You are on page 1of 4

1.

Ang pantikan ay mahalaga sa ating mga buhay dahil ito ang naglalarawan sa mga karanasan, kultura,
at tradisyon ng mga sinaunang Pilipino. Maaari nating pag-aralan ang mga pangyayari sa ating
kasaysayan at magamit ang mga aral sa kasalukuyang buhay natin. Dahil sa panitikan, ang mga tao ay
nabibigyan ng tulay sa nakaraan na maaari ring isalamin sa kasalukuyang panahon. Kaya, mas
maiintindihan natin ang ating kultura at tradisyon at mas mabibigyan ito nang halaga. At higut sa lahat
ay upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto ang mga
ito. At mas malibang Ang ating kaisipan sa mga pamana Ng ating mga ninono na nagsisilbing kultura sa
panahon natin ngayun. Bagkus, Ang panitikan ay dapat bigyan pansin sa kasaluyun sapagkat itoy
nagtutuon Ng ating mga pinagmulan at sumisimbulo Ng ating pagkamamayanang pilipino.

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Tula ni Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya

sa pagkadalisay at pagkadakila

gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?

Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip

at isa-isahing talastasing pilit

ang salita’t buhay na limbag at titik

ng isang katauhan ito’y namamasid.

Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal

sa tapat na puso ng sino’t alinman,

imbit taong gubat, maralita’t mangmang

nagiging dakila at iginagalang.

Pagpupuring lubos ang nagiging hangad

sa bayan ng taong may dangal na ingat,

umawit, tumula, kumatha’t sumulat,


kalakhan din nila’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog

ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,

dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,

buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

Bakit? Ano itong sakdal nang laki

na hinahandugan ng buong pag kasi

na sa lalong mahal kapangyayari

at ginugugulan ng buhay na iwi.

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,

siya’y ina’t tangi na kinamulatan

ng kawili-wiling liwanag ng araw

na nagbibigay init sa lunong katawan.

Sa kanya’y utang ang unang pagtanggap

ng simoy ng hanging nagbigay lunas,

sa inis na puso na sisinghap-singhap,

sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan

ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal

mula sa masaya’t gasong kasanggulan.


hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.

Ang nangakaraang panahon ng aliw,

ang inaasahang araw na darating

ng pagka-timawa ng mga alipin,

liban pa ba sa bayan tatanghalin?

At ang balang kahoy at ang balang sanga

na parang niya’t gubat na kaaya-aya

sukat ang makita’t sa ala-ala

ang ina’t ang giliw lampas sa saya.

4. Habang binabasa ko ang tula ni Andres Bonifacio namulat ako sa mga katotohanan na ang isang tao ay
may labis na pagmamahal sa kanyang bayan. Wala itong kapantay. Handa tayong lumaban para lang
mapagtanggol nating ang mahal nating bayang sinilangan. Gaya nga ng pagmamahal ni Bonifacio sa
Pilipinas, ipinaglaban niya ito sa mga Kastila. Siguro sa panahon ngayon marami paring Pilipino ang
tatayo para sa kanyang bansa para lang ipaglaban ang karapatan ng Pilipinas na inaape ng ibang bansa.
Gaya ng hindi makatarungan pag-angkin ng China sa Spratlys. Pilit nila itong inaangkin kahit na malayo
sa kanilang teritoryo ang nasabeng isla.

May kasabihan nga tayo na “ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay walang
mapaparoonan” na nagsasabing ang bawat tao ay dapat tumanaw ng utang na loob sa bayang
sinilangan. At ang isang taong maka-Pilipino ay marunong lumingon sa pinanggalingan. Walang kayang
tumantay sa pagiging makabayan. Kahit na ginto pa ang itapat. Marami mang Pilipino ang nangibang
bansa pero ang kanilang puso at isip ay nakatuon sa Pilipinas. Kaya lamang sila napipilitan magtrabaho
sa ibang bansa sa dahilang mas maunlad ang ekonomiya ng ibang bansa kesa sa atin. Sa dami ng nanakot
sa bansa sa atin at sa dami ng naging utang natin sa ibang bansa naging mahirap para sa Pilipinas ang
bumangon. Nakakaraos na muli tayo sa paghihirap ngunit naging mabagal ang ating pag-unlad. Kahit na
sa ganitong lagay marami pa ring mga Pilipino ang naniniwala na balang araw magiging isa na tayo sa
pinaka maunlad na bansa sa mundo.

Sa lahat ng pagtitiyaga nating umulad at mapabuti ang ating bayan hanggang sa ating pagkamatay,
ang bayan pa din ang ating iniisip. Kahit na sa makabagong panahon marami pa din ang nagiging tapat sa
bayan. Gaya ng mga guro. Sila ang ating inaasahan para tayo’y matutong magbasa at magsulat. Sila ang
nagsisilbing gabay sa ating pag-unlad. Kung wala ang mga guro hindi na tayo magiging maunlad.

https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-during-the-spanish-regime-pag-ibig-sa-
tinubuang-lupa-tula-ni-andres-bonifacio_1108.html

You might also like