You are on page 1of 1

Name: Charly David T.

Manuel 8-DARWIN
Araling Panlipunan-Q3-Week 7-8
Performance Task No. 2

Ang nasyonalismo ay unang naipakita ng mga Pilipino noong panahon ng Kastila upang
maipaglaban nila ang kanilang kalayaan. Sila ay nag-umpisa ng mga rebolusyon at isinakripisyo
nila ang kanilang mga buhay upang makamit nila ang kanilang pagnanais na makalaya sa mga
Kastila. Ngunit ngayon na malaya at payapa na ang Pilipinas, hindi na natin kailangang
makipaglaban upang maipakita ang ating nasyonalismo. Ngunit hindi lang sa paraan ng
pakikipagdigmaan para sa ating bansa maipapakita ang pagmamahal natin sa ating bayan.
Maraming nagsasabi na isa sa paraan ng pagpapakita ng ating pagmamahal sa bayan ay
ang pagtangkilik sa ating sariling produkto. Ngunit sa aking palagay ay hindi lamang iyon ang
paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa ating bayan. Isa sa mga paraan na ito ay ang
pagiging isang disiplinadong mamamayan. Kailangan nating sundin ang mga batas na
ipinapatupad ng ating pamahalaan upang mapanatili natin ang kaayusan sa ating bansa. Sa
paraang ito, nagiging magandang halimbawa tayo para sa mga kabataan at magagamit nila ito
bilang gabay sa kanilang paglaki. Importante rin na protektahan natin ang ating kalikasan.
Dahil kapag ito ay nasira, mawawalan ang mga tao ng mapagkukunan ng likas na yaman na
maaaring magdulot sa kawalan ng kabuhayan ng maraming tao. Kapag ito ay nangyari,
maghihirap ang mga mamamayan at magkakaroon ng kakulangan sa pagkain. Kaya
mahalagang protektahan natin ang ating kapaligiran upang hindi humantong sa ganitong
kalagayan ang ating bansa.
Marami pang ibang paraan upang maipakita natin ang ating pagmamahal sa ating bayan.
Kaya tayo ay may kakayahang tumulong sa kahit anong paraan na ating makakayanan. Dahil
dito, maipapakita natin ang ating pagmamahal sa ating bayan kahit na magkakaiba ang estado
ng ating mga buhay.

You might also like