You are on page 1of 5

Gawaing 1.2.

PAGBUBUO NG KONSEPTO:
Gumuhit ng larawan sa loob ng kahon hinggil sa iyong ideya tungkol sa
pagtatalumpati.

Gawain 1.3. PAGPAPANOOD NG TALUMPATI


Gumawa ng sulating repleksyon sa napanood na talumpati ng Pangulong Duterte
(Abril 27,2020) https://www.youtube.com/watch?v=yRb13DmX_no.

Hindi lingid sa ating mga kaalaman bilang mga Pilipino ang mga suliraning
kinakaharap ng ating bansa gayundin ang ilang bahagi ng mundo sa
pakikipaglaban sa COVID-19. Ika-27 nang Abril noong naganap ang isang
talumpati na pinangunahan ng ating pangulo na si Presidente Rodrigo Dutete.
Ayon sa naganap na talumpati, nagpapasalamat ang pangulo sa lahat ng mga
frontliners na walang sawang nakikipaglaban upang maibsan ang agarang paglanap
ng sakit. Subalit, ayon rin sa kanyang pahayag, aminado ang pangulo na hindi ito
sapat upang tuluyang masugpo ang kinakaharap ng Sinabi ni Pangulong Duterte
ang kanyang mga pananaw at plano sa epidemya na nakakaapekto sa bansa sa
isang talumpating napanood ko. Naunawaan ko ang kahalagahan ng mga desisyon
ng pangulo at ang posisyon ng pangulo sa isang bansa. Sa ating bansa, may
malaking obligasyon ang pamahalaan na dapat gampanan upang matiyak ang
kapakanan ng mga mamamayan. Upang malutas ang krisis na kinakaharap ng ating
bansa, dapat magtulungan ang lahat.

Gawain 1.4. PAGSULAT NG DYORNAL


Bakit kailangang matutuhan ang pagsusulat ng talumpati?
Sa pamamagitan ng talumpati ay maaaring ibahagi ng isang tao ang kanyang
saloobin o opinyon tungkol sa isang bagay o isyu. Mahalagang matutunan ang
pagsusulat ng talumpati upang mas mapaunlad ang kaisipan ng magtatalumpati at
mas maihayag niya ito na mas maiintindihan ng mambabasa o makikinig.
Mahalagang matutuhan ang pagsulat ng talumpati sapagkat sa pamamagitan nito
ay napapaunlad ang kasanayan sa pagpapalawak ng pangungusap at naipapahayag
ang kaisipan ng isang mananalumpati.

Ang mga kaisipang inilalahad ng isang mananalumpati ay maaaring nagmula sa


kanyang mga karanasan, pagbabasa, pagmamasid, pakikipanayam, at pananaliksik.
Ang bawat talumpating kanyang isinusulat ay naglalayong bumatikos, magpabatid,
magturo, manghikayat, manlibang, pumuna, o pumuri. Ito rin ay kadalasang
napapanahon. Ang isang mahusay na manunulat ng talumpati ay may kakayahang
palawakin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagpapalawak ng panaguri at
paksa habang napapanatili ang kasanayan at kaisahan sa pagpapalawak nito.

Gawain 1.5. PAGPAPAHALAGA SA PAKIKINIG NG GTALUMPATI


Panuto: Mula sa napakinggang talumpati ng Pangulong Duterte. Isulat sa kahon
ang kahalagahan at katangian ng isang talumpati.
Ang talumpati ay mahalaga Kailangang maliwanag ang
sa ating buhay dahil ito ay pagkakasulat at
isang instrumento na kung pagkakabigkas ng talumpati
saan nailalahad ng isang upang maunawaan ng mga
tao ang kanyang nakikinig.
paniniwala sa isang isyu.

Kahalagahan At
Katangian Ng Isang
Talumpati

Ang talumpati ay isang uri Tiyaking wasto at maayos


ng akda na tumatalakay sa ang nilalaman ng
napapanahong isyu o paksa talumpati. Dapat na totoo
na ang layunin ay bigkasin at maliwanag nang mabisa
sa harap ng madla na ang lahat ng detalye.
handang makinig

Gawain 1.8. PAGGUHIT NG POSTER


Panuto: Gumuhit ng isang poster tungkol sa pandemya at gumawa ng isang
maikling talumpati tungkol dito.
Mahigpit Na Yakap Sa Ating Mga Bayaning Frontliners

Sa gitna ng COVID-19 pandemic sa buong mundo, patuloy din ang ating mga
frontliner sa pagharap at paglaban sa mga hamong dulot nito. Hindi alintana ang
anumang pagod o panganib, walang patid ang pagtupad ng ating mga BAGONG
BAYANI sa kanilang sinumpaang tungkulin-ang mag-aruga, magligtas, at
magpagaling sa ating mga kababayang may sakit, lalo na ang mga COVID-19
patients na lubos ang pangangailangan ng tulong at pagkalinga. Sa simula pa
lamang ng pandemyang ito, sila na ang unang nakasuong sa larangan ng digmaan-
tinitiis ang pagod, sakit ng katawan, hirap ng loob. Lumalaban sila sa sariling
pangamba, agam-agam, at pangungulila sa pamilya, mabigyan lamang ng ginhawa
ang may sakit, at sa kahit munting paraan ay makatulong upang maibsan ang
paghihirap ng mga ito. Sila ang ating mga minamahal na frontliners at health care
workers na patuloy na pinipiling maglingkod sa BAYAN bago ang kanilang
SARILI. Kaya naman, ating bigyang-pugay at bigyan ng 'mahigpit na yakap' ang
ating mga kababayang frontliner sa kanilang hindi matatawarang serbisyo at
sakripisyo. Mula sa buong hanay ng Kagawaran ng Transportasyon, maraming
maraming salamat. Mahal namin kayo. IDOL naming kayo! Palagi kayong nasa
aming mga dasal.

You might also like