You are on page 1of 1

Charly David T.

Manuel 8-DARWIN
Filipino-Q3-Week 7-8
Performance Task

Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon


Pagmamahalan at kamatayan. Ipinipapakita ng pelikula na ito ang
kahalagahan ng buhay at ang relasyon ng mga tauhan na sina Bene, Teresa, at
Celso.
Nag-umpisa ang pelikula na ipinapakita ang payapang pamumuhay nina Celso
at Teresa. Sa kabilang banda, ipinapakita naman ang pamumuhay ni Bene na tila
siya ay mayroong karamdaman. Sa gabi ng pagdiriwang ng pang-27 na taon na
pagsasama ni Celso at Teresa, nalaman nila na ang dating asawa ni Teresa na si
Bene ay na-diagnose na may Stage 4 cancer. Dito, ibinunyag na dating magkasama
sina Bene at Teresa. Ipinakita ni Bene ang kanyang pagnanais na makita sa Teresa
bago siya mamatay. Sinabi ni Bene na ang pagnanais niya na makita si Teresa ay
hindi para siya ay maipagamot, ngunit nais lamang niya na makasama si Teresa
bago siya mamatay. Hiling din ni Bene na makita niya ang kanyang anak na si Chito
at ito ay natupad ngunit kalungkutan lang dinala nito para sa kanila. Lalo pang
lumala ang kalagayan ni Bene kaya sinabi na niya kay Teresa ang mga salita na nais
niyang ipabatid sa kaniya. Sa daan nila papunta sa dagat, tuluyang ng nawalan ng
buhay si Bene. Dinala nila si Bene sa karagatan at sabay-sabay nilang pinanood ang
dapithapon.
Sa aking palagay, nais ng pelikula na ipakita ang kahalagahan ng relasyon ng
mga tao sa isa’t-isa. Ipinakita nito ang mga huling sandali ni Bene kasama ang
kanyang dating sa asawa na si Teresa at si Celso na siyang kasama ni Teresa sa
kasalukuyan. Ang mga salitang ibinatid sa pelikula ay puno ng kahulugan at
ipinapakita nito ang emosyon ng mga tauhan.

You might also like