You are on page 1of 3

Evangelista, Alma, E.

14 July 2021
BSC 1-1
Gawain 1- Asynchronous

Bakit Nararapat na Mapanatili ang Asignaturang Filipino sa Antas ng


Tersyarya?
Ang Pilipinas ay isa sa mga tanyag na bansang kilala sa larangan ng
multilingguwalismo kung saan bawat Pilipino ay may kakayahang
makapagsalita ng Ingles kung kaya’t madaling humanap ng trabaho sa
ibang bansa. Mula primarya hanggang tersyarya ay kabilang ang
asignaturang Filipino na gumagabay sa bawat mamamayang Pilipino na
hubugin ang kanilang kakayahang magsalita at makilala nang mabuti ang
kanilang sinilangang bayan. Nakakapagtaka lamang na bakit
nahuhumaling ang mga Pilipinong makapag-aral ng ibang lenggwahe at
patuloy na pinapabayaan ang kanilang sariling wika?
Malaki ang naging kontribusyon ng Asignaturang Filipino sa larangan
ng edukasyon upang magsilbing gabay sa bawat etudyanteng Pilipino na
hasain ang kanilang kaalaman sa pagsusulat at pagbabasa ukol sa ating
wika. Sa tulong ng Asignaturang Filipino, mas lumawak ang ating
kaalaman patungkol sa mga kultura at tradisyon mula sa iba’t-ibang
lalawigan sa Pilipinas. Maging ang pag-aaral muli ng historya ng ating mga
bayani haggang sa mga pinaka importanteng kaganapan na nangyari sa
ating bansa. Mahalagang maintindihan ng bawat Pilipino na hindi lamang
pokus nito ang magbigay ng kaalaman sa pagbabasa, pagsusulat, at
kultura, ngunit hinahasa din nito ang ating moralidad.
Ayon kay Doktor Jose Rizal, “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay
higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng
inang sa atin ay nagpala.” Inilabas ng Commission on Higher Education
(CHED) noong Hulyo 8, 2013 ang memorandum tungkol sa Asignaturang
Filipino at sinubok na ipasok sa mataas na korte ng Pilipinas ang usaping
tatanggalin na ito sa mga aaralin ng tersyaryang estudyante. Ang usapang
ito ay nakakuha agad ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga guro,
estudyante, mga propesyunal sa larangan ng Filipinong Wika at maging
ang mga ibang senador na tutol sa usaping ito. May mga nagalit, tumutol,
sumang-ayon at walang opinyon ukol sa paksang ito, ngunit dapat tayong
mabahala sapagkat ang planong ito ang ikakasira ng ating kulturang
Pilipino. Ayon kay France Castro (2013), ipinapakita lamang ng ating
gobyerno ang katangian nilang pagiging sakop parin ng kolonyalismo
sapagkat ang sariling wika ng ating mahal na bayan ay kanilang handang
isakripisyo upang matutukan ang pag-aaral ng banyagang wika ng ibang
bansa. Tunay ngang nakakalungkot isipin na mismo ang ating gobyerno at
iba pang matataas na opisyal ang siyang nais burahin sa kurikulum ang
Asignaturang Filipino na ilang taon nang inaalagaan ng mga dalubhasa sa
ating orihinal na wika.
Ang bawat tao ay may kanya-kanyang saloobin at opinyon na
kanilang pinaniniwalaan at pinaglalaban. Hindi tayo karapat-dapat na
matawag bilang isang mamayang Pilipino kung ang ating sariling
asignaturang wika ay ating ikakahiya at ikakait sa ating kapwa Pilipino
upang lubos nating makilala ito at mapag-aralan. Sa kadahilanang ito,
nararapat lamang na ang pagtuturo at paggamit ng wikang Filipino sa
paaralan ay maaaring maisalin at magbigay ng kaalaman para sa mga
sumusunod na henerasyon. Bawat bansa ay may sarilig lenggwahe,
kultura, paniniwala at edukasyon. Ang wika ng isang bansa ang
magpapatunay na kakaiba tayo sa mga ibang bansa na may iisang wika
lamang na alam sapagkat ang Pilipinas ang may pinakamaraming
dayalekto bukod sa Tagalog na ginagamit ng karamihan.
Matindi ang paniniwala ng De La Salle University-Manila (2013) na
ang adbokasyang ito ng Commission on Higher Education ang sisira sa
libo-libong paghihirap ng mga Pilipino at dalubhasang nagtuturo ng Wikang
Filipino. Ang pagtanggal nito sa kurikulum ng mga estudyante ay
maihahalintulad sa pagtanggal ng karapatan nilang matutunan ang
kanilang bayang sinilangan. Ipagluluksa ng karamihan lalo na ang mga
guro na buong pusong inialay ang pagtuturo ng Asignaturang Filipino sa
kanilang mga minamahal na estudyante.
Kailanman ay hindi dapat alisin ang karapatan nating mga Pilipino na
mas maging bihasa sa ating sariling wika. Karapatan nating ipaglaban ang
sa tingin natin na tama sapagkat hindi lahat ng batas at plano ng gobyerno
ay makakabuti sa atin. Maging mulat at maging makabayan dahil hindi
kailanman naging sapat ang pag-aaral lamang ng Wikang Filipino sa bawat
antas na iyong buhay bilang estudyante. Mahalagang isa-puso at ilagay sa
isipan ang anumang bagay na matutunan rito na magpapatibay ng ating
nasyonalidad bilang isang mamamayang Pilipino.
CITATIONS:
Castro, F. (2013). Asignaturang Filipino: Dapatc o Hindi Dapat Iwaksi Sa
Pag-Aaral Sa Kolehiyo. Kinuha sa
https://www.academia.edu/41059465/ASIGNATURANG_FILIPINO_DAPAT
_O_HINDI_DAPAT_IWAKSI_SA_PAG_AARAL_SA_KOLEHIYO
De La Salle University-Manila (2013). Pagtatanggol Sa Wikang Filipino,
Tungkulin ng Bawat Lasalyano. Kinuha sa https://www.dlsu.edu.ph/wp-
content/uploads/pdf/announcements/departamento-ng-filipino.pdf

You might also like