You are on page 1of 1

Aralin 1

Gawain 1

A. Banggitin ang mga patunay ng sistema ng pagsulat noong panahong pre-konlonyal.

 Maraming patunay ng Sistema ng pagsulat noong panahong pre – kolonyal. Halimbawa nito ay
ang mga mananalaysay na Kastilang nakarating sa ating kapuluan. Isa na sa nagpatunay sa
kalinangan ng Pilipinas ay si Padre Perdro Chirino sa kanyang Relacion de las Islas Filipinas.
Sinabi niyang may sariling wika sa Pilipinas at ang mga naninirahan dito ay may sariling sistema
ng pagsulat. Meron din ang patunay sa baybayin na mga inukit na sulat sa isang matandang
palayok na natagpuan ng mga arkeologo sa Calatagan, Batangas. Marami pang ibang sistema ng
pagsusulat ang naganap noon ngunit walang sapat na batayan o ebidensya and mga ito.

Aralin 2
Gawain 1

A. Bakit hindi itinuro ng mga kastila ang kanilang wika sa mga katutubo?

 Maraming dahilan kung bakit hindi itinuro ng mga kastila ang kanilang wika sa mga katutubo. Isa
at pangunahing dahilan nito ay ang takot na magsama-sama ang mga damdamin ng mga
mamamayan at mamulat sa tunay na mga pangyayaring nagaganap sa kanilang lipunan at
tuluyang matutong lumaban laban sa kanilang pamahalaan. Kasama na rin dito ay upang hindi
nila lubusang malaman o maunawaan ang mga batas na ipinapatupad ng mga kastila. Ayaw rin
ng mga kastila na mapantayan ng mga katutubo ang kanilang karunungan.

You might also like