You are on page 1of 1

Part 1

Isa sa mga requirement para sa bawat bagong empleyado na nagtra-trabaho sa alin mang Oil & Gas
o Petrochemical company ang pagdalo ng safety orientation o induction. Ang layunin nito ay
magbigay-kaalaman ukol sa mga safety rules & regulation na ipinapatupad sa loob ng planta, non-
process area man o process area. Ang mga taong nagsisilbing tagapagturo nito ay masasabing mga
bihasa na sa larangang ito, karamihan ay pawang nakapagtrabaho na sa iba-t ibang firms sa ibat-
ibang lupalop ng mundo.

Isang napakahalagang bahagi ng safety induction ay ang emergency preparedness / awareness. Sa


bahaging ito, itinuturo ang iba’t ibang uri ng hazards sa bawat lugar sa loob ng planta. Itinuturo rin
din ang iba’t ibang uri ng alarm na maririnig na nakabatay sa kung anong uri ng emergency ang
naganap o nagaganap. At sa bawat uri ng emergency, mayroong kanya-kanyang uri ng emergency
response na nararapat gawin upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.

Sa kabila ng mga training at induction, nananatili ang katotohanang hindi guarantee ang mga ito na
walang sakunang maaring mangyari. Ang pangunahing layunin ng mga araling ito ay upang maging
handa ang bawat isang manggagawa oras na magkaroon ng sakuna, magkaroon ng kaalaman sa
wastong reaction at response, upang maiwasan ang injury at kapahamakan habang lumilikas na
dulot ng kaba, takot at kawalang kaalaman.

Part 2

Total # of recorded wars in History since our Lord Jesus left:

 238 ( 33AD-1000AD)
 377 (1000-1499 AD)
 506 (1500-1799 AD)
 609 (1800-1899 AD)
 602 (1900-1944)
 427 (1945-1989)
 193 (1990-PRESENT)

You might also like