You are on page 1of 10

San Pablo Diocesan Catholic Schools System

Diocese of San Pablo


Liceo de San Pablo
M. Paulino St., San Pablo City, Laguna
F.Y. 2021 – 2022

LEARNING MODULE

3rd QUARTER - ( WEEK 5 - 6 )


PANGALAN: __________________________
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
BAITANG AT SEKSYON: ________________
GURO: Bb. Alliana Jill P. Rosete
Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa mga kontemporaryong isyu at
hamong pang ekonomiya, pangkalikasan, pampolitika, karapatang pantao, pang-edukasyon at
pananagutang sibiko at pagkamamamayan sa kinakaharap ng mga bansa sa kasalukuyang
panahon gamit ang mga kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at iba’t ibang
sanggunian, pagsasaliksik, mapanuring pag-iisip, mabisang komunikasyon at matalinong
pagpapasya.

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP

Ang mag -aaral ay nakagagawa ng mga Ang mag -aaral ay may pag -unawa sa mga
malikhaing hakbang na nagsusulong ng epekto ng mga isyu at hamon na may
pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kaugnayan sa kasarian at lipunan upang
kasarian upang maitaguyod ang maging aktibong tagapagtaguyod ng
pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa
pamayanan. bilang kasapi ng pamayanan.

Most Essential Learning Competencies

 Nakagagawa ng hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa kasarian na


nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.

I. PAMANTAYAN
MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng araling ito, magagawa ng mga mag-aaral na:

1. Nasusuri ang epekto ng same-sex marriage sa mga bansang pinahihintulutan ito.


2. Naipapahayag ang pananaw ng pagpapahintulot ng same-sex marriage sa bansa.

II. NILALAMAN

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Panginoon naming Diyos, nagpapasalamat po ako sa bawat araw at panibagong


pagkakataon na ipinagkakaloob niyo po sa akin para ako ay matuto. Binigyan niyo po nawa
ako ng lakas at talino para pag-aralan ang aming mga aralin sa araw na ito. Bigyan din po ng
kalakasan ang aming mga guro na walang sawang gumagabay sa aming pag-aaral. Gabayan
po ninyo ang aming mga magulang na sumusuporta sa amin sa lahat ng oras. Ilayo niyo po
kaming lahat sa kapahamakan. Dalangin po namin ito sa pangalan ni Jesus at ng mahal na
Birheng Maria. Amen.

A. MGA PAKSA: DISKRIMINASYON SA KOMUNIDAD NG LGBT AT SAME SEX


MARRIGE

B. MGA KAGAMITAN: Mga larawan, video clip, libro, Zoom application

III. PAMAMARAAN
A. PAGTUKLAS

Video Analysis
Panoorin ang video na isesend ng guro sa inyong group chat.
Panoorin ang video at sagutan ang mga pamprosesong tanong.

Pamprosesong mga Tanong:

1. Ano ang iyong pagkakaunawa sa Same-Sex Marriage??


____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________

2. Bakit kaya ipinaglalaban ng LGBTQ+ Community ang kanilang kagustuhan maging


legal dito sa Pilipinas ang Same-Sex Marriage?
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________

B. Paglinang

DISKRIMINASYON SA KOMUNIDAD NG LGBTQ+

Gay- ito ang tawag sa mga taong may lalaking sekso


ngunit may atraksiyon sa kapwa lalaking sekso.
Lesbian- ito ay may babaeng sekso at may atraksiyon sa
babaeng sekso.

Ang kanilang oryentasyong seksuwal ay Homoseksuwal, namula sa salitang homo na


ang ibig sabihin ay pareho.

Biseksuwal – ito ay tawag sa mga taong may atraksiyon sa


babae at lalaki. Ibig sabihin, ang kanilang oryentasyong sekswal ay pwede sa babae at
kapuwa lalaki (kung may lalakig sekso) at sa lalaki naman at kapuwa babae (kung may
babaeng sekso).

Transgender- ito ay mga taong naniniwalang ang kaniyang


identidad at ekspresiyong pangkasarian ay iba sa itinakdang gender role batay sa
kanilang sekso. Sa madaling sabi ang kaniyang kasarian ay hindi umaayon sa kaniyang
sekso.

Sakaling sumailalima ng isang transgender sa interbensiyong medical gaya ng gender


reassignment sa pamamagitan ng operasyon at home theraphy, siya ay tinatawag na
transeksuwal.

Queer – ang tawag sa identidad nahindi umaayon sa anumang ideya ng


seksuwalidad at kasarian.
Questioning – hindi patiyak ang oryentasyong seksuwal
Karamihan sa mga bansang may konserbatibong pagpapahalaga sa kasarian
ay naniniwalang mayroon lamang dalawang kategoryo ang kasarian –
pagkalalaki at pagkababae – na kumikilos na magkaiba sa bawat isa at
naayon sa biyolohikong sekso.
Ang paniniwala na ang bawat tao ay nabibilang sa tukoy at magkatugmang
kasarian (lalaki at babae) at ang natural na ugnayang seksuwal ay sa pagitan
lamang nito ay tinatawag na Heteronormativity.
Maraming mga bansa sa mundo ang gumagawa ng mga batas na sumisikil sa
mga karapatan ng mga kasapi ng LGBT.
Ang mga bansang ito ay matatagpuan sa:
 Aprika
 Kanlurang Asya at mga bansang Islamiko
Sa kasalukuyang tala, humigit kumulang na 76 na bansa ang itinuturing na
krimen ang mga gawaing homoseksuwal.
Kabilang dito:
 Afghanistan
 Iran
 Nigeria
 Qatar
 Saudi Arabia
 Somalia
 Sudan
 Yemen
 Mauritania
 UAE
Mabigat ang parusang kinahaharap nila, kabilang ang paglalatigo, pahahampas
(caning), pagbabato (stoning), o kamatayan. Mayroon namang 65 bansa ang
mayroong mga batas laban sa homoseksuwal ngunit hindi nagpapataw ng parusang
kamatayan
Kabilang dito:
 Pakistan
 Brunei
 Chad
 India
Marami ng napapabalitang pinatay na homoseksuwal sa mga lugar na minsang
pinamumunuan ng grupong Islamic State na kilala na nagpapatupad ng radikal na
Islam.
Narito pa ang iba pang naiulat na karahasan sa mga kasapi ng LGBT:
 Sa Chechnya sa Rusya, napapabalitang inaaresto ang mga
pinaghihinalaang homosweksuwal at inaabusong pisikal at berbal,
pinapahirapan at iniinsulto, at ipinapahiya. Ginagawa umano ito ng mga
local na militar at pulis.
 Inatake ng isang Gunman ang gay night club sa Orlando, Florida kung
saan 49 ang namatay at 53 ang sugatan.
 Sa Moskow, Rusya noong 2014 napabalitang pinaulanan ng bala at
sinunog ang isang night club na pinupuntahan ng mga kasapi ng LGBT.
 Limang tao naman ang namatay nang salakayin ng isang lalaki ang
isang parada ng gay pride sa Jerusalem noong 2015.

Sa Estados Unidos, halimbawa, iniulat ng Federal


Bureau of investigation (FBI) na kabilang sa hate
crime na natala nila ang mga nasa kategorya ng Sexual
orientation bias, gender bias, at gender identity bias, na
nasa pinagsamang 19. 8 % ng kabuuang hate crime,
ayon sa kanilang Hate Crime Statistics 2015.
Sa kasaysayan ng pakikibaka para sa karapatan ng mga
kasapi ng LGBT, mahalagang yugto ang tinaguriang
Stonewall Riots noong 1969. Ito ang serye ng biglaan at
bayolenteng pag-aaklas ng komunidad ng mga bakla
laban sa New York dahil sa panggigipit ng mga
kapulisan at sa mahigpit na patakaran laban sa mga
homo seksuwal.
Nagsimula ito sa sapilitang raid na ginawa ng mga pulis
sa isang popular na lugar-tipunan ng kliyenteng
homoseksuwal– ang Stonewall inn. Naging daan ang Stonewall Riots para magbuklod-buklod ang mga
kasapi ng LGBT.
Ito ang naging inspirasyon para sa mga naunang pride march na ginawa noong dekada 1970.

GENDER NORMATIVE - Perspektiba kung saan ang indibidwal ay nagtutugma ang sekso sa
kanilang kinikilalang kasarian.

HATE CRIME - Katawagan sa anumang krimen na ginawa


laban sa isang tao dahil sa kaniyang lahi, relihiyon, kasarian.
Oryentasyong seksuwal o etnisidad.

Share Mo Lang Activity!


1. Ano ang masasabi mo sa mga balita ng karahasan at diskriminasyon sa LGBT
Community?

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

2. Sa kasalukuyang panahon, may sapat na bang pagpapahalaga at proteksyon laban sa


karahasan ang mga kasapi ng LGBT Community? Ipaliwanag ang Sagot.

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

C. PAGPAPALALIM

Same Sex Marriage


Isa pa sa pangunahing mithiin ng mga kasapi ng ng LGBT ay ang pagkakaroon ng
karapatan na maikasal sa ilalalim ng proteksyon at pagkalinga ng batas. Marriage equality
ang terminong ginamit para tukuyin ito.

Marami ang tumutol dito dahil sa pangamba na sa pagpayag ng pagpapakasal ng lalaki sa


kapuwa lalaki at ng babae sa kapuwa babae ay magpapahina ng institusyon ng pamilya na
pangunahing sandigan ng isang matibay na lipunan. Marami ring tumatanggi sa anumang uri
ng same sex marriage o kahit civil union dahil isa umano itong pag-atake sa mga tradisyonal na
pagpapahalaga ng isang bansa. Taliwas din ito sa mga pamantayan ng konserbatibong relihiyon
na itinuturing ang anumang uri ng seksuwalna aktibidad sa pagitan ng dalawang lalaki o
dalwang babe bilang di-natural at dinaayon s ataman pamantayan ng pagkilos sang-ayon sa
kanilang paniniwala.

Ilang mga bansa na kumikilala at nagsasagawa ng same sex marriage.

Taon Bansa
2001 Netherlands
2003 Belgium
2005 Espanya
Canada
2006 South Africa
2009 Norway
Sweden
2010 Portugal
Iceland
Argentina
Denmark

2013 Pransiya
Brazil
England at Wales (UK)
2015 Uruguay
Ireland
EstadosZealand
New Unidos
2014 Luxembourg
Scotland (UK)
Slovenia
2016 Colombia
Estonia
2017 Finland
Germarny

Panuto: Gumawa ng isang Facebook post tungkol sa isyu ng Same-Sex Marriage

Online: Gawin ang ang Facebook post sa AP10 Group sa facebook at magupload din ng
larawan na may kauganyan sa paksa.

Modular: Gumupit o magprint ng larawan na may kinalaman sa Same-Sex Marriage at isulat


sa ibaba ang iyong facebook post.
User name:

Caption:

D. PAGLILIPAT

Gumawa ng batas para sa LGBT Community tungkol sa


pagtanggap at paggalang upang maitaguyod ang pagkakapantay - pantay. Ilagay ang
iyong dahilan kung bakit ito ang iyong ginawa.

Online: Gamitin ang inyong Genyo Account sa paggawa ng batas.


Modular: Isulat sa patlang ang iyong sagot.

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

E. PAGPAPAHALAGA
Pagkakaroon ng pagpapahalaga at pagbibigay galang sa bawat
miyembro ng LGBT Community.

You might also like