You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Pampanga
MANGGA HIGH SCHOOL
Mangga, Candaba, Pampanga
School ID: 306955/Email: manggahighschool@gmail.com
Pagsusulit sa Piling Larangan AKADEMIK
Pangalan: _______________________________________ Marka: __________
Pangkat: __________________

I. Isulat ang T kung wasto ang pangungusap at X naman kung ito ay mali.
_____ 1. Matapat ang isang mananaliksik na nagsusulat ng impormasyon sa notecard hinggil sa mga
impormasyon na kaniyang nakuha sa mga aklat.
_____ 2. Sistematiko ang isang mananaliksik na nagbabanggit hinggil sa limitasyon ng kaniyang ginagawang pag-aaral.
_____ 3. Maparaan ang isang mananaliksik na hindi gumagamit ng mga datos na kwestiyonable.
_____ 4. Ginagamit ang akademikong pagsulat sa pagbabalita ng mga pangyayari hinggil sa mga paboritong artista sa
telebisyon.
_____ 5. Mahalaga ang naidudulot ng akademikong pagsulat, partikular sa pag-uulat ng mga pananaliksik naginawa ng iba’t
ibang mga iskolar hinggil sa iba’t ibang mga disiplina.
_____ 6. Ang manwal, gabay sa pag-aayos ng kompyuter o gabay sa pagluluto ay halimbawa ng teknikal nasulatin.
_____ 7. Sa malikhaing pagsulat hindi binibigyang-pansin ang wikang ginagamit.
_____ 8. Lahat ng hiram na salita kung gagamiting pandiwa ay hindi dapat lagyan ng gitling.
_____ 9. May pagkakataon na ang hiram na salita ay nasusulat sa Filipino lalo na kung ito ay may katumbasnaman.
_____ 10. Ang lahat ng wika ay puro.
_____11. Mahalagang isaalang-alang ang iba’t ibang uri ng tagapakinig sa pagsulat ng talumpati.
_____12. Nakasalalay sa antas ng edukasyon ng tagapakinig ang kakayahan niyang umunawa ng paksa.
_____13. Sa diskusyon inihahanda ng mananalumpati ang mga tagapakinig sa paksang tatalakayin niya.
_____14. Sa topikal na huwaran, ang mga detalyeng tatalakayin sa kabuuan ng talumpati ay nakasalalay sa pagkakasunud-
sunod ng mga pangyayari.
_____15. Ang State of the Nation Address ng isang pangulo ng bansa ay halimbawa ng talumpating nagbibigay ng
impormasyon o kabatiran.

II. Tukuyin ang hinihingi sa bawat pahayag. Isulat ang sagot sa


patlang bago ang bilang.

____________ __1. Ito’y kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawain ihaharap sa tao o samahang pag-
uukulan nitong siyang tatanggap at magpapatibay nito.
_______________2. Naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat isagawa ang panukala
_______________3. Isa sa dapat isaalang-alang sa paggawa ng layunin na kung saan masusukat kung paano makatutulong
ang proyekto
_______________4. Mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakararami lalo na mga nakapag-aral ng wika
_______________5.Nakasaad dito kung sino ang matutulungan ng proyekto at kung paano ito makatutulong sa kanila
_______________6. Sa pagsulat ng bionote mayroon ito disenyo na magmula sa
pinakamahalaga hanggang sa di-gaano mahalaga tinatawag ito na __________.
_______________7. Isa ito sa mga bahagi ng pagsulat ng bionote na kung saan
kinapapaloo ban ng pinagmulan, edad , buhay kabataan-kasalukuyan.
_______________8. Ang ___________ ay mga panghalip na ginagamit sa unahan
bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan
_______________9. Ang Akademikong sulatin ay isang intelektwal na pagsulat.
Makatutulong ito sa pagpapataas ng kaalamansa iba’t ibang larangan
_______________10. Ito ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang mga ito ay
tinatawag Anapora at Katapora. Ang mga ito ay kapuwa panghalip.
III. Bumuo ng isang panukalang proyekto. Pumili ng isang proyektong nais mong magawa o maipatupad
maaaring sa inyong pamayanan, sa organisasyong kinabibilangan o sa paaralan. Kinakailangan na ang iyong
mabubuo ay magiging kapaki-pakinabang sa mga taong paglalaanan nito. Alalahanin at isaalang-alang mo ang
mga hakbang at konsepto na sap ag gawa ng isang proyekto.

(Isagawa ito sa hiwalay na papel at kung maaari ay gawin itong type written (computerized). Gamitin ang font size- 12,
font style TNR, long bond paper, single space at may tig-1” margin sa bawat gilid. Kung hindi naman maaari din itong
isulat kamay basta tiyakin na maayos at malinis ang pagkakasulat nito.

You might also like