You are on page 1of 3

Lakad lang

1 John 4:4
“Mga anak, kayo’y sa Diyos at pinagtagumpayan Ninyo ang mga bulaang propeta,
sapagkat ang Espiritung nasa inyo ay makapangyarihan kaysa espiritung nasa mga
makasanlibutan.”

Mga kapatid di ba po kapag tayo ay may pupunatahan makakasalubong tayo


ng iba’t ibang uri ng daan. May mga madaling lakaran, katulad ng samento pero
kung minsan naman ang daanan ay maputik, mabato, o di kaya malubak. Gayun pa
man, patuloy na maglalakad sa mga daang ito, dahil ito lang ang daanan papunta sa
ating destinasyon.

Katulad din ito ng paglakad natin kasama si Hesus. Minsan yun daan na
nilalakaran natin ay maraming hindrances. Maraming bagay ang makakasalubong
natin sa ating pamumuhay kay Kristo. Dahil ang demonyo ay nais tayong mapaalis
sa kawan ng Diyos at ayaw ng demonyo na maging victorious Christians tayo. Pero
may sagot ang bible sa bawat hadlang na ‘yan para hindi tayo tumigil at mag-give
up, para makasulong tayo, maka move forward kaagad at hindi malupig ng kaaway.

Alamin naman po natin ang mga makakasalubong nating pagsubok kapag


lumalakad kasama ang Diyos:
1. Financial Difficulties
2 Timothy 3:1
1 Tandaan mo ito: mababatbat ng kahirapan ang mga huling araw.

Isa sa mga ginagamit ng devil para mapigilan tayo lumakad kasama si


Kristo ay ang financial problems o kabi-kabilang pangangailangan sa salapi.
Remember that God promised to provide for our needs not wants.
Filipos 4:19
19 At buhat sa kayaman niyang di mauubos, ibibigay niya ang lahat ng inyong
kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.

Ang Lord mag proprovide ng ating pangangailangan, at sa parte naman


natin, kailangan alamin mo, ano nga ba ang mga needs mo. Baka kasi na i-
supply na yung needs mo pero ginamit mo sa wants. Iyan ang panimulain ng
paghihikahos – ang maling paggamit ng provision ng Panginoon.
Importanteng suriin maiigi kung anu-anong expenses natin para sa needs
at nai-allocate sa wants. At humanap ng solusyon upang mabawasan ang
paggastos sa mga di naman priority upang ang panustos ng Panginoon ay
maging masagana at walang kulang.
Kailangan ang financial wisdom para matugunan ang problemang ito.
Humingi tayo ng karunungan mula sa Panginoon, gayundin ang kapangyarihan
ng pagpipigil sa sarili sa paggastos sa mga bagay na hindi mahalaga at simulan
ang paggastos sa mga bagay na tunay na mahalaga.

2. Mga pag-uusig laban sa iyong pananampalataya


Matthew 5:11
11 Mapalad kayo kapag dahil sa aki’y inaalimura kayo ng mga tao, pinag-
uusig at pinagwiwikaan ng lahat ng kasamaan na pawang kasinungalingan.

Patuloy na gumawa ng mabuti at manalangin para sa mga umuusig sa


iyo. Hindi magiging maganda kung magtitiis ka ng may sama ng loob, at gaganti
sa kanila. Hindi ito makakabuti. Tandaan, kinakailangan na mag-ilaw ka sa
kanila sa pamamagitan ng walang tigil na paggawa ng kabutihan. Hindi
uubrang ngayon gagawa ka ng Mabuti, bukas hindi na ulit. Ang susi sa
paglalakad kasama si Kristo ay ang walang patlang na paggawa ng kabutihan
sa ating mga persecutor.

Matthew 5:44
44 … ibigin niyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang mga umuusig
sa inyo.
Walang matigas na puso ang hindi malulusaw sa kabutihang loob na
pinapakita sa kanya. Ang ipagdasal mo ay lumambot, at bagabagin siya ng
Panginoon upang baguhin ang damdamin niya laban sayo. At patuloy lang
tayo sa paglakad kasama si Kristo.

3. Pagdududa sa salita ng Diyos


Matthew 14:31
31 Agad siyang inabot ni Jesus, “Napakailiit ng iyong pananalig!” sabi niya kay
Pedro, “Bakit ka nag-aalinlangan?”

Mahihirapan tayo sa magtiwala sa Panginoon kung ang pagtingi natin sa


mga negative na nangyayari ay “as in” o “at face value”. Mahalaga na ang
baguhin natin ay ang ating pang-unawa sa mga bagay-bagay. Bakit ito
nangyayari? Anong higher reason? Anong divine purpose? Ano ang big picture
na lihim sa iyo ngayon pero maihahayag sa takdang panahon?

Kawikaan 3:5
5 Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang
mananangan sa sariling karunungan.

Ang pagpapalawak ng ating isipan ay nakakabawas ng stress at


maghihikayat sa ating mga puso na higit na magtiwala kay Hesus. Nabubuhay
si Hesus sa hinaharap. Lagi niyang alam kung ano ang pinakamabuti para sa
Kanyang mga anak. Magtiwala sa Kanya at sa katotohanang ito.

Romans 8:28
28 Alam nating sa lahat ng bagay, ang Diyos ay gumagawang kasama ang
mga nagmamahal sa kanya, ang mga tinawag ayon sa kanyang panukala, sa
kanilang ikabubuti.

You might also like