You are on page 1of 2

Ang COVID-19 ay isang sakit na sanhi ng coronavirus SARS-CoV-2.

Inaapektuhan nito ang iyong baga,

daanan ng hangin at iba pang mga bahagi ng katawan. Ang mga coronavirus ay mula sa isang malaking

grupo ng mga virus na nagsasanhi ng mga karamdaman. Kabilang dito ang karaniwang sipon, severe

acute respiratory syndrome (SARS) at ang Middle East respiratory syndrome (MERS).

Ang SARS-CoV-2 ay unang natuklasan sa China at malamang nagmula sa mga hayop. Hindi pa rin

malinaw kung paano naapektuhan ng virus ang mga tao. Ang virus ay nagmu-mutate sa paglipas ng

panahon dahil binabagayan nito ang mga tao. Ang ilan sa mga mutation na ito, gaya ng bagong anyong

Delta, ay maaaring kumalat nang mas madali kaysa sa orihinal na virus at nagsasanhi ng mas malubhang

sakit.

Ngayong araw ng Pebrero 24, 2020, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,745 na karagdagang

kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 2,045 na gumaling at 188 na pumanaw. Sa

kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 55,079 ang aktibong kaso, 3,564,098 na ang gumaling,

at 56,165 ang namatay.

Sa sektor ng pangkabuhayan, ang covid-19 ay nagkaroon ng matinding pinsala. Pagkawala ng mga

pagkakakitaan, trabaho at mga oportunidad sa trabaho ang pinakamalaking hamon na hinarap ng

Pilipinas nitong nakalipas na dalawang taon.

Noong Agosto 2020, ang mga pagkawala ng trabaho ay partikular na matindi sa sektor ng konstruksiyon

na may 56 porsyento at pampublikong transportasyon na may 52 porsyento habang ang pinagsama-

samang pagkawala ng trabaho ay nakita sa mga impormal na manggagawa tulad ng mga paglalaba ang

trabaho, mga taga salon, at mga manggagawa sa maliliit na canteen; at sa mga sari-sari store, mga

tindera sa kalye, at mga palengke. Ang sektor ng pagsasaka ay naapektohan rin ng malaking pagkawala

ng trabaho na iniulat sa 70 porsyento ng mga komunidad sa pormal na agrikultura at 61 porsyento sa


maliit na pagsasaka. Dumami ang mga negosyong nagsara dahil sa magkakasunod na lockdown at

matinding epekto ng pandemya sa ekonomiya

Medyo bumuti ngunit kaunti lamang ang sitwasyon noong buwan ng Abril 2021. Ang sektor na nakitaan

ng pinakamalaking pagbabago ay ang retail, kung saan ang naiulat na insidente ng pagkawala ng trabaho

ay bumaba ng 13 porsyento. Gayunpaman, ang mga manggagawa sa konstruksiyon at mga tsuper ng

pampublikong sasakyan ay patuloy na naapektuhan ng mga pagbawas sa trabaho.

Ang isa pang sumabay sa pasakit sa mga Pilipino ay ang pagkataas-taas na presyo ng mga bilihin noong

2021. Mula Enero hanggang Nobyembre, ’di bumaba sa 4 porsyento ang inflation sa bansa (ang inflation

sukat ng bilis ng pagtaas ng mga presyo). Karne ng baboy, isda, at gulay ang pangunahing dahilan. Pero

umaray din ang mga Pilipino sa presyo ng kuryente at mga produktong petrolyo.

Ang kalimitang panlaban ng gobyerno sa mataas na inflation ay ang pagtataas ng Bangko Sentral ng

Pilipinas (BSP) ng pangunahing interest rate nito. Ngunit hindi magawa ng BSP na itaas iyon dahil

masyado pang maaga at baka maudlot ang recovery ng ating ekonomiya. Isa pa, ang mataas na presyo

ngayon ay dulot ng supply, hindi demand.

You might also like