You are on page 1of 27

Edukasyong

Pangkatawan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Mga Kasanayan sa Paghagis at
Pagsalo, Relay at Races
Edukasyong Pangkatawan – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Mga Kasanayan sa Paghagis at Pagsalo Relay at
Races
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

Edukasyong
Pangkatawan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Mga Kasanayan sa Paghagis at
Pagsalo Relay at Races
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang MAPEH - Ikalawang
Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga
kasanayan sa Paghagis at Pagsalo Relay at Races.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang
gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at
pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang
mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

1
Malugod na pagtanggap MAPEH - Ikalawang Baitang ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga
Kasanayan sa Paghagis at Pagsalo Relay at Races
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang


mga dapat mong matutuhan sa
Alamin
modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
Subukin
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
Balikan
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
Tuklasin
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

2
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
Suriin
nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
Pagyamanin
upang mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap
Isaisip
o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin
Isagawa
ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa


o masukat ang antas ng pagkatuto sa
Tayahin
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

3
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang panibagong gawain upang
Gawain pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot


sa lahat ng mga gawain sa modyul.
Susi sa Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul


na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang


gawaing napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat


pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga


gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

4
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung


tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa


modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro
o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o
sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka


ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

Ang modyul na ito ay may mga gawain na makatutulong


upang matukoy at maunawaan ng husto ang mga pangunahing
kasanayan sa Paghagis at Pagsalo Relay at Races.

Sa katapusan ng aralin na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. natutukoy ang mga pangunahing kasanayan sa


Paghagis at Pagsalo Relay at Races

5
2. naisasagawa ang mga pangunahing kasanayan sa Paghagis
at Pagsalo Relay at Races

3. nabibigyang halaga ang mga kasanayan sa Paghagis at


Pagsalo Relay at Races sa pamamagitan ng pakikilahok sa
mga masayang gawaing pangkatawan

6
Subukin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa mga


naging karanasan mo sa paglalaro. Isulat ang iyong sagot sa
isang sagutang papel.

1. Anong bahagi ng iyong katawan ang napaunlad mo sa


iyong paglalaro? Magbigay ng bahagi ng katawan na
napaunlad.
2. Nakatulong ba sa iyong kalusugan ang gawaing
paglalaro?
3. Paano mo ito magagamit sa araw-araw na gawain sa
tahanan o sa paaralan?
4. Sa iyong palagay naging epektibo ba ang gawaing
paglalaro upang magkaroon ka ng malakas na
pangangatawan?
5. Nasisiyahan ka ba sa tuwing ikaw ay nakikilahok sa
paglalaro?

7
Aralin Mga Pangunahing
Kasanayan sa Paghagis at
1 Pagsalo Relay at Races

Balikan

Pamilyar ka ba sa mga larawan na nasa itaas? Ano


ang masasabi mo tungkol dito? Nilalaro mo ba ang larong
ito? Nasiyahan ka ba sa paglalaro nito?

8
Tuklasin

Panuto: Gawin ang mga sumusunod na pamamaraan.


Maaaring yayain o magpatulong sa mga ibang miyembro ng
pamilya. Gawin ito sa isang sagutang papel.
Pamamaraan:
1. Gawin ang mga kasanayan ng limang beses.
2. Matapos maisagawa ang mga gawain kulayan ng dilaw
ang mga bituin na makapagsasabi kung paano mo ginawa ang
mga gawain.
Kasanayan Pinakamahusay Mas Mahusay
mahusay
1. Pagtakbo

9
2. Pag-iwas
3. Pagsalo
4. Paghagis

5. Pagtalon

Suriin

Ang isang laro ay isang gawaing kinasasangkutan ng isa


o maraming manlalaro. Maaaring bigyang kahulugan ito bilang
isang mithiin na nais abutin ng mga manlalaro o ilang mga
kumpol na mga patakaran na nagtatalaga kung ano ang dapat
o di- dapat gawin ng mga manlalaro. Pangunahing ginagawa
ang mga laro para sa libangan o kasiyahan, ngunit maaari rin
itong isang edukasyunal, simulasyonal o sikolohikal na
pagganap.
Ang kakayahan sa pagsalo at paghagis ay mahalagang
kasanayan sa paglalaro. Ginagamit din ang kasanayan na ito
sa paggawa ng ating pang araw-araw na aktibidad sa buhay.
Ang tamang pagsalo at paghagis ng bola ay isang mahalagang
kasanayan sa larangan ng mga larong pampalakasan. Ang
larong relay naman ay nagpapatibay ng samahan at pagtitiwala
sa bawat isang miyembro ng koponan ng mga manlalaro. Ang
pagsali sa mga larong relay at unahan ay tumutulong upang
mapaunlad ang katawan at isipan. Malaking tulong din sa mga
manlalaro upang pisikal na maging handa ang katawan.

10
Batuhang Bola

Ang larong batuhang bola ang pagtutuunan ng pansin. Ito


ay isang laro na nangangailangan ng mga kasanayang
pagtakbo, pag-iwas, pagbato, at pagsalo na nakalilinang o
nakapagpapaunlad ng lakas ng kalamnan ng puso
(cardiovascular endurance) at puwersa.

Kagamitan:
Malambot na bola/ ginusot na papel na binilog/lumang medyas
na pinagsama-sama, yeso o chalk

Paraan ng paglalaro:
1. Gumawa ng dalawang guhit na may kalayuan sa isa’t isa.
Maglalaban sa “bato-bato pick” ang lider ng bawat

11
pangkat. Ang nanalo ay pipili kung magiging unang
tagataya o taga-iwas.
2. Hatiin sa dalawa ang grupong tagataya na siyang babato
sa taga-iwas. Ang taga-iwas ay tatayo sa gitna ng
palaruan sa pagitan ng dalawang guhit.
3. Ang bawat tamaan ng bola ay out o tanggal na. Maaari
itong buhayin upang makabalik sa laro kung masasalo ng
kagrupo ang bolang binato.
4. Kapag isa na lamang ang natitira sa gitna, kailangang
tamaan ito sa loob ng tatlo hanggang limang direktang
pagbato. Kung hindi ito nagawa, mabubuhay ang lahat ng
kagrupo na out o tanggal. Kung nataya naman,
magpapalit ng posisyon ang magkabilang pangkat at
uulitin ang paraan ng paglalaro.
5. Ang bawat yugto ng laro ay magtatagal ng apat hanggang
limang minuto.
6. Kung sa loob ng apat hanggang limang minuto ay hindi
lang ang isang kagrupo ang natitira, ang bilang ng
natamaang kagrupo ang bibilangin. Ang pangkat na may
apat hanggang limang minuto ang siyang panalo.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong.


Isulat ang sagot sa papel.
1. Ano ang batuhang-bola?
2. Ano ang mga kasanayan naiuugnay sa larong batuhang
bola?

Pagyamanin

12
A. Naranasan mo na ba ang maglaro ng batuhang bola?
Halina’t maglaro kasama ang ilang miyembro ng pamilya.
Sagutan ang rubrics sa ibaba. Lagyan ng bituin ( ) na
akma sa ipinakita mong husay sa pakikipaglaro ng batuhang
bola.

Kasanayan Mahusay Hindi


Mahusay
1. Nagawa ko ang pagtakbo.
2. Nagawa ko ang umiwas sa bola.
3. Nasalo ko ang bola.
4. Naihagis ko ng maayos ang
bola.
5. Nasiyahan ako sa pakikipaglaro
ng batuhang-bola.

B. Hikayatin ang kasama sa bahay. Isagawa ang mga


nakatalang gawain na may kaugnayan sa posisyon ng kamay
at katawan habang mabilis na naghahagis at sumasalo ng bola.
Sagutin ang tseklis sa ibaba kung mahusay na nagampanan
ang mga nakatalang gawain.

1. Isagawa ang lampas-ulong posiyon

2. Isagawa ang babang-baywang na posisyon

3. Isagawa ang malapit sa gitnang-katawan

13
4. Isagawa ang mas malayo sa katawan

KASANAYAN MAHUSAY HINDI


MAHUSAY
1. Naisagawa ko ang
lampas-ulong posiyon.

2. Naisagawa ko ang
babang-baywang na
posisyon.

3. Naisagawa ko ang
malapit sa
gitnang-katawan.

4. Naisagawa ko ang mas


malayo sa katawan.
5. Nasiyahan ako sa mga
kasanayan na ginawa.

C. Kapamilya, tayo nang maglaro! Yayain ang bawat


kasapi ng pamilya at isagawa ang sumusunod na gawain batay
sa istasyon.

Istasyon I – Saluhin ang bola na inihahagis ng lider.

Istasyon II – Kuhain ang bola at ihagis sa lider.

Istasyon III – Tumakbo paikot sa bilog.

Gawin ang sumusunod at lagyan ng tsek ang inyong ginawang


performance batay sa legend.

Legend:

E - Excellent VS - Very Satisfactory

14
S - Satisfactory NI - Needs Improvement

GAWAIN E VS S NI
1. Nasalo ko ang bolang
inihagis ng lider.

2. Nakuha ko ang bola at


naihagis nang maayos sa
lider.

3. Nakatakbo ako paikot sa


bilog.

4. Paghagis at pagsalo na
may kapareha sa iba‘t ibang
posisyon.
5. Nakilahok ako sa mga mga
gawain nang may
kasiyahan.
D. Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat sa

patlang ang T kung wasto ang ipinapahayag ng pangungusap

at M naman kung mali.

_______1. Ang tamang pagsalo at paghagis ng bola ay isang

mahalagang kasanayan sa larangan ng mga larong

pampalakasan.

15
_______2. Ang larong relay ay nagpapatibay ng samahan at

pagtitiwala sa bawat isang miyembro ng koponan ng mga

manlalaro.

_______3. Ang kakayahan sa pagsalo at paghagis ay

mahalagang kasanayan sa paglalaro, ginagamit din ang

kasanayan na ito sa paggawa ng ating pang araw-araw na

aktibidad sa buhay.

_______4. Makilahok sa mga gawaing pisikal nang may

kasiyahan.

_______5. Ang pakikipag-away sa paglalaro ay isang

halimbawa ng pagiging isport.

E. Panuto: Humanap ng kapareha sa mga kasama sa bahay at


maglaro ng mga kasanayan sa paghagis at pagsalo. Sagutin
ang tseklis sa ibaba. Suriin ang sarili batay sa ginawang
pakikipaglaro. Lagyan ng tsek (/) kung oo, ekis ( x ) kung hindi.

1. Ihagis ang bola sa kapareha

2. Saluhin ang bola mula sa kapareha

Pahayag Oo Hindi
1. Nasiyahan ka ba sa pakikipaglaro?

16
2. Naging maingat ka ba sa
pakikipaglaro?
3. Naipakita mo ba ang pagiging
isport sa pakikipaglaro?
4. Aktibo ka bang gumawa ng mga
gawain sa iyong paglalaro?
5. Nagawa mo bang ihagis at saluhin
nang maayos ang bola?

F. Anong mga gawain sa Edukasyong Pangkatawan ang


tinutukoy? Ayusin ang mga salita upang makuha ang tamang
sagot. Ilagay sa loob ng biluhaba ( ) ang sagot.

1. Pgahagis

2. Psagalo

3. Rleay

4. Rceas

5. ksaanaayn

G. Panuto: Kulayan ng dilaw ang bituin kung ang mga


sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng kasanayan sa
paghagis at pagsalo relay at races. Itim na kulay kung hindi.

17
1. Naglalaro ng basketbol si Dan.

2. Si Ana at si Dante ay naglalaro ng luksong tinik.

3. Masayang naglalaro ang mga bata nang tamaan ng


bola si Ana.

4. Araw-araw naglalaro ng basebol si Sam.

5. Tinuturuan ni Ali ang mga kaklase niya ng larong


patintero.

H. Panuto: Gumuhit ng simpleng larawan na nagpapakita ng


kasanayan sa paghagis at pagsalo. Sa ibaba nito, sagutin ang
mga tanong ng Oo o Hindi batay sa iyong ginawang
performance. Isulat ang sagot sa papel.

1. Ikaw ba ay nakaguhit ng simpleng larawan na


nagpapakita ng kasanayan sa paghagis at pagsalo?

2. Naipamalas mo ba ang iyong galing sa pagguhit ng mga


kasanayan sa paghagis at pagsalo?

3. Sinunod mo ba nang wasto ang direksiyon?

4. Nasiyahan ka ba sa iyong ginawa?

5. Mahusay mo bang nagampanan ang gawain?

18
Isaisip

Panuto: Isulat ang hurray! kung ang pangungusap ay


nagsasabi ng tamang ideya tungkol sa paghagis at pagsalo,
relay at races, hephep! naman kung hindi.

1. Ang pakikilahok sa mga relay at races ay nakatutulong


upang magkaroon tayo ng malusog at malakas na binti.

2. Hindi lang hinuhubog ng mga larong relay at races ang


katawan ng bawat isa. Hinuhubog din nito ang kaisipan ng
bawat tao.

3. Sa pagsalo at paghagis ng bola ay dapat maging alerto at


maging maliksi.

4. Ang pagsalo at paghagis ng bola ay kasanayan sa


Edukasyong Pampalakasan.

5. Ang paglalaro ng relay at races na may kasanayan sa


pagsalo at paghagis ay walang maidududlot na kabutihan
sa pangangatawan.

19
Isagawa

Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga larong relay


at races na may kasanayan sa paghagis at pagsalo. Ano ang
nais mong laruin? Maglagay ng ( ) bilog sa patlang kung ito
ay gusto mong laruin.

_________1. softball
_________2. baseball
_________3. basketball
_________4. batuhang bola
_________5. throwing and catching game

Tayahin

Panuto: Halina’t maglaro ng “Throwing and Catching Game”.


Bumuo ng dalawang pangkat. Gumawa ng dalawang linya na
magkaharap na may distansiyang 3-4 metro. Maaaring
magpatulong sa mga kasamahan sa bahay upang
magampanan ang gawain. Suriin ang iyong pakikilahok.
Lagyan ng tsek (/)ang akma sa iyong ipinakitang kagalingan.

Unang pangkat- Tagahagis ng bola


Ikalawang pangkat- Tagasalo ng bola

20
Pahayag 5 Puntos 4 Puntos 3 Puntos
1. Naihagis ko nang
maayos ang bola.
2. Nasalo ko ang
bola.
3. Naipakita ko ang
pakikiisa sa aking
pangkat.
4. Nasiyahan ako
sa paglalaro.
5. Naipakita ko ang
pagiging isport.

Karagdagang Gawain

Umisip ng mga relay at races na ginagamitan ng paghagis at


pagsalo. Isulat sa inyong kuwaderno.
Maaari mo rin laruin ang mga ito.

21
Susi sa Pagwawasto

22
Sanggunian

Government of the Philippines, K to 12 Most Essential


Learning Competencies in PE 2 p. 316

Government of the Philippines, 2013, Teacher’s Guide in


Mapeh 2 pp. 264-267

Government of the Philippines, 2013 Learner’s Material in PE


2 pp.362-364

Lina M. Batad, Ma Joselyn M. Nullar, Fe B. Tinio, Felia G.


Alcandre. 2015. “Explore and Shine Through MAPEH 3”

https://www.slideshare.net/kevinsarmiento756/paghagis-pagsalo-at-
pagpalo

23

You might also like