You are on page 1of 4

CFC- SINGLE FOR CHRIST

CHAPTER PRAYER ASSEMBLY

OPENING WORSHIP
-EXHORTATION
-OPENING SONG- FROM WITHIN

PANALANGIN:
Namumuno:
Mga kapatid upang panglalooban tayo ng Diyos ng tunay at ganap na pagsisi yayamang siya na
rin ang tumawag sa atin upang tayo ay magbalik loob sa kanya.
Pakinggan mo o Diyos Amang mahabagin, ang aming pagdaing sa iyo, Patawarin mo kami sa
aming mga kasalanan upang matahimik ang aming kalooban Hinihiling naming ito sa
pamamagitan ni Hesu-Kristo na aming Panginoon magpasa walang hanggan.

Tugon: Amen

SONG: MISERERE

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS:

UNANG PAGBASA
Deuteronomio 5, 1-3. 6-7, 11-12. 16-21a; 6, 4-6

Pagbasa mula sa aklatng Deuteronomio.

Tinipon ni Moises ang buong Israel at kanyang sinabi; “Mga Israelita, dinggin ninyo ang
kautusan at ang mga tuntuning ilalahad ko sa inyo ngayon. Unawain ninyong Mabuti at tupdin
ang mga ito. Ang PANGINOON ay nakipagtipan sa atin sa bundok ng Horeb. Siya’y hindi
lamang sa ating mga ninuno nakipag tipan kundi pati sa atin na nabubuhay ngayon.
“Ang PANGINOON ang Diyos na humango sa inyo sa pagka alipin sa Egipto.”
“Huwag kayong magkakaroon ng ibang diyos maliban sa akin”
“Huwag ninyong babanggitin sa walang kabuluhang usapan ang aking pangalan; tiyan na
paparusuhan ko ang gagawa nito”
“Ipangilin niniyo ang araw ng pamamahinga, tulad ng utos ko sa inyo.
“igalang ninyo ang inyong Ama’s Ina tulad ng iniuutos ko sa inyo. Sa gayong, hahaba ang
inyong at mapapanuto kayo sa lupaing ibinigay ko sa inyo.”
“Huwag kayong papatay”
“Huwag kayong mangangalunya”
“Huwag kayong magnanakaw:
“Huwag kayong sasaksi nang walang katotohonan”
“Huwag ninyong pagnanasahan ang asawa ng inyong kapwa. Huwag ninyong pag imbutan ang
kanyang bahay, bukid alila, baka, asno o alinmang ari arian niya.”
“Diinggin ninyo mga Israelita; Ang PANGINOON lamang ang Diyos. Ibigin ninyo siya nang
buong puso, kaluluwa at lakas. Ang mga uton niya ay itanim ninyo sa inyong isip.
Ang Salita ng Diyos

Tugon: Salamat sa Diyos

SALMONG TUGUNAN:

Tugon:
Kami po ay Kaawaan daing namin ay pakinggan Tiwala namiy matibay,
Panginoon pagkat bukal na puso niyong pagmamahal.

1. Sa Harap ng katarungan na inyong pinaiiral kami’y puspos ng kahihiyan.


Nagkasala kaming tunay kayo po’y aming sinuway,
Hindi po namin dininig, Panginoon ang ‘yong tinig.
Sa utos niyong matuwid na dapat naming inibig kami po ay nagsilihis.

Tugon:
Kami po ay Kaawaan daing namin ay pakinggan Tiwala namiy matibay,
Panginoon pagkat bukal na puso niyong pagmamahal.

2. Mula ng iyong hanguin buhat sa pagkaalipin, ang mga magulang naming


Kami po ay naging suwail tinig ninyo’y di naming pansin.
At magpahanggang ngayon nga kami’y kulang sa tiwala,sa banal ninyong salita.
aming binabalewala ang dakila nyong adhika.

Tugon:
Kami po ay Kaawaan daing namin ay pakinggan Tiwala namiy matibay,
Panginoon pagkat bukal na puso niyong pagmamahal.

3. Kami pa ri;y nagkasala, kahit amin ng Nakita na lahat ay makakaya.


Na gawin niyo tuwina upang kami’y ipag adya.
Mga parusang sakuna sa Ehiptong isinumpaupang kami ay mapalaya.
Ni Moses na nagsalita ng matapat ninyong awa,

Tugon:
Kami po ay Kaawaan daing namin ay pakinggan Tiwala namiy matibay,
Panginoon pagkat bukal na puso niyong pagmamahal

IKALAWANG PAGBASA (EFESO 5:1-14)

PAGBASA MULA SA SULAT NI APOSTOL SAN PABLO SA MGA TAGA EFESO

Kayo nga'y magsitulad sa Dios, na gaya ng mga anak na minamahal; 2At magsilakad kayo sa
pagibig, gaya rin naman ng pagibig ni Cristo sa inyo, at ibinigay dahil sa atin ang kaniyang sarili,
na hain at handog sa Dios upang maging samyo ng masarap na amoy. 3Nguni't ang pakikiapid, at
ang lahat ng karumihan, o kasakiman, ay huwag man lamang masambit sa inyo, gaya ng
nararapat sa mga banal; 4O ang karumihan man, o mga mangmang na pananalita, o ang mga
pagbibiro, na di nangararapat: kundi kayo'y magpasalamat. 5Sapagka't talastas ninyong lubos, na
sinomang mapakiapid, o mahalay, o masakim, na isang mapagsamba sa mga diosdiosan, ay
walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios. 6Huwag kayong madaya ng
sinoman ng mga salitang walang kabuluhan: sapagka't dahil sa mga bagay na ito'y dumarating
ang galit ng Dios sa mga anak ng pagsuway. 7Huwag kayong makibahagi sa kanila; 8Sapagka't
noong panahon kayo'y kadiliman, datapuwa't ngayon kayo'y kaliwanagan sa Panginoon:
magsilakad kayong gaya ng mga anak ng kaliwanagan: 9(Sapagka't ang bunga ng kaliwanagan ay
nabubuo ng kabutihan at katuwiran at katotohanan), 10Na inyong pinatutunayan ang
kinalulugdan ng Panginoon; 11At huwag kayong makibahagi sa mga walang mapapakinabang na
gawa ng kadiliman, kundi bagkus inyong sawatain; 12Sapagka't ang mga bagay na ginagawa nila
sa lihim ay mahalay na salitain man lamang. 13Datapuwa't ang lahat ng mga bagay pagka sawata
ay itinatanyag ng kaliwanagan: sapagka't ang lahat ng mga bagay na itinatanyag ay
kaliwanagan. 14Kaya sinasabi niya, Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga
patay, at liliwanagan ka ni Cristo. 

Ang Salita ng Diyos:

Tugon: Salamat sa Diyos

MABUTING BALITA (JUAN 13, 34-35; 15, 10:13

Aang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan;

Sinabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad; “Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo; mag
ibigan kayo! Kung paanong iniibig ko kayo, gayon din nmn, mag ibigan kayo. Kung kayo’y
mag-ibigan, makikilala ng lahat na kayo’y mga alagad ko,”
“Kung tinutupad ninyo ang aking mg autos, mananatili kayo sa aking pagibig; Tulad ko,
tinutupag ko ang mga utos ng aking Ama at ako’y nananitili sa kanyang pag ibig.”
“Sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang makahati kayo sa kagalakan ko at malubos ang
inyong kagalakan. Ito ang aking utos: mag ibigan kayo gaya ng pagibig ko sa inyo; walang
pagibig na hihigit pa sa pagibig na isang taong nag aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga
kaibigan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon,


Pinupuri ka namin Panginoong Hesu Kristo.

SONG: KAIBIGAN KAPANALIG

-PAGBABAHAGI/SHARING:

CLOSING PRAYER:

You might also like