You are on page 1of 6

Aralin 2

Dalawang Paso ng Orchids

Alamin

May mga pagkakataong kailangang isantabi ang sariling kasiyahan upang


maipakita ag pagmamalasakit sa kapwa.

Layunin:

1. Nasusuri ang mga pangyayari at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang


Asyano batay sa napakinggang akda

2.Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda

3. Nagagamit ang mga pang-ugnay

Basahin

Thailand

Karamihan sa kultura ng Thailand ay mula sa pangkat-etniko ng Thai


Budhismo ang pinakamahalagang impluwensya sa kultura ng Thai. Dito nag-
uugat ang maraming tradisyon at paniniwaa ng mga mamamayan ng Thailand.
May impluwensya rin ang hinduismo sa kultura ng Thai.

May malalalim na impluwensya ang relihiyon sa kultura ng Thailand.


Pinahahalagahan ng Thai ang paggalang, pagtitimpi at hindi pala-away.
Kahihiyan para sa kanila ang magpakita ng galit at magsinungaling.

Nadudumiham ng kalalakihan ang pamilya at lipunan ng Thailand


ngunit binibigyan nila g kaukulang paggalang at pagpapahalaga ang mga
kababaihan.

"Dalawang Paso ng Orchids” ni Phan Du


Salin ni Buenaventura S. Medina Jr.
Inilagom ni Sir Mark John A. Ayuso

Si Nguyen ay isang matandang iskolar. Pinakamatalik na kaibigan siya ng aking tatay.


Ngunit noo‟y hindi ko manlang siya talaga nakikita isang beses na kasama ng mga
importanteng tao na pumaparoon sa malalaking handaan sa bahay ngtatay ko. At bihira
naman siyang dumalaw sa amin sa palasyo. Pero may isang bagay akong napansin sa
paraan ngpagtanggap ng mga magulang ko sa matandang iskolar. Simple lang ang
pagtanggap na iyon, walang sere-seremonya atibang-iba sa ginagawa para sa mga
bisitang matataas ang ranggo. Tuwing makikita ng tatay ko na dumarating na
angmatandang iskolar, siya na mismo ang maghahanda ng tsa, ng insenso, ng
chessboard, ng brush at ng lagayan ng tinta. Pero basta „pag may masarap na tsa o
mataas na klaseng cinnamon ang tatay ko, ipinapadala niya sa kapatid ko o sa akin
ang mga regalong ito sa matandang iskolar. Hindi niya kailanman inutusan ang isang
alila para magdala niyon. Dumami tuloy ang pagkakataong makapunta ako sa tinitirhan
ng matandang iskolar, doo‟y naintindihan ko ang mataas na klaseng paghihirap ng
matanda at ang karangalan ng kaniyang kalooban. Ang bahay niya‟y isang kubong pawid
na itinayo sa gitna ng isang hardin na hindi naman kalakihan. Namumuhay saganitong
katahimikan ang matandang iskolar kasama ang kaniyang apong babae na si Boi-Lan at
isang matandang utusan. Ang totoo‟y madalas niyang kasama ang mga bulaklak „pagkat
gustong-gusto niyang asikasuhin iyon, alagaaniyon; ang sundan ang buhay niyon ang
pinakamalaki niyang katuwaan, bukod sa pagtula-tula at sa pagbabasa ng mgalibro. Ang
katuwaan ng matandang iskolar sa pag-aalaga ng mga bulaklak ay isang bagay
na napakataas at masyadongpambihira—hindi iyon kasiyahan para lang sa sarili. Sa
mga bulaklak mas gusto niya ang orchids lalong-lalo na iyongklaseng “pusong walang
dumi”. Ayon pa nga sa matanda, ang orchids ay parang babae at dalaginding
na nilikhangmagaganda‟t tahimik.Tumindi pa ang respeto ko sa matandang iskolar nang
matuklasan ko kay Boi-Lan na hindi ipinagbili ng matanda angkaniyang dalawang paso
ng orchids na pusong walang dumi kahit tapatan pa ito ng napakalaking halaga kahit na
malakiang kagustuhan niyang magkapera. Naniniwala ang matandang iskolar na ang
isang pasong bulaklak na ikaw mismo angnag-aalaga ay hindi pwedeng mabigyan
ng presyo. Ngunit nagulat ako isang araw nang basta na lamang ipinagbili ngmatandang
iskolar ang kaniyang pinakamamahal na dalawang paso ng orchids. Sa pagkakatao
ng ito‟y ang matanda naang nakikipagtawaran sa „di kilalang lalaki mabili lamang ang
mga bulaklak. At sa murang halaga‟y nabili na ng lalaki ang dalawang paso ng
orchids.May tatlong araw na ang nakaraan, nilamon ng apoy ang isang parte ng nayon.
Dalawa ang namatay at apat o limangpamilya ang nawalan ng kanilang tahanan at ari-
arian. Ito ang dahilan kung bakit ipinagbili ng matandang iskolar angkaniyang sanhi ng
katuwaan. Isinakripisyo niya ang kaniyang sariling kaligayahan upang
makapagmalasakit sa kapuwa. Ang katangiang ito ni Nguyen marahil ang naging dahilan kung
kaya‟t naging matalik na magkaibigan sila ni tatay.

Alamin

Tukuyin kung denotasyon o konotasyon ang pagkakagamit ng mga salitang


nakasalungguhit sa pangungusap.
1. Kapag dumadalaw ang mahahalaga o kilalang tao sa amin, nagsagawa ng iba‟t
ibang seremonya ang buong palasyo.
2. Ayaw ko sa lahat ang taong maraming seremonya sa katawan.
3. Maghapon nilang pinaglalaruan ang mga bulaklak sa harding matandang
scholar.
4. Natuklasan niyang pinaglalaruan na lamang siya ng kanyang kausap.
5. Unti-unting lumalago ang aking pagkaunawa sa pagmamahal sa mga bulaklak.
6. Araw-araw naming nakikita na lumalago ang mga bulaklak na inaalagaan namin.
7. Ang kaberdehan ng paligid ay nagdudulot ng kasiyahan sa puso ko.
8. Kinaiinisan ng lahat ang kanyang kaberdehan ng pag-iisip sa ibang tao.
Talakayin

A. Pagtalakay sa Binasa

1. Sino si Nguyen? Paano sya tinatanggap ng mga magulang ng tagapagsalaysay kapag


bumibisita sya sa tahanan ng mga ito?

2. Ilarawan ang lugar ni Nguyen. Bakit kakaiba ang lugar na ito?

3. Paano ipinakita ng matandng scholar ang pasya niyang mag-alaga ng mga bulaklak sa
kaniyang hardin?

Suriin

Pagsusuri sa Paraan ng Pagsasalaysay

Apat na Uri ng pagsasalaysay

1. Paningin sa Unang Panauhan

Sa uring ito ng paningin, ang may akda ay sumasanib sa isa sa mga tauhan
na siyang nagsasalaysay ng mga pangyayari sa kuwento na gamit ng unang panauhan.

Halimbawa:

“Noong ikaw‟y munti, mahal na rin bas a iyo ang iyong tatay?... isang
gabing naliligid ako ng aking mga anak, ay tanong a hindi ko hinihintay na marinig sa
kanila.

Halaw sa: “Mga anak ko” ni Vincent G. Cruz

2. Paningin sa ikatlong Panauhan

Sa uring ito ng paningin, ang nagsasalaysay ng kwento ay malayangmagsalaysay


ng kwento ng malayang nagsasalaysay sa mga pangyayari at maaari niyang pasukin ang
isipan at damdamin ng mga tauhan at upang masabi nya samambabasa ang laman ng
utak ng mga tauhan at ng mga damdamin nito.
Halimbawa:

Labis na ang tinitimping poot ni Bertha Carvel sa gayong harapang


pagpuna ng pinsang tenyente at ipinahiwatig nan g kislap ng kaniyang mga mata
at ng pamumula ng kanyang mukha.

Halaw sa: “Ang Beterano”

3. Tinakdang Obhetibong Paningin

Isa pa rin paraan ng pagsasalaysay na ginagamit ng ikatlong panauhanang


tinakdang obhetibong paningin. Sa paraang ito, limitado ang pananaw sa isa lamang
tauhan sa kuwento na maaaring ang pangunahing tauhan o pantulong na tauhan.

Halimbawa:

Pinilit ni Isagani ang kanyang mga paa na biguin ng mga ito ang masidhing
pagnanasa niyang manatili pa roon ng ilang sandal upang sa puno ng dapdap na kung
gabi‟y pinamumutiktikan ng nag-aantilaw na alitaptap, sa bahay na batong animo‟y
isang moog ng katandaan na nagkukulong ng mga masambahin at makalumang
paniniwala, at sa halamang kung tagbulaklakay lipos ng nagkakatunggaliang ga kulay na
namamalintuna sa piling ng kapanglawan ng bahay na bato ay bakasin ang mga
pangyayaring nagpabago sa lakad ng kaniyang buhay.

Halaw sa: “Bahay na bato” ni Antonio B.L Rosales

4. Obhetibong Paningin

Sa paraang ito, ang tagapagsalaysay ay tulad ng kamerang malayong


nakapagmamasid sa mga pangyayari at kun ano ang kaniyang nakikita at naririnig ay
iyon lamang ang kaniyang naisasalaysay. Hindi niya napapasok ang isipan at kung ano
ang damdaming nararamdamanng mga tauhan ang halimbawa nito ay ang kuwentong
“Suyuan sa Tubigan” ni M. Pineda.

Halaw sa : Manwal sa Pagsasanay sa Filipino

-Panitikan ng Ikatlong Taon

A. Suriin ang maikling kwento gamit ang grapikong pantulong.

Mga Tauhan

Tagpuan Suliranin

Dalawang paso
ng orchids

Wakas
B. Batay sa ibinigay na paliwanag, balikan ang akdang binasa at suriin ito. Sagutin ang
tanong.

1. Anong uri ng paningin ang ginamit sa kwento? Ipaliwanag.

Damhin

1. Bakit may mga pagkakatao na kailangang kalimutan muna ang pansariling


kaligayahan?

Paunlarin

Pang-ugnay na hudyat ng pagsunod-sunod ng mga pangyayari

May may salitang naghuhudyat ng ugnayan ng mga serye ng impormasyon o


pangyayari. Isa ito sa pinaggagaitan ng salitang hudyat ng pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari. Pang-uring pamilang o pang-ugnay na pangatnig ang ginagamit sa
ugnayang ito. Karaniwang ginagamit ang una, sumunod, pagkatapos, saka at pati.

Basahin ag talata. Pansinin ang mga salitang initiman. Ano ang isinasaad ng mga
ito?

Tuwing dumarating ang scholar sa bahay, ang tatay mismo ang naghahanda ng
tsaa, insenso, ng brush, at ng lagayan ng tinta. Una silang naglalaro ng chess.
Pagkatapos, iinom sila ng rice brandy. Tatapusin nila ito sa pagrecite ng mga tula o
kaya ay magdidiskusyon habang umiinom ng tsaa. Sa gitna nito ang halimuyak ng
mabangong santal.

Ayusin ang sumusunod na mga pahayag. Lagyan ng bilang 1-4 ang patlang. Piliin
at bilugan ang mga pag-ugnay na ginamit.
Pagkatapos, ipoproseso ang mga impormasyon ng kaisipang ipinahayag ng mga
simbolong nakalimbag. Ito ang komprehensyon.

May apat na hakbang ng pagbasa ayon kay William Gray. Una, ang pagkilala ng
mga simbolong nakalimbag.

Kasunod nito ang pagbibigay ng reaksyon. Pinagpapasyahan ang kawastuan,


kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.

Huli ang asimilasyon. Sa hakbang na ito, isinasama at iniuugnay ang kaalamang


nabasa sa mga dati nang kaalaman o karanasan.

Tahasin

Panuto: Suriin ang mga pahayag. Isulat ang T kung ito ay wasto. Kapag mali,
salungguhitan ang salitang nagpamali at isulat ang tamang sagot sa patlang.

1. Ang hardin ng matandang iskolar ay hardin ng mga bulaklak.


2. Namumuhay ng matahimik ang matandang scholar kasama ang kaniyang apong
lalaki at isang matandang utusan.
3. Ang kahulugang ng pagbabalik ng halaman sa kuweba ay ang mawalan ng lahat
ng dahon.
4. Isang bunton ng piaster para sa dalawang paso ng orchids na pusong walang
dumi ang unang halagang inalok ng lalaking gusting bumili.
5. Pinakagusto ng lolo ang dalawang pasong orchids na white Jade.
6. Ikinagulat ni Boi-Lan ang muling pagdating ni Mr. Ngoc sa hardin.
7. Naipagbili ng dalawang pasong orchids sa halagang sampung piaster.
8. Nagawang ipagbili ng matandang scholar ang dalawang pasong orchids upang
makatulong sa mga nasunugan.
9. Lubhang ikinatuwa ni Boi-Lan ang pagbili ng orchids sapagkat nakatulong sya sa
nasunugan.
10. Ang lahat ng kagandahan ng hardin ay nawala at nagbago dahil sa pagkawala ng
dalawang paso ng orchids.

You might also like