You are on page 1of 2

Naratibo:

Bakit nga ba ito ang napili naming kurso?

Marami ang nagtatanong kung bakit nga daw ito ang napili naming kurso, na sa dinami-dami na strand ito pa ang
naisipan naming pasukin. Simple lang naman ang dahilan, nais naming makamit ang aming mga pangarap na
minimithi sa hinaharap. Alam nating karamihan sa kabataan ay nag-aalinlangang pumili ng kursong STEM, sapagkat
ayon sa kanila mahirap daw ito, baka hindi nila kayanin ang mga aralin at leksyong nakapagpaloob nito. Tama!
mahirap nga ang kursong ito, ngunit alalahanin natin na lahat nagsisimula sa hirap. Kung papairalin natin ang takot
at kaba na ating nararamdaman ukol sa kursong kukunin, maaaring wala talagang patutunguhan ang lahat ng iniisip
at pinapangarap mo. Alam natin na pagpasok mo palang sa kursong ito, nakaabang na lahat ng paghihirap na
maaaring dadaanan mo. Maraming mga mahihirap na gawain at takdang aralin na naghihintay sayo. Ngunit kung
ang layunin mo talaga ay makamit ang mga pangarap mo sa buhay, bakit ka aatras sa kursong ito kung mahal mo
ang pangarap mo? Ano ang saysay ng mga planong nabuo mo kung hindi mo papasukin ang kursong ito. Anong
halaga ng pangarap mo kung tatalikuran mo ang kursong ito? Alalahanin mo na nasa kursong ito nakasalalay ang
pangarap mo.

Sa kursong STEM, may tatlong salik na dapat mong isakatuparan nang sa gayun magagawa mo harapin ang bawat
pagsubok na maaari mong kakaharapin sa kursong ito. Una, ang pagiging masipag. Kung wala kang sipag, pano mo
magagawang tapusin ang mga gawain at takdang araling sasagutan mo? Anong saysay ng pagpasok mo sa kursong
ito kung hindi ka marunong maglahad ng kasipagan sa mga ginagawa mo. Kung walang kasipagan ang mga gawaing
isasakatuparan mo parang mababalewala lang ang lahat ng ito. Sapagkat papaano mo makakamit ang tagumpay
kung walang sipag na kaagapay. Kung kaya’t sanayin natin ang ating mga sarili na magtanim ng kasipagan sa bawat
gawaing isasakatuparan, mabigat man ito o magaan na gawain ang importante naging masipag ka. Ikalawa,
pagtitiwala sa sarili. Sa kursong STEM, isang malaking bagay ang pagtitiwala sa sarili sapagkat dito nagsismula lahat.
Anong saysay nang pagpsok mo sa kursong ito, kung wala kang tiwala sa sarili mo? Kung wala kang tiwala sa iyong
sarili, ibig sabihin wala ka ring tiwala sa pangarap mo? Paano ka magpupursigi kong ang parating nangingibabaw at
tumatakbo sa isip mo ay ang takot at hindi ang tiwala? Magiwala ka sa sarili mo, magtiwala ka sa kakayahan mo.
Wag mong pakikinggan ang mga panghuhusga ng iba na siyang nagging dahilan kung bakit kinakapos ka sa
pagtitiwala sa iyong saili bagkos gawin mo itong inspirasyon upang patunayan sa kanila na kaya mo ang kursong
STEM. Lagi mo lang iisipin na ginagawa mo ito para sa mga taong mahal mo, para sa pangarap mo. Panghuli, ang
pagiging determinado. Mahalaga ang pagiging determinado sa kursong STEM sapagkat dito mo mapapatunayan na
mahal mo ang pangarap mo, handa mong gawin ang lahat makamit lang ang iyong minimithi. Walang saysay ang
pagtitiwala mo sa iyong sarili kung wala itong kasamang determinasyon. Ang iyong pagiging dterminado ang syang
magiging gabay at pundasyon mo upang magpursigi kang harapin ang mga pagsubok sa kursong ito.

Ang STEM ay isang kursong pangsekondaryang nagsisilbing pintuan patungo sa napakarami pang posibilidad at pag-
unlad na maaaring maganap sa ating mundo. Isinusulong nito kakayanan ng isang mag-aaral sa pagresolba ng
problema gamit ang iba’t ibang sangay ng agham at sipnayan. Kung nais mong maging engineer, scientist o di kaya
maging dokto, wag kang mag-alinlangang piliin ang kursong STEM. Kung mahal mo ang pangarap, lumaban ka lang
hanggang dulo. Alam kong hindi ito madali ngunit alalahanin mo lang na sa bawat pagsubok na naghihintay may
nag-aabang na tagumpay. Alalahanin mo lang na lahat nagsisimula sa hirap, walang magaan, walang madali sa
kursong ito.

You might also like