You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF JUSTICE
OFFICE OF THE CITY PROSECUTOR
Malabon City, Metro Manila

XXX,
Complainant,

-versus- NPS DOCKET NO. XV-10-INV-16C-00471


FOR: OTHER MISCHIEFS PENALIZED
UNDER ATR. 329 (1) OF THE REVISED
PENAL CODE

BBB
CCC
DDD
Respondent.
x------------------------------------x

PINAGSANIB NA KONTRA SALAYSAY

Kami sina RESPONDENTS, Kapwa nasa hustong gulang, may live-


in Partner. Pilipino at kapwa kasalukuyang naninirahan at may
pahatirang sulat sa No. 14 Ma. Clara Street, Barangay Tugatog, Malabon
City at No. 33 P. Gomez St. Caloocan City, na kapawa sumusumpa sa
mga sumusunod:

1. Na kami ang respondent sa reklamong OTHER MISCHIEF na


isinampa ni XXX , na may talang NPS DOCKET NO. XV-10-
INV-6C-00471 at kasalukuyang nakabinbin sa Office of the
City Prosecutor ng Lungsod ng Malabon, Kalakhang Maynila sa
pamamagitan ni Assistant City prosecutor;

2. Na ito ay pawang mga kasinungalingan, gawa-gawa lamang at


walang katotohanan na ninais at intension naming sirain ng
walang dahilan ang mga halaman ni Elena na nakatanim sa
lupang hindi nya pag aari;

3. Na ang totoong nangyari noong ika-23 ng Agosto 2015 ay ang


mga sumusunod:

a) Noong araw na nabanggit humigit kumulang als nueve ng


umaga ay tinawag kami ni Fernado Vitangcol na aking ama
(Jennerson) at aking byenan (Ronaldo) upang bungkalin ang
lupa at patagin ito dahil labis na itong nakakasagabal sa
pagbukas at sara ng aming gate at daanan ng tao.

b) Habang amin itong binubungkal ay napadaan at nakita ni


Elena Cortez ang aming ginagawa at sya ay nagtanung pa.
Sinagot namin sya na papatagin nanamin ang lugar dahil
labis na itong nakakasagabal. Ang ginawa ni Elena ay
kumuha ng sako at at ipinasako nya ang lupa na aming
tatanggalin sapagkat nais daw nya itong gamitin at dadalhin
nya sa bodega.

c) Natural lamang na sa pagbubungkal at pagpapatag na iyon


ay matatangal ang halamang kamias at nakapasong
Guyabano dahil ito mismo ang nakaharang sa gate namin.
Ngunit ditto ay wala syang sinabi.

d) Ang tanim na kamias ay sya mismong nakasagabal sa gate


namin, bukod sa tinambakan nila ng bike ay ginagawa
nilang pataehan ng aso at pusa kung kayat ito na ay aming
aayusin. Aking inilalakip ang larawan Bilang Annex 2.

e) Pagdating sa aming bakod ay mayroon din syang kamias na


itinanim na syang nakakasagabal parin sa aming tahanan at
pag aayos o pagsesemento nito. Kung kayat kami ay walang
choice kungdi ito ay tanggalin sapagkat hindi tama na duon
sya magtanim sa property ng ibang tao o sa right of way.
Aking inilalakip ang larawan nito Bilang Annex 3.

f) Habang ang kamias na ito na nasa aming bakod ay amin ng


tinatanggal at naputol ay lumabas si Rizaldy at kami ay
sinita. Ipinaalam namin saknya na ang pinagtaniman ay
hindi na sakop ng nabili ni Elena sapagkat ito ay existing
Right of way na daanan ng tao.

g) Matapos ang tatlong araw, may natanggap kaming patawag


mula sa Barangay tungkol sa pamemerwisyo daw. Nagkaron
ng maraming hearing at hiniling Elena na na inspeksyunin
ang lugar na aming pinagtatalunan. Nagkaroon ng notation
ang Barangay Lupon noong nag ocular inspection na ang
nakita nito ay “may tanim sa kanan sa bahagi ng right of
way, sa kaliwang bahagi naman ay may nkatambak na yero
tiles at empty boxes na nakapatong sa ibabaw ng kulungan
ng aso.” Aking inilalakip ang kopya ng Kopya ng Occular
Inspection Remarks sa katitikan Bilang ANNEX 4.

4. Na hinihiling ko po sa KAGALANG-GALANG NA TAGA-USIG


PANGLUNGSOD na i-dismiss na ang reklamo laban sa akin ni
XXX sa kawalan ebidensya at basehan laban sa akin.
BILANG PATOTOO, sa lahat ng ito ay inilalagda ko ang aking
pangalan sa ibaba nito ngayong ika-____ ng Abril 2016, dito sa Lungsod
ng Malabon, Kalakhang Maynila.

RESPONDNETS

Nagsasalaysay/ Inirereklamo

SINUMPAAN AT NILAGDAAN sa harap ko ngayong ika-__ng Abril


2016, dito sa Lungsod ng Malabon, Kalakhang Maynila.

_________________________
Asst. City Prosecutor

CERTIFICATION

I HEREBY CERTIFY that I have personally examined the affiant


and I am satisfied that he understood and voluntarily executed the
contents of his Affidavit.

____________________
________
Asst. City Prosecutor

You might also like