You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN 5

Quarter 3: Week 5
Pangalan: __________________________________________ Lebel: _____________
Seksiyon: __________________________________________ Petsa: ______________

GAWAING PAGKATUTO
Ang Pag-usbong ng Kamalayang Pambansa at Pakikibaka

I. Panimula

Kumusta ka mag-aaral? Handa ka na ba sa panibagong aralin? Ang LAS na ito ay ginawa

at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay naglalaman ng iba’t ibang gawain upang
malaman mo ang iba’t ibang dahilan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino na may kaugnayan sa
pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino.

II. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nasusuri ang kaugnayan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino

III. Mga Kaalaman at Kaisipan

Ang La Illustracion o Age of Enlightenment

Ang La Illustracion o Age of Enlightenment ay maituring na mahalagang panahon ng

paghahanap ng katotohanan at pag-angat ng antas ng pag-iisip at pamumuhay sa pamamagitan
ng pagpapaunlad ng pamahalaan, impraestruktura at mga institusyon ng lipunan. Malaki ang
epekto ng La Illustracion o Englightenment sa naging kolonyal na patakaran ng mga Espanyol sa
Pilipinas. Maaari din itong ituring bilang isang kilusang intelektuwal na umunlad sa Europe
noong ika-18 siglo bunga ng pagtatangkang kumawala mula sa Middle Ages, o ang panahon ng
pamamayani ng pamahiin, bulag na pananampalataya, at kawalan ng rason. Partikular na
tinuligsa ng Englightenment ang mga itunuturing na konserbatibong kaisipan na nagbigay-daan
sa pagkakaroon ng mga imperyo (at kaakibat na kolonya) gayundin ang pagiging
makapangyarihan ng Simbahang Katolika (at ang kaakibat na monopolyo sa karunungan).

Noong 1808, sa pagpapalaganap ng kapangyarihan ng France sa Europe ay isa sa mga

sinakop nito ang Spain. Sapilitang pinatalsik ng mga French, sa pamumuno ni Napoleon, ang
nakaluklok na Hari ng Spain na si Ferdinand VII para sa kaniyang kapatid na si Joseph
Bonaparte. Patuloy na nilabanan ng Spain ang mga French hanggang sa tuluyan nilang makamit
ang kasarinlan noong 1812 at muling naluklok bilang Hari ng Spain si Ferdinand VII.

Sinasabing agad tinangkilik ng mga nasa gitnang uri ang pakikidigma ng pamahalaan
laban kay Napoleon dahil sa mga sumusunod na layunin:
1. upang makalaya mula sa despotismo ni Napoleon;
2. upang magkaroon ng pagkakataon sa malayang kalakalan;
3. upang matiyak ang kalayaan ng maliliit na bansa.

Ang mga kaisipang ito ay hango sa lumalaganap na ideolohiyang nasyonalismong liberal

na nagtataguyod ng kalayaan at pagkakapantay-pantay.

Ang Cadiz Constitution ng 1812

Ang Cadiz Constitution ng 1812 ay nilikha bunga ng hangarin ng Spain na wakasan ang
mga pang-aabusong dala ng sistemang konserbatibong umiiral sa kanilang bansa. Binibigyang-
halaga sa nasabing konstitusyon ang mga ideyang liberal gaya ng karapatan sa pagboto ng mga
kalalakihan, pambansang soberanya, monarkiyang konstitusyonal, kalayaan sa pamamahayag,
reporma sa lupa, at malayang kalakalan. Bago naipasa ang nasabing konstitusyon, nagkaroon ng
eleksiyon sa Maynila upang piliin ang kinatawang Pilipinong ipadadala sa Cadiz. Si Ventura de
los Reyes, isang mayamang Pilipino, ang nahalal bilang kinatawan.
Hindi man nagtagumpay ang tangkang ipatupad ito sa Pilipinas nagkaroon ito ng epekto
sa pamamahala ng Spain sa Pilipinas.
1. ipinatigil ang kalakalang galyon.
2. Napalitan ang merkantilismo ng malayang kalakalan;
3. Pagsiklab ng pag-aalsa sa Ilocos laban sa pagkansela sa pagpapatupad ng Konstitusyon
sa Pilipinas noong 1815; at
4. Paglaganap ng mga bagong kamalayang bunga ng Englightenment sa Europe lalo na sa
hanay ng mga Pilipinong kabilang sa panggitnang uri na nagkaroon ng pagkakataong
makapag-aral sa Europe pagsapit ng ika-19 siglo.

IV. Mga Gawain

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Panuto: Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung tama ang isinasaad ng pangungusap. Kung
mali, isulat ang MALI.

______1. Nang matalo ng France ang Spain ay namuno si Napoleon Bonaparte dito bilang hari.
______2. Ang La Illustracion o Age of Enlightenment ay maituring na mahalagang panahon
ng paghahanap ng katotohanan at pag-angat ng antas ng pag-iisip at pamumuhay.
______3. Si Napoleon Bonaparte ang Hari ng Spain.
______4. Ang Cadiz Constitution ng 1812 ay nilikha bunga ng hangarin ng Spain na
hindi wakasan ang mga pang-aabusong dala ng sistemang konserbatibong umiiral
sa kanilang bansa.
______5. Si Ventura de los Reyes, isang mayamang Pilipino, ang nahalal bilang kinatawan
ng Cadiz.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Panuto: PAG-AANALISA NG MGA PANGYAYARI. Ipaliwanag mo kung paano naipamalas
ng mga sinaunang bayaning Pilipino ang kanilang pagmamahal sa bayan. Isulat ang iyong sagot
sa ibaba.
______________________________________________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3

Panuto: PAGBIBIGAY NG SALOOBIN. Sa iyong palagay, sa paanong paraan maaring
ipamalas ng mga sumusunod na Pilipino ang kanilang pagmamahal sa bayan. Isulat ang iyong
sagot sa patlang.

1. Overseas Filipino Worker

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

2. Guro
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Sundalo at Pulis

4. Politiko

5. Health Worker

V. Pagtataya

Panuto: Basahin at unawain. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na pangyayari na maituturing na mahalagang panahon ng paghahanap

ng katotohanan at pag-angat ng antas ng pag-iisip at pamumuhay sa pamamagitan ng
pagpapaunlad ng pamahalaan, Impraestruktura at mga institusyon ng lipunan?
A. Cadiz Constitution B. La Illustracion C. Merkantilismo D. Middle
Ages

2. Ano ang naging epekto ng mga pangyayari sa labas ng bansa noong ika-18 siglo sa
paglaganap ng malayang kaisipan sa Pilipinas?
A. naging sanhi upang kumilos at ipaglaban ng mga Pilipino ang kanilang karapatan
at kalayaan.
B. naging sanhi upang umusbong ang malayang kalakalan at ang kaakibat na
malayang kaisipan.
C. naging sanhi upang lalong magpaapi ang mga Pilipino.
D. naging sanhi upang magalit ang mga Pilipino.

3. Ano ang mahalagang naiambag ng kaisipang La Illustracion?

A. nagsilbing tulay ng Spain at ng Pilipinas sa pagtawid mula sa konserbatismo tungo
sa modernismo at liberal na kaisipan, at sa pagkabuo ng kamalayang makabayan.
B. nagsilbing hudyat sa pagsisimula ng bagong panahon sa Pilipinas kung saan
naging maigting ang pakikibaka para sa reporma at himagsikan.
C. nagsilbing kaliwanagan sa buhay ng mga Pilipino tungo sa mabuting pamumuno
ng Espanya.
D. nagsilbing mahalagang salik sa pakikibaka laban sa Espanyol.

4. Alin sa sumusunod nagbibigay ng karapatan sa pagboto ng mga kalalakihan, pambansang

soberanya, monarkiyang konstitusyonal, kalayaan sa pamamahayag, reporma sa lupa at
malayang kalakalan?
A. Barter Trade B. Cadiz constitution C. La Ilustracion D. Merkantilismo

5. Paano mo maipapamalas ang damdaming nasyonalismo o pagmamahal sa bayan sa

kasalukuyang panahon?
A. Isusumbong ko sa pulis kapag may nakita akong dayuhan na inaabuso ang kapwa
ko Pilipino.
B. Mahalin at igalang ang ating watawat at pambansang awit
C. Tangkilikin ang mga produktong gawa ng mga Pinoy.
D. Lahat ng mga nabanggit.

Repleksiyon 1
Talahanayan. Antas ng Kasanayan/Masteri

Mga Indikeytor sa Katangi- Lubos na Kasiya-siya Dagdagan Paunang Iskor

Pagkatuto tangi/Mahusay Kasiya-siya (2) pa ang
(4) (3) Pagsisikap
(1)
1. Nasusuri ang
kaugnayan ng
pakikipaglaban ng mga
Pilipino sa pag-usbong
ng nasyonalismong
Pilipino
2. Naisagawa ko ang
lahat ng gawain.
Repleksiyon 2

1. Ano ang naramdaman mo pagkatapos gawin ang mga gawain sa aralin?

______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

2. Ano ang iyong mga naunawaan o natutunan?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Mga Sanggunian:

ADM-SLM Q3-W5 Araling Panlipunan 5

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3 Pagtataya

1. TAMA (1-5. Tanggapin ang (1-2. Depende sa 1. B

2. TAMA mga kasagutan ng sagot ng mga bata) 2. A
3. MALI bata na malapit lang 3. A
4. MALI ang kaisipan sa 4. B
5. TAMA teksto) 5. D

Inihanda ni:

____________________________________
MARICHAN P. LOOC

You might also like