You are on page 1of 12

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Kwarter 2 – Modyul 5:
Konsensiya at Ang Likas na Batas Moral
KARAPATANG SIPI ©2020

Edukasyon sa Pagpapakatao – Baitang 7


Kwarter 2– Modyul 5: Konsensiya at Ang Likas na Batas Moral

Isinasaad sa Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Walang aangkin ng


anumang akda na gawa ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay gagamitin upang pagkakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang karapatang-ari ng mga hiniram na kagamitan (tulad ng awit, kuwento, tula,


larawan, ngalan ng produkto, tatak atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay taglay ng
may-akda at ng tagapaglathala nito. Ginawa ang lahat ng paraan upang mahanap at
makuha ang pahintulot ng nagmamay-ari na magamit ang mga nabanggit na
kagamitan. Hindi kinakatawan maging inaangkin ng tagapaglathala at ng mga may-
akda ang karapatang-ari sa mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul


Manunulat: Rosana A. Jalimao –Vinzons Pilot High School
Editor: Veronica O. Bolaňos – Basud National High School
Tagasuri ng Nilalaman:
Sheila C. Bulawan – EPS II , Regional Office V
Dario I. Cabanela – EPS II, Division of Camarines Norte
Amy V. Dumail – EPS I, Division of Camarines Norte

Nagdisenyo ng Pahina: Veronica O. Bolaňos


PANIMULA

Bilang tao, ikaw ay natatanging nilalang na nararapat tumanggap ng batas mula


sa Diyos. Ito ay dahil kailangan mong pamahalaan ang iyong kilos sa pamamagitan
ng tamang paggamit ng iyong kalayaan at kilos-loob.

Ang Likas na Batas-Moral ay likas sa tao dahil sa kanyang kalayaan. Kaya’t


ang walang kalayaan ay di sakop ng batas na ito. Nakasaad sa batas na ito ang dapat
mong gawin at di dapat gawin bilang tao; kaya’t ito ang gumagabay sa iyong bawat
kilos Layunin ng batas na ito ang kabutihan mo.

Halika, pag aralan natin kung ano-ano nga ba ang mga katangian ng Likas na
Batas Moral na ito. Paano mo ito gagamitin bilang batayan ng mga pasya at kilos mo
bilang isang katangi tanging nilikha?

LAYUNIN

Pamantayang Pangnilalaman:

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng


konsensiya sa Likas na Batas Moral

Pamantayan sa Pagganap:

Naisasagawa ng mag-aaral ang paglalapat ng wastong paraan upang


itama ang mga maling pasiya o kilos bilang kabataan batay sa tamang
konsensiya

Kasanayan sa pagkatuto:

Nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang mga pasya at kilos na
taliwas sa unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral EsP7PS-IIc-6.2

1
PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga pangungusap. Tukuyin


kung ito ay nagpapakita ng tamang pagkilos o hindi. Isulat sa nakalaang puwang bago
ang bilang ang salitang TAMA kung nagpapakita ito ng tamang diwa at MALI naman
kung maling diwa ang ipinapakita nito.

_________1. Pakikipagkuwentuhan sa oras ng klase

_________2. Pangongopya sa oras ng exam

_________3. Pagtatapon ng basura kung saan saan

_________4. Pagsauli ng sobrang sukli

_________5. Pagtulong sa gawaing bahay

_________6. Paggamit ng magagalang na pananalita sa pakikipag-


usap.

_________7. Pagsasabi ng totoo.

_________8. Pagtago ng lihim

_________9. Pagtulong ng may hinihintay na kapalit

_________10. Panlilinlang.

PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-


UNAWA

Marahil naririnig mo ang payo na, “Gawin mong gabay ang iyong konsiyensiya”,
sa tuwing nahaharap ka sa isang mahalagang pagpapasya. Maraming paniniwala
ang nakakabit sa salitang ito, gayundin ang iba’t ibang pakahulugan dito. Ikaw, ano
ang pakahulugan mo sa salitang ito?

Isulat mo sa mga bilog sa ibaba ang mga salitang nagbibigay-kahulugan sa


salitang konsensiya. Gabay mo ang halimbawa sa ibaba.

2
vv
KONSENSIYA

Halimbawa:

Gabay sa pagkilala ng
mabuti at masama

• Maghanap ng isang kaklase, kaibigan o kaya’y kapatid na nakauunawa sa


kahulugan ng konsiyensiya. Gawin ninyo ang Think-Pair-Share. Ito ay ang
pagpili ng kapareha upang magbahaginan ng sariling karanasan, insidente o
pangyayari kung saan naranasan ninyo ang gawain ng konsensiya sa inyong
buhay.

• Magpalitan ng pagbabahagi ng pangyayari.

• Pagkatapos nito, sagutin ang mga tanong sa iyong journal, gamit ang pormat
sa ibaba.

Mga Tanong:

1. Saan nagmula ang pananaw mo ukol sa konsensiya?

2. Batay sa naging karanasan, ano ang natuklasan mo tungkol sa konsensiya?

3. Paano ka nagabayan ng konsensiya sa mga pasya at kilos mo?

4. Mabisa bang gabay ang konsensiyang taglay mo? Patunayan.

3
PAGPAPALALIM

Kilos ko, Pananagutan ko!


Ang konsensiya ay ang personal na pamantayang moral ng tao. Ito ang
ginagamit sa pagpapasiya kung ano ang tama at kung ano ang mali sa kasalukuyang
pagkakataon. Batayan nito sa pagkilala ng tama at mali ang Likas na Batas Moral.

Layunin ng Likas na Batas Moral ang kabutihan ng tao. Ang tao ang iisang
nilikha na maaaring gumawa ng masama: ang sumira ng kapwa at sumira ng kanyang
sarili. Ito ang dahilan kung bakit ipinagkaloob ang Likas na Batas-Moral sa tao.
Maiiwasang gawin ng tao ang masama kung susundin niya ang batas na ito.
Binibigyang-direksiyon ng batas-moral ang pamumuhay ng tao

Ang Likas na Batas-Moral ay may iba-ibang katangian-

1. Obhektibo – Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa


katotohanan. Ito ay nagmula sa mismong katotohanan – ang Diyos. Ang
katotohanan ay hindi nililikha; kaya hindi ito imbensiyon ng tao. Ito ay
natutuklasan lamang ng tao. Pangkalahatang katotohanan ito na may
makatuwirang pundasyon;
2. Pangkalahatan (Unibersal) – Dahil ang Likas na Batas-Moral ay para sa tao,
sinasaklaw nito ang lahat ng tao. Nakapangyayari ito sa lahat ng lahi,
kultura, sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon.
3. Walang Hanggan (Eternal) – Ito ay umiiral at mananatiling iiral. Ang batas
na ito ay walang hanggan, walang katapusan at walang kamatayan dahil ito
ay permanente;
4. Di nagbabago (Immutable) – Hindi nagbabago ang Likas na Batas-Moral
dahil hindi nagbabago ang pagkatao ng tao (nature of man).

Higit sa lahat, dahil ang Batas Moral ay batay sa batas ng Diyos, hinihimok nito
ang tao na higit na sundin ang kalooban ng Diyos. Pinabubuti ng Batas Moral ang
ugnayan ng Diyos at tao.
Source: Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Kagamitan ng Mag-aaral, 149-150

4
PAGSASAPUSO

Ang sumusunod na mga Gawain ay sasagutan ng mag-aaral sa


kuwaderno. Maaaring masagutan at maipasa ng mag-aaral ang kanilang mga awtput
sa gawaing ito sa pamamagitan ng pagpili ng paraang akma sa kasalukuyan nilang
kalagayan ng pag-aaral(modalities). Ang nasabing pamamaraan ay nasa ibabang
bahagi ng gawaing ito.

Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon at gumawa ng sariling pagpapasya.


Ipakita sa gagawing pasya ang mga natutunan sa modyul na ito. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

Panuto: Tukuyin kung mali ang kilos, pasya o intensyon. Ipaliwanag ang sagot.

Intensyon Kilos Pasya Paliwanag


1. Gusto ni Rosa na Tumabi siya sa Nagbago ang _____________
_____________
makapasa sa make-up kaklase niyang kanyang isip at
_____________
test niya sa Physics. marunong ngunit pinagbuti na _____________
_____________
nagkasakit kaya lamang niya
_____________
hindi nakakuha ng pagsagot sa _____________
pagsusulit. kanyang _____________

ikalawang
pagsusulit.
2. Gusto ni Mario na Kinuha niya ang Binuksan niya ang _____________
_____________
mapatunayang si Jose bag ni Jose bag at hinalughog
_____________
ang kumuha ng habang ito ay nasa ang laman nito. _____________
kanyang wallet. kantina _____________

3. Gusto ni Grace na Hindi siya Lagi siyang nag- _____________


_____________
manguna sa klase nagpakopya sa aaral nang mabuti.
_____________
upang mapatunayang kanyang mga _____________
_____________
siya ang kaklase.
_____________
pinakamagaling na _____________
mag-aaral sa lahat.

5
4. Gusto ni Mina na Sumama siya Alam niyang hindi _____________
_____________
sumama sa praktis ng dahil sinabi niya sa siya papayagang
_____________
dula-dulaan at manood kanyang ina na manood ng sine _____________
_____________
ng sine. magpapraktis kaya hinid niya ito
_____________
lamang sila. sinabi sa ina kaya _____________
_____________
ang praktis lang
_____________
ang kanyang _____________
ipinaalam.
5. Gusto mong maging Itinapon mo sa Hinintay mong _____________
_____________
malinis ang inyong kapitbahay ang walang dumadaan
_____________
bakuran. inyong kalat. upang walang _____________
_____________
makakita sa iyo.
_____________

Pagsusuring pansarili:

Pag-isipan at sagutan mo ang tanong na ito. Isulat ang kasagutan sa iyong


kuwaderno.

1. Saan ibinabatay ng iyong konsensiya ang kaniyang paghuhusga kung tama o


mali ang isang kilos?
2. Paano ka nakasisigurong tama ang paghuhusga nito?

6
Paalala: Ang sumusunod ay mga paraan kung paano mo magagawa o
maipaparating ang mga kasagutan sa gawaing isinagawa. Maari lamang pumili
ng isa at ipaalam sa guro upang maitala ang naging partisipasyon mo sa gawaing
ito

PARAAN KUNG PAANO MASASAGUTAN ANG GAWAIN O MAIPAPASA


ANG KASAGUTAN
On-line Face to face Modular
Kunin ang detalye sa Kausapin ang guro na nais Kausapin ang guro kung
guro kung paano mong makarinig ng paano makakuha ng
kayo magkakaroon pagtuturo at pumasok na materyales na pwedeng
ng komunikasyon lang sa klase dahil nasa magamit at maiuwi sa
gamit ang internet o maayos naman na bahay dahil walang
link kung saan ka kalagayan ang lugar sa pwedeng magamit na cp, o
maaring pumunta pandemic na internet connection sa
upang maipasa ang pinagdadaanan. Maaring bahay. ibabalik ang mga
mga gawaing ang pagpasa ay personal modyul at kasagutan sa
nasagutan. sa guro. mga gawain depende sa
usapang araw ng guro at
mag-aaral.

PAGSASABUHAY

Sa iyong ginagawang pagpapasya araw-araw, ano-ano ang mga paraan na


maari mong magawa upang mapaunlad pa ito gayundin makasunod sa tamang
paghuhusga ng konsensiya? Magbigay ng 5 paraan na maari mong magawa. Isulat
ito sa Iyong kwaderno.

7
Pagtataya

Sa isang buong papel, sagutan ang sumusunod na katanungan. Gamit ang 5


pangungusap sa unang talata ipaliwanag kung paano mo mababago ang iyong mga
pasya at kilos na taliwas sa unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral. Sa ikalawang
talata, gamit ang 4 na pangungusap ipaliwanag kung bakit mahalagang gawin mo ang
mga nasabing paraan.

▪ Paano mo mailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang mga


pasya at kilos na taliwas sa unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral?

KASUNDUAN

Balikan at unawaing mabuti ang mahahalagang bahagi ng aralin na iyong


isinagawa ngayong araw. Muli itong pag-aralan at humanda sa mga gawain sa
susunod na araw.

Binabati kita sa sa natapos mong mga Gawain


ngayon. Hangad ko ang lubusan mo pang pagkatuto
sa aralin sa susunod na mga araw.

8
SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Pagtataya:

1. mali
2. mali
3. mali
4. tama
5. tama
6. tama
7. tama
8. mali
9. mali
10. mali

Pagtataya:

Magkakaroon ng iba-ibang kasagutan ang mga mag-aaral batay sa kung


anong paraan ang kanilang naisip. Sundin ang rubrics sa pagbibigay ng
puntos.

5 Puntos 4 Puntos 3 Puntos 2 Puntos 1 Puntos Walang


puntos

Nakasulat ng Nakasulat ng Nakasulat ng Nakasulat ng Nakasulat ng Walang


5 4 3 2 1 sagot
pangungusap pangungusap pangungusap pangungusap pangungusap
sa unang sa unang sa unang sa unang sa unang
talata at 4 na talata at 3 na talata at 2 na talata at 1 na talata at 0 na
pangungusap pangungusap pangungusap pangungusap pangungusap
sa ikalawang sa ikalawang sa ikalawang sa ikalawang sa ikalawang
talata talata talata talata talata

9
SANGGUNIAN

Banasahin

Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Kagamitan ng Mag-aaral (Unang Bahagi), Unang


Edisyon, 2012

Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 7 ph. 7/13

Maga icon:

Honesto Character, Mascot Design for “Project LOVE (Living oppurtunities for
Values Enhancement) - An Innovation”, SDO Camarines Norte, March, 2020
https://www.clipartkey.com/view/hmomxb_missions-clipart-industry-profile-objetivos-de-
la-publicidad/
https://www.123rf.com/photo_86924040_stock-vector-preparing-for-exam-icon-set.html
https://icons8.com/icons/set/heart
https://nohat.cc/f/bulb-icons-with-human-hand-and-light-beams/comvecteezy662256-
201908030713.html
https://pixabay.com/vectors/scroll-paper-old-map-parchment-34696/

Larawan ng poster hinango sa https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search; ,


pandayan.com.ph hinango Mayo 30, 2020

10

You might also like