You are on page 1of 195

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

YUNIT I
ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA
SA MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA

Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo

Panimula

Umani ng samo’t saring reaksyon ang pagbabago sa sistemang pangedukasyon ng bansa

lalo’t higit sa usapin ng noong pagtatangka na tanggalin ang mga asignatura sa Filipino at
Panatikan sa kolehiyo. Iba’t ibang institusyon at mga makawikang organisasyong ang nagpahayag
ng kani-kanilang tindig at nagpaabot ng kanilang pagtutol sa mga hakbangin na ito. Ang mga
inisiyatibang ito ang nagbunsod sa pagtatatag ng Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol
Wika), isang alyansang binubuo ng mga dalubiwika, guro, mga mag-aaral, at iba pang
nagmamahal sa wika upang isulong ang patuloy na pagyabong ng wika. Ilang promenenteng
paaralan din ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa layunin ng grupo sa pamamagitan ng
posisyong papel. Ang ilan sa mga posisyong papel na nagpapahayag ng pangangailangan ng
pagbabalik ng mga naturang asignatura sa kuriulum ng kolehiyo ay matatalakay sa bahaging ito
ng Yunit 1.

Layunin

Matapos ng pagtatalakay ng paksang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. makilala mga makawikang organisasyon at institusyong nakipaglaban para maibalik ang
mga asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo;
2. mapapalalim ang pagunawa sa malaking gampanin ng Filipino at Panitikan sa buhay at
pagunlad ng mga mag-aaral; at
3. makapagpahayag ng sariling tindig sa hinggil sa Filipino at Panatikan sa kolehiyo gamit
ang modernong midya.

Lunsaran

Ang sumusunod na lunsaran ay makatutulong sa mas malalim na pagtatalakay ng paksa.

• https://www.youtube.com/watch?v=K3O0U7IXdNM
• https://www.youtube.com/watch?v=sLJsYViUzGQ
• https://www.youtube.com/watch?v=Jq82Kvl39vo
• https://www.youtube.com/watch?v=EYiNkGBB8Q8

Nilalaman

Bahagi na ng kasaysayan ng Pilipinas ang pagbabgong bihis ng sistema ng edukasyon ng

Pilipinas. Ito ay naka-angkla sa ideya ng international standards, labor mobility, at ASEAN
integration. Batid ng mga nagpanukala ng nasabing pagbabago ang kahingian na sumabay sa
tinatawag na interantional standards dahil ang Pilipinas ay kabilang sa iilan na lamang na mga

1
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

bansa na may sampung taon lamang na basic education at ang karagdagang dalawang taon ay
mabubukas ng pinto sa mas maraming opurtunidad para sa mga mag-aaral. Ang ideya ng labor
mobility ay alinsunod sa pagtatangkang mas mapabilis ang pagkakaroon ng trabaho ng mga mag-
aaral na magtatapos sa ilalim ng ngayon ay umiiral na na sistema ng edukasyong K to 12. Dahilan
nito ay mas magiging handa ang mga mag-aaral na harapin ang pagiging kabahagi ng lakas
paggawa ng bansa. Ang mga magtatapos ng grade 12 ay maaring pumili sa pagitan ng pagtrabaho
o pagpapatuloy sa kolehiyo mataposang labindalawang taon sa basic education. Ang ASEAN
integration naman ay kabahagi upang maging tugma ang kalakaran ng mga kasaping bansa ng
organisasyon. Ito ay para sa lalong matibay na ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng mga
miyembro.
Bagaman maraming positibong implikasyon ang K to 12, mayroon din itong mga naging
hamon. Tulad na lamang ng tangkang pagaalis sa mga asignaturang may kaugnayan sa Panitikan
at Filipino. Taong 2011 pa lamang nang magsimula ang usap-usapan ukol dito. Dahil sa ilan nga
sa pokus nito ay mas mapadulas ang pagkakaroon ng trabaho dito at higit sa ibang bansa at ang
pagsunod sa yapak ng mga mauunlad na bansa, nabigyang diin ang pagpapaunlad ng kasanayan
sa pag gamit ng wikang Ingles sa K to 12. Ito ay tumataliwas sa mga nauna nang mga hakbangin
para sa pagpapayabong ng wikang pambansa, ang Filipino. Mula rito ay umusbong na ang mga
damdaming handang ipahayag ang kanilang pagtutol ang pasasawalang bahala sa Filipino.
Ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika ang alyansang
nangunguna sa pakikibaka laban sa pagpaslang ng Commission on Higher Education (CHED) sa
Filipino, Panitikan at Philippine Government and Constitution subjects sa kolehiyo at kapatid na
organisasyon ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na
grupong nagtataguyod naman ng pagkakaroon ng required at bukod na asignaturang
Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul. Nabuo ang Tanggol Wika sa isang
konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014 sa De La Salle University-Manila (DLSU). Halos
500 delegado mula sa 40 paaralan, kolehiyo, unibersidad, organisasyong pangwika at pangkultura
ang lumahok sa nasabing konsultatibong forum. Kasama sa mga tagapagsalita sa forum na iyon si
Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining. Ang forum na iyon ay kulminasyon ng
mga nauna pang kolektibong inisyatiba mula pa noong 2012. Noong 2015, pinangunahan ng
Tanggol Wika ang pagsasampa ng kaso laban sa anti-Filipinong CHED Memorandum Order
(CMO) No. 20, Series of 2013, sa Korte Suprema. Agad na naglabas ng Temporary Restraining
Order (TRO) ang Korte Suprema para ipahinto ang pagpaslang sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo,
bunsod ng kasong isinampa ng Tanggol Wika. Bagamat tuluyang binawi ng Korte Suprema ang
TRO noong 2019, tuloy ang pakikipaglaban ng Tanggol Wika sa iba pang arena. Marami-rami
pang kolehiyo at unibersidad ang mayroon pa ring Filipino at Panitikan, at nakahain na sa
Kongreso ang House Bill 223 upang muling ibalik ang Filipino at Panitikan bilang mga
mandatoring asignatura sa kolehiyo. (https://tanggolwika.org/)
Maraming tulad ng Tanggol Wika ang nagpahayag ng ng kani-kanilang saloobin sa
pamamagitan ng posisyong papel. Ang posisyong papel ay isang pasulat na gawaing akademiko
kung saan inilalahad ang paninidigan sa isang napapanahong isyu na tumutukoy sa iba’t ibang
larangan tulad ng edukasyon, politika, batas, at iba. Kadalasang idinadaan sa pagsulat ng posisyong
papel ang paggaganyak, at pagpapaunawa ng punto ng sumulat tungkol isang paksa. Karaniwang
ginagamit ito ng mga organisasyon at institusyon upang ipabatid sa publiko ang kanilang
paniniwala at rekomendasyon bilang isang pangkat.
Agosto 2014 nang nagpayag ang Departamento ng Filipino ng De La Salle University ng
kanilang saloobin sa pamamagitan ng kanilang posisyong papel na may pamagat na “Pagtatanggol

2
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

sa wikang Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano.” Nakapaloob sa posisyong papel na ito na “ang
pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag aambag sa pagiging mabisa ng community
engagement ng ating pamantasan sapagkat ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong
mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran. Ang pagpapalakas sa ugnayan ng ating
pamantasan at ng mga ordinaryong mamayan ay alinsunod sa bokasyon ni San Juan Bautista De
La Salle na nagsikhay sa paggamit ng wika ng mga ordinaryong mamamayan sa edukasyon. Dapat
bigyang diin ang Filipinisasyon ng mga pananaliksik ng ibat ibang departamento at kolehiyo sa
pamantasan ay makatutulong din ng malaki sa pagtitiyak na ang ating mga pananaliksik ay higit
na magiging kapaki pakinabang sa ating mga kababayan. Sa pamamagitan ng assignaturang
Filipino sa DLSU, inaasahang may sapat na katatasan sa wikang pambansa ang sinumang
gradweyt ng pamantasang ito sa pakikipagtalastasan sa ibat ibang pangangailangan o kontekstong
pang komunikasyon png akademiko man o pang kultura, tulad ng nililinang sa ibang pamantasan.”
Ang adbokasiyang itoy pagsasalba sa kolektibong identidad, sa salamin ng ating kultura, sa
daluyan ng diskurong pambansa, at pagtataguyod ng nasyonalistang edukasyon na huhubog ng
mga estudyanteng magiging mga kapaki pakinabang na mamamayaan ng ating bansa.”
Mababatid sa posisyong papel na ang responsibilidad ng paaralan na hubugin ang
pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Isa sa mga inaasahan ay ang mapanatili ang ugnayan ng
paaralan at ng komunidad lalo at higit yaong mga nabibilang sa lalylayan. Higit kanino man ay
sila ang mas nangangailangang marinig at mabigyang atensyon. Sa pamamagitan ng wikang
Filipino ay magiging mabisa ang pagpapahayag ng mga saloobin at pangangailangan ng mga
mamamayan. Ito ang nagbibigay boses sa mg ordinaryong tao at kung mawawala ito ay tuluyan
nang hindi malilinang ang ugat na sanay magdudugtong sa malayong agwat ng karaniwan at mga
edukadong tao. Mas magiging malabo na na maging pantay ang mga mamayan mula sa iba’t ibang
estado sa buhay at manantiling pinid ang mga labi kung dayuhang wika ang kailangan upang
makapagpahayag ng saloobin at pangangailangan.
Ang posisyong papel naman na may pamagat na “Ang Paninindigan ng Kagawaran ng
Filipino ng Panantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwikang Umuuugat sa CHED
Memorandum Order No. 20Series of 2013” ay mula sa panulat ng mga guro ng Ateneo De Manila
University. Nakapaloob dito na “hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino isa itong
displina. Lumilikha ito ng sariling larangan ng karunungan na nagtatampok sa pagka Filipino sa
anumang usapin sa loob at labas ng akademya. Dapat patuloy itong ituro sa antas ng tersiyaryo at
gradwado bilang integral na bahagi ng anumang edukasyong propesyonal… ang banta na alisin
ang Filipino sa akademikong konteksto ay magdudulot ng ibayong pagsasalaylayan o
marhinalisasyon ng mga wika at kulturang panrehiyon. Kakabit ng pagaaral ng Filipino bilang
disiplina ang pagtatanghal at paglingap ng mga wika at kultura ng bayan. Hindi dapat mawala ang
wikang panrehiyon sa diskurso. At lalong hindi dapat pagsabungin ang mga wika. Sa halip, dapat
maging mapagmatyag laban sa mga tao at institusyong ginagamit ang kasalukuyang isyung
pangwika upang itanggi ang sarili at kanilang mga interes.”
Bilang mga Pilipino tungkulin nating pagyabungin ang bawat butil ng ating
pagkakakilanlan. Kaakibat ito ng ating pagiging malaya at ng lahat ng sakripisyo ng ating mga
ninuno. Kaya naman ang tahasang pagtatanggal sa asignaturang Filipino at Panitikan sa kurikulum
ay isang paraan ng pagkitil sa ating identidad at pagsasawalang bahala ng lahat ng buhay na
binuwis para makamit ito. Malinaw sa posisyong papel ng Ateneo de Manila ang
pangangailangang mapagtibay ang Filipino bilang isang disiplina nang sa gayon ay mapataas din
ang kalagayan ng mga pangrehiyong wika. Ang pagyakap sa ibang wika habang pinababayaan at

3
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

iniisang tabi ang sariling wika ay nagtutulak sa atin palayo sa sariling bayan at nagpipiring sa atin
sa mga totoong intensyon ng nagpapalawig nito.
Isa rin sa mga pamantasang nagpahayag ng tinig ukol sa isyung pagtatanggal ng Filipino
at Panitikan ang Unibersidsad ng Pilipinas, Diliman Departamento ng Filipino at Panitikan sa
ilalim ng Kolehiyo ng Arte at Literatura. Anila ang Filipino ay wika na “susi ng kaalamang bayan”.
Buo rin ang kanilang paninindigang “nasa wika ang pagtatanyag ng kaalamang lokal – mga
kaalamang patuloy na hinubog at humuhubog sa bayan. Sariling wika rin ang pinakamabisang
daluyan para mapalaganap ang dunong bayan at kaalamang pinanday sa akademya. Layunin dapat
ng edukasyon ang humubog ng mga magaaral na tutuklas ng dunong bayan at napakikinabangan
ng bayan. Gawain ng mga guro sa Filipino sa antas tersarya ang sanayin ang mga mag aaral na
gamitin ang wikang Filipino upang gawing kapaki pakinabang ang napili nilang disiplina sa oang
araw araw na buhay ng mga mamamayan. Ganito ang karanasan ng mga magaaral sa UP Manila
sa pagbibigay nila ng serbisyong pangkalusugan sa mamamayan. Kailangan nilang matutong
magpaliwanag at makipagtalastasan sa wikang Filipino upang mapakinabangan ng mamamayan
ang kanilang kaalaman.”
Ang pinakamainam na porma na pagkatuto ay ang pagpapatuto din sa iba. Ang pagbibigay
serbisyo sa kapwa gamit ang kaalamang natutunan ay higit pa sa salaping maaring matanggap ng
isang propesyunal. Kaya gaano man kahusay ang magiging produkto ng bagong kurikulum kung
hindi naman ito magagamit sa pagtulong sa kapwa ay hindi din makapagbibigay ng pagunlad.
Binibigyang diin sa posisyong papel ng UP Diliman na dapat kaagapay ng intelektwalisasyon ay
ang pag gamit nito sa makataong paraan. Hindi dapat natatapos ang paglago sa pagkakamit ng
degri kundi sa pagbabalik nito sa iba sa pamamagitan ng serbisyo at ang mainam na serbisyo ay
nagsisimula sa pagkakaunawaan. Wala nang hihigit pa sa unawaang dulot ng parehas na wika.
Taong 2014 naman noong inilathala ang “Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya
ng Politeknikong Universidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro at Filipino
(SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining ng Plipinas,
PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan”. Dito ay ipinahayag ng Polytechnic University of the
Philippines, Manila na ang “umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat.
Nandyan ito, umiiral at ginagamit sa araw araw na pakikipag talastasan ng mga Filipino. Mga
Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi tangi ang tatag
nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat
Pilipino kaya kung ihihiwalay sa mga mag aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag aaral
ng wikang Filipino, tinanggal narin natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang
wika mo yun ang identidad mo.”
Kalakip ng pagka Pilipino ang wikang Filipino at ang paglinang nito ay paglinang din ng
sariling identidad. Ito ay nagbibigay diin sa lalong pangangailangan ng mga mamayan lalo’t higit
ng mga mag-aaral na linangin ang kani-kanilang identidad. Malinanw ang pahayag sa posisyong
papel na ang pagtatanggal ng pag-aaral ng Filipino sa kolehiyo ay pagtatanggal din ng
pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ang pag-aaral ng wika at panitikan sa kolehiyo ay higit na
mainam na panahon para mas mapalalim ang pagmamahal sa sariling identidad at mapataas ang
antas kasabay ang paglinang din ng kani-kaniyang propesyon at larangan. Upang kasabay ng mga
lumalagong Pilipino ay ang pagyabong din ng wikang Filipino.
Ayon naman sa Philippine Normal University ang “isang moog na sandigan ang wikang
Filipino upang isalin ang hindi magmamaliw na karunugan na pakikinabanagan ng mga
mamamayan para sa pambansang kapakanan. Ang paaralan bilang institusyong panlipunan ay
mahalagan domeyn na humuhubog sa kaalaman at kasayan ng bawat mamamayan ng bansa.

4
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Kaakibat sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ang wikang Filipino upang lubos na maunawaan at
mailapat sa paaralan ng buhay ang mga araling hindi lamang natatapos sa apat na sulok ng silid
aralan.”
Ang paaralan ang nagiging kanugnog ng tahanan kung saan lalong pinapanday ang
pagkatao ng bawat indibidwal. Ito ang siyang nagbibigay katuturan sa mga karaniwang karanasan
at nagpapaliwanag ng mga bagay sa mas malalim na perspektibo. Binigyang pansin sa posisyong
papel ang malaking gampanin ng paaralan sa pagbuo ng tulay na magdudgutong sa kung ano man
ang mga napagaralan sa silid ay syang magamit at madala sa paglabas dito. Ito ang nagpapaigting
ng pagnanais na malinang sa paaralan ang sariling wika at panitikan at nang sa gayon ay
masiguradong bahagi ng paglago ng mga mag-aaral ang midyum na batid ng bawat Pilipino. Ito
ay magbibigay daan din sa kapakinapakinabang na talastasan at talaban ng ideya.
Samakatuwid, ang bawat posisyong papel na nailathala sa paksang ito ay naging malaking
bahaging sa pagkakaroon sa kasalukuyan ng mga asignaturang umiinog sa Filipino at Panitikan.
Ang hakbang at inisyatiba na isinaalang-alang ng mga organisyon at pamantasan ay nagbigay ng
magandang bunga sa kalagayang pang-edukasyon ng susunod na henerasyon. Patuloy na magiging
mapanghamon ang pagyakap sa globalisasyon at nawa kaalisabay nito ay mas humigpit ang
pagyakap sa sariling pagkakakilanlan at identidad. Sa kabila ng pagbabago sa napakaraming
aspekto ay manatili sana ang pagmamahal sa Filipino at Panatikan. Inaasahang dadami ang mga
propesyonal na magmamahal at magpapaunlad sa sariling wika matapos ang pagtatalakay sa mga
posisyong papel na ito upang maibalik ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo.

Mga Gawain

Gawain 1
Ang bawat mag-aaral ay aatasang ipahayag ang kani-kanilang mga tindig hingil sa
pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo tulad ng kasalukuyang kurso, ang Fili 101
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino, sa pamamagitan ng isang Facebook (FB) post.
Ang naturang FB post ay tatalakay sa saloobin ng mag-aaral sa kung paanong ang asignatura ay
nakatutulong sa kanyang paglago bilang isang mag-aaral at isang indibiwal. Inaasahang ang mag-
aaral ay gagamit ng akademikong tinig sa kanyang pagpapahayag na hindi lalampas sa 300 salita,
at sumusunod sa tamang baybay, at balarila. Kasama ng FB post ay isang larawan na may
kaugnayan sa kanilang tindig. Maaring ito ay isang bagay o pangyayaring sumisimbolo sa knilang
nais ipabatid. Ang awtput ng mga mag-aaral ay ilalagay sa ginawang Facebook Private Group ng
guro para sa klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit ng free-
data, maaaring i-type sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit ang
messenger. Ang rubrik sa ibaba ang gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.

Gawain 2
Ang bawat magaaral ay aatsang alamin ang pulso ng kanilang pamilya at kasama sa
tahanan kung sila ay pabor o hindi sa pagkakaroon ng mga sabjek na Filipino at Panitikan sa
kolehiyo. Ito ay pamamagitan ng pagintebyu na mga kasama sa tahanan. Ang interbyu ay irerekord
gamit ang mga cellphone at isusumite gamit pa rin ang Facebook Private Group ng klase. Para sa
mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type ang
naging resulta ng interbyu ay isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit ang
messenger. Mainam din kung matatawagan ng guro ang mga mag-aaral para sa aktibidad na ito.
Ang rubrik sa ibaba ang gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.

5
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Rubrik sa FB Post
Napakahusay Mahusay Kulang sa Kasanayan
Kategorya Iskor
(5) (3) (1)
Komprehensibo ang ginawang Malinaw ang pagkakalahad ng Naging mahaba ang pagtalakay
pagtalakay sa paksa, malinaw at paksa, nagtataglay ng mga sa paksa at hindi kakikitaan ng
akma ang larawang ginamit, importanteng detalye subalit mga mahahalagang
Kaakmaan sa kompleto ang mga detalye at hindi nito napatibay ang ang impormasyon na magpapatibay
paksa ng kakikitaan na dumaan sa mga impormasyong tinalakay sa paksang tinatalakay.
gawain masusing pagiisip. sa paksa.

Lubhang mahusay at lohikal Mahusay at lohikal ang Nagtataglay ng kompletong

ang pagkakahanay ng mga pagkakahanay ng impormasyon subalit hindi
impormasyon, naiorganisa ang impormasyon, naiorganisa ang naihanay ng lohikal ang mga
mga detalye, maayos ang mga detalye, nagamit ang mga detalye na magpapatibay sa
pagkakagamit ng mga pang- pang-ugnay para mailahad ideyang tinatalakay. May
Mekaniks ugnay para mailahad ng buong tindig. Ang paliwanag ay bahagi ng FB post na
husay ang tindig, may kaisahan malinaw at makabuluhan nakapagdulot ng kalituhan sa
ang mga ideya, at naging subalit kinakulangan ng mga mambabasa dahil sa ilang
malinaw, mahusay at salitang magpapaigting ng pahayag na hindi kaugnay ng
makabuluhan ang pagtalakay sa pagkaunawa ng mambabasa sa paksa.
paliwanag. paliwanag.
Maayos ang pagkakahabi ng Maayos ang pagkakahabi ng Hindi magkaugnay ang tinit at
Kaugnayan ng
tindig at may direktang tindig subalit hindi direktang ang larawang ginamit.
larawan sa
kaugnayan sa larawan na naipakita ang kaugnayan nito sa
tindig
ginamit. larawang ginamit.
Kabuuang
Iskor

Rubrik sa Interbyu
Napakahusay Mahusay Kulang sa Kasanayan
Kategorya Iskor
(5) (3) (1)
Komprehensibo ang ginawang Malinaw ang resulta ng Naging mahaba ngunit walang
pagiinterbyu sa at nabigyang interbyu at ang pagkakalahad direksyon ang interbyu at
tuon ang paksa, malinaw at ng paksa, nagtataglay ng mga pagtalakay sa paksa at hindi
akma ang mga tanong na importanteng detalye subalit kakikitaan ng mga
Nilalaman ginamit, kompleto ang mga hindi nito napatibay ang ang mahahalagang impormasyon
detalye at kakikitaan na mga impormasyong tinalakay na magpapatibay sa interbyu
dumaan sa masusing pagiisip. sa interbyu na ginawa.

Lubhang mahusay at lohikal Mahusay at lohikal ang Nagtataglay ng kompletong

ang pagkakahanay ng mga pagkakahanay ng tanong, impormasyon ang interbyu
tanong, naiorganisa ang mga naiorganisa ang mga detalye, subalit hindi naihanay ng
detalye, maayos ang nagamit ang mga pang-ugnay lohikal ang mga detalye na
pagkakagamit ng mga pang- para mailahad tindig ng sabjek. magpapatibay sa ideyang
Mekaniks ugnay para makuha ng buong Ang tanong ay malinaw at tinatalakay sa interbyu. May
husay ang tindig ng mga makabuluhan subalit bahagi ng interbyu na
sabjek, may kaisahan ang mga kinakulangan ng mga salitang nakapagdulot ng kalituhan sa
ideya, at naging malinaw, magpapaigting ng pagkaunawa awdiyens dahil sa ilang
mahusay at makabuluhan ang ng awdiyens. pahayag na hindi kaugnay ng
ginawang interbyu. paksa.
Kabuuang
Iskor

6
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at mas Mataas na Antas

Panimula

Kasabay ng mga pagbabagong dulot ng internasyonalisasyon at globalisasyon ay tila

paglamlam din ng pagunawa at pagluwag ng yakap ng mga Pilipino sa sariling wika. Isa sa mga
karaniwang mukha ng pang araw araw na gawain ang mga pinaiksing salita sa chat at text at ang
mga pinahalong wika sa isang pangungusap. Kadalasang mali rin ang baybay sa mga pasulat na
gawain at gayun din sa bigkas sa mga pasalitang aktibidad. Marami rin ang naglilitawang
makabagong salita mula sa iba’t ibang dako ng mundo na dulot ng kulturang popular na mas
pinipiling gamitin lalo’t higit ng mga kabataan sa pakikipagtalastasan. Nagbago na ang porma at
paraan ng komunikasyon ngayon at tila ito ay palayo sa sariling atin. Matutunghayan sa paksang
ito ang pagtatalakay sa mga isyung kinapaloloban ng paggamit ng Filipino bilang midyum ng
komunikasyon.

Layunin

Matapos ng pagtatalakay ng paksang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon na
nagpapakita ng mga gamit ng Filipino bilang wika ng komunikasyon; at
2. mabigyang halaga ang Filipino bilang wika ng komunikasyon sa pamamagitan ng pag
gamit nito sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyong.

Lunsaran

Ang sumusunod na lunsaran ay makatutulong sa mas malalim na pagtatalakay ng paksa.

• https://www.youtube.com/watch?v=Cy19L31XCfk
• https://www.youtube.com/watch?v=4xMUnKIAG5k
• https://www.youtube.com/watch?v=p5IRKbYDCy0

Nilalaman

Minsang binalita GMA News ang diumano’y pagpurol ng kakayahan ng mga kabataan sa
wikang Filipino bunsod ng mga umiiral na makabagong paaran ng komunikasyon. Dala ng mga
gadyet at mga pang madlang midya na ang pangunahing midyum ay Ingles, maraming mga
kabataan ang hindi na batid ang gamit sa ilang mga salitang sariling atin. Nakalulungkot mang
isipin na ganito ang nangyayari sa mga kabataan ay kailngang maikital sa kanilang isipan ang
patuloy na paggamit sa sariling wika sa gitna ng modernong panahon.
Maaalaala na ang pagpapayabong ng Filipino ay hindi lamang dala ng mga umpukan
bagkos ito ay nagmula sa mas malalim na pundasyon tulad ng nasasaad sa ikalawang talata ng
Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng kasalukuyang saligang-batas na “Subject to the provisions of law
and as the Congress may deem appropriate, the Government shall take steps to initiate and sustain
the use of Filipino as a medium of official communication and as language of instruction in the
educational system.” Malinaw sa probisyong ito ang responsibilidad ng gobyerno na itaguyod
ang pagbuo ng mga hakbnagin upang patuloy na magamit ang wika sa mas malalim pamamaraan

7
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

sa pamayanan man o paaralan. Ang mga inisiyatibang nagpapalawak ng saklaw ng gamit sa

Filipino bilang wikang panturo at wika ng komunikasyon ay inaasahang magmumula sa
pamahalaan ayon sa Saligang Batas. Kaya naman ang mga nagdaang pagtatangka na alisin ang
Filipino at Panitikan ay tunay na nagsindi sa mga damdaming makabansa ng mga Pilipino.
Hindi lamang dito limitado ang mga opisyal na dokumento na sumusuporta sa paggamit
ng Filipino sa mas interaktibo at malalim na paraan. Ang dating Pangulong Corazon C. Aquino ay
nagbigay diin din sa probisyong ito sa pamamagitan ng Executive Order No. 335 na “Nag-aatas
sa Lahat ng mga Kagawaran/Kawanihan/Opisina/Instrumentaliti ng Pamahalaan na Magsagawa
ng mga Hakbang na Kailangan para sa Layuning Magamit ang Filipino sa Opisyal na mga
Transaksiyon, Komunikasyon, at Korespondensiya.”
Ayon kay Lumbera et al. (2007) ang Filipino ang wikang gingamit sa paglinang at
pagpapalaganap ng isang edukasyong na nagtataguyod ng kapakanan ng bansa, nagpapayaman ng
diwang mapagtanong at mapanlikha at umuugat sa buhay at pakikibaka ng nakararami. Mula dito
ay mababatid na ang ugat ng sinasabing wika na likas sa ating mga Pilipino ay Filipino. Kaya ito
ay nararapat lamang gamitin sa ano mang aspekto ng komunikasyon at pagkatuto.
Agosto 10, 2014 noong inilathala ni G. David Michael M. San Juan ang kanyang artikulong
12 Reasons to Save the National Language. Tamang tama ang pagkakagawa ng atikulong ito dahil
sa Buwan ng Wika kung kailan binibigayang pugay at tuon ang wikang pambansa at isa ay sa
panahong ito kainitan ang pagpakikipaglaban sa pagbabalik ng asignaturang Filipino at Panitikan
sa kurikulum ng kolehiyo. Sa artikulong ito ay inisa isa niya ang labindalawang dahilan kung bakit
ang Filipino ay kailangan gamiting wikang panturo at dapat mapabilang sa kurikulum sa kolehiyo.
Ang unang dahilan na kaniyang binigay ay ang nasasaad sa Artikulo XIV Seksyon 6 ng
kontistusyon ng bansa. Aniya ay nakaririmarin ang mga ahensya ng gobyerno na gumgamit ng
Ingles bilang opisyal na wika ng komunikasyon at gayundin ay ang mga institusyong tila
sumasalungat sa pagsusulong ng Filipinisasyon. Sunod niyang binigyang diin ay ideya ng
epektibong gamit ng Filipino bilang wikang panturo kung ito ay ituturo rin bilang isang sabjek o
disiplina. Isa rin ay ang globalisasyon at ASEAN integration, kung saan inaasahan ang
pagpapatibay ng sariling wika, panitikan, at kultura upang may maibahagi tayo sa pandaigdigan at
pangrehiyong na palitan sa panlipunan at pangkalingang unawaan. Ito ay isa ring paraan ng
paglinang ng napag-aralan at napagtalakayan sa hayskul tulad ng kung paano nililinang ang ibang
disiplina sa hayskul at kolehiyo. Bukod pa rito, ang Filipino at Panitikan ay parehas sa College
Readiness Standard sa CHED’s Resolution No. 298-2011. Ang resulta ng National Achievement
Test sa Filipino ng sa hayskul ay mababa pa rin sa itinalagang lebel ng masteri ng Kagawaran ng
Edukasyon at dahil dito ay lalong na ngangailangan ng Filipino sa kolehiyo upang mapunang ang
kulang pang natutuhan ng mga mag-aaral sa hayskul.
Batid din ng lahat na hindi kaya senior hayskul masakop lahat ng content at performance
standards na kasalukuyan ng itinuturo sa kolehiyo. Filipino ang wikang pambansa at sinasalita ng
nasa 99% ng populasyon. Ito ang kaluluwa ng bansa. Ito ay nagbubuklod sa mga mamayan tulad
kung paano tayo binubuklod ng mga awit, tula, at iba pang panitikan na nakalimbag sa Filipino.
Kaya naman ang pagalis nito ay pagalis din sa ating sarili. Kaugnay naman ng mga bansang
nagpapatupad din ng K to 12 tulad ng Estados Unidos, Malaysia, at Indonesia, ang kanilang wikang
pambansa at panitikan ay mandatori na core courses sa kolehiyo. Dinagdag pa niya na maraming
panukalas na isinumete sa CHED upang gamitin sa Filipino sa multi/interdidiplinari na
pamamaraan. Ipinahayag din ni G. San Juan na matagal nang namamayagpag ang Ingles sa
kurikulum ng kolehiyo mula noon 1906 samantalang ang Filipino ay nito lamang 1996, at panahon
na upang maremedyohan ang nagdaang panahon ng makasaysayang kaapihan. Higit sa lahat ang

8
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Filipino ay isang pandaigdigang wika na itinuturo at pinagaaralan sa mahigit walumpong

institusyon at unibersidad sa ibang bansa. Ang pag-aalis nito sa kurikulum ng sariling bansa kung
saan ito ay nag-ugat ay tiyak na makaaapekto sa negatibong paraan sa katayuan ng Filipino bilang
pandaigdigang wika.
Nakalathala sa akda ni G. Virgilio S. Almario (2014) na napakarami pang dapat gawin
upang ganap na magtagumpay ang wikang Filipino. Aniya hindi sapat ang pagdedeklara ng Buwan
ng Wikang Pambansa tuwing Agosto bilang tugon sa Proklamasyon Blg. 1041 ng Pangulong Fidel
V. Ramos noong Hulyo 5, 1997. Dagadag pa niyang na ang wikang Filipino ay totoong mabubuhay
at yayaman sa pamamagitan ng patuloy na paggamit araw-araw ng mga mamayan. Bagaman kung
tutuusin, hindi sapat kahit ang panyayaring siyento posiyento na ang mga mamayang Pilipino ay
nakapagsasalita at nakuunaw sa wikang Filipino.
Kasama rin sa akdang ito Pambansang Alagad ng Sining ang pag-aasam na sa darating na
panahon, sinumang nais mag-aral pa ay maaaring magbasa sa isang aklatang tigib sa nga aklat sa
mga aklat at sangunian na nakalimbag sa Filipino. Ang lahat ng balikbayan at bisita ay
sinasalubong sa airport ng mga karatula sa wikang Filipino ang banyagang nais magtagal sa
Pilipinas. May tatak at paliwanag sa Filipino ang mga ibinebentang de-lata at nakapaketeng
produkto. Idinadaos ang mga kumperensiya sa wikang Filipino, at kung kailangan, may mga
tagasalin sa Ingles at ibang wikang global. Nagtutulong-tulong ang mga eksperto at guro sa mga
wikang katutubo sa Wikang Pambansa. Nagsasalita sa Filipino ang mga mambabatas kahit hindi
sila nkaharap sa telebisyon para maintindihan ng bayan. At hindi nag-iisa ang Pangulong Benigno
C. Aquino III sa pagtatalumpati sa wikang Filipino. Tunay nga na kapag nangyari ang mga bagay
na ito ay maikukunsidera na ang paggamit sa Filipino bilang wika ng komunikasyon ay nasa
mataas na antas na o higit pa.

Mga Gawain

Gawain 1
Ang mga mag-aaral ay aatasan na lumikha ng tatlong meme na sumasalamin sa mga
gampanin ng Filipino bilang wika ng komunikasyon. Ang bawat meme ay kakatawan sa ideya ng
mag-aaral bilang isang estudyante sa kolehiyo, bilang guro sa hinaharap, at bilang isang Filipino.
Maaaring gamitin ang mga larawan na palasak ng ginagamit sa social media ngunit siguraduhing
ang mga salita ay manggaling sa kaisipan ng bawat mag-aaral. Kasama sa criteria sa rubrik ang
orihinalidad. Ang awtput ng mga mag-aaral ay muling isusumite sa Facebook Private Group ng
klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring
i-type ang mga linya o iskrip sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit
ang messenger. Ang rubrik sa ibaba ang gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.

Gawain 2
Ang mga mag-aaral ay aatasan na gumawa ng isang vlog na nagpapakita ng kanyang
karaniwang ginagawa sa tahanan gamit ang wikang Filipino. Inaasahang hindi gagamit ng wikang
banyaga ang mga mag-aaral sa vlog. Ang kanilang vlog ay tatagal lamang ng 1 hanggang 3 minuto.
Ang awtput ng mga mag-aaral ay muling isusumite sa Facebook Private Group ng klase. Para sa
mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type ang mga
aktibidad sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit ang messenger.
Mainam din kung matatawagan ng guro ang mga mag-aaral para sa aktibidad na ito. Ang rubrik
sa ibaba ang gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.

9
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Rubrik sa Meme
Napakahusay Mahusay Kulang sa Kasanayan
Kategorya Iskor
(5) (3) (1)
Nilalaman Komprehensibo ang ginawang Malinaw ang meme at ang Naging malamlam ang punto
meme at pagtalakay sa paksa, pagkakalahad ng paksa, at pagtalakay sa meme at hindi
malinaw na nailahad ang mga nagtataglay ng mga kakikitaan ng mga
impormasyon, kompleto ang importanteng detalye subalit mahahalagang impormasyon
mga detalye at kakikitaan na hindi nito napatibay ang ang na magpapatibay sa paksang
dumaan sa masusing pag-iisip mga impormasyong nakalagay iniatas.
ang vlog. sa meme.
Mekaniks Lubhang mahusay at lohikal Mahusay at lohikal ang Nagtataglay ng kulang na
ang pagkakahanay ng mga pagkakahanay ng impormasyon at hindi naayos
impormasyon, naiorganisa ang impormasyon, naiorganisa ang ng lohikal ang mga detalye na
mga detalye. Sumunod sa mga detalye, Ang paliwanag ng ideyang tinatalakay. May
tinalagang anyo at nilalaman ay malinaw at makabuluhan bahagi ng meme na
ang meme. subalit kinakulangan ng mga nakapagdulot ng kalituhan sa
salitang magpapaigting ng dahil sa ilang pahayag na hindi
pagkaunawa sa meme. kaugnay ng paksa.
Pagkamalikhain Malikhain at mapanghikayat Malikhain ngunit hindi Hindi mlikhain at
ang presentasyon ng mapanghikayat ang mapanghikayat ang
impormasyon sa ginawang presentasyon ng impormasyon presentasyon ng impormasyon
meme. Nagpapakita ng sa ginawang meme. Nagamit sa ginawang meme. Hindi
matalinong gamit ng Filipino ang Filipino bilang wika ng nagpapakita ng matalinong
bilang wika ng komunikasyon komunikasyon sa meme. gamit ng Filipino bilang wika
ang meme. ng komunikasyon ang meme.
Orihinalidad Ang mga meme ay orihinal. Ang mga meme ay hindi
orihinal.
Kabuuang
Iskor

Rubrik sa Vlog
Napakahusay Mahusay Kulang sa Kasanayan
Kategorya Iskor
(5) (3) (1)
Nilalaman Komprehensibo ang ginawang Malinaw ang pagkakalahad ng Naging mahaba ang
pagtalakay sa paksa, malinaw paksa, nagtataglay ng mga pagtalakay sa vlog at hindi
na nailahad ang mga importanteng detalye subalit kakikitaan ng mga
impormasyon, kompleto ang hindi nito napatibay ang ang mahahalagang impormasyon
mga detalye at kakikitaan na mga impormasyong tinalakay na magpapatibay sa paksang
dumaan sa masusing pag-iisip sa vlog. tinatalakay.
ang vlog.
Mekaniks Lubhang mahusay at lohikal Mahusay at lohikal ang Nagtataglay ng kompletong
ang pagkakahanay ng mga pagkakahanay ng impormasyon subalit hindi
impormasyon, naiorganisa ang impormasyon, naiorganisa ang naihanay ng lohikal ang mga
mga detalye, maayos ang mga detalye. Ang paliwanag detalye na magpapatibay sa
pagkakagamit ng mga pang- ay malinaw at makabuluhan ideyang tinatalakay. May
ugnay para mailahad ng buong subalit kinakulangan ng mga bahagi ng vlog na
husay ang tindig, may kaisahan salitang magpapaigting ng nakapagdulot ng kalituhan sa
ang mga ideya. Sumunod sa pagkaunawa ng manonood sa manonood.
tinalaga ang vlog. paliwanag.
Kasanayan sa Magaling at angkop ang kilos, Angkop ang kilos, galaw at Madalas ang mga pagkakataon
Pagsasalita galaw at kumpas sa nilalaman kumpas na kinakailangan sa na hindi angkop ang kilos at
ng vlog; kumikilos ng naaayon talumpati, ngunit may mga galaw sa nilalaman ng vlog, o
sa paraang mabibigyang-diin pagkakataong blanko ang may kakulangan sa
ang sinasabi. emosyon na hindi tumutugon kinakailangang emesyon.
sa pinapahayag.
Kabuuang
Iskor

10
Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERISTY
BatStateU Alangilan, Batangas City

WIKANG PAMBANSA
Ang wikang pambansa ay kinikilalang midyum ng komunikasyon sa isang bansa. Kadalasan, ito
ang wikang ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ng lahat ng mamamayan ng isang
bansa. Higit pa rito, ito ay tinutukoy bilang isang wika (o iba baryedad ng wika hal. diyalekto) na
may ilang koneksyon – de facto o de jure – kasama ang mga tao at ang teritoryo na sakop nila.
Ang isa o higit pang wika na sinasalita bilang unang wika sa teritoryo ng isang bansa ay
maaaring tumutukoy sa impormal o itinatalaga sa batas bilang pambansang wika ng bansa. Ang
pambansang wika ay nakapaloob at binabanggit sa mahigit isang daan at limapung saligang
mundo.

Iba pang kahulugan ng wikang pambansa:

• pagkakakilanlan ng isang bansa
• sistema ng iba’t-ibang pinagsamang anyo ng mga katutubong wikang pasalita o pasulat
• kultural na simbolo ng identidad, kapangyarihan at pagsasarili ng isang bansa

KASAYSAYAN NG KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

Ang kasaysayan ng KWF ay kasaysayan din ng pagpupundar ng pambansang wikang Filipino.
Tuwing babalikan ang pinag-ugatan ng KWF, matutuklasan ang salimuot ng politika at
pakikibaka laban o pabor sa Filipino. Gayunman, napatunayan ng Filipino na kaya itong
tanggapin sa iba’t ibang rehiyon at gawing katuwang ng wika ng rehiyon, dahil ang komposisyon
ng Filipino ay hindi nalalayo sa naturang wika, kompara sa Ingles na sa kabilang polo
nagmumula.

Taong 1935
Wala pa noong ahensiya ng pamahalaan na mangangasiwa o magpapalaganap ng mga patakaran
hinggil sa pambansang wika. At wala pa ring napipili noong 1935 kung aling katutubong wika
ang magiging batayan ng pambansang wika. Mababatid lamang ang halaga ng pambansang wika
kapag isinaalang-alang na ang Espanyol at Ingles noon ay umiiral bilang mga opisyal na wika sa
buong kapuluan. Ang siniping probisyon sa Saligang Batas ng 1935 ay ipinaglaban ng mga
delegado sa Kumbensiyong Konstitusyonal na hindi Tagalog. Kabilang sa pangkat sina:
• Felipe R. Jose (Mountain Province),
• Wenceslao Q. Vinzons (Camarines Norte),
• Tomas Confesor (Iloilo),

1
Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERISTY
BatStateU Alangilan, Batangas City

• Hermenegildo Villanueva (Negros Oriental), at

• Norberto Romualdez (Leyte) na dating batikang mahistrado ang sumulat ng Batas
Komonwelt Blg. 184 na nagtatatag ng Surian ng Wikang Pambansa.

13 Nobyembre 1936
Alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184, itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa “na
mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng
isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika.” Ang pagpili ng isang
pambansang wika ay ibinatay sa “pagkaunlad ng estruktura, mekanismo, at panitikan na pawang
tinatanggap at ginagamit ng malaking bilang ng mga Filipino.” Sa madali’t salita, Tagalog ang
napili. At pinili ang Tagalog sa ilalim ng pamumuno ni Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte), at
kinabibilangan ng mga kasaping sina:
• Santiago A. Fonacier (Ilokano),
• Filemon Sotto (Sebwano),
• Casimiro F. Perfecto (Bikol),
• Felix S. Salas Rodriguez (Panay),
• Hadji Butu (Moro), at
• Cecilio Lopez (Tagalog).
Tampok sa pagpili ng Tagalog ang pagkilala rito “na ginagamit ito ng nakararaming
bilang ng mga mamamayan, bukod pa ang mga kategorikong pananaw ng mga lokal na
pahayagan, publikasyon, at manunulat.” Hindi nakaganap ng tungkulin si Sotto dahil sa
kapansanan; samantalang si Butu ay namatay nang di-inaasahan.

13 Disyembre 1937
Sinang-ayunan batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na pagtibayin ang Tagalog “bilang
batayan ng wikang pambansa ng Filipinas.” Ngunit magkakabisa lamang ang nasabing kautusan
pagkaraan ng dalawang taon, at ganap masisilayan noong 1940.

01 Abril 1940
Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtungo sa paglilimbag ng Diksyunaryo ng
Pambansang Wika. Dalawang mahalagang tungkuling naisagawa ng SWP ang pagbubuo at
pagpapalathala ng A TagalogEnglish Vocabulary at Balarila ng Wikang Pambansa.

2
Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERISTY
BatStateU Alangilan, Batangas City

07 Hunyo 1940
Pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Batas Komonwelt Blg. 570 noong 7 Hunyo 1940 na
kumikilala sa Pambansang Wikang Filipino [Filipino National Language] bilang isa sa mga
opisyal na wika ng Filipinas pagsapit ng 4 Hulyo 1946.

14 Hulyo 1942
Noong 1942 ay inihayag ng Komisyong Tagapagpaganap ng Filipinas [Philippine Executive
Commission] ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nagtatakda na ang kapuwa Nihonggo at Tagalog
ang magiging mga opisyal na wika sa buong kapuluan. Nagwakas ang gayong ordinansa nang
lumaya ang Filipinas sa pananakop ng Hapon. At muling ipinalaganap ang paggamit ng Ingles sa
mga transaksiyon sa pamahalaan, akademya, at negosyo.

26 Marso 1954
Ipinatupad ang Linggo ng Wika sa kautusan ni Pangulong Ramon Magsaysay, at inilipat ang
petsa ng pagdiriwang mulang Marso tungong Agosto 13-19. Itinampok ang lingguwistikang
pag-aaral sa wikang pambansa at mga katutubong wika sa Filipinas noong panahon ni Cecilio
Lopez. Pagsapit sa termino ni Jose Villa Panganiban ay isinagawa ang mga palihan sa
korespondensiya opisyal sa wikang pambansa. Nailathala ang English-Tagalog Dictionary; at
pagkaraan ay tesawro-diksiyonaryo.

13 Agosto 1959
Nagpalabas ng kautusan ang kalihim ng Tanggapan ng Edukasyon noong 13 Agosto 1959, na
tawaging “Pilipino” ang “Wikang Pambansa.” Ang “Pilipino” na ibinatay nang malaki sa
Tagalog ay maghuhunos na “Filipino” alinsunod sa atas ng Saligang Batas 1973 “na linangin,
paunlarin, at pagtibayin ang Filipino alinsunod sa umiiral na mga katutubong wika at diyalekto
nang di-alintana ang pagtanggap ng mga salita mula sa mga dayuhang wika.”

Taong 1986
Pumapel ang SWP sa paghahanda ng salin ng Saligang Batas ng 1986, at sa naturang batas din
kinilalang ang pambansang wika ng Filipinas ay “Filipino.”
Kung paniniwalaan ang nasabing batas, “habang nililinang ang Filipino ay dapat itong
payabungin at pagyamanin nang nakasalig sa mga katutubong salitang umiiral sa wikang Filipino

3
Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERISTY
BatStateU Alangilan, Batangas City

at iba pang wika.” Nangangahulugan ito na ang “Filipino” ay nangangailangan ng isang

ahensiyang pangwika na magtataguyod sa naturang simulain. Ang “Filipino” ay hindi na ang
“Pambansang Wika” na nakabatay lamang nang malaki sa Tagalog, bagkus idiniin ang
pangangailangang payabungin ito sa tulong ng mga panrehiyong wika sa Filipinas, bukod pa ang
tinatanggap na mga salita sa ibang internasyonal na wika. At upang “mapayabong” ang
pambansang wika ay kinakailangan ang isang institusyong pampananaliksik, na may mandatong
higit sa itinatakda ng “pagsusuri” ng mga wika.

Enero 1987
Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 na nilagdaan ni Pang. Corazon Aquino nalikha
ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) na sa pumalit sa SWP. Malulusaw pagkaraan ang
LWP nang pagtibayin at pairalin ang Saligang Batas ng 1987 dahil iniaatas nito ang pagtatatag
ng isang komisyon ng pambansang wika.

14 Agosto 1991
Nang maipasa ang Batas Republika7104, naitatag ang Komisyon sa Wikang Filipino kung saan
nakatakda ang kapangyarihan, mga tungkulin at gawain nito, naglalaan ng gugulin ukol dito at
para sa iba pang mga layunin.

ANG KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

Bisyon:
“Wikang Filipino, Wika ng Dangal at Kaunlaran
Misyon
Itaguyod ang patuloy na pag-unlad at paggamit ng Filipino bílang Wikang Pambansa hábang
pinapangalagaan ang mga wikang katutubo ng Filipinas tungo sa pagkakaunawaan, pagkakaisa,
at kaunlaran ng sambayanang Filipino.
Mandato
Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay nilikha upang magsagawa, mag-ugnay, at
magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng
Filipino at ng iba pang mga wika sa Filipinas. Batas Republika Blg. 7104 ang batas na lumikha
sa Komisyon sa Wikang Filipino, nagtatakda ng mga kapangyarihan nito, mga tungkulin at mga
gawain, naglalaan ng gugulin ukol dito at para sa iba pang mga layunin

4
YUNIT II
PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA
KOMUNIKASYON

Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa Ating Buhay

Panimula

Isa sa mga magagandang dulot ng K to 12 ay ang pagbubukas ng isip ng mga mag-aaral sa

akademikong gawin, isa na rito ang pagsasagawa ng mga pananaliksik. Sa dating kurikulum sa
ikatlong taon pa ng mga mag-aaral sa kolehiyo nasisimulan ang pananaliksik para sa kani-
kanilang tesis. Sa yunit na ito ay pagtatalakayan ang papel na gingampanan ng pananaliksik at
komunikasyon sa buhay ng tao. Gayundin ay bibigyang pansin sa yunit na ito ang mga
konsiderasyon sa pagpili ng paksang magiging pokus ng pananaliksik. Magbibigyang linanaw
din dito ang mga tiyak na halimbawa ng batis na maaaring pagkuhanan ng impormasyong
magagamit sa pananaliksik. May mga pamamaraan din ng pagkalap ng datos na ipipresenta sa
yunit na ito. Mula sa pagkalap ng datos ay bibigyang tuon din ang pagsusuri ng mga ito. Ilang
mga gawain ang iaatas sa mga mag-aaral pagkatapos ng mga pagtatalakay sa bawat paksa.

Nilalaman

Sa anumang sitwasyong pang komunikasyon, ginagamit sa pakikipag ugnayan,

pakikisalamuha at pakikipag talastasan sa kapuwa ang mga kaalamang natutuhan natin mula sa
pagoobserba at pagsusuri ng lipunan. Ang mga nabatid at napaglimian nating kaalaman mula sa
karanasang panlipunan ang pumapanday sa ating karunungan na siyang gumagabay sa ating
maliliit at maalaking desisyon at hakbang sa buhay. Ang pangunahing salik ng kaalaman, na
ibinabahagi din natin sa kapuwa ay ang mga impormasyong nasasagap natin mula sa tao, sa ating
kapaligiran, at midya. Sa makatuwid, lubhang mahalaga na pagyamanin ang ating kakayahan na
magproseso ng impormasyon – ang bawat butil ng impormasyon na alam natin at anumang
kaugnayan ng mga butil na ito sa isa’t isa – dahil ito ang malaking bahagi ng kaalaman. Ang
ating kapasidad sa paggawa at pagsasabuhay ng desisyon, aksiyon, at komunikasyon ay
nakasalalay sa nabuo nating kaalam at napanday nating karunungan.
Maraming pamamaraan kung paano tayo nagkakakalap ng kaalaman. Ang bawat
pangyayari sa araw – araw mula sa umaga pag gising hanggang sa gabi bago matulog na
bumubuo sa paraan kung paano tayo nagkakaroon ng kaalaman. Ang bawat karanasan mula sa
pinakamaliliit hanggang sa pinakamalalaki ay nagiging paraan din kung paano tayo natututo.
Kadalasan ang pinakamalalim na kaalaman ay nakukuha natin mula pinakakumplikado nating
mga karanasan. Kasabay ng mga pangaraw – araw na pangyayari ang pagusbong ng mga
perspektibo na maaari nating magamit sa pagtingin sa mga problema o isyung kinahaharap natin
lalo at higit sa mga panghamong panahon. Ito rin ang ngmumulat sa atin sa mas magmaging
mahusay sa pagdedesisyon at pagaksyon sa mga bagay bagay.
Sabi nga, ang kaalaman ay kapangyarihan at may kapangyarihang panlipunan. Sa
harapang pakikipag-usap sa kapuwa o sa pagpapahayag gamit ang midya, malakas ang bias at
talab ng mga ibinabahaging kaalam batay sa malalim at malawak na pag susuri at pagtatahi ng
impormasyon. Ang makatotohanan at katiwa tiwalang kaalaman ay makakatulong sa pag igpaw
sa kamangmangan at kahirapan. Gayundin ito ay isa sa mga malakas ba panlaban sa panlilinlang,
pangaapi, at pang aabuso lalo pang ang mali at binaluktot na impormasyon ay ginagamit sa
kasamaan ng mga ganid at sira sa lipunan. Sa kasalukuyang panahon kung kailan laganap ang
kultura ng pang madlang midya at virtual na komunikasyon, mas madali ng magpakalat ng
tinatawag na disinformation sa paraang ng fakenews sa mga midya gingamit sa information and
communication technology (ICT). Sa kabila nito lalong pinaiigting ang pagmagmamatyag sa
mga impormasyong nagmumula rito upang makabubuo tayo ng makabuluhan at makatuturang
kaalaman na magagamit sa pagpapaunlad ngating buhay at lipunang Pilipino.
Sa pagiging aksesibol ng mga impormasyon dulot ng teknolohiya ay nagiging aksesibol
na rin para sa mga masasamang loob ang panlalamang sa kapwa at dahil dito mas kinakilangan
na maging matalino sa paggamit ng iba’t ibang midya ang mga mamamayan. Ang pagiging
mapanuri ay isa na dapat sa mga kasanayang kasama sa inaaral at isinasabuhay ninoman. Ito ay
upang hindi madala ng mga mapanlinlang na tao at impormasyong maaaring makasama o dili
kaya’y makapagdulot ng panganib sa sino mang magkakamit nito. Ang kapangyarihang dulot ng
komunikasyon ay magiging mas epektibo sa tamang paggamit nito.
Kagaya ng napag-aralan na sa hayskul bahagi ng mataas n antas ng literasing pang media
ang matalas na sensibilidad sa pagsagap ng mga impormasyon mula sa ibat-ibang midya sa ating
lipunan. Walang anumang midya at teksto ng media sa values free. Ang klase ng midya ang wika
at naratibong itinampok dito, ang estruktura at daloy ng kwento, ang mga tunog at imahen na
ginawang representasyon ng realidad at iba pang aspekto ng mediasyon ay hindi neutral—bagkus
may, sinasalamin at kinakatawan itong mga diskurso, ideolhiya, at kapangyarihanhgg sosyal ,
kultural, at ekonomik. Nakapaloob dito ang pagpapahalaga, interes, at adyenda ng mgfa
prodyuser.
Ang ano mang napapanood, naririnig, at maging nababasa natin sa tradisyonal o
modernong midya man ay may kani-kaniyang layunin na bunsod ng tao o organisasyong nasa
likod nito. Sa kasalukuyan, hindi na maaaring iilang pandama ang ating gingamit sa paghalaw ng
meesahe mula sa mga nasasaksihan natin. Lalong nangangailngan na na magkaagapay ang ating
mga pandama at ang ating matalas na isip sa pagbibigay katuturan sa mga midyang abeylabol.
Ito ay para makasiguradong lubos at tama ang mga impormasyong makakarating sa atin at ang
maibabahagi natin sa iba. Kailngan na nating tanggapin na binubuo ng tinatawag na binary
opposition ang mundo sa kadahilanang walang neutral at ang mga bagay ay nasa pagitan lamang
ng positibo at negatibo, masama o mabuti, sang-ayon o hindi.
Ayon sa website na MindTools may anim na paraan upang malaman ang fake news. Ang
fake news ay tumutukoy sa mga sadyang hindi totoo, o mga kwento na naglalaman ng ilang
katotohanan ngunit hindi ganap na tumpak, sa pamamagitan ng aksidente o disenyo. Sinasbi rin
ng ilang tao na ang mga totoong kwento ay ―fake news", dahil lamang sa hindi sila sangayon sa
kanila. Maaari itong humantong sa mapanganib na pagwawalang bahala na mahahalagang payo.
Ang mga fake news ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa pag-uugali sa lugar ng
trabaho. Halimbawa, sa pamamagitan ng pagsira sa kultura ng pag-aaral, at naging sanhi ng
pagkalat ng tsismis at kawalan ng katiyakan. Kaya mahalaga na malaman kung paano ihiwalay
ang tunay mula sa mga pekeng impormasyon. May ilang hakbang upang malaman kung ang
impormasyon ay lehitimo o hindi. Una ay ang pagbuo ng kritikal na pagtingin sa mga
impormasyon. Kailngan din na maging mapanuri sa pinamulan ng impormasyon. Mahalaga rin
na kilalanin kung sino ang pinagmulan ng impormasyon at suriin ang mga katibayan. Huwag
magpadala sa tinatawag na ―face value‖ ng mga impormasyon. Hiindi kasiguraduhan ang
magandang presenstasyon ng tama at lehitimong batis ng impormasyon. Higit sa lahat suriin
kung ―tunog tama‖ ba ang pahayag o impormasyon.
Bahagi pa rin ng pang-araw-araw na pamumuhay ang pakikinig ng awitin, panonood ng
mga palabas, o ang pag-alam ng mga makabagong kaganapan. Ang lahat ng ito ay sa maaring
magawa gamit ang telebisyon, radyo, o kaya ay kompyuter. Mass Media o pangmadlang midya
ang ginagamit ng karamihan na mapagkukunang ng impormasyon at balita. Ito ay
nangangahulugang teknolohiya na inilaan upang maabot ang ng impormasyon ang madla. Ito ay
pangunahing paraan ng komunikasyon na gingamit upang maabot ang karamihan sa
pangkalahatang publiko. Ang pinaka-karaniwang pangmadlang midya ay pahayagan, magasin,
radyo, telebisyon, at Internet. Ang pangkalahatang publiko ay karaniwang umaasa sa
pangmadlang midya upang magbigay ng impormasyon tungkol sa mga isyung pampulitika,
lipunan, libangan, at balita sa kulturang popular.
Ayon kina Maxwell McComb at Donald Shaw, ang pangmadlang midya ang nagtatakda
kung ano ang pag uusapan ng publiko kung si George Gerbner, ang midya, lalo na ang
telebisyon, ang tagapagsalsay ng lipunan na lumilinang sa kaisipan ng mga madalas manood na
ang mudoy magulo at nakakatakot kung si Marshall McLuhan, binabago ng midya ang
simbolikong kapaligiran ng mga tao at naiimpluwensiyahn nito ang kanilang pananaw,
karanasan, ugali, at kilos kung kaya’t masasabng ―ang midyum ay ang mensahe‖; at kung si
Stuart Hall ang midya ang nagpapanatili sa ideolohiya ng mga may hawak ng kapangyarihan sa
lipunan (Griffin, 2012). Sa makatuwid, kailangang maging mapanuri at kritikal sa mga
impormasyong nakukuha sa midya upang magamit ang mga ito sa kapakinabangan, sa halip na
kapahamakan.
Dapat ding maging mapanuri sa mga impormasyong nakukuha sa harapang pakikipag
usap. Ang sinasabi ng ekperto, mahal sa buhay, matalik na kaibigan, sikat na artista, politiko, o
tinitingala sa lipunan ay hindi awtimatikong katotohanan. Mahalaga ang pagtatasa, pagtitimbang,
at pagtatahi ng mga impormasyon-–mula sa mg taong nkakaranas hanggang sa mga kinikilalang
dalubhasa sa paksa ng komunikasyon o penominang pinaguusapan.
Bukod sa batis ng impormasyon, dapat ding isaalang alang ang pamamaraan ng pagkuha
ng impormasyon, ang konteksto ng impormasyon, at ang konteksto ng pinagkunan o
pingmulang impormasyon. Ang maling pamamaraan ay humahantong sa palso at di angkop na
datos. Ang konteksto ang nagbibigay ng linaw sa tukoy na kahulugan ng impormasyon at
nagsisilbing gabay sa interpretasyon nito. Dagdag pa, konsiderasyon din kung anong
pamamaraan ang gagmitin sa pagsusuri ng impormasyon para makabuo ng sariling pahayag na
magagamit sa isang tukoy na sitwasyong pangkomunikasyon. Ang maling pamamaraan ng
pagsusuri ay nagreresulta sa kaalamang hindi maaasahan at kahina hinala ang katampukan.
Higit sa lahat sa bawat hakbang na gagawin natin sa pagpoproseso ng impormasyon,
kailangang magtiwala tayo sa kakayahan ng Filipino bilang mabisang wikang pag unawa at
pagpapaunawa; gayundin,b magtiwalatayo sa kaangkupan ng mga katutubong metodo sa
pagkalap at pagsusuri ng impormasyon. sa paggamit ng wikang Filipino at katutubong
pamamaraan, mas magiging maigting at malaman ang komunikasyon sapagkat
nagkakaintindihan ang mga kalahok at mas nakakaugnay sila sa paksa dahil paksa dahil an
gating wika ay ―hindi lamang daluyan kundi tapagpahiwatig at imbakan-kuhanan ng kultura‖
natin bilang mga Pilipino.

Mga Panimulang Konsiderasyon:

Paglilinaw ng Paksa, mga Layon, at Sitwasyong Pangkomunikasyon

Nilalaman

Ang pananaliksik ay isang maingat at detalyadong pag-aaral sa isang tiyak na problema,

pag-aalala, o isyu gamit ang pamamaraang pang-agham. Ito ay nagbibigay pagkakataon sa atin
upang mapataas ang antas ng kaalaman sa pamamakitan ng eksperimento. Ito ang pinakamhusay
na nagawa sa pamamagitan ng paggawa ng isyu sa isang katanungan, na may hangarin ng
pananaliksik upang sagutin ang tanong. Ito ay maaring tungkol sa anumang bagay, at maraming
halimbawa ng pananaliksik ang abeylabol sa iba’t ibang midya.
Marami sa malalaking katanungan ng mundo ay nabibigyang linaw ng pananaliksik.
Kaya naman mainam na ang lahat lalo’t higit ang mga ag-aaral ay nagiging kasangkot sa mga
ganitong akademikong gawain. Dahil hindi nagmamaliw at patuloy pa rin ang pagkokonsidera sa
mga kabataan bilang pag-asa ng bayan, sila ang inaasahang magbibigay solusyon sa problema ng
bansa. Isa sa pinkamainam na paghanap ng ksagutan ay sa pamamagitan ng pananaliksik. Kaya
naman may ilang bagay na dapat isaalang alang ang isang mananaliksik bago pumili ng batis ng
impormasyon para sa pagbuo ng kaalamang ipapahayag sa isang sitwasyong pangkomunikasyon.
Una, kailangang malinaw ang tukoy ng paksa at layon ng pananaliksik. Pangalwa, dapat
na malinaw sa mananaliksik ang pakay niya sa paglahok sa sitwasyong pangkomunikasyon kung
saan ibabahagi ang bubuung kaalaman. Pangatlo, kailangang ikonsifera ng mananaliksik ang uri
at kalakarang ng sitwasyong pangkomunikasyon. ang tatlong ito ay may imlpikasyon saisa’t-isa.
Tunghayan ang bidyo na ito para sa karagdagang kaalaman
https://www.youtube.com/watch?v=3Tx3CCqbyt0.
Ang tukoy na paksa at layon ay ay nakakawing sa dalawang bahagi ang una ay ang paksa
ng sitwasyong pang komunikasyon kung saan ipapahayag ng mananaliksik ang kaalaman na
kanyang bubuuin at ang ikalawa ay kanyang pakay sa paglahok sa sitwasyong
pangkomunikasyon. Batay sa paksa ng sitwasyong pangkomunikasyon, magdedesisyon ang
mananaliksik kung anong pakay sa paglahok dito. Kung ang paksa naman ng talakayan ay
desisyon ng pagsuporta o pagtutol sa patakaran depende sa bentahe at disbentahe ng pagsasalita,
ang isang tutol sa patakaran ay malamang na may pakay na mangumbinsi ang mga kapwa
kalahok na pumanig sa posisyong laban sa patakaran. Konsiderasyo naman ang uri at kalakaran
ng sitwasyong pangkomunikasyon sa pagbuo ng pahayag ng kaalaman at pagpili ng plataporma
ng pagpapahayag.
Mapapansin sa talakayan na nauna ang paglilinaw sa paksa, uri, at kalakaran ng
sitwasyong pangkomunikasyon bago ang pakay sa paglahok dito ang pagtukoy sa tiyak na paksa
at tiyak na layon ng pananaliksik. Maaari ring kabaligtaran ang mangyari, na mauna ang
pagsasaliksik hinggil sa isang napapanahon at mahalagang paksa bago magdesisyon ang
mananaliksik kung saang sitwasyong pangkomunikasyon niya ibabahagi ang kaalamang nahalaw
at kung ano ang pakay niya sa pagbabahgi nito. Anuman ang proseso, ang pag alam sa uri ng
sitwasyong pangkomunikasyon ay makatutulong din upang makilala ang kapwa kalahok.
(katalastasan) o audience (tagapakinig, mambabasa, o tagapanood) mapaghandaan ang
posibleng estraktura at daloy ng sitwasyon at makagawa ng estratihiya kung paano
pupukawinang interes ng mga kapuwa kalahok o audience
Si San Juan (2017) ay nagbigay ng limang hakbangin na dapat isakatuparan sa ikauulad
ng pananaliksik mula sa at para sa mga Pilipino bukod sa pagsipat sa iba’t ibang realidad at/o
suliraning panlipunan na maaaring pagmulan ng makbuluhang adyendang pananaliksik. Una,
―magpansinan muna tayo bago magpapansin sa iba. I-cite ang pananaliksik ng kapwa Pilipino
paano babasahin ng ibang bansa ang gawang Pilipino kung hindi rin ito binabasa ng mga Pilipino
mismo. Ikalawa, ―magbuo ng pambansang arkibo ng mga pananaliksik gaya ng narcis.nl ng
Netherlands at diva-portal.org ng Sweden. Ikatlo, ―magdevelop ng katiwa-tiwalang translation
software na libreng magagamit para sa mga mass translation projects. Ikaapat, ―bigyang
prayoridad ang Filipinisasyon ng lalong maitaas ang edukasyon at ang mga programamng
grdwado. Ikalima, ―atasan ang lahat ng mga unibersidad na magtayo ng Departamento ng
Filipino at/o Araling Pilipinas.‖
Mainam din na ikonsidera ng mananaliksik ang ilan sa mga mungkahi nina Santiago at
Enriquez (1982) para sa maka-Pilipinong pananaliksik. Una, iugnay sa interes at buhay ng mga
kalahok ang pagpili ng tukoy na paksa. Pangalwa, gumamit ng mga pamamaraan ng pagsisiyasat
na nakagawian ng mga Pilipino, angkop sa kultura, at katanggap tanggap sa ating mga
kababayan. Pangatlo, humango ng mga konsepto at paliwanag mula sa mga kalahok, lalo na
iyong makabuluhan sa kanila.

Mulaan ng Impormasyon:
Mapanuring Pagpili mula sa Samo’t Saring Batis

Nilalaman

Ang batis ng impormasyon ay ang pinanggagalingan ng mga katunayan (halimbawa. Facts, and
figures at datos (halimbawa. Obserbasyon , berbal, at biswal na teksto, artifact fossil) na kailangan para
makagawa ng mga pahayag ng kaalaman hinggil sa isang isyu, penomeno, o panlipunang realidad. Ang
mga ito ay maikakategorya sa dalwang pangunahing uri: primera at sekundarya.
Primary at sekundaryang batis. Ang primaryang batis ay mga orihinal na pahayag, obserbasyon at
teksto na direktang nagmula sa isang indibidwal, grupo o institusyon nanakaranas, nakaobserba, o
nakapagsiyasat ng isang paksa o phenomena. Halimbawa ng mga primaryang batis ng mga sumusunod:
Mula sa harapang ugnayan sa kapuwa tao:
1. pagtatanong tanong
2. pakikipagkuwentuhan
3. panayam o interbyu
4. pormal, inpormal, estrukturado, o semi estrukturado talakayan;
5. umpukan
6. pagbabahay bahay

Mula sa mga material na nakaimprenta sa papel, na madalas ay may kopyang electroniko:

1. awtobiyograpiya
2. talaarawan
3. sulat sa koreo at email
4. tesis at diertasyon
5. sarbey
6. artikulo sa journal
7. balita sa diyaryo, radio, at telebisyon;
8. mga rekord ng mga tanggapan ng gobyerno kagaya ng konstitusyon, katitikan ng
pulong kopya ng batas at kasunduan, taunang ulat, at pahayagang pang-organisasyon.
9. orihinal na dokumento kagaya ng sertipiko ng kasal at testament;
10. talumpati at pananalita; at
11. larawan at iba pang biswal grapika

Mula sa iba pang batis

1. harapan o online na survey.
2. artifact ng bakas o labi ng dating buhay na bagay, specimen pera, kagamitan, at damit;
3. nakarecord na audio at video,
4. mga blog sa internet na maglalahad ng sariling karanasan o obserbasyon.
5. website ng mga pampubliko at pribadong ahensya sa internet at
6. mga likhang sining tulad ng pelikula, musika, painting, at music video

Ang sekundaryang batis naman ay pahayag ng interpretasyon, opinyon at kritisismo mula sa indibidwal,
grupo, o institusyon na hindi direktang nakaranas, nakaobserba o nagsaliksik sa isang paksa O
penomeno. Kasama na rito ang account o interpretasyon sa mga pangyayari mula sa taong hindi
nakaranas nito o pagtalakay sa gawa ng iba. Halimbawa ng sekundaryang batis ang mga suumusunod:
1. Ilang artikulo sa dyaryo at magasin kagaya ng editorial kuro kurong tudling, sulat
sa patnugot, at tsimis o tsika
2. encyclopedia
3. Teksbuk
4. Manwal at gabay na aklat
5. Diksyonaryo at Tesoro
6. Kritisismo
7. Komentaryo
8. Sanaysay
9. Sipi mula sa orihinal na hayag sa teksto
10. Abstrak
11. Mgakagamitan sa pagtuturo kagaya ng powerpoint presentation at
12. Sabi-sabi
Alinman sa mga sekondaryang batis ay maaring maging primaryang batis kung ito ang mismong
paksa ng pananaliksik. Halimbawa ang nilalaman ng tsismis na pangshowbiz na nalalathala sa mga
diyraryo at katuturan nito sa buhay ngmga Pilipino ay maaring magoing paksa ng isang pag aaral ng
diskurso. Sa gayon, ang tsismis ay ituturing na primaryang batis dahil ito mismo ang susuriin.
Sa pangkalahatan, sa dalwang uri ng batis, binibigyang prayoridad ng isang mananaliksik ang
primary kes sekondaryang batis sapagkat ang una ay nanggaing sa aktuwal na karanasan, obserbasyon o
pagsisisyasat kaya itinuturing na mas katiwa tiwala kaysa pangalawa. Ngunit hindi dapat ipagbalewalang
bahala ang alinmang sekondaryang batis dahil maaaring maghain ito ng kaugnay o alternatibong
perspektiba at kabatiran na magpapapatatag sa kaaalamang binubuo ng manananaliksik lalo na kung ang
mga ito ay mula sa kinikilalang eksperto. Dagdag pa, daan ito tungo sa pagtukoy ng iba pang
mahahalagang batis ng impormasyon na posibleng magamit ng manananaliksik; gayunman, dapat na
balikan, suriin, at gamitin ng manananaliksik ang primaryang batis kung saan kinuha ang mga
imporamsyong nagamit sa sekondaryang batis (Hinampas 2016).
Sa pagsangguni ng sekondaryang batis, iwasan ang tahasang pagtitiwala sa mga sanggunian na
ang nialaman ay maaaring baguhin o dagdagan ng sinuman tulad na lamang ng Wikipedia.

Kapuwa Tao bilang Batis ng Impormasyon. Sa pagpili ng mga kapuwa tao bilang batis
impormasyon, kailangan timbangin ang kalakasan, kahinaan kaangkupan ng harapan at mediadong
pakikipag ugnayan. Ang mga kapwa-tao ay karaniwang itinuturing na primaryang batis, maliban kung
ang nsagap sa kanila ay nakuha lang din sa sinasabi ng iba pang tao.
Sa harapang ugnayan ng kapwa tao, sinasadya, tinatanong at kinakausap ng mananaliksik ang
indibiwal o grupo na direktang nakakaranas ng penomenong sinasaliksik, ang mga apektado nito,
nakaobserba rito, dalubhasa rito o nakaugnay, nito sa ibat-ibang dahilan (halimbawa.lider ng komunidad
kung saan nagaganap ang penomeno, mananaliksik at nagsisisyasat din sa paksa). Sa mediadong ugnayan
naman, maaari tayong makakalap ng impormasyon mula sa kapwa-tao sa pamamagitang ng ICT
(halimbawa. Telepono, email, pribadong mensahe sa social media), lalo na kung may limitasyon sa
panahon at distansya sa pagitan ng mananaliksik at ng natukoy ng mga indibidwal. Ilan sa mga kalakasan
ng harapang ugnayan ang mga sumusunod:
1. maaring makakuha ng agarang sagot at paliwanag mula sa tagapagbatid;
2. makapagbigay ng angkop na angkop na kasunod na tanong ( follow-up question) sa
kaniya;
3. malinaw niya agad ang sagot; at
4. maoobserbahan ang kanyang berbal at di-berbal na ekspresion.

Subalit nangangailangan ito ng mas malaking badyet at mas malaking oras para sa fieldwork lalo
na kung malalayo at magkakalayo ang kinaroroonan ng mga tagapagbatid. Bentahe naman sa mediadong
ugnayan ang:
1. pagkakataong makapagbatid ang mga nasa malalayong lugar sa anumang oras at
pagkakataon kung kalian nila maiisisingit ang pag responde
2. ang makatipid sa pamasahe at panahon dahil hindi na kailangang puntahan nang personal
ng manananaliksik ang mga tagapagbatid; at
3. ang mas medaling pag oorganisa ng mga datos lalo na kung may elektonikong sistema na
ginagamit ang manananaliksik sa pagkalap ng datos (halimbawa. Mga online survey tools,
digital transcriber, vedio analysis, software, computer, assisted qualitive data analysis. )
Midya bilang batis ng impormasyon. Kung pipiliin ang midya bilang batis ng impormasyon,
kelangan ding pag isipang mabuti ang kalakasan, kahinaan, at kaangkupan nito para sa binubuong
pahayag ng kaalaman. Dapat unahin sa prayoritisasyon ang mga primaryang batis, angkop na uri ng
midya, at kredibilidad ng tukoy na midya.
YUNIT II
PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA
KOMUNIKASYON

Paglubog sa mga Impormasyon:

Mga Pamamaraan ng Paghahagilap at Pagbabasa

Nilalaman

Kung nakapili na ng mayaman at angkop na batis ng imporamsyon, kailangang

paghandaan ng mananaliksik ang pangangalap at pagbabasa ng mga katunayan at datos. Ang
pamamaraan ng pagkalap ng datos ay bahagi ng disenyo ng saliksik kung kaya inaasahang
natukoy na uito ng mananaliksik bago pa man siya pumili ng batis ng impormasyon.
Kwantitatibong disenyo, palasak ang pamamaraang survey na ginagamitan ng talatanungan at
eksperimento na may pretest at post test. Sa kwalitatibong disenyo, malawak ang pagkakaiba iba
ng mga pamamaraan pero mas palasak ang panayam at pangkatang talakayan.

Tambalan ng pangangalap at pagbabasa ng impormasyon. Maraming disenyo ng

pagsasaliksik (halimbawa. Sarbey, eksperimento, sosyomatrikong analisis) kung saan kailangan
munang malikom ang bago ang pagbabasa at pagsusuri nito. Subalit mayroon ding mga disenyo
kung saan pinagtatambal ang dalawang magkahiwalay na mga gawaing ito. Halimbawa sa kaso
ng mga midya bilang batis ng impormasyon( halimbawa mga publikasyon, tesis, disertasyn,
aklat, ulat ), kailanagn ng panimulang pagbabasa habang nangangalap ng impormasyon kung
hindi pa natutukoy ang espesipikong sanggunian mula sa isang uri ng batis na napili (
halimbawa. Aling partikular na artikulo sa anong journal). Maaaring tingnan muna ang abstrak
(artikulo sa journal), ang pamatnubay (balita sa diyaryo), at buod (aklat, ulat) para malaman
kung mahalaga o kaugnay ba ito ng paksa.

Pangangalap ng impormasyon mula sa kapuwa tao. Ang ating mga kapuwa tao ay
mayamang batis ng impormasyon dahil marami silang maaaring masabi batay sa kanilang
karanasan; maari nilang linawin agad o dagdagan pa ang kanilang mga sinasabi sa
manananaliksik at may kapasidad din silang mag imbak at magproseso ng impormasyon. Sa
panahon nagayon na palasak at kalat na ang teknolohiyang pangkomunikasyon, maaari silang
makausap ng online bukod pa sa posibilidad na silay makasama sa isang harapang interaksyon.
Importanteng ipaalam agad sa tagapagbatid na sila ay napili para sa isang pananaliksik, hingin
ang kanilang permiso na lumahok , at isangguni sa kanila ang takdang lugar, araw at oras ng
harapan o mediadong interaksyon para sa pangangalap ng datos.
1. Eksperimento
Sa teksto ng agham panglipuanan, ang eksperemto ay isang kuwantitatibong disenyo ng
pananaliksik kung saan sinusukat ang epekto ng dependent variable, na tinatalaban ng
interbensiyon. Halimbawa, ano ang epekto ng paggamit ng bernakular sa pagtuturo sa klase
(independent variable) sa antas ng kaaalaman ng mag aaaral hinggil sa isang paksa sa agham (
dependent variable). Madaas na gumagamit ng kontrol at eksperimental na mga pangkat ng
kalahok para mapagkumpara ang resulta sa pagitan ng pangkat na hindi finagamitanng
interbensiyon (kontrol) at sa pangkat na gimagamitan ng ( eksperimental). Limitado ang gamit
ng eksperomento sa agham panlipuanan at nahaharap ito sa maraming banta sa katumpakan (
baxter & babbie 2004).

2. Interbyu
Ang interbyu o panayam ay isang interaksyon sa pagian ng mananaliksik bilang tagapagtanong,
at tagapoakinig, at ng tagapagbatid na siyang tagapagbahagi ng impormasyon (baxter & babbie
2004). Sa estrukturadong interbyu, gumagamit ang mananaliksik ng gabayna tanong, na ang
pgkakasuynod ay mahalaga upang matiyak ang konsistensi sa lahat ng tragapagbatid. Sa semi-
estrukturadong interbyu, mayroon ding gabay na mga tanong ang mananaliksik, subalit maari
niyang baguhin ang pagkakaayos nito depende sa takbo ng interbyu at maaari din niyang
dagdagan kung mayroon siyang followup na tanong. Sa di estrukturadong interbyu ay hindi
kahingian ang mga gabay na tanong upang mas maging natural ang daloy ng usapan, subalit
makabubuti na kahit paanoy lagging tinatandaan ang manananaliksik sa layon at paksa na
kaniyang sinisiyasat habangnagiinterbyu para magabayan siya ng dapat itanong at malaman.
Mainam ang interbyu sa pagkalap ng mga datos na hini direktang naoobserbahan, sa pagunawa
sa ibat ibang kahulugan sa karanasan o penomeno batay sap unto de bista ng tagapagbatid, sa pag
aaral ng wika ng tagapagbatid, at sa malalimang paggalugad sa ibat ibang aspekto ng isang paksa
( baxter & babbie 2004).

3. Focus group Discussion

Ang Focus group Discussion (FGD) naman ay semi estrukturadong talakayan na binubuo ng
tagapagpadaloy na kadalasay ginagampanan ng manananaliksik na , at anim hanggang sampung
kalahok. Gamit ang mga gabay na mga tanong ang tagapagpadaloy ay nagbabato ng mga tanong
at nangangasiwa sa usapan ng mga kalahok. Sinisiguro niyang lahat ng mga kalahok ay may
pagkakataong makapag bahagi ng ideya o impormasyon. Ilan sa mga bentahe ng FGD ang mga
sumusunod:
1. naitatama,napapasubalian, o nabeberi[ika ng mga kalahok ang impormasyong
ibinabahagi;
2. may naiisip, nababanggit, at napagtatanto ang mga kalahok kapag silay
magkakasamang nag uusap ( na maaaring di lumabas sa indibidwal na interbyu); at
3. maraming aspekto at anggulo ng isang paksa ang lumalabas at napapag usapa sa
isang pagtitipon.
Kahinaan naman ng FGD kapag:
1. may dimonante sa grupo
2. may nag aagam –agam na sumalungat sa kasama o itama ang impormasyong
ibinibigay ng iba;
3. may lihim o hayag na hidwaan ang mga kalahok; at
4. may ayaw magbahagi ng saloobin dahil nahihiyang magkamali, mapuna, o
matsismis. Sa mga ganitong pagkakataon, kailangang magaling at maparaan ang
tagapagpadaloyt upang maging organisado, mahinahon, masigla, at kawili-wili ang
talakayan.

4. Pakikisangkot habang pakapa-kapa

Sa hanay ng mga pamamaraan maka Pilipino, maraming mapagpipilian ang isang
mananaliksik, depende sa ng mananaliksik, depende sa layon ng pananaliksik, at dulog ng
pangangalap ng datos. Sa kanyang panananaliksik hinggil sa pagkalalake, halimbawa, ginamit ni
Santiago (1977) ang pakikisangkot sa buhay ng tagapagbatid sa pamamagitan ng pagtira sa
kanilang komunidad sa loob ng maraming araw sa tatlong buwan. Nakilahok siya sa pang araw
araw na Gawain habang isinisingit ang pakikipanayam. Dahil pakapa kappa ang dulog ng
pangangalap ng datos, hindi siya agbasa ng mga sanggunian hinggil sa paksa bago ang fieldwork
para hindi makulayan ang kaniyang pananaw. Bilang dulog, ang pakapa kappa ay isang
eksplorasyon hingil sa isang paksa sa konteksto ng pamumuhay ng mga tao sa isang komunidad
gamit ang mga katutubong pamamaraan ng pagkuha ng datos kagay ng “pagmamasid,
pagtatanong tanong, pagsubok, pagdalaw, pakikilahok, at pakikisangkot( Tores. 1982, p. 171).

5. Pagtatanong-tanong
Marami ng mga mananaliksik ang gumagamit ng pagtatanong tanong sa pagkalap ng
katunayan at datos. Ang pagtatanong tanong ay mainam sa sumusunod na pagkakataon :
1. kung ang impormasyong sinisiyasat ay makukuha sa higit sa isang tagapag batid:
2. kung hindi tuwirang matanong ang mga taong may direkstang karanasan sa
paksang sinisiyasat;
3. kung di pa tiyak kung sino ang may kaalaman o karanasan hinggil sa paksa : at
4. kung nais marepika ang mga impormasyong nakuha mula sa ibang tagapagbatid (
Gonzales, 1982 ). Nagtatanong tanong din ang mananaliksik kung hindi nya
masyadong gamay o wala siyang gaanong alam pa sa paksang sinisiyasat. Impormal
at bernakular na wika ang ginagamit para medaling magkaintindihan ang nagtatanong
at ang tinatanong ( gonzale, 1982). Sa ganitong pamamaraan, may mga dapat isa
alang alang ang mga mananaliksik hingil sa katangian ng tagapag siyasat, pook nbg
pagtatanong tanong, at panahon ng pagsasagawa nito (Gonzales, 1982).

6. Pakikipag kwentuhan
Pakikipag kwuwentuhan naman ang ginagamitr ni de vera na (1982 ) upang pag aralan ang
pakiki apid sa isang baryo sa camarines norte . itoay isang di-estrukturadong at impormal na
usapan ng mananaliksik at mga tagapagbatid na hingil sa isa o higit pang mga paksa kung saan
ang mananliksik ay walang ginagami na tiyak na mga tanong at hindiniya pinipilit at igiya ang
daloy sa isang direksyon. Walang mahigpit na kalakaran sa ganitong pamamaraan , kundi ang
pagiging “Malaya” ng mga kalahok na “magapahayg ng anumang opinion o karanasan” at
magbigay ng verbal at di verbal na ekspresyon ng “walang takot” o pag aalinlangan na ang
binitiwan nyang salita aymagagamit laban sa kanya sa pag hihirap (de vera 1982, p. 189). Wala
rin sa kahingian ng pakikipagkwentuhan na ganapain ito sa isang tiyak na lufgar at oras. Madalas
na nangyayari na lamang ito ng walang ka aabog abog habang ang mananaliksik ay nasa
fieldwork.

7. Pagdalaw-dalaw
Sa pag aaral ng kaiharapan ng mga namumulot ng basura sa isang tambakan sa malabon, rizal
ang isa sa mga metodo ng pangangalap ng datos na ginagamit nina Gepigon at Francisco (1982)
ay pagdalaw dalaw ayon sa kanya ang pagdalaw dalaw ay ang pagpunta punta at pakikipag usap
ng mananaliksik sa tagapagbatid upang sila ay makakilala; matapos magpakilala at makuha ang
loob ng iat isa,mas maluag na sa kalooban ng tagapagbatid a ilbas sa usapan “ang mga nais
niyang sabihin bagamt maaring may ilan pang pagpilpigil (1982, p. 194).ito ay maaroing
kaakibat din ng ibang mga pamamaraan ng pagkuha ng datos kagaya ng pakikipag kuwentuhan
at pakikilao. Maaaring magsilbing panimulang hakbang bago itopalalamin at palawigin ang mga
imporamsyon kinakalap mula sa mga tagapagbatid.

8. Pakikipanuluyan
Ginagamit naman ni nickdao Henson (1982) ang panuluyan sa pag aaral ng konsepto ng
panahon ngf mga tsiaong, guiguinto bulacan. Para makakuha ng datos sa pamamaraang ito
dumadalaw muna sila nbsa barangay habng sa naninirahan na siya ng talong buwan ditto para sa
kanyang pagaaral. Sa pkikipanuluyan siya ay nakisalamuha sa mga tao at nakisangkot sa ilan sa
kanyang mga aktibidad kagaya ng pag kukwenuhan sa umpukan, pangangapitbahay, at pagdalo
sa ibat ibang pagtritipon; pagmamasid sa mga nagaganapsa kapaligiran : at pagtatanong tanong
hingil sa paksang sinasaliksik. Sa gayon, nasasabing ang pakikipanuluyan ay pang pang
matagalan at masaklaw na pamamaraan dahil ginawa ito sa loob ng maraming araw sa kaakibat
ng iba pang mga espesipikng amamaraan ng pagkuha ng datos. Ang mananaliksik ay hindi lamg
nakikitira sa isang bahay at nakikisangkotsa buhay ng isang pamayanan , kundi siyarin ay nag
mamasid nag tatanong tanon, nakikipag kwuntuhan, at nakikilahok sa mga Gawain.
Pakikipanuluyan inaasahaang mas malalim at komprehensibo ang mga impormasyong
malilikom ngmananaliksik. Hindi to kataka taka dahil ang pakikipanuluyan “ ay isa sa
pinakamabisang pamamaraan upanfg mapaunlad ang pakikipag kapuwang isang tao” (san juan &
soriaga, 1985,p.433).

9. Pagbabahay bahay
May pagka masaklaw rin ang pagbahay bahay sapagkat hindi lamang pumupunta sa bahay ng
taga pagbatid ang mananaliksik, nag mamasid, nagtatanong tanong, at nakikipag kuwentuhan at
nakikipag panayam din siya ginagamit ang pamamaraang ito sa pagsasasaggawa ng survey, pero
ituturing ding etnograpikong pamamaraan kung saan inaasahang nakakakuha ng hitik, kompleks,
at malallalim na impormasyon mula sa maraming tagapagbatid.

10. Pagmamasid
Ang pagmamasid naman ay maaaring gamitin hindi lamang sa paglikom ng datos mula kapuwa
tao kundi pati narin sa mga bagay, lugar, pangyayari, at iba pang penomeno. Sa medaling salita,
ito ay pag oobserba gamit ang mata, tainga, at pandama sa tao, lipunan, at kapaligiran. Kung
kaakibat ng pakikiramdam ang pagmamasid ay maaaring matantiya ng mananaliksik kung
“maari siyang magpatuloy o hindi sa mga susunod hakbangin” sa pananaliksik ( Gonzales 1982
p.175) Ang pagmamasid ay kaakibat dinng iba pag may pamamaraan ng pagkuha ng datos
kagaya ng pakikilahok, pakikisangkot, pagbabahay bahay, at pakikipanulyan.
May apat na uri ng papel ng tagapagmasid ayon kay Gold (1958): complete observer (ganap na
tagamasid ), complete participant (ganap na kalahok), observer as participant (tagamasid bilang
kalahok), at participant observer (kalahok bilang taga masid) (salin sa Filipino ni Agcaoili 2016,
p. 60). Ipinapakita sa pigura 1 ang buod ng topolohiya ni gold. Sa pagpili ng angkop ng akopna
papel sa pagmamasid, dapat pag aralang mabuti ang kalakasan at kahinaan ng bawat isa at
isaalang alang ang layon at disenyo ng pananaliksik. Halimbawa, ang mismong ng mananaliksik
at/o ang pagkaalam ng tagapagbatid na may ginagawang pasasaiksik hinggil s kanila ay
maaaring makaapekto sa kanilang kilos habang sila ay inoobserbahan; sa gayon, itoy
makapagdulot ng kuwestiyon sa pagiging katiwatiwala na datos na makakaya. May etikal
naisyunaman ang papel ng ganap na kalahok kaya kailangang timnbanging mabuti kung ang
paglilihim sa mga tagapag batid ay mabibigyang katuwaran ng mabuting intesnyon ng
pananaliksik at kungito ay hindio magdudulot sa kanila ng kapahamakan ( baxter & babbie,
2004, p. 307 – 309 )

Instrumento sa pagkalap ng datos mula sa kapuwa tao. Kaparehoong harapan at

mediado na nangangalap ng impormasyon mula sa kapuwa tao, dapat ihanda ng mananaliksik
ang angkop na instrument. Ang ilan sa mga instrument na karaniwang ginagamit ay ang
sumusunod:
1. Talatanungan at gabay na katanungan
2. Pagsusulit o eksaminasyon
3. Talaan sa fieldwork
4. Rekorder

Pangangalap ng impormasyon mula sa mga aklatan. May mga katunayan at datos na

hindi sa kapwa-tao direkta at tahasang maapuhap, kundi mula sa mga midya at iba pang mga
materyal na maaaring matagpuan sa mga aklatan. Magandang linawin na midya ay kahit anong
teknolohiya – pisikal o birtuwal, na gingamit sa pagbabahagi ng impormasyon mula sa
tagapagbatid o sa prodyuser tungo sa mambabasa, tagapakini, o manonood.
Bigyang-pansin ang ilang paalala sa paghahanap ng batis ng impormasyonsa aklatan.
1. Alamin kung saang aklatan matatagpuan ang mga batis ng impormasyon na
natukoy para sa isang pananaliksik.
2. Gumawa ng sulat sa kinauukulan at magtanong din hinggil sa protokol at
patakaran na pinaiiral sa aklatang natukoy.
3. Kung hindi kinakailangan ang sulat, alamin ang mga kahingian bago makapasok
at makagamit ng mga pasilidad. (http://web.nlp.gov.ph/nlp/?q=node/1444).
4. Rebyuhin ang Dewey Decimal System at Library Congress dahil alin man sa
dalawang ito ang madalas na batayan ng klasipikasyon ng aklat ng pangkalahatang
karunungan. (Hinampas, 2016, pp.51-54)
5. Tandaan na ipinagbabawal ang pagpapa-photocopy ng buong aklat, tesis,
disertasyon, at ilan pang mga printed na materyal kaya kailangan ang matiyaga at mabilis
na pagbabsa kung maraming sangunian ang bubulatlatin.
6. Gamitin ang online public access catalog (OPAC) para makahanap na ng mga
sangunian bago pa man pumunta sa aklatan o bago puntahan ang seksiyon o dibisiyon ng
aklatan.
7. Huwag kalilimutang halughugin ang pinagkunanna online ng aklatan gaya ng
subkripsiyon sa journal, e-books, e-databases, at iba pang batis ng impormasyonsa
Internet.

Pangangalap ng impormasyon mula sa mga online na materyal. Sa kaslukuyang

panahon ng Internet at digital na teknolohiya, maaakses ang maraming primaryang batis ng
impormasyon hindi lamang sa mga kompyuter na laptop at desktop kundi pati sa mas maliit na
gadyet na cell phone at tablet na kompyuter. Pangunahin sa mga batis na ito ang mga artikulos sa
journal, balita sa online news site, at account ng karanasan sa blog.
Sa pagpili ng batis ng impormasyon para sa pananaliksik, bigyang prayoridad ang online
news sites na:
1. walang hayag na kinikilingang tao, grupo, o institusyon dahil naglalathala ng mga
artikulong may iba’t ibang panig;
2. pumupuna sa sarili o umaamin ng pagkakamali sa pamamagitan ng komento at
errata; at
3. hindi naglalabas ng mga propagandang nagpapabango sa ngalan ng isang tao,
grupo, o institusyon habang tahasang bumabatikos sa mga kalaban nito.

Mainam ding bisitahin ang mga sumusnod kung ang pananaliksik ay may kaugnayan sa
isyung pambansa.
• Website ng pamahalaan
• Website ng ahensiya ng pamahalaan
• Website ng mga samahang mapanuri at may adbokasiyang panlipunan
• Website na gumagawa ng fact check
Pagsusuri ng Datos:
Mula sa Kaugnayan at Buod ng mga Impormasyon Hanggang sa
Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman

Nilalaman

Sa pagsusuri ng mga nakalap na datos, hinahanapan ng mananaliksik ng kaugnayan sa isa’t isa

ang mga datos at bumubuo siya ng buod hinggil dito. Gabay niya ang mga layon ng pananaliksik
sa paguugnay-ugnay at pagbubuod ng mga datos. Ang mga kaugnayan at buod na ito ang
gagamitin niya sa pagtukoy ng mga pangunahing tema ng naprosesong impormasyon at sa
pagbuo ng pahayag ng kaalaman.

Pag-uugnay-ugnay ng Impormasyon. May iba’t ibang dulog sa pag-uugnay-ugnay ng

impormasyon.
1. Maaring palitawin ang iba’t ibang aspekto ng ugnayan ng mga impormasyon
kagaya ng pagkakatulad at pagkakaiba, bentahe at disbentahe, ibat ibang anggulo at
anyo/mukha, pgatatguyod o pagsalungat/pagttol, pagbatikos, paglilinaw, pagpapalalim,
mga hakbang sa isang proseso, at elborasyon.
2. Paggamit ng semantikong relasyon sa pagitan ng mga impormasyon ni Spradley
(1979) o Istriktong paglalakip (strict inclusion) o Espasyal (spatial)
o Pagbibigay-katuwiran (rationale) o Sanhi –
bunga/kinalabasan (cause – effect) o Lugar
ng isang kilos (place of action) o Gamit
(function) o Paraan – kinayarian (means –
end) o Pagkakasunod – sunod (sequence) o
Atribusyon (attribution)
3. Maaaring gumamit ng pamamaraan ng coding na angkop sa disenyo ng
pananaliksik.

Pagbubuod ng Impormasyon. May ilang gabay na dapat antabayanan sa pagbubuod ng

impormasyon.
1. Sa paggawa ng buod sa pangkalahatan, basahin nang mabuti ang teksto bago
tukuyin ang mga suisng salita, ang paksang pangungusap, at ang pinakatema. Bago
sulatin ang buod, palitawin muna ang koneksiyon ng mga susing salita, ang paksang
pangungusap, at/o ang mga tema upang malaman ang sintesis o pinakapunto ng teksto.
(Constantino et al., 2016)
2. Kahingian sa ilang uri ng materyal ang ankop na elemento at estruktura ng buod.
3. Sa pagbubuod ng teksto mula sa panayam, talakayan, at iba pang etnograpikong
pamamaraan ng pangangalap ng datos, ang coding ay isang mabisang paraan dahil ang
hinahantungan ng huling sikulo nito ay ang buod o ubod ng teksto.
4. Iwasan ang mapanlahat na pahayag kung kakaunti lang ang bilang ng kalahok o
tinanong. (Jimenez, 1982, p.27)

Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman. Ikonsidera ang mga sumusunod:

1. Pumili ng mga angkop na salita nasumasalamin sa mga katunayan at datos ng
ginawang pananaliksik, naiintindihan ng mga kalahok o audience ng sitwasyong
komunikasyon, at makabuluhan sa kultura at lipunang Pilipino.
2. Gumamit ng epektibo at wastong komposisyon
3. Isaayos ang estruktura at daloy ng kaalamang ipinapahayag upang hindi magdulot
ng kalituhan
4. Pukawin ang interes, damdamin, at kamalayan ng mga kalahok o audience.
5. Gumamit ng angkop na panauhang pananaw: una(ako, ko akin, tayo, natin, kami
); pangalwa (ikaw, kayo, ka, mo, inyo, ninyo,); at pangatlo (siya, sila, niya, kaniya, nila,
kanila,). Mas pormal at neutral ang pangatlong panauhan dahil “inilalayo nito ang
manunulat sa tuksong makialam “ at “pinababayaang ang mga datos at impormasyon ang
kumubinsi sa mambabasa” (Alamario 2016b, p. 32). Subalit hindi naman ito
nanfgangahulugan na hindi makatothanan ang anumang pahayag na ginagamitang una at
pangalwang panauhan, lalo na kung kailangan, kung mas inilalapit sa karanasan ng
audience at nagtatangka ng mas malikhaing estilo ng pagsulat. Ang paggamit ng
pantayong pananaw o “pag uulat sa sarili” (Navaro et al. 1997, p.2 ) sa komunikasyon sa
pangkalahatan ay mahalaga rin para bigyang diin na ang mga kababayang Pilipino
ankinakausap at ang kapakinabangan ng lipunang Pilipino ang minimithi ng pahayag ng
kaalaman.
6. Iwasan ang paglalahad ng impormasyon makapapahamak sa mga tagapagbatid
(Creswell 2014 p. 99-100). Kailngang respetuhin ang kanilang karapatan sa privacy.
Gumamit ng alyas sa pangalan at lugar kung nararapat (Creswell 2014).
7. Gumamit ng mga sipi mula sa mga tagapagbatid at eksperto para patotohanan at
palakasin ang mga punto, argument, o pahayag.
8. Gumamit ng isang estilong pansanggunian, lalo na kung kahingian (halimbawa sa
journal article). May tatlong kilalang estilong pangsanggunian na ginagamit sa mga
journal, term paper, aklat, manwal at iba pang publikasyon: modern languages
association (MLA) American psychological association (APA), at Chicago manual of
styles (CMS). Ang pahayagan naman tulad ng Philippine Daily Inquirer ay naglabas ng
sarli nitong stylebook. Sa telibisyon at bidyo, ang mga batis ng impormasyon ay
maaaring banggitin sa iskrip o ipakita sa screen.

Pinakaimportante sa lahat ng konsiderasyon sa pagsususlat ang mga katunayan at datos

na magpapatibay sa pahayag at kaalaman. Higit sa gramatika, dulog at estilo, mas importante ang
kapanssi paniwalang paglalahad . ang kapani paniwaola ay “nakasalig sa mga katayuan”
(Almario,
2016, p.27)
YUNIT III
MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO

TSISMISAN: Istoryahan ng Buhay-Buhay ng mga Kababayan

Panimula

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng komunikasyon sa pang-araw-araw na

pakikipagsapalaran at nag-iiwan ito ng kakintalang maaaring magdulot ng karanasang
magpapatakbo ng buhay. Matapos mong pag-aralan ang pagpoproseso ng impormasyon para sa
komunikasyon, magtungo ka naman sa mga gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino. Ang
Yunit 3 ay naglalaman ng gawaing pangkomunikasyon tulad ng tsismisan, umpukan, talakayan,
pagbabahay-bahay, pulong-bayan, komunikasyong di-berbal, mga ekspresyong lokal.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapaglalarawan ng mga gawaing
pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan at makagagamit ng wikang
Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino.

Nilalaman

Sa karaniwang diskurso, ang tsimisan ay itinuturing na isang pagbabahaginan ng

impormasyong ang katotohanan ay di-tiyak. Ito ay isang uri ng pag-uusap sa pagitan ng dalawa o
higit pang magkakakilala o magkapalagayang-loob. Subalit ang tsismis, na siyang laman ng
tsismisan, ay nanggagaling din minsan sa hindi kakilala, lalo na kung ito’y naulinagan lang sa
mga nagtsitsismisan. Ang haba ng oras ng tsismisan ay di rin tiyak- maaaring ito ay saglit
lamang o tumagal ng isa o higit pang oras, depende kung may mailalaang panahon ang mga nag-
uusap at kung kailangan ng mahabang panahon sa pag-uusap. Ang tsismis ay maaaring totoo,
bahagyang totoo, binaluktot na katotohanan, dinagdagan o binawasang kato-tohanan, sariling
interpretasyon sa nakita o narinig, pawing haka-haka, sadyang di-totoo, o inimbentong kwento.
Subalit siguradong ito ay may pinagmulan o pinanggalingan, mauuri sa tatlo;
(1) Obserbasyon ng unang tao o grupong nakakita o nakarinig sa itsitsismis;
(2) Imbentong pahayag ng isang naglalayong makapanirang-uri sa kapuwa; o
(3) Pabrikadong teksto ng nagmamanipula o nanlilinlang sa isang grupo o sa madla.
Sabi nga kapag may usok, malamang na may apoy. Sa isang komunidad na gaya ng
kapitbahayan, purok, sityo o paaralan, madalas magmula sa una at pangalawang uri ang tsismis
ukol sa isa o higit pang miyembro ng komunidad, subalit may pagkakaiba sa dalawa. Malamang
na may maitim na balakin sa kaso ng pangalawang uri. Sa unang uri, ang obserbasyon ay
maaaring naipamahagi nang walang malisiya , at ito ay naging tsismis lamang, dahil kumalat ng
hindi nabeberipika, subalit sa pangalawa, ang pahayag ay may kaakibat na balaking maghasik ng
intriga. Ang intriga ay isang uri ng tsismis na nakasisira sa reputasyon o pagkakaibigan (Tan,
2016). Ang pangatlong uri naman ay madalas kinakasangkapan ng naghaharing-uri kagaya ng
mga politiko, negosyante at dinastiyang politikal para manira ng kalaban, lituhin ang taumbayan,
o pagtakpan ang mga kabuktutan. Tandaang ang tsismisan ay nagaganap hindi lamang sa
Pilipinas. Sa mga bansang English ang bernakular na wika tulad ng United States at Australia, ito
ay madalas na katumbas ng gossip, rumor, at iba pang kaugnay na salita kagaya ng hearsay,
SCUTTLEBUTT, o chatty talk na dumadaloy sa pamamagitan ng grapevine. May negatibong
pakahulugan ang gossip sa ibang bansa, at gayundin naman and kadalasang pananaw sa tsismis
sa Pilipinas. Maging sa Bibliya, may mga taludtod na nagbabala laban sa tsismis (Tan, 2016, pp.
8-9; Montelibanon, 2017). Gayunpaman, ang tsismis ay may kaibahan sa katumbas nitong
phenomenon sa ibang bansa sapagkat hinuhubog ito ng kulturang Pilipino at katutubong wika,
lalo ng angking sigla at kulay ng bernakular na ginagamit sa pagtsismis. Bagama’t halaw sa
salitang ESPANOL na chimes, ang tsismis ay isang uri ng usapan o huntahan na posibleng
nangyayari na bago pa man dumating ang mga mananakop sa bansa (Tan, 2016).
Sa kabila ng negatibong konotasyon, ang tsismisan ay bahagi pa rin ng daynamiks ng
interaksyon ng mga Pilipino sa kapuwa at maaaring nakapagbibigay sa mga magkakausap ng
sikolohikal na koneksiyon at kultural na ugnayan sa lipunang ginagalawan. Minsan, ang tsismis
ay maaari ding makapagbigay ng mga panimulang ideya hinggil sa mga isyung binibigyang-
pansin ng mga mamamayan, ng mga palatandaan na makapaglalantad sa malalaking isyung
panlipunan na dapat bulatlatin ng masinsinan, at ng palaisipan hinggil sa mga motibo ng isang
tao o grupo na nagpapakalat ng tsismis. Kawala-walaan, ang tsismisay maituturing na isang
hamon sa pag-alam o paglalantad sa katotohanan, lalo na kung may katuturang panlipunan ang
paksa.Halimbawa, paano kung ang laman ng tsismisan ay tungkol sa pangungurakot ng mga
opisyal sa isang bayan?
Oo nga’t hindi agad dapat paniwalaan, ito’y dapat usisain. Kung mapatunayang totoo ang
tsismis, kailangan ng aksyon mula sa taumbayan at makikinabang dito ang bayan. Kung hindi,
ang napatunayan nito’y malinis ang budhi ng mga opisyal na natsismis at malamang na may
naninira sa kanila na silang maitim ang budhi. Samakatuwid, ang implikasyon nito’y kailangan
ng matinding paghimok sa mga Pilipino na idirekta ang tsismis sa layong ito’y mapatotohanan o
mapasubalian-ang transpormasyon ng tsismis na walang kasiguraduhan ang katotohanan tungo
sa pagiging balita na batay sa empirikal at kritikal na pagsusuri.
Sa mga mapaglaro ang isipan na sangkot sa social marketing, puwede ring magamit ang
tsismis para takamin ang mga tao hinggil sa isang bagong teknolohiyang panlipunang maaaring
ilako para mapakinabangan ng marami. Madaling maintriga ang maraming Pinoy at mabilis
kumalat ang tsismis. Halimbawa, kung may magsisimula ng tsismis hinggil sa bago at murang
pamamaraan ng paggamot sa isang sakit, malaki ang posibilidad na may mga mag-uusisa tungkol
dito pagkatapos makipagtsismisan. Sa politikal na pananaw, sinasabing ginagamit ng mga
naghaharing uri ang tsismis bilang ―instrumento ng kapangyarihan‖ para linlangin ang
taumbayan (Dela Cruz, 2014, p. 2). Halimbawa, ginamit ng mga Espanyol ang tsismis laban sa
mga babaylan, si Jose Rizal, at ang Katipunan upang manatili at mapalakas ang dominasyon ng
dayuhang kapangyarihan sa bansa (Dela Cruz, 2014, pp. 9-10). Sa kabilang dako, nagbibigay ng
panandaliang katuwaan at kaluwagan sa damdamin ng mga mahirap na manggagawa ang
tsismisan dahil dito nila naibubuhos ang sama ng loob nila sa kanilang mahirap na kalagayang
panlipunan. (Dela Cruz, 2014, pp. 1112; Tan, 2016, p. 12). Halimbawa, noong lumabas ang Noli
Me Tangere, sa tsismis nakuha ang karamihan ang tungkol sa laman nito, sapagkat pilit pinigilan
ng mga Espanyol ang pagkalat nito (Dela Cruz, 2014), Noong panahon naman ng Batas Militar
ni Ferdinand Marcos, ang mga tao ay kumukuha ng bali-balita mula sa tsismisan dahil sa midya
noon ay kontrolado ng pamahalaan at puro pabor kay Marcos ang ipinapahayag (Tan, 2016).
Karaniwang nilalayuan o iniiwasan ang mga tsismosa, pero marami rin ang mahilig
makipagkwentuhan sa kanila. Natural lamang na maintriga ang mga tao sa sikreto at baho ng iba.
Ang mali sa pagiging tsismosa ng mga Pinoy ay ang pangtsitsismis hango sa inggit, na maaaring
nagmumula sa kakitidan ng utak natin. Ang pangtsitsismis ay nagiging simpleng paraan upang
makapanakit sa kapwa at mga kaaway. Ang tsismis ay karaniwang ginagamit para makasakit at
makapanira ng reputasyon ng ibang tao, o kaya naman o kaya naman ay husgahan ang kanilang
katauhan, kamalian at kasalanan. Ang madals na pinag-uusapan ng tsismis sa kumonidad ay mga
sensitibong bagay tulad ng sex, pagbubuntis ng mga hindi kasal o disgrasyada, pagiging
homosexual at pambababae, ngunit pinagtsitsismisan din ang iba’t-ibang bagay tulad ng estado
sa buhay o kaya naman ay pag-aaral.
Malungkot man sabihin ngunit mas pinipili ng mga Pilipino ang mga tsismis kaysa
katotohanan. Kahit na may mga mangilan ngilan na hindi naniniwala sa mga tsismis na narinig
nila, marami pa rin ang naniniwala sa alternative facts. Kakaunti lamang ang mga taong
nagtatanong ng totoong nangyari sa taong pinag-uusapan, at mas kakaunti pa ang mga tao na
sumusubok na tingnan kung tama ang impormasyon na kanilang nasasagap.

Legal na Aksyon at mga Patakaran na Kaugnay ng Tsismis

Mukha mang simpleng bagay ang pangtsitsismis, ito ay maaaring makasama kung
sumobra. Maaari itong makasira ng reputasyon ng isang tao at lubhang makaapekto sa kalagayan
ng pinag-uusapan. Ang mga tsismis na naglalayong makasakit ng tao at nakahahamak ng
dignidad ay itinuturing na paninirang puri at may mga legal na aksyon na maaaring gawin upang
labanan ito at ipagtanggol ang sarili gaya ng pagsampa ng kasong libel o slander.
Kinilala ng ating Kodigo Sibil ang karapatan ng bawat isa na maproteksyunan ang kanyang
dignidad, personalidad, pribadong pamumuhay, at kapayapaan ng isip. Sinasabi sa Artikulo 26
na ang mga sumusunod na magkakatulad na akto, bagamat hindi maituturing na krimen ay
maaaring makabuo ng isang dahilan ng aksyon (cause of action) para sa mga danyos, pagtutol at
iba pang kaluwagan:
1. Panunubok sa pribadong buhay ng iba;
2. Panghihimasok o pang-iistorbo sa pribadong buhay o ugnayang pampamilya ng
iba;
3. Pang-iintriga na dahilan kung bakit ang isang indibidwal ay iiwasan ng kanyang
kaibigan;
4. Pang-aasar o pamaahiya sa iba dahil sa kanyang paniniwalang pangrelihiyon,
mababang antas ng pamumuhay, lugar ng kapanganakan, pisikal na depekto, at iba
pangpersonal na kondisyon.
Ayon sa Artikulo 353, ang libelo ay isang pampubliko at malisyosong mga paratang sa
isang krimen o isang bisyo o depekto na maaaring makatotohanan o kaya ay haka-haka o
anumang kilos, pagkukulang, kondisyon, katayuan, o kalagayan na naging dahilan ng kasiraang-
puri, pangalan o pagpapasala sa isang likas o huridikal na tao, o upang masira ang alaala ng isang
namayapa na (salin mula sa Artikulo 353, RPC). Itinuturing na libelo ang isang akto kung ang
mga paninira ay pinaraan sa pasulat o broadcast na midyum, samantalang oral defamation naman
kung ang gagamitin na midyum ay pasalita.
Ang Binalonan Pangasinan ay nagpapatupad ng isang ordinansa na nagpapataw ng multa
sa mga tsismoso at tsismosa. Sa ilalaim ng naturang patakaran, pagmumultahin ng mga
sumusunod na halaga:Php 300, 500 at 1000 para sa una, ikalawa at ikatlong paglabag. Bukod pa
rito, ang indibidwal na magkakasala ay kailangan na magbigay ng serbisyong pangkomunidad o
community service.

Umpukan: Usapan, Katuwaan at Iba pa sa Malapitang Salamuhaan

Nilalaman

Ang umpukan ay impormal paglalapit ng tatlo o higit pang tao na magkakakilala para
magusap na magkakaharap. Sa pangkalahatan, ay hindi planado o nagaganap na lang sa bugso ng
pagkakataon. Ang mga nagiging kalahok sa umpukan ay iyong mga kusang lumapit para
makiumpok, mga di-sadyang nagkalapit-lapit, o mga biyayang lumapit. Sa pagkakataong hindi
kakilala ang lumapit, siya ay masasabing isang usisero na ang tanging magagawa’y amnood at
making sa mga nag-uumpukan; kung siya ay sasabat, posibleng magtaas ng kilay ang mga
naguumpukan at isiping siya ay intrimitida, atribida o pabida. Kagaya sa tsismisan, walang tiyak
o planadong daloy ang pag-uusap sa umpukan. Subalit di kagaya sa una, ang umpukan ay
puwedeng dumako rin sa seryosong talakayan, mainit na pagtatalo, masayang biruan, malokong
kantiyawan, at maging sa laro at kantahan. Sa umpukan ng mga Pilipino’y madalas talagang
maisingit ang biruan, na minsa’y nauuwi sa pikunan. Naniniwala si Enriquez (1976) na taal na sa
maraming Pilipino ang pagkapikon dahil sa ―isang kulturang buhay na buhay at masigla dahil sa
pagbibiruan‖(p. 13). Ang paksa ng usapan sa umpukan ay hindi rin planado o pinag-isipang
mabuti maaaring tungkol sa buhay-buhay ng mga tao sa komunidad, magkakaparehong interes
ng mga nag-uumpukan, o mga bagong mukha at pangyayari sa paligid. Minsan, kung sino ang
dumaan malapit sa umpukan ay siyang napag-uusapan. Nangyayari ang umpukan hindi lamang
sa kalye dahil madalas sa paaralan (mga mag-aaral at guro), opisina (mga empleyado), korte
(hurado at mga manananggol), at botante (mga kongresista o senador). Sa senado halimbawa,
nag-uumpukan ang mga mambabatas bago ang simula o pagkatapos ng isang sesyon, at kapag
break. Madalas matampok sa telebisyon at sa diyaryo ang umpukan ng mga magkakaalyadong
senador at kongresista. Minsan, sa umpukan din humihingi ng pasensiya ang mga mambabatas
na nagkainitan habang matinding nagbabalitaktakan dahil sa magkakaibang pananaw sa mga
isyu at prosesong may kinalaman sa paggawa ng batas.
Sa isang komunidad at maging sa iba’t ibang lugar sa loob nito kagaya ng paaralan at
tambayan sa kanto, ang umpukan ay isang masasabing isang ritwal ng mga Pilipino para
mapanatili at mapalakas ang ugnayan sa kapuwa. Dito umuusbong at napapayabong ang diwa ng
ating paki sa kapuwa. Kumbaga, ang magkakaumpukan ay sinusubukang umugnay sa isa’t isa,
may pakialam sa isa’t isa, at nagbabahagi at sumasagap ng mga impormasyon mula sa usapan ng
mga magkakaumpukan bilang tanda ng kanyang pagiging kasapi ng pamayanang kinabibilangan
at kaniyang pakialam dito. Dito rin naisasalin at napapalaganap ang mga kuwento ng bayan, ang
mga lokal na pananaw, ang pagkaunawa sa mga katutubong kaugalian, at iba pang salik na
panlipunan at kultural na reyalidad. Ang salamyaan ay isang halimbawa ng tradisyon kung saan
tampok ang umpukan. Pinag-aralan ni Petras (2010) ang salamyaan sa Marikina bilang
pagpopook sa siyudad sa kamalayang- bayan ng mga mamamayan nito. Bukod sa kainan,
kantahan at paglalaro ng Bingo, isa rin sa itinatampok sa salamyaan ang umpukan na may
kalahok na ring tsismisin, talakayan, balitaktakan, biruan at iba pa na nagaganap sa isang
silungan o tambayan (Petras, 2010, p. 95-96). Binigyang pansin ni Petras (2010) ang
kahalagahan ng salamyaan bilang talastasang bayan kung saan nabubuo at napapalaganap ang
mga salaysay mula sa loob, namamayani ang diwa ng pagkakapantay-pantay sa mga kalahok, at
napapasigla at napapatibay ang ugnayan at samahan ng mga Marikenyong magakakatulad ang
―interes at hanapbuhay‖ (p. 102).
Marami pang ibang katuturan ang umpukan. Sa karanasan ng mga boluntir sa Ugnayan
ng Pahinungod/Oblation Corps (UP/OC), ang programang pamboluntaryong serbisyo ng
Unibersidad ng Pilipinas Los Banos (UPLB), mahalagang paraan ng pakikibagay sa mga tao sa
isang komunidad ang pakikiumpok. Sa umpukan, nakikilala at nakakapalagayang-loob ng mga
boluntir ang mga taong katuwang nila sa mga gawaing pangkaunlaran sa pamamagitan ng
pakikinig at pakikipagkwentuhan sa kanila. Nagkaroon din minsan ng kantahan, talakayan, at
tawanan habang nag-uumpukan (Pigura 1). Estratehiya naman ng ilang boluntir ng UP/OC na
eksperto sa agrikultura ang makipag-umpukan sa mga magsasaka ng isang komunidad. Dahil sa
impormal na lapit at malayang daloy ng talakayan, mas nakapagtatanong at nakapagbabahagi ng
ideya ang mga magsasaka sa umpukan kaysa sesyon mismo ng pagsasanay o seminar na
karaniwang nakaistruktura sa di-pormal na edukasyon na nakakatakot sa mga kalahok. Isa pang
halimbwa ng komunikasyong pangkumunidad kung saan tampok din ang umpukan at iba pang
kagawiang pangkomunikasyon ay ang ub-ufon ng mga tubong Kadaclan sa Barlig, Bontoc, Mt.
Province na naninirahan sa Siyudad ng Baguio sa dahilang pang-ekonomik.
Sa paglipas ng panahon, tumaas ang bilang ng mga taga-Kadaclan na lumipat sa siyudad
at karamiha’y ilang komunidad na room (Potectan, 2012 p. 29). Madalas na ginagawa ang
ubufon sa isang itinakdang ator o dap-ayan (lugar), ng pagsasama-sama ng mga umuli
(magkabahayan) para magpakilala, mag-usap hinggil sa iba’t ibang isyu, magbigayan ng payo,
magresolba ng mga alitan, magturo ng tugtukon (customs/traditions) sa nakababata, mag-imbita
sa mga okasyon, at magtulungan sa mga problema kagaya ng pinansiyal na pangangailangan
(Protectan, 2012, pp. 31-36). Subalit maari din itong maganap sa kahit anong lugar at oras sa
pagitan ng mga kailian (kapwa katutubo) basta’t sila’y nagkita-kita o nagsama-sama (Protectan,
2012 p. 30). Sa pamamagitan ng ub-ufon, patuloy silang nagkakakonekta sa kanilang tinubuang
pamayanan at sa kabuhayan, at napapanatili nila ang diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan. Sa
pananaliksik naman, maaaring gamitin ang umpukan bilang dulog sa pagtatanong-tanong at
pakikipag-kwentuhan kagaya ng ginawa nina Balba at Castronuevo (2017) nang pinag-aralan
nila ang alitang mag-asawa at ng mga estudyante ng sikolohiya ni Javier (2010) sa kanilang pag-
aaral hinggil sa kaligayahan/kasiyahan sa buhay ng mga Pilipino. Puwede rin itong gawin sa mga
impormal na pangkatang talakayan, pagdalaw-dalaw, pakikipanuluyan at pakikilahok para
makakalap ng impormasyon sa pamamaraang angkop sa kulturang Pilipino.
Ginagamit din ang ―umpukan‖ para ilarawan ang kakapalan o karamihan ng tao sa isang grupo o
pangkat. May mga umpukan na impormal ang talakayan kung saan ang mga tao ay napapalitan
ng kuro-kuro o opinion tungkol sa isang bagay o paksa. Isa pang halimbawa ng umpukan ay ang
pakikipagtalo o debate, na maaaring kaswal na usapan lamang o maaari rin namang pormal na
pakikipagtalo.

Talakayan: Masisinang Palitan at Talaban ng Kaalaman

Nilalaman

Ang talakayan ay pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok na

nakatuon sa tukoy na paksa. Ito ay maaring pormal o impormal at puwedeng harapan o mediated
o ginamitan ng anumang medya. Ang pormal na talakayan ay karaniwang nagaganap sa mga
itinakdang pagpupulong at sa mga palabas sa telebisyon at programa sa radio kung saan pinipili
ang mga kalahok. Sa kabilang banda, ang impormal na talakayan ay madalas nangyayari sa
umpukan, at minsan sa tsismisan o di sinasadyang pagkikita kay may posibilidad na hindi lahat
ng kalahok ay mapipili. Ang karaniwang layon ng talakayan ay pagbusisi sa isyu o mga isyung
kinakaharap ng isang tao, isang grupo, buong pamayanan, o buong bansa para makahalaw ng
aral, magkaroon ng linaw at pagkakaunawaan, maresolba ang isa o makakakawing na mga
problema at makagawa o makapagmungkahi ng deesisyon at aksiyon. Para maabot ang layon,
kahingian ang bukal sa loob na pagpapalitan, masinsinang pagsusuri at pagtatasa, at pagtatahi ng
mga opinion, kaalaman at proposisyon. Malabong may maabot ang isang talakayan kung
walanag mangyayaring bahagina at deliberasyon sa pagitan ng mga kalahok. Sa mga pormal na
talakayan, karaniwan nang may itinalaganag tagapagdaloy (facilitator) na tiyak sa kaayusan ng
daloy ng diskusyon. Sa pareho, inaasahan na magkakaroon ng pagpapalitan at pagbabanggaan ng
magkakaibang pananaw, pagkritik sa mga ibinahaging ideya at impormasyon, at maging ang
marubdob na pagtatalo-talo lalo na kapag kontrobersiyal o sensitibo ang paksa. May mga
pagkakataong nagkakainitan kung kaya mahalaga rin ang papel ng mga kalmadong kalahok na
magsisilbing taga-awat o tagapagpalamig (neutralizer) kapag may nagtataas nan g boses,
nagmumukha nang inis o galit, at may nauubusan nang pasensiya. Maaaring mas tuwiran ang
sagutan kapag palagay na ang loob sa mga katalakayan. Sa mga mainit na pagtatalo, balitaktakan
o tuligsaan, kadalasang maingat ang mga Pilipino sa pagbibitaw ng salita at sa binibitawang mga
salita (Maggay, 2002, p.29).
Sa lipunang Pilipino, mas madalas mangyari ang harapan kaysa mediated na talakayan,
na maaaring iangkla ang pagiging makalipunan nating mga Pilipino at sa ―personal‖ na
pakikipagugnyan natin sa kapuwa ( San Juan & Soriaga, 1985, p. 435). Halimbawa, sa pag-aaral
ni Bawas (2008). Ang pangkatang talakayan ay isa sa mga pamamaraan ng harapang
komunikasyon na madalas gamitin ng mga barangay health worker sa Bakun, Benguet dahil mas
personal ang dulog at mas nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang mga magkakausap. Talamak
din ang paggamit ng talakayan sa mga pananaliksik sa agham panlipunan na kadalasa’y
ginagamitan ng mga gabay na katanungan (Pigura 3.2). Subalit may mga bentahe ang mediated
na talakayan na wala sa harapang porma nito. Una, naiigpawan nito ang hadlang sa distansiya
kung ang mga kalahok ay magkakalayo. Halimbawa, maaaring gamitin ang teleconferencing o
Facebook chat group para makapagsagawa ng talakayan ang mga taong nasa iba’t ibang
pamayanan. Pangalawa, maraming tagapakinig o manonood ang naaabot ng talakayang
isinasahimpapawid sa pangmadlang midya kagaya ng radio o telebisyon. Halimbawa, ang
talakayan sa telebisyon sa pagitan ng mga piling eksperto, opisyal ng gobyerno at mamamayan
hinggil sa isang problemang panlipunan ay maaaring mapanood ng maraming Pilipino sa iba’t
ibang panig ng bansa at makapagbigay sa kanila ng kapaki-pakinabang na ideya upang harapin
ang problema. Pangatlo, ang midyang pangkomunidad ay mainam gamitin sa mga talakayan
hinggil sa mga gawaing pangkaunlaran na nakatuon sa mga tukoy na pamayanan at may dulog na
partisipatori (Quebral, 1988, p.81). Ang radyong Tambuli ay isang magandang halimbawa ng
midyang pangkomunidad sa Pilipinas kung saan nagaganap ang demokratikong talakayang na
mediado sa pagitan ng mga opisyal ng lokal na pamahalan at ng mga mamayan (Gumucio-
Dagron, 2001, pp. 110-111). Masigla ang talakayang pagkomunidad sa radyong Tambuli dahil
ang estasyon ay pinamamahalaan ng isang multisektoral na konseho, ang mga brodkaster ay mga
lokal na boluntir, at ang mga programa ay nakalapat saa sosyo-ekonomik, kultural, politikal at
pangkaligirang konstekto ng mga tao sa mga komunidad na pinaglilingkuran nito.
Sa kabilang dako, ang tagumpay sa talakayan katulad ng anumang sining ay mahirap
biyan ng tiyak na pagkakahulugan, bagama’t may mga mangilan-ngilang katangian ng mabuing
pagtalakay ang isinasaad sa www. Speaking.pitt.edu/instructor/classdisscussions.html katulad ng
mga sumusunod:
1. Aksesibilidad. Pagiging komportable ng mga mag-aaral sa kanilang partisipasyon
sa talkayan sap unto ng walng pangamba na nagingibabaw sa kanilang pagpapahayag.
2. Hindi palaban. May mga pagkakataong nagiging mainit ang talakayan subalit
hindi dapat dumating sap unto na nawawalan ng magalang na tono, paraan ng
pagpapahayag ng bawat kasali sa talakayan; mainit ang pagtalakay subalit nananatili
ang paggalang.
3. Baryasyon ng ideya. Mahalaga ang baryasyon o ang pagkakaiba-iba ng pananaw
ng mga pahayag upang matamo ang higit na malalim na pagtalakay.
4. Kaisahan at pokus. Mahalaga ang pael ng dalubguro o ng tagapamagitan upang
hindi mawala sa punto ng usapin sa kabilang mga mga baryasyon ng ideyang
ipinapahayag sa malayong pagtalakay.
Ang hindi pagkakaunawaan ng mga tao sa kanilang pananampalataya, teyoriya, salita at
gawa aysadyang di na maiwasan sa buhay ng tao simula pa sa unang panahon hanggang sa
katapusan ng mundo, kaya kinakailangan ang patnubay at gabay upang maiwasan ang di
pagkakaunawaan kadalasan ay nagiging sanhi ng pagkakaroon ng hidwaan sa isa’t-isa.
Samakatuwid ang talakayan ay isang paraan upang ang katotohanan ay mapatunayan at
mapanatili sa pamamagitan ng mga katanggap-tanggap na basehan at katibayan kung saan ito ay
nararapat na ibahagi ng buong katapatan at katapangan ng bawat panig at katunggali.

Pagbabahay-bahay: Pakikipag-kapuwa sa Kanyang Tahana’t Kaligiran

Nilalaman

Isa pa sa mahahalagang gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino ay ang

pagbabahaybahay. Kinasasangkutan ito ng indibidwal o higit pang maraming indibidwal na
tumutungo sa dalawa o higit pang maraming bahay upang isakatuparan ang alinman sa kanilang
layunin katulad ng pangungumusta sa mga kaibigan o kamag-anak na matagal nang hindi nakita,
pagbibigaygalang o pugay sa nakatatanda, paghingi ng pabor para sa isang proyekto o
solicitation, at marami pang iba. Makalipunan ang gawaing ito sapagkat personal ang
pakikitungo ng tao na tuwirang nakikipag-usap sa iba pang tao.
Ang pagbabahay-bahay ay ang pagdalaw o pagpunta ng isang tao o grupo sa mga bahay
sa isang pamayanan para maghatid ng mahalagang impormasyon, magturo ng isang teknolohiya,
kumonsulta sa mga miyembro ng pamilya hinggil sa isyu o programa, mangungumbinsi sa
pagsali sa isang paligsahan o samahan, o manghimok na tumangkilik sa isang produkto, kaisipan,
gawain o adbokasiya. Mainam din itong pamamaraan para pag-usapan ang mga sensitibong isy
sa isang pamayanan. Halimbawa, ang pagbubuntis ng tinedyer at kawalan ng pagpaplano ng
pamilya ay mga sensitibong isyu na mas napag-uusapan ng mga tao sa tsismisan at umpukan
kaysa mga pormal nag awing pangkomunikasyon kagaya ng pulong, seminar at pampublikong
forum. Kung nais malaman ang iniisip at saloobin ng mga tao sa isyung ito at para
makapagsakatuparan ng mga angkop na dulog sa mga programang tutugon sa mga isyung ito,
ang pagbabahay-bahay ay isa sa mga mainam na estratehiyang pangkomunikasyon na maaaring
isagawa ng pamahalaan, non government organization, at iba pang samahan o institusyon na may
mga proyekto hinggil dito. Kung tutuusin, ang pagbabahay-bahay ay hindi nalalayo sa kaugalian
ng pangangapitbahay na matagal nang ginagawa ng mga Pilipino, lalo na sa mga lugar na rural.
Sa mga pamilyang magkakalapit ang bahay, ang pangangapitbahay ay nakapagpapatatag ng
samahan sa mga mamamayan ng isang komunidad. Dito nagaganap ang kamustahan o usisaan sa
buhay ng bawat isa, bahagian ng iniisip at saloobin, hingian p palitan ng mga material na bagay,
lalo nang mga sangkap sa pagluluto at iba pang gawain sa bahay, at maging tsismisan at
umpukan. Ang laman at layon ng interaksyon ay madalas na hinggil sa karaniwang intindihin at
gawain sa araw-araw. Minsan, ang pangangapitbahay ay nauuwi rin sa pakikikain, pakikipag-
inuman, at pakikitulog. Sa kabilang banda, ang pagbabahay-bahay ay madalas isinasagawa ng
mga kinatawan ng ahensiya ng pamahalaan, pribadong institusyon, o nongovernment
organization na may tiyak na layong panlipunan na nangangailangan ng kontribsyon, pakikiisa,
at pakikipagtulungan ng mga residente ng isang komunidad. Ang estratehikong estilo sa
pagbabahay-bahay ay kahilantulad din ng pangingitbahay: mas personal at impormal, may
pagkamusta sa buhay ng pamilyang dinalaw, at lapat sa araw-araw na alalahanin ng pamilya ang
takbo ng usapan. Subalit sa una, kadalasang ang mga nagbabahay-bahay ay mga tagalaas ng
isang kapitbahayan at ang saklaw ng layon nila sa pagdalaw ay nakasentro sa mga isyu,
alalahanin, at programang panlipunan na saklaw ng isang buong komunidad.
Ang Pasko ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng mga Kristiyano sa pagsilang kay
Hesukristo. Karaniwan na nagbabahay-bahay ang bawat pamilya upang magmano at magbigay
ng pagpapahalaga sa mga nakatatanda at mga kamag-anak sa kahit na naumang paraan. Mayroon
ding nagaganap na pamamahagi at pagtanggap ng munting aginaldo para sa mga bata. Ito ay
kaugaliang kinagisnan minana natin sa ating mga ninuno at patuloy na nagpasalin-salin sa mga
susunod na henerasyon bagama’t may mga modipikasyon sa paraan ng selebrasyon batay sa
pagbabago at pangangailangan ng panahon. Isa pang halimbawa ng pagbabahay-bahay ay ang
pangangaluluwa na ginagawa sa bisperas ng Araw ng mga Patay. Itoy isinasagawa sa
pamamagitan ng pag-awit ng mga awiting bayan kapalit ang konting donasyon at dasal para sa
mga namayapa. Pero halos tuluyan na at nagbago ang konseptong ito sapagkat ngayon ay hindi
na umaawit sa tapat ng bahay sa halip sila ay nakasuot ngayon ng kasuotang pang trick or treat
ang naumang kapalit na kahit na naong bagay o halaga na manggagaling sa mga may-ari ng
bahay.
Karaniwang mabilis ang daloy ng komunikasyon sa pagbabahay-bahay dahil na rin sa
layunin ng makarami ng bahay na mapupuntahan sa araw na iyon, subalit ang prinsipyong ito ay
hindi totoo sa iba na higit na pinahahalagahan ang kalidad ng pakikipag-usap sa mga taong
kanilang pinupuntahan.

PULONG-BAYAN: Marubdod na Usapang Pampamayanan

Nilalaman

Ang isa pang mahalagang gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino ay ang Pulong
bayan. Karaniwan itong isinasagawa bilang isang anyo ng konsultasyon sa mga mamayan o
particular na pangkat upang tugunan o paghandaan ang isang napakahalagang usapin.
Pinangungunahan ng lider ang pagtalkay sa isang usapin na may kaakibat ng pagpapahalaga sa
opinion at mga mungkahi ng mga taong kabahagi sap ag-uusap. May pahkapormal ang mga
pagtalakay na nakapokus lamang sa paksa na inihanda para sa espisipikong gawain na ito- ang
pulong bayan.
Ang pulong bayan ay pagtitipon ng isang grupo ng mga mamayan sa itinakdang oras at
lunan upang pag-usapan nang masinsinan, kabahalaan, problema, programa at iba pang usaping
pangpamayanan. Madalas itong isinasagawa kapag may programang pinaplano o isasakatuparan,
may mga problemang kailangang lutasin at may mga batas na ipatutupad sa isang komunidad.
Depende sa layon, maaring ang mga kalahok sa pulong-bayan ay mga kinatawan ng iba’t-ibang
sector sa isang pamayanan, mga ulo o kinatawan ng mga pamilya o sinomang residenteng
apektado ng paksang pag-uusapan o interesadong makisangkot sa usapin.
Ito ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan upang pag-usapan ang mga
suliranin, hakbang at maging ang mga inaasahang pagbabago. Ito ay pamamaraan ng mga
Pilipino upang mapag-usapan nang maayos ang mga bagay-bagay. Dito maaaring sabihin ng
mga kalahok ang kanilang saloobin. Lahat ay binibigyan ng pagkakataon na makapagsalita. Ito
ay pangkomunikasyon na pamamaraan ng mga Pilipino.
Sa isla ng Calauit sa Busuanga, Palawan ang tradisyunal na ―saragpunan‖ o tipunan ng mga
tagbanua ay nagaganap sa isang malilim na lugar kung saan may malalaking batong nakaayos
nang pabilog na nagsisilbing upuan ng mga kalahok sa pulong.

KOMUNIKASYONG DI- BERBAL: Pagpapahiwatigan sa Mayamang

Kalinangan

Nilalaman

Ayon kay Mehrabian, ang kabuuang epekto ng komunikasyon ay maaaring ipahayag sa

pamamagitan ng pormulang ito:
Kabuuang Epekto = .07 Berbal + .38 Tinig + .55 Mukha

Marahil ay sasabihin nating labis naman ang pagpapahalagang ibinibigay ng pormulang ito sa
mga senyas na di-berbal tulad ng tinig at mukha. Marahil nga, ngunit kung iisipin natin kung
gaano kalimit nating ginagamit ang ating mga mata kaysa ating mga tainga, mauunawaan natin
kung bakit ganito na lamang ang pagpapahalaga ni Mehrabian sa mga senyas na di-berbal.

Sa katotohanan, malaki ang pagkakaugnay ng mga senyas na di-berbal at ng sagisag na berbal.

Ang pagkakaugnay na ito ay nakikita sa paraan ng paggamit natin ng mga senyas na di-berbal.

Mga Paraan ng Paggamit ng mga Senyas na Di-Berbal

1. Ang mga senyas na di-berbal ay kapupunan ng komunikasyong berbal. Kalimitan,

inuulit ng mga kumpas o ng mga aksiyon ang mga ideyang ipinahahayag sa pamamagitan ng
wika.
Halimbawa maaari nating sabayan ng kumpas na naglalarawan ang pangungusap na, ―Ganito
nang kataas ang aking bunsong kapatid.‖ O kaya naman ay maaaring sabayan ng ngiti ang
pangungusap na, ―Nasisiyahan ako sa nakuha kong marka sa pagsusulit.‖ Kung kumplementaryo
ang gamit ng mga senyas na di-berbal at ng wika, nagsisilbing patibay ang una sa isinasaad ng
wika.

2. Ang mga senyas na di-berbal ay maaaring gamitin sa halip na wika. Sa ating kultura,
ang pagtango ng ulo ay ginagamit na panghalili sa salitang ―oo‖, ang pag-iling ng ulo ay
ginagamit na panghalili sa salitang ―hindi‖. Matapos ang isang laro ng basketball, halimbawa,
hindi na kailangang gumamit ng wika ang mga manlalaro upang ipahayag kung nanalo sila o
natalo. Naipapahiwatig ang kanilang kasiyahan sa pagkapanalo o kaya nama'y kalungkutan sa
pagkatalo sa pamamagitan ng galaw ng kanilang katawan.

3. Maaaring pabulaanan ng mga senyas na di-berbal ang isinasad ng wika. Alam na

nating higit na ginagamit ng tao ang kanyang paningin kaysa pandinig. Sa mga senyas na di-
berbal at ng wika, higit na pinaniniwalaan ng tagapakinig ang ipinahihiwatig ng una.
Halimbawa, kung ang kasabay ng pangungusap na ―Masaya naman ako‖ ay malamlam na mga
mata at pilit na ngiti, dalwang mensaheng magkasalungat ang ikinukumunika. Nagiging suliranin
ng tagapakinig kung alin sa dalawang mensahe ang dapat bigyan ng reaksiyon.

4. Upang ayusin ang daloy ng komunikasyon. Halimbawa nito ay ang paghipo sa braso
upang itulak ang isang kalahok sa talakayan na magsalita. Ayon sa pananaliksik ni Patricio,
nakatutulong ang ganitong senyas sa daloy ng talakayan.

Maraming kahulugan ang maaaring ibigay sa mga senyas na di-berbal. Upang maging higit na
mabisang kaugnay ang mga senyas na ito ng mensaheng berbal, kailangang palagi nating isa-isip
ang ilang katangian nito.

1. Ang kahulugang ibinibigay natin sa mga senyas na di-berbal ay kailangang

nababatay sa kabuuan ng kontekstong pinangyayarihan nito.
2. Ang mga senyas na di-berbal ay maaaring sinasadyang gamitin o hindi sinasadya.
3. Ang mga kahulugang iniuugnay sa mga senyas na di-berbal ay kalimitang ayon sa
pinagkaisahan ngmga taong kabilang sa isang lipunan o kaya'y kultura.

Mga Uri ng Komunikasyong Di-Berbal

1. Komunikasyon sa pamamagitan ng paghipo – Ito ay may tanging kahalagahan sa atin

sapagkat ito ang unag paraan ng komunikasyong naranasan natin bilang sanggol. Ang
pagkalong, pagyapos, o pagtapik sa atin ay nakatutulong sa pagpapatibay ng tiwala sa sarili.
Habang tayo ay lumalaki, natututuhan nating gamitin ang paghipo upang ipahayag ang ating
mga damdamin.

2. Komunikasyon sa pamamagitan ng espasyo – Ayon kay Edward Hall, ang uri ng

ugnayang namamagitan sa mga tao ay maaaring ipahiwatig sa pamamagitan ng apat na uri ng
distansiya: a) sa distansyang pampubliko, ang mga kalahok ay magkakalayo ng mga
labindalawang talampakan o higit pa. Ang ugnayan ay pormal tulad ng namamagitan sa isang
komunikasyong pampubliko;
b) sa distansyang sosyal, ang mga kalahok ay magkakalyo ng mga apat hanggang pitong
talampakan. Ito ay angkop sa mga talakayan ng mga mangangalakal at kombersasyon sa mga
pagtitipon. Ang layong ito hanggang labindalawang talampakan naman ay angkop para sa mga
pulong. Ang mga taongnasa loob ng silid na pinagdarausan ng pulong ngunit wala sa loob ng
distansiyang ito ay hindi dapat maghinanakit kung hindi sila kabilang sa interaksiyon; c) sa
distansyang personal, ang mga kalahok ay magkakalayo ng isa't kalahati hanggang apat na
talampakan. Ang distansiyang ito ay para sa magkakaibigan o higit pang malapi na
pakikipagugnayan; d) sa distansyang pangtapatan ng loob ang mga kalahok ay magkakalayo ng
hindi hihigit sa labindalawang dali. Ang paksang tinatalakay ng mga kalahok ay kalimitang
lihim. Ang tinig ay mahina at higit ang gamit ng mga senyas na di-berbal.

Isa pang aspeto ng komunikasyong ito ay ang paraan ng pag-aayos ng isang silid. Halimbawa,
ang posisyon at kapangyarihan ng isang tao sa organisasyon ay maaring ikomunika sa
pamamagitan ng ayos ng silid. Ang pinakabago sa mga empleyado ay maaaring idestino sa
pinakamalapit sa pinto.

3. Komunikasyon sa pamamagitan ng oras – Karaniwan nang may iniuugnay tayong

mensahe sa paraan ng paggamit ng oras. Pamilyar tayo sa tinatawag na ―Filipino Time.‖ Ang
mga Pilipino ay karaniwang sadyang nagpapahuli sa mga pagtitipon upang hindi masabing sabik
sa pagdalo. Kaya't kapag nagkataong dumating sa takdang oras, hindi agad tumutuloy sa
pagdarausang ng pagtitipon. Nagpapabalik-balik muna sa kalye upang magpalipas ng ilang
sandali. Ang mga Kanluranin naman, tulad ng mga Amerikano, ay sadyang maagap at nasa oras.
Marami pang halimbawa ang maibibigay natin: Ano ang mensaheng iniuugnay natin sa
pagtunog ng telepono sa hatinggabi? Ano ang mensaheng iniuugnay natin sa matagal na
pagsagot sa ating liham ng isang kaibigan? Ano ang mensaheng iniuugnay natin sa paanyayang
ipinadala sa atin sa araw mismo ng pagtititpon?

4. Komunikasyon sa pamamagitan ng katahimikan – Ang katahimikan ay may

ikinukumunika rin. Sa pamamagitan ng hindi pagkibo ay maaaring ipahiwatig ang ating
pagdaramdam, pagkagalit, o ang kawalan ng hangaring makipag-uganayan.

Ang mga nabanggit ay halimbawa ng komunikasyong di-berbal. Ngunit higit na malinaw at tiyak
ang kaugnayan sa komunikasyon ng mga halimbawang ibinigay nina Reusch at Kees na:

1. Komunikasyon sa pamamagitan ng senyas – Kabilang sa kategoryang ito ang lahat ng

kumpas na ginagamit sa halip ng salita, bilang at pagbabantas. Mga halimbawa ay ang simpleng
iisahing pantig na kumpas na ginagamit sa telebisyon upang sabihing oras na para sa patalastas o
kaya'y ang higit na kumplikadong sistema ng kumpas na ginagamit ng mga bingi at pipi.

2. Komunikasyon sa pamamagitan ng aksiyon – Kabilang dito ang lahat ng uri ng

paggalaw tulad ng paglakad o kaya'y pagkain. Ang paraan ng paggalaw ay maaaring bigyan ng
kahulugan ng mga nakakakita. Halimbawa, mayroon tayong tinatawag na mahinhing lakad o
nagmamadaling lakad o tamad na lakd. Ganoon din, ang pagmamadali sa pagkain ay maaaring
iugnay sa laki ng gutom o sa paraan ng paggalaw sa hapag-kainan na itinuro sa atin.
3. Komunikasyon sa pamamagitan ng mga obheto – Kabilang dito ang lahat ng sadya at
hindi sadyang pagpapakita ng mga obheto tulad ng mga alahas, damit, aklat, disenyo ng bahay,
atbp. Halimbawa, ang singsing sa palasingsingan ng kaliwang kamay ay nagpapahiwatig na ang
may suot ay may nobyo na; ang salamin sa mata ay nagbibigay daw ng impresyong matalino ang
gumagamit nito bagama't ang angkop na kahulugan ay ang ikinukumunikang kalabuan ng mata
ng nagsuuot ng salamin.

Ang tatlong ito, ang senyas, aksiyon at obheto, ay may higit pang angkop na gamit sa
komunikasyong pasalita na nagsisilbing mensahe tulad ng ekspresyon ng mukha, pisikal na
kaanyuan, paraan ng pagdadala sa sarili, paraan ng pagtingin sa tagapakinig, kumpas at
paggalaw.

MGA EKSPRESYONG LOKAL: Tanda ng Matingkad, Masigla at Makulay

na Ugnaya’t Kuwentuhan

Nilalaman

Ang ekspresyong lokal ay ang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at gamit sa
lohikal at iba pang uri ng pilosopiya. Ito ay mga parirala at pangungusap na ginagamit ng mga
tao sa pagpapahayag ng damdamin o pakikipag-usap na ang kahulugan ay hindi literal na
kahulugan ng bawat salita at hindi maiintindihan ng mga ibang taong hindi bihasa sa lenggwahe.
Ito rin ang nagbibigay ng kaibahan sa ibang wika.
Halimbawa:
Manigas ka!
Bahala na si Batman. (Bahala na.) Malay
ko.
Ano ga!
Sayang.
Hay naku.
Susmaryosep Anak
ng ______!
Naku po!
Dyusko!
Anla naman.
―Ala eh! ano ga naman yaan.‖

Ang mga Batangueño ay kilala sa pagsasalita ng Tagalog na mayroong punto. Kilala rin
sila sa pagdadagdag ng salitang ―eh‖ sa kanilang pananalita at sa paggamit ng ―ga‖. Isa rin sa
kilalang katangian ng mga Batangueño ay ang tinatawag na ―Matanda sa Dugo‖, kung saan
nagbibigay respeto ang isang kamag-anak hindi dahil sa edad kundi dahil sa konsangginidad.
Ang mga Batangueño ay kilala sa pagiging malapit sa isa’t isa. Halimbawa sa isang pagtitipon,
mapapansin na ang mga Batangueño ay magkakasama hanggang sa matapos ang nasabing
pagdiriwang. Ang mga pangunahing hanapbuhay ng mga Batangueño ay ang pagsasaka at
pangingisda, dahil na rin sa lokasyon ng lalawigan. Kilala rin ang mga ito bilang malakas sa
paginom ng alak at pagkain ng matatamis. Isa sa mga itinuturong dahilan nito ang Central
Azucarera Don Pedro, na itinuturing na pinakamalaking tagagawa ng asukal sa buong bansa. Isa
naman sa pinakakilalang produkto ng lalawigan ang kapeng barako, gayon din ang balisong.
Ang Ala eh ay nagaling sa salitang tagalog na ―wala eh‖ ibig sabihin ay ‖ wala pong
problema , easy easy lang ‖ Ito ay isa sa mga dialekto na ginagamit mas lalo na sa lalawigan ng
Batangas at sa mga bahagi ng Quezon, at lalawigan ng Laguna at isla ng Mindoro. Ito ay
nailalarawan sa pamamagitan ng isang malakas accent at isang bokabularyo at grammar malapit
na nauugnay sa mga sinaunang Tagalog . Ito ay hindi kaugalian ng ibang batangeño , kadalasan
mga taga taal ang gumagamit nito.May ibait iba mga salita ang sa batangeño na ginagamit tulad
mg mga halibawang ito:

Kadlo: \kahd-loh\
• Ibig sabihin: Upang kumuha ng tubig.
• Ibang tawag :igib.
• Halimbawa: ―Utoy , wala na tayong tubig pwede gang magkadlo ka ng tubig sa
timba.‖ Kagaykay: \kah-gai-kai\
• Ibig sabihin: Isang insekto na maingay tuwing gabi.
• Ibang tawag : kuliglig.
• Halimbawa: ―Ang ingay ng mga kagaykay sa gabi.‖
Kalamunding: \kah-lah-moon-ding\
• Ibig sabihin: Isang maliit na kulay berde na prutas at asa pamilya ng sitrus.
• Ibang tawag :kalamansî.
• Halimbawa: ―Naku isda ang ulam , masarap ito sa isawsaw sa toyo at
kalamunding.‖
Kalasti: \kah-lahs-tih\
• Ibig sabihin: Isang mayabang na tao at kasuklam suklam.
• Ibang tawag: mayabang.
• Halimbawa: ―Alam mo ba si ganun nakupo ay sobrang kalasti ng tao yun ,
ngalingali kong sumbiin.‖
Pagaw: \pah-gao\
• Ibig sabihin: Tungkol sa ang kawalan ng kakayahan upang makipag-usap sa isa sa
natural na boses dahil sa isang sigaw o dahil sa pagkakroon ng sakit.
• Ibang tawag: paos.
• Halimbawa: ―Yan kasi, sabinang wag mag kokonsert sa banyo kya ka napagaw
eh.‖

Palakat: \pah-lah-kaht\
• Ibig sabihin: Pag tawag sa isang tao na ginagamit ay isang malakas na bosses.
• Ibang tawag: sigaw.
• Halimbawa: ―Ano ganaman yaan palakatan kyo diyan eh magkatabi naman
kayong dalawa.‖
Sagimis: \sah-gih-mihs\
• Ibig sabihin: Ito ay isa sa mga paburitong merenda ng pilipino, gawa sa rapper na
may banana slice sa poob at asukal , at ito ay piniritos hangang mag brown ang kulay.
• Ibang tawag: Turon.
• Halimbawa: ―Hala favorite ko ga yang sagimis , kahit yan lang kainin ko sa
buong araw
, masaya na ako .‖
Sakol: \sah-kol\
• Ibig sabihin: Kakain na ang gamit ay ang kanyang kamay.
• Ibang tawag: kamay o magkakamay.
• Halimbawa: ―Masarap ang ulam ngayon nilabong itlog tapos may toyo , maslalo
nang sasarap pag magsasakol.‖
Tabig: \tah-big\
• Ibig sabihin : Hinding sinasadyang masangi ang isang tao.
• Ibang tawag: sagî, tama, dali(e).
• Halimbawa : ―Hala , pasensya na po di ko po nakita yung vase ninyo , sorry po
talaga di ko sinasadyang matabig ung vase.‖
Tagaktak: \tah-gahk-tahk\
• Ibig sahihin : Tuloy tuloy na pagpatak, katulad ng pawis pag sobrang init.
• Ibang tawag: daloy.
• Halimbawa : ―Kainit naman dito sa pinas , tuwing lumalabas ako ng bahay eh
tagaktak na pawis ko eh.‖
Balisong
Balisong ang isang uri ng patalim na naititiklop ang puluhan na nagsisilbi ring kaluban ng
talim.
Malimit gamitin ito ng mga Batangueño na nagpatanyag din dito. Ipinangalan ito sa
Baryo Balisong na isang nayon sa bayan ng Taal sa Batangas dahil doon ginagawa at ibinebenta
ang sarisaring uri ng balisong. Sinasabing ito ang bersiyon ng Swiss knife ng Pilipinas, dahil sa
dami nang maaaring gamit dito—panghiwa, pantilad, pambukas ng de-lata, pantanggal ng tansan
sa bote, pangkayas ng kawayan, pang-ahit, at iba pa. Kahit maraming gamit o silbi ang balisong,
ipinagbabawal pa rin ng awtoridad ang pagdadala nito dahil maaari itong makapanakit o
makamatay, gaya ng ginagawa ng masasamang loob. Ngunit sa kamay ng matwid na tao, ang
balisong ay nagiging sining kapag ginamit nang kapaki-pakinabang sa anumang bagay.

Kapeng Barako
Ang kapeng barako o barako ay isang uri ng kape na tumutubo sa Pilipinas, lalu na sa mga
lalawigan ng Batangas at Cavite. Mula ito sa uring Coffea liberica, subalit ginagamit din ang
pangalang ito sa lahat ng kapeng galing sa mga lalawigang nabanggit. Nagmula ang salitang
―barako‖ mula sa salitang ginagamit para sa lalaking hayop.

YUNIT IV
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL
(UNANG BAHAGI)

MGA NAGBABAGANG SULIRANING LOKAL AT NASYONAL

Panimula
Ipapakita ng bahaging ito ng pag-aaral ang paggamit ng wikang Filipino sa konteksto ng
mga napapanahong usapin sa loob at labas ng bansa katulad ng sistemang ekonomiko ng Pilipinas
sa kasalukuyan, kahirapan, unemployment, climate change, pulosyon, pagmimina, deforestation,
basura, baha at iba pa. Sa ganitong paraan, ang aklat na ito ay magsisilbing daluyan ng kaalaman
at malayang kaisipan na mahalaga sa pagbuo ng isang magandang lipunan at bansa.

Lunsaran

Panoorin ang bidyo na ito paktapos ay magbigay ng kanya-kanyang reyalisasyon tungkol

dito. https://www.youtube.com/watch?v=LrxTuj1SsEw

Nilalaman

57
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Ano ba ang mga coronavirus?

Ang Coronaviruses ay isang malaking pamilya ng mga virus na maaaring magdulot ng sakit mula
sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng Middle East Respiratory Syndrome
(MERS-CoV) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS-CoV). Ang bagong coronavirus (nCoV) ay
isang bagong uri na hindi pa nakilala sa mga tao. Maraming mga coronavirus ang natural na nakakahawa
sa mga hayop, ngunit ang ilan ay maaari ring makahawa sa mga tao. Ang mga coronavirus ay naisip na
kumalat sa hangin sa pag-ubo/pagbahing at malapit na personal na pakikipag-ugnay, o sa paghawak ng mga
kontaminadong bagay o ibabaw at pagkatapos ay sa paghawak ng bibig, ilong, o mata.

Ano ang nalalaman natin tungkol sa bagong coronavirus?

Nagkaroon ng pagsiklab ng isang bagong coronavirus na tinatawag na SARS-CoV-2, na
unang lumitaw noong Disyembre 2019. Ang virus ay kumalat sa karamihan ng mga bansa sa
mundo, kabilang ang United States. Dahil bago pa itong coronavirus, ang mga awtoridad ng
kalusugan ay natututo pa tungkol sa virus at kung paano ito kumakalat. Mabilis na nagbabago ang
sitwasyon at ang US Sentro para sa Pag-iwas at Pagkontrol sa Sakit (CDC) ay nagbibigay ng na-
update na impormasyon kapag magagamit: www.cdc.gov/ncov

Paano ginagamot ang bagong corona virus?

Wala pang bakuna para sa bagong coronavirus at walang tiyak na paggamot o pagalingin
para sa COVID-19. Gayunpaman, maaaring gamutin ang marami sa mga sintomas. Ang mga
pasyente ng COVID-19 ay dapat magpahinga ng lubusan, uminom ng maraming likido, kumain
ng malusog na pagkain, at bawasan ang stress. Dapat gamitin ang Acetaminophen upang
mabawasan ang lagnat at pananakit at sakit. Para sa mga malubhang kaso, ang pangangalagang
medikal ay maaaring kailanganin upang mapawi ang mga sintomas at suportahan ang mga
mahahalagang pag-andar ng organo hanggang sa gumaling ang pasyente.
Kaakibat ng modernisasyon ang pagsulpot ng maraming suliranin tulad ng pagkawasak ng
kalikasan, paglobo ng populasyom, pagtindi ng kahirapan, paglawak ng agwat sa pagitan ng
mayayaman at mahihirap, paglala ng kriminalidad at iba pa. sa ganitong diwa, ang tao, ang
mamamayan, estudyante ay obligasyong sipatin ang sanhi at bunga ng pagbabago ng daigdig.
Lalong tumitindi ang pangangailangan na maisabalik ang ganitong misyon pagkatapos na
sumambulat ang pang-daigdigang krisis sa ekonomiya noong 2008, habang lalong nararamdaman
ang mga epekto ng pagbabago sa klima na hatid ng pagkawasak ng kalikasan na bunsod naman ng
walang rending modernisasyon.
Mula noong 2008, lalong naging lantad ang mga isyung gaya ng kahirapan, migrasyon, at
kawalan ng trabaho. Parami na ng parami ang mga mahihirap hindi lamang sa mhihirap na bansa
kundi maging sa mga itinuturing na mauunlad na bansang industriyalisado, habang papalaki naman
nang papalaki ang bahagi sa kita ng mga pinakamamayang indibidwal at pamilya. Nanatiling
mahirap ang mga mamamayan sa mga bansang dati nang mahirap dahil nakaasa parin sila sap ag-
eeksport ng murang hilaw na materyales at lakas paggawa sa mga mauunlad na bansa. Samantala,
tumitindi rin ang kahirapan sa mauunlad na bansa dahil sa mga programa ng pagtitipid o
paghihigpit ng sinturon ng kani-kanilang gobyerno pagkatapos sumambulat ang pang-daigdigang
krisis noong 2008. Hindi rin lahat ng mga mamamayan ay nakikinabang sa paglaki ng kita ng mga
korporasyong nakabasa sa mga mauunlad na bansa.
Dahil sa matinding kahirapan, maraming mamamayan ng bansang mahihirap ang naghahanap
ng trabaho sa mga bansang itinuturing na mas maunlad. Sa kasamaang-palad, dahil ang

58
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

unemployment rate sa mauunlad na bansa ay mataas o kayaý tumataas pa, nagiging limitado ang
oportunudad para sa mga gusting magtrabaho sa ibang bansa, mas humigpit ang mga awtoridad sa
mga patakaran sa migrasyon, at sa ilang bansa gaya ng Greece, Great Britain, at France may ilang
grupong racist ang nananwagan sa pagpapahinto ng migrasyon. Ang mga suliraning dati atiý tila
local lamang ay malinaw na may global nang saklaw, dahil na rin sa mahigpit na integrasyong
ekonomiko at sosyo-kultural ng maraming bansa sa proseso ng globalisasyon.
Isa sa mga suliraning global na nangangailangan ng pagtugon ang pagbabago ng kilma. Idinulot
ito ng daan taong industriyalisasyon sa mauunlad na bansa na nagbunga ng napakalaking quantity
ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gas na naglimita sa kakayaha n ng atmospera na
pasingawin ang init sa daigdig. Bunsod ng climate change, lalong naging mapaminsala ang mga
bagyo at tagtuyot sa iba‟t ibang panig ng mundo, maging sa mga lugar na dati ratiý hindi binabagyo
at hindi rin nakakaranas ng tagtuyot.
Sa gitna ng ganitong kalunos-lunos na kalagayan ng daigdig, naghahanap ng kasagutan sa mga
tanong at solusyon sa mga problema ang mga mamamayang naghahangad ng magandang bukas.
Sa asignaturang Kontemporaryong Isyu, hindi man maibigay lahat ng sagot at solusyon ay tiyak
na mabubuksan ang iyong mga isipan upang malinang ang iyong interes sa patuloy na paghahanap
ng mas magandang kinabukasan para sa bansa at para sa daigdig ang iyong henerasyon at mga
susunod pang henerasyon.
Ang pagtalakay sa mga kontemporaryong isyu at suliranin ay makatutulong din sa paglinang
sa mga praktikal na kasanayan sa paglutas ng mga problema, pagsusuri ng datos, paggamit ng
estadistika, pananaliksik, paghahambing at iba pa. Saan mang larangan mapdpad, babaunin moa
ng isang malawak na perspektiba ng pag-unawa sa iyong lipunan at daigdig, isang perspertibang
inaasahang makatutulong sa iyo upang maging mas kapaki-pakinabang ba mamamayan ng bansa
at responsableng tagapagpangalaga ng kaisa-isang planetang tahanan ng mga tao.
Isa sa mga pinakamalubhang suliranin ng mga Pilipino ang mga usaping pang-ekonomiya.
Saklaw nito ang mga suliraning gaya ng kahirapan, agwat ng mayaman at mahirap, migrasyon, at
disempleyo. Ang maraming suliranin ng ating lipunan sa kasalukuyan ay pawing mga mauugat sa
anyo ng ating sistemang ekonomiko. Samakatuwid, makabuluhan ang pagtatalakay sa mga isyung
pang-ekonomiya sa paghahanp ng mga solusyon sa mga nagnanaknak na kanser ng lipunan. Ayon
sa ibang ekonomista, bawat pasya ng mga mamamayan at ng mga pamahalaan ay ginagabayan ng
kanilang pag-unawa sa mga usaping pang-ekonomiya.
Tatalakayin natin ang mga isyung pang-ekonomiya at pangkapaligiran upang bigyang diin ang
pagkawasak ng kalikasan, ang mga suliraning pangkapaligiran, ay pawing mga isyung ekonomiko
rin. Nakasalalay sa pag-iral ng isang makatarungang Sistemang ekonomiko ang pagpapanatili ng
pamumuhay ng mga mamamayan at ng planeta para sa patuloy na pagsulong ng sangkatauhan.
Gayundin, nakabatay sa pagpapanatili ng masiglang daigdig ang masilang ekonomiko na
magbibigay buhay sa mga susunod pang henerasyon.

ANG SISTEMANG EKONOMIKO NG PILIPINAS SA KASALUKUYAN

Mahalagang maunawaan ang sitwasyon sa sistemang ekonomiko ng bansa upang Makita ang
puno‟t dulo ng karamihan sa ating mga problema. Sa kasalukuyan, nananatiling suplayer ng hilaw
na materyales, mga produktong pangkonsumo (consumer goods) na karaniwa‟y semi-manupaktura
(semi-processed) lamang, at mga manggagawa ng United States at ang mauunlad na bansa ang

59
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Pilipinas, sa halip na maging suplayer ng mga produktong para sa domestikong gamit. Bukod
dito, ineeksport din ng bansa ang mga tubo ng mga dayuhang korporasyon dito sa Pilipinas,
gayundin ang bahagi ng mga tubo ng mga local na korporasyon na may mga kamay-ari
(stockholder) o kasosyong dayuhan. Tumatanggap naman ng puhunan, utang, at
makinarya/teknolohiya ang Pilipinas mulasa ibang bansa. Kung susuriing mabuti, lugi ang
Pilipinas sa ganitong kalakaran dahil sa pangkalahatan, mas malaki ang halaga ng iniimport ng
bansa-lalo na ang makinarya/teknolohiya, bukod pa sa mataas na interes sa pautang-kaysa halaga
ng inilulunsad nito. Dapat tandaan na kahit ang bilyon-bilyong dolyar na ipinapasok ng mga
migranteng Pilipino sa kaban ng Pilipinas ay tila nakakansela naman ng mga suliraning panlipunan
na idinudulot nito gaya ng pagkakawata-watak ng pamilya at iba pang social costs.
Sa mga nakalipas na taon, mas marami pa ring iniimport kaysa ineeksport ang bansa, at
kapansin pansin na ang mga pangunahing eksport ng bansa ay pawang mga hilaw na materyales o
kaya‟y semi-processed goods sa halip na mgakumpletong produkto tulad ng mga kompyuter at
kotse. Sa kasalukuyan, ganito pa rin ang kalakaran. Kung papansinin, Malaya ring
nakapagnenegosyo ang mga dayuhan sa bansa, gaya ng pinatutunayan ng kanilang pagmamay-ari
sa napakaraming minahan sa bansa na pinayagan ng Mining act of 1995. Sa medaling sabi,
ekonomiyang kolonyal noon – at neokolonyal o malakolonyal naman ngayon – ang namayani sa
Pilipinas sa pangkalahatan. Ito‟y isang sistemang ekonomikong nakadepende sa mga dayuhang
namumuhunan at kanilang mga local na kasosyo, isang sistemang ekonomiko na pinakikinabangan
lamang ng iilan at nabigong maghatid ng malawakang kaunlaran sa buhay ng mga mamamayan.
Sa ganitong kalakaran, tila kolonya pa rin ng mas mauunlad na bansa ng Pilipinas. Sa sektor ng
agrikultura naririyan rin ang sistemang hacienda. Sa kabila ng programa sa reporma sa lupa ng
gobyerno, malaking porsyento ng lupain sa bansa ang pag-aari g iilang pamilya lamang. Maging
ang mga lugar na urban na pinagsulputan ng napakaraming mga condominium ay monopolisado
na ng iilang pamilya na may kontrol sa industriyang real estate.
Sa ilalim ng kasalukuyang sistema, ang paglago ng ekonomiya sa makroekonomikong
antas ay hindi nararamdaman ng napakaraming mamamayan. Ang pinakamayayamang pamilya
lamang na may kontrol sa malalaking negosyo at malalaking parsela ng lupa ang higit na
nakikinabang sa paglago ng ekonomiya. Katunayan, hindi nagbago ang income share ng
pinakamayayaman at pinakamahihirap sa bansa sa mga nakalipas na dekada. Kung gagamitin
naman ang terminolohiya ni Papa Francisco, maituturing na isang “ekonomiya ng eksklusyon´ang
sistemang ekonomiko ng bansa, sapagkat, hindi kasali, hindi saklaw ng kaunlaran at paglago ng
ekonomiyang ito ang malaking porsiyento ng mahihirap na mamamayan. Sa pananaw naman ng
ekonomistang si Alejandro Lichauco na nagtapos sa Harvard University, umiiral ang “economic
underdevelopment” sa bansa (1998). Aniya, ito‟y tumutukoy sa kawalang-kakayahan sa isang
bansa na”… lilikhain ang mga kasangkapan sa produksyon: ang mga kagamitan na
makapagbubunsod upang sila‟y makalikha ng iba pang produkto…mga kasangkapan na
magagamit sa paggawa ng karayom at gunting…makina…tela…typewriters at xerox
(photocopying) machines.” Sa pangkalahatan, ito ang pangunahing kaibahan ng Pilipinas sa mga
industriyalisadong bansa sa Asya gaya ng Japan, South Korea, Taiwan, at China. Ganito ang
umiiral na hindi makatuwirang kalakaran sa globalisasyon na isa sa mga dahilan kung bakit
hanggang ngayon ay hindi pa rin ganap na umuunlad ang bansa, marami pa rin ang mahihirap sa
arkipelago, at mataas pa rin ang antas ng disempleyo sa Pilipinas.

60
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Katulad ng nabanggit, mahalaga ang pagkakaroon ng masigla at matibay na agrikultura at

industriya sa paglikha ng empleyo, pagtaas ng kakayahang bumili ng masang anakpawis, at
pagpapatatag ng produktibong kapasidad ng local na ekonomiya. Subalit ang mga ito ay pahina
nang pahina sa ilalim ni Duterte. Maliit ang pagpapahalaga ng pamahalaan sa agrikultura, habang
ang industriya naman ay kiling sa dayuhang namumuhunan. Sinalanta ng neoliberalismo ang
agrikultura na nagresulta sa tuloy-tuloy na pagdausdos nito sa nakalipas na apat na dekada.
Samantala, walang matatag at pambansang industriya ang Pilipinas, at ang manupaktura ay
dinodomina ng dayuhang pamumuhunan at nakatuon sa paglikha ng mga produkto para sa
pangangailangan ng pandaigdigang merkado.
Paliit nang paliit ang bahagi ng agrikultura sa GDP. Mula 14% noong 2000 bumaba ito sa
11.6% noong 2010 at lalo pang lumiit sa 7.8% noong 2019. Mas mataas ang tantos ng paglago ng
sektor ng agrikultura nitong 2019 na 1.5% kumpara noong 2018 na nasa 0.9% lamang.
Magkagayunman hindi ito nangangahulugan ng pagbangon at paglago ng sektor ng agrikultura
lalo pa‟t walang plano ang administrasyong Duterte para sa pagpapaunlad nito. Bagkus, lalo pang
binubuyangyang ang sektor sa mga pwersa ng merkado, katulad ng walang-habas na importasyon
ng mga produktong agrikultural. Sa nakalipas na dekada, 1.2% lamang ang abereyds na tantos ng
paglagong naitala para sa sektor. Hindi sapat ang badyet na inilalaan para sa agrikultura. Mula
2017 hanggang 2019, nasa 3.5% lamang ng kabuuang badyet ang inilaan ng administrasyong
Duterte para sa sektor. Maliit ito kumpara sa administrasyong Arroyo (4.7% mula 2001-2010) at
Aquino (4.2% mula 2011-2016).
Ang Php15 bilyon itinaas ng badyet ng Department of Agriculture (DA) para sa taong 2020
mula Php47 bilyon noong 2019 patungong Php62 bilyon ay dahil lamang sa Php10 bilyong Rice
Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) sa ilalim ng RA 11203 o Rice Liberalization Law at
hindi pa para sa tunay na pagpapaunlad sa sektor. Sa kabilang banda naman, unti-unti nang
numinipis ang bahagi ng manupaktura sa ekonomiya ng bansa sa mga nakalipas na dekada. Mula
sa abereyds na 26% ng GDP noong dekada „80, lumiit ito sa 25% noong dekada ‟90, 24% sa unang
dekada ng 2000, hanggang maging 23% na lamang nitong 2019.
Bumagal din ang paglago ng manupaktura na sensitibo sa pagbagal ng pandaigdigang
ekonomiya at gera sa kalakalan‟ sa pagitan ng US at China dahil na rin sa katangian nitong
dominado ng dayuhang kapital at oryentasyong pang-eksport. Pinakamabagal sa nakalipas na
isang dekada ang naitalang 3.8% tantos ng paglago. Dahil sa kasalukuyang katangian ng
manupaktura ng bansa, hindi ito nakaaambag sa pagtataguyod ng pambansang industriya. Ang
masasabing manupakturang Pilipino ay nasa pagkain at inumin at iba pang produktong konsyumer
na gumagamit ng napakababang teknolohiya. Habang yaong gumagamit ng mas mataas na
teknolohiya katulad ng elektroniks, makinarya, kagamitan, at iba pang capital goods ay nasa
kontrol ng dayuhang kapital. Kadalasan ang mga ito ay assembly o semi-processing lamang at
pawang para sa eksport. Sa ganitong kaayusan, halos walang ambag sa lokal na ekonomiya ang
dayuhang manupaktura na nag-iimport din naman ng kanilang makina, teknolohiya at hilaw o
semi-processed na materyales. Suma-total, mababa ang dagdag na halaga o value-added ng
manupaktura sa bansa. Lumalabas pa nga na subcontractor lamang ng dayuhang kapitalista ang
manupakturang Pilipino para sa global value chains (GVCs), samantalang ang dayuhang
manupaktura ay ginagamit lamang ang bansa bilang lokasyon para sa GVCs. Dahil ito sa murang
lakas-paggawa at hilaw na materyales at mapagbigay na mga insentiba sa dayuhan.
Nawawalan ng kapasidad o pagkakataon ang ekonomiya ng bansa na marating nito ang
industriyalisasyon. Limitado ang kapasidad na mag-prodyus ng mga pangangailangan ng
mamamayan at ng ekonomiya upang umunlad pa ito. Sa katunayan, lumobo ang imported, lalo na

61
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

ang mga materyales para sa imprastruktura at konstruksyon, subalit kasama rin ang mga makinarya
man o hilaw na materyales, pagkain man o produktong konsumo. Inabot ang pinakamalalang
depisito sa kalakalan sa ilalim ng gobyernong Duterte.
Sa kawalan ng pag-unlad ng agrikultura at industriya, hindi lumilikha ng sapat na trabaho
ang ekonomiya para sa milyong pwersa sa paggawa. Kung may trabaho man ay hindi sapat ang
kinikita ng isang karaniwang manggagawa para buhayin nang marangal ang kanyang pamilya.
Lalong nagiging dayukdok sa kahirapan ang karamihan ng mga Pilipino, samantalang may
napakakitid na bahagi ng populasyon na nagkakamal ng labis-labis na tubo. Sa paghina ng
agrikultura at lokal na manupaktura, nakararanas ngayon ang bansa ng walang kapantay na krisis
sa trabaho. Historikal ang rekord ng administrasyong ito sa tunay na bilang ng mga walang trabaho.
Isang indikasyon din ng kapalpakan ng ekonomiya na makalikha ng sapat na trabaho ang patuloy
na pagtaas ng bilang ng mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nadagdagan ng 1.3 milyon ang may trabaho
sa bansa patungong 42.4 milyon noong 2019. Dahil dito nabawasan naman ng 40,000 ang bilang
ng walang trabaho patungong 2.3 milyon na lamang – 5.1% ang tantos ng walang trabaho ibig
sabihin. Ngunit pambawi lamang ito sa malakihang bilang ng nawalang trabaho sa simula ng
termino ni Durterte. Sa katunayan, nakakalikha lamang taon-taon sa ilalim ni Duterte ng abereyds
na 477,000 trabaho – ikalawang pinakamalala ito sa mga administrasyon pagkatapos ni Marcos.
Mas mataas ito nang bahagya kaysa sa panahon ni Estrada na nagmula sa katatapos na krisis
pampinansya sa Asya.
Patuloy ang tumitinding krisis sa agrikultura na muling nawalan ng 300,000 trabaho sa
ikatlong sunod na taon noong 2019. Sa pangkabuuan, mula nang maupo si Duterte sa pwesto, 1.4
milyong trabaho na ang nawala sa sektor at umabot na lamang sa 9.7 milyon ang may trabaho. Ito
ang pinakamababang bilang ng may trabaho sa agrikultura mula noong 1989 o sa nakalipas na
tatlong dekada.

62
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Kahirapan sa Pilipinas

Lunsaran

Pakinggan ang awitin pagkatapos ay magtalakayan hinggil sa napakaraming suliranin na

“di kayang lutasin ay hindi na pinapansin”.May mga solusyon ba kayong naiisip sa mga
problemang ito. https://www.youtube.com/watch?v=YTMR8fgUQw4
https://www.youtube.com/watch?v=NSii-kt0Psw

Nilalaman

Hindi matapos-tapos ang mga talakayan hinggil sa kahirapan dahil sa kabila ng

pagtatatuwa ng ilang mga nasa pamahalaan, at sa kabila ng sinasabing paglago ng ekonomiya ng
bansa batay sa makroekonomikong datos tulad ng GDP at credit ratings, malaking porsiyento ng
populasyon ng bansa ang mahihirap. Iba-iba ang sukatan ng kahirapan kaya naman iba-iba rin ang
estadistika hinggil sa dami ng mga mahihirap. Batay mismo sa datos ng Philippine Statistics
Authority (PSA), ang poverty incidence sa mga pamilyang Pilipino noong 2006, 2009, 2012, at
2015 ay 23.4%; 22.9%; 22.3% at 21.6%.
Kung tutuusin, mas mataas sa aktuwal na bilang ng mahihirap sa bansa dahil ang opisyal na
buwanang poverty threshold (minimum na kitang kailangan para matustusan ang mga
pangunahing pangangailangan ng isang pamilyang Pilipino na may limang miyembro) na itinakda
ng gobyerno ay napakaliit. Katumbas lamang ito ng halagang halos Php37, Php47, at Php52 kada
tao bawat araw sa mga nakaraang taon na halos katumbas lamang ng pinakamurang meal package
(isang tasa nang kanin, ulam, at isang baso ng inumin) sa mga popular na fast food chain. Ang
ganitong sukatan ng kahirapan ay hindi gaanong komprehensibo dahil hindi nito isinasaalang-

63
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

alang ang ina pang mahahalagang pangangailangan ng mga mamamayan. Higit na mararamdaman
ang suliraning kahirapan kung pag-uusapan ang kuwento ng mga maralita na nagsisikap makaahon
sa hirap gaya ng tinalay ni Espiritu (2017) sa lathalaing “Buhay at Pagpupunyagi sa Plastikan” o
salaysay ng mga maralitang naghahangad na magkaroon ng sariling bahay tulad ng inilarawan ni
Malubay (2017) sa lathalaing “Pira-pirasong pangarap sa Pandi” kapuwa para sa pahayagang
Pinoy Weekly.
Kung ihahambing naman ang pag-unlad ng Pilipinas sa pag-unlad ng ibang bansa, lalong
makikita ang underdevelopment ng bansa. Inihayag ng United Nations (UN) sa 2017 Human
Development Report (HDR) na nasa ika-116 na puwesto ang Republika ng Pilipinas sa talaan ng
188 na bansa sa buing daigdig na iniraranggo ng pandaigdigang institusyon sa pamamagitan ng
Human Development Index (HDI). Sinusukat ng HDI ang pangkalahatang kaunlaran o holistic
development batay sa antas ng edukasyon, kalusugan, at kita ng mga mamamayan sa bawat bansa.
Sa simpleng pagpapahayag, mahigit kalahati ng daigdig ang nakalalamang sa Pilipinas sa aspekto
ng edukasyon, kalusugan, at kita. Ang Pilipinas ay ika-99 sa HDI noong 2010, ika-77 oong 2000
at ika-66 naman noong 1990. Nangangahulugan ito na dumadausdos ang kalagayan o kaya‟y
mabagal ang pag-unlad ng Pilipinas, kumpara sa kalagayan at pag-unlad ng ibang bansa.
Bukod sa mga nabanggit na datos hinggil sa kahirapan, ang mga estadistika hinggil sa
malnutrisyon, disempleyo, at iba pa ay maaari ding gamitin upang masuri ang antas ng kahirapan
sa bansa. Sa isang pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) noong 2017, 26%
ng mga batang Pilipino ang malnourished. Kahirapan ang pangunahing dahilan ng malnutrisyon
sa Pilipinas dahil ito ang humahadlang sa mga pamilya na makabili ng masustansyang pagkain. Sa
pagtataya naman ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) may 30,000,000
Pilipino ang maitutring na maralitang tagalungsod o urban poor. Malaking porsiyento sa kanila
ang walang sariling bahay at lupa, at wala ring trabaho. Ayon sa PSA noong enero 2018, 5.3% o
2.33 milyong Pilipino ang walang trabaho at 18% naman o halos 8 milyon ang underemployed.
Hindi kataka-takang sa kawalan ng sapat na oportunidad na makapaghanapbuhay sa sariling bansa,
halos 6,000 Pilipino ang umaalis sa lupang tinubuan araw-araw para magtrabaho sa ibang bansa
ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), batay sa development ng
OFWs noong 2016. Sa aktuwal, mas mataas pa rito ang pigura kug isasama ang mga Pilipinong
hindi dokumentado ang pag-alis para magtrabaho sa ibang bansa.
Higit na kagimbal-gimbal ang datos sa mga di-karaniwang sukatan ng kahirapan. Halimbawa,
may mga residente sa mga komunidad ng mga maralita sa Maynila na nagbebenta ng isang bato
nila sa mga dayuhan. Marami ring Pilipino ang nagbebenta ng dugo, ngipin, at iba pang bahagi ng
katawan dahil sa matinding kahirapan. Bagama‟t ilegal ang prostitusyon sa bansa, daan-daang libo
ang nasa gawaing ito dahil na rin sa kahirapan. Kung pagtatagni-tagniin ang mga kalat-kalat na
estadistikang ito, mahihinuhang habang mabilis na umuumnlad ang ibang bansa sa iba‟t ibang
aspekto (sa antas makroekonomiko man lamang, sapagkat ibang usapan pa kung nakarating o nag-
trickle down bas a mga ordinaryong mamamayan ang progresong ito), nananatiling mabagal kundi
man hindi umuusad ang pag-unlad ng Pilipinas.

Sanhi at Bunga ng Kahirapan

Sa kabila ng saganang likas na yaman ng bansa, tila kataka-taka ang pag-iral ng kahirapan sa
Pilipinas. Mailalantad ang mga sanhi ng kahirapan sa Pilipinas kung mulig babalikan ang

64
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

pagsusuri sa sistemang ekonomiko ng bansa. Gaya ng ulat ng Bertelsmann Foundation (2014),

isang institusyong nakabase sa Germany, ang kontrol ng mga iilang pamilyang elite sa politika at
ekonomiya ng bansa ang pangunahing hadlang sa pag-unald nito at sa paglutas sa kahirapan ng
mga mamamayan nito. Kontrolado ng mga pamilyang ito, na tinatawag ding mga dinastiyang
pilotikal, ang mga lokal at pambansang mga posisyon sa sangay ng ehekutibo at lehislatibo. Dahil
dito, madali nilang naikikiling ang mga batas at patakaran ng bansa pabor sa interes nila at iba
pang kapuwa nila bahagi ng elite. Sa pamamagitan ng kanilang pangingibabaw sa sistemang
politikal, napapanatili rin nila ang kanilang monopolyo sa sistemang ekonomiko ng bansa.
Halimbawa, dahil marami sa mga mababatas ang asendero o landlord, hindi naging madali ang
pagpapasa ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa panahon ng administrasyon
ni dating Pangulong Corazon Aquino. Hinadlangan ng maraming mambabatas ang CARP at
naisabatas lamang ito sa pamamagitan ng isang kompromisong bersiyon na higit “malabnaw”
kaysa orihinal. Maraming “butas” ang CARP kaya naman hindi ito naging ganap na matagumpay
sa pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka. Dahil sa pagpapalabnaw sa CARP, iniurong ng
mismong awtor ng orihinal na bersyon CARP (House Bill 400) na si Rep. Bonfacio Gillego ang
kanyang sponsorship sa nasabing batas. Dahil hindi naging matagumpay ang CARP, napilitan ang
gobyerno na ito‟y palawigin pa sa pamamagitan ng CARP Extension with Reforms o CARPER.
Gayunpaman, May mga grupo pa rin ng mga magsasaka tulad ng Anakpawis at Kilusang
Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na nagsasabing hindi pa rin natutugunan ng CARPER ang
kanilang pangangailangan. Marami pa rin itong eksempsiyon at butas na maaaring gamitin ng mga
asendero upang makatakas sa reporma ng lupa ang mga magsasaka.
Sa kasalukuyan, konsentrado pa rin sa kamay ng iilang pamilya ang malaking porsiyento ng
mga lupain sa Pilipinas. Nananatiling walang sariling lupa ang mayorya ng mga magsasaka.
Bunsod ng ganitong sitwasyon, nananatili silang mahirap dahil hindi nila ganap na
napapakinabangan ang kanilang pinagpaguran, sapagkat hindi sila ang may-ari ng lupang kanilang
sinasaka. Ang mga asendero lamang ang yumayaman sa ganitong sistema sapagkat maliit lamang
ang bahaging tinatanggap ng mga magsasaka mula sa kita ng hacienda. Samakatuwid, ang
ganitong kawalan ng matagumpay na reporma sa lupa sa Pilipinas, kumpara sa matagumpay na
reporma sa lupa sa South Korea, Vietnam, at iba pang mga bansa sa Asya, ay isa rin sa mga sanhi
ng kahirapan sa Pilipinas.
Isa pa sa mga sanhi ng kahirapan sa bansa ang mataas na antas ng disempleyo o unemployment
at mataas na antas ng kakulangan sa trabaho o underemployment. Direktang sanhi ng kahirapan
ang disempleyo at underemployment dahil hinahadlangan ng mga ito ang pagkakaroon ng mga
mamamayan ng sapat na kita uoang sila‟y mabuhay at lagpas pa rito ay magmatamasa ng
oportunidad sa pag-unlad. Sa simpleng salita, marami sa mga walang trabaho o kaya‟y kulang ang
trabaho ang tiyak na mananatiling mahirap sapagkat kung walang mapagkukunan ng kita, hindi
sila makakaahon sa kahirapan. Sa nakalipas na mga taon, mula 2009-2012, halos hindi nagbago
ang antas ng disempleyo sa bansa, gaya ng ipinakita ng datos mula sa World Bank Database: 7.5%
(2009); 7.3%(2010); 7.0% (2011); 7.0% (2012). Noong 2018, bagama‟t bumaba na sa 5.3% ang
antas ng disempleyo, tumaas naman at umabit ng 18% ang underemployed. Sa ngayon ay isa pa
rin sa may pinakamalalang antas ng disempleyo sa Timog-Silangang Asya ang Pilipinas.
Bukod sa disempleyo, ang kawalan ng sapat na access ng mga mamamayan sa edukasyon, lalo
na sa kolehiyo, ang isa pang sanhi ng kahirapan sa bansa. Sa kabila ng pagkakaroon ng libreng

65
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

publikong edukasyon sa bansa na ginagarantiyahan ng Konstitusyon, marami pa ring mga

mamamayan ang hindi nakakapag-aral. Ayon sa datos ng PSA (2017), halos apat na milyon out-
of-school children and youth (OSCY). Sakop nito ang nasa edad 6-24 na hindi nag-aaral mga
Pilipinong dapat nag-aaral ngunit hindi nag-aaral. Higit na kakaunting mamamayan ang nag-aaral
at nakatapos ng kolehiyo. Bagama‟t mula 2018 ay libre na ang matrikula maging sa publikong
unibersidad, nangangamba ang ilang grupo ng mga kabataan na hindi pa rin makakapag-aral ang
lahat ng dapat mag-aral dahil sa kakulangan ng gastos para sa baon at iba pang pangangailangang
kaugnay ng edukasyong tersyarya.
Sa pangkalahatan, trahedya ang idudulot ng ganitong sitwasyon sa bansa dahil kapansin-pansin
na maraming maunlad na bansa ang may matataas na porsiyento ng enrollment sa antas ng
tersyarya. Ang mahihirap na bansa naman ay may mababang porsyento ng enrollment gaya ng
ipinapakita ng World Bank East Asia and Pacific Regional Report (2012) na pinamagatang
“Putting Higher Education to Work: Skills and Research for Growth in East Asia.” Binigyang-diin
sa ulat na ito na walang bansang nagkamit ng papataas na antas ng kita nang hindi muna nagtala
ng pagtaas ng bilang ng mga college enrollee at graduate. Dapat bigyang-diin na ang mauunlad na
bansa ay karaniwang may matataas na bilang ng mga mamamayang nakatapos ng kolehiyo kaya
napapanatili nila ang paglago ng kanilang ekonomiya.
Sa mga nakalipas na school year, dumarami na ang nagkokolehiyo sa Pilipinas ngunit hindi pa
rin ito comparable sa mga nagkokolehiyo at nakakatapos ng kolehiyo sa ibang bansa. Habang
lumolobo ang populasyon ng Pilipinas, lalong kinakailangan ng mas maraming administrador sa
iba‟t ibang larangan kaya sa pangkalahatan ay negatibo ang impact sa Pilipinas ng papaliit na
bilang na magkokolehiyo at makatatapos nito. Dapat ding tandaan na ang highly-skilled na
propesyunal na mahalaga ang ambag sa pagpapaunlad ng bansa ay pawang college graduate ay
nangangahulugang mas kakaunti ring highly-skilled na propesyunal para sa isang bansa.
Kung tutuusin, ang kawalan ng sapat na access sa edukasyon ay kapuwa sanhi at bunga ng
edukasyon, Ito ay sanhi ng kahirapan sapagkat ag kawalan ng edukasyon o sapat na eduaksyon ay
isang hadlang sa pagkakamit ng mataas na antas ng kita. Sa PHILIPPINE QUARTERLY
UPDATE ng World Bank na pinamagatang “Investing in Inclusive Growth Amid Global
Uncertainty” (Hulyo 2012), pinatutunayan na mas malaki ang average na kita ng mga graduate
ng kolehiyo kaysa sa mga graduate ng hayskul:
Bukod sa paghadlang sa pagkakaroon ng sapat na access sa edukasyon ng mga mamamayan,
ilan pa sa mga bunga ng kahirapan ang pagkakaroon ng mga protesta laban sa umiiral na kalakaran
sa lipunan, pagtaas ng antas kriminalidad (crime rate) gaya ng pandurukot at pagnanakaw,
pagkakaroon o paglakas ng mga rebeldeng grupo, pagdami ng Pilipinong migrante, malnutrisyon,
paglala ng prostitusyon at iba pang gawaing anti-sosyal at kawalan ng sapat na partisiasyon ng
mga mamamayan sa mga prosesong politikal.
Nagkakaroon ng malawakang protesta ang iba‟t ibang non-government organization (NGO)
laban sa mga umiiral na kalakaran sa lipunan sapagkat ang mga ito ang sinisisi nila sa pag-iral ng
kahirapan sa bansa. Para sa kanila, ang protesta ay isang epektibong paraan ng pagtatampok sa
isyu ng kahiraoan at panawagan sa paglutas nito. Samantala, lumalala naman ang kriminalidad
dahil sa kahirapan ang nagtutulak sa ilang ordinaryong mamamayan upang gumawa ng mga bagay
na labag sa batas ngunit kahit paano‟y makatutulong sa kanila para mabuhay at magkaroon ng
pambili ng pagkain. Kahirapan ang dahilan kung bakit libo-libong Pilipino ang napipilitang

66
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

magbenta ng kanilang sarili. Kapansin-pansin na ang prostitusyon ay laganap din sa maraming

mahihirap na bansa.
Dalawa ang teorya na may kaugnayan sa kahirapan. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
indibidwalistiko at isruktural.
Sa indibidwalistikong pananaw, ang kahirapan ay isinisisi sa indibidwal na kakayahan na
pagbangon sa lahirapan katulad ng:
a) katamaran;
b) kawalan ng sapat na edukasyon
c) kamangmangan
d) mababang pagtingin sa sarili
Sa pananaw naman ng istrukturang panlipunan, nakikita ng tao ang kanilang pagkasadlak
sa kahirapan ay bunsod ng sistemang pang ekonomiya na lalong pinaiigting ng kakulangan sa
kanilang kita.
Sa pag-aaral ni Dr. Bartle Phil (n.d.) na isinalin ni Vitan III. Dionisio, kanyang inisa-isa
ang limang malalaking sangkap ng kahirapan na kinabibilangan ng mga sumusunod:
a) kawalan ng kaalaman
b) sakit
c) kawalang pagpapahalaga
d) hindi mapagkakatiwalaan
e) pagiging palaasa
Kanyang binigyang-diin na nag solusyon sa pangkalahtang suliranin sa kahirapan ay ang
pangkalahatang solusyon sap ag-alis ng mga sangkap ng kahirapan.

67
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Unemployment: May Solusyon Ba?

Lunsaran

Panoorin ang bidyo na ito at pagkatapos ay magbigay ng mga suhestiyon tungkol dito.
https://www.youtube.com/watch?v=A8s1tAOqi9U.

Nilalaman

Dahil sa matinding kahirapan at mataas na antas ng unemployment sa Pilipinas, Marami

ang napipilitang mangibang bansa. Upang hindi ganoongmaraming Pilipimo ag maging migrante,
kailangang lutasin ng bansa ang suliranin ang unemployment. Maraming walang trabaho sa
Pilipinas dahil sa kakulangan sa paglinang sa sektor ng agrikultura at industriya sa bansa.
Kapansin-pansin na sa mga nakalipas na taon, higit na lumalaki ang share ng mga trabaho sa sektor
ng serbisyo, kung saan mayorya ng mga trabao ay kontraktuwal o di-pangmatagalan, kaysa
sasektor ng agrikultura at industriya. Samakatuwid, dalawang pangunahing reporma ang maaaring
maging gulugod o backbone ng paglutas sa unemployment at sa pag-unlad ng bansa: ang tunay na
reporma sa lupa at modernisasyon ng agrikultura at makabansa at pambansang industriyalisasyon.
Matagal ng suliranin ng bansa ang kawalan ng reporma sa lupa, ang matibay na kontrol ng
iilang pamilya sa mayorya ng lupa sa Pilipinas, ang sistemang kahawig ng piyudalismo sa Europea
noong (Middle Ages). Tinatayang 60% ng mga luoang agrikultural sa bansa ay kontrolado ng

68
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

mayayamang pamilya na bumubuo ng 13% lamang ng populasyon ng bansa, at pito sa sampung

magsasaka ang walang sariling lupa. Ang ganitong konsentrasiyon ng lupa sa iilang pamilya ang
dahilan ng kawalan ng sapat na pagkain ng bansa at ng sapat na trabaho para sa mayorya ng mga
mamamayan (75% ng mga Pilipino ay magsasaka ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas,
2008). Ang pagliit ng share ng agrikultura sa pambansang ekonomiya – na bunga ng kawalan ng
reporma sa lupa – ay nagreresulta rin ng matinding kahirapan at kawalan ng oportunidad para sa
maraming tagaprobinsya. Ayon sa World Fatbook ng Central Intelligence Agency (CIA), 26.9%
ng labor force ng bansa ay nasa agrikultura, 17.5% ang nasa indstriya, 55.6% naman ang nasa
serbisyo (call centers, fastfood chains, banks, malls at iba pa). Hindi uunlad ang Pilipnas kung
patuloy itong aasa sa sektor ng serbisyo. Ang pagbibigay-prayoridad lamang sa sektor ng
agrikultura at industriya ang makapagliligtas sa bansa, gaya ng pinatunayan ng Japan, South
Korea, China at iba pang karatig-bansa.
Naging pangunahing paksa ng mga obra maestro ng mahuhusay na manunulat sa panitikang
Pilipino tulad nina Jose Rizal ( El Filibusterismo), Amado Hernandez (Mga Ibong Mandaragit), at
Rogelio Sicat (Tata Selo) ang mga magsasakang inagawan ng lupa, ang magsasakang alipin ng
asendero, ang magsasakang simbolo ng karukhaan at pagkaalipin ng samabayang Pilipino.
Pagpapatunay ito ng malalang suliraning panliounan ang kawaln ng reporma sa lupa na
nangangailangan ng agad na resolusyon. Malaking bahagi ng mga rebeldeng komunista sa ilalim
ng Communist‟s Party of the Philippines-New People‟s Army (CPP-NPA) ay mga magsasakang
naaakit sa programa ng nasabing grupo na libreng lupa para sa magsasaka na isinasaad sa “12point
Program” ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), ang political arm ng CPP-
NPA. Ayon sa NDFP, bukas ito sa pagpirma ng mga kasunduang nakatuon sa mga repormang
sosyo-ekonomiko, kabilang na ang mga reporma sa lupa, gaya nang isinasaad sa panukala nitong
Concise Agreement for an Immediate Just Peace (CAIJP) noong 2005. Samaktuwid, Magduduloy
din ng agad na kapayapaan ang implementasyon ng tunay na reporma sa lupa. Sa minimum, sa
pamamagitan ng reporma sa lupa ay inaasahang agad na darami ang trabaho sa sektor ng
agrikultura.
Pagkatapos ng reproma sa lupa, dapat ding simulan and modernisasyon ng agrikultura ang
magtitiyak sa food self-sufficency ng bansa. Ang kasapatan sa pagkain ay isa ring porma ng
pagtitipid sapagkat ang importasyon ng pagkain ay ginugugulan ng dolyar. Sa nakalipas na mga
taon ay libo-libong tonelada ng bigas ang inimport ng bansa. Sa halip na mag-import, mas
makabubuting gamitin sa modernisasyon ng agrikultura ng bansa ang pondong dating ginagamit
sa pag-aangkat ng bigas. Sa pamamagitan ng modernisasyon ng agrikultura ay matitiyak din ang
pagkakaroon ng sapatna raw materials para sa mga industriyang itatayi sa bansa. Wlang magiging
matibay na gulugod ang pambansang industriyalisasyon kung hindi magiging modern ang
agrikultura sa bansa. Sa kabuuan, ang pagsigla ng agrikultura na dulot bg reporma sa lupa at
modernisasyon ng sektor na ito ay magpapalapad sa pamilihan at magreresukta sa pagsigla ng
ekonomiyang agrikultural na magluluwal ng karagdagang capital para sa pagtatayo ng mga
industriya.
Sa kabilang banda, hindi rin magiging ganap ang kaunlaran ng Pilipinas kung makukuntento
na lamang ang Pilipinas sa pagpapaunlad ng agrikultura. Kailangang isulong ang pambansa at
makabansang industriyalisasyon o pagtatayo ng mga industriyang Pilipino na lilikha ng mga
trabaho para sa mga Pilipino at magsusuplay ng mga pangangailangan ng bansa. Makakabuti ang

69
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

pagbibigay ng prayoridad sa industriya ng pagkain, petrolyo, enerhiya, kemikal, gamot, bakal, at

mineral na tubig, kuryente, komunikasyon, transportasyon, at iba pang mga industriyang malaki
ang papel sa pagpapaunlad ng bansa at pagsusuplay ng mga pangunahing pangangailangan at
serbisyo sa mga mamamayan. Natural lamang na gobyerno ang magtaguyod ng prosesong ito dahil
ang gobyerno ay inaasahang magsusulong ng interes ng buing samabayanan. Binigyang-diin ni
Lichauco (1998) Sa kaniyang aklat na “Nationalist Economics” (1998) ang superyoridad ng
gobyerno, sa halip na mga korporasyon, bilang tagapagsulong ng industriyalisasyon: “Ang estado
ang pinakamataas na pagpapahayag ng kolektibong personalidad ng sambayanan.
Kung gayon, ito ang pinakamatibay na kinatawan ng kapangyarihang soberanya (sovereignty)
ng mga mamamayan, Mula sa kapangyarihang mag-imprentang pera, hanggang sa kapangyarihang
linangin (idevelop) at patakbuhin ang patrimonya ng bansa, at ang kapangyarihang pumasok sa
produktibong negosyo…” Bukod dito, ang pamumuno ng pamahalaan sa pambansang
industriyalisasyon ang makatitiyak na ang mga likas na yaman ng bansa ay magagami nag maayos
para sa kapakanan ng sambayanan nang di-gaanong nakakasira sa kalikasan. Sa ganitong diwa,
kailangang maunawaan natin ang konsepto ng sustentableng kaunlaran.

70
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Ang Konsepto ng Sustentableng Kaunlaran

Lunsaran

Panoorin ang bidyo at pagkatapos ay magbigay ng reaksyon tungkol dito

https://www.youtube.com/watch?v=4bN9yimMXro.

Nilalaman

Bunsod ng paghahangad ng mga dambuhalang korporasyon na palakihin nang palakihin

ang kanilang tubo kahit na mangahulugan ito ng pagkawasak ng kalikasan sa pamamagitan ng
walang habas na pagmimina, pagkalbo sa mga kagubatan, overextraction ng tubig, at polusyon sa
hangin, lupa, at tubig, malinaw na dapat limitahan o kaya‟y higpitan ang kanilang mga aktibidad
upang maisalba ang kalikasan.
Dati rati, lalo na sa mga unang dekada ng industriyalisasyon sa Europea, tubo at paglago
lamang ng ekonomiya ang sinusukat ng mga ekonomista at tagabalangkas ng patakaran. Sa gayong
sistema, Gross Domestic Product (GDP) ng bansa at average na kita lamang ng mga mamamayan
ang sinusukat, sa halip na sipatin din ang impact ng mga industriya sa kalikasan. Nang
maramdaman na ng sangkatauhan ang lupit na pagbabago ng klima o bungsod ng mapaminsalang
mga aktibidad laban sa kalikasan, imaalingawngaw ang malakas na panawagan ng mga grupong

71
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

makakalikasan para sa sustentableng kaunlaran. Binibigyang-diin ng konseptong ito na ang

magandang kinabukasan ng sangkatauhan ay nakasalalay sa pagpapanatili ng isang sustentaleng
ekonomiya na hindi nakakasira o kaya‟y limitado lamang ang impact sa kalikasan. Sa medaling
sabi, Ang kapakanan ng sangkatauhan at kapakanan ng kalikasan ay magkarugtong at hindi
mapaghihiwalay. Samakatuwid, ang tunay na kaunlaran ay kinakailangang hindi lamang makatao
kundi makakalikasan din. Ang ganitong pananaw ay ginagamit na rin ng United Nations sa Human
Development Index: sinusukat na rin ang pagiging sustentableng uri ng pamumuhay ng mga tao
sa bawat bansa, ang epekto ng mga ekonomikong aktibidad ng tao sa kalikasan, lagpas pa sa
pagsusuri sa makroekonomikong datos na may kaugnayan sa simpleng paglago ng GDP at iba
pang estadistika na tao lamang ang makakaramdam. Ang ganitong perspektiba ay lalong nagiging
makabuluhan habang palaki ang populasyon ng daigdig.

Mga Hamon sa Sustentableng Kaunlaran

Isa sa mga pangunahing hamon sa sustentableng kaunlaran ang mabilis na paglobo ng
populasyon ng daigdig. Bunsod nito, lalong lumalaki ang pangangailangan para sa mga maraming
mapagkukunan, bagagy na maaaring lalong mapabilis sa pagkawasak ng kalikasan o kaya‟y
sustentableng paggamit sa mapagkukunan. Sa kasalukuyan, laganap na ang kagutuman sa
maraming bahagi ng daigdig dahil na rin sa hindi magkasunod sa bilis ng paglaki ng populasyon
ang bilis ng paglawak ng ani ng mga magsasaka sa bung mundo, ayon mismo sa Food and
Agricultural Organization (FAO). Karugtong ng suliraning ito ang kahirapan. Ang kahirapan ay
nagiging suliranin sa pagkamit sa sustentableng kaunlaran sapagkat para malutas ito,
kinakailangang gamitin ng mga mamamayan ng daigdig ang likas na yaman sa kani-kanilang mga
bansa. Ang pagmimina at iba pang industriya na nakapainsala sa kalikasan ay nakapagbibigay
naman ng trabaho sa mga mamamayan at nakatutupad din sa mga pangangailangan ng
sangkatauhan. Samakatuwid, hindi ganap na malulutas ang kahirapan kung hindi gagamitin ang
mga likas na yaman ng daigdig. Isang hamon sa sangkatauhan ang pagbabalanse sa
pangangailangang lumikha ng trabaho at gamitin ang mga likas na yaman ng mundo sa iang banda,
at ang pangangailangang isalba ang kalikasan sa tuluyang pagkawasak sa isa pang banda. Ano‟t
anuman, dapat bigyang-diin na hindi lamang ang paglaki ng populasyon ang problema, kundi lalo
nang mas malaking suliranin ang hindi maayos na alokasyon o distrbusyon ng mapagkukunan.
Halimbawa, sa mga mauunlad na bansa, maraming pagkain ang pinoprodyus at ipinagbibili, ngunit
malaking porsiyento rin ang nasasayang lamang at di-napapakinabangan, habang sa maraming
bansang mahihirap ay may kakulangan naman sa suplay ng pagkain. Kung magiging maayos ang
distribusyon ng mapagkukunan-sa pamamagitan ng pagtitiyak na walang masasayang sa bawat
napoprodyus na pagkain at iba pa-marahil ay mababawasan ang “kakulangan” na dinaranas ng
maraming mamamayan sa daigdig.
Kaugnay nito, sa mauunlad at umuunlad na bansa, isa sa mga pangunahing hamon sa
sustentableng kaunlaran ang konsumerismo. Tumutukoy ito sa labis na pagkonsumo sa iba‟t ibang
produkto lagpas sa kinakailangan, at lagpas sa antas na sustentable para sa kalikasan. Halimbawa,
bunsod ng buwanang paglalabas ng bagong modelo ng cellphone ng mga korporasyong gumagawa
nito, maraming tao ang nahihikayat na magpalit ng cellphone kahit na magagamit pa naman ang
kanilang lumang yunit. Sa ilang mauunlad na bansa, talamak din ang pagsasayang ng pagkain o
kaya‟y pagkain nang sobra-sobra sa kailangan. Lumalala ang ganitong penomenon sa pagdami ng

72
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

mga fastfood chain na lagging nang-aakit sa mga tao na kumain nang kumain, lagpas sa kailangan
ng kanilang katawan. Bunsod ng konsumerismo, mas maraming likas na yaman ang kailangang
gamitin upang makalikha ng mga produkto, habang may mga produkto naman na nasasayang
lamang. Kaugnay ng konsumerismo sa gadget, isang suliranin din ang pagkakaroon ng
sustentableng enerhiya ng daigdig ay nanggagaling sa mga plantang pinatatakbo ng uling,
petrolyo, at iba pang fossil fuel na nakasisira sa kalikasan kapag sinunog. Samakatuwid, ang
konsumerismo sa gadget at iba pang mga appliance na hindi naman talaga gaanong kailangan ay
nakadaragdag pa sa problema dahil nangangahulugan ito ng mas mataas na pangangailangan sa
kuryente o enerhiya.
Sapagkat bahagi ng kalikasan ang sangkatauhan, ang pag-iral ng inequality sa kalusugan ay isa
ring suliranin para sa pagkamit sa sustentableng kaunlaran. Batay sa estaditika, relatibong mas
malulusog at mahahaba ang buhay ng mga nasa mauunlad na bansa kaysa sa mga mahihirap na
bansa. Bunsod nito, mas nakahantad o exposed sa iba‟t ibang sakit ang mga nasa mahihirap na
bansa. Sila rin ang pinakanaapektuhan ng malulubhang epidemya sa mga nakaraang dekada dahil
ang kanilang sistemang pangkalusugan ay mahina at maliit lamang ang pondo. Dahil dito, hindi
lubos na napakikinabangan ng mahihirap na bansa ang human resources nito. Sa konteksto naman
ng mga indibiduwal na mamamayan, hindi nila nagagawang mag-ambag nang malaki sa
pagkakaroon ng sustentableng ekonomiya dahil wala sila sa wastong pangangatawan at hindi
maayos ang kanilang kalusugan.
Ang patuloy na pag-unlad ng ekonomiya (economic sustainability) ay maaaring
kasangkutan ng pagpapaunlad ng kalidad ng buhay ng nakararami subalit nangangailangan ng
pagbabawas ng konsumo ng kalikasan (Brown 2011). Sinabi ni Dyllic (2002), na ang mga usaping
patuloy na pagpapaunlad (sustainable development) ay nakabatay sa mga pagpapalagay na
kailangan ng lipunan na mapangalagaan ang talong uri ng pamumuhunan (ekonomiya, lipunan, at
likas na yaman) na maaaring walang katumbas o hindi kayang palitan at ang paggamit dito ay
hindi kayang iwasan.

74
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Ang Hamong Kaugnay ng Climate Change

Lunsaran

Panoorin ang bidyo at pagkatapos ay magbigay ng realisasyon tungkol dito.

https://www.youtube.com/watch?v=iOjyCHA_PeA.

Nilalaman

Gaya ng sustentableng kaunlaran, konektado sa sitwasyon ng kaliaksan ang isyu ng climate

change. Bukambibig ng maraming tao ang climate change. Kung tutuusin, pabago-bago naman
talaga ang klima. Gayunpaman, bunsod ng global warming, naging masidhi at wala nang pardon
ang mga pagbabago sa klima sa nakaraang dekada. Global warming o ang itinuturong dahilan ng
pagbabago sa klima. Ang pagtaas na ito ng temperature ay bunga ng pagtaas ng greenhouse gas
emission sa atmospera sa mga nakalipas na dekada dahilsa industriyalisasyon na ngayo‟y
mauunlad na bansa sa Kanluran at umuunlad na bansa sa Silangan.
Ang mga greenhouse gas emission na ito ay nakahadlang sa pagsingaw ng init na dulot ng
araw. Sa halip na malayang makasingaw palabas sa atmospera, natrap o nabitag ang init ng araw
sa daigidig dahil sa mataas na konsentrasyon ng greenhouse gas sa atmospera. Gaya ng sinasabi
nang marami, nawala na ang balance ng kalikasan. Mas uminit ang temperatura lalo na sa mga
lugar na tropikal. Humahaba at lumalala ang panahon ng tagtuyot sa ibang lugar, at sinasaklaw na
rin nito maging ang mga lugar na dati rati‟y hindi naman nakakaranas ng tagtuyot. Ang mga bagyo
ay lalong naging malalakas, bagay na nagbubusod ng malawakang pagbaha maging sa mga lugar
na dati‟y hindi binabaha. Umuulan na nang yelo sa ibang lugar an dati rati‟y hindi naman

75
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

nangyayari iyon. Tumataas na ang lebel ng tubig sa dagat (sea level) dahil sa pagkalusaw ng yelo
sa rehiyong Artiko.
Malawak at masaklaw ang epekto ng climate change sa iba‟t ibang aspekto ng pamumuhay
ng mga mamamayan sa buing daigdig. Higit na ramdam at tuwiran ang epekto ng climate change
sa aspektong pang-ekonomiya. Bunsod ng climate change, naging mas mahirap na ang pagtantiya
sa tamang panahon ng pagtatanim. Sa tindi ng pagtaas ng temperatura sa iba‟t ibang lugar, naging
normal na ang tagtuyot at desertipikasyon sa maraming panig ng mundo. Bunsod naman ng
paglakas ng mga bagyo at poagtaas ng sea level, naging madalas din ang insidente ng pagkawasak
ng mga pananim. Sa pangkalahatan, ang climate change ay may negatibong epekto sa seguridad
sa pagkain ng daigdig. Nagdulot ito ng global na pagtaas sa presyo ng mga karaniwang pagkain o
staple ng mga mamamayan sa daigdig gaya ng bigas, mais, at iba pang pagkaing butyl.
Isa pang aspektong ekonomiko ng climate change ang mataas na gastusin sa disaster risk
response at mitigation. Halimabwa, bilyon-bilyong dolyar bawat taon ang ginagasta ng buing
daigdig para sa relokasyon at pagpapakain sa mga biktima ng matitinding baha, bukod pa sa
aktuwal na pinsala ng bagyo sa buhay at kabuhayan ng mga mamamayan. Halimbawa, batay sa
pagtatay ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III, $8.9 bilyon ang kailangan para sa
rehabilitasyon ng mga lalawigang apektado ng bagyong Yolanda (Haiyan) noong 2013. Ayon
naman sa AIR Worldwide, isang kompanyang eksperto sa “catastrophe risk modeling software
and consulting services,” tinatayang $14.5 bilyon ang halaga ng pinsala ng bagyong Yolanda sa
mga ari-ariang residensyal, komersyal, at agricultural. Samakatuwid, nakabawas sa pondo para sa
iba pang serbisyong panlipunan ang paglalaan ng pondo para sa disaster risk response at
mitigation.
Bukod dito, isa pang suliraning ekonomiko na dulot ng climate change ay ang posibleng
pagbagal ng paglago ng ekonomiya ng mundo kapag ganap nang ipinatupad ang mga kasunduan
sa paglimita sa greenhouse gas emission ng mga bansa. Ang mga industriya ng daigdig ay pawang
nakakapgdudulot ng pagtaas ng greenhouse gas emission kaya anumang paglimita sa gayon ay
tiyak na makaaapekto sa paglago ng ekonomiya ng mundo. Kailangang balansehin ang
pangangalaga sa kalikasan at ang paglago ng ekonomiya, isang bagay na napakhirap ipatupad.
Dahil sa likas na kahirapan ng pagpapatupad ng mga kasunduang pandaigdig hinggil sa
climate change gaya ng paglimita sa greenhouse gas amission, may aspektong politikal din ang
climate change. Halimbawa, ang Kyoto Protocol na isa sam mga kasunduan naglilimita sa
greenhouse gas emission, ay hindi pa niraratipikahan ng U.S, ang bansang sa kasalukuyan ay may
pinakamalaking GDP. Bunsod nito, bantulot din sa pagpapatupad ng Kyoto Protocol ang iba pang
bansang industriyalisado. Maraming bansa rin ang hindi pa ganap na umaayon sa implementasyon
ng Kyoto Protocol dahil sa napakalaking halagang kailangan sa paglimita sa greenhouse gas
emissions. Halimbawa, ayon sa isang ulat ng International Energy Agency (IEA), ang paggamit
ng energy resources na mababa sa carbon sa halip na fossil fuels ay kailangang gastusan ng $44
trilyon mula 2014 hanggang 2050.
Isang pang politikal na usaping kaugnay ng climate change ang paggigiit ng mahihirap na
bansang pinakaapektado nito na piliting magbayad-pinsala sa kanila ang mayayamang
industriyalisadong bansa. Sa kanilang opinion, ang climate change ay direktang bunga ng ilang
dekadang industriyalisasyon ng mauunalad na bansa sa Kanluran na hindi lamang sila ang may
pananagutan sa climate change dahil nga ang mga bansa sa Silangan ay may sarili na ring mga

76
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

industriya na nakapagdudulot din ng pagtaas sa greenhouse gas emission. Bungan g ganitong

debate, nagiging mabagal ang consensus sa pagtugon sa mga hamon ng climate change. Tila mga
batang nagtuturuan sa pananalasa ang climate change sa iba‟t ibang panig ng mundo.
Sa pangkalahatan, apektado rin ng climate change ang aktuwal na pamumuhay ng mga
mamamayan sa daigdig. Sa Pilipinas, dahil halos naging regular na ang matinding pagbaha sa
mababang lugar, naging pangkaraniwan na rin ang pagbuhay at pagpapalakas sa sistemang
kapitbahayan at bayanihan. Ang mga kumang kaisipan na kapaki-pakinabang sa mabilis ng pag-
aksiyon sa panahon ng kalamidad ay muling naipatatampok. Samantala, nanganganib naming
mabura o kaya magbago nang ganap ang sistema ng pamumuhay ng mga bansang gaya ng
Maldives na ang teritoryo‟y malapit nang mawala sa mapa dahil sa climate change. Kapag nawala
ang kanilang teritoryo, isang matinding hamon sa kanila ang paglipat o relokasyon sa ibang bansa.
Tiyak na mapipilitan silang baguhin ang kanilang sistemang pamumuhay dahil kailangan nilang
makiangkop kahit bahagya sa mga bansang magiging bago nilang tahanan.
Sa Pilipinas, pahapyaw na makikita ang ganitong pagbabago sa sistema ng pamumuhay
ng mga mamamayan bunsod ng climate change. Sa mga lalawigan sa Cordillera, halimbawa, unti-
unti nang naglalaho ang mga payaw o hagdan-hagdang palayan bunsod ng matinding pagtaas ng
temperatura na hagdudulot ng pagkawasak sa mga likas na sistema ng irigasyon ng dati-rati‟y
bumubuhay sa mga payaw. Sa pagkawala ng mga payaw, ang mga mamamayang dating
nagsasaka‟y napipilitang magahanap ng ibang pagkakakitaan, o kaya‟y lumipat sa mga lugar na
urban para naman maghanap ng oportunidad sa idustriya ng turismo. Pinakamasahol, ang ilan sa
mga mamamayan ng mga lalawigan sa Cordillera ay naging mga palaboy na ring pulubi sa
Kamaynilaan bunsod ng kawalan ng sapat na oportunidad sa kanilang mga lugar na maaaring
makapag-compensate sa pagkawala ng kanilang hanapbuhay sa agrikultura (Tan, Michael. @016.
“We Would Never Beg.” Inquirer). Samantala sa mauunlad na bansa naman, lumalakas ang
kampanya para sa paglimita sa pagkonsumo o pagbili ng mga produktong nililikha sa pamamagitan
ng mga proseso na nagdudulot ng mataas na greenhouse gas emission. Ilan sa mga ganitong
produkto ang karne ng baka, soya bean, mga gadget, at iba pa. Sa pangkalahatan, lumalakas na rin
ang kampanya para sa pagtitipid ng kuryente dahil maraming planta ng enerhiya sa mundo ay
pinatatakbo gamit ang mga fossil fuel na nagdudulot din ng pagtaas sa greenhouse gas emission.
Gayundin, binago ng climate change ang perspektiba ng mga mamamayan hinggil sa kaunlaran.
Dati, inaakalang ang paglago lamang ng ekonomiya ang mahalagang aspekto ng kaunlaran.
Naging tila lubhang antroposentriko o nakasentro sa sankatauhan ang depenisyon ng kaunlaran.
Dahil sa climate change, unti-unting nauunawaan ng tao na ang pangangalaga sa kalikasan ay
dapat maging bahagi rin ng mga salik sa kaunlaran, sapagkat walang saysay ang anumang paglagi
sa ekonomiya kung wawasakin lamang ito ang pagiging sustentable ng daigdig.

Tugon ng Pilipinas sa Climate Change

Ang pagbabago ng klima ay isinisisi sa pagtaas ng greenhouse gases na siyang nagpapainit
sa mundo. Sinasabing ito ay nagbubunga ng sakuna katulad ng baha at tagtuyot na dahilan ng
kamatayan ng sakit ng tao.
Bilang tugon sa climate change, isinabatas ng Pilipinas ang Btas Republika Bilang 9729 o
Climate Change Act of 2009. Itinatadhana ng nasabing batas ang pagtatatag ng Climate Change
Commission sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo, na siyang tanging ahensiya ng gobyerno na

76
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

magtatakda ng mga patakaran at magsisilbing tagapag-ugnay, tagamonitor, at tagasuri ng mga

aktibidad ng pamahalaan kaugnay ng climate change” at “aktibasyon ng mga local government
units (LGUs) bilang mga ahensya ng pamahaaln na magiging pangunahing tagapagpatupad ng
mga planong hakbang kaugnay ng climate change.” Ang pagbibigay-diin sa gampanin ng mga
LGU ay mahalaga sapagkat ito rin ang mga pangunahing yunit ng pamahalaan na agad
makatutugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan sa panahon ng kalamidad na dulot o
pinalalala ng climate change.
Bahagi ng tungkulin ng Climate Change Commission ang pagbuo ng National Climate
Change Action Plan (NCCAP) na sumasaklaw sa pitong prayoridad na nakaangkla sa mga
pangunahing kahinaan ng bansa: seguridad sa pagkain; kasapatan ng suplay ng tubig; seguridad
pantao; sustentableng enerhiya; mga industriya at serbisyong climate-smart; paglinang ng
kaalaman at kapasidad. Batay sa mga prayoridad na ito, malinaw na ang mga planong aksyon ng
bansa kaugnay ng climate change ay isang pagsisikhay na sumasaklaw sa marami pang ibang
ahensiya tulad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR); Department of
Agriculture (DA); Department of Energy (DOE); Department of Trade and Industry (DTI);
Department of Public Works and Highways (DPWH); Department of Social Welfare and
Development (DSWD); Department of Interior and Local Government (DILG); Metropolitan
Waterworks and Sewerage System (MWSS); Local Water Utilities Administration (LWUA);
National Fodd Authority (NFA); Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BEAR), at iba pa.

77
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Polusyon sa Tubig, Hangin at Lupa

Lunsaran

Panoorin ang bidyo pagkatapos ay magbigay ng mga sanhi at bunga ng mga kaganapan
sa ating kapaligiran. https://www.youtube.com/watch?v=wINpYbATXjM

Nilalaman

Simula pa lang, maganda na talaga ang ating kapaligiran, sariwa ang hangin, malinis ang
katubigan, tahimik ang mamamayan, walang basura na nakakalat kung saan saan at higit sa lahat,
walang mga punong pinuputol. Polusyon, isang uri ng gawain na pinadudumi at sinisira ang lupa,
tubig, hangin, bayan, at atmosphere gamit ang mga dilikado at nakasisirang sangkap o maling
pamamaraan. Mayroong tatlong uri ng polusyon, hangin, tubig at lupa.
Ang polusyon sa hangin ay ang mga usok na nag mumula sa mga pabrika at mga iba't-
ibang bagay na sinusunog na sumasama sa hangin at nagiging resulta sa pagka sira ng ating ozone
layer. Ang polusyon naman sa lupa ay ang mga dumi at kalat ng mga basura galing sa mga
mamamayang iresponsable at walang disiplina. Ito rin ang mga pagputol ng mga puno sa ating
mga kapaligiran. Ang polusyon sa tubig ay ang mga dumi na nangagaling sa pabrika, mga basurang
itinatapon sa tubig, at mga dumi galing sa kanal.

78
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Dapat nating mapigilan ang lahat ng ito dahil nakakadulot ito ng kasamaan hindi lang sa
ating bansa kundi sa buong mundo. Maraming mga paraan para mapigilan ito. Isa na dito ay ang
pagtapon ng mga basura sa tamang paraan, pagtitipid ng enerhiya, obserbahan ang mga
nakakasama sa kapaligiran, maging isang responsableng mamamayan at marami pang iba. Bilang
isang estudyante makakatulong ako sa ating bansa na panatilihin nating malinis ang kapaligiran sa
paraan ng pagturo sa aking sarili at sa aking mga kapwa na pangalagaan ang mga nasa paligid
natin.
Karaniwang bunga ng industriyal na aktibidad ang polusyon sa tubig sa bansa. Marami sa
mga pabrika sa bansa ang walang liquid waste treatment facilities kaya karaniwang ang mga ilog
ang nagiging taounan ng mga duming nagmumula sa mga ito. Ang sitwasyon ng Ilog Pasig ay isa
sa magpapatunay sa ugnayan ng industriyal na aktibidad at polusyon sa tubig. Kapansin-pansin na
ang kahabaan ng Ilog Pasig na bumabaybay sa iba‟t ibang lungsod ng Metro Manila gaya ng Pasig,
Maynila, Taguig, Makati, Marikina, at Quezon ay punong-puno ng mga pabrika, lalo na noong
dekada ‟90. Bukod sa mga pabrikang naglalabas ng duming likido na hindi isinasailalim sa
treatment, pinalalala rin ng paglobo ng populasyon ng mga naninirahan sa gilid ng Ilog Pasig ang
polusyon nito. Bagama‟t karaniwang isinisisi sa mga informal settler o squatter ang ganitong
penomenon, dapat bigyang-diin na sa kahabaan ng Ilog Pasig ay napakarami na ring matataas na
gusaling residensyal na ang mayayaman at nasa panggitnan uri lamang ang nakakabili. Ang mga
gusaling residensyal na ito ay nagdudulot din ng polusyin sa tubig sapagkat ang mga sewage
system ng mga ito ay karaniwang direkta o kaya tumatagas tunging Ilog Pasig. Ang kawalan ng
sentralisadong pagpaplano sa Metro Manila ang isa sa mga salarin sa walang rending paglobo ng
populasyon sa gilid ng Ilog Pasig.
Sa ibang lugar gaya sa Marinduque, ang pagmimina ay isa ring sanhi ng polusyon sa tubig.
Noong 1996, nagkaroon ng aksidente sa pagmimina ng kompanyang Marcopper. Nasira ang isang
bahagi ng waste treatment facilities ng Marcopper kaya bigkang umagos ang nakalalasong dumi
sa Ilog Baoc mula roon. Bunsod sa trahedyang ito, ang Barangay Hinapulan ay nailibing sa putik,
at nakontamina ang tubig sa mga karatig-lugar. Nagkamatay rin ang mga isda at iba pang nasa Ilog
Baoc. Mula noo‟y itinuring nang patay na ilog ang 26 na kilometrong Ilog Baoc. Dahil sa tindi ng
polusyon mula sa Marcopper, hindi na kayang mabuhay ng anumang organism sa nasabing ilog.
Noong 2005, nagsampa ng kaso sa U.S laban sa may-ari ng Marcopper ang pamahalaang lokal ng
Marinduque uoang papanagutin ang kompanya sa polusyong dulot nito na sumira sa buhay at
kabuhayan ng mga mamamayan doon.
Kung ang polusyon sa tubig ay nagdudulot ng kontaminasyon ng mga pinagkukunan ng
tubig ng mga mamamayan, bukod pa sa kontaminasyon ng mga anyo ng tubig na pinagkukunan
ng kabuhayan ng mga mangingisdang Pilipino. Ang polusyon naman sa hangin ay sanhi ng
pagdami ng insidente ng pagkakasakit sa baga at sa puso ng mga Pilipino. Ang polusyon sa hangin
ay inaakalang karaniwang dulot din ng mga industriyal na aktibidad. Gayunpaman, ayon sa 2006
National Emission Inventory ng DENR, 65% ng polusyon sa hangin sa bansa ay mula sa mga
sasakyan at 21% lamang ang magmumula sa mga di-natitinag o stationary sources gaya ng mga
pabrika at mga planta ng koryente na gumagamit ng mga fossil fuel gaya ng coal at petrolyo. Ayon
sa datos ng World Bank, may 29 at 30 sasakyan para sa bawat 1000 tao sa bansa noong 1999-2003
at 2004-2008. Batay naman sa ulat ng Chamber of Automotive Manufacuturers of the Philippines
Inc. (Campi) at ng Truck Manufacturers Association (TMA), patuloy na tumataas ang kabuuang
benta ng mga kotse sa Pilipinas sa mga nakalipas na taon.

79
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Matinding suliranin din ang polusyon sa lupa. Ang polusyon sa lupa ay tumutukoy sa
kontaminasyon ng lupa sa pamamagitan ng pagtatambak ng mga basura sa ibabaw ng lupa at
pagtagas ng mga dumoo o kemikal sa ilalim ng lupa. Nagbubunsod ng pagbaba ng produktibidad
ng lupa para sa agrikultura ang polusyon sa lupa. Samakatuwid, malaki ang epekto nito sa
pagkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain sa bansa. Ang mga dumi na sanhi ng polusyon sa lupa
ay karaniwang nagmumula sa mga industriyang illegal na nagtatambak ng basura sa iba‟t ibang
lugar, mga dumi ng hayop, pagtagas ng nakalalasong likido mula sa mga tambakang walang
pasilidad ng treatment, at paggamit ng mga pestisidyo na may nakalalasong kemikal. Bukod sa
negaibong epekto nito sa sapat na suplay ng pagkain, ang polusyon ng lupa ay sanhi rin ng mga
depekto sa mga sanggol na isinisilang sa mga lugar na kontaminado ang lupa. Marami ring kaso
ng pagkakasakit ng mga tao-tulad ng kanser-na naitatala dahil sa polusyon ng lupa na nagdudulot
din ng kontaminasyon sa mga pinagkukunan ng tubig at ng mga pananim.

80
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Pagmimina sa Pilipinas; Sanhi ng Pagkasira ng Kalikasan,

Pakinabang para sa Iilan

Lunsaran

Panoorin ang bidyo pagkatapos ay magbigay ng mga reyalisason at sulosyon sa mga

problemang ito. https://www.youtube.com/watch?v=kAL7yeP4qh0

Nilalaman

Ang tanging sanhi kung bakit mayroong pagmimina ay isa sa ating kailangan ang pagkuha
ng mga mineral na batong ito upang magamit ng ating mga kababayan para sa ating kabuhayan.
Dumarami ang mga nagmiminahan dahil malaking pera ang naibibigay sa kanila nito at ginagamit
nila ito upang sila'y lalong yumaman.
Problemang pangkalikasan din ang mapangwasak na pagmimina sa ilang bahagi ng bansa.
Bagama‟t nakapag-aambag nang kaunti sa ekonomiya ng bansa ang pagmimina, dapay bigyang-
din na nagdudulot din ito ng maraming suliraning panlipunan at pangkalikasan, gaya ng
dislokasyon ng mga katutubong mamamayan na karaniwang pinalalayas sa kanilang lupang
ninuno o ancestral domain at mga aksidente sa pagmimina. Ang mga epekto ng malawakang
pagmimina ay itinala ng isang aklat ng Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) na
inilathala noong 2005. Ayon sa PRRM, ang pagmimina ay nagdudulot ng pagkawasak ng natural
na habitat o tirahan ng mga hayop; pagkalason ng mga ilog at kontaminasyon ng lupa na dulot ng
mga tumagas na kemikal sa minahan; pagkawala ng natural na taba ng lupa; peligrong bunga ng

81
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

mga estrukturang tulad ng dam na maaaring magdulot ng biglaang pagbaha; polusyon dahil sa
pagtagas ng kemikal sa mga drainage ng minahan, pagtagas ng petrolyo mula sa mga makinarya
at iba pang aparato, pagtagas ng mga kemikal sa waste treatment facilities, pagbuga ng usok ng
mga makinarya sa pagmimina, pagbuga ng alikabok na dulot ng pagdurog sa lupa at mga bato, at
paglabas ng methane mula sa mga minahan.
Maraming pangyayari sa bansa ang nagpapatunay na hidni sapat ang proteksiyong
pangkalikasan na ipinatutupad ng malalaking korporasyong nagmimina. Noong 2005, tumagas sa
mga karatig-katubigan ang mine tailings mula sa ore processing mill ng Rapu-rapu Pollymetaliic
Project (RRP) Regis , Emelina, 2007. “The Tradegy of Mining in Rapu-rapu Island Ecosystem,
Albay Province.” Malalaking quantity ng nakalalasong of Mining in Rapu-rapu Island Ecosystem,
Albay Province.” Malalaking quantity ng nakalalasong cyanide ang tumagas sa mga katubiagn ng
nagdulot ng pinsala sa isda at iba pang organism roon. Noong 2012 naman, inatasan ng gobyerno
ang Philex, isa sa mga pinakamalaking korporasyong nagmimina sa bansa, na magbayad ng P1.034
bilyong mullta pagkatapos na masira ang tailings pond sa Benguet. Humigit-kumulang 20 milyong
metrikong tonelado ng duming mula sa minahan ang tumagas sa mga katubigan sa paligid ng
minahan ng Philex. Noong 2011, nagsampa naman ng kaso sa Korte Suprema ang taga-Surigao
upang ipahinto ang mapaminsalang operasyon ng limang korporasyong nagmimina na pag-aari ng
mga Tsino, na nagdulot ng polusyon sa katubiagn bunsod ng open-pit na pagmimina.
Ang matinding pinsala sa kalikasan na dulot ng pagmimina ay maaari sanang maibsan kung
ang mga korporasyong nagmimina ay nagbabayad ng sapat na buwis na maaaring magamit sa
rehabilitasyon ng mga lugar na napinsala. Sa kasamaang-palad, hindi gaanong malaki ang ambag
ng mga korporasyong nagmimina sa GDP ng bansa, at maliliit na porsiyento lamang din ito ng
kita sa buwis ng gobyerno.
Bunga nito, matapos mahalukay ang yamang natatangi sa lugar ay iniiwan na lamang
nilang nakatiwangwang. Kalimitan pa ang sistema ng pagproproseso sa pagmimina ay isang
maskarang mapanlinlang, na kung saan ang likido at kemikal na ginagamit ng ilang ganid na
dambuhalang korporasyon ay pimupinsala sa balanse ng isang ekosistema na unti-unting
pumapatay sa kahinaan ng mga may buhay sa isang kapaligiran na kung saan nagaganap ang 'di
makatuwirang aktibidades. Hindi lamang iyon, ito rin ay may malaking dulot sa pang-kabuhayang
sakahan at pangisdaan ng ating mga maralitang kababayan at lalot higit sa ating mga kapamilyang
katutubo... Damay din dito ang kalusugan ng ilan nating mga kababayan, na kung saan
naapektuhan ng nasabing pagmimina.

83
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Deforestation, Mabilis na Urbanisasyon, at Iba pa

Lunsaran

Panoorin ang bidyo at pagkatapos ay suriin kung paano inilantad ekonimikong problemang
kinakaharap ng mga Pilipino https://www.youtube.com/watch?v=em1eRDsXD4U.

Nilalaman

Isa pa sa mga suliraning pangkalikasan sa bansa ang pagkalbo sa mga kagubatan o

deforestation. Sa mga nakalipas na taon ay bumilis ang deforestation sa bansa, at lalong lumalawak
ang saklaw nito, bunsod ng mabilis na urbanisasyon, legal at ilegal na pagtotroso, pagkakaingin,
pagmimina, at mga sunog sa kagubatan (forest fires). Ipinapakita sa talahanayang ito ang mabilis
na pagkawasak ng mga kagubatan mula noong panahon ng kolonisasyon ng mga Espanol
hanggang sa dekada ‟90. Kapansin-pansin na malaking-malaki ang nabawas sa kagubatan ng bansa
mula noong 1950 hanggang 1990, panahong talamak ang pagtotroso dahil sa mataas na demand
sa mga materyales na pang-eksport.
Ang Pilipinas' na maliwanag na panganib sa mga natural na kalamidad ay dahil sa kanyang
lokasyon. Ang pagiging isang bansa na namamalagi sa Pacific Ring of Fire, ang mga ito ay
madaling kapitan ng sakit sa lindol at mala-bulkan eruptions. Sa karagdagan, ang bansa ay
napapalibutan ng mga malalaking katawan ng tubig at nakaharap sa Pacific Ocean kung saan 60%
ng mundo ng mga bagyo ay ginawa. Isa ng ang pinaka-nagwawasak bagyo na tumama sa Pilipinas
noong 2013 ay Typhoon Haiyan, o "Yolanda", na pumatay ng higit sa 10,000 mga tao at nawasak
ng higit sa isang trilyong pisong halaga ng mga ari-arian at pinsala sa iba ' t ibang sektor. Iba pang
mga kapaligiran mga problema na ang mga bansa ay nakaharap isama ang polusyon, ilegal na

84
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

pagmimina at pagtotroso, deforestation, dinamita sa pangingisda, landslides, coastal pagguho ng

lupa, mga hayop pagkalipol, global warming at pagbabago ng klima.
Batay sa pananaliksik ng grupong Kalikasan, ang pagmimina ay sanhi rin ng deforestation
dahil pinayagan ng Mining Act of 1995 ang mga korporasyong nagmimina na mamutol ng puno
sa mga lugar na saklaw ng kanilang operasyon. Ayon sa Kalikasan, noong 2011 ay 1 milyong
ektarya ng kagubatan ang saklaw ng mga permit at aplikasyon sa pagmimina. Idinagdag pa ng
nasabing grupo na ang pagtatanim ng mga halamang nakapgpoprodyus ng biofuels tulad ng
jatropha ay nakasisira rin sa likas na kalagayan ng mga kagubatan sa bansa. Ang pagtatanim ng
species na hindi bahagi ng natural na ekosistema ng isang lugar ay itinuturing na hindi kapaki-
pakinabang na uri ng reforestation. Upang maging kapaki-pakinabang at epektibo ang
reforestation, kailangang ang itanim sa mga kagubatan ng bansa ay ang species tulad ng narra,
molave, yakal at iba pa, na natural na bahagi ng ekonomista ng mga kagubatan sa bansa.
Bunga ng malawakang pagkawasak ng mga kagubatan, ang maraming lugar sa Pilipinas
mula sa Marikina Valley at Rodriguez, Rizal sa Luzon, hanggang sa Davao City sa Mindanao, ay
nawalan na ng natural na proteksiyon sa bagy at pagbaha. Gayundin, nagdudulot na ng pagguho
ng lupa sa ilang lugar ang malawakang deforestation. Bukod dito, maraming species ng hayop ang
nawawalan ng tirahan bunsod ng deforestation. Samakatuwid, namemeligrong malagay sa listahan
ng endangered species ang maraming hayop na nakatira at kumukuha ng pagkain sa mga
kagubatan ng bansa. Ang deforestation, gaya ng polusyon, ay problemang dulot ng mabilis na
urbanisasyon.

85
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Basura, Baha, at Iba pang Problema

Lunsaran

Panoorin ang bidyo at pagkatapos ay tanungin ang sarili ano ang magagawa mongsolusyon
dito bilang tao. https://news.abs-cbn.com/news/06/06/18/tamang-pangangasiwa-ng-basura-dapat-
magsimula-sa-mga-bahay-denr.

Nilalaman

Hindi na bago sa mga Pilipino ang ideya na ang kaunlaran ay nagdudulot ng pagkasira ng
kapaligiran. Ayon sa popular na kanta ng Asin, hindi masama ang pag-unlad kung hindi nakakasira
ng kalikasan. Ngunit kung ikaw na ordinaryong tao ang tatanungin, gaano ba kalaki ang
kontribusyon mo sa pagkasirang ito? Karaniwan na sa kanayunan ang pagsusunog ng basura sa
paligid ng bahay pagkatapos silang walisin at ipunin sa isang tabi. Imbes na sunugin, ano naman
ang maaari nilang gawin dito? Ibaon sa likod ng bahay para maging pataba? Paano naman ang
mga basurang hindi nabubulok kaagad sa ilalim ng lupa? Saan sila itatambak? Ang suliranin sa
pagtatapon ng basura ay isa lamang sa maraming usaping pangkalikasan, at ito ang totoong
kaakibat ng pag-unlad ng lipunan.
Sa pag-unlad ng lipunan, dumarami ang mga produktong nalilikha ng tao: mga produktong
nakakatulong sa pagpapagaan sa proseso ng pagtatanim ng palay at iba pang pinagkukunan ng

86
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

pagkain; mga produktong nakakapagpadali sa pagdadala ng mga produktong agrikultural; mga

produktong nakakapagpaginhawa sa pamumuhay at sa mga gawain sa loob ng tahana; mga
produktong nagbibigay saya o mga produktong pang-sining; mga produktong nagluluwal ng iba
pang produkto; at marami pang klase ng produkto na nalilikha sa sangkatauhan. Kahit ang mga
hayop ay nagtatapon din ng basura. Pero huwag na natin silang sisihin sa problemang hindi nila
kayang lutasin. Masisisi ba natin ang mga ibon na kung saan-saan na lang binabato ang mga buto
ng prutas pagkatapos itong kainin? Ang mga unggoy sa gubat na kung saan-saan lang tinatapon
ang balat ng saging? Ang mga baboy ramo na kung saan-saan lang tumatae (pasensya na sa mga
kumakain)? Bumalik tayo sa mga tao. Ano nga ba ang solusyon sa suliranin sa basura? Masasagot
natin ito kung maiintindihan natin kung paano umusbong ang parami nang paraming basura na
nalilikha natin. Kung mga hayop ay hindi natin masasangkot sa problemang ito, mayroon ding
pagtatanggi sa laki o liit ng ambag ng bawat tao sa problemang ito.
Sa mga lugar na urban ay karaniwang malaking problema ang basura, na karaniwang isa rin sa
mga dahilan ng pagbabara ng mga kanal at estero, at nakapaghpapalala ng baha kapag tag-ulan.
Maaari itong lutasin sa pamamagitan ng waste management o paglimita, pagbabawas o kaya‟y
wastong pagtatapon ng mga basurang likido at solido ng naglalayong panatilihin ang kalinisan ng
kapaligiran, at tiyakin na ang mga likas na yaman ng daigdig ay magiging sustentable para sa mga
susunod na henerasyon. Madalas, wastong pagtatapon ng mga basura ang pangunahing tuon ng
mga programa sa waste management dahil ito ang piankamdaling ipatupad. Ang proseso ng
wastong pagtatapong ng mga basura ay nagsisimula sa segregasyon at koleksiyon nito. Sa mga
lugar na hindi bahagi ng nakagawian ng mga mamamayan ang segregasyon, nauuna ang
koleksiyon at pagkatapos isinasagawa ang segregasyon o paghihiwa-hiwalay ng mga basura ayon
sa mga sumusunod na kategorya: nabubulok, di-nabubulok ngunit di-nairerecycle; di-nabubulok
ngunit nairerecycle; kemikal, lason, basurang mula sa mga ospital (hospital waste), at iba pang
katulad nito.
Hangga‟t maaari, kailangan ng materials recovery facility (MRF) upang maisagawa nang
maayos ang segregasyon. Sa MRF ay agad na maihihiwalay ang mga maaari pang pakinabangan
sa mga basura na dapat nang itapon. Karaniwan, ang mga basurang nabubulok (basurang
organikko gaya ng dahon, tiring pagkain, dunmi ng hayop, at iba pa) ay binubulok at pinoproseso
upang maging lupa o pataba. Samantala, ang mga basurang di-nabubulok at hindi rin nairerecycle
ay karaniwang itinatapon sa mga sanitary landfill o mga kontroladong tambakan ng basura na
pinaiibabawan ng lupa kapag puno na. Ang mga basurang nabubulok at maaaring irecycle (tulad
ng mga sisidlang plastic at tecjnology junk gaya ng mga siranng kompyuter at cellphone) ay
ipinapadala sa mga plantang nagrerecycle. Ang mga kemikal, lason, at iba pang katulad nito ay
dinadala naman sa mga waste facilities o mga pasilidad na nagpoproseso ng kemikal at iba pang
dumi upang hindi makapinsala sa kalikasan ito. Ang mga hospital waste ay karaniwang sinusunog
sa mga incinerator sa mga bansang pinapayagan pa iyon. Sa maraming bansa naman, karaniwang
sa sanitary landfill ipinapadala ang mga basurang mula sa ospital.
Bukod sa wastong pagtatapon ng basura, ang paglilimita at pagbabawas ng basura ay bahagi
rin ng waste management. Ang dalawang prosesoong ito‟y mabisang naipatutupad sa
pamamagitan ng kampanyang reuse, reduce, recycle o kampanya ng muling paggamit o
paghahanap ng mapaggagamitan sa mga bagay na inaakalang patapon na, pagbabawas ng bassura,
at pagrerecycle o pagpoproseso ng basura upang muli itong magamit. Sa pangmatagalan, ang
pagbibigay-diin sa paglilimita at pagbabawas ng basura ay lalong nagiging mahalaga sapagkat ang

87
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

walang rending paglikha ng basura ay tiyak na makapipinsala sa kalikasan. Limitado lamang ang
kapasidad ng mundo sa paglikha ng mga bagong sanitary landfill para sa mga basurang hindi ma
maaaring mai-recycle.

Komunikasyon at mga Suliraning Lokal at Nasyonal

Bilang mga mag-aaral ng komunikasyon sa Filipino, isang kahingian na maunawaan ang
mga tinatalakay sa suliraning lokal at nasyonal. Mahalaga ang papel ng komunikasyon, ng
pakikipagtalastasan sa paglalarawan, pagtalakay, at paghahanap ng mga solusyon sa mga problema
n gating mga komunidad at ng buong bansa. Sa antas ng lokal at nasyonal na gobyerno, mahalaga
ang komunikasyon upang matiyak na matitipon ang input mula sa mga komunidad para sa
pagpaplano ng mga patakaran at aksiyon ng pamahalaan hinggil sa mga nabanggit na suliraning
local at nasyinal. Susi rin ang komunikasyon sa iba‟t ibang paraan upang maipalaganap ang
impormasyon hinggil sa mga bagong patakaran ng gobyerno kaugnay ng mga isyung panlipunan.
Sa lebel naman ng akademiya o unibersidad na kinabibilangan ng mga estudyante ng
komunikasyon, walang pananaliksik na maisasagawa nang maayos at mabisa kung walang
pagmamasid, pagtatanong, pakikisalamuha, pakikipag-usap, pakikipagtalakayan, at
pakikipamuhay sa mga komunidad ng mga kapuwa Pilipino. Samakatuwid, mahalaga ang
kasanayan sa komunikasyong Filipino sa pagbabahaginan ng salaysay at karanasan sa iba‟t ibang
pangkat sa mga komunidad na ating kinabibilangan.

88
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

YUNIT V
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL
(IKALAWANG BAHAGI)

Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo

Panimula

Ipakikita sa yunit na ito ang mahalagang papel ng wikang Filipino bilang

kontekstwalisadong wika ng komunikasyon na magagamit sa konteksto ng mga napapanahong
isyu o usapin sa bansa sa antas na lokal at nasyonal.
Sa yunit na ito, hinati ang pagtalakay sa mga reyalidad ng lipunang Pilipino sa dalawang
bahagi: ang globalisasyon bilang bahagi ng buhay ng tao at ang mga sanhi at bunga ng korapsyon
sa kontekstong Pilipino. Idinisenyo ang pagtalakay sa paraang madaling mauunawaan ng mga
mag-aaral ang bawat konteksto ng mga usapin sa pamamagitan ng pagbibigay-depinisyon,
pagpapaliwanag, at pagbibigay ng halimbawa.
Pagtitibayin din sa yunit na ito ang ginagampanang tungkuling ng Filipinisasyon ng
komunikasyon sa paglalapit ng ugat at mungkahing solusyon sa mga Pilipino sa paglutas ng mga
kontemporaryong suliranin sa lipunan.

Lunsaran

Kung bibigyan ka ng pagkakataon, mayroon ka bang lugar o bansa na nais mong marating?
Bakit gusto mo doon? Suriin ang larawan sa kaliwa. Anong konsepto ang binibigyang-larawan
nito? Paano nakaapekto ang globalisasyon sa lokal na kultura ng mga bansa lalo na sa mga bansang
papaunlad pa lamang tulad ng Pilipinas? Paano nakakamit ang isang matatag at nakikipagsabayang
maunlad na bansa sa gitna ng mga isyu at hamon ng migrasyon na dulot ng globalisasyon?

89
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Nilalaman

Sa mabilis na paglawak at pagbabago ng teknolohiya, masasabing ang mundo ay unti unti

nang nagiging isang malaking nayon. Mas nagiging malapit na ang bawat tao sa mundo bagamat
ang agwat nila ay magkalayo. Marahil na rin sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya, mas
napadadali na ang ating komunikasyon, transportasyon, at ang pagkakaroon ng interaksyon sa iba‟t
ibang panig ng mundo. Ang prosesong ito ay ang tinatawag nating “globalisasyon”.
Ang globalisasyon ay ang pang-ekonomiyang proseso na tumutukoy sa integrasyon at
interaksyon ng mga tao at organisyason ng iba‟t ibang bansa. Sa madaling salita, ang globalisasyon
ay ang pagbubuklod ng magkakaibang bansa sa mundo. Sa tulong ng teknolohiya, ang
globalisyason ay nagpapabilis ng internasyonal na kalakalan at pamumuhunan. Habang ang paraan
o prosesong ito ay umiiral, ang mga tao nagkakaroon ng pandaigdigang palitan ng mga produkto,
impormasyon at mga kaugalian. Masasabing umusbong ang globalisasyon sa pamamagitan ng
mabilis na pag-unlad ng teknolohiya. Ang salitang ito ay tumutukoy din sa integrasyon ng
ekonomiks, kultura, politikal, relihiyon at sistemang sosyal ng iba‟t ibang lugar na umaabot sa
buong mundo. Ang globalisasyon ay nakadepende sa sa mga ginagampanan ng mga tao tulad ng
migrasyon, kalakalang panlabas, paglaki o pagliit ng kapital, at integrasyon ng financial market.
Sa tulong naman ng globalisasyon, ang pamantayang interes ng pandaigdigang pamilihan ay
tumutugma sa mga lokal na presyo, produkto at sahod ng isang bansa.
Ang globalisasyon ay kung paano nagiging global o pangbuong mundo ang mga lokal o
pampook o kaya pambansang mga gawi o paraan. Sa madaling salita, ginagawang magkakasama
sa buong daigdig. Tungkol ito sa ekonomiya at kalakalan, teknolohiya, politika, at kalinangan o
kultura. Magkakaiba ang pananaw at damdamin ng mga tao ukol sa globalisasyon: may mga nag-
iisip na nakakatulong ito sa lahat ng mga tao, habang may mga nag-iisip na nakapipinsala ito sa
ilang mga tao.
Ang isang hamon ng globalisasyong nagaganap sa larangan ng ekonomiya para sa iba‟t
ibang lipunan o bayan ay kung paano mapananatili at lalo pang maitataguod ang kani-kanilang
pambansang identidad sa harap ng mga pagbabagong dala at dulot ng nasabing globalisasyon,
tulad halimbawa ng mga pagbabagong dulot ng mga makabagong teknolohiya, sa kani-kanilang
kultura. Ang pagtataguyod ng pambansang identidad ng kamalayan ay bunga ng isang pilosopikal
na pagsusuri sa mga pundamental na bagay na nagbibigay ng identidad sa kamalayan sa
pangkalahatan at ng pagsisiyasat sa kung paano maitataguyod ang pambansang identidad ng
kamalayan hango sa mga bagay na kinabibilangan ng mga bagay kung saan nakatuon ang
kamalayan, ang mga pangangailangang pinupunan ng kamlayan, ang mga pamamaraan (mga
kategorya at wika) na ginagamit ng kamalayan, at ang konteksto (lugar at panahon) sa kaganapan
ng kamalayan. Samantala, ang nasabing pagsisiyasat ay isinasagawa.

90
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Sa kabila ng kaginhawaang naidudulot sa ating buhay ng globalisasyon, may mga

pangamba sa mga posibleng di-magagandang kahihinatnan nito. Ang ating kultura ay maituturing
na pinakakongkretong palatandaan ng ating pambansang identidad, kung kaya gumagawa tayo ng
mga paraan upang mapanatili ang integridad nito. Subalit sa harap ng mga pagbabagong dala at
dulot ng globalisasyon sa ating kultura, pinangangambahang baka maglaho ang integridad ng ating
kultura at sa kalaunan, ang ating pambansang identidad. Pinangangambahang baka maging bahagi
na lamang ang ating kultura ng isang pandaigdigang kultura na maaaring umusbong sa proseso ng
globalisasyon o kaya naman ng mga kultura ng mga makapangyarihang bansa na siyang mga
dominanteng manlalaro sa proseso ng globalisasyon. Pinangangambahan din na baka ang
globalisasyon ay isa lamang instrumento nga pananakop ng mga makapangyarihang bansa sa mga
di-makapangyarihang bansa, sa pamamaraang di-lantad o kaya ay nakalilinlang.
Samantala, ilan sa mga halimbawa ng globalisasyon ay ang mga sumusunod: pagkalat ng
mga multinasyonal at transnasyonal na korporasyon sa iba't ibang bansa (halimbawa: Matatagpuan
na ang Mcdo, Burger King, Toyota, Lenovo at iba pa sa iba't ibang parte ng mundo.), paglawak
ng paggamit ng internet (halimbawa: Dahil sa Facebook, matatawagan na ng taong nasa Europe
ay taong nasa Asya), paglaganap ng mga imported na produkto (halimbawa: Matatagpuan na ang
Hersheys, Cadbury, Pringles, at iba pa sa iba't ibang mga bansa), at ang pagkakaroon ng mas
malayang interaksyon ng mga bansa (halimbawa: ASEAN Integration sa pagitan ng mga bansa na
kabilang sa Association of Southeast Asian Nations).
May tatlong uri ng globalisasyon. Ito ay ang mga sumusunod: Politikal na globalisasyon
- ang pag-uugnay ng mga bansa sa pamamagitan ng mga politikal na usapin at kooperasyon; Sosyal
na globalisasyon - tumutukoy sa malayang pakikipag-komunikasyon at interaksyon ng mga tao
mula sa iba't ibang mga bansa; at ang Ekonomik na globalisasyon - ang pag-uugnay ng mga
bansa sa pamamagitan ng mga ekonomik na usapin at kooperasyon.

Kasaysayan ng Globalisasyon
Kung kailan nagsimula ang proseso ng globalisasyon ay hindi tiyak. Katunayan, may mga
manunulat ng kasaysayan na nagsasabing ang globalisasyon ay mauugat sa sinaunang panahon ng
malalaking imperyo (Imperyong Romano, Persian, Griyego, at Tsino). Anila, sa pamamagitan ng
napakalawak na saklaw ng mga nasabing imperyo ay naging pangkaraniwan na ang pagpapalitan
ng produkto mula sa iba‟t ibang imperyo (Makikita sa mapa ng Silk Road ang mga ruta ng mga
mangangalakal na nagdadala ng mga produkto mula Silangan tungong Kanluran at vice-versa.).
Gayunpaman, naging pormal lamang ang modernong porma ng globalisasyon ng kalakalan
ng lagdaan ng maraming bansa ang General Agreement on Tariffs and Trade (GATT) na mas kilala
ngayon sa tawag na World Trade Organization (WTO) mula pa noong 2014. Sa pamamagitan ng
GATT, ang restriksyon at limitasyon sa malayang kalakalan ay sinimulan ng maraming bansa.
Isang halimbawa nito ay mula noong dekada „90, unti-unti nang inalis ang mga taripa o buwis sa
maraming angkat na produkto. Naging dahilan ito ng mabilis na pagpapalitan ng mga produkto,
bagay na nagpalago sa ekonomiya ng maraming bansa. Bagama‟t tila lugi naman ang mga bansang
hindi industriyalisado o mga bansang agrikultural, sapagkat ang halaga ng kanilang karaniwang
eksport (hilaw na materyales at semi-manupaktura) ay mas mababa kaysa halaga ng kanilang
karaniwang import (makinarya) sa mga bansang indistriyalisado sa ganitong kalakaran.
Mahalaga rin ang papel ng mga internasyonal na institusyong pinansyal gaya ng World
Bank at International Monetary Fund sa globalisasyong ekonomiko. Ang mga institusyong ito ang
nagpapautang ng salapi sa mahihirap na bansang kasapi ng mga Nagkakaisang Bansa (UN) para
sa proyektong pangkaunlaran (patubig o irigasyon, imprastraktura, at iba pa) na may kondisyon

91
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

tulad ng pagpapataw ng mataas na interes, paniningil ng bago o mas mataas na buwis (para matiyak
ang pagbabayad sa utang), at pagtitipid sa mga serbisyong panlipunan. Ang mga gayong
kondisyon, sa pangmatagalan, ay nagiging tanikalang nagtitiyak na hindi na makababangon sa
utang ang mahihirap na bansa at sa halip ay paulit-ulit silang mangungutang. Isang halimbawa ang
Pilipinas. Sa mga nakalipas na dekada, napakalaking bahagdan ng pambansang badyet ay inilalaan
sa pagbabayad ng utang na patuloy pa ring luamalaki habang tumatagal.
Sa aspektong politikal ng globalisasyon, ang pagtatatag ng UN pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig ay maituturing na panandang bato o milestone. Naitatag ang UN bilang
tanda ng kanilang pangako sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagkakaisa ng daigdig, pagkatapos
ng mapaminsalang digmaang kumitil ng milyon-milyong buhay at nagwasak ng bilyon-bilyong
dolyar na halaga ng ari-arian. Samakatuwid, isinilang ang UN bilang bahagi ng paghahangad ng
mga bansa na maiwasan ang muling pagkakaroon ng digmaang pandaigdig at maitaguyod ang
kooperasyon ng mga bansa tungo sa paglutas ng mga global na suliranin tulad ng kahirapan,
kagutuman, at epidemya.
Sa pamamagitan din ng UN, nagkaroon ng istruktura ang isang entidad na may limitadong
kapangyarihang sumasaklaw sa halos lahat ng mga bansa sa daigdig. Kumikilos ang UN sa
pamamagitan ng isang General Assembly na binubuo ng isang kinatawan mula sa bawat bansang
kasapi ng UN, at ng Security Council na binubuo ng kinatawan mula sa limang
pinakamakapangyarihang bansa (China, U.S., U.K., France, at Russia)pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig at ng ilan pang mga kinatawan mula sa iba‟t ibang bansang inihahalal at
nagsasalitan. Ang UN General Assembly (UNGA) ay taunang nagpupulong tuwing Setyembre
upang talakayin ang pinakamahahalagang usaping nakaaapekto sa kapakanang ng nakararaming
mamamayan ng daigdig. May kapangyarihan ang UNGA na maglabas ng mga resolusyon o mga
dokumentong naghahayag ng pagkakaisa para sa o laban sa isang partikular na usapin, entidad, o
gobyerno. Samantala, ang UN Security Council (UNSC) naman ay may kapangyarihang patawan
ng parusa ang mga bansang lumalabag sa mga tuntunin ng UN. May kapangyarihan din itong
atasan ang mga bansa ng UN na magpadala ng tropa sa mga bansang nangangailangan ng tulong
para mapanatili ang kapayapaan at seguridad ng mga mamamayan nito, lalo na sa panahon ng
digmaan. Marami pang mahahalagang ahensyang pandaigdig ang nasa ilalim ng UN tulad ng
United Nations Educational, Scientific and Cultural Organisation (UNESCO), International Labor
Organization (ILO), Food and Agricultural Organization (FAO), at ang World Health Organization
(WHO).Sa pamamagitan ng mga ahensyang ito, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga bansa na
magtulungan para sa pagpapabuti ng antas ng edukasyon, pamumuhay, at kalusugan ng mga
mamamayan.
Maaari namang ugatin ang aspektong sosyo-kultural ng globalisasyon sa panahon ng
kolonyalismo at imperyalismo na lalong nagpatibay sa ugnayan ng mga bansa sa Kanluran at
Silangan. Mapait at marahas mang panahon sa kasaysayan ang panahon ng kolonyalismo at
imperyalismo, nagbigay naman ito ng pagkakataon na magkapalitan ng kultura ang Kanluran at
Silangan. May mga pagkakataong sapilitang ipinataw ng mga bansang mananakop sa mga bansang
sinakop ang kanilang kultura. May mga pagkakataon ding kabaligtaran ang nangyayari. Makikita
sa pagkain, pananamit, wika, at iba pang larangan ang resulta ng pagpapalitan ng kultura mula pa
noong panahon ng kolonyalismo. Ang ganitong pagpapalitan ay nagpatuloy hanggang sa
kasalukuyang panahon.
Ang globalisasyong sosyo-kultural sa kasalukuyan ay lalong pinasigla ng mabilis na takbo
ng teknolohiya sa komunikasyon at transportasyon. Sa pagkaimbento ng Internet noong dekada
„90, unti-unting bumilis ang paglaganap ng mga awit, pelikula, at iba pang naging popular sa buong

92
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

mundo at maituturing na bahagi ng global na kultura. Naging mabilis din ang pagpapalitan ng
impormasyon sa pagitan ng bawat bansa at ng mga mamamayan sa buong daigdig. Hindi na
kailangang pumunta sa U.S. ang mga estudyanteng Tsino para mag-aral ng wikang Ingles dahil
maaari nang mag-enrol sa mga online English language courses na inaalok ng mga gurong Pilipino
sa Pilipinas. Tumitibay ang pagsasamahan at mabuting ugnayan ng mga bansa sa pamamagitan ng
globalisasyong sosyo-kultural. Pinag-aaralan at pinahahalagahan ng mga mamamayan ang kultura
ng ibang bansa. Isang tiyak na halimbawa nito ang epekto ng ASEAN integration na nagpabilis
ng mobilisasyon na may malaking naiambag sa turismo sa Timog-Silangang Asya.
Sa kabila ng maraming mabubuting bunga ng globalisasyon sa aspektong sosyo-kultural,
partikular sa mga umuunlad na bansa, hindi rin mapasisinungalingan ang mga negatibong epekto
nito sa pamamaraan ng pamumuhay ng mga tao. Sa tala ng The Endangered Language Project,
40% ng 7,000 wikang umiiral sa bansa ang nasa peligro ng pagkawala bunsod ng patuloy na pag-
igting ng globalisasyon na ang pangunahing wikang isinusulong ay Ingles. Sinundan ito ng mga
patakaran sa wika na pawang nakatuon sa paghubog ng mga mag-aaral na matuto ng Ingles gaya
ng nagyayari sa pagpaplanong pangwika ng Departamento ng Edukasyon, na nananatiling
naksandig sa bilingual education mantra nito, lalo na sa antas sekundarya. Maging ang relihiyon
ay nalalagay sa peigro bunsod ng homogenisasyon ng mga paniniwala. Sa pag-aaral ni Jaime
Bulatao S.J., isiniwalat niya ang katayuan ng pananampalataya sa Pilipinas at tinawag itong split-
level Christianity dahil sa pagkakahalo ng ilang Tsino at indigenized na paniniwala at sa mga gawi
at ritwal ng mga Kristiyano, gaya ng sayaw sa Obando at paniniwala sa feng shui sa kabila ng
pagiging kabilang sa Simbahang Katolika. Patuloy rin ang paglabnaw ng sistema ng
pagpapahalaga (values system) ng mga Pilipino dahil sa palagiang exposure sa kulturang
Kanluranin. Kapansin-pansin ngayon ang pagiging indibidwalista ng mga kabataan hinggil sa
maraming isyung panlipunan, gaya ng mantrang “Pera ko ito, gagastusin ko ito sa paraang gusto
ko,” na maituturing na imoral kung isasaalang-alang ang sitwasyon ng nakararaming Pilipino, at
taliwas sa dating masinop na paraan ng pamumuhay ng mga tao. Ang epekto ng labis na pagtalima
sa kulturang Kanluranin na nagbubunsod ng malalim na kagustuhan ng mga Pilipino na pumuti,
upang makasunod sa pamantayan ng kagandahan sa konteksto ng mga Kanluraning bansa ay
nakababahala rin. Maging ang patuloy na militarisasyon sa mga pambansang minorya gaya ng
mga Lumad at iba pa na pilit na pinaaalis sa kanilang mga ansestral na lupain ng mga kumpanya
ng pagmimina sa mga bansa ay nakaaalarma rin. Ang nakalulungkot dito, mas pinoproteksyonan
pa ng gobyerno ang mga nasabing kumpanya kaysa mga grupong ito.
Sa madaling salita, kung nakabubuti man ang globalisasyon sa iba‟t ibang aspekto, higit na
malaki naman ang negatibong epekto nito. Naririto ang iba pang epekto ng globalisasyon.

Epekto ng Globalisasyon
May mga positibong epekto ang globalisasyon. Sa pamahalaan, nagkakaroon ng
pagkakaisa ang mga bansa. Nagkakaroon din ng demokrasya sa mga komunistang bansa. Sa
ekonomiya, nagkakaroon ng malayang kalakalan, mas napabibilis ang kalakalan o ang
pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo, paglaki ng bilang ng export at import sa isang bansa,
pakikipagsundo ng mga bansa tungkol sa isyu sa kalikasan, paglaki ng oportunidad para
makapagtrabaho, malayang nakapaghahanap ng trabaho ang mga tao, maiiwasan din ang
monopolyo, at tataas ng pamumuhunan (investment). Sa kultura, mas naiintindihan natin ang
mundo, at pagtanggap ng kultura ng iba.
May mga negatibong epekto rin ang globalisasyon.Sa pamahalaan, maaaring
panghimasukan ng ibang bansa sa mga isyu at desisyon ng pamahalaan at lumaganap ng terorismo.

93
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Sa ekonomiya, magkakaroon ng environmental issues tulad ng Climate Change, Global Warming

at iba pa, magdudulot din ito ng kahirapan bunsod ng paglaki ng agwat ng mayayaman sa
mahihirap, at lalala ang problema sa ekonomiya ng mga bansang nakakaranas nito.Sa kultura
naman, mas natatangkilik ang kultura ng ibang bansa, nakalilimot sa mga nakasanayang tradisyon,
at nawawala ang ugaling nasyonalismo.
Noon ang SABI NG GOBYERNO.... ang Pilipinas ay kikilalanin bilang bagong tigre sa
ekonomiya sa Timog Silangang Asya. Mula sa dati ay mahirap at naghihingalo ay tatanghalin tayo
bilang bansang may pinakamabilis na ratio ng pag-unlad at kakain sa atin ng alikabok ang mga
kalapit- bansa sa nakakabulag na bilis ng ating pananagana. Magkakandarapa kasi ang mga
dayuhang korporasyon sa pag-uunahang makapag-negosyo sa ating bayan. Paano ba naman eh
dito sa atin matatagpuan ang pinakamasarap na putahe sa pagni-negosyo : murang lakas-paggawa,
mababait at hindi reklamador na mga trabahador (it‟s more fun in the Philippines baby!). Wag
mag-aalala ang mga kapitalista; protektodo kayo ng gobyerno laban sa mga magri-reklamo...may
mga batas kaya na magtitiyak na hindi mabibitin si foreign investor sa kanyang panggagahasa sa
yaman ng bansa. Nariyan ang privatization, deregulation, liberalization at kung ano-ano pang syon
para wala talagang istorbo sa malayang kalakalan at negosyo.
Marahil ang pinakamalaking ikinababahala tungkol sa globalisasyon ay ang ginawa nitong
pagpapalawak sa agwat ng mayayaman at mahihirap. Bagaman ang kayamanan sa daigdig ay
walang-alinlangang dumami, natipon naman ito sa iilang tao lamang at sa iilang bansa. Ang neto
na halaga ng mga ari-arian ng 200 pinakamayayamang tao sa lupa ngayon ay nakahihigit nang 40
porsiyento kaysa sa pinagsama-samang kita ng mga taong nabubuhay sa planeta—
humigitkumulang 2.4 bilyon katao. At habang patuloy na tumataas ang mga kita sa mayayamang
bansa, nasaksihan mismo ng 80 naghihikahos na mga bansa ang pagbaba ng katamtamang kita sa
nakalipas na sampung taon. Ang isa pang pangunahing ikinababahala ay ang kapaligiran. Ang
globalisasyon sa ekonomiya ay pinasigla ng mga impluwensiya ng pamilihan na mas interesado
sa kita kaysa sa pangangalaga sa planeta. Ipinaliwanag ni Agus Purnomo, pinuno ng World Wide
Fund for Nature sa Indonesia, ang hinggil sa problema: “Tayo‟y patuloy na nagkukumahog sa
pagsulong. . . . Nag-aalala ako na sa loob ng isang dekada, tayong lahat ay magiging palaisip sa
kapaligiran, subalit wala nang matitira pa para pangalagaan.” Ikinababalisa rin ng mga tao ang
tungkol sa kanilang mga trabaho. Kapuwa ang mga trabaho at kinikita ay lalong nagiging di-tiyak,
yamang ginigipit ng pagsasama-sama ng mga kompanya sa daigdig at matinding kompetisyon ang
mga kompanya na gawing mas simple ang kanilang mga palakad. Ang pag-upa at pagsisante ng
mga manggagawa ayon sa kasalukuyang pangangailangan sa pamilihan ay waring makatuwiran
para sa isang kompanya na nababahala sa paglaki ng kita nito, subalit nagdudulot ito ng labis na
kaligaligan sa buhay ng mga tao. Ang globalisasyon sa internasyonal na pangangapital at dayuhang
pautang ay nagharap ng isa pang salik para sa kawalang-katatagan. Maaaring magpautang sa
papaunlad na mga bansa ang mga pandaigdigang namumuhunan subalit sa dakong huli ay biglang
kukunin ang kanilang salapi kapag lumalala ang situwasyon sa ekonomiya. Ang gayong
malakihang paglalabas ng salapi ay makapagpapabulusok sa maraming bansa sa krisis sa
ekonomiya. Ang krisis sa pananalapi sa Silangang Asia noong 1998 ang nagpangyari na mawalan
ng trabaho ang 13 milyong tao. Sa Indonesia, nabatid mismo ng mga manggagawang hindi
natanggal sa trabaho na nabawasan nang kalahati ang halaga ng kanilang kinikita.
Kung gayon, mauunawaan na ang globalisasyon ay naghaharap ng mga pangamba at
gayundin ng mga pag-asa. May dahilan ka ba para pangambahan ang globalisasyon? O inaasahan
mo bang mas mapauunlad nito ang iyong buhay? Nabigyan ba tayo ng dahilan para maging

94
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

optimistiko hinggil sa hinaharap dahil sa globalisasyon? Sasagutin ng ating susunod na artikulo

ang mga katanungang iyan.
Isa pa sa mga lumilitaw na suliraning dulot ng globalisasyon ang pagtaas ng pamasahe sa
mga pampublikong sasakyan. Ito‟y problemang hindi lamang ang mga pasahero ang
nakararamdam kundi pati na rin ang mga drayber at operator ng mga pampublikong
sasakyan.Kung paniniwalaan kasi ang pamahalaan, hindi maiiwasan ang pagtaas ng pamasahe.
Una, tumaas ang singil sa toll ng mga pangunahing expressway. Ikalawa, patuloy ang pagtaas ng
presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan. Ikatlo, kailangang gumastos ng
mga nangangasiwa sa LRT at MRT para mapaganda ang serbisyo sa tinatayang 500,000 pasahero
ng mga ito araw-araw. Alam nating lahat na ang mga salik na ito‟y may direktang epekto sa singil
sa pamasahe. Hindi ko po ikinakaila ang realidad ng mga ito. Ang hindi lang katanggaptanggap sa
akin ay ang “ginagawa” ng mga nasa kapangyarihan sa gitna ng pagtaas ng pamasahe. Tila ang
estratehiya lang nila ay kumbinsihin ang taumbayang tanggapin ang sitwasyong ito dahil sa mga
kondisyong labas sa kontrol ninuman. Pangunahing argumento kasi ng gobyerno ang pagtaas ng
krudo at mga produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan, pati na ang desisyon ng mga
korporasyong may kinalaman sa mga expressway at LRT/MRT na sa tingin nila ay may “business
sense” naman. Kahit na sabihing may regulasyon sa pamasahe ng dyip, taksi at ilang linya ng bus
(deregulated na po kasi ang pamasahe sa provincial bus lines noon pang dekada 90), ang pagtaas
ay nangyayari pa rin dahil sa deregulasyon sa downstream oil industry. Sa kontekstong ito, ang
pangmatagalang solusyon sa pagtaas ng pamasahe ay hindi pagtitipid o paglalakad, o anumang
kagyat na hakbang tulad ng pagbibisikleta o pag-oorganisa ng car pool sa eskuwelahan o opisina.
Bagama‟t nakakatulong ang mga ito, hindi pa rin natutugunan ang mga kontrobersiyal na
polisiyang ugat ng ating problema. At ang mga polisiyang ito‟y naaayon sa globalistang tunguhin,
lalo na sa usapin ng deregulasyon at pribatisasyon.
Gaya ng nabanggit kanina, ang deregulasyon sa downstream oil industry ay may direktang
epekto sa pamasahe, kaya nararapat lang na malalimang pag-aralan ang alternatibo dito, ang
pagsasabansa ng industriya ng langis. Tungkol naman sa pribatisasyon, hindi dapat ibigay sa
kamay ng pribadong negosyo ang pangangasiwa sa LRT/MRT at expressways. Hindi natin
maaasahan sa mga negosyanteng isipin ang kabutihan ng nakararami sa pagtatakda ng kanilang
sisingilin. Sa huling pagsusuri, may kagyat na pangangailangang tutulan natin ang pagtataas ng
pamasahe. Pero may pangmatagalang hamon para patuloy na tuligsain ang mga polisiyang patuloy
na nagpapahirap sa atin, tulad ng konsumisyong mas kilala sa salitang globalisasyon.
Panoorin din ang video na nagpapakita ng mabuti at masamang epekto ng globalisayon sa
link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=Ea73LOvbMdAm

Migrasyon: Problema o Solusyon?

Halos lahat ng bansa sa mundo ay apektado ng globalisasyon. Marami ang mga taong
umaalis at dumarating sa isang lugar na may iba‟t ibang dahilan. Sa bahaging ito ay tutuklasin mo
iyong kaalaman sa migrasyon dulot ng globalisasyon.
Isa sa mga bunga ng kahirapan sa bansa ang migrasyon. Ang migrasyon ay ang paggalaw
ng mga tao mula sa isang lugar patungo sa isa pa. Maaari itong nasa loob ng isang bansa o sa
pagitan ng mga bansa. Marami sa mga migranteng internal ay yaong mula sa mga pook rural na
nagbabaka-sakali ng magandang buhay sa mga sentro ng kalakalan at hanapbuhay. Ang ilang mga
tao ay napipilitang lumipat dahil sa gutom o giyera. Sa konteksto ng Pilipinas, mas marami pa rin
ang Pilipinong nangingibang-bansa o yaong nabibilang sa eksternal na migrasyon. Maaari ding
maging permanente, temporaryo o pana-panahon. Ang migrasyon ay nangyayari sa isang iba't

95
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

ibang mga kadahilanan. Maaari itong maging pang-ekonomiya, panlipunan, pampulitika o

kapaligiran. Pareho ang epekto ng migrasyon sa lugar na naiwan at sa lugar kung saan naninirahan
ang mga migrante. Ang mga epekto ay maaaring maging positibo at negatibo. Kung pakasusuriin,
hindi rin masasabing solusyon sa kahirapan ang migrasyong eksternal. Sa halip ay nagdudulot pa
ito ng iba pang suliranin.
Ang estadistika sa tumataas na halaga ng perang padala (remittance) ng mga OFW sa mga
nakalipas na taon ay nagpapatunay na may aktwal na pakinabang ang bansa sa migrasyon. Yaon
ay kung susuriin ang aspektong pinansyal, ayon sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas
(BSP). Ikinukubli ng LEP ang kahinaan ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagsasampa
ng limpak-limpak na remittence na nagiging dahilan upang hindi mapansin ang pagkabansot ng
mga lokal na industriya. Kung titingnan, malusog ang ekonomiya ng Pilipinas batay sa GDP,
ngunit ang kahinataan nito ay malalantad kapag sinipat ang paghina ng sektor ng
pagmamanupaktura sa mga nakaraang taon kasabay ng paglawak ng pag-asa ng ekonomiya sa
remittance ng mga OFW. Kabaligtaran nito, nagrerehistro ng negatibong paglago ang balance of
payments ng bansa sa mga produkto bunsod ng paghina ng pagmamanupaktura batay sa estadistika
mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas at World Bank Database. Makikita ito sa Talahanayan 5.2.
Tila bantulot naman ang gobyerno ng Pilipinas na buhayin at palakasin ang sektor ng
pagmamanupaktura sa pamamagitan ng pagdaragdag ng suporta sa mga industriya. Bunsod ito
marahil ng patuloy na lumalaking remittance ng mga OFW kahit pa nga sumambulat na ang
pandaigdigang krisis noon pang 2008.
Kaya‟t ang malaking remittance ng OFW ay masasabing nagsisilbing salbabida ng
sisinghap-singhap na ekonomiya ng bansa. Samantala‟y tila nakalilimutan namang itaguyod ang
sektor ng industriya na may potensyal ding mag-ambag sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Nakalulungkot isiping umasa na lamang ang Pilipinas sa pag-eeksport ng mga manggagawa at
pagkubra ng remittance, sa halip na bigyang-pansin din ang paglinang sa saganang likas na yaman
nito. Pinatunayan sa datos hinggil sa bahagdan ng pagmamanupaktura sa kanilang GDP at ng
relatibong maliit na bahagdan ng remittance bilang bahagi ng kanilang GDP na ang programa ng
Pilipinas ay taliwas sa ginagawa ng ilang mauunlad na bansa sa Asya.
Kung tutuusin, mas malaki ang pakinabang ng mga bansang pinagtatrabahuhan ng mga
OFW. Ang kanilang talino at kakayahan ay higit na napakikinabangan sa ibang bansa sa halip na
makatulong sa pagpapaunlad ng ating bansa sa pamamagitan ng industriyalisasyon at
modernisasyong agrikultural.nalalantad sa ganitong di-pantay na kalakaran ang ebidensya ng
pagsasamantala sa mga manggagawa (mas mababang pasuweldo kumpara sa suweldo ng mga
manggagawa na mamamayan ng mga bansang pinagtatrabahuhan ng mga OFW).

Pinatunayan naman ng Singapore ang pagbibigay-prayoridad sa pagkuha ng mga

kasambahay na Cambodian at iba pang mamamayan na nakahandang magtrabaho ang suweldong
higit na mababa kaysa tinatanggap ng mga Pilipinong kasambahay. Nagagawa ng bansang tulad
ng Singapore na mamili ng mas murang lakas-paggawa dahil sa migrasyon. Ang ganitong
pangyayari ay sinasamantala ng mga employer sa mauunlad na bansa. At ito‟y nangyayari habang
tumitidi ang kompetisyon sa pagitan ng mga bansang nabibilang sa Third World na
nagkakandarapa sa pagbebenta ng kanilang sariling mamamayan. Pagtitipid sa suweldo ang
nangungunang dahilan kung bakit pinapayagan ng mauunlad na bansa (kung minsan ay hinihikayat
pa nga) ang pagtatrabaho ng mga migranteng manggagawa mula sa mga papaunlad na bansa. Ang
ganitong kalagayan din ay higit na kapaki-pakinabang sa mga bansang pinupuntahan ng mga
migranteng manggagawa.

96
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Ang kontribusyon ng mga migranteng manggagawa sa paglago ng ekonomiya ng mga

mauunlad na bansa batay sa kanilang Real Gross Domestic Product (Real GDP) ay pinatunayan
sa pag-aaral na isinagawa ni Tan (2013). Ayon kay Tan, karamihan sa mga bansang ito - na siyang
destinasyon din ng mga OFW - ay may malaking bilang ng mga migrante (batay sa datos ng World
Bank). Ilan sa mga bansang ito ang U.S., Hongkong, U.A.E.,Qatar, Singapore, Kuwait, ay Norway
na kasama sa dalawampung nangungunang destinasyon ng mga OFW.

I-click ang mga website sa ibaba upang malinang ang iyong kaalaman sa dami ng Pilipino
na nandarayuhan sa loob at labas ng bansa.
a. http://www.adbi.org/files/2013.01.23.cpp.sess1.5.capones.labor.migration.philippi
nes.pdf pdf ukol sa labor migration sa Pilipinas
b. http://www.nscb.gov.ph/ncs/10thNCS/papers/contributed%20papers/cps03/cps03-04.pdf
naglalaman ng datos ng migrasyon sa Pilipinas
c. http://www.census.gov.ph/content/domestic-and-international-migrantsphilippines-
results-2010-census Domestic and International Migrants in the Philippines (Results from
the 2010 Census)
d. http://www.migrationpolicy.org/programs/data-hub/charts/international-
migrantpopulation-country-origin-and-destination interactive website sa datos ng
immigrant

Mga Panlipunang Epekto

Ngayon ay i-click at suriin mo ang video sa ibaba upang malaman mo ang mga
pangyayaring nagaganap sa mga mandarayuhan tulad ng mga kabataan at ang dahilan ng kanilang
pandarayuhan pati na ang hakbang kung paano sila natutulungan. Pagkatapos ay sagutin ang
sumusunod na tanong: 1.) Anong nakita mo sa video? 2.) Ano ang epekto ng pandarayuhan sa
naiwang bansa? Ipaliwanag. 3.) Ano ang epekto ng pandarayuhan sa pinuntahang bansa?
Ipaliwanag. 4.) Ano-ano ang mga maling pananaw sa pandarayuhan at sa globalisasyon?
Ipaliwanag. 5.) Bakit umaalis ang mga kabataan sa kanilang lugar? 6.) Paano sila tinutulungan
upang mapabuti ang kanilang mga kalagayan? 7.) Paano nakakamit ang isang matatag at
nakikipagsabayang maunlad na bansa sa gitna ng mga isyu at hamon ng migrasyon na dulot ng
globalisasyon?
a. https://www.youtube.com/watch?v=qUHZqWGTkjw youtube video in "Youth Migration
and Development: Towards Sustainable Solutions" Hangout, 6 March 2013
b. https://www.youtube.com/watch?v=xg5JVK42xVk video sa Migration and Development:
Melissa Siegel

Kapag sinipat ang mga panlipunan epekto sa bansa, lalong mapatutunayan ang pinsala ng
migrasyon sa Pilipinas. Inisa-isa ni Alcid (c. 2005, sa isang pananaliksik na pinondohan ni
Friedrich Ebert Stiftung (FES), ang napakaraming panlipunang epekto ng migrasyon (tulad ng
exodus ng mga nars, kasama na ang mga dating doktor), bagay na inaasahang “hahantong sa
matinding krisis sa sistemang pangkalusugan... ng bansa, “...de-skilling ng mga propesyonal…” at
ang “negatibong impact ng migrasyon sa mga pamilyang Pilipino, lalo na sa mga bata.

97
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Ipinanukala ni dating Senador Miriam Defensor-Santiago (hinggil sa pagdami ng bilang

ng mga nasirang pamilya sa hanay ng mga OFW) ang Senate Bill 1779 (LEFT-BEHIND
HOUSEHOLDS OF OFWS ACT OF 2007). Maraming ulat mula sa Philippine Overseas Workers
Welfare Administration (OWWA) at mga Non-Governemnt Organization (NGO) ang
nagpapatunay na ang mga suliraning gaya ng “pumalyang kasal, adiksyon sa droga, imoralidad sa
seks, krimen, pagpapakamatay o mga psychological breakdowns” ay maiuugnay sa
“pangmatagalang paghihiwalay ng mga mag-asawa at ng kanilang mga anak” na malinaw na
epekto ng migrasyon. Ito ay ayon sa nasabing panukalang batas. May mga patunay na empirikal
na rin hinggil sa mga ganitong kaso (Halimbawa: sarbey ng OWWA sa rehiyong Cordillera na
sumasaklaw sa 100,000 OFW). Sa sarbey na ito ay nabanggit na “3 sa 10 contract workers mula
sa Cordillera ang nang-iwan sa kanilang mga pamilya o kaya‟y nakipaghiwalay sa kanilang mga
asawa, batay sa kanilang remittance mula 2006-2007” (Cabreza, 2007). Suliranin din ang talamak
na illegal recruitment. Ito ay makikita sa mga kasong hawak ng POEA mula 2004-2010, bukod pa
sa mga hindi naiulat na kaso na dokumentado naman ng mga organisasyon ng migrante.

Dapat ding bigyang-diin, bilang panghuli, na mayorya sa mga OFW ay nasa kasibulan ng
buhay, sa kanilang mga prime year. Ito‟y nangangahulugang sa halip na makapag-ambag sa pag-
unlad ng Pilipinas sa panahong pinakaproduktibo sila, ang mga migrante‟y pinagsasamantalahan
ng mauunlad na bansa na nakikinabang nang husto sa kanilang kabataan at kahusayan. Mismong
sa isang ulat ay nagtanong ang National Statistical Coordination Board (NSCB) kung kailan
mabibigyan ng oportunidad sa trabaho ang pangkat na ito ng mga kabataan na ang karamiha‟y
katatapos pa lamang sa kolehiyo upang direkta silang makatulong sa paglago ng ekonomiya ng
bansa sa halip na sa ekonomiya ng ibang bansa. (Kailan maiibsan ang social cost ng Pinoy
diaspora. Ayon sa nasabing ulat, may halos kalahating bahagdan (50%) ng mga OFW ang nasa
edad 25-29 at 30-34.

Sa pangkalahatan, pinigilan at binansot ng migrasyonang pag-unlad ng mga industriya sa

Pilipinas sapagkat nasanay ang gobyerno sa pagdepende sa remittance ng mga OFW na siya
namang naging salbabida ng ekonomiya ng bansa, bagama‟t higit ang pakinabang ng mga bansang
destinasyon ng mga OFW sa kanila. Ang mga benepisyong nakukuha ng bansa sa pamamagitan
ng migrasyon ay pinalabnaw ng samo‟t saring panlipunang epekto. Marami din ang nabiktima ng
pang-aabuso at pagsasamantala ng mga employer sa mga bansang destinasyon ng mga migranteng
manggagawa. Sa ganitong diwa, ang mga awtoridad ng Pilipinas at iba pang bansang kabilang sa
Third World ay hinihikayat na suriing mabuti ang kanilang patakaran sa migrasyon at humanap ng
alternatibong landas patungong kaunlaran na hindi na magsasakripisyo sa yamang tao ng bansa,
sa altar ng tubo at ginhawa para sa mauunlad na bansang mapagsamantala.

Mga Isyung Politikal

Ang politika ay makikita natin saan mang dako. Lahat ng gawaing pantao ay likas na may
politika. Ngunit ano nga ba ang politika? Bakit marami ang interesado sa mga isyung politikal?

98
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Ang politika ay mula sa sa salitang Griyegong politikos, nangangahulugang "mula, para,

o may kinalaman sa mga mamamayan, ay ang proseso o pamamaraan ng paggawa ng pasiya sa
pandaigdigan, sibiko, o indibidwal na nibel. Bagaman kadalasang iniuugnay ang politika sa
pamahalaan, maaari ring pagmasdan ito sa lahat ng interaksiyon ng grupong pantao kabilang ang
pangkalakal, pang-akademya, at panrelihiyon. Agham pampolitika ang tawag sa pag-aaral sa mga
gawing pampolitika at pag-usisa sa pagkuha at paglapat ng kapangyarihan, katulad ng kakayahang
magpataw ng sariling kalooban sa iba. Sa isang limitadong pagpapakahulugan, ito ay tumutukoy
sa pagkamit at pagsasanay ng mga posisyon sa pamamahala — organisadong kontrol sa isang
pamayanan ng tao, partikular sa isang estado. Higit pa rito, ang politika ay ang pag-aaral o
pagsasanay ng pagpapamahagi ng kapangyarihan at kayamanan sa loob ng isang pamayanan (isang
organisadong populasyong may antas) pati na rin ang ugnayan sa pagitan ng mga mamamayan.
Maraming paraan naisasabuhay ang pagsasapolitika, kasama na ang pagpapalaganap ng mga
pampolitikang pananaw sa mga tao o samahan, pakikipag-usapan sa iba pang kasapi ng politika,
paggawa ng mga batas, at paggamit ng dahas laban sa mga katunggali. Naisasabuhay ang politika
sa malawak na saklaw ng mga nibel ng lipunan, mula sa mga angkan at tribo ng mga tradisyonal
na pamayanan, sa mga modernong lokal na pamahalaan, mga kompanya at institusyon hanggang
sa mga soberanong estado, hanggang sa pandaigdigang nibel.

Maraming suliranin sa ating bansa gaya ng katiwalian at ang mga dinastiyang politikal ay
malinaw na mga suliraning politikal. Ang mga rebelyon, bagama‟t isang suliraning ekonomiko, ay
maituturing na kaugnay rin ng mga isyung politikal dahil malinaw na may ugnayan din ang
sistemang ekonomiko at sistemang politikal ng bansa (Halimbawa: Ang mga dinastiyang politikal
na may kontrol sa mga institusyon ng pamahalaan ay may koneksyon din sa mga pamilyang elite
na may kontrol naman sa estrukturang ekonomiko ng bansa.). Samakatuwid, maaaring may
pinagmulan ding politikal na suliranin ang anumang rebelyon.

Kontemporaryong Sistemang Politikal ng Pilipinas

Sa huling linggo ng labanan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay muling bumalik

ang mga Amerikano sa Pilipinas pagkatapos maitaboy ng mga Pilipino ang mga Hapones. Sa
kanilang pagbabalik, muli nilang ipinataw ang dating opisyal na kalakaran. Ang mga natalagang
opisyal noong panahon ng mga Hapones ay muling pinalitan ng mga maka-Amerikano. Nilusaw
din ang mga nagsasariling yunit ng pamahalaang lokal na binuo naman ng pangkat ng mga gerilya.

Pagsapit ika-4 ng Hulyo, 1946, ipinahayag ang pagtatapos ng kapangyarihang Amerikano

sa Pilipinas bagama‟t sa pananaw ng ilang mamamayan, makikita pa rin ang tanikala ng
kolonyalismo sa kasalukuyang sistema ng politika sa bansa. Ibig sabihin, bagama‟t ang mga
pinuno ng ating bansa mula sa Presidente hanggang sa mga opisyal ng barangay ay pawang mga
Pilipinong halal ng nakararami, maraming magpapatunay na impluwensiyado pa rin ng mga
dayuhan ang ating sistemang politikal.isang patunay dito ang madaling paglusot sa sangay na
ehekutibo ng alinmang kasunduang paborable sa Amerika gaya ng Enhanced Defense Cooperation
Agreement (EDCA). Bagama‟t noong deakada „90 ay napalayas na ng bansa ang mga base militar
ng Amerika, sa ilalim ng EDCA ay pinapayagan pa ring maging base militar na Amerikano ang
alinmang bahagi ng bansa. Samantala, impluwensiyado rin ng mga dayuhan maging ang mga

99
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

patakarang ekonomiko kagaya na lamang ng pagmamay-ari sa mga minahan.isang halimbawa nito

ang pagpayag sa pagmamay-ari ng 100% ng malalaking minahan ng mga dayuhan sa ilalim ng
Philippine Mining Act of 1996 sa kabila ng isang probisyon sa Konstitusyon na nagbabawal ng
gayon. Ang mga patakarang pang-edukasyon ay tila nakakiling din sa mga pangangailangan ng
dayuhan. Isang mlinaw na halimbawa nito ang pagpapataw ng sistemang K to 12 sa bansa. Naging
batayan ng ilang historyador at ekonomistang gaya nina Renato Constantino, Edberto Villegas, at
Alejandro Lichauco ang ganitong malakas na impluwensiya ng mga dayuhan sa pagbabalangkas
ng patakaran ng bansa para sabihing ang sistemang politikal ng bansa ay malakolonyal o kaya‟y
neokolonyal.

Maraming kontemporaryong pangyayaring maaaring suriin hinggil sa aktuwal na

pakikialam ng mga dayuhan, partikular ang gobyerno ng Amerika, sa politika ng bansa. Isang
halimbawa ang ginawang paninirang-puri o black propaganda ng Central Intelligence Agency
(CIA) sa anti-Amerikano at nasyonalistang si Claro M. Recto noong panahong tumatakbo siya
laban sa maka-Amerikanong si Ramon Magsaysay. Ito ang dahilan kung bakit nagwagi si
Magsaysay sa halalang iyon laban kay Recto. Dahil naman sa pagsusulong ni Carlos P. Garcia sa
kaniyang patakang “Pilipino Muna” sa ekonomiya, sinuportahan din ng CIA ang tangkang kudeta
laban sa kaniya. Bumisita noong panahon ng diktadurang Marcos ang noo‟y pangalawang pangulo
ng U.S. na na si George Bush para makipag-toast sa diktador at sabihing kinikilala ng Amerika
ang “pagsandig ng Pilipinas sa demokrasya” noong 1981. Ang diktadurang Marcos ay tumagal
hanggang 1986.

Kapansin-pansin na malaking bahagdan ng mga posisyong ehekutibo at lehislatibo sa antas

na lokal o nasyonal man ay kontrolado ng mga prominenteng angkan o dinastiyang politikal.
Marami sa mga pangunahing kandidato ay kadalasang mga reeleksiyonista o mga kamag-anak ng
mga nakaupo o dating pulitiko. Patunay ito ng pagiging elitista ng kasalukuyang sistemang
politikal ng bansa. Ang ganitong kontrol ng iilang pamilya sa sistemang politikal ay idinidikta ng
sistema ng eleksyon na magastos at hindi nakatuon sa mga plataporma. Ang malalaking partido
politikal ay pawang pare-pareho lamang ang sinasabi at ginagawa. Sa katunayan, talamak ang
paglilipat-lipat ng partido ng mga politiko dahil wala namang pagkakaiba sa plataporma ang
malalaking partido politikal. Ang halalan ay paligsahan hindi sa plataporma kundi sa pera, kaya
kailangang mahusay ang iyong makinarya sa halalan. Bagama‟t ang sukatan ng paglahok sa
halalan bilang kandidato ay kung marunong kang bumasa at sumulat, napakaliit ng pagkakataong
magtagumpay ng sino mang mamamayan laban sa kapangyarihan at impluwensiya ng
mayayamang angkan sa bansa. Kapansin-pansin ding mismong ang gobyerno ay kumikilala sa
ganitong sistema. Ipinasa halimbawa ang batas hinggil sa pagkakaroon ng mga kinatawan ng mga
grupong marginalized sa gobyerno sa pamamagitan ng sistemang partylist dahil malinaw na ang
mayayaman ang higit na may kontrol sa sangay na ehekutibo ng gobyerno. Sa ganitong konteksto,
malinaw na malayo pa ang lakbayin ng Pilipinas tungo sa pagkakaroon ng isang lipunang ganap
na demokratiko kung saan ang kapangyarihang politikal ay hawak ng mga karaniwang
mamamayan at hindi ng iilan.

100
100
100
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Ipinakita ng pag-aaral noong 2012 ng Asian Institute of Management Policy na ang mga
pampulitikal na dinastiya ay bumubuo ng 70 porsyento ng mga mambabatas na may sariling
hurisdiksyon sa ika-15 Kongreso ng Pilipinas. Isiniwalat nito ang mga palatandaan na kailangan
pag-isipan mabuti: ang mga dinastiyang pampulitika ay kadalasang nauuwi sa pangingibabaw ng
mga pangunahing partidong pampulitika at, karaniwan, nasa mga lugar na may mababang
pamantayan ng pamumuhay, mas mabagal na pag-unlad ng tao, at mas mataas na antas ng kawalan
sa buhay. Ang mga miyembro ng dinastiyang pampulitika ay kadalasang mas mayayaman kaysa
sa mga hindi miyembro.

Sa kanyang huling State of the Nation Address noong 2015, sinabi ni Pangulong Benigno
Aquino III na panahon na para sa isang batas laban sa pampulitikang dinastiya na maglilimita sa
dalawang miyembro lang ng isang pamilya na maaaring manungkulan (sa halal na posisyon) nang
sabay.

Sa halalan ng 2016, ang mga Pilipino, dismayado sa mabagal na takbo ng pagbabago at sa

maliit na pangkat na may hawak ng kapangyarihan nang ilang taon, ay bumoto para sa pagbabago
at laban sa mga matataas na tao sa politika, clientelism, korapsyon, at krimen — at inihalal si
Rodrigo Duterte, na nagsabing kaya niyang lutasin ang lahat ng mga problemang ito at itinuring
na kandidato laban sa gobyerno.Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte mismo ang nagsabi na siya ay
maglulunsad ng giyera hindi lamang laban sa ilegal na droga kundi laban din sa mga oligarka na
kanyang inilarawan na mga “halimaw”.

Korapsyon at Iba Pang Katiwalian sa Gobyerno

Pangarap ng bawat Pilipino ang magkaroon ng isang maayos na lipunang ginagalawan

hindi lamang para sa kanilang kinabukasan kundi maging para sa kinabukasan na rin ng kanilang
mga magiging anak at iba pang salinlahi. Subalit ang mga pangarap na ito ay nananatili lamang
pangarap bunsod ng maraming katiwalian sa pambansang pamahalaang kanilang
pinagkakatiwalaan at sinasandalan. Sa simpleng pagpapahayag, katiwalian ang anumang
transaksyon na gumagamit ng salapi ng bayan para sa personal na kapakinabangan.

Maraming mukha ang katiwalian na patuloy na pumapatay sa itinuturing nating kakampi

sa buhay - ang pag-asa. Ang mga mukha na matatagpuan sa bawat sangay ng gobyerno ay alinman
sa mga sumusunod: (1) pang-aabuso sa kapangyarihan; (2) pakikipagsabwatan; (3) pandaraya sa
halalan; (4) pagnanakaw sa kaban ng bayan; (5) sistemang padrino o palakasan; at (6) korapsyon
sa iba‟t ibang sangay ng gobyerno

Mahalaga ang kapangyarihan upang ganap na magampanan ng isang lider ang tungkulin
na inaasahan sa kaniya ng mga tao sa kaniyang kapaligiran. Kung wala ito, walang puwersang
makapagbibig ay ng pangil para sa mabuting pagtanggap ng lipunan sa maayos na implementasyon
ng isang tungkulin. Ang kapangyarihan ay maaaring ipatupad sa dalawang kaparaanan: ministeryal
at diskresyunal. Sinasabing ministeryal kung ang isang namumuno ay walang ibang nararapat

101
101
101
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

gawin kundi ipatupad ang isang polisiya. Ilan sa mga halimbawa nito ang pagtupad sa tungkuling
pambatas trapiko para sa maayos na transportasyon ng bawat mamamayang Pilipino; ang
mekanikong pagpoproseso ng income tax return; pagpoproseso ng ligal na titulo ng lupa mula sa
orihinal na may-ari tungo sa bumili nito; at pagtanggap ng pamahalaan sa buwis na ibinabayad ng
mamamayan.

Ang diskresyunal na paggamit ng kapangyarihan ay tumutukoy naman sa paggamit ng

opsyon o diskresyon ng isang namumuno o kawani ng gobyerno na ipatupad o hindi ipatupad ang
isang tungkulin subalit may pagsasaalang-alang sa mga legal na pamantayan. Ang kapangyarihang
ito ay kailangang gamitin nang ayon sa katuwiran, walang kinikilingan, at hindi mapang-api o
nakapananakit ng iba. Ilan sa mga halimbawa nito ang pagpili ng Pangulo ng Pilipinas sa mga
magiging kasapi ng gabinete ng ehekutibo; pagpasok ng lokal na pamahalaan sa kasunduan sa
isang pribadong kumpanya; at pagbili ng mga kagamitang makatutulong sa pagpapatupad ng isang
polisiya.

Mahalaga ang polisiya sa pagtupad ng tungkulin ng isang tao upang siguraduhin na

anumang diskresyon na nakiyang nais gawin ay may sapat na pamantayan at legal na basehan. Ito
ang magsisilbing sukatan kung ang isang tao ay lumalabis sa kapangyarihan na iginawad na sa
kaniya.

Ang pang-aabuso sa kapangyarihan o diskresyon ay tumutukoy sa hindi angkop na

paggamit ng kapangyarihan o mga pasilidad sa mga desisyon na kailangan niyang ibigay. Ilan sa
mga halimbawa nito: (1) Ang pagtatalaga ng Pangulo ng Pilipinas sa kaniyang asawa o mga anak
bilang gabinete ng ehekutibo. Bagama‟t ang Pangulo ang may eksklusibong kapangyarihang
pumili ng mga taong kaniyang makakatuwang sa pagpapatupad ng mahahalagang polisiya ng
gobyerno, ang pagtatalaga ng kaniyang asawa o mga anak ay maaaring ipinagbabawal ng ating
Saligang Batas 1987 sa ilalim ng prinsipyo ng nepotismo; (2) Ang kapangyarihan ng gobyerno na
pumasok sa isang kasunduan ay mahalagang mekanismo para sa episyente at epektibong
paglilingkod sa bayan. Subalit ang pagsasaalang-alang sa personal na interes sa kasunduan ay mga
sirkumstansiyang naglalarawan ng pang-aabuso sa kapangyarihang ipinagkatiwala ng taumbayan
sa gobyerno, lokal man o nasyonal; (3) Ang pagbili ng mga kagamitan ay isang sistema ng
pamamahala na nangangailangan ng masusing pagsunod sa proseso sapagkat ito ay maaaring
maging ugat ng korapsyon sa gobyerno; (4) Ang paggamit ng kapangyarihan upang makakuha ng
pabor sa ibang tao na karaniwan ay may kapalit na kabayaran.

Ang sabwatan ay tumutukoy sa ugnayan ng dalawa o higit pang indibidwal o grupo na

nagkaisa na isakatuparan nang palihim ang isang gawain na siyang ugat ng limitasyon ng iba upang
tuparin ang kinakailangan o nais nilang gawin. Isa itong krimen ng pandaraya, panloloko sa iba
para sa kanilang mga karapatan upang makuha ang isang adhika na labag sa batas na karaniwan
ay sa pamamagitan ng pandaraya o paggamit ng hindi patas na kalamangan. Ilan sa mga halimbawa
nito ang: (1) Manipulasyon ng presyo ng isang produkto (price fixing) sa pamamagitan ng
kasunduan ng parehong panig ng pamilihan na ibenta ang produkto sa itinakdang presyo na

102
102
102
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

nagbubunga ng pagkontrol sa suplay at pangangailangan; (2) Pagsunod ng lehislatibong sangay ng

pamahalaan sa dikta ng ehekutibo na patalsikin ang mga hindi kapanalig kahit na walang sapat na
batayan at hayagan ang paglabag sa basikong karapatan katulad ng magpahayag at karampatang
proseso na malaman ang krimen at maipagtanggol ang sarili; at (3) Paggawad ng kontrata sa isang
ahensiya na may kaugnayan sa proyektong pampamahalaan kahit na walang naganap na tamang
pag-aalok o bidding (isang sistema ng pag-aalok sa publiko na nagbibigay ng pagkakataon sa lahat
na maging kabahagi ng proyektong inisyatibo ng pamahalaan; mahalaga upang iwaksi ang
maraming katiwalian sa pamimili).

Ipinagkakatiwala ng taumbayan sa mga politiko ang kinabukasan ng bawat mamamayan

sa pamamagitan ng kaniyang boto sa pambansa at lokal na halalan. Ang bawat balota ay
sumisimbolo ng pag-asa sa pagkakaroon ng magandang bansa at pananalig na ang suportang
kanilang ibinibigay sa pamamagitan nito ay makabuluhan at kailanman ay hindi pagsisisihan. Sa
kabila ng kahalagahan ng bawat balota para sa Pilipino at mandato sa Komisyon ng Eleksyon na
pangasiwaan ang malinis at maayos na halalan, lantaran pa rin ang mga pandaraya at anomalyang
ginagawa ng mga politiko at mga kasabwat na nagbubunga ng paghalal sa mga taong hindi totoong
napupusuan ng higit na nakararami. Bunga nito ang maraming kilos-protesta at kawalan ng tiwala
sa isang pamamahala. Marahil, ang konsepto ng pandaraya sa halalan ay hindi lamang umusbong
sa kasalukuyan. Matagal nang kinahaharap ng bawat mamamayan ang suliraning ito, na
nagpasalin-salin at patuloy na magpapasalin-salin sa mga susunod pang henerasyon.

Ang karapatan ng bawat Pilipino na makilahok sa halalan bilang mga botante ay kinikilala
ng ating Saligang Batas ng 1987 (sa ilalim ng Artikulo V, Seksyon 1-2).

Kung lilingunin ang nakaraan, makikita na naging malaking katanungan ang pagkakahalal
kay Heneral Emilio Aguinaldo bilang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Bukod sa
diktadurya ng rehimeng Marcos, pumaimbabaw rin ang usapin ng pandaraya sa halalan na
nagbunga ng People Power. Inakusahan din ni dating Senador Miriam Defensor-Santiago ng
pandaraya sa halalan ang kaniyang katunggali na si dating Pangulong Fidel V. Ramos. Naging
mainit na usapin sa Pilipinas at sa buong mundo ang iskandalong kinaharap ni dating Pangulong
Gloria Macapagal-Arroyo - ang Hello Garci scandal. Habang isinusulat ang aklat na ito, may
nakabinbin namang protesta sa Korte Suprema si Senador Bongbong Marcos laban sa Bise
Presidente na si Leni Robredo.

Narito ang ilang mahahalagang konsepto na may kaugnayan sa pandaraya sa eleksyon: (1)
Electoral fraud o ang ilegal na panghihimasok sa proseso ng eleksyon sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng boto sa pinapaborang politiko, pagbabawas ng boto sa kalabang kandidato, o
pareho. Anumang akto na makaaapekto sa bilang ng boto na magdudulot ng kaibahan ng boto sa
nararapat na resulta ay maituturing ding pandaraya sa eleksyon, bagama‟t ang bawat bansa ay may
kani-kaniyang konsepto nito. Pumapasok din sa konsepto ng pandaraya ang mga karahasang
katulad ng pagsupil at pagpaslang sa mga katunggali sa halalan, ang pananabotahe ng mga balota,
at ang pagbili o panunuhol sa mga botante kapalit ng isang boto; (2) Election manipulation na

103
103
103
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

isang uri ng pandaraya na makikita bago maganap ang halalan kung ang komposisyon ng mga
manghahalal ay nabago. Ang lantarang manipulasyon ay itinuturing na paglabag sa prinsipyo ng
demokrasya; (3) Disenfranchisement o ang pagtatanggal sa karapatan ng isang tao na bumoto na
isinasagawa kung ang kandidato ay naniniwala na ang isang botante o grupo ay sumusuporta sa
kalabang panig o partido. Maaari itong makita sa anyo ng pagpapahina ng loob ng iba na
magrehistro, o kung sakali man na nakapagrehistro na, ay tanggalin sila sa talaan ng mga botante
sa pamamagitan ng animo ba ay legal na pagtanggal sa proseso ng korte; (4) Manipulasyon ng
demograpiya kung saan, maraming pagkakataon na kayang kontrolin ng mga kinauukulan ang
komposisyon ng mga manghahalal upang makatiyak ng isang resultang pumapabor sa
sinusupotahang politiko. Kabilang dito ang (a) Intimidasyon na tumutukoy sa lakas o puwersang
ibinibgay sa mga botante upang sila‟y bumoto pabor sa isang partikular na kandidato o kaya‟y
pigilan silang makibahagi o makiisa sa pagboto; (b) Karahasan o Pananakot na Paghahasik ng
Karahasan na nagpapakitang ang mga botante sa isang partikular na demograpiko o mga kilalang
tagasuporta sa isang partikular na kandidato ay direktang tinatakot ng mga tagasuporta ng kalabang
partido upang ibasura ang pagsuporta na hindi makabubuti sa sinusuportahang kandidato.
Inilalarawan ito ng mga krimeng tulad ng pagpatay, pananakit, mga pagpapasabog, at iba pa; (c)
Pag-atake sa Lugar ng Halalan kung saan ang madalas na nagiging target ay ang mga lugar na
aktuwal na pinagdarausan ng lokal o pambansang halalan. Inilalarawan ito ng bandalismo, paninira
ng mga kagamitan o ari-arian, mga pananakot na nagbubunga ng pangamba sa mga botante na
tumutungo sa lugar na pagdarausan ng halalan; (d) Mga Pagbabantang Legal kung saan, may
pagkakataong sinasamantala ng mga politiko ang ng kaalaman ng isang indibidwal sa kaniyang
karapatan na makiisa sa lokal at pambansang halalan sa pamamagitan ng pagboto. Sa
pagkakataong ito, ang mga botante ay pinaniniwalaang walang legal na karapatang bumoto o
kaya‟y may obligasyong bumoto gamit ang partikular na pamamaraan. Ginagamit ng mga taong
mapagsamantala ang kahinaan ng isang indibidwal na ito ay matakot sa magiging resulta ng isang
partikular na aksyon; (e) Pamimilit na nagpapakitang ang demograpiko na may kontrol sa balota
ay sinusubukang hikayatin ang iba na sumunod sa kanila. Sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga
lumalaban sa higit na nakararami, ang mga ito ay naiimpluwensiyahan na palitan ang kanilang
mga naunang desisyon sa kung sino ang kanilang iboboto; at (f) Pamimili ng Boto na isang akto
ng kung saan ang isang partido politikal o kandidato ay nanghihingi ng boto sa mga botante kapalit
ng salapi, mga kinakailangang kagamitan o kaya ay mga serbisyo. Ang kasanayang ito ay
karaniwang ginagamit upang hikayatin ang mga botante na bigyan sila ng pabor sa araw ng halalan.
Hindi lamang sa Pilipinas talamak ang ganitong usapin ng pandaraya sa eleksyon. Maging sa
Amerika, Argentina, Mexico, Kenya, at Nigeria ay talamak din ang pamimili ng boto para sa
eleksyon.

104
104
104
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Ang gerrymandering ay isang konseptong pampolitika na kung saan

ang isang partikular na partido o grupo ay gumagawa ng kapakinabangang
pampolitika (political advantage) sa pamamagitan ng manipulasyon sa
hangganan ng isang distrito (political boundaries). Tinatawag na
gerrymander ang mabubuong distrito. Negatibo ang konotasyon ng
gerrymandering batay sa mga pangunahing taktika nito:
Cracking (halimbawa: paglusaw sa kapangyarihang bumoto ng
mga tagasuporta ng kalabang partido sa maraming distrito);
Packing (halimbawa: konsentrasyon ng kapangyarihang bumoto
ng kalabang panig sa isang distrito upang mabawasan ang kanilang
kapangyarihang bumoto sa ibang distrito)

Kadalasan na ang tiwalang ibinigay ng taumbayan sa mga politiko na kanilang iniluklok

sa puwesto upang mamahala sa bayan ay nawawalan ng saysay dahil sa pagkasilaw sa mga
kayamanang dapat sana ay ilalaan upang mapagsilbihan nang wasto ang taumbayan. Ang
suliraning ito ay matagal nang kinahaharap ng maraming bansa sa mundo na pinaniniwalaang ugat
ng pagkalugmok sa kahirapan ng bawat mamamayan.

Sa Pilipinas hindi na bagong maituturing ang usapin tungkol sa pagnanakaw sa kaban ng

bayan. Maraming isyu o usapin ng katiwalian at pagnanakaw sa kaban ng bayan ang ipinukol sa
mga politikong pinagkatiwalaan ng bawat Juan. Ang dating Pangulong Marcos ay pinukol ng
maraming alegasyon ng korapsyon at pagnanakaw sa bayan, dahilan kung bakit ang taumbayan ay
nagsagawa na at natutong makipaglaban noong 1986. Hindi natupad ni dating Bise Presidente
Jejomar Binay ang kaniyang pangarap na mahalal na Pangilo ng Republika ng Pilipinas noong
2016 dahil sa naging mainit ang mga lumabas na isyu ng katiwalian (sa Makati noong siya ay
Mayor pa lamang) ilang buwan bago maganap ang Pambansang halalan.

Ang pagnanakaw ay matatagpuan sa marami nitong anyo at maituturing na krimen sa ilalim

ng Kodigo Penal ng Pilipinas at ilang mga umiiral na espesyal na batas (special laws). Ilan sa mga
anyo ng pagnanakaw sa kaban ng bayan at sa gayo‟y maituturing na isang krimen ang: (1)
Panunuhol (Bribery at Korapsyon ng Opisyal ng Gobyerno (Corruption of Public Officer); (2)
Maling Paggamit ng Pondo o Ari-arian ng Bayan; (3) Pandarambong (Plunder); (4) Graft and
Corruption.

105
105
105
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Sa ilalim ng Artikulo 210 ng Kodigo Penal ng Pilipinas, ang direktang panunuhol (direct
bribery) ay maaaring isampa sa kahit na sinong opisyal ng gobyerno na sasang-ayon sa paggawa
ng isang akto na maituturing na krimen, kaugnay ng kaniyang opisyal na tungkulin, bilang
konsiderasyon sa kahit na anong hain, pangako, regalo o bigay na tinanggap ng naturang opisyal,
personal man o sa pamamagitan ng iba. Ang krimen sa ilalim ng probisyong ito ay maaari ding
ipukol sa opisyal na tatanggap ng regalo bilang konsiderasyon sa isang akto na hindi maituturing
na krimen, bagama‟t higit na mababang parusa ang katumbas nito. Mayroon ding krimen ng
katulad na uri kung ang isang opisyal ng gobyerno ay tatanggap ng regalo o ng pangako bilang
kondisyon na hindi siya gagawa na isang akto batay sa kaniyang opisyal na tungkulin. Kung ang
bagay na kung saan ang regalo ay tinanggap o ipinangako ay ginawa sa kondisyon na iiwasan ng
opisyal ng gobyerno na gumawa ng isang akto na kaniyang opisyal na tungkulin.

Isinasaad ng Artikulo 211 na ang isang opisyal ng gobyerno ay maaaring maakasuhan ng

di-tuwirang panunuhol (indirect bribery) sa simpleng akto ng pagtanggap ng regalo dahil sa
tanggapan na kaniyang hinahawakan (inamyendahan ng Batas Pambansa Bilang 872, ika-10 ng
Hunyo, 1985). Ang pananagutan ng katapatan sa bayan ay tungkuling iniatang sa lahat, maging sa
mga pribadong indibidwal. Kaugnay nito ay ang krimen ng korapsyon ng opisyal ng gobyerno
(corruption of public official) ayon sa Artikulo 212. Ang krimeng ito ay maaaring ihain sa kahit
na sinong tao na magbibigay ng alok o mga pangako o mga regalo o aginaldo sa opisyal ng
gobyerno.

Sa ilalim naman ng Artikulo 217 ng Kodigo Penal ng Pilipinas, binigyan ng depinisyon

ang krimen ng maling paggamit ng pondo o ari-arian ng bayan. Inilatag din sa parehong probisyon
ang paglalagay (presumption)sa ganitong krimen. Sinasabi sa artikulong ito na kahit sinong opisyal
ng gobyerno, sa pamamagitan ng kaniyang tungkulin sa tanggapan, ay may pananagutan sa pondo
at mga ari-arian ng publiko kung ito ay kanilang gagamitin sa maling pinaglalaanan, o sa
pamamagitan ng pag-iwan o kapabayaan, ay hahayaan nila ang ibang tao na gamitin ang naturang
pondo at ari-arian ng publiko, buo man o bahagdan. Ang halaga ng sangkot sa maling paggamit
ng pondo ay mahalaga sa pagtukoy ng ankop na parusa sa taong mapatutunayang gumawa ng
krimeng ito. Ang pagkabigo ng opisyal ng gobyerno na mailabas o maipaliwanag ang pananalapi
at ari-arian na nasa ilalim ng kaniyang kustodiya kung ito ay tahasang hihingin ng awtorisadong
opisyal ay itinuturing na prima facie na ebidensya na magpapatatag sa paniniwala na ang
nawawalang pondo at mga ari-arian ay ginamit sa personal na gamit.

Sa kabilang dako, isinasaad naman sa Artikulo 220 ang ilegal na gamit ng pondo at ari-
arian ng publiko. Tahasang sinasabi rito na may karampatang parusa ang kahit sinong opisyal ng
gobyerno na gagamit ng pondo at ari-arian ng kaniyang administrasyon sa pampublikong gamit
bukod sa totoong pinaglalaanan nito batay sa batas at mga ordinansa. Tinatawag din itong technical
malversation. Korapsyon din ang paggasta para sa pagbili ng mga substandard na materyales na
regular ang presyo, o kaya‟y pagbubulsa ng pera ng gobyerno sa pamamagitan ng pekeng proyekto
( gaya ng modus operandi ng mga nagtayo ng pekeng NGOs sa pangunguna ng kasalukuyang
nasasakdal sa kasong si Janet Napoles at tatlong senador na sina Bong Revilla, Jinggoy Estrada,
at Juan Ponce Enrile).

106
106
106
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Ang pandarambong o plunder ay mariing kinukundina sa sistema ng pamamahala sa

Pilipinas. Sa bisa ng RA 7080, itinuturing na krimen ang akto ng opisyal ng gobyerno na direkta,
o sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan sa mga kasapi ng pamilya, mga kamag-anak sa
pamamagitan ng kasal o sa dugo, mga kasama sa negosyo, mga nasasakupan o iba pang tao ay
humahakot, nagtitipon o nagkakamit ng kayamanan na kinuha sa masama gamit ang pinagsama o
sund-sunod na hayagan o mga gawaing kriminal na inilalarawan sa batas (RA 7080) sa tinipong
halaga o kabuuang halaga ng hindi bababa sa limampung milyong piso. Reclusion perpetua
hanggang kamatayan ang parusang naghihintay sa sinumang mapatutunayang nagkasala sa
krimeng ito.

Ang mga sumusunod ay mga espisipikong akto na may kaugnayan sa pandarambong: (1)
Paglustay, paglilipat, hindi angkop na paggamit, maling pag-aasal sa mga pondong pampubliko o
mga pagsalakay sa kabang-yaman ng bayan; (2) Pagtanggap nang direkta o hindi direkta, anumang
paggawa, regalo, bahagi, bahagdan, mga kickback o anumang anyo ng pansalaping pakinabang
mula sa sinumang tao at/o anumang entidad na may kaugnayan sa anumang kontrata o proyekto
ng pamahalaan o sa dahilan ng opisina o posisyon ng pinatutungkulang opisyal ng bayan; (3) Ilegal
na pagpapadala o pagbibigay ng mga ari-arian ng pambansang pamahalaan o anumang
subdibisyon nito, mga ahensya o instrumentalidad o mga pag-aari ng gobyerno o kinokontrol ng
gobyerno na mga korporasyon at mga subsidyaryo nito; (4) Pagkakamit, pagtanggap nang tuwiran
o hindi tuwiran ng anumang mga bahagi ng stock, ekwidad o anupamang anyo ng interes o
pakikilahok kabilang ang pangako ng panghinaharap na trabaho sa anumang negosyo; (5) Paglikha
ng agrikultural, industriyal o pangkalakalan na mga monopolyo o iba pang kombinasyon at/o
pagpapatupad ng mga atas at kautusan na ang layunin ay makinabang ang mga partikular na tao o
mga espesyal na interes; o (6) Higit sa nararapat na kalamangan ng opisyal na posisyon,
kapangyarihan, ugnayan, koneksyon o impluwensiya upang hindi makatarungang payamanin ang
sarili nito na may pagsasawalang-bahala sa panganib o pinsalang maidudulot nito sa mamamayang
Pilipino at Republika ng Pilipinas. Ilang halimbawa ng pandarambong ang overpricing gaya ng
mga lampposts na nagkakahalaga ng P224,000 bawat isa sa Mandaue at Lapu-Lapu sa Cebu o
kaya‟y ang mga proyektong pinondohan ng malaki ngunit hindi natapos (gaya ng Bataan Nuclear
Power Plant na nagkakahalaga ng $2.3 bilyon, at ang North Rail Project na nagkakahalaga naman
ng $500 milyon) o kaya‟y hindi talaga naitayo.

Ang konsepto ng graft and corruption ay mga usaping nagpapasakit sa bawat Pilipino. Ang
usaping ito‟y matagal nang hinahanapan ng solusyon subalit hanggang sa kasalukuyan, bigo pa
ring mapaglabanan. Dalawang magkaibang konsepto ng pagkuha ng personal na benepisyo mula
sa transaksyong pampamahalaan ang graft and corruption. Tumutukoy ang korapsyon sa maling
gamit ng mga pinagkukunan ng pamahalaan para sa personal na benepisyo. Ang graft sa kabilang
banda ay tumutukoy naman sa maling gamit ng impluwensiya para sa personal na benepisyo.
Makikita sa RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) ang enumerasyon ng mga
espisipikong akto ng paggawa ng krimen sa ilalim ng batas na ito.

107
107
107
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Ang isa pang walang kamatayang isyu o usapin sa larangan ng pamamahala ay ang
sistemang padrino o ang palakasan. Ang mga nakaluklok sa kapangyarihan ay karaniwang
nagiging bulag at binging saksi sa hustisyang dapat ibigay sa taumbayan mapagbigyan lamang ang
mga taong pinagkakautangan nila ng loob. May mga pagkakataong ang isang indibidwal ay
nabibigyan ng magandang katungkulan sa gobyerno at maging sa mga pribadong kumpanya dahil
sa basbas ng mga makapangyarihan, ito‟y sa kabila ng kawalan ng sapat na karanasan at
kwalipikasyon sa posisyong ipinagkaloob sa kaniya ng nasabing makapangyarihan. Ang tanging
pinanghahawakan lamang niya ay ang proteksyong nanggagaling sa pinunong minsan ay
sinuportahan niya sa panahong kailangan nito. Ang suliraning ito‟t talamak sa mga posisyong
nakabatay lamang sa tiwala at kumpiyansa ng taong nasa puwesto, bagama‟t ang mga posisyong
nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Civil Service Commission ay hindi rin ganap na ligtas sa usaping
ito.

Masasabi na ang nepotismo at kroniyismo ay kasama ay kasama rin sa mga ugat ng padrino
o palakasan. Sa ilalim ng ating Saligang Batas at iba pang umiiral na batas, ang nepotismo o ang
pagbibigay ng pabor sa mga kamag-anak ay lantarang ipinagbabawal samantalang walang tiyak
na batas na makapagpaparusa sa kroniyismo o pagbibigay ng pabor sa mga kaibigan, bagama‟t
matindi itong kinukundina. Ang nepotismo at kroniyismo ay hindi pinapaboran upang maiwasan
ang mga sabwatan sa mga transaksyong kinasasangkutan ng dalawang panig na kasangkot.

Ang korapsyon ay isang epidemyang pumapatay sa isang magandang sistema ng

pamamahala hindi lamang sa mga pangunahing sangay ng gobyerno kundi maging sa mga maliliit
na yunit nito. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa pagtataya sa mga suliraning may kaugnayan
dito. Hindi ligtas dito ang kapulisan ng Hukbong Sandatahan. Nababalot din ng kontrobersya ang
kanilang pagbili ng mga kagamitang kinakailangan sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Kung
matatandaan, naging lamang ng maraming balita sa telebisyon at pahayagan ang mga akusasyon
ng katiwalian sa dating hepe ng AFP na si Angelo Reyes. Bunga marahil ng depresyon sa pagkasira
ng kaniyang pangalan, pinagpasyahan niyang kitlin ang kaniyang buhay sa harap ng libingan ng
kaniyang namayapang ina. Sinabi ng dating AFP Chief bago wakasan ang kaniyang buhay noong
Pebrero 2011 na hindi siya ang nagsimula ng maraming iregularidad sa AFP. Aniya, ito ay isang
tradisyon. Ang tanging naging kasalanan niya ay ang pagtanggap dito bilang ordinaryong bagay
sa AFP.

Sa kabila ng panunumpa sa kodigo ng pag-aasal o etika, may mga pagkakataong nilalabag

pa rin ng kapulisan ang ispesipikong probisyon nito katulad ng mga sumusunod: (1)pagtanggap
ng salapi bilang proteksyon sa ilegal na gawain; (2) pagtanggap ng suhol kapalit ng pananahimik
at hindi pag-akto sa isang kaso na kailangan niyang gawan ng aksyon; (3) pagtanggap ng suhol
bilang kapalit ng hindi pag-iisyu ng tiket kaugnay ng paglabag ng motorista sa batas pantrapiko;
(4) pagtatanim ng ebidensya na karaniwang ginagawa upang patibayin ang kaso laban sa isang
indibidwal - ito ay ilegal, instigasyon kung saan ay karaniwang gumagawa ng paraan ang kapulisan
upang ang isang indibidwal ay kumilos at ilabas ang ebidensyang kailangan upang magkaroon ng
sapat na batayan ang kapulisan na hulihin ang naturang indibidwal batay sa mga mga ebidensyang
ipinakita - ito ay legal, at ang pagpapahirap o torture na isang konsepto ng pagpapaamin o

108
108
108
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

pagpapahirap sa isang indibidwal na aminin ang isang krimen na maaaring kaniyang ginawa o
kaya ay hindi ginawa; (5) pagmamalabis sa kapangyarihan gamit ang dahas o pananakot upang
mapagtagumpayan ang nais na makuha - kinikilala bilang isang anyo ng pangingikil na lumalabag
sa mga umiiral na batas at polisiya sa Pilipinas; at (6) paglahok ng kapulisan sa mga organisadong
krimen tulad ng pagnanakaw, terorismo, kidnapping, at iba pa.

Ang Hudikatura (Judiciary) ay isa sa tatlong mahahalagang sangay ng gobyerno. Mataas

ang pagtingin ng lipunan sa sangay na ito na siyang nagbibigay ng interpretasyon sa batas na
ginawa ng Lehislatibo at ipinatutupad naman ng Ehekutibo. Ngunit hindi rin ligtas ang Hudikatura
sa mga alegasyon ng korapsyon at pagnanakaw sa kaban ng bayan (pagtanggap ng suhol upang
magbaba ng desisyong pumapabor sa nagbigay ng suhol, pagpapatagal g desisyon na nagbubunga
ng inhustiya sa mga taong walang kasalanan).

Kaakibat ng mga maling gawi o akto ng hukom sa paglabag sa kanilang Koda ng Etika ay
ang pagharap sa mga kasong administratibo o maaari ding pagtanggal sa kanilang lisensya bilang
abogado. Isa sa mga naging mainit na usapin ang kasong ipinukol kay dating SC Justice Renato
Corona dahil sa maling deklarasyon ng kaniyang mga pagmamay-ari at pagkakautang batay sa
deklarasyon ng kaniyang SALN na sinasabing lumalabag sa RA 6713. Naging daan ito sa
pagpapatalsik sa kaniya sa puwesto, ang kauna-unahang SC Justice sa kasaysayan ng Pilipinas,
sa pamamagitan ng proseso ng impeachment noong Mayo 29, 2012. Hindi rin nalalayo ang
kapalaran ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno - ang kauna-unahang babaeng Chief Justice - kay
dating SC Justice Renato Corona. Na-impeach din siya sa pamamagitan ni Atty Larry Gadon na
siyang naghain ng impeachment case laban sa babaeng Chief Justice. Sinuportahan pa ito ni
Solicitor General Calida sa pagsasabing walang bisa ang pagkakapagtalaga dito bilang Chief
Justice ni dating Pangulong Aquino dahil hindi nito naibigay ang basikong kahingian na paghahain
ng SALN.

Ang pamamahayag ay isa sa mga basikong karapatang pantao na binibigyang ng

proteksyon ng ating Saligang Batas ng 1987 (Artikulo III, Seksyon 4). Isinasaad dito na walang
makapapasang batas na bumabangga sa karapatan ng tao na magsalita, magpahayag, o ang
karapatan na magtipon-tipon sa mapayapang pamamaraan upang ihain ang kanilang karaingan
laban sa gobyerno. Sa kabila ng mga karapatang ito, may mga pagkakataong nababahiran din ng
usapin ng korapsyon at pagnanakaw sa bayan gaya ng mga sumusunod na sitwasyon: (1)
pananahinik o pagpapasyang huwag ilantad ang katotohanan kapalit ng pagtanggap ng suhol o ang
kabaligtaran nito; at (2) may mga pagkakataong kapalit ng suhol ang pagsusulat ng mga
kuwentong mapakikinabangan ng indibidwal o kumpayang nagbigay ng suhol.

Ang Lehislatibo ang sangay ng gobyerno na namamahala sa pagbuo at pagbabalangkas ng

mga batas na nararapat namang ipatupad ng Ehekutibo. Malapit sa usapin ng korapsyon ang sangay
na ito sapagkat maaaring makapaglagay ng isang probisyon sa panukalang batas na maaaring
pumabor sa may-akda nito. Mahalaga na maunawaan ng mga mag-aaral ang ilang prinsipyo upang
labanan ang katiwaliang ito sa pamahalaan gaya ng: (1) hindi tugmang tanggapan (incompatible

109
109
109
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

office) kung saan pinagbabawalan ang mga mambabatas na humawak ng tanggapan o posisyon sa
anumang ahensya ng gobyerno kasama ang GOCC o Government Owned and Controlled
Corporations liban na lamang kung iiwanan niya ang kaniyang posisyon bilang mambabatas
(TANDAAN: Hindi lahat ng tungkulin sa gobyerno ay maituturing na incompatible office
sapagkay mayroong mga tungkuling maaaring tanggapin ng isang mambabatas batay sa pagkilala
ng Saligang Batas. Halimbawa ang pagiging kasapi ng Electoral tribunal at Judicial and bar
Council of the Philippines); (2) ipinagbabawal na tanggapan (forbidden office) kung saan
pinagbabawalan ang pagtatalaga ng mga kasapi ng Kongreso sa mga tanggapan ng gobyerno na
nilikha o ang suweldo para dito ay nilikha sa panahon na siya‟y nanunungkulan pa bilang
kongresista. Ang layunin nito‟y upang iwasan ang anomalya na ang isang kongresista ay
makinabang sa batas na siya mismo ang nagbigay ng inisyatibo.

Ang iba pang korapsyon na palasak sa Pilipinas ay ang: (1) pagtakas sa pagbabayad ng
buwis; (2) ghost projects at payroll; (3) pagtakas o pag-iwas sa subasta sa publiko ng pagkakaloob
ng mga kontrata; (4) pagpasa ng mga kontrata mula sa isang kontraktor tungo sa iba pa o
subcontracting; (5) pangingikil; at (6) panunuhol.

Mga Ugat ng Korapsyon

Kung susuriin ang kasaysayan ng bansa, maaaring sabihing sa panahon ng mga Espanyol
nagsimula ang korapsyon. Nang masakop nila ang Pilipinas, ipinaubaya sa mga dating datu, rajah,
at iba pang maharlika ang mabababang posisyon sa gobyerno (gaya ng pagiging cabeza de
barangay) na ang pangunahing tungkulin ay maningil ng buwis. Mahirap maging cabeza dahil may
quota ang buwis na kokolektahin. Kapag hindi umabot sa quota ang cabeza, obligado siyang
magpaluwal. Kung walang salapi ang cabeza, kukumpiskahin ng mga Espanyol ang kaniyang ari-
arian. Sa takot ng ilang mga kolektor na magpaluwal, tinaasan nila ang paniningil ng buwis, lagpas
pa sa halagang itinakda. Sa gayong paraan, hindi kukulangin at malamang na may lumabis pa nga
sa masisingil. Ang sumobra sa nasingil ay “ibinubulsa” na ng mga opisyal.

Mayroon ding mga gobernador-heneral na Espanyol na maituturing na tiwali. Katunayan,

pagkatapos ng kanilang mga termino, madalas na ibinubulgar ng pumalit na gobernador-heneral
ang mga kuwestyonableng transaksyon ng nakaraang administrasyon. Sa panahon din ng mga
Espanyol lumitaw ang sistemang padrino o pagkakaroon ng backer na susuporta sa isang tao na
gustong magtrabaho sa gobyerno o kaya‟y makakuha ng mataas na posisyon. Ang ganitong
sistema ay nagbunga ng katiwalian dahil karaniwan, sa bawat pabor na hingin sa padrino ay may
kapalit na suhol, salapi man o anumang mahalagang bagay. Sa pagkakaroon ng utang na loob sa
padrino, ang mga biktima ng ganitong sistema ay mananatili masugid na tagasuporta ng kanilang
padrino kahit na ang huli‟y mapatunayan nang tiwali.

Sa paghahari ng mga Espanyol, sumulpot ang lokal na elite o principlia mula sa mga dating
datu, rajah, at maharlika. Para mapatahimik ang mga dating pinuno at di na sila mag-isip na mag-
aklas laban sa mga Espanyol, ibinigay sa kanila ang mababang posisyon gaya ng pagiging cabeza
de barangay at gobernadorcillo. Pinaboran din sila ng mga Espanyol sa pagbibigay ng karapatang

110
110
110
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

mamahala sa lupa at maningil ng buwis. Samakatuwid, kunga ang mga ordinaryong indio ay
walang sariling lupa at wala ring pera, ang mga pricipalia at ilustrado ay mayroon sapagkat
pinaboran sila ng mga Espanyol para maging maamong tagasunod na maglilingkod sa Espanya at
wala ng iba pa. Katunayan, sa maraming taon ay naging matapat sila sa mga Espanyol dahil
nakikinabang nga sila nang malaki sa paghahari ng mga ito. Marami sa mga pamilyang asenderong
ito‟y nanatiling bahagi ng alta sociedad sa kasalukuyan, sapagkat mayaman pa rin sila sa salapi at
lupain.

Hindi naging mabisa ang reporma sa lupa ng mga Amerikano sa panahon ng kanilang
pananakop, at hanggang ngayon, ang programa sa reporma sa lupa ng pamahalaan - ang CARP na
pinalawig pa at naging CARPER - ay napatunayan na ring hindi mabisa. Samakatuwid, napanatili
ng iilang pamilya mula pa noong panahon ng Espanyol ang kanilang kontrol sa malalaking lote ng
lupa, at ang kanilang kayamanan. Sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang kayamanan ay
napanatili rin nila ang kontrol sa kapangyarihang politikal. May natural na kalamangan o edge sila
sa mayorya ng mga ordinaryong Pilipino, sapagkat ang kanilang kayamanan ay nangangahulugan
din na may kakayahan silang mag-aral hanggang kolehiyo, at bumuo ng mga koneksyon sa iba
pang makapangyarihan sa lipunan. Sa mga unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano, ang
karapatang maghalal at mahalal ay maaari lamang tamasahin ng mga mamamayang may
edukasyon at ari-arian. Samakatuwid, lalong tumibay ang monopolyo ng mayayaman sa
kapangyarihang politikal sa panahong iyon, bagay na nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan.

Sa pamamagitan ng monopolyo nila sa kapangyarihang politikal, naging mahirap para sa

mga ordinaryong tao na bantayan at lumahok sa prosesong politikal. Halimbawa, ang mayayaman
lamang ang may malaking pagkakataong manalo sa mga eleksyon dahil sa laki ng salaping
kailangan sa pangangampanya. Kung may mga mamamayan mang galing sa mahihirap na pamilya
ang magwagi, karaniwang dahil lamang din sa suporta ng mayayamang nagbigay ng salaping
pangkampanya. Sa panahong maalo na ang mga puwersang ito, malakas ang tukso na gamitin ang
salapi ng bayan upang mabawi ang kanilang “puhunan” sa pagtakbo at pangangampanya.
Samakatuwid, maituturing na ugat din ng korapsyon ang monopolyo ng iilang dinastiyang politikal
sa kapangyarihan at ang kawalan ng sapat na partisipasyon ng mga mamamayan sa prosesong
politikal.

Mga Dinastiyang Politikal

Sa aklat na “The Modern Principalia: The Historical Evolution of the Philippine Ruling
Oligarchy” (2007) ni Prp. Dante Simbulan, detalyadong sinuri ang pangingibabaw ng mga
dinastiya sa sistemang politikal ng bansa. Ayon sa kaniyang pananaliksik na sumasaklaw mula
1946 - 1963, may 169 dinastiya sa Pilipinas na pinagmulan ng 584 opisyal ng gobyerno (kasama
na ang 7 presidente, 2 bise-presidente, 42 senador, at 147 kinatawan sa Kongreso).

Sa pag-aaral naman ng Asian Institute of Management Policy Center noong 2011, mahigit
100 o 68% ng mga kinatawan sa ika-15 Kongreso na nahalal noong 2010, ang may mga kamag-
anak sa ika-12, 13, 14, at 15 Kongreso, o kaya mga lokal na opisyal na nahalal noong 2001, 2004,

111
111
111
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

2007, at 2010. Karamihan sa kanila ay mga multi-milyonaryo na ang average na kabuuang yaman
ay P52 milyon. Ayon pa rin sa nasabing pananaliksik, kontrolado rin ng mga dinastiya ang mga
partido politikal batay na rin sa komposisyon ng kasapian o membership ng mga nangungunang
partido: 76% ng Lakas-Kampi; 57% ng Partido Liberal; 74% ng Natinalist People‟s Coalition; at
81% ng Partido Nacionalista. Batay naman sa isang ulat ng GMA News Online, marami pa ring
dinastiya ang nananatili sa kapangyarihan sa eleksyon noong 2013. (Matatagpuan sa link na ito
ang nasabing ulat: http://www.gmanetwork.com/news/story/308899/news/nation/phl-political-
dynasties-winners-losers-in-may-13-elections). Sa isa database naman ng Philippine Center for
Investigative Journalism (PCIJ) ay masisipat ang detalyadong datos hinggil sa mga dinastiya na
sumasaklaw sa sangay ehekutibo, lehislatibo, at hudisyal. Saklaw din ng nasabing database ang
mga negosyong hinahawakan ng mga kasapi ng mga dinastiyang politikal. Sa pamamagitan ng
nasabing database, mahihinuhang maraming dinastiya sa bansa ang mahigit apat na dekada nang
may kapangyarihang politikal, gaya ng dinastiyang Abad, Aquino, Cojuangco, Marcos,
Macapagal, Magsaysay, Ortega, at marami pang iba. (Matatagpuan ang nasabing database sa:
http://i-site.ph/).

Ayon naman sa aklat na “The Rulemakers, How the Wealthy and Well-born Dominate
Congress” (2004) nina Shiela Coronel et al., halos isang siglo nang kontrolado ng mga dinastiya
ang sistemang politikal ng bansa. Anila, bagama‟t hindi na puro asendero ang mga dinastiyang
nakapuwesto, lahat ng mga angkang ito‟y pawang mayayaman at maituturing na bahagi ng noveau
rich. Samakatuwid, malinaw na ang kayamanan at kapangyarihang politikal ay magkaugnay pa
rin hanggang sa kasalukuyan.
Mga Bunga ng Korapsyon
Isa sa mga pangunahing bunga ng korapsyon ang kawalan ng oportunidad ng mga
ordinaryong mamamayan na magkaroon ng espasyo sa iba‟t ibang sangay ng pamahalaan.
Halimbawa, kahit may mga kinatawan ang mga grupong marginalized sa pamamagitan ng mga
partylist, kontrolado pa rin ng mga dinastiyang elite ang Kongreso dahil mayorya sa mga
kongresista ay mula sa mga mayayamang dinastiya. Samakatuwid, hadlang din sa mga repormang
sosyo-ekonomiko na isinusulong ng mga grupong marginalized ang mga dinastiya.

Pangalawang bunga ang pagliit ng pondo na maaaring magamit ng gobyerno para sa mga
serbisyong panlipunan (gaya ng pabahay, edukasyon, transportasyon , at kalusugan). Malaking
halaga ng badyet ng gobyerno ang napupunta sa korapsyon, na tinatayang umaabot sa 200 bilyong
piso kada taon (ayon sa World Bank). Ang ganitong kalaking halaga ay maaari sanang magamit
sa paglutas ng kahirapan at iba pang kaugnay na suliranin. Samakatuwid, ang kabiguan ng
pamahalaan na lutasin ang kahirapan ay isa sa mga epekto ng katiwalian sa gobyerno.

Bunga rin ng korapsyon ang kawalan ng tunay na mga partido politikal sa bansa. Sa halip
na mga propesyonal at ideolohikal na partidong may magkakaibang paninindigan sa iba‟t ibang
mahahalagang isyu, mga personalistikong partido ang nangingibabaw sa bansa, mga partidong
kontrolado at pinopondohan ng mayayamang dinastiya.

112
112
112
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Sa pangkalahatan, ang pagtamlay ng suporta ng mga mamamayan sa gobyerno at ang

pagtamlay ng kanilang partisipasyon sa halalan at iba pang prosesong politikal ay epekto rin ng
monopolyo ng mga dinastiya sa kapangyarihang politikal. Tinatabangan ang marami-raming
mamamayan n makilahok sa mga proseong politikal dahil inaakala nilang wala rin namang
mangyayaring maganda o kaya‟y mababago sa sistema, dahil kontrolado ng mga dinastiya ang
kapangyarihang politikal sa halos lahat ng sangay ng pamahalaan. Samakatuwid, ang mababang
kalidad ng demokrasya sa bansa ay mauugat sa pagkakaroon ng mga makapangyarihang dinastiya.
Mga Solusyon sa Korapsyon

Sa ganitong diwa, ang pagsasagawa ng mga repormang politikal (gaya ng pagsasabatas ng

konstitusyonal na probisyon na nagbabawal sa mga dinastiyang politikal at mga batas na
magpapatibay pa sa representasyon ng mga grupong marginalized gaya ng sistemang partylist) ay
dapat isagawa. Isinasaad sa Artikulo II, Seksyon 26 ng ating Saligang Batas ang ganito: “The state
shall guarantee equal access to opportunities for public service and prohibit political dynasties as
may be defined by law.“ Sa kasamaang-palad, wala pa ring enabling law ang constitutional
provision na ito dahil laging hinahadlangan ng sangkatutak na political dynasties sa Kongreso.
Noong 2011, isinampa sa Kongreso ang House Bill 3413 (Anti-Political Dynasty Bill) na co-
authored ng mga partylist na Bayan Muna, Gabriela Women‟s Party, Anakpawis, Kabataan, at
ACT Teachers. Noong 2001 pa unang nag-file ng anti-dynasty bill ang Bayan Muna. Sa
kasalukuyan, nakalusot na sa lebel ng komite sa Kongreso ang katulad na panukalang batas
(konsolidadong House Bills 172, 837, at 2911 na inakda rin ng mga nasabing partylist at ng tatlo
pang kongresista. Sa Senado ay naka-file naman ang Senate Bill 2649 ni Senador Miriam
Defensor-Santiago.

Bukod sa mga institusyonal na pagsisikhay na maisabatas ang isang Anti-Dynast Bill, ang
pagsuporta sa mga grupo ng mga ordinaryong mamamayan na lumalahok sa politika, gaya ng mga
partylist, ay epektibong paraan din ng pagpapahina sa mga dinastiyang politikal. Ang pagsasagawa
ng mga voter’s education forum, sa panahon ng eleksyon at pagkatapos nito, ay makatutulong din
sa pagpapalakas ng partisipasyon ng mga mamamayan sa politika, na makapagpapahina naman sa
kapangyarihan ng mga dinastiya.

113
113
113
YUNIT V
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL
(IKALAWANG BAHAGI)

Mga Isyung Kultural at Linggwistiko

Bawat bansa sa mundo ay may kani-kaniyang kultura, kultura sa pananamit, pagsasalita,

pananampalataya, at iba pa. Ang ating bansa ay napakayaman sa kultura. Sinasabing bago pa man
dumating ang mga dayuhan para sakupin tayo, ang ating bansa ay mayaman na sa kultura. Ang
kultura ng Pilipinas ay pinaghalong katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang
mangangalakal at mananakop. Ang nangyaring pananakop ng Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala
ng Mehiko na tumagal ng 333 taon, ay may malaking kontribusyon sa ating kultura. Isa sa ating
minana ay ang pagdiriwang ng pista at pag-alala sa mga Santong Patron. Sa katimugang bahagi ng
ating bansa kung saan ang mga kapatid nating Muslim ay nagdiriwang din ng kanilang mga
tradisyon at nakagawian.

Bago pa man dumating ang unang mananakop, ang mga mangangalakal galing Malaysia,
India, Hapon, Indonesia, at Tsina ay mayroon ding malaking kontribusyon sa kultura ng Pilipinas.
Ang Hinduismo at Budismo ay impluwensiya rin sa mga katutubong paniniwala ng mga Pilipino
bago dumating ang mga Espanyol at ang mga mangangalakal na Muslim sa atin. Ang wikang
Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay maraming hiniram sa wikang Sanskrito. Marami sa mga
pamahiin, hiniram na salita at pagkain ay minana pa sa mga mangangalakal na Intsik. Ibig sabihin,
ang kultura ay paraan ng pamumuhay ng mga tao na nagpapakita ng mga kaugalian, tradisyon,
mga sining, sistema ng edukasyon, musika, at pamahalaan.

Namamatay na ang kultura ng ating bansa. Ang kabataan sa kasalukuyang panahon ay wala
ng pagpapahalaga para sa mga produkto at gawaing Pilipino. Ang sinasabi nilang ―colonial
mentality‘‘, o ang kaugaliang pumapabor sa paggamit ng mga bagay na gawa ng mga dayuhan, ay
nagiging kanser na sa ating lipunan. Pero, bago natin suriin at sagutin ang problemang ito,
kailangan natin bumalik sa pinagmulan ng kaisipan na ito.

Sa tatlong daang taon na nakatira dito ang mga Kastila, maraming bahagi ng kanilang
kultura ay isinama sa iba‘t ibang aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino, katulad ng Katolisismo
o rehilyon Katoliko, mga Kastilang pangalan, wika, at pagkain. Hindi lang ito, ngunit ang mga
ginagawa ng mga Pilipino sa kasalukuyang panahon katulad ng pagbebeso, pagsasali sa mga pista
at pagsisiesta ay galing din sa mga Kastila. Sa panahon ng mga Kastila, naniniwala sila na mas
mabuti ang kanilang kultura kaysa sa kultura ng Pilipinas, at ang kaisipan na ito ay pumasok sa
utak ng mga Pilipino, lalong lalo na sa mga mas mayaman na tao.

111
Noong naging kolonya ng Estados Unidos ang bansang ito, pinakilala ng mga Amerikano
ang iba‘t ibang uri ng kanilang kultura sa mga Pilipino. Ang panonood ng mga pelikula, ang mga
popular na ―fast food‖ katulad ng hamburger at french fries, ang mga pangalang Amerikano, at
ang pagsuot ng pantalong maong ay mga halimbawa nito. Tinanggap ng malugod ng Pilipino ang
mga impluwensiyang ito, at dahil dito, naniwala sila na napakabuti ang mga natunan nila sa mga
dayuhan.

Makikita natin na sa kasalukuyang panahon, karaniwan sa mga Pilipino ay hindi

naniniwala sa kagandahan at pagkakaiba ng kultura ng sarili nilang bansa. Ang mga produktong
Amerikano o mga produktong Europa ay laging binibili at hinahanap nila, habang ang lokal na
produkto ay nawawalan na ng halaga. Nabubulag ang mga Pilipino sa realidad na hindi uunlad ang
Pilipinas kung hindi nila kayang mahalin ang sariling wika, produkto at kultura. Bilang pagtugon
sa problemang ito, magbabahagi ako ng anim na paraan upang maikontra ang kolonial na
mentalidad at maging mas apresiyatibo ang mga kababayan ko sa mga gawaing at kulturang
Pilipino.

Kamakailan lamang ay nag-survey ang Pulse Asia tungkol sa kawalan ng pag-asa ng mga
Pilipino sa ating bansa. Ayon sa survey, wala pa sa kalahati ng mga Pilipino ang naniniwalang
―may pag-asa pa ang bansang ito.‖ Dama ng karamihan ang pangangailangan para sa pundamental
na pagbabago sa ating lipunan ngayon. Kailangan ng pagbabago sa ating ekonomya kung saan ang
karamihan ay nananatiling hikahos, hindi nakikinabang sa kanilang pinagpapawisan. Kailangan
ng pagbabago sa ating pulitika, kung saan ang gobyerno ay gobyerno ng iilan, at hindi ng
karamihan. Pero batid din natin na ang pagbabago sa lipunan ay hindi magiging ganap kapag
walang kasabay na pagbabago sa kultura ng bayan. Pagbabago sa dominanteng kaisipan,
kaugalian, pagpapahalaga, panlasa, sining at panitikan. Pero ano nga ba ang kailangan baguhin sa
kultura sa bansa ngayon? Hayaan ninyo akong magbahagi ng aming pagsusuri hinggil sa
kasalukuyang kalagayan ng sining at kultura sa Pilipinas, mga patakaran at programa sa kultura
ng pamahalaan at pribadong sektor, at ugnayan ng mga ito sa ekonomya at pulitika ng bansa sa
panahon ng globalisasyon. Kung ito ay makakatulong sa paglilinaw at paggigiit sa tungkulin ng
artistang Pilipino sa pagsusulong ng pagbabago sa ating lipunan, nakamit na rin namin ang aming
layunin sa pagkakataong ito.
Ang dominanteng kultura sa Pilipinas ay nananatiling kolonyal, burges at pyudal sa
kasalukuyang panahon. Itinatakda ito ng mga dominanteng pwersa sa ekonomya at politika ng
bansa – ang U.S. at ang mga elite sa ating lipunan, ang malalaking kapitalista at asenderong
Pilipino.

114
114
114
Ang pamantayan ng U.S., hindi lamang sa pulitika at ekonomya, kundi maging sa kulturang
kolonyal ang nagiging sukatan kung ano ang mahusay at hindi para sa mga Pilipino. Sa kulturang
burges, ang sining ay kalakal at ang mga tao ay palengke na pwedeng manipulahin para higit na
pagtubuan. Pinapanatiling mangmang, kimi at palaasa sa ―swerte‖ at sa kawanggawa ang masang
bihag ng kulturang pyudal. Sa tulong ng dominanteng kulturang ito, nagiging mas madali ang
patuloy na pagkontrol at pagsasamantala ng mga dayuhan at iilan sa sambayanang Pilipino.

Sa ngalan ng ―globalisasyon,‖ ibayo ang pananalakay ng dalawang pinakadominanteng

puwersa sa kulturang Pilipino – ang imperyalismong U.S. at ang simbahang Katoliko.
Kinakasangkapan din ng mga dayuhang imperyalista at mga naghaharing uri ang estado upang
ipalaganap ang artipisyal na kulturang popular, ang kultura ng korupsyon, at kultura ng pasismo
upang palakasin at higit na palawakin ang kanilang dominasyon.

Dahil sa patakaran ng import liberalization mas malaya nang nakapapasok pati mga
dayuhang produktong pangkultura sa Pilipinas katulad ng pelikula, aklat, musika at software. Sa
ilalim ng Trade-Related Aspects of Intellectual Property Rights o TRIPS ng WTO, nagiging mas
madali para sa mga higanteng korporasyon mula sa ibang bansa ang pamumuhunan, pagbili, pag-
agaw, pagkontrol at pagmomonopolyo sa mga sumusunod:1) likhang sining at distribusyon nito
(sa pamamagitan ng karapatang-ari at mga kaakibat nito), 2) tatak (trademark) at pagtukoy sa
pinagmulan ng produkto (geographical indications),3) imbensyon (sa pamamagitan ng patente),
industrial design at trade secrets. Sa pamamagitan ng General Agreement on Trade in Service o
GATS ng WTO, pinadali rin ang dominasyon ng mga imperyalistang bansa sa mga serbisyo sa
Pilipinas. Kabilang dito ang mga serbisyong tumutugon sa pagpapalaganap at preserbasyon ng
mga produktong pangkultura, gaya ng distribusyon at pagpapalabas ng pelikula. Sa buong mundo,

115
115
115
ang US ang pinakamalaking exporter ng mga produktong pangkultura ngayon. Kasabay ng halos
monopolyado ng US ang produksyon at distribusyon ng produktong pangkultura, hinuhulma nito
ang panlasa ng mga tao upang lumikha ng pangangailan (demand) para sa kaniyang mga produkto.
Ang panlasang Pinoy ay matagal ng nabababad sa pamantayang Amerikano kaya madaling
tanggapin ito ng marami. Ngunit nagreresulta ito sa pagkalugi o paglamon sa lokal na industriyang
pangkultura. Dahil sa matinding kumpetisyon lumalaban ang mga ito sa pabababaan ng sahod,
kontraktwalisasyon, at pagbabawas ng mga manggagawa na nagaganap sa mga estasyon ng
telebisyon at mga produksyong pampelikula. Ibinubunsod din ng kumpetisyon na ito ang lalong
pagkasadlak ng mga likhang sining sa pamantayang komersyal at kolonyal para makapatas sa mga
imported na likhang sining at pamantayan ng kahusayan. Naging laganap din ang pamimirata ng
mga nais kumita ng malaki sa mababang kapital. Habang sa isang banda, ang panggagaya ay
kinukunsinti ng mga dayuhang korporasyon dahil pinalalaganap pa nito ang dayuhan o anila‘y
―global‖ na panlasa, ang pamimirata nama‘y malupit nilang nilalabanan sa larangan ng intellectual
property rights dahil umuuk-ok ito sa kanilang tubo. Nagkakaroon din ng impluwensya o kontrol
ang pribadong korporasyon sa mga likhang sining sa pamamagitan ng pagpondo nito sa mga
ahensyang pangkultura at mga grupo o indibidwal na artistang hindi nakatatanggap ng suporta
mula sa gobyerno. Ang ganitong kalagayan ay lalong pang dadausdos kapag naisulong ang
mungkahing charter change ng administrasyong Arroyo kung saan kabilang ang pag-alis ng mga
restriksyong pang-ekonomya sa dayuhang pagmamay-ari.

Sa hanay ng kultura, itinuturing na world-class ang mga nagkamit ng parangal mula sa mga
dayuhang institusyon. Hindi masamang makilala ang kakayanan ng Pinoy sa ibayong-dagat.
Ngunit kung ang gagamiting pamantayan ng pag-unlad at kahusayan ay nakabatay sa kulturang
maka-dayuhan gaya ng laganap sa ating mga palabas, musika, atbp. mas malaki ang pinsala nito.
Anti-nasyunal na kaisipan ang kabilang mukha ng ―world class culture‖na nagmamaliit at
nagbabansot sa halip na nagpapayabong sa kulturang Pilipino. Maging ang sistema ng edukasyon
ay hinuhubog ding maging world-class. Kinakailangan daw ito para maging competitive o
makipagtapatan sa pandaigdigang kumpetisyon. Sa mga paaralan, pilit inaayon ang mga kurso at
aralin na maghuhubog ng mga susunod na manggagawang skilled at english speaking para sa mga
multinasyunal na kumpanya na nagdidikta ng kung ano ang kailangan nilang trabaho. Sa
kasalukuyan laganap ang call centers, kung saan maraming kabataan ang namamasukan bilang
kontrakwal. Inihahanda rin ng ganitong mga patakaran sa paaralan ang mga susunod na OFWs na
pinagkakakitaan ng pamahalaan.

Ang cultural diversity o ang pagkakaiba-iba ng mga kultura sa daigdig ay ang pagtingin na
may esensyal na kaibahan ang mga kultura at nararapat lamang na igalang, protektahan at
paunlarin ang mga pagkakaibang ito. Subalit ang pakahulugan sa cultural diversity – na
itinataguyod ng globalisasyon at tinatangkilik ng gobyerno – ay ang paglikha ng napakaraming
produkto at serbisyo mula sa iba‘t ibang kultura. Binibigyan ng halaga na parang sa palengke ang
mga ―kakaiba,‖ ispesipiko, ―walang katulad,‖ at exotic na kultura. May pagromantisa pa sa samu‘t-
saring tribo at komunidad na nagsisilbing materyal para saimahinasyon at pantasya ng ―mas
maunlad‖ na sibilisasyon.Hungkag ang ganitong konsepto ng ‖cultural diversity‖
sapagkathinihiwalay ang kultura sa kinaiiralan nitong panlipunangkonteksto. Mapananatili ba ng
mga katutubo ang kanilang kultura kung sila ay sapilitang inaalis sa kanilang lupain? Sa anong

116
116
116
antas makikipagturingan nang matino sa mga Muslim kung patuloy silang itinatakwil at
binabansagang terorista?

Laganap ang samu‘t saring festival sa buong kapuluan ngayon sa layunin ng mga lokalidad
at ng pambansang pamahalaan na pasiglahin ang turismo sa bansa . Sa isang banda nakabubuti ang
turismo, kung bahagi ito ng edukasyon ng mga Pilipino at ng mga dayuhan na makilala ang
mayamang kultura sa ating bayan .Ngunit kung ang pangunahing layunin ay kumita ng pera,
nagiging kapital ang turismo sa komersiyalisasyon ng kultura. Bukod pa sa pinagkakakitaan ang
kultura, mas masahol ang usapin ngpanghihimasok sa isang kultura at ang artipisyal na
pagpoprosesodito upang maging mabenta sa pinakamaraming tao. Madalas kaysa hindi, nababago
sa kalaunan ang isang kultura kundi man ito tuluyang nasisira. Sa praktika ng gobyerno, ginagamit
nito ang turismo bilang tugon sa kahirapan. Sa isang banda, sinusuportahan nito ang produksyon
ng mga tradisyunal na kagamitan. Ngunit ang pagpayag at paghihikayat ng gobyerno sa pagpasok
ng mining companies at sa laganap na militarisasyon na nagtataboy sa mga kababayang tumutugon
sa tradisyunal na kagamitan ay siya ring pumapatay sa tradisyunal na produksyon.

Ang tinaguriang ―kulturang popular‖ ba ay tunay na kultura ng masa? O nagiging popular

ito dahil pilit itong ipinamumudmod sa masa, hinuhubog ang kanilang panlasa hanggang sa
tanggapin na nila ito bilang sariling kultura? Ang mga eksena mula sa palabas na Wowowee at iba
pang gameshow ay nagpapakita ng matinding desperasyon ngnapakaraming maralitang Pilipino .
Pinapalaganap nito ang pantasya na ―suwerte‖ at kagandahang-loob ng iba ang sagot sa kahirapan
ng masa. Inilalako nito ang hungkag na pag-asa sa milyon-milyong tagapanood, kasabay ng mga
produkto ng mga malalaking kumpanyang isponsor ng mga palabas na ito, sila na kumikita ng
limpak-limpak sa pagtangkilik ng masa. Gayundin, hungkag na kaligtasan ang nilalako ng mga
fantaserye at telenovela, gawa man dito o dinub mula sa ibang bansa, Sa mga palabas na ito, hindi
sistemang panlipunan o gobyerno ang ugat ng paghihirap kundi mga masasamang nilalang. At ang
katubusan ay nasa balikat ng mga indibidwal na may kakaibang mga kapangyarihan, mga
superhero, hindi sa kolektibong pakikibaka ng mga inaapi at pinagsasamantalahan. Ito ang
artipisyal na kulturang popular na ―ibinebenta‖ ng industriyang pangkultura ng mga lokal na
naghaharing-uri at ng imperyalismo sa masang mamimili. Dahil ang mga lokal na naghaharing uri
at imperyalismo ang may hawak ng halos lahat ng mayor na industriya sa kultura at sining (musika,
pelikula atbp.) sila ang nagtatakda kung ano ang isinasalaksak sa isipan at panlasa ng masa. Sila
ang nagtatatak na pangmasa ang ganitrong kulturang mapang-alipin. Sila ang nagpapanatiling
mababaw o tanga ang masa – habang umaani ng tubo mula sa mga produktong kanilang ibinebenta
sa masa.

Patuloy ang paglipas ng panahon ngunit tila ba isang iglap lang ay natapos ito na waring
walang naganap na tuwirang pagbabago sa lipunan. Maraming Pilipino ang nangarap ng
katiwasayan sa pamumuhay ngunit bigo pa rin ang karamihan. Ano ba naman ang simpleng buhay
na dapat makamit ni Juan dela Cruz? Maayos na trabaho, masarap na pagkain sa lamesa, magarang
damit na maisusuot, maipagamot ang iniindang sakit sa katawan, at iba pa. Marahil ang mga
pangarap na ito ay patuloy na sumasalamin sa sakit ng lipunan, na umuugat sa bulok na sistemang
politikal na siyang patuloy na nagpapahirap sa ating mamamayan. Ito marahil ang dahilan kung

117
117
117
bakit marami sa ating mga kababayan ang patuloy na nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang
matugunan ang pangangailangan at makamit ang minimithing katiwasayan ng pamumuhay. Isang
halimbawa ng pangyayaring ito ay ang pag-uwi sa Pilipinas ng marami sa ating mga kababayan
mula sa Taiwan dahil sa pagkalugi ng mga pagawaan at pabrika na nakadepende sa ekonomya ng
Amerika. Alam naman natin kung gaano kalaki ang lawak ng impluwensya ng bansang Amerika
sa kanilang pangangalakal sa iba‘t ibang bansa sa buong mundo. Dahil sa hinaharap na krisis pang-
ekonomiya, ang Estados Unidos ay nasasadlak sa matinding problemang pinansyal. Dahil dito,
marami ang patuloy na nawawalan ng trabaho ‗di lamang sa Amerika kundi sa buong mundo.
Tiyak na marami ang tuwirang maghihirap lalo pa‘t wala namang programa ng pamahalaan na
tutugon sa krisis na ito. Marami sa ating mga kababayan ang umaalis na buo ang pangarap at
matayog ang mithiin na makamit ang matiwasay na pamumuhay, nangutang ng ―placement fee‖
subalit umuwing bigo at sawimpalad. Sa totoo lang, masaklap ang hinaharap nating lahat ngayon
dahil sa patuloy na krisis pinansyal na humahagapit sa buong mundo. Sang-ayon sa isang
ekonomista sa Pilipinas hindi pa raw tuluyang nararanasan ang krisis na ito sa Pilipinas. At ‗pag
tinamaan daw nang husto ang ating bansa, marami ang mawawalan ng trabaho, at patuloy na
pagkalulong sa kahirapan ng ating mamamayan. Sa mga kagalang-galang na mga politiko natin na
maayos ang pamumuhay dahil sa karangyahan at katanyagan, ‗di nila alintana ang kalunos-lunos
na sinasapit ng ating mga kababayan sa kabila ng mapagkutyang kahirapan. Patuloy pa rin ang
kanilang kahangalan at kahibangan sa pagkalasing sa kapangyarihan. Ano ba ang kailangan para
magising sila sa katotohanan na sa serbisyo publiko ay inuuna muna ang kapakanan ng
mamamayan bago ang sarili? Kung buhay lang siguro si Gat Jose Rizal, baka lalo siyang masuklam
sa nakaririmarim na kalakalan sa politika sa ating bansa. At dahil dito, baka makapaglimbag pa
nga siya ng bagong serye sa kanyang librong Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ilan sa mga
iniwang pamana ni Rizal sa mga Pilipino ang: ―di-makasariling pamumuhay, pagmamahal sa
kapwa higit pa sa sarili, pagkakakawang-gawa, pagsasakripisyo, pagkamatulungin, mainam na
pakikipag-kapwa tao at pagmamahal sa sariling bansa." Lahat ng ito‘y waring nauugat sa kulturang
Pilipino pero unti-unting naglalaho na parang bula sa pag-ikot ng kaunlaran. Sadyang mahirap na
buwagin ang ‗di-magandang sistemang nakaukit na sa ating kultura. Maihahalintulad ito sa dugo
na nanalantay sa ating katawan na siyang nagbibigay ng buhay sa atin; ―ang sistemang kultural na
siyang bumubuo sa ating kamalayang Pilipino ay kumakatawan ng ating pagkakilanlan sa mundo.
Masasabing ang Pilipino ay malikhain pero mapanira; mapagmahal pero mapag-imbot;
matulungin sa kapwa ngunit nakikitaan ng ‗utak talangka‘; mapagpakumbaba datatpwa‘t
nagpapayabangan sa isang banda; at matalino subalit ‗di mapanuri sa mga isyung sosyal sa
lipunan." Ang mas nakasusuklam ay ang ating ugaling pagwawalang-bahala sa mga kritikal na
isyung sosyal sa ating bansa. ‗Di kagaya noong nakaraang dekada kung saan ang mga Pilipino ay
mapanuri sa mapang-aping pamahalaan at nagkaisang gumawa ng makasaysayang ―People
Power". Ano ba ang nangyari magmula noon? Tila ba napagod na ang mamamayan sa kanilang
pakikibaka sa mapang-aping gobyerno. Mas kuntento na lang ang karamihan na punan ang
kumakalam na sikmura kaysa ipaglaban at ituwid ang baluktot na sistemang politikal. Ang iba
naman ay talagang hindi na umaasa sa posibleng magbabago ng ating lipunan. Sadyang ito ang
pinakamasaklap sa lahat – kung ang bawa‘t isa sa atin tuluyang mawalan ng pag-asa na makamit
ang pagbabago, saan kaya tayo dadalhin ng tadhana? Mas pipiliin pa ng iba na mag-shopping na
lang kaysa makibahagi sa politikal na proseso. Halimbawa, marami ang nakilahok sa protesta laban
sa gobyerno sa Maynila. Pero mas marami naman ang ipinagwalang-bahala ito. Pinapatunayan
lamang na wala na sa atin ang makabayang kamalayan, dahil napagod na rin marahil ang
mamamayan sa paulit-ulit na mala-sarsuwelang pangangalakal ng ating pamahalaan. Mas

118
118
118
nakatutok pa nga ang karamihan sa pamimili sa mga shopping malls! Kung tutuusin, tayo‘y mga
Pilipino ay lubusan ang ating pagkahumaling sa mga bagay-bagay na kumpuni o ginawa sa ibang
bansa. Tahasan nating iniiwasan ang mga lokal na produkto kasi sa ating kamalayan ito‘y madaling
masira at ‗di maganda. Kaya hayun naglipana ang mga ―imported goods" na kumukumpitensya sa
ating mga lokal na produkto. Lingid sa kaalaman ng karamihan, ito ang siyang pangunahing
dahilan kung bakit unti-unting nawawalan tayo ng kumpiyansa ng sariling atin. Kahit anong bagay
na gawa sa atin ay ‗di gaanong pinahahalagahan. Pero kung tutuusin, marami sa mga produkto na
ibinebenta sa Amerika ay gawa sa Pilipinas. Nagpapatunay lang na mataas ang kalidad ng ating
teknolohiya. Nararapat na siguro nating baguhin ang maka-dayuhang pag-iisip at iwaksi ang ating
mapanirang ―colonial mentality." Dahil dito, hindi tayo makausad sa ating pagkakasadlak sa
banyagang kultura. Ito marahil ang dahilan kung bakit wala tayong tuwirang pagkakakilanlan sa
buong mundo. Kumbaga, gaya-gaya na lang tayo sa kung ano ang uso sa Amerika, o sa ibang
bansa. Kalunos-lunos ika nga ang ating sitwasyon. Sana‘y lubusan nating isabuhay ang magandang
asal ng Pilipino na magpapatibay sa ating pagkakakilanlan – ang pagpapahalaga sa yaman ng ating
kultura.

“Massive reorientation and education' ang sagot. 'Maraming durugista na mahirap....

Kailangang sagutin 'yun. Hindi puwedeng patayin lang sila o ikulong.‖ Ito ay ayon sa tagapangulo
ng Komisyon sa Wikang Filipino na si Dr. Virgilio Almario. Sa gitna ng mga pagbabagong dulot
ng bagong administrasyon, ipinaalala ng Pambansang Alagad ng Sining na si Virgilio Almario na
hindi sagot ang pagpatay upang lutasin ang mga problema sa lipunan. Pinaigting ni Pangulong
Rodrigo Duterte ang kampanya laban sa droga simula nang maupo siya sa puwesto. Sa
kasalukuyan, hindi bababa sa 612 suspek na sangkot sa droga ang napatay sa mga operasyon ng
pulisya. Tinataya namang 576,176 ang sumuko na sa mga awtoridad. Marami na ang nag-udyok
kay Duterte na imbestigahan o ipatigil ang mga nangyayaring pagpatay na may kaugnayan sa
droga. Hinikayat naman ni Almario hindi lamang ang pamahalaan kung hindi maging ang publiko
na tumulong sa "reorientation" upang mas maintindihan nang maigi ang mga problema sa lipunan.
Nagbago man ang administrasyon, tuloy-tuloy pa rin ang komisyon sa pagpaplanong pangwika na
sinimulan nito noong 2013 at magpapatuloy hanggang 2020.

Ang pagpapaunlad ng Filipino ay sa pamamagitan ng paggamit lamang. Ito'y alinsunod sa

pakiwari ng mga dalubwika na hindi uunlad ang alinmang wika kung hindi ito gagamitin. Dahil
dito, ang pakiwaring pabayaan munang umunlad ang wikang Filipino bago ito gamitin ay isang
uri ng pag-iwas sa tungkuling makibahagi sa pagpapaunlad ng ating wika. Ang tanging dahilan
kung bakit maraming salitang Ingles ang wala pang katapat o katumbas na salitang Filipino ay
sapagkat sa loob ng matagal na panahon ay itinigil ang paggamit nito. Ginamit at ginagamit pa rin
ang wikang Ingles, kung kaya't ito ang puspusang umunlad. Ito ang yumabong at lumawak;
samantalang ang wikang Filipino ay mistulang naluoy at napuril dahil sa di-paggamit.

Marami sa atin ay nagsasalita sa Ingles dahil ito ay ang pangunahing wikang itinuturo sa
mga eskwelahan. Ayon nga kay Kate Mcgeon ng BBC News: ―The Philippines is fast becoming
the world‘s low-cost English language teacher – with rapid increases in overseas students coming
to learn English or study in English-speaking universities. The main reasons that attract them are,

119
119
119
again, the cost – and the fact that, in the country‘s top universities, all classes are held in English.‖
Dahil sobrang laki ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa wikang Ingles, ang wikang Tagalog ay
nawawalan na ng kahalagahan. Kailangan natin gamitin ang sariling wika para maipagmamalaki
natin ang pagiging Pilipino. Hindi naman sinasabi na ang paggamit ng wikang Ingles ay masama
o dapat tigilan ang pagturo ng Ingles sa eskwelahan, ngunit dapat mas madalas tayong gumamit
ng sarili nating wika sa pagsasalita. Ipinagmamalaki natin ang ating wika sa mga panahon na
nagsasalita tayo sa Tagalog.

Sa isang pag-aaral na ginawa ni Jeyson Taeza, napag-alaman na ang pangunahing

suliraning kinahaharap ng mga Kalinga sa pagsasalita ng wikang Filipino ay ang pagpapalit nila
ng ilan sa mga tunog o ponema na wala sa kanilang salita sa mga tunog na nagagamit sa wikang
Filipino. Isang umiiral na suliranin din ay ang pagdala nila ng intonasyon, tono at diin ng kanilang
unang wika kapag nagsasalita ng Filipino. Natukoy din sa pag-aaral na ang pangunahing epekto
ng mga suliraning ito sa kanilang pag-aaral ng mga asignaturang Filipino ay ang pagkawala ng ng
kanilang interes sa mga asignaturang Filipino. Dahil sa takot na magkamali at pagtawanan ay
pinipili na lang ng mga Kalinga na manahimik at mahiya kapag nagsasalita ng wikang Filipino sa
loob ng silid-aralan. Napag-alaman din na sa pamamagitan ng mas maagang pagtuturo ng wikang
Filipino ay maaaring masolusyunan ang mga suliraning ito. Malaki din ang gampanin ng guro sa
pagbibigay-motibasyon sa mga mag-aaral upang hindi tuluyang mawala ang kanilang interes na
pag-aralan ang Filipino.

Para sa karagdagan kaalaman tungkol sa wikang Filipino, maaaring panoorin ang isang
dokumentaryo sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=KH-UFAt--To

Mga Isyung Pangkalusugan, Transportasyon, Edukasyon at iba pa

Ang Totoong Estado ng Sistemang Pangkalusugan sa Pilipinas

Ang kalusugan ay ang pagkawala ng sakit o karamdaman. Ang isang taong walang sakit
ay mayroong mabuting kalusugan. Ngunit hindi ito sapat na kahulugan ng kalusugan dahil ayon
sa World Health Organization o WHO, ang kalusugan ay ang isang estado ng pagiging masigla
ang isip, katawan, at pakikitungo sa iba. Hindi ito simpleng kawalan lamang ng sakit,
kapansanan, o iba pang karamdaman. Ang kalusugan ay karapatan ng lahat ng tao sa mundo,
maging mayaman man o mahirap. Walang pinipiling edad, kasarian, paniniwala o relihiyon ang
pagkakaroon ng karapatan sa kalusugan. Ito ay isa ring responsibilidad sa ating sarili at sa ating

120
120
120
kapwa – tao. Sa madaling salita, ang kalusugan ay para sa lahat at ito ay isa sa
pinakamahalagang bagay na dapat nating tinatamasa sapagkat ito ay isang kayamanan.
Masasabing ang kalagayan ng kalusugan sa ating bansa ay hindi maganda sapagkat
maraming mamamayan pa rin ang hindi nakakatanggap ng mataas na kalidad ng tulong
pangkalusugan. Sa resulta ng isang pakikipanayam sa isang Provincial DOH Officer napag-alaman
ang totoong kalagayan ng isang pampublikong ospital sa bansa.

Hallway ng Ospital

Kuwarto ng Ospital

Kapag maraming
pasyente sa Ospital

Ayon sa Provincial Department of Health (DOH) Officer na ito, ang isang problema sa
sangay ng kalusugan ay nagdudulot ng mas maraming problema. Ang halimbawa nito ay ang
sobrang dami ng pagpasok ng pasyente. Dahil nga hindi mura ang magpagamot sa mga
pribadong pagamutan, lagpas kalahati ng ating populasyon ang pinipiling magpagamot sa mga
pampublikong ospital. Kung saa'y nagreresulta sa kakulangan ng pasilidad at kagamitan gaya
ng gamot at kakulangan sa mga tauhan. Bunga ng mga kakulangang ito, mas malaking
problema ang dumarating gaya ng paglalabas ng pera mula sa sariling bulsa ng pasyente kahit
na libre naman ang pagpapagamot sa mga pampublikong pagamutan. Ayon sa DOH officer,
hindi maiiwasan ang pagkaubos ng gamot sapagkat hindi sapat ang dumarating na pondo para
sa gamot dahil sa sobrang dami ng pasyente. Binanggit din niya ang kakulangan sa pasilidad
gaya ng mga kwarto at mga hospital bed kung kaya‘t napipilitan ang mga namamahala sa
pagamutan na ipuwesto ang mga pasyente sa mga pasilyo at pahigain sa mga folding bed.
Ipinaliwanag din niya na dahil nga sa sobrang dami ng pasyente, nagkukulang ang mga
pagamutan sa tauhan. Kung kaya‘t ang kalidad ng serbisyo at pag-aalaga sa mga pasyente ay
naapektuhan na siya ring magreresulta sa pagiging masungit ng mga tauhan ng pagamutan.

121
121
121
Ayon sa resulta ng ginawang survey ng Pulse Asia, 63% ng mga Pilipino ang itinuturing
na pangunahing pangangailangan ang kanilang kalusugan. Gayunpaman, ang sistemang
pangkalusugan sa Pilipinas ay hindi gaanong nabibigyang importansiya. Ayon sa Department of
Health, noong 2009 ay may kabuuang 94,199 hospital beds ang Pilipinas; ito ay 1.04 na kama sa
bawat isang libong Pilipino. Ito ay mababa kung ikukumpara sa rekomendasyon ng World Health
Organization (WHO) na 20 hospital beds sa bawat 10,000 ng populasyon. Mula sa mga datos na
ito, makikita agad na talagang kulang ang isa sa pinakamahalagang aspeto ng isang ospital at iyon
ang hospital beds.

Mula naman sa dokumentaryong, "Lunas na 'Di Maabot" ng Reporter's Notebook,

tinalakay ang kakulangan sa mga gamot at tauhan ng isang barangay health station na nagsisilbi
ding pagamutan para sa tatlo pang barangay. Sa dokumentaryong ito, ipinakita ang istorya ng isang
ina na tinitiis ang kit na dulot ng bukol sa kaniyang dibidib. Bawat sentimong kanilang kinikita ay
mahalaga kaya naman dahil kapos, hindi nakapagpasuri agad ang ina sa isang doktor. Ngunit sa
tulong ng kanilang lokal na pamahalaan, matagumpay na natanggal ang bukol sa kaniyang dibdib.
Gayunpaman, kailangan niya ng gamot upang tuluyang gumaling. Subalit, ang kanilang
inaasahang tulong mula sa kanilang barangay health center ay hindi naibigay. Kulang ang mga
gamot at wala ring permanenteng midwife sa kanilang lugar. Dahil dito, makikita na hindi
desentralisado ang mga institusyon para sa panggagamot dahil hindi sapat ang mga health centers
sa bawat barangay sa buong Pilipinas. "Ika nga, "Ang unang takbuhan ng mga residenteng may
karamdaman ay malubha rin ang kalagayan."

Hindi lang sa mga health center ang may kakulangan sa tauhan ngunit katulad sa mga
nakuhang sagot mula sa panayam, ang mga doktor, nars, at iba pang nasa medikal na propesyon
ay kulang ayon rin kay Sen. Sonny Angara. Base sa tala ng Philippine College of Physicians,
dalawa hanggang tatlong doktor, nars, at midwives ang nagsisilbi para sa bawat 10,000 katao.
Tulad sa isyu ukol sa hospital beds, malayo ito sa rekomendasyon ng WHO na dapat ay hindi
bababa sa 23 na medikal na propesyonal ang nakalaan para sa sampung libo na ito. Nakababahala
rin na ang Pilipinas ay mayroong 1:50,000 na ratio ng psychiatrist at populasyon. Dahil dito, ang
panukala na Senate Bill 1157 o ang panukalang medical scholarship program ay kinakailangan ng
agarang pagpasa ayon kay Angara. Hindi lamang ito makatutulong sa mga mahihirap na nais na
makapag-aral ngunit maaari din itong solusyon sa kakulangan sa tauhan.

Kung susuriing mabuti, hindi nabibigyan ng mataas na kalidad ng serbisyo ang bawat
pasyente maging sa mga pampublikong ospital o sa mga institusyong pangkalusugan dulot ng
kakulangan sa pasilidad. Gaya na lamang sa "Hospital X", na ayon sa provincial DOH officer
nito'y ang ospital ay may kakulangan sa pasilidad (gaya ng gamot, tauhan, kagamitan gaya ng mga
hospital beds at kwarto) at kakulangan sa pondo, pangkalap ng mga medisina at pangpaayos sa
istraktura ng ospital dahil ito ay binabaha tuwing may malakas na bagyo na siyang nakapagdudulot
ng mababang kalidad na serbisyo lalo't para sa mga pasyenteng kailangan ang mabilis na pagtugon
sa karamdaman. Ngunit, hindi lang dito ang pangunahing pinagmumulan ng problema, maaari rin

122
122
122
ito'y magmula sa istatus sa lipunan kung saa'y hirap makatugon ng sapat na kalusugan ang
mahihirap kung ikukumpara sa mayayaman.

Bunga ng mga ganitong pagkakataon o pangyayari ang nagbibigay-daan upang maisulong

ang mga iba‘t ibang institutusyong pangkalusugan (gaya ng Silungan Pag-asa at Guanella Center,
inc.) na siya namang tumutugon sa kakulangan ng serbisyong naibibigay mula sa mga
pampublikong ospital, ngunit, maging dito'y may nangyayari pa ring kakulangan sa pondo nila
kung kaya't hindi ganoong karaming pasyente ang natutulungan.

Kung iisipin, nang dahil sa kakulangan ng pasilidad, pondo at hindi maayos na istruktura
ng ating takbuhan para sa kalusugan, na imbis tayo'y maibsan ng problema'y tila naragdagan pa
ito at hindi nalang din nakatutulong sa atin. Ngunit, saan nga ba nagmumula ang mga problemang
ito ng mga mamamayang may pangangailangang pangkalusugan? Hindi ba't bilang isang
mamamayan ng bansang Pilipinas ay prayoridad dapat ng bawat isa ang pagkakaroon ng maayos
at mabisang serbisyo ng kalusugan, hindi lamang ang may mga pera ang dapat makinabang sa
benepisyong ito dito dahil tayong lahat ay may karapatang mabuhay na nararapat lamang
masubaybayan ang estado ng kalusugan.

Tungkol sa Kalusugan ng Kaisipan at mga Problema Ukol sa Kalusugan ng Kaisipan

Kabilang sa kalusugan ng kaisipan ang paghahanap ng panimbang sa lahat ng panig ng
inyong buhay — pangkatawan, pangkaisipan, pandamdamin, at pang-espirituwal. Ito ang
kakayahang masiyahan sa buhay at harapin ang mga hamon na inyong hinaharap arawaraw —
kabilang man dito ang pagpili o ang paggawa ng desisyon, pag-angkop at pagkaya sa mabibigat
na suliranin, o ang pagpapahayag ng mga pangangailangan at mga pagnanais. Habang ang inyong
buhay at ang mga pangyayari ay patuloy na nagbabago; ganoon din ang inyong kondisyon ng
kalooban, pag-iisip, at kapakanan. Mahalaga ang humanap ng panimbang sa inyong buhay sa pana-
panahon at sa iba't ibang sitwasyon. Natural na maramdamang wala kayo sa tamang panimbang
paminsan-minsan: halimbawa, malungkot, nag-aalaala, natatakot o naghihinala. Ngunit maaaring
maging problema ang mga damdaming ito kung nakasasagabal sa inyong pang-araw-araw na
pamumuhay nang mahabang panahon.

Maraming mga paniniwala kung bakit ang mga tao ay may mga problema sa kalusugan ng
kaisipan. Ayon sa mga siyentipikong pagsusuri, maraming malubhang problema sa kalusugan ng
kaisipan na dulot ng biochemical disturbances sa utak. Naniniwala din ang mga propesyonal na
ang iba't ibang mga sanhi na may kaugnay sa sikolohiya, lipunan, at kapaligiran ay nakaaaapekto
rin sa kaniyang kapakanan. Ang kalusugan ng kaisipan ay naaapektuhan din ng pangkatawan,
pangkaisipan, pandamdamin at pang-espiritwal na mga bahagi ng buhay. Ang stress ay
nakaaaapekto sa kakayahan sa kahit anong bahagi o sa lahat ng mga bahaging ito at maaaring
pahirapan nito ang pangangasiwa ng tao sa pang-araw-araw na niyang gawain. Maaari siyang
mahirapan dahil wala siyang mga bagong kasanayan at impormasyon na maaaring makatulong sa
kaniya.

123
123
123
Maaaring nagpupunyagi kayo sa mga kahirapan gaya ng (1) pagdidiborsyo; (2)
pagkamatay ng isang minamahal sa buhay; (3) pagkakaroon ng aksidente sa sasakyan; (4)
pagharap sa isang problema sa kalusugan; (5) paglaki sa isang bansang may digmaan, pag-alis sa
bansang inyong pinanggalingan, o pag-angkop sa bagong bansa (kadalasan, ito'y may kaugnayan
sa mga karanasan sa imigrasyon at resettlement); (6) pagharap sa rasismo o iba pang klase ng
paghatol nang may pagkiling (prejudice) (dahilan sa orientasyong sekswal, edad, relihiyon,
kultura, class, atbp.); (7) pagkaroon ng mababang sahod o ang kawalan ng tahana; (8) hindi
pagkakaroon ng kapantay na pagkakataon sa pagtatamo sa edukasyon, gawain, at pangangalaga
ng kalusugan; (9) pagkakaroon dati ng mga problema sa kalusugan ng kaisipan sa pamilya, o (10)
pagiging biktima ng karahasan, pang-aabuso, o iba pang trauma. Ang kalusugan ng kaisipan ay
maaari ding maapektuhan ng kung gaanong pagmamahal, suporta at pagtanggap ang nakukuha ng
isang tao mula sa kaniyang pamilya at sa iba pa. Mahalagang malaman na hindi pare-pareho ang
pagtingin ng lahat ng kultura sa kalusugan ng kaisipan. Halimbawa, may paniniwala sa ibang bansa
na ang mga taong may schizophrenia ay may mga espesyal na kapangyarihan at mga kaalaman.
Ang pag-inom ng alak at paggamit ng ibang droga ay hindi kadalasang nagiging sanhi ng problema
sa kalusugan ng kaisipan. Ngunit madalas silang ginagamit upang makatulong sa paglutas sa
problema. Maaaring mapasama pa nila ang problema sa kalusugan ng kaisipan. Kailangang
magtulungan ang mga mamamayan at ang mga tagapangalaga ng kalusugan na kilalanin ang
problema, malaman kung ano ang maaaring naging sanhi o nakadaragdag sa mga paghihirap ng
mamamayan, at kung paano sila matutulungan. Ano man ang sanhi, dapat na malamang hindi
kasalanan ng tao ang mga problema sa kalusugan ng kaisipan. Walang nagnanais magkaproblema.

May iba‘t ibang uri ng mga problema sa kalusugan ng kaisipan Kadalasan ay iba-iba ang
hugis at klase ng mga problemang ito sa iba't ibang panahon. May mga taong nalulumbay nang
malubha (depressed). May iba namang nababalisa at natatakot. Maaaring magpakita ang isang bata
sa klase ng asal na di-pangkaraniwan o umiwas sa iba. May mga di-gaanong kumakain. At may
mga sumosobra naman ang pagkain. Ang ilan ay umiinom ng alak o umaasa sa ibang mga droga
bilang pampamanhid sa mga masakit na damdamin. At ang ilan naman ay nawawala ang
panghawak sa katotohanan. Halimbawa, maaari silang makarinig ng mga boses, makakita ng mga
bagay na wala doon, o maniwala sa mga bagay na hindi totoo. Ang iba ay nag-iisip magpakamatay
— at ang iba ay talagang nagpapakamatay. May mga nagiging magagalitin at agresibo. At may
ilan din namang nagkakaroon ng trauma dahil sa isang pangyayari, gaya ng grabeng aksidente sa
sasakyan o dahil sa isang problema na pinagtiisan nang mahabang panahon, gaya ng abuso nang
ilang taon habang bata pa sila. Maraming tao ang mayroong higit pa sa isa sa mga problemang ito.
Ang mga problema sa kalusugan ng kaisipan ay babalik lagi o hindi kailanman mawawala. Marami
nang mga taong nakapanunumbalik sa mga hamong ito. Maraming taong may mga problema sa
kalusugan ng kaisipan na gumagaling sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang sariling lakas at
kakayahan (resilience), suporta ng pamilya at mga kaibigan, psychotherapy, mga paraan upang
bawasan ang kanilang stress, at gamot, kung kinakailangan. May mga taong lumuluwag ang
kalooban kapag nalaman nila kung paano kinikilala ng mga doktor ang kanilang mga problema.
Maaaring magalak silang makakuha ng pagsusuri na nagbibigay ng palagay kung ano ang
diperensiya at nagbibigay ng mga mungkahi kung paano maaaring bigyang lunas ang kanilang
mga problema. Ngunit may iba naman na maaaring hindi makatagpo ng tulong kung malaman ang
resulta ng pagsusuri. Maaaring ituring nila ito bilang isang marka o kategoriya na hindi

124
124
124
naglalarawan ng kanilang sitwasyon. O kaya'y maaaring naniniwala sila na ang kanilang
kondisyon ay dahil sa mahihirap na pangyayari sa kanilang buhay at hindi sakit. Sa katotohanan,
may mga taong nasusuri nang mali at pagkatapos ay mali ang ibinibigay sa kanilang panlunas.
Minsan ay napakaraming beses nang nagpapalit-palit ang pagkakasuri sa kanilang kalusugan ng
kaisipan sa loob ng maraming taon kaya't nawawalan na sila ng tiwala sa sistema. Ngunit ang
tamang pagsusuri ay nakatutulong naman sa iba na makapili ng tamang panlunas at nauuwi ito sa
pinakamahusay na pag-aalaga.

Samantala, pormal nang nilagdaan ng mga pinuno ng Department of Science and

Technology at Department of Health (na sina Secretary Mario Montejo ng DOST at Secretary
Enrique Ona ng DOH) ang kasunduan (DOST-DOH Memorandum of Agreement noong Abril 14,
2011) para sa magkatuwang na pagbuo ng solusyon sa mga pangunahing suliraning pangkalusugan
sa bansa.

Una rito ay ang partnership ng dalawang ahensiya sa malawakang pamamahagi ng

Mosquito Ovicidal/Larvicidal Trap system upang sugpuin ang dengue sa bansa. Maliban sa
200,000 OL Trap kits na ipinamahagi noong Pebrero, ang DOST sa pamamagitan ng Industrial
Technology Development Institute ay may karagdagang 500,000 kits para sa 125,000 na
kabahayan. Ayon kay DOST Secretary Mario G. Montejo, ―ito ay patunay na ang pamahalaan ay
seryoso sa kampanya nito na pababain ang bilang ng dengue cases sa bansa.‖ Ang bawat isang
kabahayan na tinukoy ng DOH ay makatatanggap ng apat na kit at anim na buwang libreng supply
ng organikong pellet.

Idinagdag pa ni Montejo na dahil sa karagdagang OL Trap kit, matutugunan na ang mga

pangangailangan sa mga lugar na mataas ang insidente ng dengue, at mas mapag-aralan ang mga
ito. Bukod pa rito, ang DOST at DOH ay magtutulungan upang mapaganda ang serbisyong health
care sa bansa lalo na sa mga liblib na lugar sa pamamagitan ng National Telehealth Service
Program (NTSP). Layunin nitong iugnay ang mga duktor sa mga baryo sa espesyalista sa
pamamagitan ng information and communication technology gaya ng cellphone upang magawa
ang pagsusuri ng mga eksperto base sa mga impormasyong ipadadala ng duktor na tumitingin sa
pasyente. Nakatakdang ipatupad ang programang telehealth upang matugunan at matulungan ang
mga health worker at mga duktor sa kanayunan upang makapagbigay ng mahusay na serbisyong
medikal lalo na sa fourth hanggang sixth class na munisipalidad. Ipinahayag din ni Montejo na
kung ang bawat ahensiya ng pamahalaan ay magtutulong-tulong lamang, maaaring makahanap ng
mga kasagutan sa mga naglalakihang suliranin ng bansa at sa pinagsama-samang kakayanan,
napagaganda ang pagbibigay serbisyo sa kapwa.

Isa pa sa sulliraning kinahaharap ng bansa ang malnutrisyon na bunga ng kawalan ng sapat

na sustansiya ng pagkaing kinakain sa pang-arawa-araw na pamumuhay at ang kahirapan na
maipamahagi ang mga nararapat na kaalaman ng tao sa kahalagahan ng nutrisyon sa kanila.

125
125
125
Ang pamahalaan ay patuloy na nagsasagawa ng mga inisyatibo upang mapataas ang antas
ng kaalaman ng tao sa tamang nutrisyon. Nagsasagawa rin ng tinatawag na feeding program ang
pamahalaan upang makatulong sa pagpapababa ng kaso ng malnutrisyon.

Sinabi sa isang link (http://kalusugan.ph/malnutrisyon, n.d.) na lumabas sa pag-aaral ng

ilang respetadong institusyon na ang mataas na antas ng kawalan ng trabaho sa Pilipinas ay mga
salik na nakaaapekto kung bakit ang sustansiyang kailangan ng isang pamilya sa kanilang kinakain
ay hindi sapat. Ang mataas na presyo ng bilihin sa merkado ay mga salik din na nakaaapekto sa
kanilang pamimili ng masusustansiyang pagkain. Dagdag pa rito ang panganib na nakaamba sa
mga biktima ng kalamidad na sila ay maging biktima rin ng malnutrisyon.

Kagutuman at malnutrisyon ang pinakanakababahalang banta sa kalusugang pandaigdig

samantalang malnutrisyon naman ang may pinakamalaking ambag sa kamatayan ng mga bata sa
kalahati ng lahat ng kaso batay sa ult ng World Health Organization (The Starveings,2011).

Isa sa mga pangunahing usapin sa larangan ng kalusugan ay ang HIV o Human

Immunodeficiency Virus. Ito ay isang espektro ng kondisyon na sanhi ng inpeksyon ng human
immunodeficiency virus. Walang makikitang sintomas ng sakit ang taong may impeksyon nito
maliban sa simpleng trangkaso. Habang patuloy na kumakalat ang impeksyon, higit nitong
sinasalakay ang immune system, na lalong nagpapataas sa tsansa ng pagkakaroon ng karaniwang
impeksyon katulad ng tuberkulosis, opportunistic infections, at tumor na bihirang dumadapo sa
isang tao na may maayos na immune system. Tinatawag na AIDS o Acquired ImmunoDeficiency
Syndrome ang impeksyon sa pinakahuling estado nito na karaniwang kinasasangkutan ng hindi
inaasahang pagbaba ng timbang.

Nakukuha ang HIV sa alinman sa mga sumusunod na gawain: (1) pakikipagtalik na walang
proteksyon ( anal at oral); (2) kontaminadong paraan ng pagsasalin ng dugo; (3) hypodermic na
karayom; (4) mula sa ina tungo sa anak sa panahon ng pagbubuntis ng ina; at (5) pagpapasuso.
Ang laway at luha naman na nanggagaling sa katawan ng tao ay hindi makatutulong sa pagsasalin
ng HIV tungo sa ibang indibidwal.

Maiiwasan ang HIV sa pamamagitan ng (10 ligtas na pakikipagtali; (2) programa para sa
pagpapalitan ng karayom; (3) paggagamot; at (4) pagbibigay ng antiretroviral medication sa bata
sa panahon na ito ay ipinagbubuntis. Tandaan na ang antiretroviral na gamutan ay makatutulong
lamang sa pagbagal ng pagkalat ng sakit upang magkaroon ng inaasahang normal na pamumuhay
ang bata.

126
126
126
Sa hulling tala ng Department of Health (DoH) ay umabot sa 871 ang
natuklasang bagong kasong Human Immunodeficiency Virus (HIV) na kung san
ang 131 dito ay nasa nauunang estado ng impeksyon. Sinabi ng HIV/AIDS
Registry of the Philippines (HARP) na ang tala ng HIV noong nakaraang taon
ay 848.

Sinabi pa rin sa ulat ng HARP na 96 na bahagdan ng mga may impeksyon

ay mga lalaki na ang average na edad ay 27. Pakikipagtalik ang pangunahing

Tinatayang nasa 36.7 milyong katao noong 2016 ang mayroong HIV na nagresulta sa
kamatayan ng nasa 1M tao.

Malaking usapin sa lipunan ang sakit na ito na naging ugat ng maraming diskriminasyon
at epektong pang-ekonomiya. Bunga ng maling edukasyon o kakulangan ng kaalaman hinggil sa
sakit na ito ay ang paniwala ng taong maaaring mahawa kahit sa ordinaryong pakikipag-usap
lamang. Kontrobersiya din ang sakit na ito sa posisyon ng simbahan na tutulan ang paggamit ng
condom bilang proteksyon sa pakikipagtalik.

Ang sakit ng Dengue ay nanggaling sa virus na dengue na dala ng kagat ng lamok, sa isang
tropikong bansa na katulad ng Pilipinas. Ang sintomas nito na karaniwang makikita simula tatlo
hanggang labing-apat na araw matapos ang impeksyon ay ang (1) mataas na lagnat; (2) pananakit
ng ulo; (3) pagsusuka; at (4) pananakit ng laman at mga kasu-kasuan.

Ipinakilala ang vaccine na dengvaxia na may layuning bigyan ng

proteksyon ang daang libong mga batang mag-aaral laban sa nakamamatay na
dengue. Nasa sampung bahagdan ng mahigit sa 800 mag-aaral ang binakunahan
ng dengvaxia, bagama‘t hindi pa nila nararansan ang magkaroon ng impeksyon
ngayon ay kinahaharap ang higit na mapanganib na sakit batay sa ulat ng
manufacturer o gumagawa ng Sanofi Pasteur. Dahil dito, ang Department of
Health ay nag-utos na ipahintulot ang programa ang bakuna para sa dengue sa

127
127
127
Pinanghimasukan ng Kongreso at ng department of Justice ang
kontrobersiyang ito na kung saan ang mga opisyal ng kasalukuyan at dating
administrasyon ang nagkakaroon ng pagtuturuan.
Noong Marso, 2016 ay inilabas ng World Health Organization (WHO)
ang isang papel na nagsasabi na maaaring ang dengvaxia ay hindi epektibo at
Noong
maaari 2014 maging
din itong ay napagtagumpayan ng seronegative
peligroso sa mga dengvaxia na kumpletuhin
(taong ang
hindi pa nagka-
dalawang magkatulad
dengue) sa panahonnangikatlong
kanilangbahagi ng klinikal Nanawagan
unang vaccination. na pag-aaral,
angna kungnang
WHO saan
higit
aypinaghambing
pang pag-aaral ang
sa dengvaxia.
kaligtasan at pagiging epektibo ng bagong gamot. Ang
Pilipinas ay isa sa sampung bansa na naging bahagi ng pag-aaral na ito.

Sa kabila nito, inilunsad pa rin ng pamahalaang Aquino ang programa na

school-based
Ang dengue
Kalihim ng immunization.ofSinabi
Department HealthngnaDoH
si na ang
Janette bawat
Garin ay mag-aaral
nakipag- ay
Ipinagpatuloy
bibigyan ng tatlong noong
doses ngSeptember,
gamot kada 2016 na
anim ang programa
buwan. sa vaccination.
ugnayan sa Sanofi noong ika-9 ng Hunyo, 2015 na babaan ang halaga ng vaccine
para sa pagbili ng Pilipinas.
Sa Naglabas
parehongnabuwan,
namanangng Medical Research
panibagong Council
papel ang WHOCenter
noong for Outbreak
Hulyo, 2016 na
nalysis and Modelling sa Imperial College London ay naglabas ng pag-aaral
nagsasabing ang dengvaxia ay maaaring hindi epektibo o maaaring makapagdagdag ng
Nagpasya
a panganib
nagsasabing ang dengvaxia
ang Pilipinassaa ay
magkaroong
maaaring ng marketing
magdulot ng ang denvaxia
mataas noong
na bilang
na pagkaka-ospital darating na panahon o kaya makapagdudulot ngng
higit
ika-22 ng
aramdaman Disyembre,
na matndingkung 2015. Inaprubahan
hindi maipatutupad
karamdaman ng Food
nang maayos.
sa mga seronegative and Drug Administration
sa panahon ng kanilang unang
(FDA) ang dengvaxia vaccine upang pigilan ang pagkalat ng dengue sa mga
vaccination.
indibidwal na nasa edad siyam hanggang apatnapu‘t limang taong gulang na
nananahan sa mga peligosong lugar para sa dengue.
Oktubre, 2016, ang Singapore Health Sciences Authority ay nagsabi na
ang vaccine ay higit na epektibo sa mga taong dati nang nagkaroon ng dengue,
at higit na may mataas na antas ng panganib sa mga hindi pa nagkakaroon ng
Hindingsumailalim
impeksyon dengue. sa pagsusuri ng Philippine National Formulary ang
dengvaxia nang pagbigyan ni Kalihim Garin ang hiling ng DoH-Family Health
Office na huwag na itong dumaan sa pagsusuri.
Maaaring gumaling ang may dengue sa loob ng dalawa hanggang pitong araw subalit may
mga pagkakataon na ang kasong ito ay nauuwi sa nakamamatay na lagnat na dengue hemorrhagic
na nagreresulta ng pagsurugo, pagbaba ng platelets ng dugo at pag-awas ng blood plasma, o ng
dengue shock syndrome na kung saan ay maaaring magdulot ng napakamapanganib na low blood
pressure.

Mabibili sa merkado sa bawat bansa ang vaccine bilang panlunas sa dengue, subalit
maituturing na pinakamabuting pananggalang dito ang pagiging malinis sa kapaligiran na
maaaring magresulta sa pagbabawas ng panahanan ng mga lamok at ang paglilimita sa kagat buhat
dito.

128
128
128
Ang adhikain ng administrasyong Benigno Aquino III na bawasan ang kaso ng pagkamatay
buhat sa dengue ay nabalot ng kontrobersiya nang ang kaniyang pamahalaan ay pumasok ng
kasunduan o kontrata sa Sanofi, ang nagmamanupaktura ng gamot laban sa dengue.

Ang pinakabagong suliraning pangkalusugan na kinahaharap hindi lamang ng Pilipinas

kundi halos lahat ng bansa sa mundo ay ang bata ng Coronavirus Disease 2019 na kilala rin sa
tawag na CoViD-19. Ano ba ang mga coronavirus? Ang Coronaviruses ay isang malaking pamilya
ng mga virus na maaaring magdulot ng sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas
malubhang sakit tulad ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS-CoV) at Severe Acute
Respiratory Syndrome (SARS-CoV). Ang bagong coronavirus (nCoV) ay isang bagong uri na
hindi pa nakilala sa mga tao. Maraming mga coronavirus ang natural na nakahahawa sa mga hayop,
ngunit ang ilan ay maaari ding makahawa sa mga tao. Ang mga coronavirus ay naisip na kumalat
sa hangin sa pag-ubo/pagbahing at malapit na personal na pakikipag-ugnay, o sa paghawak ng mga
kontaminadong bagay o ibabaw at pagkatapos ay sa paghawak ng bibig, ilong, o mata.

Ano ang pagkakaiba ng COVID-19 at SARS-CoV-2? Ang COVID-19 ay ang sakit na dulot
ng bagong coronavirus. Severe Acute Respiratory Syndrome Coronavirus 2 (SARS-CoV-2) ay
tumutukoy sa virus, habang ang Coronavirus Disease-19 (COVID-19) ay tumutukoy sa sakit sanhi
ng virus.

Nagkaroon ng pagsiklab ng isang bagong coronavirus na tinatawag na SARS-CoV-2, na

unang lumitaw noong Disyembre 2019. Ang virus ay kumalat sa karamihan ng mga bansa sa
mundo, kabilang ang United States at Pilipinas. Dahil bago pa itong coronavirus, ang mga
awtoridad ng kalusugan ay nag-aaral pa tungkol sa virus at kung paano ito kumakalat.

Marami na ang naapektuhan ng sakit na ito sa buong mundo. Nahihirapang mapigilan ng

mga awtoridad ang pagkalat ng sakit na ito dahil marami sa mga mamamayan ay hindi nakikiisa
at sumusunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaan upang makontrol ang paglaganap ng
sakit na ito. Hindi rin mapigilan ang mga tao sa kanilang mga nakasanayang gawin tulad ng
paglabas ng kanilang mga tahanan para mamalengke o kaya ay pumasok sa kanilang mga trabaho.
At dahil hindi naman nakikita ang kalaban, at kung minsan din ay hindi naman nagpapakita ng
sintomas ang nagtataglay ng sakit na ito, palawak nang palawak ang sakop ng apektadong lugar
nito. Araw-araw ay nadaragdagan ang bilang ng tinatamaan ng sakit na ito sa buong mundo.
Bagama‘t parami nang parami ang nahahawaan ng sakit na ito, ang bilang naman ng gumagaling
ay di-hamak na mas mataas kaysa bilang ng namamatay rito. Ang prayoridad na lamang ngayon
ay ang pagsasagawa ng pagsubaybay sa kalusugan ng publiko upang matukoy ang lawak ng
pagkalat na lokal. May kakayahan na ngayon na magsubok ang laboratoryo ng pampublikong
kalusugan at ngayon ay mabilis na suriin kung ano ang nangyayari sa ating komunidad.

129
129
129
Paano naman ang pagkakahawa sa mga taong walang sintomas? Dokumentado sa
maraming mga pag-aaral ang pagkalat mula sa isang tao na walang mga sintomas (paghawa na
walang sintomas), hanggang sa 48-oras bago nagsimula ang mga sintomas. Samakatuwid,
maaaring may panganib ang isang tao sa COVID-19 kung sila ay malapit na makipag-ugnay (sa
loob ng 6 na piye nang matagal na panahon) sa isang tao na nakumpirmang nahawaan ng COVID-
19, nang hanggang 48-oras bago nagsimula ang mga sintomas. Ang mga tao ay naisip pa ring
pinakanakahahawa kapag sila ay pinakanagpapasakit (ang may sakit). Itong mga natuklasan ay
binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagsunod sa pagpadistansya sa ibang tao dahil ang mga taong
walang sintomas ay maaaring nakakahawa.

Wala pang bakuna para sa bagong coronavirus at walang tiyak na panggamot o

pampagaling para sa COVID-19. Gayunpaman, maaaring gamutin ang marami sa mga sintomas.
Ang mga pasyente ng COVID-19 ay dapat magpahinga nang lubusan, uminom ng maraming
likido, kumain ng masusustansiyang pagkain, at bawasan ang stress.

Dapat gamitin ang Acetaminophen upang mabawasan ang lagnat at pananakit at sakit. Para
sa mga malubhang kaso, ang pangangalagang medikal ay maaaring kailanganin upang mapawi
ang mga sintomas at suportahan ang mga mahahalagang pag-andar ng organo hanggang sa
gumaling ang pasyente.

Sa panahon ngayon, marami ang umiiwas sa mga taong bumabahing dahil sa pangamba na
makakuha ng virus, partikular ang bagong coronavirus. Maaaring isa sa mga sanhi ng pagbahing
ng isang tao ay dahil sa allergic rhinitis, na nararanasan ng 2 sa bawat 10 Pilipino.

Ang allergic rhinitis ay ang pamamaga ng ilong dahil sa pagkalantad sa mga allergen o
iyong mga bagay na maaaring magdulot ng allergic reaction, sabi ng pulmonologist na si Marvin
Hilaro. Ilan sa mga karaniwang sintomas ng allergic rhinitis ay ang madalas na pagbahing at
pagsinghot, at pagkati ng ilong. Isa sa mga karaniwang allergen sa labas ng bahay ay ang pollen
na nakukuha sa mga halaman, sabi ng doktor. Kabilang naman umano sa mga allergen sa loob ng
bahay ay dust mites na nakukuha sa alikabok at mga insekto. Maaari din umanong magdulot ng
allergic rhinitis ang molds o amag na nasa bahay.

Ipinaliwanag din ng doktor ang pagkakaiba ng allergic rhinitis sa kinatatakutang COVID-

19.Ayon kay Hilario, isa sa pagkakaiba ay ang allergic rhinitis ay dulot nga ng pagkalantad sa
allergen. Iba ito sa COVID-19 na ang karaniwang sintomas ay lagnat, ubo, at iba pang mga flu-
like sintomas.

Para malaman kung saan allergic ang isang tao, puwede umano siyang kumonsulta sa isang
allergologist. Maaaring sumailalim ang isang tao sa skin test, kung saan tinitingnan kung may
reaksiyon ang balat niya sa mga allergen na ilalagay sa braso niya. Kung ayaw naman magpa-skin
test, puwede ring matukoy ang allergen sa pamamagitan ng blood test. Ayon kay Hilario, may
gamot naman sa allergic rhinitis tulad ng mga antihistamine.

Nagpaalala naman ang isang social enterprise group na maging listo laban sa sintomas ng
hepatitis B sa harap ng pandemya sa COVID-19. Sa harap ito ng paggunita sa World Hepatitis
Day noong Martes, Hulyo 28. Sa isang pahayag, sinabi ng grupong HepaHealth na mas mahirap

130
130
130
na makakuha ng healthcare services ngayong may pandemya at naka-quarantine ang ilang lugar.
Para sa HepaHealth, dapat paigtingin ang kaalaman ng publiko sa Hepatitis B. Binigyang-diin ng
mga eksperto na mahalagang malaman ng isang pasyente na may hepatitis B ito lalo‘t lumalabas
sa mga pag-aaral na may mga hepatitis B patients na walang nararanasan na sintomas.

Ayon sa grupo, aabot sa 90 porsiyentong tao na may Hepatitis B Virus (HBV) ay walang
nararanasang sintomas. Posibleng makuha ang Hepatitis B sa palitan ng body fluids at isa sa
pinakapangkaraniwang paraan ng paglipat ng virus ay ang mother-to-child transmission na
kadalasang nangyayari sa panganganak ng ina. Kaya giit ng grupo na dapat bigyan din ng atensiyon
pagtugon laban sa naturang sakit, lalo‘t maaaring mangyari anila ito sa kahit sino.

Umakyat naman sa 16 ang bilang ng mga kaso ng polio sa bansa mula nang magdeklara
ng outbreak noong Setyembre ng nakaraang taon, sabi ngayong Huwebes ng Department of Health
(DOH). Kabilang sa mga bagong kasong naitala ang pinakaunang pasyente ng polio sa Metro
Manila, na isang 3 taong gulang na lalaki mula Quezon City. Bukod sa bata sa Quezon City,
kasama rin sa mga bagong kasong iniulat ng Research Institute for Tropical Medicine sa DOH ang
2 lalaki mula Mindanao na may mga edad 2 at 3, at isang 2 taong gulang na lalaki mula Sultan
Kudarat.Hinimok naman ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga magulang na pabakunahan laban sa
polio ang kanilang mga anak, lalo iyong mga may edad 5 pababa.

Maituturing ang polio na isa sa mga suliraing pangkalusugan sa bansa. Ang poliomyelitis
o polio ay isang nakahahawang sakit dulot ng poliovirus. Ito ay maaaring maging sanhi ng
pagkalumpo, hirap sa paghinga, at kamatayan.

Tumaas ang bilang ng mga kaso ng polio sa bansa sa kabila ng pinatinding kampanya ng
gobyerno para bakunahan ang mga bata laban sa nasabing sakit. Nagtakda ang DOH ng
malawakang pagbabakuna kontra polio sa Mindanao mula Enero 20 hanggang Pebrero 2 at Metro
Manila mula Enero 27 hanggang Pebrero 7. Inatasan din ni Duque ang mga health facility na
paigtingin ang kanilang pagbabantay sa acute flaccid paralysis, na nagpapahiwatig ng pagkakaroon
ng polio. Noong Setyembre ng nakaraang taon, kinumpirma ng DOH ang pagbabalik ng polio sa
Pilipinas, 19 taon mula nang ideklara ng World Health Organization na "polio free" ang bansa.

Bagama‘t ang puso ay isang napakatibay na organ, hindi nangangahulugan na hindi ito
tinatamaan ng sakit. Kung ang mga bahagi ng puso ay may problema o pagkasira, maaaring
magkaroon ng sakit sa puso o heart disease ang isang tao. Bukod sa puso, maaari ring magkaroon
ng problema sa ibang bahagi ng cardiovascular o circulatory system gaya ng mga daluyan ng
dugo. Sa Pilipinas lamang, isa ang sakit sa puso sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga
tao. Kung may sakit sa puso ang isang tao, maaari siyang makaramdam ng iba‘t ibang sintomas
gaya ng pananakit ng dibdib, hirap sa paghinga, iregular na pagtibok ng puso, pagkahilo, pananakit
ng ulo, pamumutla, pangangasul ng balat, pamamanas ng tiyan, binti, at paa, madaling
pagkapagod, at marami pang iba. Depende sa uri ng sakit sa puso, ilan sa mga sintomas na
nabanggit ay maaaring hindi maranasan gaya ng pangangasul ng balat at pamamanas.

Ang sinuman ay maaaring magkaroon ng sakit sa puso at wala itong pinipiling kasarian o
edad. Kahit ang isang sanggol ay maaaring maapektuhan ng sakit na ito kung siya ay isinilang na
may problema sa puso o congenital heart defect. Maaari ring magkasakit sa puso dahil hindi
malusog ang pamumuhay ng isang tao. Ang kadalasang sanhi ng sakit sa puso ay ang pagkain ng
maaalat at matatabang pagkain, kakulangan sa pag-eehersisyo, labis na timbang, paninigarilyo,

131
131
131
labis na pag-inom ng alak, at iba pa. Kung minsan naman, nagkakaroon din ng sakit sa puso dahil
komplikasyon na ito ng ibang karamdaman. Ang pagkakaroon ng sakit sa puso ay maaaring
magdulot ng panganib sa buhay ng isang tao lalo na kung hindi ito maaagapan. Kung ito naman
ay maaagapan, maaari pang makontrol o maibsan ang mga sintomas upang gumaan ang
pakiramdam ng pasyente. Ang ibang uri ng sakit sa puso ay maaari pang malunasan sa
pamamagitan ng pag-inom ng mga gamot, samantalang ang iba naman ay nangangailangan na ng
operasyon.

Ang sakit sa puso ay karaniwang isang lifestyle disease o mga sakit na nakukuha lamang
dahil hindi malusog ang paraan ng pamumuhay. Ang mga karaniwang sanhi nito ay: (1) Labis na
pagkain ng maaalat at matatabang pagkain; (2) Hindi nag-eehersisyo; (3) Labis ang timbang; (4)
Paninigarilyo; (5) Labis na pag-inom ng alak

Bukod sa hindi pagkakaroon ng malusog na pamumuhay, maaari ring magkaroon ng sakit

sa puso dahil sa mga sumusunod: (6) Congenital heart defect; at (7) Komplikasyon ng ibang
karamdaman.

Ang sakit sa puso ay nakaaapekto sa kahit sinuman subalit mas mataas ang posibilidad na
magkaroon nito kung nabibilang alinman sa mga sumusunod na grupo: (1) Pagiging matanda; (2)
Kasarian; (3) Namamana sa pamilya; (4) Altapresyon; (5) Hindi malusog na pamumuhay.

Upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa puso, gawin ang mga sumusunod: Kumain
ng balanse at masusustansiyang pagkain; Mag-ehersisyo araw-araw; Panatilihin ang tamang
timbang; Itigil ang paninigarilyo; Bawasan ang pag-inom ng alak; Regular na magpatingin sa
doktor.

Kung may nararamdamang mga sintomas, agad na magpakonsulta sa doktor. Maaaring

magpasuri muna sa mga general practitioner o internist upang matukoy kung ano ang sakit na
nararamdaman. Kung ito nga ay sakit sa puso, ang doktor ay irerekomenda ang pasyente sa mga
espesyalistang doktor ng puso o cardiologist.

Ang mga nabanggit at ilan lamang sa mga suliraning pangkalusugan na naranasan ng

bansa. Sa kabila nito, nagsusumikap ang ating pamahalaan na kahit papaano ay makatulong sa
ating mga mamamayan na maitaguyod at maproteksyunan ang kanilang kalusugan. Isa sa mga
programang pangkalusugan na naisabatas na ang Republic Act 11223 o ang Universal Health Care
Law. Nilagdaan ito ni Presidente Rodrigo Roa Duterte noong Pebrero 20. Sinisiguro ng batas na
ito na ang bawat Pilipino, maging overseas Filipino worker, ay sakop ng preventive, promotive,
curative, rehabilitative, at palliative care sa pagkakaroon ng awtomatikong pagkakasali sa health
insurance program ng pamahalaan. Sa ilalim ng batas, palalawakin pa ng Philippine Health
Insurance Company (PhilHealth) ang serbisyo na sasakop sa libreng konsultasyon,
pagpapalaboratoryo at iba pang diagnostic services. Layunin din nito na mapabuti ang doctor-to-
patient ratio, mapadami ang bilang ng mga kama sa ospital at kagamitan at makapaglagay din ng
mga ospital sa mga liblib na lugar. Noong Hulyo 12, natapos na ng Department of Health (DOH)
ang ikaapat na konsultasyon sa publiko para sa pagbuo ng implementing rules and regulations
(IRR) ng batas. Ipinag-utos na sa DOH na gumawa ng IRR ng batas sa loob ng 180 araw matapos
itong maisabatas. Nauna nang sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III, na ang ginawang
konsultasyon sa publiko para sa pagbuo ng IRR ay kinabilangan ng lahat ng sektor at nagbibigay

132
132
132
ng boses sa publiko. Ayon pa kay Duque, ―To ensure that 106 million Filipinos benefit from the
UHC reform the soonest, we need to make sure that first, Filipinos know what to expect, and
second, the implementers (health care providers, managers, and stewards) have a clear idea of how
to implement this task.‖ Ang buong implementasyon ng batas ay mangangailangan ng P270 bilyon
kada taon. Dagdag pa nito, para mapondohan ang UHC, kukuha ito ng parte mula sa taunang pondo
ng DOH, subsidiya ng PhilHealth sa mahihirap na pamilya, alokasyon na mula sa Philippine
Gaming and Amusement Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office, kontribusyon
mula sa mga miyembro ng PhilHealth, at sin tax na nakukuha mula sa alcohol at tabako.

Isa pang hakbang ng pambansang pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang pantao

ng ating mga kababayan ang paglulunsad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Nagbibigay ito ng kondisyonal na tulong-pinansiyal para sa pinakamahihirap na Pilipino upang
pabutihin ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang may edad 0 hanggang 18 taong
gulang. Kailangang matupad ng mga pamilya ang mga kondisyon ng pamahalaan upang maibigay
sa kanila ang tulong-pinansiyal. Halaw ito sa programang Conditional Cash Transfer (CCT) ng
mga bansa sa Latin Amerika at Aprika, na naialpas sa kahirapan ang milyon-milyong tao sa buong
mundo. Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang punong ahensiya ng
pamahalaan na namamahala sa 4Ps. Pangunahing programa ito kontra-kahirapan ng
administrasyong Aquino.

Isa sa mga layunin ng 4Ps ang social development sa pamamagitan ng pagsira sa siklo ng
kahirapang naipapasa sa bawat henerasyon sa pamamagitan ng pamumuhunan sa kalusugan at
edukasyon ng mahihirap na kabataan. Sasailalim sila sa mga programa tulad ng: (1) check-up para
sa mga buntis at batang may edad 0 hanggang 5 taong gulang; (2) pagpupurga ng bulate ng mga
mag-aaral edad 6 hanggang 14; (3) pag-eenrol ng mga bata sa daycare, elementarya, at hayskul; at
(4) mga sesyon na tutulong sa pagpapabuti ng samahan ng pamilya.

Tinutulungan din ng 4Ps ang pamahalaan ng Pilipinas na matupad ang pangako nito sa
Millenium Development Goals (MDGs)—ispesipiko sa pag-alis ng labis na kahirapan at gutom,
sa pagkamit ng unibersal na edukasyong primarya, sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay sa
kasarian, sa pagpapababa ng bilang ng mga batang namamatay, at sa pagpapabuti ng pag-aalaga
sa mga buntis.

May dalawang uri ng tulong-pinansiyal o cash grant ang 4Ps na ibinibigay sa mga
benepisyaryong pamilya: (1) pinansiyang pangkalusugan: P500 bawat pamilya buwan-buwan,
o kabuuang P6,000 taon-taon; at (2) pinansiyang pang-edukasyon: P300 bawat bata buwan-
buwan, sa loob ng sampung buwan, o kabuuang P3,000 taon-taon (maaaring magrehistro ang isang
pamilya ng hanggang tatlong bata para sa programa). Ipinaaabot sa mga pamilyang benepisyaryo
ang tulong-pinansiyal na ito sa pamamagitan ng Land Bank of the Philippines o, kung di
kakayanin, sa pamamagitan ng mga alternatibo tulad ng Globe G-Cash remittance at mga
transaksiyon sa mga bangkong pamprobinsiya.

Upang makatanggap ng mga benepisyong nabanggit, kailangang matupad ng mga

pamilyang benepisyaryo ang sumusunod na mga kondisyon: (1) Kailangang sumailalim ang mga
buntis sa pangangalagang medikal bago at matapos sila manganak (pre- and post-natal care).

133
133
133
Kinakailangan ding isang propesyonal na kumadrona o doktor ang magpaanak sa kanila; (2)
Kailangang pumunta ang mga magulang o tagapangalaga sa mga family development session, o
kung saan tutulungan sila kung paano maging responsableng magulang, alagaan ang kalusugan at
nutrisyon; (3) Kailangang regular na magpa-check up at magpabakuna ang mga batang may edad
0 hanggang 5 taong gulang para maiwasan ang pagkakasakit; (4) Kailangang uminom ng
pampurga ng bulate sa tiyan ang kabataang may edad 6 hanggang 14 taong gulang dalawang beses
sa isang taon; at (5) Kailangang mag-enrol sa eskuwelahan ang mga benepisyaryong kabataan na
may edad 3 hanggang 18 taong gulang, at pumasok sa klase nang di-bababa sa 85% ng kabuuang
bilang ng klase kada buwan. Sa pakikipagtulungan ng PhilHealth, 4.4 milyong benepisyaryo na
ang naipasok ng 4Ps sa ilalim ng National Health Insurance Program.

Isa pa sa mga malulubhang suliranin ng Pilipinas ang suliranin sa transportasyon. Ayon sa

isang kilalang pahayagan sa bansa, ang Pinoy Weekly sa panayam nito sa isang commuter ng
pampublikog transportasyon, napag-alaman ang kalbaryo ng bawat commuter na araw-araw
sumasakay sa mga pampublikong transportasyon katulad ng tricycle, MRT, dyip, at bus
makarating lang sa lugar ng trabaho sa takdang oras. Kailangang bumangon nang maaga para
makapasok din nang maaga sa pinagtatrabahuhan na madalas ay huli pa rin. Mahirap din ang
sumakay sa Grab (isang transport network vehicle service o TNVS) kasi mahal ang pamasahe
rito. Minsan mapipilitan pang mag-a-Angkas (isa pang TNVS na motor ang sasakyan) kapag may
importanteng mga miting na kailangan daluhan at hindi dapat mahuli ng dating. Ilang iskema na
ang sinubukang ipatupad kaugnay nito ngunit pawang sa lahat ng pagkakataon ay biigo.

Pinakahuling bumigo sa pangakong pagbabago sa sistema ng transportasyon ay ang

kasalukuyang rehimeng Duterte.

Sa ngayon, sa National Capital Region (NCR), ayon sa Metro Manila Development

Authority (MMDA), umaabot lang sa 19.3 kilometro kada oras (kmh) ang average na bilis ng
mga sasakyan sa EDSA. Malayung malayo umano ito sa 60 kmh na speed limit sa naturang mayor
na kalsada ng NCR.

Samantala, sinabi naman ng Department of Transportation (DOTr) na isa sa apat na

sasakyan sa buong Pilipinas ay matatagpuan sa NCR. Sa madaling salita, walang epekto ang
anumang hakbang na ginagawa ngayon ng rehimeng Duterte para maibsan ang trapiko o problema
sa transportasyon.

Noong Setyembre 2017, inaprubahan ng National Economic Development Authority

(NEDA), sa pangunguna ng direktor-heneral nitong si Ernesto Pernia, ang NEDA Board
Resolution No. 5 (series of 2017). Nandito ang National Transport Policy ng rehimeng Duterte,
na diumano‘y ―kumikilala sa (mahalagang) tungkulin ng transportasyon bilang tagatulak at
tagamaneho ng kaunlarang sosyoekonomiko…‖

Sa naturang polisiya ng rehimen, inilatag ang pagsusuri nito sa problema ng sistema ng

transportasyon sa bansa. Ayon dito, ang abang kalagayan ngayon ng sistema ng transport ay dahil
sa ―(a) kawalan ng magkakaugnay at koordinadong network pangtransport; (b) magkakapatong o
magkakabanggang tungkulin ng mga ahensiya sa transport; (c) mga alalahanin ang kaligtasan at

134
134
134
seguridad sa transport; at (d) di-sapat na pasilidad pangtransport lalo na sa mga lugar na apektado
ng sigalot at kawalan ng kaunlaran.‖

Bilang mga solusyon sa problema ng matinding trapiko at kakulangan ng maayos na

transportasyon, plano ng rehimeng Duterte na ―(a) paunlarin ang pagkakaungay-ugnay (o
connectivity) ng iba‘t ibang moda ng mga imprastrakturang pangtransportasyon; (b) magkaroon
ng mabuting pamamahala (good governance) sa pamamagitan ng pinagkaisang (streamlined) mga
regulasyon sa transport, isinaayos (rationalized) na mga tungkulin ng mga ahensiya, at mga
polisiyang nakalinya sa mga prayoridad at programa ng gobyerno, at siguradong pagtupad sa mga
istandard sa kaligtasan at pagtupad sa pandaigdigang mga kasunduan;―(c) Pagpapatupad ng
‗bagong‘ kaunlaran sa ekonomiya labas sa susing mga lungsod…sa pamamagitan ng pagpapaunlad
at suporta sa turismo, agro-industriya, kalakal at lohistika, at iba pang pang-ekonomiyang sektor,
at (d) pagtaguyod ng mga pamumuhunan sa mga imprastrakturang pangtransport.‖

Mahalaga ang panghuling punto (d) ng National Transport Policy, dahil ito, sa esensiya
ang polisiya ng kasalukuyang rehimen: Mag-akit ng malalaking dayuhang kapital para
mamuhunan sa imprasktraktura ng transportasyon sa bansa. Siyempre, nangangahulugan ito na
aasahan din ng malalaking dayuhan at lokal na negosyanteng sangkot dito na kikita ang kanilang
puhunan.

Isang halimbawa lang nito ang pagbibigay ng rehimeng Duterte ng malalaking kontrata sa
malalaking negosyanteng Tsino sa pagmamantine sa MRT at LRT (Light Rail Transit).

Noong Agosto 2018, inanunsiyo ng DOTr na nakuha ng Chinese na kompanyang Dalian

Company Limited ang kontrata sa pagsasaayos ng 48 di-nagagamit na MRT3 trains. Nakuha
ang kontratang ito ng mga Tsino matapos ang pagbisita ng economic at transportation managers
ng rehimeng Duterte sa Beijing, China noong nakaraang taon din.

Samantala, gusto ng rehimeng Duterte na amyendahan ang Commonwealth Act No. 146
o Public Service Law, lalo na kaugnay ng mga nagnenegosyo sa pampublikong mga serbisyo
tulad ng transportasyon. Sa panukala ng rehimen, maaaring mag-ari na ang mga dayuhan ng 100
porsiyento ng mga kompanya sa transportasyon.

Halata sa mga programa ng rehimeng Duterte na target talaga nitong isapribado ang sa
ngayo‘y pampublikong mga transportasyon na inoopereyt ng maliliit o kaya‘y independiyenteng
mga operator – mga moda ng transportasyon na inaasahan ng mayorya ng mga komyuter.

Maliban sa MC 2017-011, kasama rin dito ang planong Provincial Bus Ban ng MMDA o
pagbabawal sa mga provincial buses na dumaan sa EDSA. Batay ito sa Regulation No. 19-002 ng
MMDA na naglalayong ipasara ang lahat ng 47 terminals ng provincial buses sa naturang kalsada.
Ang sinasabi ng rehimeng Duterte na dahilan: para maibsan daw ang trapiko sa EDSA.

Pero batay mismo sa datos ng MMDA, umaabot lang sa tatlong porsiyento ng lahat ng
sasakyan sa EDSA ang mga bus. Samantala, umaabot na sa 67 porsiyento ng mga sasakyan sa
EDSA ay pribadong mga sasakyan tulad ng pribadong mga kotse, van, SUV, at iba pa. Mula sa
datos na ito, mahihinuhang hindi bus ang problema ng trapiko sa EDSA – at nakita ito sa pagtindi

135
135
135
ng trapiko sa EDSA sa kabila ng pangalawang dry run ng provincial bus ban na isinagawa ng
MMDA rito noong Agosto 7. (Isinagawa ng MMDA ang naturang dry run sa kabila ng temporary
restraining order ng Korte Suprema sa naturang ban.)

Sa naturang ban, kinakailangang bumaba ang mga pasahero ng pamprobinsiyang bus sa

pinakalaylayan ng Kamaynilaan sa norte (Valenzuela, kung saan ginagawa pa lang ang terminal)
at timog (sa Sta. Rosa, Laguna o Paranaque Integrated Terminal Exchange na di pa rin tapos
ngayon).

Nakatanggap ang MMDA ng matinding batikos sa naturang plano nila. ―Talagang di-
siyentipiko at di-demokratiko ang hakbang (provincial bus ban),‖ sabi ni Ariel Casilao,
pangalawang tagapangulo at dating kinatawan sa Kamara ng Anakpawis Party-list. Sa
maraming pag-aaral, ayon kay Casilao, malinaw na mas marami ang naisasakay ng isang bus
kumpara sa dalawa hanggang tatlong kotse na sumasakop sa parehong espasyo ng bus.

Ayon naman kay Sen. Grace Poe, tagapangulo ng committee on public services sa
Senado, mistulang ―science project na puno ng eksperimento‖ ang ginagawa ng MMDA at DOTr
na lalong nagpapalala umano sa sitwasyon. Pinaiimbestigahan ni Poe sa Senado ang naturang mga
iskema ng gobyerno.

Mismong NEDA at Japan International Cooperation Agency (JICA) ang naglabas ng

pag-aaral noong 2014 na nagsasabing 78 porsiyento ng espasyo sa kalsada ang sinasakop ng
pribadong mga sasakyan. Ito mismo ang dahilan, ayon sa Waze (isang navigation app sa
smartphones), kung bakit itinuturing ang Metro Manila bilang may pinakamasahol na trapiko sa
boung Southeast Asia noong 2015. Ang pribadong mga sasakyan ang talagang dahilan ng trapiko.
Dumarami naman ang may pribadong sasakyan dahil wala ring maayos na pampbulikong sistema
ng transportasyon – natutulak ang may kakayanan nitong bumili ng sasakyan, o kaya regular na
sumakay sa TNVS.

Sa kabiguan ng gobyerno na maisaayos ang trapiko o ang sistema ng transportasyon sa

bansa, napupunan ng mga jeepney, traysikel, bisikleta, sidecar, at kahit TNVS ang
pangangailangan ng mga komyuter. Siyempre, dahil walang sistematiko at tumpak na pagtugon sa
problema, hindi rin episyente ang mga modang ito ng transportasyon.

Pero ano ang itinutulak ng rehimeng Duterte sa ilalim ng National Transport Policy nito?
Dito, nakabalangkas na sa pribadong pamumuhunan at negosyo ang polisiya sa transportasypon
ng rehimeng Duterte, at hindi sa prinsipyong dapat na serbisyong panlipunan ang transportasyon.

Sa kongkreto, kabilang sa mga iskema o planong ipinapatupad ngayon ng rehimeng Duterte

ay ang “jeepney modernization” o Public Utility Vehicle Modernization Program, na mula sa
Memorandum Circular No. 2017-011 ng DOTr. Dito, ―ineengganyo‖ ang maliliit na mga
operator ng jeepney na magbuo ng isang korporasyon o consortium para makapag-aplay sa bagong
mga patakaran sa prangkisa ng mga sasakyan. Ibig sabihin nito, ayon sa Pagkakaisa ng mga
Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwid (Piston), ang pagsuko ng maliliit na drayber
at operator ng kanilang mga prangkisa sa malalaking operator at sa dayuhang mga kompanya na
may kapital para matugunan ang mga rekisito ng DOTr.

136
136
136
Sabi nga ni Bong Baylon, pangalawang pangkalahatang kalihim ng Piston, sa bahagi ng
mga drayber at maliliit na operator, sila yung pangunahing tatamaan ng proyekto ng pekeng
jeepney modernization…(G)usto ng gobyernong maipatupad ito upang sa ganon makontrol nila at
ng monopolyo at makuha ng mga monopolyo kapitalista yung sektor ng transportasyon.

Taong 2017 nang matagumpay na naipahayag ng Piston at iba pang grupo ng mga tsuper
at operator ang pagtutol nila sa jeepney modernization sa pamamagitan ng mga protesta at welga.
Noong panahong iyon, napabuladas si Duterte na ipapabaril niya ng ―rubber bullets‖ at ―hihilahin‖
niya ang mga jeep ng mga miyembro ng Piston na nagpoprotesta at hindi sumusunod umano sa
―modernisasyon.‖ Sa kabila ng mga protesta, bahagyang napaatras ang DOTr sa implementasyon
ng programa. Gayunman, pansin ng Piston na tila ipinatutupad naman ito ng naturang ahensiya sa
pamamagitan ng lalong paghihigpit sa mga jeepney drayber at operator at pagpataw ng matataas
na mga singil sa kanila.

Kuwento pa ni Baylon, nagtutulungan ang (DOTr at) LTO (Land Transportation

Office), (sa paniningil ng) mataas na multa, na kapag nahuli ka sa simpleng violation na
pinakamababa – halimbawa kapag out-of-line ka — , P50,000 (ang multa). Hindi mo na kayang
tubusin (ang jeep)..

Ayon sa Agham, grupo ng makabayang mga siyentipiko, ang dapat sanang ginagawa ng
gobyerno sa kagyat ay bigyan ng ayuda ang impormal na mga moda ng transportasyon katulad ng
jeepney. Sa position paper nito hinggil sa jeepney modernization noong 2017 ay nabanggit na sa
kalagayang walang malinaw na plano sa pagtugon sa mass transport sa sentrong lungsod at
kanayunan, dapat sana‘y sinusuportahan at sinusubsidyuhan ng gobyerno ang impormal na public
transport alternatives tulad ng jeepney. Sa kongkreto, maaari sanang suportahan ng rehimeng
Duterte ang panukalang ―palit-jeep‖ (o libre o murang pagpalit sa mga lumang jeep). Sinabi pa rin
ng Agham na mas mapabibilis nito ang rehabilitasyon at paggamit ng bagong mga teknoloniya sa
halip na ipataw ang tungkulin (ng modernisasyon) sa naghihirap na ngang jeepney drivers.

Binatikos din ng Agham ang plano ng gobyerno na itulak ang mga jeep na pumaloob sa
malalaking korporasyon o consortium, dahil mapapasailalim lalo ang sistema ng transport sa
malalaking pribadong pagnenegosyo. Samantala, kahit ang mga drayber o operator ng mga
prangkisa ng TNVS, ipinortesta noong Hulyo ang paghihigpit ng Land Transportation,
Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga rekisito—katulad ng pagbabawal sa ilang
klase ng kotse, mataas na bayad sa prangkisa at iba pa.

Malinaw mula sa mga pag-aaral kung ano ang pangmatagalang solusyon sa problema ng
trapiko sa bansa - ang pagpapalakas sa sistema ng pampubliko o mass transport. Nangangahulugan
ito ng direktang pagtuon ng gobyerno ng mga rekurso nito sa mass transport. Kung kagyat na
solusyon lang ang pagsuporta sa impormal na mga moda ng transport (tulad ng jeep atbp.), ang
pangmatagalan ay ang pamumuhunan ng gobyerno sa mga moda ng mass transport na episyente
at malinis na magsasakay sa dumaraming bilang ng mga komyuter sa Kamaynilaan, ayon sa
Agham.

Ayon pa sa naturang grupo, kailangan umanong ituring ng gobyerno ang transportasyon

bilang pampublikong serbisyo at hindi oportunidad para sa malalaking dayuhan at lokal na

137
137
137
negosyante para kumita. Kakatwang hindi man lang nagagamit sa National Transport Policy ng
rehimeng Duterte ang terminong ―mass transport. Sabi pa ng Agham na mahalaga ang sistema ng
pangmasang transportasyon sa pagkakaroon ng dinamiko at industriyal na ekonomiya sa
pamamagitan ng paglilingkod sa iba-ibang ugnayan (linkages) sa ekonomiya. Bilang
pampublikong yutilidad (utility), may obligasyon ang gobyerno na magbigay ng episyente at abot-
kayang serbisyo sa transport ng mga mamamayan…‖. Sinabi pa ng grupo na kailangang tingnan
ng gobyerno ang sarili nito bilang pangunahing tagabigay ng serbisyo sa transportasyon. Habang
hindi ganito pagtingin ng rehimeng Duterte, mananatili ang pagdurusa ng milyun-milyong
komyuter.

Disiplina sa lansangan ang lunas sa trapik. Tumataginting na P3.5 bilyon kada araw ang
nawawalang kita ng Pilipinas dahil sa malubhang problema sa trapiko, ayon sa pinakabagong pag-
aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA). Nakapanlulumo ngunit ito ang
katotohanan. Resulta ito ng labis na bilang ng mga sasakyan, mga kolorum, illegal parking, illegal
terminal, sidewalk vendors, jaywalkers, pedicab at tricycle sa mga highway, kamoteng mga
motorcycle riders at aroganteng mga tsuper. Samakatwid, kawalan ng disiplina ang pangunahing
problema ng bansa sa mga lansangan.

Kaya naman noong Agosto 2016, itinatag ang Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT)
sa pangunguna ni Department of Transportation Secretary Arturo Tugade upang pagsanibin ang
lahat ng ‗law enforcement agencies‘ na may kaugnayan sa pagmamando sa trapiko. Kabilang dito
ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), PNP-Highway Patrol Group, Land
Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Binuo
ang i-ACT upang mas mabisang makatugon sa problema ng trapiko sa bansa habang hinihintay
ang hinihiling na ‗special power‘ sa trapiko ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte buhat sa Senado.
Tututok ito sa limang ―E‖ ng traffic management: ang enforcement, education, environment,
engineering at economics.

Nitong Setyembre 2017, muling inilunsad ang i-ACT at isinama na sa grupo ang Armed
Forces of the Philippines (AFP), mga lokal na pamahalaan sa pama•magitan ng Metro Manila
Council at ang Liga ng mga Barangay. Nakikita kasi ng pamahalaan na mas magiging epektibo
ang paglaban sa mga pasaway kung may kooperasyon ng mga lokal na opisyal lalo na ang mga
barangay chairman na siyang nakakakita sa sitwasyon sa kanilang nasasakupan.

Inilunsad din ang Task Force Alamid, ang ‗operating arm‘ ng i-ACT na lumibot hindi lang
sa Metro Manila ngunit maging sa mga kanugnog na mga lalawigan ng Rizal, Cavite, Bulacan at
Laguna. Sa magkakasunod na operasyon, dito lumantad ang mapait na katotohanan sa umiiral na
bulok na sistema na mismong mga opisyal ng barangay ang kumukun•sinti sa mga iligal na
terminal, sidewalk vendors, mga establisyimentong kumain na sa bangketa at kalsada at illegal
parking. Tunay na nanuot na sa kalamnan ng lipunan ang problema sa lansangan.

Sa kabila nito, nagpatuloy ang sunud-sunod na operasyon ng TF Alamid. Nitong Enero

2018, inilunsad ang ―Tanggal Bulok, Tanggal Usok campaign‖ ng i-ACT na layong linisin ang
mga kalsada sa mga kakarag-karag na sasakyan na panganib sa kaligtasan at kalusugan ng publiko.
Kung nasaan ang TF Alamid, tila nawawala naman sa kalsada ang mga pampasaherong jeep at
mga UV Express na mu•ling lilitaw lamang kapag wala na sa kalsada ang tropa ng pamahalaan.

138
138
138
Mula nang ilunsad ang Tanggal Usok, Tanggal Bulok campaign, nasa 1,904 na ang
nahuhuli ng TF Alamid sa mga lansangan. Nasa 1,499 ang natikitan dahil sa mga depektibong
parte ng sasakyan, 107 sasakyan ang na-impound dahil sa pagiging kolorum, illegal parking at iba
pa; habang 297 ang naisyuhan ng ‗subpoena‘ dahil sa pagiging bulok ng mga behikulo.

Masakit sa bulsa ang multa kapag nahuli sa mga bayolasyon. Ipinatutupad ng i-ACT ang
Joint Administrative Order ng DOTr sa multa sa batas trapiko. Ang isang jeep na kolorum ay
pinagmumulta ng P50,000; P200,000 sa mga van at napakataas na P1 milyon sa bus. Ginawa ito
upang madala ang sinuman na mahuhuli na namamasada nang walang kaukulang prangkisa buhat
sa LTFRB. Masakit pa rito, ilan sa mga nahuhuli na na•ngongolorum ay tauhan ng pulisya, ng
pamahalaan, o kaanak na nais laktawan ang batas para sa sinasabi nilang ―pag-hahanapbuhay.‖

Sa kabila ng masigasig na operasyon ng i-ACT, nananatili ang problema sa trapiko. Sa

bawat operasyon, tumataas ang emosyon, nagkakaroon ng sakitan, nagkakaroon ng demandahan.
Ngunit parte ito ng proseso ng pagsagupa sa napakalaking problema na hindi namalayan ng
pamahalaan ay mistulang tinanggap na sa kamalayan ng mga Pilipino na isang normal na
kalagayan. Ang problema ng lamangan, ang kultura ng kawalang respeto sa kapwa at pagtingin
sa sarili lamang. Sa huli, disiplina pa rin ang solusyon sa problemang ito. Binigyang-diin ni
Tugade na ang paglutas ng suliranin sa trapiko ay nangagailangan hindi lang ng isa kundi
napakaraming solusyon at isa rito ang imprastrakturang pangtransportasyon na maari lamang
matugunan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga mamamayan.

At ngayon panahon ng pandemya, hindi pa rin nawawala ang suliranin sa transportasyon.

Dahil sa pandemya, iba‘t ibang suliraning pangtransportasyon ang lumitaw. Isa na rito ang
pagpapahinto ng pasada ng mga pampublikong transportasyon. Bahagi ito ng pagpapatupad ng
social distancing na sa panahong ito ay nabibigay ng dagdag pasakit muli sa mga sumasakay sa
mga pampublikong transportasyon. Bukod dito, ang mga dating drayber, dahil sa pagtigil ng
operasyon ng transportasyon ay nawalan ng hanapbuhay, ang iba sa kanila kung hindi man
namamalimos na sa lansangan ay nangangalakal ng basura at ang iba ay napipilitang humanap ng
ibang trabaho mabuhay lamang ang kani-kanilang pamilya. Sa suspensyon ng operasyon ng
pampublikong transportasyon, maging ang mga frontliners ay umaasa na sa pagpapasakay ng mga
pribadong grupo at ng gobyerno.

Kaugnay pa rin ng pagpapatupad ng mga health protocols, nagpalabas ng kautusan ang

pamahalaan kung saan obligadong maglagay ng barrier ang mga motorcycle riders sa kanilang
mga motorsiklo. Nagtipon-tipon ang mga miyembro ng isang grupo ng motorcycle riders sa
Quezon City nitong Linggo para ihayag ang kanilang pagtutol sa mandatory barrier para sa pag-
angkas sa mga motorsiklo. Ayon sa grupong Kagulong — na nagdaos ng protesta sa tanggapan ng
Commission on Human Rights — magastos at hindi praktikal ang pagkakaroon ng barrier, lalo
kung asawa naman ang angkas na kasama rin ng rider sa bahay. Para sa grupo, hindi barrier ang
sagot sa pagsugot sa pagkalat ng COVID-19. Sapat na rin umano ang sinusuot na face mask, helmet
at gloves ng mga rider at angkas.

Sa unang araw ng paghuli sa mga lumalabag sa mga patakaran para sa magka-angkas

noong Sabado, 1,284 ang tiniketan ng mga awtoridad sa buong bansa. Sa bilang na iyon, 704 ang
inireklamo ng reckless driving habang 580 naman ang may dagdag na reklamong overloading

139
139
139
dahil sa hindi awtorisadong pag-angkas. Pinagmumulta ng P1,500 hanggang P2,000 ang mga sinita
sa unang paglabag. Muli ring kinontra ng motorcycle expert ang pagkakaroon ng mandatory
barrier. Ayon kay Atoy Cruz ng Motorcycle Philippines Federation, hindi ligtas ang barrior at
maaari pang pagmulan ng aksidente. Ilang beses na raw sumulat ang grupo sa mga ahensiya ng
pamahalaan pero hindi sila pinapakinggan. Pero nanindigan ang Department of Transportation na
paraan ang barrier para maiwasan ang road crashes dahil malilimitahan nito ang bilis ng takbo ng
motorsiklo.

Mga Usapin sa Pabahay

Ang kawalan ng maayos na tahanang masisilungan ng isang pamilya ay isang suliraning
matagal nang kinahaharap sa buong mundo. Sumasalamin ito sa mukha ng kahirapan na hindi
madaling solusyonan dahil sa maraming kadahilalanan katulad ng kawanlan ng inisyatibo buhat
sa pamahalaan, kawalan ng disiplina sa bahagi ng mga maralita na magsagawa ng paraan upang
maiahon ang kanilang mga sarili sa totoong kahirapan.

Napakalawak ng problema o suliranin ng kawalan ng naaangkop na pabahay para sa mga

mamamayan. Ito ang inihayag ni Fr. Daniel Franklin Pilario, CM – Dean ng Saint Vincent School
of Theology kaugnay sa isinagawang Global Homelessness Forum na dinaluhan ng mga kasaping
kongregasyon ng Vincentian family. Ayon sa Pari, mahalaga ang pagtutulungan ng iba‘t ibang
sektor ng lipunan tulad ng Simbahan, pamahalaan, civil society groups at maging ng mga
komunidad upang matugunan ang problema ng pabahay sa ating bansa. Paliwanag ni Fr. Pilario,
mas magiging malawak ang matutulungang mga pamilya na walang sariling tahanan kung
magsasama-sama ang lahat sa iisang layunin mapagkalooban ng permanenteng tahanan ang bawat
pamilyang Filipino.

Sa tala ng Global Homeless Statistics, nasa apanapu‘t apat na porsyento (44%) ng mga
Pilipino ang nananatiling walang maayos at permanenteng tirahan na matatagpuan sa Metro
Manila.Batay naman sa tala ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC)
nasa 5.5-milyong kabahayan pa ang kinakailangang ipatayo para sa mga mahihirap na Filipino at
higit 1.4 na milyong kabahayan para sa mga biktima ng kalamidad sa bansa.

Samantala, inaasahang patuloy pang isusulong ng kongregasyon ang adbokasiya nito sa

pagkakaloob ng mga tahanan sa bawat pamilyang Filipino bilang bahagi narin ng paggunita sa ika-
400 Anibersaryo ng pagkakatatag ng Vincentian Family.

Bagama‘t may inisyatibo ang pamahalaan na magbigay ng mga libreng pabahay sa mga
walang masisilungan, ang mga inisyatibong ito ay hindi nagiging ligtas sa kontrobersiya. Ang
paliwanag ng nakararami, hindi sapat ang pagbibigay ng pamahalaan ng masisilungan ng mga
maralita. Ang kanilang kailangan ay disenteng tahanan na may angkop na mapagkukunan ng
kanilang mga pangunahing pangangailangan para mabuhay nang marangal katulad ng malinis na
tubig, kuryente, at ang distansya o lapit sa lugar kunga saan sila naghahanapbuhay.

140
140
140
Tinalakay sa ulat ni Moratillo (2017) ang pagtingin sa Chairman ng House Committee on
Housing ang Urban Development sa kahalagahan ng pagsangguni sa mga benepisyaryo ng
proyektong pabahay ng gobyerno upang malaman ang tumutugma sa mga pangangailangan at
panlasa ng mga ito. Ang konsultasyon o pagsangguni ay mahalaga upang hindi masayang ang
paglalaan ng pondo ng pamahalaan sa mga proyektong kanilang ginagawa. Ayon kay Benitez, sa
ulat pa rin ni Moratillo, ang balakin ng kongreso na higpitan ang pagsasakatuparan ng kanilang
oversight na tungkulin upang makasigurado na hindi nauuwi sa wala ang pondong inilalaan sa
pabahay sa ilalim sa pabahay sa ilalim ng pambansang pondo o national budget.

Ang mga kasapi ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ay

nagtungo sa Malacañang ang Action Center upang magsumite ng kanilang
aplikasyon sa titulo ng mababang pabahay ng gobyerno.

Kanilang napag-alaman na mayroong Senate Resolution na

nagpapahintulot sa Natinal Housing Authority na magkaroon ng realokasyon ng
pabahay para sa mga kapulisan, sundalo, bumbero, at mga kawani ng kulungan.

Sa kabilang dako, hinikayat ni Pangulong Duterte ang mga militar at

kapulisan na magparaya na lamang para sa mga pamilya ng kadamay upang
maiwasan ang sigalot. Kinuha ng mga kasapi ng Kadamay ang 6,000 kabahayan
sa anim na housing sites ng NHA nang nakaraang taon.

Nag-isyu ng Resolution No. 8 ang Senado na nagpapahintulot sa NHA

na magbigay ng grant sa iba pang kwalipikadong benepisyaryo para sa mga
tahanan na hindi pa naipamamahagi at mga tahanang tinanggihan ng mga

Ang ahensya ng pamahalaan na namamahala sa mga inisyatibong pabahay ng pamahalaan

ay ang National Housing Authority. Ito ay binuo noong ika-31 ng Hulyo, 1975 sa ilalim ng
hurisdiksyon ng pamahalaan. Itinatag ang National Housing Authority bilang pagmamay-ari ng
pamahalaan at kontroladong korporasyon sa ilalim ng Housing ang Urban Development
Coordinating Council bilang kabit na ahensya.
Edukasyon. Sinasaklaw nito ang estado ng pag-aaral ng mga mag-aaral at kalidad ng
pagtuturo ng mga guro sa isang bansa. Ito ang tumutulong sa isang bansa upang maging progresibo
at maunlad ngunit kay daming problemang panlipunan ang kinakaharap ng ating bansa at isa na
nga rito ang edukasyon, isang problemang nais nang matuldukan ng ating gobyerno.

Sa panahon ngayon, marami nang kabataan ang hindi nakapagtatapos ng pag-aaral at ang
pangunahing dahilan nito ay kahirapan na isa pang malaking problemang kinakaharap ng bansang
Pilipinas Ang pagkakaroon ng korupt na gobyerno ay isang dahilan kung bakit naghihirap ang

141
141
141
ating bansa. Isa pang dahilan kung bakit may mga kabataang hindi nakapagtatapos ay dahil
nagiging rebelde ito. Maraming nakaiimpluwensiya sa mga kabataan ngayon. Mga problemang
pampamilya, pampinansiyal, at ang iba‘y napapabarkada.

Isa pang problemang pang-edukasyon ang mababang kalidad ng pagtuturo. Dahil nga sa
mga maling metodolohiya na naituturo sa mga kabataan, inaakala nito na ito‘y tama. Ang isang
epektibo at magandang kalidad ng pagtuturo ay hindi napagtatagumpayan ng isang guro dahil nga
kulang pa ito sa kaalaman tungkol sa kaniyang napiling asignatura. Ang kakulangan sa pondo ay
isa pang problema sa ating edukasyon, kahit na sapat ang badyet ng ating gobyerno kung hindi
maayos ang paggamit nito, hindi uunlad ang edukasyon sa ating bansa.

Karagdagan pa sa mga nabanggit na suliranin sa edukasyon ang kakulangan ng mga silid

aralan. Hanggang ngayon kulang na kulang pa rin ang mga silid-aralan sa iba‘t ibang parte ng
Pilipinas, nagkakaroon na ng paghahati ng mga mag-aaral. May pumapasok na ng panggabing
aral at pang-umaga, at pilit na pinagkakasya ang oras na iyon sa napakaraming asignatura. Pero
kahit hinati na ang pasok ng bata, kung bibisita ka sa mga paaralan makikita mong siksikan ang
mga bata sa kanilang classroom at ang iba naman ay nagkaklase na sa labas.

Nakita rin suliranin ang kakulangan ng mga guro.Sa panahon ngayon kulang na kulang pa
rin ang mga guro sa paaralan, lalo na sa mga liblib na lugar. May mga guro na pinagsasamang
turuan ang mga batang nasa baitang 1 hanggang- 4, hinahati na lamang ang kaniyang oras para
maturuan ang ibang bata. Isa pang suliranin ang kakulangan ng sweldo ng mga guro Hindi naman
lingid sa kaalaman ng lahat na hindi ganun kalaki ang suweldo ng isang guro, kulang pa ito sa
kanilang mga gastusin, kaya naman ang ginagawa ng iba ay nagtitinda ng kung anu-ano sa loob
ng klasrum para maragdagan ang kanilang pera, na nagiging dahilan daw naman ng hindi
pagpopokus ng isang guro na maturuan ng maayos ang mga bata. Ang mataas na matrikula sa
mga pamantasan ay isa rinsa mga dahilan kung bakit kakaunti lamang ang mga batang
nakapapasok lalo na sa kolehiyo. Gayundin ang kakulangan ng mga libro. Hanggang ngayon
kulang parin ang mga libro kahit sabihing nasa makabago na tayong panahon uso na ang internet
at computer at madali ng mag search sa internet ng mga kaalaman, isipin naman natin ang mga
batang nasa malalayong lugar na di pa masyadong abot ng kabihasnan,saka iba parin talaga ang
may aklat sapagkat nadidisiplina ang bata na magbasa at magtiyagang magbasa ng aklat.

Upang matugunan ang mga nabanggit na suliranin, mahalagang bigyan ng malaking badyet
ang pagpapagawa ng mga silid aralan at huwag kurakutin ng mga nasa katungkulan ang budget na
nakalaan dito, isipin ninyo na ang mga mga batang iyan ang magiging pag-asa natin para sa
magandang kinabukasan ng ating bansa pagtuunan natin sila ng pansin. Taasan ang sahod ng mga
guro, at bawasan ang trabahong iniaatang sa kanila tulad ng pagagawa ng reports at kung ano-ano

142
142
142
pa, sapagkat marami ang ayaw kumuha ng kursong edukasyon sa kolehiyo sapagkat hindi lingid
sa kanilang kaalaman na hindi sapat ang sahod ng isang guro sa hirap ng trabaho na ginagawa nila.
Itaas ang sahod ng mga guro, huwag ipagkait sa kanila ang dagdag na sahod, sapagkat ang mga
guro ang dahilan kung bakit may isang pulis, may mga duktor, may mga abogado at iba pa. Hindi
rin naman biro ang kanilang sakripisyo para matuto ang mga bata lalo na ang mga gurong
nadidistino sa malalayo at liblib na lugar. Ibaba ang matrikula sa mga pamantasan, magtayo ng
mas maraming pampublikong paaralan para sa mga mahihirap, magtayo ng mga programang
tutulong sa mga bata upang makapag-aral hanggang kolehiyo. Nararapat ding maglaan ang
pamahalaan ng badyet para sa mga aklat. Isipin ang mga batang nasa liblib na lugar na di pa abot
ng sibilisasyon na tanging aklat lang ang aasahan upang matuto sila. Turuan din ang mga bata
kung papaanong mag-ingat ng mga aklat, upang hindi ito masira at mapakinabangan pa ng mas
maraming kabataan.

Samantala, hindi problema ang pagbibigay ng takdang-aralin sa mga mag-aaral sa bansa,

ayon sa grupo ng mga guro sa Pilipinas. Sa panayam ng Radyo Inquirer kay ACT Philippines party
list chairperson Joselyn Martinez, ang pagbibigay ng takdang-aralin sa mga mag-aaral ay may
malaking epekto sa kasanayan at kaalaman ng isang bata. Giit nito, dapat tutukan ng pamahalaan
ang totoong problema sa edukasyon ng bansa na may malaking epekto sa pag-aaral ng mga bata,
gaya ng: (1) Kakulangan sa mga input katulad ng mga aklat, resource material, upuan, silid-aralan
at iba pa; (2) Dagdagan ang budget ng edukasyon; (3) Magkaroon ng curriculum na tutugon sa
pangangailangan ng mga kabataan at ng bansa; (4) Dagdagan ang suporta sa mga guro sa
pamamagitan ng mga libreng seminar, gamit sa pagtuturo; at (5) Ipagkaloob ang P16,000,
P30,000, at P31,000 na nakabubuhay na sahod para sa mga guro at kawani sa edukasyon.

Isang malaking usapin ngayon ang panukala ni Quezon City 5th District Rep. Alfred
Vargas ang ―no homework policy.‖

―Edukasyon sa Pilipinas: Tinimbang ka nguni‘t kulang.‖ Madalas itong maririnig sa mga

naghihirap na nagsusumikap. Hindi baleng mahirap ka basta magkadiploma, tama? Ang sagot
diyan ay depende. Depende sa kalidad ng edukasyong natamo mo. ‗Yan ang tumingkad sa
nakapanlulumong gradong nakamit ng Pilipinas sa Programme for International Student
Assessment o PISA. Pang-79 ang bansa sa pagbabasa. Mababa rin ang score ng bansa sa math at
science: pang-78. Sa katunayan, kulelat tayo sa listahan.

Pasang-awa. Maaaring sisihin dito ang kulturang pasang-awa na kung saan pinalulusot
ang mga bumabagsak at nakaaakyat sa susunod na antas. Nagkaroon tuloy ng ibang kahulugan
ang "No Filipino Child Left Behind." At napag-uusapan din lang ang mga guro, at bagama‘t
nabanggit na rin sa unahan, kakaunti ang gustong maging titser dahil na rin sa reputasyon ng mga
guro na kayod-kabayo, abonado pa sa mga school supplies, at higit sa lahat, naghihikahos kaya't
nagtitinda na rin ng tocino at longganisa. Sa harap nito at ang nauusong "teacher-shaming,"
malamang hindi gaganahan ang mga high school graduates na kumuha ng kurso sa edukasyon.
Ayon din sa internasyonal na organisasyon, malakas ang

143
143
143
kaugnayan ng pang-ekonomikong status ng mag-aaral sa husay n'ya sa eskwelahan. Mas mahirap
ka, mas malamang na mababa ang reading scores mo. At dito pumapasok ang vicious cycle ng
buhay-mahirap: kung mahirap ka, lalong kumikitid ang hagdan ng pag- angat mo sa lipunan.
Mas mahirap ka, mas mailap ang makabuluhang edukasyong magbibigay sa iyo ng kakayanang
magsuri at maglagom. Ito ang trahedya ng lipunan natin: nananatiling mahirap ang mahirap at
nananatiling mayaman ang mayaman – at pangunahin ang papel ng palpak na edukasyon sa
pagpapanatili ng mga bitak nito.

Ayon sa pandaigdigang pag-aaral, hirap magsuri ang 1/10 ng mga estudyante sa buong
mundo, edad 15 anyos, ng fact (bagay o pangyayari na kinikilálang totoo) o opinyon. Dito
pumapasok naman ang papel ng maling edukasyon sa pagkalat ng disinformation. Hindi lalaganap
ang pekeng balita kung mapanuri tayo bilang isang pamayanan. Mawawalan ng pangil ang mga
ulupong sa internet kung hindi tayo kapos sa dunong at kumakagat sa nilasong mansanas.

Makikita sa PISA na magkakabit ang bituka ng matataas na reading scores sa budget

spending sa edukasyon. Totoong pinakamalaking bahagi ng badyet nitong 2019 ay napunta pa rin
sa edukasyon – pero nakatikim din and Department of Education ng matitinding budget cuts sa
Basic Education Facilities Fund. Malaki nga ang badget, mukhang hindi pa rin ito sapat upang
makapaghatid ng kalidad na edukasyon na "world-class." Dahil napakataas ng enrollment rates at
napakababa ng proficiency ng mga mag-aaral. Pero isang dimensyon lang 'yan ng problema, wala
pa riyan ang out-of-school youth. Ayon na mismo sa Multidimensional Poverty Index ng
Philippine Statistics Authority, 5 sa 10 pamilya ay walang access sa batayang edukasyon.
Kung tutuusin, band-aid lang ang badyet, kumpara sa nagnanaknak na sugat sa edukasyon. Kaya't
humihingi ang departamento ng P30 bilyong increase sa 2020. Nadagdagan man ang taon ng pag-
aaral dahil sa K-12, hindi pa nakakahabol ang kalidad ng mga pumapasok ng kolehiyo. Ayon sa
inisyal na feedback ng mga guro, mas mature nga raw ang mga estudyante sa pangkalahatan, pero
kapos pa rin sa mga paksang dapat ay natutunan na nila sa K-12.

Isa rin sa napag-alaman ng PISA ay ito: tanging 31% lamang ng Pinoy na estudyante na
edad kinse anyos ang may growth mindset – o may paniniwalang uunlad sila sa pag-aaral at
pagsusumikap. (Bilang reference, ang growth mindset sa bansang nasa ilalim ng Organisation
for Economic Cooperation and Development o OECD ay 63%.) Habang bukambibig ang
"sipag at tiyaga" at "magsumikap ka," hungkag na ito para sa maraming nagsikap at walang
pinatunguhan dahil na rin sa ampaw ang kanilang edukasyon. Idagdag pa diyan ang bias ng mga
kumpanya sa pag-eempleyo ng mga gradweyt ng mga premyadong institusyon tulad ng Ateneo,
La Salle , UP, UST atbp.

144
144
144
Samantala, taong 2011 naipatupad na rin ang matagal nang pinaplanong pagbabago sa
programang pang-edukasyon ng Department of Education (DepEd) sa Pilipinas na tinatawag na K
to 12 Program.

Gamit ang modelo ng mga Kanluraning bansa bilang modelo, ang bagong learning scheme
na ito ay ang K to 12 basic education program. Maraming miyembro ng Akademiya, mga
estudyante, at mga magulang ang unang tumanggi sa pagbabagong ito kahit noon pa lamang
iminumungkhai ito. Para sa mga magulang at mga estudyante, dagdag gatos ito dahil tatagal ang
ilalagi ng isang bata sa eskwelahan. Para sa mg administrador ng mga paaralan, napakalaki at
napakalalim ng kakailanganing reporma sa pagsasaliksik para matugunan ang requirements ng K
to 12 program. Sa kabila ng mga pagtutuol at pag-aagam-agam, naituloy rin ang mahalagang
pagbabagong ito sa Philippine education.

Ang DepEd ang nagpatupad at namahala sa edukasyong K to 12 simula nang pormal itong
italaga noong 2013. Sila ang may eksklusibong pamamahala sa mga pampublikong paaralan at
regulasyon para sa pribadong paaralan. Mula 10 taon ng basikong edukasyon mula 1945 hanggang
2011, ang implementasyon ng programang K to 12 ng DepEd at kasunod na retipikasyon ng
Kindergarten Education Act of 2012 at Enhanced Basic Education Act of 2013, naging
labintatlong taon na ang basikong edukasyon ngayon. Isang taon ang para sa kindergarten, 6 na
taon para sa elementarya, 4 na taon para sa junior high school, at 2 taon para sa senior high school,
para sa mga mag-aaral mula edad 5 hanggang 17. Nitong 2017 lamang naipatupad ang
implementasyon ng grade 12.

Ayon sa pamunuan ng DepEd, dumaan sa masusing pag-aaral ang pagbabagong ito sa

programa ng edukasyon sa Pilipinas. Sinasabing isa sa mga kabutihang dulot nito ang pagbibigay
ng pagkakataon sa mga estudyante na mahasa sa iba‘t ibang larangan ng ispesyalisasyon tulad na
lamang ng animation. Ang pag-aaral sa kindergarten at 12 taon ng basikong edukasyon ay
naglalayong magbigay ng sapat na panahon para mas matutunan at mapaghusay ng mga mag-aaral
ang mga konsepto at kasanayang kinakailangan para sa kolehiyo at unibersidad pati na sa
pagtatrabaho at pagnenegosyo.

Ayon sa DepEd, ang Pilipinas ang huli sa mga bansa sa Asya na nagpapatupad pa ng 10
taong basikong edukasyon. Ang 13 taong programa ay sinasabing pinakamabisang haba ng
panahon para lalong mapaigting ang pagkatuto ng mga bata. Ganito na rin kasi ang programa sa
mga bansang mauunlad sa mundo.

Ano nga ba ang kabutihang dulot ng bagong sistemang ito? Una, pinatitibay at
pinahahalagahan ang Early Childhood Education sa Kindergarten. Ang unang 6 na taon ng isang
bata ay ang mga kritikal na taon para sa brain development. Ikalawa, idinagdag sa kurikulum ang
makabuluhang life lessons tulad ng pagbubukas ng diskusyon at pag-aaral tungkol sa Disaster Risk
Reduction, Climate Change Adaptation, at Information and Communication Technology, na

145
145
145
sadyang mahalaga sa mga mag-aaral na Pilipino. Ikatlo, may integrasyon at Seamless Learning o
Spiral Progression - ang pag-uulit ng pag-aaral ng mga kosepto at aralin mula pinakasimple
hanggang sa pinakakomplikado, sa bawat grado o baitang. Inaayon ito sa edad ng mga mag-aaral,
kaya‘t higit na naiintindihan at naaalala ang bawat aralin. Ikaapat, itinuturo ang aralin gamit ang
sariling wika, o tinatawag na Mother Tongue-Based Multilingual Education sa unang 3 baitang,
bago ituro ang ikalawang wika tulad ng English. May 12 mother tongue languages na sinimulan
nang gamitin sa pagtuturo noong 2012 - 2013: Bicolano, Cebuano, Chavacano, Hiligaynon,
Ilokano, Kapampangan, Maguindanaoan, Maranao, Pangasinense, Tagalog, Tausug, Waray.
Idinagdag din ang Aklanon, Ibanag, Ivatan, Kiniray-a, Sambal, Surigaonon, at Yakan nang
sumunod na taon. Ikalima, may 7 learning areas at 3 ispesyalisasyon na maaaring pagpilian ang
mga mag-aaral para sa Senior High School, ang 2 taon ng specialized upper secondary education.
Ang core curriculum learning areas ay languages, literature, communication, mathematics,
philosophy, natural sciences, at social sciences. Ikaanim, itinuturo ang information, media at
technology skills, learning at innovation skills, communication skills, at life career skills, para
lumaking handa sa lahat ng pagsubok lalo na bilang isang adult.

Ang mga estudyanteng nakatapos sa Senior High School ay maaaring mag-aplay ng

TESDA Certificates of Competencies (COCs) at National Certificates (NCs) para makapagtrabaho
nga ayon sa kakayahan nila. May technical, vocational, at entrepreneurship courses sila. Kung nais
pa nilang magpakadalubhasa, maaari nilang ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo. Sa tulong ng
Commission on Higher Education, magiging sapat ang kaalaman at kakayahan ng isang mag-aaral
na nakatapos ng Senior High School, para makapagtrabaho na ng bokasyonal o magnegosyo, o
magpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo. May mga maaring piliin para sa specialization o ―specific
tracks‖ o patutunguhan ng ispesyalisasyon: (1) Academic (para sa kolehiyo): Accountancy,
Business & Mangement (ABM), Humanities and Social Sciences (HUMSS), Science, Technology,
Engineering & Mathematics (STEM), General Academic Strand (GAS); (2) Technical-
Vocational-Livelihood (TVL) ang para sa technical at vocational learning. Kasama ang Home
Economics, Industrial Arts, Agriculture and Fishery Arts, Information and Communication
Technology; (3) Arts and Design; (4)Sports; at ang bagong dagdag na (6) Maritime.

Ang K to 12 ang sinasabing naghahanda sa bawat Pilipinong mag-aaral para sa mas

mabuting kinabukasan dahil mas matibay ang pundasyon nito. May mga certification na maaaring
kunin ang mga mag-aaral sa bawat baitang pagkatapos ng elementarya, na nagsasanay at
naghahanda sa kakayahang pangbokasyonal at may specaialization, tulad ng Certificate of
Competency (COC) sa Grade 9 at 10, halimbawa.

Halos 6 na taon na mula nang ipatupad ang bagong sistemang ito sa mga pampubliko at
pampribadong paaralan sa buong Pilipinas. Maraming sumalungat noon pa laman, ngunit sa
ngayon, may karamihan na rin ang may nakikitang kabutihan at positibong resulta ang programang
ito.

146
146
146
Ayon sa mga guro at mag-aaral na rin na nagsimula na ng K to 12 program sa kanilang
mga paaralan, isa sa mga kabutihan nito ay ang pagkakaroon ng mga asignatura at araling praktikal
na magagamit ng mga mag-aaral sa araw-araw na pamumuhay. Ang mga aralin ngayon ay may
practical application na, ika nga. At dahil nga mas maraming taon ang pag-aaral at paghahanda,
nagiging competitive ang Pilipino kapag nag-aaplay sa ibang bansa. Sunod na kasi sa education
requirements na pang-internasyonal, na higit sa 10 taon, base nga sa programa sa mauunlad na
bansa.

Para sa matatagal nang nagtuturo, sinasabi nilang hindi sapat ang panahon ng paghahanda
para maipatupad ang programang ito. Pakiramdam rin ng mga guro na napakarami pang problema
at balakid para makamit ang primary goal ng DepEd para sa K to 12 program. Hindi raw kompleto
ang mga materyal, wala pang textbooks at hindi pa makasabay sa requirement na programa lalo
na sa public school dahil wala namang internet, computer, at telebisyon. Kaya ang resulta, hindi
pa nila tuluyang nararamdaman ang pagbabago, kahit na 6 na taon na itong ipinatutupad.

Malayo pa nga talaga ang tatahakin ng programang pang-edukasyon ng Pilipinas bago

tuluyang marating ang ninanais nitong progresibong sistema para sa ating mga kabataan. Marami
ang naniniwala na simula ito ng magandang kinabukasan. Kailangan lang talagang paigtingin at
pagsikapan ang pagsasaliksik at patuloy na paghahanda para maging mas makabuluhan ang
pagbabago.

Bukas naman ang Department of Education sa panukala sa Kamara na i-review ang

ipinapatupad na K to 12 Basic Education Program. Ayon sa pahayag ng DepEd, makatutulong ang
pag-review ng Kongreso sa K to 12 upang mapag-usapan ang mga isyu sa programa at kung paano
ito masosolusyunan. Nangako din ang DepEd na makikipagtulungan sa Kongreso para sa mas
epektibong pagpapatupad ng programa kasunod ng inaprubahang karagdagang P650 milyong
budget para rito sa susunod na taon. Umaasa rin ang DepEd na sa pamamagitan ng isasagawang
review sa Kamara na makakukuha sila ng mas maraming suporta mula sa mga kongresista. Una
nang sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na nagkasundo ang mga kongresista na pag-
aralan muli kung nakatutulong ba ang K to 12 program upang agad na magkatrabaho ang mga
kabataan.

Sa kagustuhang maitaguyod at mapaunlad pa ang ekonomiya ng bansa ay nabuo ang

konsepto ng ASEAN Integration. Ang ASEAN Integration ay resulta ng kasunduan ng mga
miyembro ng Association of Southeast Asian Nations kung saan sa taong 2015 ay inaatasan ang
bawat pamahalaan ng sampung miyembrong bansa na gumawa ng mga panloob na polisiya upang
maging isang ganap na isang rehiyon ang timog-silangang Asya lalong-lalo na sa aspeto ng
kalakaran, trabaho at edukasyon. Kabilang din dito ang pagbabago ng iskedyul ng pagbubukas ng
klase para makasabay sa kalendaryo ng mga kalapit na bansa na karamihan ay nagsisimula sa
buwan ng Agosto. Sa pagbabagong ito inaasahan ng mga pamantasan ang mga pagkakataon na
mapalakas at mapalawak ang pagkakataon para sa mga ―exchange‖ ng mga estudyante at maging
mga guro.

147
147
147
Kasabay ng implementasyon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)
Integration 2015, ang pagpapatupad ng rebisyon sa kurikulum ng CHED. Ang CMO No.20 series
of 2013 ng CHED na inilabas noong Hunyo 28, 2013 ay naglalaman ng pagtatanggal ng Filipino
sa kurikulum ng kolehiyo at paglilipat nito sa ika-11 at ika- 12 na baitang sa Senior High School.
Ayon kay San Juan (2013), iba ang pagtuturo ng nasabing asignatura sa kolehiyo dahil mas
malalim ang pagtalakay at pag-aaral dito kumpara sa hayskul. Dagdag pa ni San Juan na ang
Filipino doon is utilitarian o technical Filipino. Filipino na gagamitin sa paggawa ng report o
simpleng presentation pero hindi yung Filipino na gagamitin mo sa pagtatalakay ng social issues,
eco, science, health policies at iba pa. Iginiit niyang multidisciplinary o para sa lahat ang Filipinong
itinuturo sa kolehiyo.

148
148
148
YUNIT V I
MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASY ON

Mga Pos isyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo

Napakaraming kahulugan ng salitang komunikasyon. Isa itong akto ng

pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan. Isa itong proseso ng
pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga simbolikong cues na maaaring berbal
o di-berbal. Maliwanag na sa bawat sitwasyon ng pakikipagtalastasan ay may tagapaghatid ng mensahe at
may tagatanggap.

Mga Uri ng Komunikasyon

Suriin ang mga larawan sa ibaba.

Sa unang larawan, ano ang nais ipagawa ng traffic enforcer sa motorista? Paano niya ipinahatid ang
mensaheng ito? Sa ikalawang larawan, ano naman ang nais ipagawa ng traffic enforcer sa motorista? Paano
niya ipinahatid ang mensaheng ito? Sa aling larawan may nangyayaring komunikasyon? Ipaliwanag ang
sagot.

May dalawang uri ng komunikasyon; ang berbal at di-berbal. Berbal ang komunikasyong ginagamitan ng
wika o salita at mga titik na sumisimblo sa kahulugan ng mga mensahe. Di-berbal naman kapag
ginagamitan ng mga kilos o galaw ng katawan upang maiparating ang mensahe at hindi sa pamamagitan
ng salita o wika. Sa pag-aaral ni Albert Mehrabian, propesor sa Clarl Univeristy, na lumabas sa kaniyang
aklat na Silent Messages: Implicit Communication of Emotions and Attitudes, isang aklat hinggil sa
komunikasyong di-berbal, 7% raw ng komunikasyon ay nang gagaling sa mga salitang ating binibigkas,
38% ay nanggaling sa tono ng ating pagsasalita, at 55% ay nanggaling sa galaw ng ating katawan. Sa
madaling salita, 7% lang ng nais nating iparating ang nanggaling sa ating mga salita. Ang resulta ng
kaniyang pag-aaral ay ginagamit at itinuturo rin sa ilang judicial institutes sa Amerika, bagama’t marami
ang hindi sumasang-ayon sa kaniyang natuklasan. Ayon sa ilang eksperto, kadalasan ang pag-aaral ni
Mehrabian ay hindi nauunawaan. May katotohanan man o hindi, isang aral ang iniiwan nito sa atin na kung
anuman ang mensahing nais nating ipahatid ay hindi masasabi lahat ng salita. Ang ilang maseselang bagay,
kung minsan, na maaaring magkaroon ng ibang interpretasyon ay mas mabuting sabihin nang personal.
Sapagkat inilalantad nito ang emosyon ng nagsasalita at kinakausap, mahalaga ang diberbal na
komunikasyon sapagkat nililinaw nito ang kahulugan ng mensahe at pinananatili ang resiprokal na
interaksyon ng tagapagpadala at tagatanggap ng mensahe.
Samantala, may iba’t ibang pag-aaral sa mga anyo ng di-berbal na komunikasyon: (1) Kinesiks (Kinesics)
o ang pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. Hindi man tayo bumigkas ng salita, sa pamamagitan ng
pagkilos ay maipararating natin ang mensaheng nais nating ipaghatid. Halimbawa, sa ikalawang larawan
ay nakita mo na nang sumenyas ang traffic enforcer sa motorista na alam niyang ang ibig sabihin nito ay
hinto. Kapag ang isang tao ay idinikit nang patayo ang kaniyang hintuturong daliri sa kaniyang labi, alam
nating ang ibig sabihin nito ay kailangang tumahimik. Kadalasan ginagamit din natin ang mga kumpas; (2)
Ekspresyon ng mukha (Pictics) o ang pag-aaral ng ekspresyon ng mukha upang maunawaan ang mensahe
ng tagapaghatid. Sa paghahatid ng mensaheng di-berbal, hindi maipagwawalang-bahala ang ekspresyon ng
mukha. Kadalasan, ang ekspresyon ng mukha ay nagpapakita ng emosyon kahit hindi man ito sinasabi. Sa
ekspresyon ng mukha ay mahihinuha natin ang nararamdaman ng isang tao, kung ito ay masaya, malungkot,
galit, o natatakot; (3) Galaw ng mata (Oculesics) o ang pag-aaral sa galaw ng mata. Nakikita sa galaw ng
ating mga mata ang nararamdaman natin. Sinasabing ang mata ang durungawan ng ating kaluluwa,
nangungusap ito. Ipinababatid ng ating mga mata ang mga damdaming nararamdaman natin kahit hindi
natin ito sinasalita. Ang panlilisik ng ating mga mata ay nangangahulugang galit tayo, ang panlalaki ng
ating mga mata kung minsan ay nagpapahayag ng pagkagulat, ang pamumungay naman kung minsan ay
nagpapahiwatig ng pang-aakit. Maipakikita rin ng galaw ng ating mga mata ang pagnanais na makipag-
usap; (4) Vocalics o ang pag-aaral ng mga di-linggwistikong paraan upang maipahatid ang mensahe.
Tinutukoy rin nito ang tono, lakas, bilis, o bagal ng pananalitang nagbibigay-linaw sa berbal na
komunikasyon; (5) Pandama o Paghawak (Haptics) o ang pag-aaral sa mga paghawak o pandama na
naghahatid ng mensahe. Isang anyo rin ito ng di-berbal na komunikasyon. Ang pagtapik sa balikat, ang
paghablot, pagkamay, o pagpisil ay mga paraan upang maipabatid ang isang mensahe; (6) Proksemika
(Proxemics) o ang pag-aaral ng komunikasyong gamit ng espasyo, isang katawagang binuo ng
antropologong si Edward T. Hall (1963). Tumutukoy ito sa layo ng kausap sa kinakausap.
Sinasabing may kahulugan ang espasyong namamagitan sa magkausap. May iba’t ibang proxemic distance
na ginagamit ang magkausap sa iba’t ibang pagkakataon. Ipinahihiwatig ng distansiya ang uri ng
komunikasyong namamagitan sa magkausap: intimate kung ang magkausap ay may distansiyang 0
hanggang 1.5 pulgada; personal naman kung ang layo ay 1.5 hanggang 4 pulgada; social distance kung 4
hanggang 12 pulgada ang pagitan; at public naman kung ang layo sa kausap ay umaabot na sa 12 pulgada;
(7) Chronemics o pag-aaral na tumutukoy sa kung paanong ang oras ay nakaaapekto sa komunikasyon.
Maaaring kaakibat ng oras ang mensaheng nais iparating tulad ng pagdating nang maaga sa isang job
interview na nangangahulugang may disiplina ang nagaaplay at interesado sa inaaplayan. Gayundin naman,
ang pagtawag sa telepono sa dis-oras ng gabi ay maaaring mangahulugan ng pang-iistorbo o maaaring
emergency.
Nagbigay naman sina Canary at Cody (2000) ng anim na pamantayan sa pagtataya ng kakayahang
pangkomunikatibo: (1) Pakikibagay o adaptability. Ang isang tao ay may kakayahang mabago ang pag-
uugali at layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan. Makikita ito sa pagsali sa iba’t ibang
interaksyong sosyal, pagpapakita ng pagiging kalmado sa pakikisalamuha sa iba, kakayahang ipahayag ang
kaalaman sa pamamagitan ng wika, at kakayahang magpatawa habang nakikisalamuha sa iba; (2) Paglahok
sa pag-uusap o conversational involvement. May kakayahan ang isang taong gamitin ang kaalaman tungkol
sa anumang paksa sa pakikisalamuha sa iba. Makikita ito sa kaniyang kakayahang tumugon, kakayahang
makaramdam kung ano ang tingin sa kaniya ng ibang tao, at kakayahang makinig at magpokus sa kausap;
(3) Pamamahala sa pag-uusap o conversational management. Tumutukoy naman ang kakayahang ito na
mapamahalaan ng isang tao ang pag-uusap. Nakokontrol nito ang daloy ng usapan at kung paanong ang
mga paksa ay nagpapatuloy at naiiba; (4) Pagkapukaw-damdamin o empathy. Pagpapakita ito ng
kakayahang mailagay ang damdamin sa katauhan ng ibang tao at pag-iisip ng posibleng mangyari o
maranasan kung ikaw ay nasa kalagayan ng isang tao o samahan; (5) Bisa o effectiveness. Tumutukoy ito
sa isa o dalawang mahahalagang pamantayan upang mataya ang kakayahang pagkomunikatibo - ang
pagtiyak kung epektibo ang pakikipag-usap. Ang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay may
kakayahang mag-isip kung ang kaniyang pakikipag-usap ay epektibo at nauunawaan; at (6) Kaangkupan o
appropriateness. Maliban sa bisa, isa pang mahalagang pamantayan upang mataya ang kakayahang
pangkomunikatibo ay ang kaangkupan ng paggamit ng wika. Kung ang isang tao ay may kakayahang
pangkomunikatibo, naiaangkop niya ang kaniyang wika sa sitwasyon, sa lugar ng pinangyayarihan ng pag-
uusap, o sa taong kausap.

Maikling [Muling] Pagtalakay sa Kahalagahan ng Komunikasyon

Nasa puso ng pang-araw-araw na transaksyon ng tao ang komunikasyon. Napakalaki ng ginagampanan
nitong tungkulin upang mapadali ang mga nais makamit ng mga tao sa isang tiyak na konteksto. Sa
katunayan, napakadaling pangatwiranan na kung wala ito, hindi uusbong ang anumang uri ng sibilisasyon.
Hindi yayaman nang gaya ng sa kasalukuyan ang nalalaman ng tao sa agham, matematika, medisina,
humanidades, arkitektura, at iba pa kundi ito dumaan sa masusing pagtalakay at bahaginan na kaalaman at
mga natuklasan. Mahirap ding kuruin kung ano ang kahihinatnan ng mga lipunan at bansa kung walang
naganap at nagaganap na komunikasyon sa pagitan ng mga lider at kinatawan ng nauna. Sa mas praktikal
n antas, upang napagtibay ang relasyon, nangangailangan ng patuloy na komunikasyon sa pagitan ng
magkaklase, magkaibigan, mag-asawa/magkasintahan, o magkasama sa trabaho o adbokasiya. Sa madaling
salita, dinodomina ng komunikasyon ang lahat ng uri ng relasyon ng tao - mapaakademiko, propesyonal,
personal, o sibika.
Upang mas maging sistematiko at lalong mabigyan ng konteksto ang pagtalakay sa komunikasyon at iba’t
ibang tiyak na sitwasyong pinaggagamitan nito, mahalagang balikan ang ilang puntos sa pag-aaral nina
Eadie at Goret (2013) na lumagom sa iba’t ibang teorya at pag-aaral ng layunin ng komunikasyon. Ayon
sa dalawang eksperto, may iba’t ibang layunin ang tao sa pakikipag-ugnay, ngunit para sa ganarin ng
pagtalakay, tatlo lamang sa limang layunin ang babanggitin. Pinagsama rin sa isang kategorya ang
komunikasyon bilang tagapagpalaganap ng impormasyon at kultura.

Komunikasyon Bilang Panghubog ng Opinyon ng Madla

Malaki ang ginagampanang tungkulin ng komunikasyon sa paghubog ng opinyon o concensus ng mga tao.
Ginagamit ng mga gobyerno sa buong mundo ang komunikasyon upang palaganapin ang isang kaisipan
hinggil sa mga programa nito upang mapabilis ang pagtanggap ng mga mamamayan. Lubos na napadadali
ang pagpapalaganap ng mga mensaheng ito sa pamamagitan ng midya gaya ng radyo at telebisyon.
Noong 2013, nilagdaan ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang Batas Pambansa Bilang 10361 o mas
kilala sa tawag na Kasamahay Law, na naglalayong bigyang-proteksyon ang mga kasambahay. Kapansin-
pansin na habang dinidinig ang dating mungkahing batas sa Kongreso at Senado, malimit na laman ng
balita sa radyo at telebisyon ang mga pang-aabuso sa mga kasambahay - mula sa kawalan ng benepisyo at
mababang pasahod, hanggang sa pisikal, berbal, at emosyonal na pananakit ng mga amo. Dahil dito, naging
madali ang pagtanggap sa mungkahi at bumuhos ang simpaiiya ng mga mamamayan sa may-akda ng
nasabing batas.
Isa pang halimbawa ng paggamit ng komunikasyon upang hubugin ang opinyon ng madla ang patuloy na
pagpapakalat ng misinformation hinggil sa Martial Law, na ipinataw noong panahon ng diktadurya ni
Pangulong Marcos. Kapansin-pansin na upang mabura ang mga negatibong epekto ng Martial Law gaya
ng patong-patong na pangungutang at pandarambong ng dating pangulo na ayon sa Ibon Foundation ay
patuloy na pagbabayaran ng mga Pilipino hanggang 2025, kabi-kabila ang pagpapakalat ng fake news at
iba pang mapanlinlang na dokumentaryo at komentaryo sa radyo, telebisyon at sa social media. Ang lahat
ng ito ay upang mailuklok si Bongbong Marcos sa pagkabise-presidente noong halalang 2016. Bagama’t
hindi nagwagi sa puwesto, malaking porsyento pa rin ng boto ang nakamal ng dating senador - patunay na
malaki ang tungkulin na ginampanan ng mga dokumentaryo at propagandang nabanggit.

Komunikasyon Bilang Panlinang Ugnayan

Gaya ng nabanggit na sa yunit na ito, isang tungkulin din ng komunikasyon ang luminang sa ugnayan at
relasyon. Nagsisimula ang pagkakaibigan sa interaksyon sa pagitan ng dalawang nilalang na may
pinagkasunduang bagay. Nagiging mas matibay ang samahang ito sa pamamagitan ng palagiang pakikipag-
usap sa isa’t isa. Komunikasyon din ang nagpapatibay sa ugnayan ng mga miyembro ng isang komunidad.
Sa pamamagitan ng patuloy na pag-uusap sa kung paano pamamahalaan ang mga mamamayan, lugar at
mga pinagkukunan, lalong napagbubuklod ang isang lipunan.
Sa mas malaking konteksto, pinagtitibay ng komunikasyon ang ugnayan ng mga bansa gaya ng patuloy na
nagaganap sa pagitan ng mga miyembro ng ASEAN Community. Dahil sa tuloy-tuloy na diyalogo sa
pagitan ng mga lider ng bansa, naging posible ang mas mabilis na pagpapalitan ng mga produkto at
serbisyo. Naging mas madali na rin ang paglilipat-lipat ng kapital at puhunan sa pagitan ng mga bansang
bahagi nito. Isa pa sa mga naging epekto ng ASEAN Integration ay ang mas maluwag na foreign policy na
nag-alis sa ilang restriksyon sa pagbisita at pagtatrabaho sa mga miyembrong bansa.

Komunikasyon Bilang Paghahatid ng Impormasyon at Pagpapalaganap ng Kultura

Marahil isa sa pinakamahalagang tungkulin ng komunikasyon ay ang gamit nito sa pagpapalaganap ng
impormasyon. Maraming buhay ang naililigtas dahil sa maaga at maagap na pagpapakilala ng interbensyon
at gamot sa isang pasyenteng isang duktor. Nagiging posible rin ang pagpapasa ng karunungan at kaalaman
upang mas maraming tao ang makisangkot sa pagbabagong panlipunan dahil sa pakikipag-ugnayan. Maaari
ding aksidente sa daan ang naiiwasan dahil sa mga warning signs at iba pang babala.
Ngunit iba naman ang naging kaso noong 2013 nang tamaan ng napakalakas na bagyo na pinangalanang
Yolanda ang tacloban City, Leyte. Umabot sa 6,000 katao ang tinatayang namatay, halos 2,000 ang patuloy
na nawawala, at mahigit 28,000 ang sugatan sa pananalasa ng nasabing bagyo (NOAH-UP). Bagama’t
maagang nagpalabas ng mga babala ang lokal na gobyerno at maging ang national government, hindi
masyadong naging matagumpay ang mga tao dahil umano sa hindi malinaw na pagpapaliwanag ng
kahulugan ng terminong storm surge. Sa madaling salita, hindi sapat ang komunikasyon; mahalaga rin na
isaalang-alang ang paraan kung paano ipinahahatid ang mensahe. Malaki rin ang ginampanang tungkulin
ng komunikasyon bilang tagapaghasik ng binhi ng kultura. Bilang halimbawa ng komunikasyon, pinagtibay
ng mga komersyal ang pag-iisip ng mga Pilipino na mas maganda ang maputi kaysa tangkilikin ang
pagkakayumanggi. At dahil na rin sa lumalawig na access ng mga tao sa social media, na mabisang
platform ng komunikasyon, naging mas mabilis nang maipalaganap ang iba’t ibang kultura. Sa katunayan,
maraming kabataang Pilipino ngayon ang nahuhumaling sa KPop at iba pang aspekto ng kulturang Koreano
dahil sa kanilang matinding exposure dito.

Mga Antas ng Komunikasyon

Bukod sa layunin ng komunikasyon, mayroon ding iba’t ibang antas ng komunikasyon na nagbabago-bago
ayon sa kontekstong tagapagdala at tumatanggap ng mensahe. Naiimpluwensiyahan din ito ng ginagamit
na daluyan o channel ng tagapaghatid ng mensahe, malay man o hindi. Gaya ng kilalang pangungusap na
“the medium is the language” ni Mcluhan (1967), maaaring baguhin - pagbutihin o hulawin - ng daluyan
ang mensaheng nais iparating. Halimbawa, mas sinsero ang paghingi ng tawad kung ito ay personal na
ipararating kaysa ipadadala sa pamamagitan ng text o email. Mahalagang isa-isahin ang mga uri ng
komunikasyon at himayin ang mga kalakasan at kahinaan nito sa pamamagitan din ng pagbibigay ng mga
halimbawa, upang mapahusay ang pakikipag-ugnay sa kapuwa.

Intrapersonal na Komunikasyon
Bagama’t madalas na bigyang-kahulugan ang komunikasyon bilang pagpapalitan ng mensahe sa pagitan
ng dalawang tao, itinuturing ding halimbawa ng komunikasyon ang intrapersonal na komunikasyon o
pakikipag-ugnayan sa sarili sa pamamagitan ng replektibong pag-iisip o internal vocalization (Dance &
Larson, 1972). Ito’y isang kognitibong proseso sa loob ng ating sarili - isang diyalogo o kumbersasyon na
patuloy na nagaganap sa ating sarili. Ito ang uri ng komunikasyon na nagaganap sa loob lamang ng isipan
ng isang tao, na nagdidkta ng kaniyang magiging tugon sa mga pangyayari sa paligid. Pansarili ang ating
komunikasyon dahil may mga ideya at damdamin tayong pinagninilay-nilayan. Isang halimbawa ng
intrapersonal na komunikasyon ay ang pagpapasiya kung anong reaksyon
ang ipakikita ng isang tagapagsalita - maiinis at mananatiling walang tinag
- matapos kuwestiyunin ng mga kalahok ang kaniyang datos na ipinahayag
sa isang plenaryong pagpupulong. Sa mas personal na antas, ginagamit
ginagamit din ang intrapersonal na komunikasyon upang kumbisihin ang
sarili na mas pagtuunan ng pansin ang mas magagandang pangyayari sa
buhay nang sa gayo’y lalong ganahan na magpatuloy. Mahalagang
matutuhan ang intrapersonal na komunikasyon upang lalong maging
malalim at epektibo ang pakikipag-ugnayan sa kapuwa.
Interpersonal na Komunikasyon
Nagaganap naman ang interpersonal na komunikasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang tao o pangkat.
Ginagamit ang ganitong uri ng komunikasyon upang bumuo, magpanatili, at maging tumapos ng ng
ugnayan. Upang matamo ang mataas na kalidad sa pagtatrabaho at
pagtatagumpay sa operasyon ng isang tanggapan, ang interpersonal na
komunikasyon ay isang napakahalagang kasangkapan. Madalas
makikita ang ganitong uri ng komunikasyon sa pagitan ng mag-asawa,
dalawang miyembro ng pamilya, magkaibigan, amo at empleyado, at
iba pa. Ilan pa sa mga halimbawa ang interaksyon sa pagitan ng fitness
coach at trainee, duktot at kaniyang pasyente, at consultant at isang
opisyal ng gobyerno. At dahil ito ang pundasyon sa matagumpay na
miting, paglutas ng suliranin, resolusyon ng mga isyu, paghawak ng
mga tunggalian o di-
pagkakaunawaan, interaksyon ng suplayer at kustomer, at ang pang-araw-araw na ugnayan sa loob ng
kumpanya o pangkat, kritikal ang epektibong komunikasyon. Upang maging lubusang epektibo,
nangangailangan din ito ng mataas na antas ng kakayahan sa pakikinig at conflict management (Jones,
2008).

Pangkatang Komunikasyon
Itinuturing namang pangkatang komunikasyon ang ugnayan sa
pagitan tatlo o mahigit pang tao na nagkakatipontipon sa isang
layunin. Maaaring maganap ang ganitong uri ng komunikasyon sa
personal at maging sa iba pang platform (gaya ng group chat sa
social media at video conferencing) katulad din ng iba pang uri ng
komunikasyon. Madalas na nagaganap ang pangkatang
komunikasyon sa mga mag-aaral bilang bahagi ng pagtupad sa mga
kahingian ng asignatura gaya ng kolaboratibong pananaliksik na
nangangailangan ng pagtalakay at pagpapasiya. Kabilang din dito
ang pagpupulong sa barangay o sa munisipyo na naglalayong
lutasin ang isang suliranin (gaya ng trapiko), na sinisimulan sa
pagbibigay ng mungkahi at pagtatalaga ng mga taong gaganap sa
mga tiyak na gawain.
Pampublikong Komunikasyon
Pinakakinatatakutang uri naman ang pampublikong komunikasyon. Mas nakapokus ito sa mensahero o sa
tagapagdala ng mensahe kaysa tagatanggap (na malilit at mahigit sa apat). Ito rin ang pinakamalayunin sa
lahat ng.uri ng komunikasyon at madalas itong pormal. Sapagkat ginagamit ito sa akademiya, sa trabaho,
maging sa sibika, mahirap iwasan ang paraang ito ng pakikipag-ugnay. Ilan sa mga halimbawa para sa
ganitong uri ng komunikasyon ang pagbigkas ng talumpati sa harap ng klase bilang performance task o
kaya naman ay sa isang patimpalak, pangangampanya para
sa isang bagong proyekto sa inyong barangay, at marami
pang iba. Dahil sa bilang ng ng mga kalahok nito, mainam
itong paraan ng pagpapalaganap ng kaalaman at
impormasyon. Mas marami ang hindi sanay makipag-
ugnayan gamit ang modang ito sapagkat nangangailangan
ng masusing paghahanda at tiyak na antas ng kahusayan
upang magtagumpay at hindi laitin ng mga tagapakinig.

Pangmadlang Komunikasyon
Tinatawag namang pangmadlang komunikasyon ang
paghahatid ng mensahe sa mas malawak na awdyens sa
lalong madaling pamamaran at gumagamit ng mass media
(telebisyon, radyo, magasin, limbagan, rekording, pelikula,
adbertaysing, public relations, at iba pang teknolohiya. Dito,
ang publiko ay may pagkakataong maglimi sa mga
napakikinggang balita, komentaryo, pananaw ng nagbabalita
o brodkaster. Kinukuro ng tagapakinig kung may
katotohanan ang binanggit o ibinalita ng tagapagpahayag.
Nalalantad at nabubuksan ang mga bagay na maaaring
makonsumo, mapakinabangan o mabatid ito may ay sabjek
ng batikos, puna, kritisismo ng tagapakinig o publiko na
maaaring tanggapin o hindi ng tagapakinig.
Layon din ng pangmadlang komunikasyon na makipag-
ugnayan at maghatid ng mensahe sa madla. Naiiba ito sa
pampublikong komunikasyon kung ang mensahe ay ipinadadala nang palathala sa pamamagitan ng diyaryo
at magasin o sa pamamagitan ng electronic media gaya ng telebisyon at radyo. Kakaiba rin ito sa paraang
mistulang bumubuo ng personal na koneksiyon ang tagapagdala ng mensahe, bagama’t ang layunin nito ay
maipakalat ang nasabing nilalaman sa mas malaking tagsubaybay. Ilan sa mga halimawa ng pangmadlang
komunikasyon ang pagbabahagi ng rebyu ng isang pelikula o album ng isang musikero; suri sa isang bagong
panukalang batas; at ulat sa kaganapang pangkalikasan, pampolitika o kultural. Ang kawalan ng agarang
mekanismo para sa tugon o feedback - dahilan kung bakit madaling magpakalat ng mensahe nang walang
oposisyon, ang pangunahing hamon ng ganitong uri ng komunikasyon.
Sa pag-usbong ng social media gaya ng Facebook, Twitter, blogs, at iba pa, naging bukas sa lahat ang
publikong komunikasyon sapagkat binibigyan nito ng kakayahan at oportunidad ang mga tumatanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng pagkokomento, pagre-repost ng isang content na may kasamang
komentaryong maaaring sumasang-ayon o sumasalungat, at direktang pagtugon sa nagbahagi ng mensahe
sa pamamagitan ng paggamit ng @. Kapansin-pansin din na bagama’t mistulang mabisang pamamaraan
ang pangmadlang komunikasyon upang mabilis na maibahagi ang isang mensahe (halimbawa: pag-
oorganisa ng isang malaking rally para kondenahin ang ilegal na pagpapatalsik sa punong mahistrado),
maaari nitong ikompromiso ang kahulugan ng mensahe. Dahil bagama’t tiyak ang layunin ng tagapagdala,
hindi naman tiyak ang konteksto ng tumatanggap ng mensahe - dahilan upang magkaroon ng pagkakaiba-
iba ng interpretasyon at tugon.

Multikultural na Komunikasyon

Nakasentro ito sa pag-aaral ng dibersidad at kultura na nakaiimpluwensiya sa komunikasyon gayundin sa

mga isyung pangkomunikasyon na may relasyon sa iba’t ibang kultura, ethnisidad, lahi, kasarian, relihiyon,
edad, socia class, at disabilidad (kapansanan). May mga kosiderasyong dapat isaalang-alang sa isang
multikultural na komunikasyon - ang globalisasyon, kultural na adaptasyon, lokalisasyon, marketing
research (sa bisnes), at iba pang bagay na kailangang tingnan (gamit ng wika, pagpili at kahulugan ng
salita, mga idyoma, jargon, balbal na salitang gagamitin, grapiks at icon na isasama halimbawa, sa
komersyal, balita, propaganda, report/ulat o
anumang komunikasyo. Kapag maingat na nagamit ang
komunikasyon sa iba’t ibang kultura, ang tagumpay ng
komunikasyon ay iaasahang mangyayari. Maari nang
magkaroon ng gulo kahit sa pagpili pa lang ng ibibigay na
nagalan sa produkto at maaari na ang isang salita na
piniling gamitin ay may iba o masamang kahulugan.

Mga Tiyak na Halimbawa ng Sitwasyong Pangkomunikasyon

Mainam ngayong talakayin ang mga tiyak na halimbawa ng sitwasyong pangkomunikasyon upang lalong
mabigyang-linaw ang kalikasan ng bawat antas ng komunikasyon.

Pangkatang Komunikasyon
Roundtable at Small Group Discussion
Ang talakayang roundtable ay maliit na grupo, madalas na sarado, mga pamamaraang sinadya kung saan
ang mga kalahok ay may pantay na pagpapalitan ng mga ideya tungkol sa isang ibinigay na paksa. Ang
mga talakayang roundtable ay mga maliit na talakayan ng grupo kung saan ang lahat ay may pantay na
karapatang lumahok. Ang pamamaraang ito ay maaaring sa katotohanan ay sumasaklaw sa dami ng iba't
ibang mga pormat; isa itong porma ng talakayang pang-akademiko, na ginagamit bilang isang pamamaraan
para sa pakikipag-ugnayan sa pamayanan at pampubliko at maging sa mga organisasyon at negosyo. Ang
mga roundtable ay karaniwang hindi bukas sa mas malawak na publiko, ngunit nagsasangkot ng medyo
maliit na bilang ng mga kalahok na tumatalakay sa isang paksa na karaniwang kinilala nang una. Ang
pangunahing prinsipyo na sumasailalim sa isang roundtable ay ang lahat ng mga kalahok ay nasa pantay
na kalagayan.
Ang mga talakayan ng roundtableay naiiba mula sa Magic Roundtable, na isang tiyak na pamamaraan ng
sinasadya. Ang entry na ito ay tumutukoy sa mga roundtable sa isang pangkalahatang kahulugan, ang
pagpapatupad na kung saan ay magkakaiba sa kasanayan. Ang pangkalahatang layunin ng isang roundtable
ay upang magsagawa ng isang malapitang talakayan at paggalugad sa isang tukoy na paksa. Ang isang
roundtable, na humahawak sa lahat ng mga kalahok sa pantay na kalagayan, ay naglalayong harapin ang
mga isyu sa halip na ang mga tao. Ang indibidwal na layunin ng isang talakayang bilog ay magkakaiba sa
kasanayan. Ang mga roundtable ay ginagamit bilang isang off-event, bilang serye, bilang isang kagamitan
sa loob ng mas malawak na mga proseso ng pakikiisa, at bilang itinatag na tuloy-tuloy na mga pagpupulong.
Habang ang termino ay pinahusay mula sa maalamat na mesa ni Round Arthur kung saan nagtipon ang mga
kabalyero, ang roundtable bilang isang pakikipag-ugnay ay medyo kamakailan lamang, na nagmula noong
1980 at lumitaw "sa isang pangangailangan para sa pagbuo ng kasunduan upang makilala ang mga
problema at maghanap ng mga solusyon sa relasyon sa pagitan ng pormal na gumagawa ng desisyon (tulad
ng mga pamahalaan at hudikatura) at iba pang mga sektor ng lipunan (tulad ng mga pangkat sa kapaligiran,
grupo ng komunidad at iba pang mga grupo ng interes)." Gayunpaman, ang mga maalamat na pinagmulan
ng roundtable ay may kaugnayan pa rin, dahil ang bilog na hugis ng mesa ay nangangahulugang walang
sinuman ang nakatataas, at ang lahat ay nakaupo nang may pantay na katayuan.
Karaniwan ang bilang ng mga kalahok sa isang roundtable ay medyo maliit - 10-12 mga tao lamang.
Gayunpaman, ang mas malaking na bilang ay mapamamahalaan kung ang mga kalahok ay nahahati sa mas
maliliit na grupo, tulad ng nakikita sa Halton Citizens' Reference Panel na nagsasangkot ng mahigit sa 50
mga miyembro ng publiko, nahati sa mga grupo ng pito o walo.

Ang mga kalahok na demograpiko ay magkakaiba ayon sa layunin at pangangailangan ng pag-aayos. Ang
mga roundtable ay madalas na nagsasangkot ng mga stakeholder at mga stakeholder ng organisasyon na
inanyayahan ng tagapag-ayos. Hindi sila karaniwang bukas sa publiko (bilang mga tagamasid), bagaman
ang mga miyembro ng publiko ay maaaring makilahok. Ang mga kalahok ay karaniwang iniimbitahan ng
tagapag-ayos ng ilang linggong mas maaga kaysa sa kaganapan nito. Bigay na ang saklaw ng mga konteksto
kung saan ginagamit ang mga roundtable, maaaring isama ng mga kalahok ang stakeholder o mga
organisasyon ng komunidad, mga negosyante, empleyado at employer, propesyonal na asosasyon at iba pa.
Sa ilang mga kaso, ang mga kalahok ay maaaring ma-recruit sa pamamagitan ng pagsulong at adbertaysing
ng kaganapan. Mas malamang dapat na ang mga target na kalahok ay mga miyembro ng publiko, o para sa
isang talakayang akademiko.

Ang isang paksa para sa isang roundtable ay karaniwang natutukoy nang maaga. Ang pagpili ng paksa at
saklaw ay maaaring nakalilito kaya dapat itong matukoy nang malinaw, subalit pahintulutan ang
pagkakataon para sa bukas at likas na talakayan - kung hindi man ang pag-uusap ay maaaring matuyo sa
panahon ng talakayan. Iminumungkahi ng ilang mga alituntunin ang maagang pagbuo ng isang agenda, ang
paghahati ng paksa sa mas maliit na mga lugar para sa isang mas istrukturadong talakayan, o nakatuon sa
mga tiyak na layunin tulad ng sa San Francisco Urban-Rural Roundtable.

Sa pangkalahatan, mangangailangan ng isang facilitator o tagapangulo ang roundtables para sa talakayan,

ngunit ang taong ito ay hindi dapat mamuno o magdirekta sa talakayan. Ang tungkulin ng tagapangasiwa
ay subukan at tiyakin na ang bawat isa ay kasama nang pantay sa talakayan at panatilihin ang pag-uusap sa
talakayan, sa pamamagitan ng pagpapaaalala sa pangkat ng oras o sa malumanay na patnubayan ang pag-
uusap kung lumalayo na ito nang malayo sa tamang landas. Muli, ito ay depende sa saklaw at layunin ng
bawat roundtable.

Ang oras na inilaan para sa isang roundtable na talakayan ay maaari ding makaapekto kung paano
eksaktong umikot ang talakayan. Dahil sa isang limitadong oras, ang mga kalahok ay maaaring pumili
upang magtrabaho patungo sa isang tiyak na layunin o kinalabasan, o gumugol ng talakayan sa mas
malawakang pagmuni-muni nang walang umpisa upang makamit ang isang tiyak na awtput. Gayunpaman,
depende rin ito sa saklaw ng paksa at layunin ng mga nag-aayos. Mahalaga isinasaisip ng tagapagturo ang
oras upang maiwasan ang pagkabigo ng mga kalahok kung maikli lamang ang talakayan - lalo na kung ito
ay isang pulong na one-off.

Ang roundtable na talakayan ay isang mahusay na paraan upang mapagsama ang mga tao sa network,
makipagtulungan, at lumikha ng mga makabuluhang koneksyon sa pagitan ng mga propesyonal. Ngunit
ang pag-host ng isang kaganapang roundtable ay maaaring parang isang napakalaking gawain. Bilang
tagaplano ng kaganapan, dapat mong tiyaking ang iyong mga dadalo ay may mga kapaki-pakinabang na
pakikipag-uusapt. Ang pag-alam kung paano mapadali ang isang roundtable na talakayan ay susi sa
paglikha ng isang nakaaaliw at matagumpay na sesyon.
Upang maging maayos ang pangangasiwa ng nasabing gawain, iminumungkahi ang mga sumusunod na
mga padron: (1) paglalahad ng layunin ng talakayan; (2) pagpapakilala ng mga kalahok (pangalan at
organisasyon); (3) pagtalakay sa paksa; (4) pagbibigay ng opinyon, puna, at mungkahi ng mga kalahok; (5)
paglalagom ng mga napag-usapan at napagkasunduan; at (6) pagtukoy ng mga susunod na hakbang.
Dapat ding gabayan ng paggalang at respeto sa ideya ng mga kasama ang pagsasagawa ng ganitong mga
uri ng pagpupulong, upang maging mas epektibo ang pagdaos nito. Mahalagang maunawaan na sa gawaing
ito, pantay-pantay ang pagpapahalaga sa input ng mga kalahok.
Upang mapanindigan ang mga napag-usapan ng grupo, mahalagang magtakda rin ng isang tagadokumento
na magtatala ng lahat ng napagkasunduan. Maaaring sundin ang pormat sa ibaba para sa pagsulat ng
dokumentasyon o katitikan ng pagpupulong: (1) paksa ng pagpupulong; (2) oras at lugar kung saan ginanap
ang pagpupulong; (3) mga kalahok; (4) mga mungkahi at komento ng mga kalahok; (5) mga
napagkasunduan; at (6) mga susunod na hakbang ng grupo.
Maaari ding gamiting istratehiya sa pagdaos ng roundtable at small group discussion ang brainstorming.
Nilalayon ng istratehiyang ito na mangalap ng iba’t ibang tugon at mungkahi sa mga kalahok, na malimit
ay may iba’t ibang perspektibo hinggil sa paksang pinag-uusapan. Epektibong istratehiya rin ang pagpaskil
ng mga katanungan na isa-isang sasagutin ng mga kalahok, gaya ng ginagawa sa isang Focus Group
Discussion (FGD).
Sa isang probe, ang Six Thinking Hats ni De Bono (1985), ang maliit na pagpupulong na naglalayong
magbigay ng solusyon ay maaaring gamitin. Ang istratehiyang ito ay nagtatakda ng tiyak na tungkulin sa
mga kabahagi ng gawain depende sa smbrerong kanilang isinusuot upang mas maging maayos ang
talakayan. Ang bawat sombrero ay tumutukoy sa tungkulin ng may suot: puti ang nagbabahagi ng mga
impormasyon (facts) tungkol sa paksang tinatalakay; dilaw angnakapokus sa positibong epekto ng
mungkahi; itim ang nakapokus sa pagpapalutang ng mga panganib na dulot ng mungkahi; pula ang
nagpapahiwatig ng pakiramdam, bagama’t walang lohikal na paliwanag tungkol sa mungkahi; berde ang
nakapokus sa pagbibigay ng alternatibo at bagong ideya; at asul ang tagapagdaloy ng pagpupulong.
Mainam itong istratehiya upang maging mas targeted ang mga tugon na nais makalap mula sa mga kalahok.
Pampublikong Komunikasyon
Lektyur at Seminar
Ang lektyur at seminar ay dalawa sa pinakagamit na termino ng mga tagapag-ayos ng pagsasanay.
Nakatuon ang mga ito sa maliliit na pagtitipon ng mga kalahok, kadalasang 20 hanggang 70, na
naglalayong masinsinang matutuhan ang isang tiyak na paksa. Malimit itong inoorganisa upang pagtibayin
ang propesyonalismo ng mga nakikibahagi, at nagtatagal mula isang buong maghapon hanggang pitong
araw, depende sa layunin ng pagsasanay. Ang mga pagsasanay sa makabagong pamamaraan ng pagtuturo
sa silid-aralan, mga mandatory seminars sa mga bagong luklok na opisyal ng barangay, pagsasanay sa mga
bagong pamamaraan ng birth control na isinasagawa sa mga barangay, at iba pa, ay ilan sa mga halimbawa
ng lektyur at seminar.

Ang lektyur at seminar ay mabibisang platform para ipakilala ang mga bagong kaalaman, paraan upang i-
update ang dati nang nalalaman ng mga prospektibong kalahok. Iminumungkahi na magkaroon ng
pagtataya sa pagtatapos ng gawain upang matiyak kung natamo ang layunin ng lektyur at seminar. Hindi
naman iminumungkahi ang balangkas na ito kung may inaasahang bagong output mula sa mga dadalo.
Sa aklat ni Maranan (2018) magkahiwalay na tinalakay ang lektyur at seminar. Ayon sa aklat, ang lektyur
ay oral na presentasyon ng mga impormasyon o karunungan na kailangan ng tao para sa isang partikular na
paksa o asignatura. Kasama rito ang pagbabahagi ng mga kritikal na impormasyon, kasaysayan, mga teorya,
at iba pa. Naniniwala si Bligh (1972) na ang lektyur ay isang paraan ng pagtalakay na ginagawa sa
pamamagitan ng walang tigil na pagsasalita ng dalubguro. Higit naman naging detalyado ang depinisyong
ibinigay nina Percival at Ellington (1988) sa pagsasabing isa itong pamamaraan ng pagtuturo (didactic
instructional method) na kinasasangkutan ng linyar na komunikasyon mula sa aktibong tagapagsalita tungo
sa mga pasibong tagatanggap ng impormasyon.
Wala pang nahahanap na alternatibong pamamaraan sa metodong lektyur sa mga kolehiyo, pamantasan o
unibersidad bagama’t marami ang pumupuna sa pamamaraang ito ng pagtuturo dahil isa lamang ang
daluyan nito (one-way) bilang proseso ng komunikasyon na kung saan ang pagkatuto ay matatamo sa isang
pasibong pamamaraan. Tumataliwas sa aktibong pamamaraan (active learning) ang paggamit ng lektyur.
Ang konsepto ng lektyur ay hindi dapat ikahon sa apat na sulok lamang ng silid-aralan. Maaari din itong
gamitin sa mga kumperensiya, sermon, at iba pa. May mga adbentahe ang pagsasagawa ng lektyur: (1)
madaling pagkakalantad sa mga bagong kagamitan; (2) mataas na antas ng kontrol ng dalubguro sa klase;
(3) kahali-halinang pormat na tugma upang pangasiwaan ang isang napakalaking pangkat ng mga
tagapakinig o manunuod. Ngunit maaari din namang magdulot ng hindi magandang bentahe katulad ng:
(1) paglalagay nito sa mga mag-aaral sa sitwasyon na pasibo ang pamamaraan ng kanilang magiging
partisipasyon sa proseso ng komunikasyon; (2) isa lamang ang daluyan ng komunikasyon; at (3) ang
pagtalakay ay nakasalalay sa kasanayan o kahusayan ng tagapanayam sa kaniyang isasagawang pagtalakay.
Sa pagbuo ng lektyur, mahalagang isaalang-alang ang layunin, nilalaman at istruktura, at mahahalagang
kakanyahan ng isasagawang panayam. Ang pagkakaroon ng layunin sa bagay na nais isagawa ang siyang
nagbibigay ng maayos na direksyon sa landas na tatahakin ng isasagawang lektyur. Kung walang layunin,
asahang wala ring tiyak na awput o magandang resulta ang isasagawang lektyur. Asahan ding hindi
makukuha ng mga kalahok ang mahahalagang bagay na kailangan nilang malaman, hindi mapupukaw ang
interes ng mga mag-aaral sa paksa ng mga pagtalakay, walang malalim na pag-unawa at pagtingin sa mga
usapin na kailangan sanang matutunan ng mga kalahok.
Katulad din ng layunin, mahalaga ring isaalang-alang ang nilalaman at istruktura sa pagbuo ng isang
lektyur. Binibigyan nito ng katiyakan na ang isang lektyur ay maglalaman lamang ng mahahalagang
kaalamang dapat matutunan ng mga kalahok sa loob ng limitadong oras ng pagtalakay. Madalas, sa
pagnanais ng isang lektyurer na talakayin ang lahat ng nais niyang ibigay sa mga kalahok ay sumasabog ito
at nawawala sa pokus, dahilan kung bakit nauubos ang oras na hindi naman natatalakay ang higit na
mahalagang nilalaman ng kaniyang lektyur. Ang pagbibigay naman ng istruktura, sa kabilang dako, ay
makatutulong nang malaki sa tamang pagsasagawa o implementasyon ng plano sa isasagawang pagtalakay.
Ang istruktura ng pagtalakay na nagbibigay ng baryasyon sa implementasyon ng panayam ay makatutulong
upang mapanatili ang atensyon ng mga kalahok sa gawaing ito. Kailangang maglaan ng oras para sa
partisipasyon ng mga kasali sa lektyur upang masiguro ang mataas na bahagdan ng pakikinig para sa pag-
unawa ng mga kalahok.
Ang bawat lektyur ay dapat magkaroon ng kakanyahang makatutulong sa kakintalan para sa mga kalahok.
Mahalagang pagtuunan ng pansin ng lektyurer ang panimula at ang wakas na bahagi ng kaniyang lektyur.
Ang panimula ang magtatalaga ng mood na maaaring madala hanggang sa pinaadulong bahagi ng lektyur.
Simulan ang lektyur sa pamamagitan ng pagtalakay na may mataas na enerhiya. Sa bahaging ito
maipaaalala sa mga kalahok ang layunin, nilalaman, at istruktura ng isasagawang lektyur. Ang paggamit
ng angkop na biswal na pantulong ay mahalaga rin upang magkaroon ng kalinawan ang isasagawang
pagtalakay na mahalaga para sa maayos na komprehensyon o pag-unawa ng mga kalahok sa lektyur.
Siguraduhing maayos ang biswal na pantulong. Sa puntong ito, malinaw, simple, at nababasa ng mga
kalahok kahit na sila ang nasa pinakamalayong puwesto sa isinasagawang lektyur. Isaalang-alang na ang
biswal na pantulong tulad ng powerpoint presentation ay mga biswal na pantulong lamang at hindi
nangangailangang magtaglay ng lahat ng impormasyong bibigkasin din naman ng magsasagawa ng lektyur.
Mahalagang matutunan ng nagsasagawa ng lektyur na makapagbalik-tanaw sa mga unang pagtalakay
upang makasigurado na higit na maunawaan ng kaniyang mga kalahok ang isasagawang pagtalakay.
Bagama’t ang lektyur ay may kakanyahan na ang mga kalahok ay ginagawang pasibo o tagapakinig lamang,
marami ang mga pag-aaral na makapagpapatunay na maaari namang gawing aktibo ang mga kalahok sa
ganitong uri ng talakay. Sinasabi pa nga na higit na makasisisgurado sa pagkatuto kung ang mga kalahok
ay aktibo kumpara sa kung ang mga ito ay pasibo. Kailangan ding ang magsasagawa ng lektyur ay
magkaroon ng inobasyon para sa aktibong partisipasyon ng kaniyang mga kalahok. Maaari siyang gumamit
ng alinman subalit hindi limitado sa video clips, powerpoint presentation, pakukuwento, paggamit ng sipi,
at pagbibigay ng katanungan.
Upang maging epektibo ang lektyur dapat magkaroon ng kahandaan, ng pokus, ng pakikilahok ng mga
tagapanood o tagapakinig, at makakuha ng komento o feedback.
Isa sa mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng lektyur ay ang pagkakaroon ng layunin ng isasagawang
pagtalakay. Bahagi ito na siyang magbibigay ng direksyon sa gawain at magdidikta sa mga bagay na dapat
matutunan ng mga kalahok sa lektyur at kung bakit ito dapat matutunan. Ang magsagawa ng lektyur ay
nangangailangan ng pagbuo ng balangkas at mga biswal na pantulong na may pagsasaalang-alang sa interes
ng mga inaasahang tagapakinig o tagapanood upang makuha ang kanilang atensyon sa isasagawang lektyur.
Kung sakali mang ang magsasagawa ng lektyur ay madalas kabahan sa tuwing humaharap sa maraming
tao, makatutulong ang ibayong paghahanda upang mapaglabana ang kaba o takot. Maaaring isulat ang
inyong panimula at magsasanay dito bago ang itinakdang araw ng lektyur.
Makatutulong din ang pagkakaroon ng pokus upang maayos na maisakatuparan ang gagawing lektyur.
Mapagtatagumpayan ang layuning ito kung magbibigay ng lima o mababa pang puntos ng pagtalakay sa
lektyur; magsasagawa ng masining na biswal na gabay at mga halimbawa upang bigyan ng diin ang mga
puntos na tinatalakay; mamamahagi ng balangkas sa mga mag-aaral o kalahok sa lektyur na makatutulong
sa makabuluhang pagtalakay; at magbibigay-diin sa layunin at mahahalagang puntos sa panimula ng
pagtalakay at maging sa pagbubuod nito.
Ang pagpapahalaga sa mga tagapakinig, manunuod, at sa lahat ng kalahok upang maging makabuluhan ang
anumang gagawing pagtalakay ay tungkuling isagawa ng lektyurer. Hindi mapagtatagumpayan ang
tungkuling ito kung karamihan sa mga kalahok ay uuwing hindi nakuntento sa lektyur. Upang
mapagtagumpayan ito, dapat kilalanin kung sino ang mga kalahok upang maiangkop ang kahandaan ng
lektyurer sa interes ng mga kalahok; maaaring lagyan ng drama ang pagtalakay katulad ng paggamit ng
sipi, biswal, anekdota, at iba pang mga materyal na may kaugnayan sa paksa; maaari ding gumamit ng iba’t
ibang istratehiya upang mapukaw ang atensyon ng bawat kalahok sa pakikiisa sa lektyur katulad ng
paggamit ng multimedia, pakikipagbalitaktakan, maliit na pagpapangkat, at marami pang iba; iugnay rin
ang pagtalakay sa mga bagay na makatotohanan para sa mga kalahok batay sa kani-kanilang mga
karanasan; at gawing aktibong kalahok ang mga kalahok sa pamamagitan ng manaka-nakang pagtawag sa
kanilang atensyon o kaya ay pagtatanong.
Ang pagkuha naman ng komento o tugon buhat sa mga naging kalahok ay napakahalagang bahagi ng isang
lektyur sapagkat maaari itong maging sanligan ng lektyurer sa implementasyon ng kaniyang mga
isasagawang lektyur sa mga darating na panahon. Kung positibo ang pagtugon, nangangahulugang naging
matagumpay sa kaniyang tungkulin ang lektyurer. Kung kabaligtaran ang resulta, nararapat lamang na
tingnan ang aspektong ito bilang hamon upang higit pang mapaunlad ang kaniyang tungkulin na
magsagawa ng lektyur.
Isang pormal na akademikong instruksyon naman ang seminar na maaaring ibigay ng unibersidad o
pamantasan, mga komersyal o propesyonal na organisasyon. Tungkulin nitong lipunin ang isang maliit na
pangkat para sa mahalagang pag-uusap sa isang paksa na kung saan ang bawat kalahok ay inaasahang
makilahok sa anumang paraan. Ang magsasagawa ng pagtalakay ay karaniwang naghahanda upang
epektibong talakayin ang pakas na iniatas o ibinigay sa kaniya.
Ang seminar na marahil ang pinakakaraniwang gawaing inoorganisa ng isang indibidwal na maaaring
isakatuparan sa loob ng isa o kahit na kalahating araw lamang. Upang matagumpay na maisakatuparan ang
gawaing ito, mahalagang maging pamilyar sa mga sangkap nito na kinabibilangan ng layunin, ang lugar na
pagdarausan, paksa, tagapagsalita, at ang mga manonood o dadalo.

Worksyap
Ang worksyap ay kinabibilangan ng mga elementong taglay ng isang pantas-aral o seminar, bagama’t ang
malaking bahagi nito ay nakapokus sa “hand-on-practice.” Idinisenyo ito upang aktwal na magabayan ng
mga tagapagsalita o tagapangasiwa ang mga kalahok sa pagbuo ng inaasahang awput na bahagi ng
pagtalakay. Isa itong uri ng interaktibong pagsasanay na kung saan ang mga kalahok ay sumasailalim sa
mga gawaing huhubog sa kanilang kasanayan sa halip na ang maging pasibong tagapakinig lamang. Ayon
kay Jolles (2005) ang training workshop ay may dalawang anyo: (1) general workshop na kung saan ang
gawain ay ibinibigay sa magkaibang kalahok; at ang (2) closed workshop na kung saan ang training ay
inihanda batay sa pangangailangan ng ispesipikong pangkat ng tao.
Kadalasang nagtatagal ng anim hanggang walong oras sa maghapon o hanggang pitong araw, inoorganisa
ang worksyap o palihan nang may tiyak na produkto o awtput na inaasahan mula sa mga kalahok.
Iminumungkahi na upang maging produktibo ang worksyap, kailangang limitahan ang dami ng mga
kalahok upang humukin ang kolaboratibong paggawa, ngunit kung malaki ang bilang, maaari din namang
magkaroon ng mga concurrent break-out sessions upang mas mapadali ang pamamahala sa mga kalahok.
Ang pagtuturo ng paggawa ng handicrafts sa isang komunidad upang pasiglahin ang turismo, pagsulat ng
ortograpiya ng isang wikang rehiyonal, pagbuo ng manwal sa pagtugon sa mga suliraning kaugnay ng
Gender and Development, o maging ng Disater Risk Reduction and Management, at iba pa ay ilan sa mga
halimbawa nito.
Ang worksyap ay isang maikling programang pang-akademik na idinisenyo upang turuan ang mga kalahok
ng praktikal na kasanayan, pamamaraan, o ideya na maaari nilang gamitin sa kanilang trabaho o pang-araw-
araw na pamumuhay. Binubuo ito ng maliit na bilang ng mga kalahok (karaniwan ay nasa 6 hanggang 15)
upang mabigyan ng personal na atensyon at pagkakataon na sila ay mapakinggan ng tagapamanhala o
tagapagsalita. Nakadisenyo ito para sa mga taong pare-pareho ang interes o kaya ay nasa parehong sangay
ng pag-aaral. Inihanda ito para sa mga kalahok na may aktwal na karanasan sa paksa ng talakayan. Hindi
limitado sa iisang tao ang pangangasiwa nito. Maaaring magsama siya ng katulong na tagapangasiwa na
makapagbibigay ng malaking suporta sa kaniya para sa ikapagtatagumpay ng worksyap. Ang pagkakaroon
ng katulong na tagapangasiwa ay nakabatay sa disenyo ng worksyap batay sa paghahanda na isinagawa
para dito. Kinasasangkutan ito ng mga aktibong kalahok na maaaring makaimpluwensiya sa direksyon ng
worksyap. Impormal ang pagtalakay sa worksyap na kinasasangkutan ng malayang pagpapalitan ng
impormasyon ng mga kalahok sa halip na dominasyon ng ideya ng tagapahsalita o tagapangasiwa. Limitado
sa ilang sesyon ang worksyap bagama’t may ilang nagpapasyang isagawa ito sa maraming sesyon.
Karaniwan itong nagtatapos sa presentasyon ng awput na nabuo sa loob ng sesyon ng worksyap.
Makatutulong din ang worksyap nang malaki sa mga kalahok sa pamamagitan ng pagbibigay ng
intensibong karanasan sa edukasyong larangan sa loob ng maikling panahon na hindi kayang ibigay kung
walang sapat na oras para sa talakayan. Ang worksyap ay magandang pagkakataon na masubuka ng kalahok
na aktwal na gamitin ang natutunang teorya nang waang dapat ipangamba para sa pagkakamali. Ang aktwal
na presensya ng tagapangasiwa o tagapagsalita at iba pang kalahok sa worksyap ay malaking salik upang
mawala ang pangamba na magkamali sa ginagawang awput sapagkat batid niya na may taong gagabay sa
kaniya sa buong proseso ng pagbuo ng awtput. Ang pagbibigay ng feedback o mungkahi buhat sa mga
tagapangasiwa o tagapagsalita ay makatutulong nang malaki sa mga kalahok upang maunawaan ang buong
proseso ng kaniyang ginagawa at nang sa ganoon ay maiwasan ang pagkakamali sa aktwal na buhay.
Pagkakataon din ng kalahok na ibahagi sa ibang kalahok ang kainyang mga ideya at metodo na sa kaniyang
palagay ay napakahalaga. Ang worksyap ay isa ring paraan upang makabuo ng isang awtput.
Ang worksyap ay mainam gamitin subalit hindi limitado sa: (1) pagsisimula ng isang bagay. Ang worksyap
ay mainam gamitin bilang paraan ng pagtuturo sa isang metodo o pamamaraan na bago pa lamang para sa
nakararami. Nang ipakilala ang sistemang K to 12 sa larangan ng edukasyon sa Pilipinas kasabay ding
umusbong ang mga bagong asignaturang mainam ituro ng eksperto sa larangan. Bilang paghahanda, ang
mga dalubguro na magtuturo ng mga bagong asignatura ay sumailalim muna sa pagsasanay at worksyap
bago kinaharap ang aktwal na pagtuturo; (2) inisyal na pagsasanay para sa mga staff o volunteer. Ang
pamamaraan ito ay maganda upang maipakilala sa epektibong pamamaraan ang mga pilosopiya, metodo,
at tungkulin ng iyong organisasyon bago sila pormal na makapasok sa nasabing organisasyon. Ang
pagbibigay ng worksyap sa bahaging ito ay pagbibigay din ng pagkakataon sa staff o volunterer na pag-
isipang mabuti kung handa ba siyang maging bahagi ng pinag-uusapang organisasyon o samahan; (3)
inservice. Sa pamamagitan ng worksyap ay nababalika ng mga kalahok ang mga kasanayang kailangan pa
ng ibayong rebyu at pagsasanay; at (4) demonstrasyon o pakitang-turo ng bagong konsepto.
Mayroong tatlong hakbang sa pagbuo ng worksyap at ito ay kinabibilangan ng pagpaplano, paghahanda, at
pagpapatupad. Inilalarawan sa bahagi ng pagpaplano ang layuning nais mapagtagumpayan ng
magsasagawa ng worksyap katulad ng pagtukoy sa mga dapat na gawin upang magabayan ang mga kalahok
sa gawain at ano-ano ang mga inaasahang matutunan nila buhat dito. Maaring isaalang-alang sa pagbuo ng
plano ang paksa ng pagtalakay; kalahok; bilang ng kalahok para sa worksyap; oras na laan; mga gawaing
nakahanda; mga kagamitan; at presentasyon.

Pagtukoy sa paksa ang unang dapat isaalang-alang sapagkat ito ang magiging daloy ng talakayan.
Tungkulin ng tagapagsalita na pag-aralang mabuti ang paksa at siguraduhing alam niya kung ano-ano ang
kaniyang tatalakayin. Higit na magiging mataas ang antas nga pakikilahok sa talakayang bahagi ng
worksyap kung matutugunan nang mabuti ng tagapangasiwa o tagapagsalita ang lahat ng katanungan na
ipupukol sa kaniya na may kaugnayan sa paksa ng pagtalakay. Ang karunungan sa paksa ng pagtalakay ay
makatutulong nang malaki para sa kumpiyansa ng tagapagsalita sa lahat ng kaniyang sasabihin sa ituturo
sa pangkat.
Mahalagang tingnan ng tagapagsalita o tagapangasiwa sa kaniyang paghahanda ang propayl ng mga
kalahok upang kaniyang maiakma ang detalye ng pagtalakay sa pangangailangan ng mga nasabing kalahok.
Maaaring isaalang-alang ang kasarian, edad, relihiyon, propesyon, kapasidad na umunawa, karanasan, at
kasanayan.
Ang pagtukoy naman sa aktwal na bilang ng kalahok ay salik na mahalaga sa pagpapasyang kahandaan ng
tagapagsalita. Maaari itong maging pamatayan sa tamang pagpupuwesto o pagpapangkat sa kanila sa loob
ng silid na pagdarausan ng worksyap. Ang tanggap na bilang ng kalahok sa isang worksyap ay walo
hanggang labindalawa. Maaari itong hatiin sa maliit pang pangkat para sa higit na sistematikong
pasilitasyon ng worksyap.
Mahalaga rin na matukoy ng tagapagsalita o tagapangasiwa sa bahaging pagpaplano ang oras na inilalaan
para sa kaniyang worksyap nang sa gayon ay magkaroon siya ng tamang pagpapasya kung paano hahatiin
ang oras na ito para nmga gawain na kabilang sa kaniyang layunin para sa worksyap. Ang maikling
worksyap ay karaniwang nagtatagal ng apatnapu’t lima (45) hanggang siyamnapung (90) minuto,
samantalang ang kainaman o medium length ay karaniwang nagtatagal ng siyamnapung minuto hanggang
tatlong oras.
Mainam na sangkap ng epektibong wotksyap ang baryasyon ng mga gawain na inihanda para sa mga
kalahok. Ang monopolya sa pagtalakay sa loob ng napakahabang oras ay maaaring magdulot ng pagkabagot
sa mga kalahok kaya nararapat lamang na bumuo ng angkop na gawain ang tagapangasiwa o tagapagsalita
para sa higit na aktibong partisipasyon sa worksyap. Nararapat na isaalang-alang sa pagbuo ng gawain ang
interes ng kalahok at oras na laan para sa kaniyang buong pagtalakay.
Ang biswal na pantulong at iba pang mga kagamitan sa pagtalakay ay nararapat ding isama sa paghahanda
ng worksyap. Maaaring makapukaw ng higit na interes sa mga kalahok kung kanilang makikita na ang
tagapangasiwa o tagapagsalita ay labis na pinaghandaan ang mahalagang aspektong ito ng kaniyang
pagtalakay.
Kasama rin sa proseso ng pagbuo ng worksayap ang plano kung paano ang implementasyon ng buong
paghahanda. May mga pagkakataong naiiba ang aktwal na implementasyon ng plano kung ihahambing sa
orihinal na plano dahil sa mga pangyayaring hindi inaasahan. Ang personalidad at karanasan ng
tagapagsalita ay mga salik na mahalaga upang solusyunan ang isyu na maaaring lumabas o lumutang sa
partikular na sitwasyon. May ilang gabay na maaaring makatulong sa implementasyon ng plano katulad ng
maayos na pangangasiwa o facilitation ng worksyap. Ang pangangasiwa ay higit na makabubuting gamitin
sa worksyap sa halip na magturo. Tinatawag na worksyap ang worksyap sapagkat ang bawat kalahok ay
bibigyan ng pagkakataong gumawa ng awtput sa ilalim ng pangangasiwa ng tagapagsalita. Pagkakaroon
ng konsistensi ng presentasyon at paksa ng worksyap. Hindi dapat lumayo ang dalawang mahahalagang
salik na ito sa isa’t isa. Direktang pagsangkot sa mga kalahok. Tungkulin ng tagapangasiwa na gawing
aktibo ang mga kalahok sa gawaing ito sa pamamagitan ng maayos na disenyo ng worksyap at
implementasyon nito. Ang huli ay ang paglalagay ng baryasyon sa mga nakahanay na gawain para sa
worksyap.
Tinutukoy ng buong proseso ng pagpaplano kung paano isasagawa ang worksyap samantalang ang
paghahanda naman ay tumutukoy sa logistics o pagsisiguro na ang lahat ng kailangan at koordinasyon ng
isasagawang worksyap ay nasa ayos at mapagtatagumpayan. Kasama sa paghahanda ang lugar na
pagdarausan ng worksyap (upuan, mesa, suplay ng kuryente, multimedia); kagamitang kailangan sa aktwal
na worksyap (papel, panulat, kopya ng handouts); pagkain para sa mga kalahok at inanyayahang
tagapagsalita o tagapangasiwa; dokumentasyon; at ebalwasyon.
Matapos ang isinagawang pagpaplano at paghahanda, kailangan namang harapin ang aktwal na
implementasyon ng worksyap. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa panimula,
nilalaman, at wakas. Kasama sa panimula ang oras kung saan ang mga kalahok ay unang humakbang sa
bulwagang pagdarausan ng worksyap hanggang sa pagtalakay sa unang paksa. Mahalaga ang bahaging ito
sapagkat nagbibigay ng tono sa maaaring maganap sa kabuuan ng worksyap. Upang matamo ang isang
magandang panimula, kinakailangang tama ang espasyo para sa worksyap, mainam na maglagay ng musika
sa mga panahong hindi pa nabubuo ang bilang ng mga kalahok na inaasahang dumalo sa worksyap, batiin
ang mga panauhin, personal na introduksyon, pagbibigay ng agenda at plano para sa worksyap.
Ang eksekyusyon ng nilalaman ng worksyap ay nakabatay sa paraan ng paghahanda na ginawa para dito.
May ilang mungkahu upang mapagtagumpayan ng tagapangasiwa o tagapagsalita ang kaniyang nais na
pamamaraan upang maging maayos ang eksekyusyon ng kaniyang worksyap katulad subalit hindi limitado
sa: (1) Panatilihin ang pagsubaybay sa oras upang makaagapay sa mahahalagang pagtalakay na kailangan
sa kabuuan ng worksyap. Tandaang may nakalaang oras para sa worksyap kaya mahalaga na
nasusubaybayan kung naisasagawa ang bawat detalye ng gawain alinsunod sa oras na itinakda para dito.
Sa ganitong paraan, mabibigyanghustisya ng tagapangasiwa o tagapasalita ang pagtalakay sa mahahalagang
isyu o nilalaman ng worksyap; (2) Iakma ang presentasyon sa nilalaman at pilosopiya ng worksyap.
Nararapat na maipakita ng tagapangasiwa o tagapagsalita ang kaniyang paniniwla sa prinsipyo ng kaniyang
pagtalakay sa pamamagitan ng aktwal na paggamit dito. Ang ibig sabihin, mahirap magsagawa ng
worksyap kung ang tagapangasiwa nito ay walang kakayahang gamitin ang kaniyang pagtalakay sa
kaniyang aktwal na buhay; (3) Magkaroon ng baryasyon sa presentasyon ng nilalaman ng worksyap upang
mapanatili ang partisipasyon ng mga kalahok at maipakita ang iba’t ibang istilo na kung saan ang tao ay
maaaring matuto; (4) Gawing kaiga-igaya o masaya ang mga gawainna isasama sa worksyap. Sa kabila
nito, hindi dapat mabalewala ang mahalagang nilalaman ng talakayan kapalit ng humor o pagpapatawa
habang binibigyan ng implementasyon ang plano; (5) Hikayatin ang mga kalahok na iugnay ang nilalaman
ng worksyap sa katotohanan ng buhay; at (6) Maglaan ng ilang oras o sandali para magkaroon ng
pagmumuni-muni at talakayan sa lahat ng gawaing kasama sa worksyap.
Mahalagang bahagi ng worksyap ang wakas sapagkat nabibgyan ng pagkakataon ang tagapangasiwa o
tagapagsalita na tuldukan kung anuman ang kaniyang nasimulan. Sa bahaging ito, maaaring bigyan ng
pagkakataon ng tagapangasiwa o tagapagsalita ang kaniyang mga kalahok na magbigay ng pahabol na
katanungan at mga mungkahi at puna sa naging kabuuan ng worksyap. Maaaring gawin ang paglalahat,
rebyu ng agenda o layunin ng worksyap, muling pagbalik sa mga inaasahan ng mga kalahok, bigyan ng
pagkakataon ang mga kalahok na magbigay ng kanilang paglalahat sa naganap na worksyap, at humingi ng
feedback o reaksyon hinggil sa ideya, pamamaraan, at metodo na ginaamit sa presentasyon.
Kumbensyon, Kongreso, at Kumperensya
Mas malaking bilang naman ng mga kalahok ang inaasahang dadalo sa mga kumbensyon, kongreso, at
kumperensya. Ngunit gaya ng pag-oorganisa ng isang lektyur, seminar, o worksyap, matapos na
mapagtibay ang pangangailangan na isagawa ang aktibidad, kinakailangang suriin ang kapasidad ng mga
tagapagsalita upang matiyak na sulit ang panahong gugugulin ng mga kalahok sa gawain.

Kumbensyon ang pinakamalaking uri ng pagtitipon sa lahat. Ang mga kalahok na inaasahang dadalo sa
ganitong uri ng pagtitipon ay may humigit-kumulang 2,000. Malimit na organisasyonal o dili kaya’y
politikal ang layon ng isang kumbensyon at inaasahan itong maisagawa sa loob ng dalawa hanggang apat
na araw. Ilan sa mga tunguhin nito ang pagtatalaga ng mga miyembro sa isang komite, pagluklok ng
kinatawan, pagrenbisa ng konstitusyon ng samahan, o pagdedesisyon sa isang malaking usapin. May mga
kumbensyong natatapos sa oath taking o di nama’y pagpapanibago ng pagkakasapi.

Malaking pagtitipon naman ang isang kongreso na dinadaluhan ng 300 hanggang 2,000 kalahok at madalas
na isinasagawa sa loob ng dalawa hanggang apat na araw. Binubuo ito ng mga plenaryong sesyon at
magkakasabay na pulong (concurrent sessions). Gaya ng kumbensyon, may tiyak na grupo ng mga kalahok
na tinutudla ang isang kongreso. Layong talakayin at pag-aralan sa kongreso ang isang malaking paksa sa
mga plenaryong sesyon na siyang hinihimay sa mga magkakasabay na pulong.

Bagama’t bahagyang mas maliit ang bilang ng mga inaasahang kalahok, napapabilang pa rin sa hanay ng
kumbensyon at kongreso ang kumperensya. Isa itong pormal na pagpupulong na kung saan ang mga
kalahok ay binibigyan ng pagkakataong makapagbigay ng kani-kanilang pagtalakay sa iba’t ibang paksa.
Layunin nitong talakayin ang overview ng isang disiplina o paksa at pag-usapan ang mga problema at
suliranin hinggil dito. Hindi naman kailangang palaging nakasentro ito sa larangan ng akademya. Malimit
itong isinasagawa sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw. Ang pagtitipon ng mga eksperto sa panitikan
na maaaring simulan ng plenaryong sesyon na susundan ng serye ng palihan ay isang halimbawa nito.

Ang pagpaplano sa pagkakaroon ng ng kumperensya ay isang gawaing hindi madaling isakatuparan kung
isasaalang-alang ang lawak ng sakop ng pagtalakay sa mga usaping nakapaloob dito bagama’t maaaring
pagbatayan ang mga sumusunod sa pagbuo nito: (1) pagpapasya sa tema; (2) pagpapasya sa maaaring
makasama sa pangkata; (3) ihanda ang plano para sa badyet at mga gugulin nito; (4) paghahanap ng isponsor
na makatutulong sa mga gastusin ng gawain; (5) pagpapasya para sa araw at lugar na pagdarausan,
kailangang tiyaking malayo ito sa ingay at sapat ang bentilasyon upang masigurado ang atensyon ng mga
makikibahagi; (6) pagpapasya para sa mangangasiwa ng pagkain, mainam na tukuyin ang preperensya ng
magsisipagdalo gaya ng sa pagkain at panalangin kung may kalahok na bahagi ng isang tiyak na grupo o
relihiyon ; (7) pagpili ng tagapagsalita; (8) pagpapatala o promosyon; at (9) mahalagang isaalang-alang din
ang kalusugan at seguridad ng mga kalahok, tiyaking may nakaantabay na medical team na sasaklolo kung
sakali mang may mangyari na medical emergency.
Bawat kumperensya ay nangangailangan ng isang tema na magiging batayan ng tagapagsalita sa gagawing
pagtalakay. Ang tema ay dapat na kaakit-akit, nakauugnay ang lahat, nakapupukaw ng damdamin, at
nakapanghihikayat para sa isang talakayan.

Sa pagbuo ng kumperensya kakailanganin ang mga makakatulong mula sa pagbuo ng konsepto, logistics,
at aktwal na implementasyon ng plano. Kailangan ang mga makakasamang may puso na maisasakatuparan
ang mga ispesipikong gawain na nakalaan para sa kaniya. Maaring hatiin ang mga gawain sa mga
sumusunod na komite: Komite para sa pagpaplano - sila ang mamamahala sa pagbuo ng konsepto ng
kumperensya, pagtukoy ng tema, sa mga tagapagsalita, daloy ng programa, lugar at oras ng gawain; Komite
para sa administrasyon - nakaatang sa kanila ang badyet para sa gawain, rehistrasyon, pagbebenta ng tiket,
pagtanggap ng mga katanungang may kaugnayan sa gawaing ito; Komite para sa promosyon ng gawain -
sa kanila nakasalalay ang pagpapakilala sa publiko ng napakahalagang gawaing ito. Maaaring isaalang-
alang ang paggamit ng lahat ng paltaporma ng social media katulad ng facebook, twitter, at iba pa. Maaari
ding pagibayuhin ang paggamit ng website para dito; Komite para sa mga mamamahala sa isponsor - sila
ang mamamahala sa paghahanap ng isponsor na makatutulong upang may mapagkunan ng gagastusin sa
mga pangangailangan ng kumperensya; Komite para sa dokumentasyon - sila ang mamamahala sa
pagdodokumento ng kumperensya. Kailangang masigurado na ang lahat ng papel o mahahalagang
dokumento at mga kaugnay na bagay ay nasa ayos at maaaring balikan kung sakaling may mga isyung
lumabas matapos ang implementasyon ng plano. Hindi lamang tumutukoy ang dokumentasyon sa pag-
aayos ng mga dokumentong nakalap sa aktwal na araw ng gawain, kasama rin dito ang lahat ng dokumento
habang pinaplano ang gawaing ito; Komite para sa ebalwasyon - sila naman ang namamahala sa
pagkakaroon ng ebalwasyon pagkatapos ng kumperensya. Mahalaga ang ebalwasyon upang maging
pamantayan ng higit na pagpapaunlad para sa susunod pang gawaing kaugnay nito; ang ang Komite para
sa seguridad - sila ang mamamahala sa seguridad sa panahon ng kumperensiya. Dahil sa inaasahang dami
ng maaaring dumalo, mahalagang isaalang-alang ang seguridad ng bawat isa. Mahalagang magtalaga ng
mga security personnel na makatutulong sa pagpapanatili ng seguridad sa lugar na pagdarausan ng
kumperensya. Makatutulong din ang karampatang medical personnel na tityak sa kalagayang medikal ng
mga dadalo.
Napakahalaga ng sistema ng pagbabadyet sa usapin ng pagbubuo ng kumperensya sapagkat dito
nakasalalay ang buong implementasyon ng proyekto. Kapag kulang sa badyet, mahihirapan ang komite na
isakatuparan ang plano. Maaaring isaalang-alang sa paggawa ng badyet ang lugar na pagdarausan,
akomodasyon para sa mga kalahok at mga tagapagsalita, transportasyon, bayad sa tagapagsalita,
promosyon, at bayad para sa mga mamamahala. Makatutulong din sa ikapagtatagumpay ng kumperensya
ang kakayahan ng pangkat na kumuha ng isponsor para sa nakalaang gawain. Hindi makasasapat sa lahat
ng gastusin kung iaasa lamang sa bayad ng mga dadalo ang gagastusin dito.
Ang pagpapasya naman sa arawa at lugar na pagdarausan ay mga mahahalagang bagay rin sa larangan ng
pagbuo ng gawaing ito. Nararapat lamang isaalang-alang ang (1) pagpili ng petsa na hindi salungat sa
iskedyul ng inaasahang mga tagapagsalita at mga posibleng kalahok. Tiyaking walang makasasabay na
mahahalagang pagdiriwang sa isang lugar katulad ng festivals. (2) Huwag ilagay sa petsa na kung saan ang
mga inaasahang kalahok ay nasa bakasyon. Sa pagpili naman ng lugar, maaaring tingnan ang sukat,
lokasyon, kapaligiran, pasilidad, akomodasyon, pagkain, transportasyon, at aspektong teknikal.
Dapat ding tingnanang aspekto ng pagkain na ihahain para sa mga kalahok. Maaaring isaalang-alang ang
eksaktong bilang ng mga kalahok, mga bawal na pagkain, RSVP, bilang break o oras ng pahinga para sa
gawain. At ang pinakakritikal ay ang pagpili ng mga tagapagsalita sapagkat ito ang magiging pamantayan
ng mga kalahok sa kanilang desisyong makilahok sa gawain. Hangga’t maaari, pumili ng pinakamahusay
na tagapagsalita sa larangan na may kaugnayan sa paksa. Maaari ding isaalang-alang ang bayad sa
tagapagsalita, mga kagamitang kailangan, at mga ispesyal na kahingian.
Krusyal na bahagi naman ang promosyon ng gawaing ito upang makasigurado na magiging matagumpay
sa larangan ng partisipasyon ng mga kalahok. Kung wala ito, hindi makukuha ang bilang ng inaasahang
mga kalahok para sa pinaghandaang kumperensya. Maaaring idaan ang promosyon sa iba’t ibang social
media platforms, press releases, at iba pa. Ang mga nabanggit ay marahil siya ring mga pangangailangan
sa iba pang naunang uri ng pagpupulong.
Bilang karagdagang kaalaman, noong 2016, nilagdaan ni dating Pangulong Benigno Aquino II ang Batas
Republika Bilang 10912 na nagtatakda sa mga propesyonal sa Pilipinas na patuloy na pagyamanin ang
kanilang kaalaman sa napiling disiplina sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga lektyur, seminar,
worksyap, at iba pang anyo ng pagsasanay. Bagama’t mariing kinundena ng mga propesyonal at mga
aktibong grupo gaya ng Alliance of Concerned Teachers sa dahilang dagdag-gastos lamang umano ito sa
mga guro sapagkat bago pa man ang pagsasabatas ng nabanggit, nakikibahagi na naman ang mga guro sa
gawaing pagsasanay. Iginiit ng Professional Regulations Commission at awtor ng batas na si Senador
Antonio Trillanes III na layon din ng batas na siguraduhing up-to-date ang kaalaman ng mga propesyonal
sa bansa.
Simposyum
Ang simposyum ay isang pormal na pagtitipon sa akademikong tagpuan na kung saan ang mga kalahok ay
mga paham o eksperto sa kani-kanilang larangan. Tinatalakay ng mga eksperto o paham ang kanilang mga
opinyon o pananaw sa partikular na paksa ng pagtalakay. Karaniwan na nagkakaroon ng pagtatalakayan
matapos na ang tagapagsalita ay makapagbahagi na ng kaniyang saloobin sa pamamagitan ng kaniyang
tamumpati. Ang kakanyahan ng gawaing ito ay maipakikita sa serye ng pagtalakay sa isang paksa na
karaniwang ibinibigay ng eksperto o paham sa loob lamang ng iisang araw.

Pangmadlang Komunikasyon
Programa sa Radyo at Telebisyon
Bagama’t dahan-dahan nang pinapalitan ng social media platforms, itinuturing pa ring mas
mapagkakatiwalaang batis ng impormasyon ang radyo at telebisyon. Pinatutunayan ito ng nananatiling
pagpapataasan ng ratings ng dalawang nangungunang networks - ang ABS-CBN at GMA7. Mayaman ang
kasaysayan ng radyo, telebisyon, at maging mga diyaryo ang ilan sa mga nangungunang kumondena sa
diktaturyang Marcos noong 1972. Isa-isang ipinasara at inatake ang mga istasyon ng radyo at telebisyon
upang supilin ang mga naghahayag ng katotohanan hinggil sa Batas Militar. Naging malaki ang naiambag
ng radyo at telebisyon sa paghubog ng kaisipan ng madla patungkol sa maraming bagay. Nakapag-amabag
din ito sa pagtataguyod ng kultura sa pamamagitan ng musika at pagpapalitan ng mga kuro-kuro sa pagitan
ng tagapanayam at mga eksperto na iniimbitahan sa kanilang palatuntunan.

Marahil ang radyo at telebisyon, kumpara sa ibang daluyan, ang may pinakamalaking ambag o hamon sa
pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang Filipino, dahil na rin sa laki ng bilang ng mga tumatanggap ng
mensahe mula sa mga plaform na ito. Ngunit gaya ng ibang daluyan, may kahinaan din ang radyo at
telebisyon. Ilan sa mga limitasyon ay ang pagiging onesided o hindi pagiging demoratisado, dahilan upang
hindi mabigyan ng pagkakataon sa tagapakinig o tagapanood upang malaya at agarang makapagbigay ng
puna at haka sa mga inilalahad na impormasyon ng tagapanayam o host. Isa pa sa sa mga puna sa telebisyon
at radyo ay ang pagiging corporate-driven ng mga ito. Dahil may mga pinangangalagaang interes ang mga
istasyon, malimit na nakakiling ang opinyon ng mga tagapanayam.

Video Conferencing
Naging mas progresibo ang teknolohiya, dahil sa globalisasyon, na nagbunga ng iba’t ibang paraan upang
makipag-ugnayan. Isa na rito ang video conferencing o interaksyon sa pagitan ng dalawa o mahigit pang
tao na nasa magkaibang lokasyon, sa pamamagitan ng pagtatawagan na may kasamang video.
Nangangailangan ito ng Internet connection at computer, o di kaya’y tablet o smartphone. Epektibong
midyum ito lalo na para sa mga kumpanyang may mga satellite sa ibang bansa o rehiyon. Ginagamit ito ng
mga kumpanya o maging ng mga kinatawan ng mga bansa upang magdaos ng mga pagpupulong para
makatipid sa pamasahe, oras, at iba pang pinagkukunan. Naging daluyan na rin ng mga pagsasanay ang
modang ito ng komunikasyon, partikular sa mga open universities. Pinadadali nito ang dating mas mahirap
na proseso ng pagkamit ng digri o sertipiko sa mga programa. Malimit din itong ginagamit ng mga
pamilyang may kamag-anak sa ibang bansa, lalo na ng mga pamilyang may OFW na tinatayang nasa 2.3
milyon na noong 2017 (Philippines Statistics Authority).
Ngunit ilan sa mga maaaring maging hamon sa paggamit ng video conferencing ay ang limitadong Internet
connection sa Pilipinas at mababang antas ng karunungan sa nabanggit na pamamaraang
pangkomunikasyon. Bagama’t mainam na pamamaraan ang video conferencing upang mapanatili ang
komunikasyon sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya o magkakaibigan, isa sa mga puna ng mga eksperto
ay ang limitasyon nito sa pagpapakita ng tunay na tugon ng mga kalahok.

Komunikasyon Gamit ang Social Media

Kasabay ng pagbabago o pag-unlad ng mundo ay ang pagbabago sa metodo o pamamaraan ng pakikipag-
usap ng tao sa isa’t isa. Naging higit na madali sa ngayon ang proseso ng paghahatid ng mensahe at
pagtanggap ng mensahe gamit ang telepono, e-mail, text messaging.
Ginagamit ng mga mag-aaral na daluyan ng komunikasyon ang virtual na mundo ng teknolohiya sa
kanilang mga pagsusunog ng kilay at pakikipagpalitan ng kuro. Maaaring gamitin ng mga mag-aaral ang
dropbox upang pagsidlan ng papel na isinumite ng bawat kasapi ng pangkat. Kung sakali na makumpleto
na ang pag-upload, ang pinakamahusay na manunulat sa pangkat ay maaaring manguna sa pag-edit ng lahat
ng papel upang mapanatili ang konsistensi ng papel sa gramar at porma. Makikita ng buong pangkat ang
mga kaganapan sa pag-eedit ng papel kung kaya lumalabas na hindi kayang monopolyohin ng isa ang pag-
edit. Bukod sa dropbox ay mayroon ding wiki software na pinahihintulutan ang maraming gumagamit na
magbigay ng kontribusyon sa isang papel at matukoy ang mga input na ibinibigay ng ibang kasama sa
pangkat. Kumbinyente itong gamitin sapagkat anuman ang lokasyon ng mga mag-aaral ay maaari silang
magbigay ng kontribusyon sa isang proyekto.
Ang komunikasyon gamit ang teknolohiya ay hindi lamang ginagamit sa larangan ng akademya, ginagamit
din ito sa mundo ng propesyonal na kalakalan. Kadalasang gumagamit ng video at audioconferencing
technology upang makatipid sa gastusin at likas na gugulin sa transportasyon o pagbiyahe ang mga kalahok
sa komunikasyon. Ang paggamit ng skype ay posible din kung saan ang komite ay maaaring makipag-usap
sa isang aplikante na higit na higit na makatotohanan kumpara sa paggamit lamang ng telepono.

Komunikasyon sa Social Media

Kasabay ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ay ang parami nang paraming naiimbentong platform
upang makipag-ugnayan. Ilan sa mga ito ay ang Facebook, Twitter, Instagram, Youtube, at iba pa na
ginagamit ng mga tao upang makapagpadala ng mensahe sa isa’t isa, magpaskil ng mga larawan,
magpahayag ng mga sentimyento, opinyon o kuro, at magbenta at bumili ng mga produkto at iba’t iba pa.
Sa nakalipas na mga taon, patuloy ring pinalalawig ng management ng mga nasabing online platforms ang
usability ng kanilang mga application. Nagagamit na rin ang mga ito upang tukuyin ang lokasyon ng mga
kainan at tindahan.
Parami rin nang parami ang mga taong gumagamit ng mga nasabing social media sites “A profile of Internet
users in the Philippines.” Sa katunayan, ayon sa Rappler, sa taong 2015, tinatayang 47 milyong Pilipino
ang aktibo sa Facebook pa lamang. Ayon sa parehong ulat, itinuturing na pundamental na pangangailangan
ng mga Pilipino ang pagiging online. Ilan sa mga kapansin-pansing pamamaraan ng paggamit sa Facebook
ay propaganda o pagpapalaganap ng kaisipan tungkol sa isang paksa gaya ng pagpapabango sa pangalan
ng isang kandidato, pagsusulong ng interes ng nakararami sa pamamagitan ng adbokasiya,
pakikipagkaibigan, pagbuo ng mga grupo upang mas mapabilis ang palitan ng impormasyon, panliligaw,
pagbebenta ng produkto, at iba pa.
Bukod pa sa mga nabanggit, nauuso rin ngayon ang mga dating application gaya ng Tinder ant Grinder.
Ang Tinder ay isang platform na nag-uugnay sa mga taong nais makikilala ng ibang taong maaari nilang
maka-date o maging kasintahan. Malimit itong ginagamit ng mga straight o heterosexulas, dahil ang mga
homosexual naman ay mas pinipili ang Grinder. Ipinakikita ng app na ito ang mga miyembro na malapit sa
iyong lokasyon. Binibigyan ka nila ng pagkakataong ipakita ang iyong interes sa ibang miyembro sa
pamamagitan ng pag-swipe pakanan, at kawalan naman ng interes sa pamamagitan ng pag-swipe pakaliwa.
Mayroon din itong feature na gaya ng sa Facebook at iba na magagamit upang makapagpadala ng mensahe
sa iba.
Bagama’t pinadadali ng socia media ang pakikipag-ugnayan sa kapuwa, pinalalabnaw naman nito ang
kalidad ng mga relasyon. Sa kaso ng mga dating app, kung gaano kabilis nabubuo ang relasyon sa platform
na ito, ganoon din ito kabilis natatapos. Nagiging disposable ang mga relasyon dahil sa availability ng iba
pang posibleng partner. Ang mga online predator na nanamantala sa bata at hindi gaanong aral na
miyembro nito ay masasabing isang banta rin sa paggamit ng mga nasabing social media site. Kung walang
gabay mula sa nakatatanda, maaari ding maging sanhi ng pagkakalantad sa mga sensitibong paksa ang mga
bata sa Internet. Ang pagbebenta ng mga gamit sa social media ay talamak din. Naging malaking salik din
ito ng pakikipag-ugnayan sa kapuwa sa puntong nakabase ang relasyon sa mga interaksyon sa mga app na
ito, gaya ng oversharing na malimit ginagawa upang kumalap ng simpatiya imbes na lutasin ang problema
sa mas pribadong pamamaraan. Naging ,adali at talamak ang pagpapakalat ng tinatawag na fake news o
misimpormasyon, dahilan upang lalong lumaganap ang pagkakahati-hati ng mga tao pagdating sa opinyon
at paniniwala dahil na rin sa demokratisasyon ng impormasyon sa social media.
Nananatili ring dominante ang wikang Ingles sa Facebook, Twitter, Instagram, Youtube, at iba pa dahil sa
kagustuhan ng mga developer ng social media sites na ito na maabot ang mas malaking audience. Ito ay sa
kabila ng ilang pagtatangka na bigyan ng option ang mga gumagamit ng mga nasabing app na isalin ang
content nito sa Filipino.
Isinabatas bunsod ng mga nabanggit at ang iba pang mali at abusadong paggamit sa social media ang
Republic Act 10175 o mas kilala sa tawag na Cybercrime Law of 2012. Naglalayon itong hadalangan at
patawan ng kaso ang mga nais gumawa ng krimen sa Internet. Patuloy rin ang ginagawang pagtuturo ng
literasi sa midya sa mga paaralan at unibersidad sa Pilipinas bilang tugon sa hamon ng nagbabagong
panahon. Sa katunayan, bahagi ng kurikulum sa Senior Hig School ang Media and Information Literacy.
Pasalitang Pag-uulat sa Maliit at Malaking Pangkat
Napapabilang sa dalawang kategorya ang ano man sa mga nabanggit na sitwasyong pangkomunikasyon.
Ano mang tiyak na sitwasyon ang kinasasangkutan,mainam na sagutin ang sumusunod na mga katanungan
upang magabayan at matiyak ang mabisang pakikipag-ugnay sa kapuwa.

Ano ang layunin ng komunikasyon?

Nagiging malayunin ang pakikipag-ugnay kung natitiyak sa simula pa lamang ang inaasahang outcome. Sa
kaso ng mga worksyap at mga pagpupulong, mahalagang malinaw ang tunguhin upang maging handa ang
mga kalahok at upang maging mahusay ang paggamit sa oras, kagamitan, at iba pang resources.

Paano padaraanin ang impormasyon?

Ang daluyan ng komunikasyon ay maigi ring isaalang-alang. May mga sensitibong mensahe na nagtatakda
ng personal na interaksyon. Kung ang gagamiting daluyan ay gaya ng social media o malakihang kongreso
o kumperensya, mas magiging mabili at matipid naman ang pagpapalaganap ng mga hindi gaanong
sensitibong mensahe. Kaugnay nito, mahalagang tukuyin kung sa paanong paraan ihahayag ang
impormasyon sa kausap - galit, pasigaw, malumanay, mabilis, pasulat, pasalita, at iba pa.

Sino at ilan ang mga kalahok?

Maiging tukuyin ang kahandaan at antas ng kaalaman ng mga kalahok sa pagsasagawa ng mga
kumperensya, maging video conference o malakihan upang matiyak na ang mensaheng ipararating ay
malinaw na matatanggap. Gayon din ang kaso sa pakikipag-usap sa mga kaibigan o kakilala, halimbawa na
lamang ay kung kasalukuyang may dinaramdam o pinagdaraanan ang kausap, maiging mas maging maingat
sa mga salitang gagamitin.

Gaano katagal ang dapat ilaang oras sa pakikipag-usap?

Lalo na kung pormal ang ugnayan, mainam na tukuyin kung gaano kahaba o kaikli ang oras na ilalaan sa
isang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon. Isang halimbawa nito ay ang lecture, lalo na kung ang mga
kalahok ay mga teenager na pawang may mas maikling attention span.

Nangangailangan ba ng materyales o kagamitan upang matiyak ang epektibong komunikasyon?

Gumagamit ang mga tagapagsalita ng mga handout sa maraming pagkakataon gaya sa mga worksyap at
seminar upang lalong mapagtibay ang pag-unawa sa tinatalakay na paksa. Maigi rin itaning kung kailangan
ba ng karagdagang kagamitan o materyales gaya ng overhead projector, video, flipchart, at iba pa upang
lalong tumimo ang diwa ng paksang tinatalakay.

Anong katangian ng tagapagsalita ang hinihingi ng sitwasyon?

Upang matiyak na sulit ang interaksyon sa tagapanayam at mga kalahok, gaya sa isang palihan o
pagsasanay, napakahalagang mapagtibay ang kakayahan at kahusayan ng tagapagsalita.
Maiigi ring aral ang tagapanayam sa mga batayang kakayahan ng isang mahusay na tagapagsalita - gaya
ng tamang gamit ng kamay at kilos, eye contact, mahusay na paggamit ng wika, epektibong paggamit ng
hinto at intonasyon, at iba pa.

Komunikasyon sa Isang Maliit na Pangkat

Ayonkat Tubbs (2012) sa aklat ni Tubbs (2013), ang komunikasyong ito ay
kinasasangkutan ng tatlo o higit pang kasapi ng pangkat na ang layunin ay impluwensiyahan ang iba gamit
ang berbal at di-berbal na komunikasyon. Sinasabi na ang antas ng komunikasyon ng mga kasangkot dito
ay higit na mababa kumpara sa interpersonal na komunikasyon. Ang sa maliit na pangkat ay karaniwang
makikita sa simbahan, palengke, umpukan. Ang pangkatang gawain sa loob ng klase na halimbawa ng isang
maliit na pangkat ay nakatuon sa paraan kung paano nila mapauunlad ang gawain ng pangkat.

Iba pang Halimbawa ng Gawaing Kinasasangkutan ng Komunikasyon

Taunang Pangkalahatang Pagpupulong. Ito ay pagpupulong ng mga shareholder ng isang korporasyon
kung saan ang bawat isa ay binibigyan ng pagkakataong alamin sa mga Board of Directors o Board of
Trustees kung ano ang progreso ng organisasyon. Sa pagkakataon ding ito karaniwang ginaganap ang
eleksyon para sa mga bagong Board of Directors.

Ang Conclave ay karaniwang iniuugnay sa eleksyon ng bagong Santo Papa, subalit, hindi
nangangahulugang ito ay para lamang sa okasyong ito. Maaari ding gamitin ang conclave sa mga sikretong
pag-uusap o closed door meeting na kinasasangkutan ng mga indibidwal na makapangyarihan at
maimpluwensiya.

Ang Gala ay tumutukoy sa glamorosong okasyon na kinabibilangan ng malaking hapunang piging (dinner
party) na may kasamang kasiyahan at paggawad ng parangal. Ang kasuotan ng mga kalahok ay pormal at
magarbo.

Ang Bangkete (Banquets) ay katulad din ng gala sa antas ng pananamit ng mga kalahok at lugar na
pagdarausan nito. Ito ay piging na karaniwang inihahanda ng malalaking kumpanya para iangat ang
moralidad ng kanilang mga manggagawa.

Paglulunsad ng mga Produkto (product launching). May mga industriyang isinasagawa ang malawakang
paglulunsad ng kani-kanilang mga produkto upang makakuha ng mataas na antas ng pagkilala ang kanilang
mga produkto. Karaniwan silang nagbibigay ng mga halimawa o sample ng mga produkto na kanilang
ipinakikilala.

Break-out Session. Bahagi ito ng isang malaking kumperensya na dinisenyo o inayos upang gumawa ng
mas maliit na pangkat na laan lamang para sa mga indibidwal na nais makibahagi sa mga ispesipikong
pagtalakay sa sesyong ito.
Ang Press Conference ay inoorganisa o binubuo ng isang taong laman ng mga balita upang linawin ang
usapin hinggil sa kaniya, magbigay ng tiyak na impormasyon, at bigyan ng pagkakataon ang media na
makapagbigay ng mga kaugnay na katanungan sa usapin hinggil sa kaniya.

Ang Panayam ay pormal na pakikipag-usap ng isang tao sa iba pang tao upang makakuha ng mga
kinakilangang impormasyon para sa ispesipikong layunin katulad ng pangangalap ng balita at paghahanap
ng posibleng empleyado sa isang kumpanya. Mainam na gumamit ng interview protocol o talaan ng mga
tanong na maaaring ipukol sa isang indibidwal upang makakuha ng kinakailangan impormasyon.

Ang katanungan ay maaaring ikategorya sa: (1) pangunahing katanungan o ang panimulang katanungan
tungkol sa pangunahing paksa ng panayam, at (2) sekundaryang katanungan o ang mga kasunod na
katanungang nakabatay sa mga naunang tanong.

Ang mga katanungan ay maaari ding bukas na malawak ang sakop sa punto na higit nitong binibigyan ng
kalayaan ang bawat isa na tumugon sa tiyak na impormasyon, opinyon, at nararamdaman, at sarado kung
ang dapat tumugon ay walang opsyon liban sa oo o hindi na mga kasagutan.

Bukod sa mga kategoryang nabanggit, ang katanungan ay maaari ding walang pinapanigan o yaong hindi
nagdidikta ng kasagutan sa mga tinatanong o nagtuturo o yaong mga katanungang sinasabi sa mga
kakapanayamin kung ano ang nararapat nilang kasagutan sa tanong.

You might also like