You are on page 1of 4

Learning Area Filipino Grade Level Ikaanim

W7 Quarter Ikatlo Date

I. LESSON TITLE Pagkuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na


pagbasa.
II. MOST ESSENTIAL LEARNING Nakakakuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na
COMPETENCIES (MELCs) pagbasa F6EP-IIIg-II
III. CONTENT/CORE CONTENT A.Nakakakuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na
pagbasa.
● Naipamamalas ang ibat-ibang kasanayan upang maunawaan
ang ibat-ibang teksto.
● Nakakakuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw
na pagbasa
● Napahalagahan ang mga impormasyong sa binasang teksto.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Time Frame Learning Activities
A. Introduction 10 minuto Bago tayo mag umpisa sa ating aralin para sa araw na ito ay ayusin
Panimula muna natin mga ginulong salita na makkita sa ibaba.

Anong salita ang inyong nabuo?


Ano kaya kaya ang kahulugan ng unang salita?ikalawang salita?

Magaling! ako’y natutuwa at naayos ninyo at naibigay ang


kahulugan ng mga salita.

Ang dalawang salitang inyong iniayos ay ang paksa ng ating aralin


para sa araw na ito.Kayo ay inaasahan na makakuha ng impormasyon
sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa.

Ngunit bago iyon ay alamin muna natin mga hakbang kung paano
ang pahapyaw na pagbasa.

Ang pahapyaw na pagbasa ay isa sa paraan ng pagbabasa,na


kung saan ito ang pinakamabilis na pabasang magagawa ng tao.Ang
gumagamit ng kasanayang ito ay pahapyaw na bumabasa ng mga
pahiwatig sa seleksyon katulad ng pamagat at paksang
pangungusap.Binabasa natin nang pahapyaw ang kabuuan ng
seleksyon at nilalaktawan ang mga hindi kawili-wili sa kanya sa
sandalling iyon.
Ang mga sumusunod ay paraan para makatulong sa mabilis na
pagbasa at pag-unawa sa binabasa:

_ Pagtingin sa pamagat,heading at sub heading.


_ Pagbasa sa una at huling talata.
_ Pagbasa sa una at huling pangungusap ng talata.
_ Kung may mga kasamang introduksiyon,larawan,tsart at grap ito
ay binibigyan ng suri o basa.
Sanggunian :https://pagbasaatpagsulat.wordpress.com/2017/03/11/ibat-iban g-uri-ng-
pagbasa/
B. Development 20 minuto Ngayon ay maaari na nating sukatin ang inyong nalaman sa
Pagpapaunlad pamamagitan ng pagsagot sa gawain sa ibaba.

Pinatnubayang Gawain:
Panuto: Basahin natin ng pahapyaw ang teksto upang makuha ang
impomasyon na gustong ipabatid ng seleksyon .Sundin ang proseso ng
pagbasa na nakatala sa ibaba.
1. Basahin ang pamagat ng seleksyon.
2. Basahin ang unang talata at huling talata
seleksyon. 3.Basahin ang una at huling
pangungusap ng talata.

Ang Pilipino:Masayahin sa Anumang Sitwasyon


Kabilang ang mga Pilipino sa pinakamasayang tao sa
buong mundo.Kilala tayo bilang mga taong madalas nakangiti sa
panahon ng kaginhawaan at maging sa panahon ng pagsubok.Sa
harap ng mga problema,nagawa nating tumawa at magbiro tungkol
sa ating sitwasyon.
Isang patunay nito ay ating kalendaryo na punong-
puno ng masayang pagdiriwang mula Enero hanggang
Disyembre.Mayroon din tayong mga selberasyon sa loob ng pamilya
tulad ng kaarawan at anibersaryo.Kung titingnan ay maliliit lamang ang
dahilan ng mga ito,subalit para sa pamilyang Pilipino,kahit ang
pinakamumunting mga tagumpay ay dapat na ipagdiwang.
Ito ang isa sa mga sekreto ng katatagan ng
pamilyang Pilipino-naghahanap tayo ng dahilan upang
magsaya.Kapag may mga pagsubok ay nagkakaisa tayo upang
mabigay ng suporta subalit naghahanap din tayo ng magandang
bagay na maaring ipagpasalamat.

Sagutin:Ano ang mahalagang impormasyon ang nakuha


ninyo sa teksto?Lagyan ng tsek ang patlang kung ang
nabasang ipormasyon ay mula binasa.

Ang mga Pilipino ay kabilang sa pinakmasayang tao sa buong


mundo.
Ang pagiging masaya ay sekreto ng katatagan ng pamilyang
Pilipino.
Ang mga Pilipino ay kilala sa lagging nakangiti sa panahon ng
kaginhawahan at aging sa mga pagsubok.
Ang pagiging malikhain ng bawat isa sa atin ang magliligtas sa
ating mundo,sa ating kapaligiran.
Segregasyon ang tawag sa parrang ito nan ais ng pamahalaan
na gawin ng arami sa ating ga mamamayan.

-Tingnan sa Alab Filipino pahina 86-87


C. Engagement 1 oras at Ngayon naman ay batid ko na kaya mo nang masagutan mag-isa
Pakikipagpalihan 10 minuto ang mga gawain na aking inihanda.
Tayo’y magsimula na.Kaya mo ito magtiwala ka lang sa iyong sarili.

Gawain sa Pagkatutuo Bilang 1:


Panuto: Basahin nang pahapyaw ang teksto sa ibaba at kunin ang
mahalagang impormasyon nito sa pamamagitan pagpunan sa
balangkas.Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
Paggawa ng Saranggola
Ang kawayan ay ginagamit sa paggawa ng saanggola.Ang mga
kagamitang kailangan ay pandikit,pisi at papel de hapon kung walang
papel de hapon maaring iresiklo ang lumang dyaryo para
dito.Pinuputol ang kawayan sa tamang sukat para sa saranggola.Ang
mga pinutol na kawayan ay kinakayas upang kuminis.Pinag-uugany
ang mga ito hanggang mabuo ang balangkas sa pamaamgitan ng
mga pisi.Upang gumanda nilalagyan din ito ng buntot na maaring
galling din sa mga luang papel o dyaryo na ma kikita sa inyong bahay.

I.Kagamitan:
A.
B.
C.
II.Paraan:
A.
B.
C.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


Panuto:Basahin ng pahapyaw ang seleksyon sa ibaba at pagkatapos
ay sagutin ang mga sumusunod na tanong .Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
Pagreresiklo
Ang pagrersiklo ay isang paraan ng muling pagbibigay
pakinabang sa siang baagy na ang akala ng lahat ay wala nang
halaga.Iba iba ang paraan ng pagresiklo ng ibat-ibang bagay.
Ang pinakamahalagang paraan sa pagreresiklo ay ang
paghihiwalay ng ibat-ibang ui ng basura.Segregasyon ang tawag sa
parrang ito nan ais ng pamahalaan na gawin ng arami sa ating ga
mamamayan.
Ang mga di nabubulok at muling nagagamit na maituturing na
mga patapong bagay ay nabibigyan muli ng panibagong bihis at
anyo.
Ang mga bagay na maituturing na basura tulad ng gamit na lata
o bote ay maaaring linisin at lagyan ng kulay at palamuti upang
maging paso,plorera o lalagyan ng ibat-ibang gamit sa bahay.Kung
mayroon naming kwaderno,maaaring piliiin at pagsama samahin ang
mga pahinang hindi nasulatn upang magamit muli ito.Ang plastic bag
naman na nakuha sa pamimili ay maaring gawing basurahan o di kay’y
dalhin muli sa pamimili sa palengke o tindahan upang hindi na muling
pumili pa.
Pangangalaga sa kapaligiran ang pangunahing layunin ng
pagreresiklo.Sa araw-araw na nagkokonsomo tayo ng ibat-ibang
produkto,ang basurang itinatapon natin ay padagdag nang
padagdag.
Ang pagiging malikhain ng bawat isa sa atin ang magliligtas sa
ating mundo,sa ating kapaligiran,at sa lahat ng mgay buhay sa mundo.
-Tingnan sa Alab Filipino pahina 144-145
Mga Tanong:
1. Ano ang pagreresiklo?
2. Ano ang segregasyon?
3. Bukod sa mga nabanggit na mga bagay sa seleksyon,ano
pang bagay sa ating paligid ang maari nating iresiklo?
4. Paano natin maililigtas ang ating kapaligiran?
5. Sa iyong palagay ano ang magandang dulot ng pagreresiklo?
Gawain sa Pagkatutuo Bilang 3:
Panuto:Batay sa seleksyon na nabasa sa itaas,Isa isahin ang mga
nakuhang impormasyong na nais ipabatid nito.Isulat ang iyong sagot
sa isang sagutang papel.
1.
2.
3.
4.
5.
-Tingnan sa Alab Filipino pahina 144-145

D. Assimilation 15 minuto Ang ay isa sa paraan ng pagbabasa,na kung saan ito


Paglalapat ang na pabasang magagawa ng tao.Ang
gumagamit ng kasanayang ito ay pahapyaw na bumabasa ng mga
pahiwatig sa seleksyon katulad ng pamagat at paksang
pangungusap. ____natin nang pahapyaw ang kabuuan ng
seleksyon at ang mga hindi kawili-wili sa kanya sa sandalling
iyon.
Ang mga sumusunod ay paraan para makatulong sa mabilis na
pagbasa at pag-unawa sa binabasa:

1. Pagtingin sa __________ ,heading at sub heading.


2.Pagbasa sa at talata.
3. Pagbasa sa una at huling pangungusap ng talata.
_________4.Kung may mga kasamang introduksiyon,
larawan,tsart at grap ito ay binibigyan ng suri o basa.

V. ASSESSMENT 10 minuto A. Sagutan ang Learning Activity Sheets (LAS) na ipapadala ng guro.
(Learning Activity Sheets for B. Mangalap ng isang lathalain.Basahin ito ng pahapyaw at isulat sa
Enrichment, Remediation or isang malinis na papel ang impormasyon na nakuha dito.
Assessment to be given on
Weeks 3 and 6)

VI. REFLECTION 5 minuto Magsulat sa inyong realisasyon tungkol sa natutuhan sa


araling ito. Naunawan ko na
Nabatid ko na
Naisasagawa ko na

Prepared by: MISHIELA ROSE O. TABO Checked by: Maribeth C. Rieta


Ricardo Makabenta

You might also like