You are on page 1of 4

Details of my mediation March 23, 2022

Neceforo Jr Aguilina y Babon has been staying since 1972

Slides 1-4

Ang layunin ng presentasyon na ito ay upang maimpormahan ang mga


kababaihan at kanilang mga anak na biktima or maaring maging biktima ng
pananakit, pananakot o hindi pagbibigay ng tama o wastong suporta.

Ating suriin kung ano ang mga legal na remedyo natin laban sa ibat ibang
uri ng pang aabuso. Magmula sa sikilohikal, pisikal, emosyonal at ang hindi
pagbibigay ng wastong suporta.

Slides 5-7

Ngayon naman ay talakayin natin ang mga maaring maging biktima sa ilalim
ng RA 9262. Sa mismong batas, makikita niyo ito sa Section 3(a). Maliban sa mga
nakalista sa screen, maari rin maging biktima ang isang babae na may anak sa
nambiktima, kahit na wala na silang relasyon ng mangyari ang krimen.

Mula sa maari maging biktima ay ipinakikita naman ngayon ng sunod na


slide kung sino ang maari mambiktima. Sa ilalim ng ra 9262, kahit sino ay maaring
mambiktima basta sila ay nagkaroon ng relasyon at/o anak sa naging biktima nila.

Ang parusa sa ilalim ng VAWC ay depende sa kung ano ang ginawa ng


nambiktima. Maliban sa pagkakakulong ay mayroon din babayaran na fine na di
bababa ng 100,000 at di hihigit ng 300,000 pesos, at mandatory counseling or
psychiatric treatment. Para sa kumpletong impormasyon ay maaring tignan ang
Sec. 6 ng RA 9262 pati na rin ang angkop na probisyon ng Revised Penal Code.

Slides 8-9

Kinikilala ng batas na ang isang babaeng biktima ng pang-aabuso, upang


maipagtanggol ang kanyang sarili, ay maaaring masaktan o mapatay ang kanyang
asawa, dating asawa, karelasyon, o dating karelasyon na siyang umabuso sa
kanya. Sa ganitong pagkakataon, ang babaeng biktima ay maaaring may Battered
Woman Syndrome, o isang kondisyong sikolohikal na nararanasan ng mga
kababaihang nasa mapang-abusong relasyon. Ang pagkakaroon ng Battered
Woman Syndrome ay maaaring maging depensa ng babaeng nakapanakit o
nakapatay upang siya ay mapawalang-sala. Kailangan lamang tandaan na ang
pagkakaroon ng ganitong kondisyon ay dapat mapatunayan ng isang eksperto.

Sa kadahilanang ang VAWC ay itinuturing na “public crime”, sinumang


nakakaalam ng pang-aabuso ay maaaring magsampa ng kaso para sa biktima.
Halimbawa nito ay ang mga pulis, kawani ng gobyerno, abugado, kamag-anak,
kasama sa bahay, o maging ang kapit-bahay.

Slide 11.

8. Ang pananakit sa sarili or bantang saktan ang sarili upang kontrolin ang kilos or
desisyon ng isang biktima ay isang halimbaw ng psychological abuse. Maliwanag
sa salita ng batas na hindi kinakailangan paulit-ulit na danasin ito ng biktima. Isang
beses na gawain ito sa kanya ay maaari nang maparusahan ang may sala sa ilalim
ng ating anti-VAWC law.

9. ang pagpuwersa sa biktima ng kahit anong sexual na gawain ay pinagbabawal


ng batas. Hindi lamang puwershang pakikipagtalik ang saklaw nito. Pati na rin ang
pag puwersa sa babae na gawain ang isang sexual act na hindi siya komportable
gawain ay pinarurusahan din.

10. Isang halimbawa ng recklessness ay ang pagwawala at paninira ng mga gamit


dahilan ng galit o habang nasa impluwensiya ng droga o alak.

11. Ang murahin at kutyain ang babae sa harap ng ibang tao o kahit na walang
ibang nakakarinig ay itunuturing na emotional abuse. halimbawa nito ay
pamimintas na tumaba ang babae o pumangit pagkatapos manganak. O di kaya
naman ay pagkumpara sa biktima sa ibang babae upang pintasan ang anyo or
ugali ng biktima.

Slides 12 to 13

Barangay Protection Order - Ano ito?


Ayon sa RA No. 9262 ang barangay ay maaaring mag-isyu ng barangay protection
order o BPO. Ito ay may bisa sa loob ng 15 araw - ngunit hindi ipinagbabawal ang
pag renew dito. May bisa lang ang BPO sa loob ng barangay kung saan ito inisyu.

Ang BPO ay isang utos galing sa barangay na naglalayong pigilan ang patuloy na
karahasan o banta ng karahasan laban sa isang babae at/o sa kanyang anak. Libre
ito at walang halaga o pera ang kailangan upang makakuha ng BPO.

Sa pamamagitan ng isang BPO, mapagbabawalan ang taong nanakit o


nagtangkang manakit na ipagpatuloy ang kanyang karahasan. Pagbabawalan din
siyang i-harass, inisin, tawagan sa telepono o kausapin sa anumang paraan –
direkta man o hindi – ang babae o batang victim-survivor.

TANDAAN: Hindi maaaring hikayatin na makipagkasundo ang victim-survivor sa


taong nanakit sa kanya. Ipinagbabawal ng batas ang anumang pakikipagkasundo
sa mga kaso ukol sa karahasan sa kababaihan at kabataan.

Slides 14 – 15:

Ang pag-apply o pagkuha ng protection order ay maaaring isagawa hindi lamang


ng biktima ng dahas sa kababaihan kung hindi pati na din ng ibang mga tao na
binabanggit sa mismong batas na RA 9262. Ang mga taong ito ay ang mga
sumusunod:

Ang mga magulang o tagapag-alaga ng biktima;


Ang anak o kaya naman ang lolo o lola ng biktima, o alinman sa malalapit niyang
kamag-anak tulad ng kanyang tiyuhin, tiyahin, pamangkin o pinsan;
Mga kawani ng DSWD o mga social workers sa lokal na pamahalaan;
Mga pulis, barangay kagawad, at punong barangay;
Abogado, taga-payo, o doktor ng biktima;

Bukod sa mga nasabi ay pinapayagan din ng batas ang hindi bababa sa dalawang
responsableng mamamayan na nakatira sa lungsod o bayan na pinangyarihan ng
krimen na dahas sa kababaihan at may personal na kaalaman sa nasabing krimen
na siyang mag-apply o kumuha ng protection order para sa biktima.

Sa tatlong klaseng protection orders, ang barangay protection order o BPO ang
pinakamabilis na puwedeng makuha para sa biktima ng dahas sa kababaihan.

Makukuha ang barangay protection order sa pamamagitan ng pagpunta sa


barangay kung saan nakatira o nananalagi ang biktima at pagsumite ng salaysay at
aplikasyon para sa BPO. Ang punong barangay o, kung wala man siya, alin mang
barangay kagawad ang siyang mag-iisyu ng BPO sa mismong araw na lumapit ang
biktima o aplikante para dito. Ang barangay din ang siyang magbibigay ng kopya
ng BPO sa taong inirereklamo para sa kanyang kaalaman na mayroon nang
ganitong utos mula sa barangay.

Slides 16

Subject to merit test pero indigency di required


- Subject also to first come first served policy
- visit nearest district office then state na lang address natin and emai address

You might also like