You are on page 1of 5

ESP 10

Module

Quarter 3 Week 4

Name: ____________________________ Date: _________

Section: _____________ Teacher: Mr. L.V. Delfino

PANIMULANG PANALANGIN

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu-Santo iisang Diyos. Amen.

Panginoon, tunay na pinagmulan ng liwanag at karunungan, pagkalooban mo ako ng


matalas na pangunawa, ng kakayahan magsaulo ng mga aralin at unawain ang mga ito ng
wasto at tama. Pagkalooban mo ako ng biyayang maging maayos ang aking mga
paliwanag at ng kakayahang ipahayag ang aking sarili nang lubos at maliwanag. Samahan
mo po ako sa simula ng aking pag-aaral, gabayan mo ang pag-unlad hanggang sa ito ay
matapos. Amen.

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu-Santo iisang Diyos. Amen.

PAGSASABUHAY NG PAGMAMAHAL SA BAYAN (PATRIYOTISMO)

Obhetibo:

● Maipaliwanag ang kahulugan ng pagmamahal sa bayan.


● Maipamalas ang pag-unawa sa pagmamahal sa bayan
● Makagawa ng mga angkop na kilos upang maipamalas ang pagmamahal sa bayan
● Matukoy ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan at ang mga umiiral na
paglabag dito sa lipunan
● Maipahayag nang buong kagalakan na nakaugat ang sariling pagkakakilanlan sa
pagmamahal sa bayan.

Basahin natin.

Natatanging Bayan

Sa iyong kandungan, minamahal na bayan,


Ako’y iyong inaruga at minahal mo nang walang hanggan,
Ang iyong angking likas na yaman, iyong sinisikap pamahalaan
Upang lahat ng mamamayan, matutugunan ang lahat ng pangangailangan.

Muli pagkabata, pagdaralita mo’y iyong binabata.


Lihim mo man itong ipinagluluksa, sa iyong mga mata hindi naalintana.
Maliit ka man kung titignan,
Ngunit siksik ka naman sa likas na yaman.

‘Di man mabilis ang iyong progreso,


Ngunit serbisyo para sa mga tao ay garantisado.
Mga batas man ay hindi gaanong organisado,
Ngunit mababait at maaasahan naman ang mga ito.

Mga Pilipino’y simpleng makitungo,


Ngunit siksik ang kanilang talino.
Pag-awit, pagsayaw, at iba’t ibang talento,
Buong giliw ihahandong ito sa iyo.

Maari mo msng hindi magustuhan,


Ugali ng iba sa ibang larangan,
Ngunit kung pakikipagkaibigan ang pag-uusapan,
Mga Pilipino ang siguradong number one.

Kaya nahahalina makipamuhay ang mga banyaga.


Sapagkat bayanihan ay kanilang nasasaksihan,
Maalab na pagbati ay kanilang nararamdaman,
At tunay na pakikipagkapwa ay kanilang natutunghayan.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong ayon sa tulang binasa.

1. Anong mga katangian ng nasabing bayan ang nabanggit sa tulang iyong binasa?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Sang-ayon ka ba sa sinabi ng manunulat na mga Pilipino ang number one sa


pakikipagkaibigan? Kung oo, sa paanong paraan? Kung hindi, bakit?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Alin sa mga nabanggit na pahayag sa tula ang sinasang-ayunan mo? bakit?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
4. Malinaw mo bang nasasaksihan ang mga talento ng mga Pilipinona nabanggit sa
tula? Sa anong paraan?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

5. Anong dahilan ang nabanggit sa tula kung bakit nahalinang makipamuhay dito
ang mga banyaga?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

6. Paano nakatulong ang tulang ito upang pag-ibayuhin ang pagmamahal mo sa


iyong bayan?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

PAGSASABUHAY NG PAGMAMAHAL SA BAYAN (PATRIYOTISMO)

Tunay nga na ang pagsasaulo at pagbibigkas ng Panatang Makabayan ay isang


magandang kasanayan sa bawat paaralan na isinasagawa ng mga estudyante. Ito ay
naglalayong mapaigting ang kamalayan ng bawat isa sa kahalagahan ng pagiging
makabayan at pagsasabuhay ng mga nasasaad sa panata hindi lamang para sa bayan
kundi para na rin sa kapwa. Gayunpaman, sa bawat pagbigkas nto, ninanamnam mo ba
ang kahulugan ng bawat linya? Napakahalagang mabigyang-saysay mo ang kahulugan
nito sa pakikisalamuha mo sa kapwa at sa pagmamahal mo sa bayan. Maipamamalas mo
ito sa pamamagitan ng pagsisikap mo na maisabuhay ang pagpapahalaga sa pakikibahagi
sa pag-angat ng kulturang Pilipino at kaunlaran ng bansa. Sa pagsambit ng pahayag na,
“Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap sa bansang Pilipinas,” ang pagkakaroon
mo ng pag-aasam na balang araw, ikaw ang magiging daluyan sa minimithing pagbabago
ng bansa at ang pagmamahal mo sa bayan ang magsisilbing daan tungo sa katuparan ng
pangarap na ito.

PAGIGING MAKABAYAN

Sa iyong sariling pananaw, ano ang ibig sabihin ng pagiging makabayan? Tumutukoy
ba ito sa pagsusuot ng baro’t saya ng mga babae at barong tagalog ng mga lalaki?
Tumutukoy ba ito sa paggalang sa watawat ng Pilipinas? O tumutukoy ba ito sa
pagkakaroon ng kaligayahan at kaganapan sa puso at buhay kapag nakatutulong sa
kapwa Pilipino at nagkakaroon ng kontribusyon para sa kaunlaran ng lipunan? Bilang
nagdadalaga o nagbibinata, paano mo ipinakikita o naisaasabuhay ang pagmamahal mo
sa bayan o ang iyong pagiging makabayan? Kung tutuusin, hindi mo kailangan magbuwis
pa ng buhay tulad ng ginawa ng ating mga bayani upang masabing mahal mo ang bayan.
Sa simple mong pamamaraan, mapapatunayan mo na ikaw ay makabayan kung
tinatanggap mo nang buong puso ang iyong papel na dapat mong gampanan sa
pagmamamlasakit sa bayan. Ang pagmamalasakit na ito ay mapatutunayan sa
pamamagitan ng iyong pagtupad ng mga makataong kilos at pagpapamalas ng
kabutihang asal sa iyong mga kapwa mamamayan. Ayon naman sa Institute for
Development Education Center for Research and Communication, ang pagiging
makabayan o pagmamahal sa bayan ay maisasabuhay sa pamamagitan ng marubdob na
paggawa ng trabahong pinili o binigay, aktibong pakikilahok sa interes na mayorya o
kabutihang panlahat, at pagsawata sa mga kilos na hindi makatarungan at hindi moral.

NASYONALISMO AT PATRIYOTISMO

Marahil ay masalad mong naririnig ang mga salitang nasyonalismo ay patriyostismo sa


tuwing napag-uusapan ang pagmamahal sa bayan. Bagama’t may kaugnayan ang mga
salitang ito isa’t isa, magkaiba pa rin ang kahulugan ng mga ito. Ang nasyonalismo ay
tumutukoy sa mga ideolohiya at damdaming nagsusulong ng pagmamahal sa bayan at
humihikayat sa mga taong mayroong iisang wika, kultura, at tradisyon upang kumilos
tungo sa ikauunlad ng kanilang bayan. Samantalang ang patriyotismo naman ay
tumutuoy sa likas na damdamin at pagmamahal sa bayan na humihikayat sa mga taong
may magkakaibang wika, kultura, at relihiyon na gumawa ng sakripisyo hindi lamang
para sa ikauunlad ng kanilang bayan kundi para rin sa pagtataguyod ng kabutihang
panlahat. Kung minsan, napagpapalit ang dalawang salitang ito sapagkat ang kapwa
konsepto at nagpapahayag ng damdamin at pagpapahalaga ng pagmamahal sa sariling
bansa.

ANG PAGMAMAHAL SA BAYAN

Maraming paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa bayan. Isa sa mga ito ay ang


paggawa nang mahusay. Ang nasyonalismo at patriyotismo ay bahagi ng pagkatao na
naisasabuhay sa paggawa. Nagsisilbing daan din ang mga ito tungo sa ugnayan mo sa
iyong kapwa na katuwang mo sa pagpapaunlad ng bayan. Mula sa iyong pamilya,
nagaganap na ang ugnayan. Dito nag-uugat ang mga pagpapahalaga na iyong taglay. Ang
mga pagpapahalagang ito ang pundasyon mo sa pagtahak at pagharap mo sa mas
malawak na mundo sa labas ng iyong pamilya–ang iyong bayan. Kung hindi ka nahubog
at natutong magbigay, makiisa, makialam, at higit sa lahat, mahmahal sa mga kapamilya
mo, hindi mo rin maisasagawa ang mga ito sa bayang kinabibilangan mo.

Ang tungkulin magmahal ay nakaatang sa balikat ng bawat isa at walang sino man ang
nakaliligtas sa pagsasabuhay nito. Mula sa pamilya, sa paaralan, hanggang sa paggawa,
pagmamahal ang nagsisilbing susi patungo sa tagumpay. Gayundin sa pagkamit ng
kaunlaran ng bansa. samaktwid , maituturing ang pagmamahal bilang bigkis sa ano mang
gawain. Ito ang nagbubuklod at nagbibigay-inspirasyon sa bawat isa upang ipagpatuloy
ang buhay. Ang pamilyang nagmamahalan ay siguradong mananatiling buo, nagkakaisa,
at kailanman ay hindi magkakawatak-watak. Sila ay nagkakaisa sa pagpapaunlad ng
kanilang bayan. Kung buong puso lamang na isinasabuhay ng baway mamamayan ang
pagmamahal sa bayan, marahil ay walang lamangan, patayan, krimen, korapsyon,
hidwaan, o pamamaslang na magaganap. Marhail ay maiiwasan din ang mga kalamidad
kung mayroong pagpapahalaga ang bawat tao sa kalikasan at sa iba pang mga nilalang
na nangangailanagan din ng pagmamahal at pag-aaruga.
Maipakikita at mapatutunayan ng isang mamamayan ang kaniyang pagmamahal sa
sariling bayan sa pamamagitan ng kaniyang kahandaan sa pagbabahagi ng kaniyang
talino, talento, o kakayahan paara sa kapakanan ng kaniyang kapwa, pamumuhay nang
may integridad, paggalang sa dignidad ng bawat isa, pagtanggap sa kahinaan at
kalakasan ng kapwa, pagsisikap na maiangat ang karangalan ng sariling pamilya,
pagtuklas at pagpapanatili ng kinagisnang kultura at tradisyon, pagtangkilik sa mga
produktong gawa sa sariling bayan, at pagtataguyod ng kabutihang panlahat. Ang
pagmamalasakit ng mamamayan para sa adhikaing mapabuti ang lahat ay siyang
nagpapatunay na nakaugat ang kaniyang pagkakakilanlan sa kaniyang likas na
pagmamahal sa sariling bayan.

Bilang isang mamamayan ng bayan, ano ang nararamdaman mo kapag nakakita ka ng


mga dating makasaysayang pook na sinisira dahil lang sa tawag ng pag-unlad? May
namumuo bang pagmamalasakit at panghihinayang sa iyong kalooban o sa halip ay
natutuwa at nananabik ka pa sa mga ganitong uri ng pagbabagong nagaganap sa iyong
paligid? Sa tuwing nababanggit naman ang mga pagsasakripisyo ng mga bayaning
nagbuwis ng kanilang buhay para sa bayan, ano ang nabubuo sa iyong isipan? Naiisip mo
ba kung ano ang mga katangi-tanging bagay na magagawa mo para sa bayan nang hindi
na kailangan pang mag-alay ng dugo o buhay? Kung nakadarama ka ng pagmamalasakit
sa mga kondisyong nabanggit, ibig sabihin, likas ang iyong pagmamahal sa bayan.

Kung tatanungin ka at susuriin kung paano mo inaawit ang pambasang awit,


masasabi mo ba na inaawit mo ito nang buong puso? Kung oo, paano mo ito
isinasabuhay o ipinakikita sa aktuwal na buhay? Hindi nga ba’t kahit sa pagtindig lang at
pagbigkas ng buo ay hirap ka pang gawin ito? Marahil at nakararamdam ka pa ng hiya.
Kapag nakaririnig ka naman ng mga batang mas matatas pa sa Ingles kaysa sa Filipino,
hindi ba’t mas natutuwa at namamangha ka pa? Maituturing na simpleng bagay lamang
ang mga nabnaggit na halimbawa at hindi naman nangangahulugan ang mga ito ng
pagmamahal sa sariling bayan. Gayunpaman, ang buong pusong pag-awit at ang
paggamit ng wikang Filipino nang may buong pagmamalaki ay tanda ng pabibigay-halaga
sa mga aspektong kumakatawan sa pambansang pagkakakilanlan ng mga Pilipino at ng
bansang Pilipinas. Kung kaya’t sa iyong murang edad, mahalagang maisabuhay mo ang
pagiging makabayan sa isip, sa salita, at sa gawa upang magsilbi kang inspirasyon sa mga
kapwa mo kabataan. Ipagbunyi mo ang iyong pagiging Pilipino gamit ang iyong angking
talino at mga pagpapahalagang ipinunla sa iyo ng iyong mga magulang. Isulong mo ang
mayamang kultura at tradisyon ng mga Pilipino na siyang tatak ng pagkakakilanlan.

You might also like