You are on page 1of 6

ESP 10

Module

Quarter 3 Week 4

Name: ____________________________ Date: _________

Section: _____________ Teacher: Mr. L.V. Delfino

PANIMULANG PANALANGIN

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu-Santo iisang Diyos. Amen.

Panginoon, tunay na pinagmulan ng liwanag at karunungan, pagkalooban mo ako ng


matalas na pangunawa, ng kakayahan magsaulo ng mga aralin at unawain ang mga ito ng
wasto at tama. Pagkalooban mo ako ng biyayang maging maayos ang aking mga
paliwanag at ng kakayahang ipahayag ang aking sarili nang lubos at maliwanag. Samahan
mo po ako sa simula ng aking pag-aaral, gabayan mo ang pag-unlad hanggang sa ito ay
matapos. Amen.

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu-Santo iisang Diyos. Amen.

PAGSASABUHAY NG PAGMAMAHAL SA BAYAN (PATRIYOTISMO)

(IKALAWANG BAHAGI)

MGA BIRTUD AT PAGPAPAHALAGA NA MAKATUTULONG UPANG MAPALALIM ANG


PAGMAMAHAL SA BAYAN.

May tatlong pagpapahalaga na kailangang isabuhay ng tao ayon kay Julia ‘Butterfly”
Hill. ito ay ang kapangyarihan upang pumili ng ano mang desisyon, pananagutan sa
bawat bagay at desisyong ating gagawin, at pagmamahal na siyang nagbibigay kasiyahan
sa atin sa paggawa ng nararapat upang mapangalagaan ang yaman ng mundo.

Sa pagsasabuhay ng mga pagpapahalagang nabanggit, kinakailangan ang


pagpapalaganap ng tatlong elemento ng lipunan. Ang mga elementong ito ay ang
paggalang sa pagkatao ng tao, ang tawag ng katarungan, at ang kapayapaan. Inilahad ni
David Isaacs sa kaniyang aklat na pinamagatang ng, “Character Building: A Guide for
Parents and Teachers,” ang kahalagahan ng pagsasabuhay ng mga birtud na itinataguyod
ng mga elementong ito sa pagkamit ng kaunlaran at kaayusan ng lipunan. Mula rito,
mahiinuha na dapat nating panatilihin ang ating mga mabubuting asal upang maging
daan tayo sa paghahanap ng solusyon sa mga suliraning kinakaharap ng ating bansa. Sa
ganitong paraan, makagagawa tayo ng makataong pagpapasiya at kilos patungo sa
pagkakaroon ng makabuluhan at mabuting pakikipag-ugnayan sa Diyos, kapwa, at
kapaligiran. Ito ang tinutukoy ni Santo Tomas de Aquino bilang birtud ng kabanalan na
iniuugnay niya sa patriyotismo.
Upang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan, balikan natin ang mga
pagpapahalagang nakapaloob sa Panimula o Preamble ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas.

1. Pagpapahalaga sa buhay - nabigyang-diin sa naunang aralin ang pagpapahalaga


sa buhay ng tao sapagkat ito ay natatanging regalo na nagmula sa Diyos kung
kaya’t moral na obligasyon ng bawat isa ang paggalang sa buhay ng kapwa
sapagkat Diyos mismo ang nagkaloob nito. Bunsod nito, kinakailangan nating
gawin ang lahat upang maprotektahan ang buhay ng bawat isa. Isa sa mga paraan
upang maisagawa ito ay ang pangangalaga sa ating sariling kalusugan, isipan, at
dignidad upang mas lalo tayong maging malayang magsilbi sa iba.
2. Katotohanan - ang pagpapahalaga sa katotohanan at integridad ay hindi
kailanman matatawaran. Kung kaya’t nararapat itong pangalagaan sa lahat ng
pagkakataon sa pamamagitan ng pag-iwas sa ano mang pagkukunwari at mga
bahay na hindi totoo, at patuloy na pagtuklas sa katotohanan at lahat ng uri ng
kaalaman.
3. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa - dapat maging layunin ng bawat isa
na mapabuti ang lahat ng kabahagi sa lipunan upang makamtan ang kabutihang
panlahat. Maipamamalas ito sa pamamagitan ng pagmamahal at pagmamalasakit
sa kapwa gaya ng pagpaparamdam sa kanila ng karamay nila tayo sa ano mang
hirap na maaari nilang maranasan. Sa ating pakikipagtulungan at
pakikipag-ugnayan sa kanila, mararamdaman nila na kabahagi sila ng ating
pagkatao. Kung kaya’t ang pagsulong sa kabutihan ng kapwa ang dapat
isaalang-alang ng bawat mamamayan.
4. Pananampalataya - sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Diyos,
natututo tayong magtiwala sa Kaniya na ang lahat ay posible at makakaya. Ito rin
ang nagsisilbing gabay natin upang kumilos nang naaayon sa batas na moral.
5. Paggalang - likas sa atin ang ating mga karapatang pantao sapagkat taglay na
natin ang mga ito mula noong nilikha tayo ng Diyos. Kung kaya’t kailangan matuto
tayong igalang ang karapatang pantao ng bawat isa upang wala tayong matapakan
at makamtan natin ang kabutihang panlahat. Sa ganitong paraan, maitataguyod
din natin ang pangangalaga ng ating dignidad at ng dignidad ng ating kapwa.
6. Katarungan - upang maipaglaban at makamtan natin ang katarungan, nararapat
nating alamin ang ating mga karapatang pantao. Sa ganitong paraan,
maisasaalang-alang din natin ang mga karapatan ng ating kapwa at maiiwasan
ang ano mang uri ng paglabag o panlalamang.
7. Kapayapaan - makakamit lamang ang kapayapaan kung iginagalang ng mga
mamamayan ang isa’t isa, sa ganitong paraan, mananaig ang katarungan at
magkakaroon ng katahimikan at kapanatagan. Maiiwasan din ang kaguluhan at
maitataguyod ang kabutihang panlahat.
8. Kaayusan - makakamit lamang ang kaayusan kung mayroon tayong disiplina sa
sarili paagdating sa ating pag-iisip, pananalita, at pagkilos. Sa ganitong paraan,
maiiwasan natin ang ano mang gulo o hindi pagkakaunawaan higit na mas
mapapabuti rin ang ugnayan natin sa ating kapwa. Ang pagkakaroon natin ng
disiplina at nag-uugat sa pundasyon ng ating mga birtud na nabuo sa loob ng
ating tahanan at mas pinagtibay pa sa loob ng paaralan,
9. Pagkalinga sa pamilya at salinlahi - dahil ang pamilya ang itinuturing na
pangunahing institusyon ng lipunan, nakaatang dito ang tungkuling pangalagaan
ang pisikal, moral, ispiritwal, at panlipunang pag-unlad ng bawat miyembro nito
lalong-lalo na ang mga bata. Bahagi nito ang pagtuturo sa mga bata tungkol sa
kultura, tradisyon, at paggalang sa pagkakakilanlan ng bansa.
10. Kasipagan - ang kasipagan sa paggawa ay maipamamalas sa pamamagitan ng
pagsisikap sa paggawa at pagtapos ng isang gawain nang mahusay. Sa
pamamagitan nito, nabibigyang-tulong ang kapwa at naibabahagi na rin sa iba
ang angking talento at kahusayan sa paggawa ng isang bagay. Kung ang bawat
mamamayan at maipamalas ang kasipagan sa paggawa, siguradong magiging
mabilis ang pag-unlad ng bansa.
11.Pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran - bilang tao, nakaatang sa atin ang
tungkulin pangalagaan at protektahan ang kalikasan at ang mga iba pang nilalang
sa mundo. Kung kaya’t marapat lamang nating tuligsain at ikondena ang ano
mang uri ng pang-aabuso o pagwasak sa kalikasan at iba pang nilalang.
12. Pagkakaisa - ang pagkakaisa at maipamamalas sa pmamagitan ng
pakikipagtulungan ng bawat isang mamamayan sa pagkamit ng iisang layunin
para sa kabutihang panlahat at sama-samang pag-unlad.
13. Kabayanihan - ang kabayanihan ay hindi lamang tumutukoy sa mga gawaing
kagila-gilalas na nagpapamalas ng katapangan gaya ng pagliligtas sa isang bata
mula sa nasusunog na bahay at pagharang ng sarili sa isang taong tatamaan dapat
ng bala. Ito rin ay maaaring tumutukoy sa mga simpleng gawaing nakapagdudulot
ng pagbabago o kaginhawaan sa buhay ng ibang tao gaya ng libreng pagtuturong
isang guro sa mga batang lansangan kung paano magbasa at magsulat.
14. Kalayaan - tungkulin ng isang taong may dignidad ang pggawa ng mabuti at
mga katanggap-tanggap na kilos na naaayon sa mga batas na ipinatutupad.
15. Pagsunod sa batas - tungkulin ng bawat mamamayan na alamin at sundin ang
mga batas sapagkat ang mga ito ang nangangalaga at magbibigay proteksyon sa
kanilang mga karapatan.
16. Pagsusulong ng kabutihang panlahat - maisusulong lamang ang kabutihang
panlahat kung sama-samang kumikilos ang bawat isa upang mahikayat ang lahat
na makibahagi sa mga programa tungo sa kaunlaran.

Ang mga pagpapahalagang nabanggit ay mahalagang maisabuhay ng bawat isa sa mga


aktuwal na mabubuting kilos upang maitaguyod ang pambansang pagkakalilanlan. Sa
ganitong paraan, naisasapuso ang pagmamahal sa bayan na nagsisilbing sandigan nang
maibabahagi sa pagsusulong ng patriyotismo. Maaari mo itong simulan sa inyong
tahanan, paaralan, at pamayanan. Sang-ayon dito ang tinuran ni San Juan Pablo XXIII na,
“Ang dignidad ng persona ng tao ay kasama sa kaniyang karapatan na maging bahagi sa
aktibong pakikilahok sa lipunan upang makapag-a,bag sa kabutihang panlahat.” kung
kaya’t bilang nagdadalaga o nagbibinata na mayroong pagmamahal at pagmamalasakit
sa bayan, marapat mong isabuhay ang taos-pusong paglilingkod sa bayan at sa kapwa.
Maging mapanuri kung kailan ka kikilos gamit ang iyong angking karunungan. Ibigay kung
ano ang nararapat para sa iba at isapuso ang mga sumusunod:
1. Tumutulong sa mga gawaing bahay at makiisa sa ano mang adhikain ng iyong
pamilya.
2. Panatilihin ang sariling disiplina sa lahat ng pagkakataon. Sumusunod sa tamang
kalakaran at mga batas sapagkat ang pagiging disiplinado ay nagbubunga ng
maraming benepisyo sa kapwa.
3. Makiisa sa pagsasakatuparan ng mga programa para sa kalinisan, katatungan at
pagbabantay ng kalikasan sa halip na kumontra o magsawalang-bahala na
lamang.
4. Isabuhay ang paggalang at kagandahang-asal sa lahat ng tao pati na sa mga
opisyal ng pamahalaan at mga awtoridad.
5. Sikaping maging matapat sa isa, sa salita, at sa gawa.

Sa panglahat, alalahanin natin na walang nabubuhay nang mag-isa. Kasapi sa


lipunang nangangailangan ng katarungan at pagmamahal. Bilang kasapi, isaalang-alang
natin ang prinsipyo ng subsidiarity o pagtutulungan upang makamit natin ang kaunlaran.
Tayo-tayo ang magpupuno sa kakulangan ng bawat isa. Kaya nilikha tayong magkakaiba
upang matugunan natin ang pangangailangan ng isa’t isa. Ang patriyotismo ay hindi
lamang umiikot sa buong pusong pag-awit ng pambansang awit, pagtangkilik sa ating
mga lokal na produkto, o pagsasabuhay ng kinagisnang tradisyon. Bagsuk,
naipamamalas din ito sa paggawa ng mga bagay at pagganap sa mga tungkulin na
nakatutulong sa ating kapwa sa pamamagitan ng sarili nating pamamaraan. Sa
pamamagitan ng ating paglilingkod sa kapwa makatutulong tayo na mapabuti ang
kanilang kalagayan, mapaunlad ang kanilang buhay, at mahubog ang kanilang pagkatao.

Bukod sa prinsipyo ng subsidiarity, dapat din nating isaalang-alang ang prinsipyo ng


solidarity o pagkakaisa sapagkat tatak din ito ng patriyotismo. Ang
pagkakabuklod-buklod ng mamamayan ay magdudulot ng kaunlaran at magtataguyod ng
pambansang pagkakakilanlan. Ang prinsipyong ito ang siyang magiging saan upang
makamtan ang pangunahing layunin ng bawat isa na mamuhay sa lipunan at
maipalaganap ang katarungang panlipunan sa pamamagitan ng matapat, mabuti, at
maayos na pagganap sa mga gawain, at pagyakap ng tungkuling makakapag-ambag sa
pag-unlad ng pamayanan at sariling bayan.

Higit sa lahat, mahalaga ring kilalanin natin ang ating sariling bayan sapagkat ang
pag-unawa kung sino tayo bilang isang lahi at kung ano ang mayroon sa ating bansa ay
malaking tulong sa pagpapalalim ng kultura at tradisyon ng ating bansa, ng kasaysayan,
at ng kapwa natin mamamayan. Sabi nga ni Dale Dennis David, “Mapapatibay ng malalim
na pagkilala sa bansang tinubuan ang pagmamalaki ng ating pagkakakilanlan.” Dahil
kung ikinahihiya ay itinatanggi natin ang ating pagkakakilanlan, hindi natin magagawang
humarap sa mga banyaga o si man nang may pagmamalaki. Samaktwid, walang sino man
ang may kakayahang magmalaki kung hindi lubos na kilala ang sariling bansa at angkinin
ito bilang bahagi ng kaniyang pagkatao at pagkakakilanlan.

Sagutan Natin.
Basahin ang mag sumusunod na katanungan at ipaliwanag ang iyong sagot sa bawat
isa.
1. Batay sa araling natalakay, mahirap o madali ba ang maging makabayan? So
anong paraan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Bakit mahalagang maipakita ang pagiging makabayan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Ano ang mga gawaing nagpapakita ng kawalan ng pagmamahal sa bayan?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

4. Ano ang mangyayari kung ang mga Pilipino ay walang pagmamahal sa bayan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

5. Paano maipapakita ng isang Pilipino ang kaniyang pagmamahal sa bayan?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

You might also like