You are on page 1of 2

Estudyante galing sa Norte si Eman na malimit nakakapansin kay Indong Kagit.

Madumi at sira-

sira ang kanyang mga damit, walang mga sapin sa paa at halos makita na ang maseselang parte

ng katawan. Karaniwan na pinandidirian siya ng mga nakakasalubong niya at kung minsan ay

minumura pa. Namamalimos sya sa matataong lugar katulad ng palengke, eskwelahan at

daungan. Nawala ang pagiging interesado niya kay Indong Kagit dahil naging abala ang kanilang

paaralan sa pag-rally upang mapatalsik ang namumuno nilang presidente. Maraming reklamo

ang idinidiin katulad ng graft, corruption, slander, physical abuse at sexual harassment. Sa

ikalimang araw ng rally, nakiisa si Indong Kagit at doon niya ito nakausap ng maayos. Nakiisa sya

sapagkat nais niyang makatulong. Nagsimula ng makilala ni Eman si Fredeswindo Manlangit

bilang tunay niyang pangalan, Indo ang palayaw subalit Indong Kagit ang nakagawian ng mga

tao na kung saan ang ibig sabihin ng Kagit. Si Indong Kagit ay dating nakalagi sa Sorsogon

kasama ang kanyang asawa na si Cristina at anak nila na si Marshall subalit pinagpalit sya ng

kanyang asawa. Kinamkam naman ng mayayamang haciendero ang kanilang lupain. Sa

dalawang pangyayaring iyon , wala siyang magawa sa kadahilanang silang mayayaman ang mas

may kapangyarihan. Ang kanyang anak naman ay sumapi sa rebeldeng komunista, hindi

naglaon ay kamatayan ang sinapit nito laban sa mga militar. Hindi pa doon natapos ang mga

pagsubok sa kanyang buhay, ang kanyang asawa na pinagsawaan ng haciendero ay

nagpatiwakal. Kasunod nito ay nawala na nang tuluyan ang lupaing kanyang sinasaka. Nawalan

si Indong Kagiy ng gana na magsaka muli matapos ang kaniyang sinapit. Nagpalaboy laboy siya

sa ibat-ibang lugar, nagkasakit, nagutom hanggang sa nakarating siya sa bayang ng Sili. Doon

napagtanto ni Eman na nasa tamang katinuan na si Indong Kagiy, kabaliktaran ng iniisip ng mga

tao sa knya. Pinili niyang maging baliw sa paningin ng madla upang makakuha ng limos.
Naputol ang pagkakilala niya kay Indong Kagit dahil sa balitang nagtagumpay sila na makuha

ang misyong ng kanilang rally. Pagkatapos ng unang semetre, binagyo ang Sili. Ngunit nanatili

pa rin si Indong Kagit. Nabanggit ni Indong na sana hindi na lang siya isinilang marahil sa poot

ng mga naranasan niya at sa pagkawala ng mga mahal niya sa buhay. Sa kabila ng pagiging

kapos ay patuloy pa rin sya na nagpapasalamat sa Dyos. Sa puntong ito mas lalong napalapit si

Eman kay Indong Kagit dahil bukod sa ginagamit niya si Indong Kagit na sabdyek sa kanyang

mga sinusulat tulad ng tula, kuwento at sanaysay, nakilala niya itong lubusan.

Isang araw, sa gitna ng mga dumog ng mga tao ay ang duguang Indong Kagit. Tumayo si Eman

mula sa pagkakakandong kay Indong Kagit, at nilisan ang kasagutan mula sa mga mata nito.

You might also like