You are on page 1of 4

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 8

I. Layunin
Sa pagkatapos ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Napaghahambing ang dalawang uri ng pang-uri
B. Nauuri ang mga pang-uri sa lunsaran
C. Nakabubuo ng talatang ginagamitan ng pang-uring pamilang at panlarawan

II. Paksang Aralin


Paksa: Uri ng Pang-uri
Sanggunian: Metalingwistik na Pagtatalakay sa Filipino, pp. 119
Kagamitan: Pantulong na visual

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

Magandang umaga sa inyong lahat! Magandang umaga din po,guro!

Bago tayo magsimula, Maari bang magsitayo ang lahat at


sumandali muna nating ipikit ang ating mga mata, damhin
natin ang prisensya ng Panginoon sa pamamagitan ng isang
panalangin.

Amierah, maari mo bang pangunahan ang panalangin Amierah:Opo guro


(Manalangin ang lahat)
Amen!
Amen!

Bago kayo magsi-upo paki ayos muna ang inyong mga upuan (Pupulutin ng mga mag-aaral ang kalat)
at pakipulot ng mga kalat.
Salamat po!
Maaari na kayong umupo.
Wala po!
Sino ang liban ngayon?

Mabuti naman kung ganun.

Bago tayo magsimula sa ating talakayan ay magkakaroon


muna tayo ng mga kasunduan.

Anu-ano ang inyong gagawin kung ang inyong guro ay Makinig ng mabuti.
magsasalita dito sa inyong harapan?
Huwag makipagdaldalan sa katabi.
Tama! Ano pa?
Itaas ang kanang kamay kung gustong
Mahusay! Ano naman ang inyong gagawin kung gusto
sumagot.
ninyong sumagot?

Magaling! Sana susundin ninyo ang ating mga kasunduan


hanggang sa katapusan ng ating talakayan.
Opo, guro!
Maliwanag ba mga bata?
Ang paksa natin kahapon ay tungkol sa
Sino ang naka-alala kung ano ang paksa natin kahapon?
pandiwa.
Tama! Ang paksa natin kahapon ay tungkol sa pandiwa.

B. Pagganyak
Mga larawan po!
Mga mag aaral, anong nakikita ninyo na hawak ko?
Mahusay! Ito nga ay mga larawan.

Ilarawan mo nga itong unang hawak ko, Grace? May maraming puno po sa larawan,guro.

Magaling! Nakikita nga natin sa larawan ang maraming puno.

Ang pangalawang larawan naman, Lea?

Marunong! Sa pangatlong larawan naman, Isabel? Ang babae po ay maganda.

Magaling! May limang bulaklak na maganda, ma’am.

C. Paglalahad

Ngayon ay may naiisip na ba kayo kung ano ang paksa natin?


Opo ma’am.
Ano sa palagay ninyo ang paksa natin ngayong umaga?
Tungkol po sa paglalarawan ma’am.
Tama! Ang iyong sagot ay may kinalaman sa paksa natin dahil
ang tatalakayin natin ngayong umaga ay tungkol sa Pang-uri at
ang mga Uri nito.

Pero bago natin ipagpatuloy ay babasahin muna natin ang


ating mga layunin.
Sa pagkatapos ng klase ang mga mag-aaral
ay inaasahang:
A. Napaghahambing ang dalawang uri ng
pang-uri
B. Nauuri ang mga pang-uri sa lunsaran
C. Nakabubuo ng talatang ginagamitan ng
pang-uring pamilang at panlarawan

D. Pagtatalakay

Pang-uri- ay salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa


mga pangngalan o panghalip.

Halimbawa; kulay-asul, bilang-tatlo


Dami-isang kilo, hugis-parisukat

Uri ng Pang-uri

1. Lantay- ito ay nasa lantay na kaantasan kapag walang


ipinaghahambing na dalawa o maraming bagay. Ang mga
halimbawa nito ay maganda, mataas, mabigat at mahinahon.

Halimbawa: Maganda si Loisa.

2. Pahambing- ito ay nasa pahambing na antas kapag may


pinaghahambing na dalawang pangngalan- tao, bagay, hayop,
lugar at pangyayari. Ang mga halimbawa nito ay mas maliit,
magkasinglapad at mas kasya.

Halimabawa: Mas maganda si Loisa kaysa kay Trina.

3. Pasukdol- ito ay nasa pasukdol na antas o kaantasan kapag


ito ay nagpapakita ng pangingibabaw sa lahat. Ang mga
halimbawa nito ay pinakamatalino, pinakamatapang at
pinakamalaki.

Halimbawa; Pinakamaganda si Loisa sa kanilang


magkakaibigan.
E. Paglalahat
Ito ay salitang naglalarawan o nagbibigay
Ngayon ano ang ulit ang pang-uri? turing sa mga pangngalan o panghalip.

Lantay
Anu-ano ang mga uri ng pang-uri? Pahambing
Pasukdol

Mataas na lalake si Noel.


Sino ang makapagbigay ng halimbawa ng lantay?

Sino naman ang makapagbigay ng halimbawa sa pahambing? Mas mataas na lalake si Jeffrey keysa kay
Noel.
Sino naman ang makapagbigay ng halimbawa ng pasukdol?
Pinakamataas na lalake si Tatang sa kanilang
magkakapatid.
F. Paglalapat

Ngayon mga mag-aaral ay papangkatin ko kayo sa tatlong


pangkat.

Group 1: Magbigay ng 5 halimbawa ng lantay.

Group 2: Magbigay ng 5 halimbawa ng pahambing.

Group 3: Magbigay ng 5 halimbawa ng pasukdol.

Bago tayo magsimula ay mayroon akong pamantayan dito.

PAMANTAYAN
3 2 1
ORAS Natapos sa Lumagpas Lumagpas
takdang ng 1-2 ng 2-5
ors. minuto. minuto.
KAWASTOHA Walang May isang May 2-3
N mali na mali sa mali sa
sagot. sagot. sagot.
KOOPERASYO Lahat ay 1-2 hindi Lider lang
N tumulong. tumulong. ang
gumawa sa
gawain.

Bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto para gawin ang


inyong mga gawain.

Maari na kayong magsimula.

IV. Pagtataya

Panuto: Hanapin sa kahon ang tamang sagot.


Pandiwa Pang-uri Lantay

Pasukdol pahambing panaguri

1. Magkasingtaas ang mga bundok sa probinsya ng Sagot:


Malapatin at Hinanduraw.

2. Ang puso ay kulay pula. 1.Pahambing

3. Pinakabago sa kanilang lugar ang bahay ng pamilya Amud.


4. Maagang umuwi si Ansar. 2.Pang-uri

5. Magkasing-lakas ang ulan ngayon kaysa ulan kahapon. 3.Pasukdol

4.Lantay

5.Pahambing

V. Takdang Aralin
Panuto:Isulat sa kalahating papel.

1. Magbigay nang sampung halimbawa ng pang Uri at bilugan ang salitang pang Uri.

Inihanda ni: Nerissa T. Alim

You might also like