You are on page 1of 23

BULACAN STATE UNIVERSITY

MODULE II

ANG PILIPINAS SA IKA-19 DANTAON SA


KONTEKSTO NI RIZAL
BULACAN STATE UNIVERSITY

ANG PILIPINAS SA IKA - 19 NA DANTON SA KONTEKSTO NI RIZAL

Pambungad na Salita

Upang mas higit nating maunawaan ang buhay ni Dr. Rizal kailangan nating balikan
ang mga nakaraang kasaysayan ng ating bansa.Ito ay ang ika-19 na dantaon.

Matutunghayan sa aralin na ito ang naging kalagayan ng Pilipinas sa kamay ng mga dayuhang
mananakop noong pagkasilang ni Dr. Rizal. Matatalakay din ang patakarang kolonyal na
ipinatupad at kung paano isinulong ng mga kastila ang kanilang mga layunin sa Pilipinas.

Sa panahon ng pananakop maraming pagbabago ang naganap sa ekonomiya, edukasyon ,


kabuhayan at pulitika ng bansa na nakapagpabago sa pamumuhay ng mga Pilipino. Ang mga
suliraning kinaharap ng bayan tulad ng maling pamamalakad at sobrang pagmamalabis sa
mga mamamayan ang dahilan ng pagkilos ng mga Pilipinong maykaya at nakapag –aral sa
pagbuo ng kilusang Propaganda na naging daan upang umusbong ang damdaming
nasyonalimo sa mga Pilipino.

Mga Paksa

Sistemang Pang ekonomiya

Sistemang Panlipunan
Sitemang Pampolitika

Pagsibol ng Diwang Nasyonalismo


Ang Pagkilos ng mga illustrados at ang Kilusang Propaganda

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:


BULACAN STATE UNIVERSITY

Natutunton ang mga pagbabagong naganap sa Pilipinas sa


ekonomiya, Panlipunan at pampolitika noong 19 dantaton

Nauunawaan si Jose Rizal sa konteksto ng kaniyang panahon

Naipapaliwanag ang paraan ng pakikitungo at pagtutol ng mga


Pilipino sa mga mananakop na Kastila

Nasusuri ang epekto ng patakarang kolonyal sa pagsibol ng


Diwang Nasyonalismo

Nailalarawan ang pagkilos ng mga illustrados at ang kilusang


Propaganda batay sa nagawa at kinahinatnan.

Napaghahambing ang buhay ng mga Pilipino bago dumating ang


mga kastila at nang sinakop ng kastila ang bansa.

Takdang oras

Anim na oras (6 Hours)


Subukin

Magtala ng mga patakarang ipinatupad ng mga kastila na nakapagpabago sa buhay ng


mga Pilipino. Ano ang mga naging bisa nito sa kaunlaran ng bayan.

Ano ang kalakalang Maynila-Acapulco?

Ilarawan ang edukasyon sa ilalim ng pamamahala ng mga kastila.

Ano ang pang unawa mo sa salitang Nasyonalismo?

Isa isahin ang mga salik sa pag usbong ng damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino.

Si Jose Rizal ay naisilang noong ika-19 dantaon, isang panahon sa kasaysayan ng


Pilipinas na nakasaksi ng malawakang pagbabagong pang-ekonomiya, panlipunan at
pampolitika.
BULACAN STATE UNIVERSITY

May mga pandaigdigang


kaganapan at pangyayari na hindi man
direktang humubog kay Rizal, ngunit
masasabi nating naging daan para maging posible ang pagsibol ng isang pagbabago sa
buhay ng mga Pilipino at pagbuo sa pagkatao ni Rizal bilang isang dakilang tao.

Sa pagtatappos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga sumusunod na kasanayan.

Nailalarawan ang
sistemang Pang
ekonomiya na
ipinatupad ng
mga kastila.

Naisa-isa ang mga


pagbabago sa
buhay ng mga
Pilipino dulot ng
pagbubukas ng
Pilipinas sa
kalakalang Pandaigdig.

Nasusuri ang naging bisa ng mga monopluo sa buhay ng mga Pilipino.

A. Ekonomiya

Ang Rebolusyong Industriyal na nagsimula sa Hilagang Europa ay nagdala ng malaking


pagbabagong sosyo-ekonomiko sa buong mundo. Ito ang nagbunsod sa mga Kastila na
buksan ang Pilipinas sa kalakalang pandaigdig. Naging resulta nito ang paglago ng ekonomiya
dahil sa pagdagsa ng mga dayuhang negosyante sa ating bansa.

Kalakalang Galyon .Ang monopolyong kalakalang ipinatupad ng pamahalaang Espanyol sa


Maynila at sa Acapulco ay tinawag na Kálakaláng Galeón. Noong 1565, si Andres de
Urdaneta ay naglayag mula Cebu papuntang Acapulco at dito niya natuklasan ang ruta mula
sa Karagatang Pasipiko papuntang Mexico. Ipinangalan ang kalakalang ito sa malalaking
barkong Galeón na karamihan ay ipinagagawa ng pamahalaang Espanyol sa lalawigan ng
Cavite at sa iba pang bahagi ng Filipinas sa pamamagitan ng sapilitang pagtatrabaho ng libo-
libong katutubong Filipino. Noong 1565 sinimulan ang Kalakalang Galyon sa Maynila
pagkatapos matuklasan ni Andrés de Urdaneta, fraileng Agustino, ang tornaviaje o daanang
pabalik mula sa Filipinas patungong Mexico. Nagtagal ang daanan hanggang 1815 noong
nagsimula ang Pangkalayaang Digmaan ng Mexico. Nailuluwas ng Galyon sa Maynila ang
BULACAN STATE UNIVERSITY

mga mamahaling bagay tulad ng mga kasangkapan, porselana bulak at pilak .Nagbigay-daan
din ang daanan sa pagbabago at pagbabahagi ng kultura na nakahubog sa pagkakakilanlan
ng dalawang bansa.

Kanal Suez. Ito ay isang artipisyal o likha ng tao na daanan ng mga barko at iba’t iba
pang uri ng sasakyang pangdagat. Makikita ito sa bansang Ehipto na nagkokonekta ng
Pulang Dagat (Red Sea) at Dagat Mediterano (Mediterranean Sea).

Binuksan ang kanal na ito upang maging daluyan ng pandaigdigang kalakalan at


komersiyo, na maaaring gamitin nino man kahit sa panahon ng giyera o kapayapaan. Naging
parte ang kanal na ito sa mga hidwaan sa Gitnang Silangan tulad ng digmaang Arab-Israeli.

Pagbubukas ng Pilipinas sa kalakalang Pandaigdig

Ang pagbubukas nito noong 1869 ay lalo pang nagpabilis sa pagpasok sa bansa ng
mga kaisipang liberal tulad ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, kapayapaan, at nagpamulat
sa maraming Pilipino sa kanilang karapatan. Napadali ang paglabas-masok ng mga
mangangalakal at ang sistema ng komunikasyon sa Pilipinas. Nagresulta rin ito ng madaling
pagpasok ng mga babasahing aklat na nagsusulong sa kaisipang liberal at rebolusyonaryo.
Bagamat ipinagbabawal ang pagbabasa nito, nagsimula namang mamulat ang ilan sa mga
Pilipino sa mga kaisipang liberal na matagal nang lumalaganap sa Europa at sa iba pang
bansa sa dakong kanluranin.

Nagbukas ang Pilipinas sa Kalakalang Pandaigdig. Noong mga huling bahagi ng


ikalabinsiyam na siglo ay binuksan ng mga Espanyol ang Maynila sa pandaigdigang kalakalan
na nakapagdulot ng maraming pagbabago sa buhay ng mga Pilipino tulad ng mga
sumusunod:

Nakilala ang Pilipinas bilang top exporter ng ilang produkto tulad ng abaka, tabako, at
tubo.

Napabilis ang transportasyon para sa maayos na pagdadala ng mga produkto sa mga


iba’t ibang lugar ng bansa.

Dumami ang mga bangkong nagpapautang sa mga negosyanteng Pilipino sa Maynila.

Napabilis ang paglalakbay at palitan ng produkto sa ibang bansa .

Nakatulong sa pag angat ng pamumuhay ng mga Pilipino.

Sa ganitong sitwasyon maraming mga Pilipino ang yumaman dahil sa pagtatanim at


pakikipagkalakalan. Sila ang bumuo ng gitnang uri sa lipunan na umusbong noong huling
bahagi ng ika-19 na siglo.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Ang mga nabibilang sa gitnang uri ay ang mga nakapag aral sa Europa at tinawag na
Ilustrado o “Naliwanagan”. Sa Hanay nila nagmula sina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar at iba
pang mga Pilipino na nagsulong ng reporma o pagbabago.

Paglakas ng Kalakalang Pagluluwas ng mga Ani at Monopolyo. Sa pakikipagkalakan sa


ibang bansa, kinokontrol ng mga Espanyol ang kalakalan. Pinamahalaan nila ang pagbebenta
ng mga produktong nabili sa Europa tulad ng tabako. Sa ilalim ng pamamahala ng mga
Espanyol kumita sila ng malaki sa Kalakalang Galyon.

Monopolyo- ay isang klase ng sistemang pangangalakal kung saan tanging nag-iisang


korporasyon ang nagtitinda ng isang produkto. Sa pagsapit ng ika-19 dantaon nanaig ang
monopolyo sa kalakalang Galyon bagaman pinakinabangan ng mga kastilang may
karapatanng mangalakal sa galyon, ay hindi nakabuti sa Pilipinas. Una, nasalanta ang
kabuhayan ng mga Pilipino dahil sa pagiging pabaya ng mga pinunong kastila na walang
inatupag kundi ang pagpapayaman sa galyon. Pangalawa, tanging mga kastila lamang ang
nakinabang at kumita sa kalakalang galyon. Ikatlo, napabayaan ang pangangalaga sa mga
lalawigan, kaya nang maputol ang kalakalan nagkaroon ng panahon ang mga kastila na
asikasuhin ang kani-kaniyang lalawigan.

Gawain I
Isulat sa patlang ang tamang sagot sa bawat bilang.
________ Isang monopoly sa kalakalan na ipinatupad ng pamahalaang Espanya sa
__ Maynila at Acapulco.
________
Ang tawag sa tulong pinansiyal ng Kastila sa Pilipinas na dala-dala ng galyon.
__
________ Ang daanan na nagkokonekta sa Pulang Dagat at Dagat Mediterano na likhang-
__ artipisyal na dinadaanan ng mga barko.
________ Ang tawag sa mga Pilipinong nabibilang sa gitnang uri at nakapag-aral sa
__ Europa.
________ Isang klase ng sistemang pangangalakal kung saan tanging nag-iisang
__ korporasyon ang nagtitinda ng isang produkto.

B. Panlipunan

Tatalakayin sa araling ito kung paano kinontrol ng mga prayle and edukasyon at ang pagdami
ng mga mestisong tsino at Inquilino sa Pilipinas.

Sa pagtatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga sumusunod


na kasanayan

Naipapaliwanag ang sistema ng edukasyon sa panahon ng mga kastila.

Nasusuri ang mga dahilan ng pagdami ng mestisong Tsino at


inquilino sa Pilipinas.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Edukasyon kontrolado ng mga Prayle. Sa kasaysayan ng mga Pilipino bago pa dumating ang
mga kastila ay may sariling kabihasnan na. Nang sakupin ng Espanya ang Pilipinas nakarating
ang mga misyonerong prayle at pinalawig ang kristiyanismo kasabay na pinakialaman ang
edukasyon, sinunog ng mga misyonerong prayle ang mga tala na nakasulat sa mga dahon,
banakal at punong kahoy sa paniwalang ang mga ito ay likha ng masasamang espiritu. Bilang
bansang mananakop ay naging patakaran ng Espanya ang magturo sa mga nasasakupang
mamamayan ng doktrina Kristiyana at magtatag ng mga paaralang magtuturo nito. Hindi
nilayon ng mga kastila na magturo ng naaayon sa mundong ito. Relihiyon ang namamayani sa
kanilang isipan sapagkat nais nilang maging mabuting mamamayan sa kabilang buhay. Ayon
kay Rafael Palma, naging Pangulo ng Universidad ng Pilipinas, sa aklat ni Teodoro Agoncillo,
“Ang mga layun at pakay ng buong paraan ng edukasyon ay maliwanag na itanim at ipilit sa
isip ang kabutihan sa pamamagitan ng disiplinang panrelihiyon, at isalin ang karunungan at
bagay bagay na nahihingil sa mundo at kalikasan, na ipinalalagay nilang lumilipas at di-
palagian, sa mga bagay na nauukol sa buhay na walang hanggan at sa kahanga hangang
bagay ng kabilang daigdig”.

Ang mga unang paaralan ay mga paaralang parokya o pinamamahalaan ng


kura.Tinuruan ang mga bata ng relihiyon, kastila, pagsulat, pagbasa, pagbilang, musika at
paghahanap buhay.

Nagtatag din sila ng mga paaralang sekundarya upang maihanda ang mga mag- aaral
sa mataas na paralan. Ang mga paring Heswita at Dominikano ang nagtatag ng mga kolehiyo.
Tulad ng kauna-unahang kolehiyo para sa mga babae, ang kolehiyo ng Santa Potenciana na
naitatag noong 1594.

Naitatag din ang Paaralang Normal noong 1865 para sa babae’t lalake. Dahil sa
pagdami ng mga estudyante nagtayo rin ang mga prayle ng mga Paaralang –Bayan, sapilitan
at walang bayad ang pagpasok sa mga paaralang iyan. Tinuturuan ang mga batang lalaki ng
Kasaysayan ng Espanya, hiyograpiya, pagsasaka, aritmetika, doktrina kristiyana, pagsulat,
pag awit at magandang asal. Ang mga babae naman ay nagbuburda, panggagantsilyo at
pagluluto na siyang kapalit ng pagsasaka, hiyograpiya, at kasaysayan ng Espanya. Bukod sa
pagtatag ng mga kolehiyo nagtayo rin ang mga prayle ng unibersidad upang makapagpatuloy
sa pagkuha ng karera ang mga nagsipagtapos sa mga kolehiyo. Ang kauna unahang
unibersidad sa Pilipinas na naitatag ay ang unibersidad ng San Ignacio na itinatag ng mga
paring Heswita noong 1589 at ang mga prayleng Dominikano naman ay itinatag ang Colegio
de Nuestra Señora del Santisimo Rosario noong 1611 nang lumaon ay naging Colegio de
Santo Tomas sa alala ng Dominikanong si Thomas Aquainas noong 1645.Dahil sa atas ni
Pope Innocent X naiangat ang antas ng Colegio at naging Universidad.
Naging talamak na ang kalupitan ng mga prayle dahil naging bukas lamang ang mga
paaralan, kolehiyo at unibersidad sa mga mestisong kastila at pinid ang pinto para sa mag
BULACAN STATE UNIVERSITY

Pilipino. May kautusan ang Hari ng Espanya na ituro sa mga Pilipino ang wikang kastila, ang
nangyari’y hindi sinunod ng mga namamahala sa Pilipinas ang nasabing mga kautusan
sapagkat natatakot silang matututo ang mga Pilipino dahil ito ang magiging dahilan ng
kanilang paglaban sa mga mananakop.

Nabuksan na lamang ang mga paaralan, kolehiyo at unibersidad sa mga Pilipino noong
ikalawang hati ng 19 dantaon. Sa likod ng pagiging madamot ng mga prayle sa mga Pilipino
sa edukasyon nagkaroon ang Pilipinas ng mga Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H.
Del Pilar, Cayetano Arellano, Apolinario Mabini at marami pang iba.

Mga Pilosopiya ni Rizal ukol sa Edukasyon

Para kay Rizal, ang edukasyon ay isang karapatan para sa


lahat na walang sinusukat na estado sa lipunan para lang
masabi kung sino lamang ang may oportunidad para
makapag-aral.

Ang edukasyon ay isang sandata para sa pag-usad ng nasyonalismo.

Ang Edukasyon ang makakapagpalaya sa tao.


Makakapagpalaya sa hindi makataong dominasyon ng
bansa.

Ang Edukasyon ay isang Tanglaw ng Lipunan.

Ang paaralan ang saligan ng lipunan at ang lipunan ang


salamin ng paaralan.

Pagdami ng mga Mestisong Tsino at mga Inquilino

Mestiso .Ang salitang mestíso (mestizo) ay tumutukoy sa mga anak ng mag-asawang


magkaiba ang lahi. Noong panahon ng Espanyol, ito ang naging taguri sa anak ng Espanyol o
Tsino na ama at ng inang Filipina o Indio o ang kabaligtaran nito.

Hindi ipinagbabawal ang pagsasama ng magkaibang lahi. Sa katunayan, kinilala ang


mga mestiso bilang isang natatanging sektor ng lipunan simula pa noong 1750. Gayunman,
higit na mababà pa rin ang tingin sa kanila kumpara sa mga anak ng parehong Espanyol o
Tsino. Dahil dito, mas iniuugnay ang mga mestiso sa grupo ng mga Filipino o Indio kaysa mga
lahing Espanyol o Tsino.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Karamihan sa mga mestiso bago ang ika-19 na siglo ay mga “Mestizo de Sangley” o
mga produkto ng ugnayang Tsino at Filipino. Di tulad ng mga mestisong Espanyol, karamihan
sa mga mestisong Tsino ay madaling nakakahalubilo sa mga katutubong Filipino. Dumami
lamang ang mga mestisong Espanyol pagsapit ng siglo 19 nang buksan ang Filipinas sa
pandaigdigang kalakalan at napadali ang paglalakbay mula sa Espanya matapos buksan ang
Kanal Suez. Maraming mga Filipino ang nakapag asawa ng dayuhan dahil sa kanilang
pakikipagkalakalan sa Pilipinas.

Noong kalagitnaang bahagi ng ika- 19 na siglo, marami na sa mga mestiso ang


yumaman, nagmay-ari ng lupa, nakapag-aral at nagkaroon ng posisyon sa pamahalaan. Dahil
sa hangaring tumaas ang pagkilala sa kanila sa lipunan, at bilang pakikiisa sa ibang inaaping
sektor, naging aktibo ang mga mestiso sa usapin ng sekularisasyon ng mga parokya, sa
Kilusang Propaganda, at sa Himagsikang 1896. Isang halimbawa si Dr. Jose Rizal na may
lahing mestiso.

Inquilino. Ang mga inquilino sa Pilipinas ang nagpapaupa o nagbebenta ng mga lupang
ibinenta sa kanila ng mga prayle. Sila rin ang nagsisilbing tagapamahala ng mga lupaing
pagmamay ari ng mga prayle at mayayaman.

Ang sistemang inquilino sa Pilipinas ay ang naging batayan sa pagpapatakbo ng mga


lupain. Ang sistemang ito ang naging dahilan upang mas malaki ang kita ng inquilino kesa sa
mga magsasaka. At ito rin ang patakang pangkabuhayan na hindi makatarungan at mapang-
api.

Ang mga inquilino sa Pilipinas ay naging halimbawa ng pagsasamantala sa kapwa noong


panahon ng mga Espanyol at Amerikano.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Gawain I

Sagutin ang mga sumusunod na tanong

Basahin at pag aralan ang Sistema ng edukasyon noong panahon ng


kastila. Ito ba ay nakatulong sa mga pangangailangan ng mga tao
noon? Bakit?

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

Ipaliwanag ang dahilan ng pagdami ng mga mestisong tsino at Inquilino sa


Pilipinas?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

Tatalakayin sa araling ito ang sistemang pampolitika sa panahon ng mga kastila.Kung


paano lumagap ang mga kaisipang liberal sa Espanya na umabot hanggang s Pilipinas.

Sa pagtatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga sumusunod


na kasanayan

Naipapaliwanag ang paglaganap ng ideyang liberalismo sa


Europa na umabot sa Pilipinas.

Nasusuri ang mga naging epekto sa Pilipinas ng Konstitusyong


Cadiz ng Espanya
BULACAN STATE UNIVERSITY

Naisa-isa ang mga suliraning Pambayan na naranasan ng mga Pilipino.

Natatalakay ang mga reaksyon ng mga Pilipino sa mapanupil na


pamamalakad ng mga kastila.

Pampolitika

Paglaganap ng Ideyang Liberalismo sa Europa

Liberalismo (Enlightenment). Isang malawak na uri ng pilosopiyang politikal kung saan


binibigyang-diin ang kahalagahan ng kalayaan at pagkakapantay-pantay.

Liberal na ideya. Ito ay nagmula sa Europa at umusbong dahil sa hindi pantay na


katayuan ng mga tao sa lipunan.

Mabilis na lumaganap sa Espanya ang liberal na kaisipan. Nakilala ang mga


pampolitikong manunulat na tulad nina Voltaire, Jean-Jacques Rousseau at John Locke na ‘di
sang-ayon sa umiiral na sistemang monarkiyal.

Ayon sa kanila kung mapapatunayan ng mga mamamayan na hindi na karapat-dapat


ang pinuno sa kanilang pagtitiwala ay kailangang alisin na ito at palitan.

Ang kaisipang liberal na ito ay umusbong sa naganap na Himagsikang Pranses. Ang


mga simulain ng mga Pranses na, “Pagkakapantay-pantay, kalayaan, at pagkakapatiran ay
umabot at nakarating sa Pilipinas. Naging inspirasyon ng mga Pilipino ang mga simulaing ito
para sa kanilang mga minimithing pagbabago o reporma.

Konstitusyon ng Cadiz sa Espanya

Ang Cadiz Constitution ng 1812 ay nilikha bunga ng hangarin ng Espanya na wakasan


ang mga pang-aabusong dala ng sistemang konserbatibong umiiral sa kanilang bansa.
Binibigyang halaga sa nasabing konstitusyon ang mga ideyang liberal gaya ng karapatan sa
pagboto ng mga kalalakihan, pambansang soberanya, monarkiyang konstitusyonal, kalayaan
sa pamamahayag, reporma sa lupa, at malayang kalakalan. Ang sistemang ito ay direktang
nakaapekto sa kalagayan ng Pilipinas bilang kolonya at sa paggising sa hangarin ng mga
Filipino na maging Malaya.
Bago naipasa ito, nagkaroon ng halalan sa maynila upang piliin ang kinatawang
Pilipinong ipapadala sa Cadiz. Si Ventura Delos Reyes, isang mayamang Pilipino ang nahalal
bilang kinatawan.Hiniling niya ang mga sumusunod:

Pag –alis ng sapilitang paggawa

Pagkakapantay-pantay ng mamamayan
BULACAN STATE UNIVERSITY

Pagtanggal ng mga monopolyo kasama ang kalakalang Galyon

Pagtatag ng malayang kalakalan

Kalayaan sa pamamahayag, paglilimbag at relihiyon

Hindi man nagtagumpay ang tangkang ipatupad ito sa Pilipinas, nagkaroon ito ng
epekto sa pamamahala ng Espanya sa Pilipinas:

Ipinatigil ang kalakalang galyon

Napalitan ang merkantilismo ng malayang kalakalan

Pagsiklab ng pag-aalsa sa Ilocos laban sa pagkansela sa pagpapatupad ng


konstitusyon sa Pilipinas noong 1815.

4. Paglaganap ng mga bagong kamalayang bunga ng kaliwanagan sa Europa


lalo na sa hanay ng mga Pilipinong kabilang sa panggitnang uri na nagkaroon
ng pagkakataong makapag-aral sa Europa pagsapit ng ika-19 siglo.

Gawain I

Pagtambalin ang mga salita sa dalawang hanay. Isulat ang titik


lamang ng mga salita sa kanan sa patlang sa unahan ng bilang sa
kaliwa.

A B

______ 1. Ventura delos Reyes A. Konstabularyo

______ 2. Liberalismo B. Mataas na opisyal

______ Guardia Sibil C. Kinatawan


3.

______ Konstitusyong Cadiz


4.
______ Gobernador Heneral D. Naliwanagan
5.
E. Sistemang konserbatibo
BULACAN STATE UNIVERSITY

Mga Kaakibat na Suliraning Pambayan na naranasan ng mga Pilipino


Noong huling dalawampung taon ng ika 19 na dantaon ay maraming napagdaanang suliranin
ang mga Pilipino sa kamay ng mga kastila. Ang suluiraning iya’y nauukol sa walang
katarungang pamamahala ng mga kastila sa mga Pilipino. Isa isahin natin ang mga suliraning
ito:

Nagkaroon ng kapangyarihan ang mga prayle at pamahalaan

Sumibol ang natatanging anyo ng Espanyol na pamahalaan sa Pilipinas,


ang"Pamahalaan ng mga prayle" o frailocracia.

Hawak ng mga prayle ang Buhay panrelihiyon at edukasyon ng Pilipinas


Kontrolado din nila ang pulitika, impluwensiya, at kayamanan
Pag usbong ng mga prayleng masasama

Sekularisasyon ng mga parokya


Katiwalian ng mga Gobernador Heneral

∙ Nalimitahan ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pagpili ng relihiyon


at iba pa.

Diskriminasyon at Usaping Pang agraryo


Mga Indio
Mga kababaihan
Pag –aari ng mga Lupang pansakahan/Hacienda

Pagmamalupit ng mga Kastila sa mga Pilipino


Guardia sibil (Konstabularyo)
Ang litigasyon

Pandaraya sa hukuman
Pagsasakdal ng mga inosente
Pag ikot ng pera
Mabagal na pagproseso
Ang pagkakasangkot sa isang kaso ay isang "Kalamidad"

Ang pagbabawal sa pagtitipon ng mga Pilipino


Ang lumalaban sa pamahalaan ay pinarurusahan
Arsenal

Reaksiyon ng mga Pilipino sa Mapanupil na Pamamalakad ng mga Kastila

Maganda ang hangarin ng Hari ng Espanya hinggil sa pagsubaybay sa Pilipinas ngunit


malayo ito sa Espanya kaya nagkaroon ng pagkakataon ang mga opisyal ng pamahalaan, at
BULACAN STATE UNIVERSITY

mga prayle na mang abuso sa mga Pilipino. Kaliwa’t kanan ang pandaraya, pang aalipusta,
panggigipit, pandaraya ng mga opisyal ng pamahalaan at kabuktutan ng mga prayle.

Ang mga ito ang naging dahilan ng paghihirap at pagtitiis ng mga Pilipino.Ngunit noong
kalahati ng ika 19 dantaon ay natuto ang mga may pinag-aralang Pilipino na tumutol sa
palakad ng mga kastila at ang pagtutol na iyon ay lumakas hanggang umabot sa himagsikan.

Sa kabuuan, ang ginawa ng mga Pilipino ay:

Pagtakas (Escape). Napilitan ang ibang mga Pilipino na iwan ang kanilang nakalakhang
tahanan at magpakalayo tungo sa lugar na hindi abot ng kapangyarihan ng mga
Espanyol. Sila
ang iilan na nagawang maipanatili ang tunay na kultura ng mga Pilipino na naging
dahilan upang sila'y maging kakaiba sa paningin ng iba.

Pagtanggap (Acceptance). Napilitang tanggapin ng mga katutubong Pilipino ang lahat ng


mga batas at alituntunin na ipinatutupad ng mga ito. Tinanggap rin nila ang sapilitang
paggawa, na kilala sa tawag na polo y servicio, kahit nangangahulugan iyon ng
pagkawalay sa kanilang pamilya. Tinanggap rin nila ang kulturang dala ng mga
Espanyol: ang pagkakaroon ng mga piyesta at iba pang magagarbong selebrasyon,
ang pagbabago ng klase ng kanilang pananamit, at pagpapalit ng kanilang mga
katutubong pangalan sa mga pangalang hango sa mga salitang Espanyol.

Paglaban (Resistance). Noong mamulat ang mga katutubong Pilipino sa masamang


sistema ng pagpapalakad ng mga Espanyol sa Pilipinas, nagkaroon sila ng lakas ng
loob na kalabanin ang mga ito. Nagsagawa sila ng mga rebolusyon, walang takot
nilang hinarap ang mga Espanyol kahit alam nilang wala silang laban dito dahil sa
mga makabagong kagamitang pandigma na gamit nila.

Gawain II

Sagutin ang mga sumusunod na tanong

Apat na epekto ng konstitusyong Cadiz sa pamamahala ng Espanya sa Pilipinas.

Konstitusyong Cadiz
BULACAN STATE UNIVERSITY

2. Limang kahilingan ni Ventura Delos Reyes sa Espanya bilang Kinatawan ng Cadiz.

Anim na suliraning pambayan na naranasan ng mga Pilipino.

____________________________________________
BULACAN STATE UNIVERSITY

____________________________________________

____________________________________________

____________________________________________

____________________________________________

Gawain III

Panoorin ang Pelikulang “Ganito kami noon, Paano kayo ngayon?”

Sa Pelikulang iyong napanood, Ikumpara mo ang kalagayang ekonomiya,


panlipunan at politika sa kasalukuyang panahon.

NOON NGAYON

EKONOMIY
A
1.
1.

2. 2.

3. 3.

PANLIPUNA
N
1.
1.

2. 2.

3. 3.

POLITIKA
BULACAN STATE UNIVERSITY

1. 1.
2. 2.

3. 3.

Pagsibol ng Diwang Nasyonalismo

Tatalakayin sa araling ito ang pakahulugan ng mga Pilipino sa salitang Nasyonalismo at


ang mga salik na nagbunsod upang lumaban sila sa mga dayuhan.Gayun din, ang mga bagay
na nakapagbigay-lakas upang magkaisa ang mga naaaping Pilipino sa panahon ng mga
kastila.

Sa pagtatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga sumusunod na kasanayan

Natatalakay ang pagdating ng kaisipang liberal sa bansa.

Naipapaliwanag ang mga pangyayaring nagbigay daan sa


paglinang damdaming nasyonalismo.

Nasusuri ang mga epekto ng patakarang kolonyal sa pag usbong


ng nasyonalismo.

Nasyonalismo - ito ang katawagan sa maalab na pagmamahal at pag-aalaga sa lupaing


sinilangan at pagkakaroon ng adhikain para sa Inang Bayan. Hinangad ng mga Pilipino na
makalaya sa kamay ng mapang abusong Espanyol.

Mga Salik na nakapagpausbong ng damdaming Nasyonalismo

1. Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan

Isang dikri noong 1789 ang bahagyang nagbukas sa Maynila sa kalakalang


Pandaigdig bilang pagbibigay pahintulot sa Campania Real de Pilipinas. Bunga nito
umunlad ang mga produkto ng panluwas at lumaki ang kapital ng bansa. Pinabuti
ang teknolohiyang pansakahan at dumami ang ani at mga produkto. Dahil sa pag
unlad nagsimulang makakilala ang mga tao at namulat sila sa sariling kalagayan.

Pagkakaroon ng pang-gitnang uri ng lipunan


BULACAN STATE UNIVERSITY

Tinatawag sila bilang “Class Media” yumaman sila dahil sa pag unlad ng komersiyo at
Agrikultura.

Sila ang bumubuo sa antas Principalia sa lipunan, na siyang nagpasimula ng paghiling


ng pagbabago at nagtatanggol sa mga karapatan ng mga Pilipino.

Pagsibol ng kaisipang liberal sa Pilipinas

Dala ng Espanyol ang mga kaisipang liberal na ito buhat sa Europa. Ito ay ipinamalas
nila sa kanilang malayang pagkilos at pananalita. Ang ganitong kaisipan, bagamat hindi
tuwirang ipinalaganap ay tumimo sa isipan ng mga katutubong Pilipino.

4. Kilusang Sekularisasyon:

Ang kilusang sekularisasyon ay itinatag upang ipagtanggol ang karapatan ng mga


paring sekular sa mga parokya. Mayroon dalawang uri ng paring katoliko sa ating bansa
noon. Ang regular at ang sekular. Ang paring regular ay may kinakaanibang orden tulad
ng Dominikano, Heswita, Pransiskano at iba pa. Ang paring sekular naman ay hindi
kabilang sa kahit anong orden.

Si Gobernador Carlos Maria Dela Torre:

Naniniwala siya sa liberalismo at ipinamalas niya ito sa pamamagitan ng mga patakaran


at mahusay na pakikitungo sa mga Pilipino. Siya ay may pantay na pagtingin sa mga
Espanyol at mga Pilipino.

Ang pag aalsa sa Cavite noong 1872


Noong panahon ng pamamahala ni Gobernador Rafael Izquierdo naging mahigpit at
nagdulot ng pahihirap sa mga Pilipino ang kanyang mga kautusan. Ang lahat ng mga
manggawang Pilipino sa Cavite na hindi nagbababyad ng taunang buwis ay inalisan niya
ng karapatan at kabuhayan.

Nagprotesta ang mga mangagawa at ito ay ginawang isyu ng Gobernador at sinabing iyon
ay pag aalsa laban sa Inang Espanya.

Pagbitay sa tatlong paring martir

Ang pagbitay sa tatlong Pilipinong pari na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos
at Padre Jacinto Zamora sa pamamagitan ng garrote ay isa sa pinakamahalagang salik sa
pagbubuklod sa damdamin ng mga Pilipino.

Gawain I
Magbigay ng anim (6) na salita sa pagkaunawa mo sa salitang nasyonalismo?

1. _______________________________ 4. ________________________________
2. _______________________________ 5. ________________________________
BULACAN STATE UNIVERSITY

3. _______________________________ 6. ________________________________

Gawain II
Isulat ang tsek () sa patlang kung ang sumusunod ay salik na nakapagpausbong
ng damdaming nasyonalismo.Lagyan ng ekis (x) kung hindi.

___1. kilusang sekularisasyon ___6. panggitnang-uri

___2. liberal na kaisipan ___7. pag-aalsa ng mga Kastila

___3. pag-aalsa sa Cavite ___8. pabago-bagong nanunukulan sa


bansa
___4. pagtatangi sa lahi ___9. pandaigdigang kalakalan

___5. pagkatalo ng mga himagsikang ___10. pagkakaroon ng paring Pilipino sa


Pilipino laban sa mga Kastila parokya

Ang Pagkilos ng mga Ilustrados at Ang Kilusang Propaganda

Tatalakayin sa araling ito kung paano kumilos ng mga illustrados at paano naitatag ang
Kilusang Propaganda.

Sa pagtatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga


sumusunod na kasanayan

Nakapagtatalakay sa mga pagkilos na ginawa ng mga


illustrados upang ipagtanggol ang ating bayan.

Nakapagbibigay ng mga nagawa at ibinunga ng kilusang


propaganda

Naihahambing at makapagpapaliwanag ng mga layunin


ng kilusang Propaganda at La Liga Filipina.

Sa mga nasaksihan ng mga Pilipinong ilustrados sa klase ng pamamahala na


ipinatutupad ng mga kastila ay unti- unti na silang nagsikilos at bumalangkas ng mga
BULACAN STATE UNIVERSITY

programa at bumuo ng mga samahan na naglalayun ng pagbabago sa ilalim ng pamamahala


ng Espanya.

Ang Kilusang Propaganda

Isang kilusan na itinatag sa Espanya noong 1872 hanggang 1892 na naglalayon


na humingi sa pamahalaang Espanya ng reporma sa mapayapang pamamaraan. Nakilala
sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena at Marcelo H. del Pilar bilang mga pangunahing
propagandista.

Mga Layunin ng Kilusang Propaganda

Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Espanyol sa harap ng


batas.

Gawing lalawigan o bahagi ng bansang Espanya ang Pilipinas.

Magkaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Kortes ng Espanya.

Sekularisasyon ng mga pari o parokya sa Pilipinas.

Pagkalooban ang mga Pilipino ng kalayaan sa pagsasalita, pamamahayag,


pagpupulong at paghaharap ng mga karaingan laban sa mga pang-aabuso.

Bigyan ng pantay na karapatan ang mga Pilipino na maipagtanggol ang sarili sa mga
kasalanang ipinararatang sa kanila.

La Solidaridad. Ito ang pahayagan ng Kilusang Propaganda. Si Graciano Lopez Jaena ang
hinirang na patnugot ng nasabing pahayagan na naglabas ng unang isyu noong ika-15 ng
Pebrero, 1889. Sina Mariano Ponce, Antonio Luna, Jose Ma. Panganiban, ay kasama sa
pagpapalaganap ng mithiing Pilipino at ilan pang hindi naging masigasig sa bandang huli.
Gumamit sila ng iba’t ibang sagisag upang hindi makilala at mailigtas ang kanilang mga
kaanak kung sakaling paghigantihan sila ng mga Kastila.

Ang mga Layunin ng La Solidaridad

Tumulong sa mapayapang paraan upang makamtan ang mga pagbabago sa politika at


lipunan.

Ilantad ang nakalulunos na kalagayan ng mga Pilipino sa bansa upang mabigyang-


lunas ng Espanya.

Hadlangan ang masasamang impluwesiya ng nepotismo (paggamit ng impluwensiya


upang mapaunlakan ang isang kaanak) at konserbatismo (pagiging makaluma) sa
pamamalakad ng pamahalaan.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Itaguyod ang mga kaisipang liberal at kaunlaran ng bansa.

Ipaglaban ang mga makatuwirang mithiin ng mga Pilipino sa buhay, demokrasiya, at


pamumuhay na mapayapa at maligaya.

Ilantad ang mga di kanais-nais na gawi ng mga prayle at mga tiwaling patakaran ng
simbahan.

Sikaping himukin ang mga Pilipino tungo sa pagkakaisa.

Si Graciano Lopez Jaena ang unang patnugot at sumulat ng Fray Botod na tumuligsa
sa mga pang-aabuso ng mga prayleng Espanyol. Ang ikalawang patnugot ay si Marcelo H. del
Pilar, na gunamit ng sagisag na “Plaridel”. Itinatag at pinamatnugutan niya ang Diariong
Tagalong noong 1882 kung saan inilathala niya ang karaingan at kahilingan para sa mga
pagbabago ng mahihirap. Si Dr Jose Rizal, ang sumalat naman ng nobelang Noli Me Tangere
kung saan tinalakay niya ang maling sistema ng lipunan na nagpapahirap sa mga Pilipino
noon. Sa kaniyang akdang El Filibusterismo, tinalakay naman niya ang mga gawain ng isang
rebolusyonaryo. “Dimasalang” at “Laong-Laan”nman ang ginamit niyang sagisag. Ang iba
pang manunulat at ang kanilang sagisag ay sina Mariano Ponce (Tikbalang, Naning, at
Kalipulako), Dominador Gomez (Romiro Franco), Antonio Luna (Tagailog), at Jose Ma.
Panganiban (Jomapa).

Mahigit na pitong taon naging tinig ang La solidaridad sa paghingi ng reporma.


Mahalaga ang pahayagang ito dahil matutunton dito ang pagyabong ng pampolitikang
kaisipan ng mga Filipino. Nung lumaun, nagsara ang La Solidaridad bunga ng maraming
balakid na kinaharap nito tulad nang: kulang sa pondo, walang kalayaan ang operasyon, at
walang pagkakaisa ang mga Pilipino.

Dr. Jose Rizal

Naging pangunahing propagandista at tinaguriang Pambansang Bayani ng mga Pilipino


si Dr. Jose Rizal. Sa ibang bansa, bagamat maraming sumusuporta sa Kilusang Propaganda,
nalimi ni Rizal na hindi lubusang magtatagumpay ang kilusan kung hindi pag-iisahin ang mga
Pilipino. Nilayun rin niya na bumalik sa sariling bansa upang pag-isahin ang mga Pilipino.
Itinatag ni Dr. Jose Rizal ang samahang La Liga Filipina noong July 3, 1892 sa Pilipinas bunga
ng pagkabigo ng Kilusang Propaganda sa Espanya na makamit ang mithiin nito. Ang La Liga
Filipina ay isang pansibikong organisasyong sinimulan ni Rizal pagbalik niya sa Pilipinas na
naglalayun ng pagbabago sa ilalim ng pamamahala ng mga kastila.

Ang mga Layunin ng La Liga Filipina


Magkaroon ng pagkakaisa ang buong kapuluan para sa kapakanan ng lahat.
Matugunan ang bawat kaanib sa panahon ng pangangailangan.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Matugunan ang bawat kaanib sa panahon ng pangangailangan.


Matugunan ang bawat kaanib sa panahon ng pangangailangan.
Maisagawa ang mga pagbabago o reporma sa pamahalaan.

Konsepto ni Rizal tungo sa pagtatag ng isang bansa

Ang pagtatag ng isang bansang Pilipinas at ang kanyang konsepto ng nasyonalismo ay


nabuo at nag “mature: noong mga taong 1882 at 1887. Buhat sa labas ng bansa ay nagkaroon
siya ng mas malawak, at mas maliwanag na pananaw tungo sa kanyang bayang sinilangan at
ang mga tao rito. Buhat sa malayo, nakita niya at naintindihan ang mga suliranin ng kanyang
bayan. Kung paano at bakit inabuso at inalipusta ng mga dayuhan at mga kakutyabang mga
indio ang kanyang bayan. Dito nag-ugat sa isip, puso at damdamin ni Jose Rizal ang
pagmamahal, pagmamalasakit at pag-ibig para sa isang bayan. Sa mga panahong ito niya
nakita kung bakit sa loob ng ilang taon ang lumipas ay walang hanggan ang pang-aabuso at
pagsasamantala sa kanyang bayan. Ito ay ang mga sumusunod. Una, ang kawalan ng
pambansang kamalayan o “National consciousness”, ang uri ng mga indios at kawalan ng
sapat na edukasyon at kasanayan ng mga tao o mamamayan.

Tinuruan niya ang mga tao paano isasabuhay ang nasyonalismo o pagmamahal sa
bayan, sa isip, sa salita at sa gawa. Kaya sa kanyang iginuhit na plano tungo sa pagtatag ng
bayang Pilipinas binigyan niya ng halaga at diin ang edukasyon, pag-ibig at dangal sa bayan,
pagpukaw at paggising sa pamabangsang kamalayan, pagbabago ng mga mali o likong
pagpapahalaga (Values) at ang pagsasakripisyo tungo sa kabutihan ng lahat ng mamamayan.
Sa pamamagitan ng edukasyon ay magsisismulang magkakaroon ng pagkamulat ang mga
indio upang sila ay makawala sa kamangmangan. Sa pamamagitan rin ng edukasyon ay
malalaman ng mga tao na mayroon silang sariling bansa at sa pamamagitan rin nito ay
maitutuwid ang maling turo ng mga dayuhan na ang mga Filipino ay may mababang uri at mga
mangmang at hindi isinilang upang maging alipin lamang, sa pamamagitan ng pag-aaral ng
tamang kasaysayan ay malalaman ng mga Filipino (Indio) ang katotohanang sila ay may
maganda, masaya at may isang malayang kahapon. Sa pamamagitan nito ay makikita ng mga
Indio (Filipino) na may isang bansa at hindi hiwa-hiwalay ang mga tao at bawat isa ay
gumagawa at nag-aambag tungo sa pagtatatag ng isang bansa, Ang Filipinas.

Ipinaliwanang ni Jose Rizal na hindi madali ang magtatag ng isang bansa dahil kalakip
nito ang pagpapakasakit at mga paghihirap upang makamit ang kalayaan. Sa kaisipan ni Jose
Rizal tayo ay mga pinuno o “Leader” at ito ay ginagawa natin, maayos man o hindi, ang
pagiging pinuno ay nagbubuhat sa ating kalooban. Ang liderato ay larawan nang pagpapakita
ng pagkatao at patuloy na dumadaloy sa iyo habang ika’y nabubuhay.

Gawain I

Hanapin at bilugan ang mga sagisag sa crossword puzzle ng mga


sumusunod na propagandista. Maaring dalawa o tatlo sa bawat propagandista.
Ang mga Salita ay maaring pababa, pahalang,palihis o pabaliktad.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Marcelo
Mariano
H. del Antonio Luna
Ponce
Pilar
Jose Ma.
Jose Rizal Dominador
Panganiban

F R A Y B O T O D S A E T O R R A G A I

I O D K L A D N A G A P O R P O N N N L

L C Y K I B S E N A J D N J I N A A G L

I N A L B P P S T L N B A O L G B L N U

A A R W E D L P A L S W A L I I U A A S

Z R Y L R A O A S E D U L A P D C B S T

R F O A A P P N R O L E G A S I N K Y R

U O T S K I E Y P I B O N I F A C I O A

B R A O A T Z A N N D R O G B P N T N D

M I G L T A J W G M S E A O E P I M A O

O M A I I N E H C O A G L A L I G A L S

G O I D P R A Y L E N U C P H L L N I O

J R L A U A N N W C G L Y B I I Z G S K

O O O R N N A N I E L A D N K P K C M O

M B G I A U I T O N E R Q V A I R A O J

A E A D N L U N E S G N A L A S A M I D

P R D A M I D D L E C L A S S A B R A E

A T O D K A L I P U L A K O C S A F E I

You might also like