You are on page 1of 1

October__,2021

Administrator HANS LEO J. CACDAC


Overseas Workers Welfare Administration
OWWA Center Bldg., F.B Harrison St. corner 7th St.
1300 Pasay City, Philippines

Dear Ma’am/Sir:

Greetings of Peace!

Isang mapagpalang araw po sainyo, Ako po si Remedios B. Colorado 50 years old residente ng # 52 A. Gallagher
St. East Tapinac,Olongapo City Zambales. Nais ko pong ipabatid muli sa inyo ang hinihingi kong tulong para sa kapatid
kong si Simeon B. Colorado Jr. na niresponde noong March 04, 2021, sa Ridayh Saudi Arabia na idinala sa LINGAP NG
POLO na hanggang sa ngayon nanduon pa rin po siya, samantalang nag urgent request na ang ating gobyerno na sina
Salvador S. Panelo, Chief Presidential Legal Counsel Jiame Llaguno Mabilin-Director IVV and President Rodrigo Roa
Duterte nang agarang aksyon para makauwi na ang aking kapatid. Ano na po bang nagawang aksyon? Bakit hanggang
ngayon hindi pa rin nakakauwi ang aking kapatid dito sa Pilipinas, gayunpaman nagkikipag-ugnayan ako sa aking kapatid
duon sa kaniyang kalagayan sa Saudi, ang sabi raw sa kaniya ng Embassy duon, kung wala raw aksyon ng gobyerno
ang ibibigay na galing dito sa Pilipinas na tumutulong sa kapatid ko wala rin daw silang magagawa sa problema niya
duon, kaya muli nakikiusap po ako na balikan po sanang muli ang problema ng kapatid ko para tuluyan na siyang
makauwi rito sa Pilipinas, dahil pitong buwan na po siya roon sa LINGAP ngayon buwan ng October 23, 2021.

Umaasa po kami ritong pamilya niya at mga anak niya na makauwi na po siya ng agaran. Ilalakip ko pong muli ang mga
kasagutan ng mga sulat ko sa mga taong nabanggit sa sulat kong ito, na ayon sa sulat nila naipadala na raw nila ang
tulong na hinihingi ko sa kanila sa inyong organisasyon/ tanggapan. Nawa’y matugunan na ang agarang pag-uwi ng aking
kapatid nasi Simeon B. Colorado.

Anumang tulong po na magagawa niyo para sa aking kapatid sa lalong madaling panahon para siya ay tuluyan ng maka-
uwi rito sa Pilipinas ay labis po naming pasasalamatan. Pagpalain nawa kayo ng ating Poong Maykapal at Gabayan kayo
para sa nakakarami na humihingi ng agarang-tulong. Muli Maraming Salamat po!

Respectfully yours,

Remedios B. Colorado
09103057540

You might also like