You are on page 1of 1

Halina –Jess Santiago

Si Lina ay isang magandang dalaga,Panggabi sa isang pabrika ng tela


Sumapi sa union, sumama sa welga
Biglang nagkagulo, nawala si Lina
Nang muling makita’y hubad at patay na
Halina, halina
Damitan ang bangkay at sa ating puso’y
Hayaang humimlay si Lina.

Isang magsasaka si Pedro Pilapil


Walang kaulayaw kundi ang bukirin
Nguni’t isang araw, amy biglang dumating
Ang saka ni Pedro’y kanilang inangkin
Tumutol si Pedro, at siya ay binaril
Halina, halina
At sa ating puso’y hayaang maghasik
Ng punla si Pedro Pilapil.

Si Aling Maria’y doon nakatira


Sa tabi ng isang bundok ng basura
Nguni’t isang araw binuldozert sila
Sapagkat darating ang mga turista
Nawalan ng tahanan ang isang pamilya
Halina, halina
At sa ating puso’y ipagtayo ng tahanan
Sina alingMaria.
Halina, halina.

You might also like