You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Justice
National Prosecution Service
OFFICE OF THE CITY PROSECUTOR
Malabon City

Investigating Prosecutor

XXX
Assisted by his mother;
Complainant,

-versus- NPS Doc. No. XV-10-INV-17F-00426


For: VIOLATION OF RA 7610

BBB
CCC
DDD
EEE Respondent.

x-----------------------------------------------------x

KONTRA-SALAYSAY

Kami sina RESPONDENTS , na pawang nakatira at may


pahatirang sulat sa No. 136-B Sisa St. Barangay Acacia, Malabon City,
pagkatapos makapanumpa ayon sa batas ay malayang nagsasabi at
nagsasalaysay ng buong katotothanan ng mga sumusunod;

1. Na kami ang mga respondent sa kasong ito;

2. Na aming mariing itinatanggi ang mga paratang at akusasyon sa


amin ng complainant na si XXX. Pawang walang katotohanan at
gawa gawa lamang ang kaniyang akusasyon na amin syang
gnulpi at pinagtulungang bugbugin noong June 1, 2017 pasado
alas dos ng madlaing araw;

3. Na ang katotohanan sa mga sinasabi nya ay ang mga


sumusunod;
a. John ay isang out of school youth at mahilig tumambay sa
labas. Nakikita kita lamang namin sya palagi sa labas.
Ngunit kahit kailan ay wala kaming nagging issue o
problema personal na sa kanya;
b. Noong nasabing oras at petsa, kami po nuon ay nasa loob
ng aming bahay at sama samang kumakain at
nagkekwentuhan. Maya mya pa ay dumating ang aming
pinsan na si KD o Kelvin Daang na 13 taong gulang at
umiiyak;

c. Tinanong namin sya bakit sya umiiyak. Sinagot sya na


napagtripan daw sya sa computershop. Kinuha daw ang
kanyang wallet at para maisoli ito sakanya ay kailangan pa
syang magbigay ng limang piso. Ang taong gumawa nito
sakanya ay sigang complainant na si JOHN;

d. Pinasabi pa ni John na tawagin pa daw kaming mga


nakatatanda nyang kuya para malaman daw namin kung
sino sya. Sa awa namin sa aming maliit na pinsan ay
sinamahan namin sya papuntang computer shop;

e. Pagdating sa computershop ay tinuro nya ang taong nagtrip


sakanya. Noong nakita namin na ito ay isang bata,
kinompronta namin sya at tinanong kung taga saan sya.
Tinanong din namin bakit nya pinagtitripan ang pinsan namin
at ninakawan ng pera;

f. Imbis na manghingi ng pasensya ay pabalang na at


matapang na sumagot itong complainant dahil tila lasing at
sinabi na AKALA NYO NATATAKOT AKO SA INYO! BAKA
DI NYO ALAM SINO AKO DITO. Nakipagtalo kami, salitaan
lamang at walang halong pisikal sapagkat alam namin na
bata pa sya at maaaring mademanda kami kung papatulan
namin sya. Bastos ang kanyang mga sagot minura pa kami
at sinabi na , "TANG-INA NYO, SUNTUKAN NALANG, ISA
ISA LANG!"

g. Inuudyukan nya talaga kami na makipag pisikalan dahil alam


nyang menor de edad sya. Ngunit hindi namin sya pinatulan
at pinauwi nalamang at tinakot na huwag na huwag nanamin
syang makikita muli dito. Kung hindi ay tutuluyan sya.
Tinakot din namin sya na kakasuhan sya ng pagnanakaw sa
wallet na inumit nya mula sa pinsan naming menor de edad
na si KD na hanggang bngayon ay hindi pa nya naibabalik.

h. Matapos nuon ay dali dali syang tumakbo palayo


samantalang kami ay pinauwi narin namin si KD at kami ay
umalis na rin.

4. Na sa madaling sabi ay hindi namin alam kung saang aksidente o


pangyayari nakuha ng complainant ang sugat na ipinapakita nya.
Maaaring ito ay nakuha nya sa iba at sa takot na sampahan namin
sya ng kasong pagnanakaw dahil sa inamin nya ang pang uumit at
pang ttrip sa aming pinsan ay malamang na inunahan nya kami at
gumawa ng tahi tahing storya o kwento;

5. Na sa kanyang pag uugali, inaasal at pagsisinungaling ay hindi


masasabing sya ay ntrauma o nakaranas ng pang aabuso at
kabaligtaran pa nga ang nagyari dahil kami dapat ang nagreklamo
laban sa kanya at sa ginawa nya sa pinsan namin ngunit
pinalampas lamang namin ito. Sya rin hanggang ay palagi naming
nakikitang umiinom at may kasamang mga babae at nakatambay;

6. Na dahil sa mga kadahilanang nabanggit ay hinihiling ko po sa


KAGALANG GALANG NA HUKOM na idismiss na ang reklamo
laban sa amin ni JOHN JARRIEL MANALOTO sa kawalan ng
ebidensya at basehan laban sa amin at sa tahasang
pagsisinungaling.

BILANG PATOTOO SA LAHAT NG ITO, inilagda ko ang aking


pangalan ngayong ika-____ ng July 2017, sa Lungsod ng Malabon

RESPONDENTS
Nagsasalaysay / Inirereklamo

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this _____ day of July


2017 in Malabon City. I, further, certify that I have personally examined the
affiant and that I am satisfied that he voluntarily executed and understood
his affidavit.

Assistant City Prosecutor

You might also like