Naglalahad at nagpapaliwanag sa natural na mga pangyayari at ng ugali ng tao, mga kahinaan at
kalakasan ng tauhan at mga aral sa buhay

Ayon sa aklat ni Marasigan na “Pinagyamang Pluma 10”, Ang salitang mito kung saan hinango ang
salitang mitolohiya ay mula sa salitang Griyegong mythos na unang nangangahulugang “talumpati” subalit
sa katagalan ay nangangahulugang “pabula” o “alamat”.
Ang mitolohiya ay mga sinaunang kuwentong may kaugnayan sa paniniwala o pananampalataya at
nagtataglay ng tauhang karaniwang diyos o diyosa na may kapangyarihang hindi taglay ng pangkaraniwang
mortal. Ang mitolohiya ay naglalayong magbigay–liwanag sa mga bagay na mahirap ipaliwanag. Sa
mitolohiya kitang-kita ang pagiging likhang isip lamang ng mga kababalaghang taglay nito.
Kapag binanggit ang salitang mitolohiya agad pumapasok sa isipan ng mga tao ang mitolohiyang
Griyego dahil sa pagiging tanyag ng mga ito sa buong mundo. Gayunpaman marapat ding malaman na
mayroon ding koleksyon ng mitolohiya ang iba’t ibang lahi sa mundo.
Ang atin mang bansang Pilipinas ay mayroon ding mitolohiyang taglay. Tulad ng mitolohiya ng ibang
lahi, ang ating mitolohiya ay mayroon ding diyos at diyosa tulad ni Bathala, ang pinakamakapangyrihang
diyos; si Idionale ang diyos ng mabuting pagsasaka, si Tala, diyosa ng pang-umagang bituin at iba pa.
KOLOKASYON

POKUS NG PANDIWA
Pansinin ang sumusunod na mga pangungusap na hinango mula sa tekstong iyong binasa. Bigyang-pansin
ang mga pandiwang may salungguhit.
1. Tayo ay nagpakasakit upang lagutin ang tanikala ng ating pagkabusabos.
2. Gumawa tayo ng paraan upang makamit ng ating bayan ang kalayaang matagal na nating inaasam-
asam.
3. Ginamit natin ang ating katapangan sa pagtatamo ng kalayaan.

Sa una at pangalawang pangungusap, sino ang gumanap ng kilos ng pandiwa?


Ano ang kaibahan ng ikatlong pangungusap sa unang dalawang pangungusap?

Nasa pokus sa tagaganap ang mga pandiwa sa una at ikalawang pangungusap dahil ang paksa
ang gumaganap ng sinasabi ng pandiwa, ng ikinikilos ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na sino.

Nasa layon-pokus ang pandiwa sa ikatlong pangungusap dahil ang simuno ang tagatanggap ng
sinasabi ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na ano.

A.Nasa pokus tagaganap ang pokus ng pandiwa kung ang paksa ng pangungusap ang siyang gumaganap
ng kilos nito. Sa pokus na ito, magagamit sa pandiwa ang panlaping um-/-um, mag-, ma-, mang (m/n)-,
mag-an, at magsipag-an/han. Pananda ng pokus o paksa ang si/sina at ang, at magagamit din bilang pokus
tagaganap ang mga nominatibong panghalip na ako, ka, kita, siya, tayo kami, kayo, at sila.
Halimbawa. 1. Nagbihis si Thor at kinuha ang kanyang maso.
2. Naglakbay sila buong araw.
3. Napagod ang higante at ito’y nakatulog agad.

B. Nasa pokus sa layon ang pandiwa kung ang tagatanggap o tuwirang layon ng pandiwa ang paksa ng
pangungusap. Ginagamit sa mga pandiwang pokus sa layon ang mga panlaping i-, –in/hin, -an/han, ma,
paki, ipa, at paki, at panandang ang sa paksa o pokus.

B. EXERCISES FOR SKILLS/ANALYSIS USING HOTS FOR CONTENT SUBJECTS

A. EXERCISE 1

Panuto: Basahin ang sumusunod na mito.


Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Ni Snorri Sturluson
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina
Mga Tauhan:
Diyos: Thor- diyos ng kulog at kidlat at pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir
Loki- kasama ni Thor sa paglalakbay at may kapiyuhan
Higante:
Skrymir – naninirahan sa kakahuyan Utgaro-Loki – hari ng mga higante
Logi, Hugi, at Elli – kabilang sa kuta ni Utgaro-Loki
Mga Tao:
Thjalfi at Rosvka – anak na lalaki at babae ng magsasaka

Pumunta sina Thor at Loki sa lupain ng mga higante dahil ang mga higante ay kalaban ng mga
diyos sa Norse. Nang abutin ng gabi sa paglalakbay, nagpahinga sila sa bahay ng isang magsasaka na
may dalawang anak isang lalaki at isang babae. Kinatay ni Thor ang dala nitong kambing para sa kanilang
hapunan. Nagalit si Thor sa 8 magsasaka nang hindi sinunod nito ang kanyang iniutos na paghiwalayin ang
buto ng kambing sa balat nito kaya ginawa niyang alipin ang dalawang anak na sina Thjalfi at Roskva bilang
kapalit. Naglakbay sila hanggang sa makita ang natutulog na si Skrymir, isang uri ng higante. Umiinit ang
ulo ni Thor pag natutulog si Skrymir at naghihilik nang malakas kaya pinupukpok niya ng kanyang maso ang
ulo ni Skymir upang ito ay magising, ngunit akala ni Skrymir ay may nalaglag lamang na dahon sa kanyang
ulo.
Dinala ni Skrymir sina Thor at Loki kay Utgaro-Loki ang hari ng mga higante. Bago sila umalis ay
binigyan sila ni Skrymir ng mabuting payo na huwag silang magpapakita ng pagmamataas kay Utgaro-Loki.
Nakipagpaligsahan sila dito upang malaman kung gaano kalakas sina Thor.Ginamit nina Thor at
mga kasamahan ang kanilang galing at lakas. Si Loki ay may kakayahang pinakamabilis sa pagkain.
Naglaban sila ni Logi sa pabilisan ng pagkain ngunit siya ay natalo. Pabilisan sa pagtakbo naman ang
sinalihan ni Thjalfi laban sa batang si Hugi. Inulit ng tatlong beses ang labanan ngunit hindi talaga inabutan
ni Thjalfi ang batang si Hugi. Sumabak naman si Thor sa pabilisan ng pag-inom. Kaya’t tinawag ni Utgaro-
Loki ang cupbearer na dala-dala ang tambuli na madalas inuman ng mga panauhin. Sa tatlong pagkakataon
ay hindi naubos ni Thor ang laman ng tambuli. Nagalit si Thor nang matalo siya sa paligsahang ito. Isang
laro pa ang sinubukan ni Thor upang masubok ang kanyang lakas, ang buhatin sa lupa ang pusa ni Utgaro-
Loki. Hinawakan ni Thor ang palibot ng tiyan nito at sinubok na itaas gamit ang kanyang lakas ngunit paa
lamang ng pusa ang naiangat ni Thor. Lalong nagalit si Thor nang matalo sa labanang ito. Hinamon ulit niya
si Utgaro-Loki kaya itinapat ni Utgaro ang kanyang inang si Elli sa labanang wrestling.Tulad ng mga
nagdaang laban, natalo pa rin si Thor.
Ipinagtapat ni Utgaro-Loki kay Thor na nilinlang lang sila ni Utgaro-Loki, ginamitan sila nito ng
mahika upang sila ay talunin dahil alam ng hari ng higante na walang kapantay ang lakas ni Thor at ayaw
nito na may makatalo sa kanyang lakas.

I. Upang lubusan mong maunawaan ang kuwento sagutin ang mga tanong sa ibaba sa pamamagitan
ng pagbibigay ng mga sariling opinion tungkol sa paksang tinalakay: Isulat ang iyong sagot
1. Saan naglakbay sina Thor at Loki?
2. Ano ang dahilan ng pagkagalit ni Thor sa magsasaka at sa pamilya nito? Pinarusahan ba sila ni Thor?
Paano?
3. Bakit nagalit si Thor kay Skrymir? Ano ang nangyayari kapag sa galit niya ay hinahampas niya ng maso
si Skrymir?
4. Ilahad ang naging resulta sa paligsahang nilahukan nina Thor at mga kasamahan nito.
5. Ibighay ang mahahalagang kaisipan/pananaw batay sa napakinggan o nabasang mitolihya.
a. May ipinagtapat si Utgaro-Loki kay Thor nang sila’y paalis na sa lupain ng mga higante.
b. Nagalit si Thor nang hindi sinunod ng anak ng magsasaka ang iniutos nito sa kanya.
c. Binigyan sila ni Skrymir ng mabuting payo na huwag silang magpapakita ng pagmamataas kay
Utgaro-Loki.

II.Panuto: Basahing muli ang mitolohiyang Sina Thor at Loki upang lubusan kang maliwanagan sa
pagsasagawa sa susunod na gawain. Suriin ang nilalaman, elemento, at kakanyahan ng mitolohiya
sa pamamagitan ng pagpupuno sa mga kahon ng tamang sagot.Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

III. Panuto: Salungguhitan ang pandiwang ginamit sa pangungusap at bilugan ang pokus
nito.Pagkatapos sabihin kung ito ay pokus sa tagaganap o layon. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
B. EXERCISE 2
I.Panuto: Iugnay ang mahalagang kaisipan sa mitolohiyang binasa sa sariling karanasan.

1. Kung ikaw si Thor, ano ang iyong mararamdaman kung malaman mong natalo ka sa paligsahan dahil sa
pandaraya?

2. Pumili ng isang bahagi na iyong nagustuhan mula sa mitolohiyang binasa at iguhit ito. Pagkatapos
ipaliwanag kung bakit ito ang iyong piniling tagpo.

II.Panuto: Hanapin sa B ang kahulugan ng mga salita sa Hanay A. Isulat ang sagot sa patlang.

C.

ASSESSMENT / APPLICATION
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian. Bilugan ang titik ng mapipili mong sagot.
1. Bakit kailangang pag-aralan ang mitolohiya?
A. dahil nagdudulot ito ng aliw sa mambabasa
B.upang mapahalagahan ang uri ng akdang ito
C. upang makikita at mapapahalagahan ang kaugalian, uri ng pamumuhay,paniniwala at kultura ng sang
bansa D. dahil kailangang matutunan ito ng mag-aaral.
2. Ang pagbibigay ng payo ng higante kay Thor ay nangangahulugan ng _____.
A. pag-aalala B. pagmamalasakit C. pagmamahal D.pagtanaw ng utang na
loob
3. Ang pagtatanong ni Skrymir kay Thor kung may ibon ba sa taas ng puno ay nangangahulugang hindi niya
_.
A. alam na naunang nagising si Thor B.nalalaman ang sikreto ni Thor
C. naramdaman ang paglipad ng ibon D. naramdaman na tinaga siya ni Thor
4. Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng mitolohiya liban sa ________.
A. kapani-paniwala ang wakas B. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya
C. may salamangka at mahika D. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan
5. Ang angkop na kasabihan sa sitwasyong “nilinlang si Thor ng Hari ng mga Higante upang sila ay
mapasakop sa kapangyarihan nito” ay
A. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang
B. Ang mabuting layunin ay hindi mapapangatwiranan sa masamang paraan.
C. Anumang tibay ng abaka ay wala rin kapag nag-iisa.
D. Matalino man ang matsing napaglalamangan din
6. Ito ay elemento ng mitolohiya na tumatalakay tungkol sa paniniwalang panrelihiyon.
A. banghay B. tagpuan C. tauhan D. tema
7. Siya ang diyos ng kulog at kidlat at pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir.
A. Loki B. Odin C. Skrymir D. Thor
8. Ito ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa kultura sa mga diyos o bathala at ang kanilang mga
karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao.
A. dula B. maikling kuwento C. mitolohiya D. tula
9. Nang mapansin ni Thor na bali ang paa ng isang kambing ay nanlilisik ang kanyang mata. Ano ang
damdaming ipinahahayag sa pangungusap?
A. pagkaawa B. pagkagalit C. pagkalungkot D. pagkatuwa
10. Tuwing maririnig ni Thor ang ungol ng higante ay mag-iinit ang kanyang ulo at pinupukpok niya ng maso
ang higante. Si Thor ay nagpapakita ng__
A. pagkamaawain B. pagkamahiyain C. pagkamainipin D. pagkamainitin ang
ulo
11. Ano ang ginawa ni Thor bilang kabayaran sa hindi pagsunod ng pamilya ng magsasaka sa kanya?
A. ginawang alipin at isinama sa paglalakbay
B. ginawang kambing sina Thjalfi at Rovska
C. pinakaladkad sila ng kanyang mga kambing
D. pinukpok ng maso ang dalawang anak ng magsasaka
12. Ano ang ginawang paraan ni Utgaro-Loki upang hindi sila matatalo nina Thor sa labanan?
A. ginalingan nila ang pakikipaglaban B. gumamit si Utgaro-Loki ng mahika
C. humingi sila ng tulong sa mga higante D. inalisan ni Utgao-Loki ng kapangyarihan si Thor
13. Ayaw ni Utgaro –Loki na may mahangin ang ulo sa kanyang kaharian. Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugang;
A. hindi mapakali B. kagalang-galang C. malikot ang kamay D.mayabang
14. Nilinlang ni Utgaro-Loki si Thor upang hindi _____
A. manaig ang kapangyarihan nito B. mapaglaruan ng taglay nitong lakas
C. na makabalik sa pinagmulan D.sila masakop at magapi
15. Sila ang tauhan sa mitolohiya na naglakbay sa lupain ng mga higante.
A. Thjalfi at Rovska B.Thor at Loki C. Utgaro at Skrymir D. Vili at Ve
16. Ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.
A. pangngalan B. panghalip C. pandiwa D. pang-uri
17. Aling lipon ng mga panlapi ang pangpokus sa tagaganap?
A. -in, i-, -an, -hin B –um, mag-, magpa-, makipag-
C. ipinag-, ikina-, ika-, ipang D. maipag-, ipang-, ipaki-, ipagpa
18. Pumili sila ng mga pinunong karapat-dapat sa tungkuling gagampanan. Nasa pokus sa ____________
ang pangungusap.
A.layon B.pinaglalaanan C. sanhi D. tagaganap
19. Madaling magpalaki ng anak ang magulang na marunong kumilala ng pananagutan. Ang pandiwang
nasa pokus sa tagaganap ay ____
A. kumilala B. madali C. magpalaki D. marunong
20. Kung ang bawat isa’y __________ (bahagi) tiyak ang tagumpay ng ating mga balakin. Alin ang tamang
panlaping dapat ikabit sa salitang nasa panaklong?
A. magpa- B.maka- C. makapag- D. maki-
D. SUGGESTED ENRICHMENT/REINFORCEMENT ACTIVITY
I. Basahin ang teksto sa ibaba at pagkatapos ibigay ang katumbas na salitang ginamit sa kuwento
sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga titik na nasa kahon. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
Ang mga Diyos ng Norse
Ang mga diyos ng Norse ay kilala sa tawag na Aesir. Ang mga Aesir ay ang mga diyos ng digmaan at ng
kalangitan. Sila ay kawangis ng mga mortal na tao subalit mas malalaki na tulad ng higante. Bihira silang makihalubilo
sa mga tao hindi tulad ng mga Greek Gods.
Ang mga Aesir ay naninirahan sa Asgard. Ang Asgard ay iba sa langit na iyong pinapangarap na makita.
Wala itong ningning ng kasiyahan o labis na kaligayahan. Ito ay isang tahimik na lugar na may nagbabantang tiyak na
kamatayan. Alam ng mga diyos na darating ang panahon na sila ay mawawasak. Darating ang kanilang mga kalaban
na handa silang sugpuin. At ang Asgard ay mawawasak. Ang mga mortal nilang kalaban ay ang mga higante na
nananahan naman sa Jotunheim.
Ang katotohanang ito ay hindi kaila sa lahat ng nananahan sa Asgard lalo na sa kanilang pinuno na si Odin.
Tulad ni Zeus, si Odin ang bathala ng mga diyos at lumikha sa mga tao. Siya ang may pinakamabigat na tungkulin na
pigilan ang araw ng pagwawakas. Ang kanyang asawa ay si Frigga, isang makapangyarihang diyosa na may
kakayahang makita ang hinaharap. Sa lahat ng mga diyos na naninirahan sa Asgard, lima sa kanila ang
pinakamahalaga. Sila ay sina Balder, Thor, Freyr, Heimdall, at Tyr.Si Balder ang pinakamamahal sa lahat ng mga diyos.
Ang kanyang kamatayan ang maituturing na pinakamalaking sakuna na dumating sa mga Aesir. Si Thor ang diyos ng
kulog at kidlat; siya rin ang pinakamalakas sa lahat ng diyos sa Aesir. Sa kanya ring pangalan hinango ang araw ng
Huwebes. Makikitang madalas niyang dala ang malaking martilyo na tinatawag na Mjolnir. Ang tagapangalaga naman
ng mga prutas sa mundo ay si Freyr. Samantalang si Heimdall ang tanod ng Bilfrost, ang bahagharing tulay patungo sa
Asgard. At si Tyr ang diyos ng digmaan at sa kanyang pangalan hinango ang araw ng Martes.
II.Panuto: Pagsamahin ang dalawang salita sa una at ikalawang hanay. Pagkatapos bigyang
kahulugan ang salitang mabubuo mula sa dalawang salitang pinagsama. Maaaring gumamit ng mga
pang-angkop sa pagbubuo. Sundin ang nasa halimbawa.

References
fil10-q2-mod1-Mitolohiya-Sina-Thor-at-Loki.v3.docx.pdf
http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/sina-thor-at-loki-sa-lupain-ng-mga.html
https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/thor-at-loki-79627636
Prepared by: Edited by: Reviewed by
CARINE GHIE O. ENCIO ANALIE M. MACARIMPAS BERNARDITA F. ARIAS
Teacher 1 FILIPINO Samboan District Coordinator School Principal 1
GUIDE
Para sa mga Guro:
Basahin ang nilalaman nito bago magprinta at ibigay sa mag-aaral. Kung may nakitang hindi kaaya-aya
o mga mali, mag-abiso sa kinauukulan para sa pagtama nito.

Para sa mga Mag-aaral:


Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Gawin ng masusi ang mga gawain at pasulit na
itinakda para pagkatuto. Sundin ang mga panuto sa bawat gawain at tingnan ang mga halimbawang
ibinigay.

Para sa mga Magulang/Home Tutor:


Alalayan ang mga mag-aaral sa pagsagot at pagsagawa sa mga gawain. Kung may kataungan ang
mag-aaral sagutin ng maayos, mabuti at sa abot ng makakaya.

You might also like