You are on page 1of 1

Ang Balangkas ng Multikulturalismo at ang Pagbubuo ng Bansang Pilipino

Abstrak

Ang sanaysay na ito ay tungkol sa pagbuo ng bansang Pilipino gamit ang balangkas ng multikulturalismo.

Sinuri rito ang mga negatibong aspeto ng ating pagbabansa at kung paano makakatulong ang balangkas

ng multikulturalismo sa pagtugon sa mga suliranin at usapin katulad na lamang ng rehiyonalismo,

hidwaan ng mga Kristyano at Muslim sa Mindanao, katayuan ng mga minoyrang pangkat, ugnayan ng

mga pangkat etnikong nagsama-sama sa mga malalaking lungsod at ang mabilis na modernisasyon at

globalisasyon at sa umiiral na monokulturalismong nagaganap sa ating pagsasabansa. Ipinakita ng

sanaysay na ito ang kahalagahan ng kamalayang multikulturalismo sa pagwasak sa dilema na kung

dapat bang burahin ang mga pang-etnikong kultura para mabuo ang iisang bansa, o dapat bang

pangalagaan ang mga pang-etnikong kultura at ipagpaliban na lang muna ang ating pagsasabansa.

Dahil sa sanaysay na ito, napagtantuan ang kahalagahan ng multikulturalismo sa pagsira ng problema sa

ating pagsasabansa. Binigyang diin nito na ang rehiyonalismo ay hindi hadlang kundi isang sandata

upang palakasin ang ating nasyonalismo. Sa punto de bista ng sanaysay na ito ang balangkas ng

multikulturalismo ay magsisilbing tagabantay sa katayuan ng ating mga pangkat etniko at patnubay para

sa isang mas mabisang pagbubuo ng bansang Pilipino.

You might also like