You are on page 1of 1

Mahal kong ina at ama,

Lubos ko pong ikinagagalak na nagkaroon ako ng napakamabubuting magulang kagaya nyo na


ang tanging hinahangad ay ang ikabubuti ko. Ngunit sa pamamagitan ng liham na ito ay nais kong
ipabatid sa inyo na hindi ako masaya sa kursong nais nyong kunin ko. Bagamat alam kong nakikita nyong
isa itong magiging daan upang maiunlad ko ang aking pamumuhay sa pangmatagalan ay hindi ito ang
daan na nakikita kong gigising nang masaya sa akin sa araw-araw.

Nalalaman kong maaari kayong magkaroon ng sama ng loob sapagkat hindi ko kayo sinusunod
ngunit gusto ko pong malaman nyo na sinubukan kong mahalin ito. Sinubukan ko pong udyukin ang sarili
ko na ito ang makabubuti sa akin ngunit hindi ko po kayang ipilit ang mga gantong bagay.

Nakikita ko po ang sarili kong masayang nagtatrabaho sa hindi gantong klase ng industriya at
lubos ko pong hinihingi ang inyong pang-unawa. Pagbubuthin ko po ang aking pag-aaral at
nangangakong hindi kayo bibiguin kailanman.

Sumasainyo,

Maryjoy

CONSOLIDATED TEST NO.2

Patungkol sa FACE TO FACE PROGRAM na isinusulong ng pamahalaan, ako ay sumasangayon. Bagamat


marami ang malalagay sa alangan ay marami rin naming paraan upang ito ay maiwasan. Halimbawa ay
nararapat lamang na ilagay sa unahan ang mga estudyanteng nabakunahan na upang masiguro na mas
mababa ang tyansa ng pagkalat ng virus. Nakasulat na limitado ang mga magaaral at mga
manggagawang kaugnay rito ang makakalabas kung kaya naman buo ang tiwala ko. Isa rin sa mga
dahilan bakit nahihirapang makaintindi ng aralin ang ilang mga estudyante ay dahil hindi ang online
classes ang pinakamabisang paraan para sa kanila upang matuto at nangangailangan ng harapang
aplikasyon upang mas makaintindi kung kaya naman ang programang ito ay ayon lamang na may halong
matinding pagiingat para sa lahat.

You might also like