You are on page 1of 1

Pag patak ng Alas-siyete

Ni Kathleen Kyla Manlangit

Sa isang munting bayan ng Paredes kami nakatira, palengke, maliit na simbahan, paaralan, at
cementeryo lamang ang makikita. Ako si Samantha, isang buwan pa lamang noong lumipat kami sa
bayang ito, kami’y nagmula sa syudad. Bago ko nilisan ang dating tinitirha’y mayroon akong mga
kaibigan na sina Mark, Joseph, Christopher, Stephanie, at si Paolo na nagiging Paola sa gabi. Bagaman
lumipat ay sa dating paaralan pa rin ako nag aaral kasama ang aking mga kaibigan.
Isang araw, alas-singko ng hapon ay nag desisyon kaming magkakaibigan na magkita kita.
Napuno ito ng tawanan at hagalpakan.
Hanggang sa nagsalita si Paolo “gusto niyo ba mag adventure?”
“anong adventure naman ‘yan?” maarteng tugon ni Stephanie.
“pupunta tayo sa cementeryo sa bayan nila Samantha” ngumingising tugon nito.
Lahat kami’y sumangayon maliban kay Stephanie na pinagpapawisan at tila takot na takot sa
ideyang ito. Alas-siyete ng gabi nang pumunta na kami sa cementeryo. Mahigpit na hawakan ang aming
ginawa nang biglang may narinig kaming kaluskos sa di kalayuan, kami’y nataranta at naglingunan,
hanggang sa aming napansin na nawawala si Stephanie at Paola.
Sinundan namin ang kaluskos hanggang sa makarating kami dito at natagpuan si Stephanie at
Paola sa hindi ka aya-ayang posisyon. Ang dalawa’y pawang nagulat at biglang nagsalita si Paola “hoy!
Hindi ganun ang iniisip niyo. Nakakainis kasi itong si Stephanie eh na jejerbak na daw siya kaya
nagpasama sa akin”
“thanks Pao” sabay halik ni Stephanie kay Paola na dali-dali naman niya itong pinunasan.
Dahil nga dito’y nag desisyon na kaming umuwi ngunit patuloy pa rin ang pang-aasar kay Paola
ng mga kalalakihan.

You might also like