You are on page 1of 18

Interdisiplinaryong Pagbasa

at Pagsulat sa Mga DisKurSo


ng pagpapahayag

Midterm Topics:

• Chapter 1: Batayang
Kaalaman o Pagbasa
▪ Hakbang ng Pagbasa
o Pagsulat
o Batayang Kaalaman
o Ugnayang Pagbasa at Pagsulat
• Chapter 2: Mga Teorya sa Pagbasa
o Mga Teorya sa Pagba
Chapter 1
Kahulugan ng Pagbasa
• Anderson
› A et al. (1981)
› Isang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa teksto.
› Nangangailangan ng background knowledge
• Frank Smith (1997)
› Pagbabasa = Pagtatanong sa teksto; Pagunawa naman = Pagsasagot sa
teksto
• Goodman (1967)
› Isang Psycholinguitic guessing game dahil nagdudulot ito ng interaksyon
sa pagitan ng teksto at mambabasa
• Austero et al.
› Pagkilala at pagkuha ng mga ideya ng isang teksto upang mabigkas ito
sa pasalita
› Pag-unawa rin sa wika ng awtor sa pamamagitan ng mga nakasulat na
simbolo.

Mga Hakbang sa Pagbasa

Persepsiyon Komprehensiyon Reaksiyon Asimilasiyon

› Ayon kina Bernales et al.


1. Persepsiyon
› Pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo
2. Komprehensiyon
› Pag-unawa sa teksto
3. Reaksiyon
› Pagpapahalaga sa teksto
4. Asimilasyon
› Iniuugnay ang kaalamang nakuha ng mambabasa sa kanyang dati
nang kaalaman at karanasan
Pagsulat
Chapter 1

Kahulugan ng Pagsulat

• Bernales et al. (2001)


› Ang pagsulat ay ang pagsasalin sa papel o sa anumang
kasangkapang maaring magamit na mapagsalinan ng mga nabuong
salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan.

Batayang Kaalaman
Chapter 1
1. Inverse Cognitive Process

Pagbasa Pagsulat
› Knowledge – Kaalaman
› Meaning – Kahulugan
› Deep Structure – abstrak na representasyon ng sintaktik na estruktura sa
pangungusap
› Surface Structure-estruktura ng isang maayos na binuong parirala o
pangugusap sa isang wika taliwas sa abstrak nitong representasyon.

2. Mga Subskill ng Pagbasa at Pagsulat


• Subskill ng Pagbasa
› Prediksyon- pagtatangkang pagkuha ng kahulugan
matapos basahin ang ilang pangungusap na maaring
makabuo ng isang payak na diwa
› Skimming- mabilisang pagbasa na layuning makuha
ang kahulugan ng buong tekstoPagbasa ng Gist-
sumasaklaw sa pinakamahalagang bahagi ng
impormasyon o diwa ng teksto
› Scanning- ang pokus ay paghahanap lamang ng tiyak
na impormasyon
› Masikhay- masinsinang pagbasa
› Mga ipinahihiwatig na Kahulugan- talasalitaang
ginamit o punto ng manunulat
› Masaklaw na pagbasa- pagbasa ng buong teksto

• Subskill ng Pagsulat (Ayon kay Sobana, (2003))


› Mekaniks- tumutukoy sa paraan ng pagbaybay ng salita
at pagbabantas.
› Organisasyon- talata, paksa at kaisahan
› Sintaks- pag-aaral ng estruktura ng mga
pangungusap, pagsasama-sama ng mga salita para
makabuo ng mga parirala o mga pangungusap.
› Balarila- tumatalakay sa tuntunin ng isang wika ukol sa
mga uri, pagbuo at wasting paggamit ng mga salita, at
pagsulat.
› Nilalaman- magkakaugnay, malinaw, orihinalidad at lohika.
› Pagkuha ng mga ideya sa pagsulat, paglikha ng mga
burador at pagbabago ng mga ito.
Ugnayang Pagbasa at Pagsulat
Chapter 1

• Nakatuon ang pagbasa at pagsulat sa wikang pasulat.


• Ang literasi ay kakayahang makabasa at makasulat.
• Magkakasama sa pamamagitan ng kaulugan at mga gawaing pampagtuturo
• Gawaing pangkaisipan at magkakaugnay ang sentro ng pag-iisip
• Nangangailangan ng kritikal na pag-iisip.
• Nagagamit ang kritikal na pagiisip

Mga Teorya sa Pagbasa


Chapter 1

1. Top – Down
 Bilang reaksyon sa naunang teorya, isinilang ang teoryang “top-down”.
Napatunayan kasi ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi
nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa (top)tungo sa teksto(down).

2. Bottom – Up
 Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga
nakasulat na simbulo (stimulus) upang maibigay ang katumbas nitong tugon
(response). Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay
nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik sa salita, parirala at
pangungusap ng teksto, bago pa man ang pagpapakahulugan sa buong
teksto (Badayos, 2000)

3. Interaktibo
 Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng
awtor at sa pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamit ng
kanyang kaalaman sa wika at mga sariling konsepto o kaisipan. Dito
nagaganap ang interaksyong awtor- mambabasa at mambabasa-awtor.
Itoy may dalawangdireksyon obi-directional.

4. Iskema
 Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag
sa dati nang iskima, ayon sa teoryang ito. Samakatuwid, bago paman
basahin ng isang mambabasa ang isang teksto, siya ay may taglay nang
ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa.
Mga Pagpapakahulugan
Pagbasa at Pagsulat

• Ayon kay Hannah Kim (2006)


› Ang scientific inquiry ay kinapapalooban ng pagpopormula ng tanong,
paggawa ng prediksyon o haypotesis, pagdidisenyo ng pag-aaral,
pagsasagawa ng pag-aaral, pangongolekta ng datos, pagsusuri sa
resulta, paghahabi ng konlusyon at pagbabahagi ng kinalabasan ng pag-
aaral.
• Ayon kina Anderson ar Flanagan (2000)
› Ang pagbasa at pagsulat ay kapwa metod ng pagtuklas sa
pagtatangkang matugunan ang isang katanungan na nagsisimula sa
ideya o katanungan at nagtatapos sa pagrereport ng resulta
• Ayon kay Abdel Salam A. El Koumy
› Kanyang tinuruan na sa impluwensya ng "neuropsychologist" na
naniwalang ang komprehensyon ay matatagpuan sa isang parte ng utak,
at ang produksyon naman ay isang bahagi.
• Ayon kay Brown (1987)
› Sa wika ng isang bata, kapwa tinutumbok ng obserbasyon at ebidensya
ng pananaliksik ang "superiority" ng komprehensyon laban sa
produksyon: mas higit na nakakaunawa ang isang bata kaysa sa kanilang
nililikha.
• Ayon kina Bialystock at Ryan (1985)
› Ang pangunahing kaibahan ng dalawang gawain (pagbasa at pagsulat)
ay pagkadepende ng pagsulat sa isang mas detalyado at sinuring
kaalaman. Ang kinakailangang digri ng sinuring kaalaman tungkol sa
ugnayang tunog-pagsulat "sound-spelling relationship" ay mas mataas
kapag binaybay ang mga salita kumpara sa reseptib na pagkilala sa mga
ito.
• Ayon kay Brooks (1964)
› Ang pagsulat, tulad ng pagsasalita, ay isang napakapersonal na gawain
na kung saan ang mga mag-aaral ay kailangang isaalang-alang ang lahat
ng mga mandatori na pangangailangan at kahandaan para sa target na
kota ng wika sa kung paano ito lumalabas kapag isinulat na.
› Sa kaparehong paraan naman ay mabibigyan ng pagkakataon at
panghihikayat upang galugarin ang bolisyunal at malikhaing aspeto ng
bagong wika sa lawak ng kanyang kakayahan kung hanggang saan ito
pinahihintulutan ng kanyang karanasan.
• Ayon kay Beaugrande (1979)
› Pinaniniwalaan ng ilang edukador na ang manunulat at mambabasa ng
isang teksto ay sinusunod ang tinatawag na inverse cognitive processes
Particular na masasabing kanilang tinignan ang pagbasa bilang isang
bottom-up phenomena at ang pagsulat bilang top-down.
• Ayon kay Joy Reid (1993)
› Ang pagbasa at pagsulat ay tinignan bilang magkahiwalay na entity sa
loob ng klasrum at maging sa kurikulum ng language arts partikular na sa
tersaryong antas ng kolehiyo. Marami ang nagawang empirikal na pag-
aaral sa magkahiwalay sa nakalipas na dalawampung taon.
• Ayon kina Gersen and Liberman (1979)
› Ang pagbasa at pagsulat ay kapwa may potensyal na maging
magkapantay at magkaugnay.
• Ayon kay Taylor (1981)
› Ang mga subskill ng kapwa pagbasa at pagsulat birtwali ay pareho
lamang.
• Ayon kay Henry Gleason
› Ang wika ay isang masistemang balangkas

Mga Teorya at Proseso sa Pagbasa


Chapter 1

Tradisyunal na Pagtingin sa Pagbabasa

• Ang mga mambabasa ay nakapokus sa mga teksto na kinapapalooban ng mga


ideya, impormasyin at kahulugan.
• Ang mga mambabasa ay pasibong tagatanggap ng mga impormasyon na
nagmumula sa teksto at ang kahulugan at nananahan sa teksto
• Ayon kina Dole, et al (1991)
› Ang Tradisyunal na Pananaw ng Pagbasa ay pagbabasa na isinsagawa
sa pamamagitan ng hiyarkiyang makakasunod-sunod na kakayahang
pampag-unawa.
• Para kay Nunan (1991)
› Ang pagbasa ay usapin ng decoding o pag-unawa sa mga nakalimbag na
simbolo upang magkaroon ito ng kahulugan
• Mambabasa > Pag-unawa at Pagkilala sa Teksto
• Teksto > May taglay na kahulugan
• Katangian ng Teoryang Bottom-Up (Grove, 1983)
› Kilalanin ang bawat salita sa teksto upang maunawaan ang binabasa
› Gumagamit ng hudyat sa salita at tunog upang makilala ang mga salita
› Bigyang pansin ang lubusang pagkatuto at integrasyon ng seryeng
pagkilala ng mga salita sa pagbasa
› Pagtuunan ng mga titik at relasyong titik-tunog ang pagtuturo at pagbasa

› Pahalagahan ang akyurasi sa pagkilala ng mga salita

Simpleng Pagtingin sa Pagbasa

• Ang pag-aaral magbasa at kinapapalooban ng pagdedebelop ng dalawang


kasanayan sa dalawang kritikal na area:
1. Ang pagbasa sa bawat salita sa tekstong nang tama at mataas na paraan
(accurately and fluently)
2. Ang pagkokomprehend ng mga kahulugan ng mga teksto na binasa
• Ang mga mag-aaral ay nangangailangan ng estratehiya upang mabasa ang mga
salita na hindi pa nila nakikita noon sa nilimbag nitong anyo at ang mga salita na
bago pa lamang nilang nakita.
› Estratehiya: Pinatnubayang Pagbasa-Pag-iisip o Direct Reading-
Thinking Activity
o Isang estratehiya sa pagbasa na binuo ni Russel Stauffer (1969)
kung saan ang mambabasa ay nagbibigay ng kanilang sariling
hula o palagay tungkol sa teksto
o Ito ay mayroong tatlong (3) pangunahing hakbang na inaasahang
magagawa ng mababasa
1) Pagbibigay-hula
2) Pagbabasa
3) Pagpapatunay ayon sa impormasying nasa teksto
• Ang mga mag-aaral ay nangangailangan ng sapat na kasanayan sa
pagkokomprehen sa wika
• Ang pagbasa nang tama sa mga salita ay komplikado.
› Ito ay nangangailangan ng integrasyon ng
o Biswal (Visual)
o Oditori (Auditory)
o Koginitibong Kasanayan (Cognitive Competence)
› Halimbawa: Ang pagbasa ng salitang “paniki sa tamang paraan sa
nakalimbag nitong anyo ay nangangailangan ng sumusunod:
o Pagtingin sa bawat letra
o Paglikha ng tunog na nilikha ng bawat letra
o Pagsasama-sama ng mga indibidwal na tunog upang mabigkas
ang salita
• Pagkomprehend sa ahulugan ng Teksto
› Upang malaman ang pangungusap kailangang malaman ng mga mag-
aaral ang kahulugan ng mga salitang nakapaloob dito gaya ng pang-uri,
pandiwang ginamit at iba pa.
• Ang pagbasa ay kinasasangkutan ng komplikadong integrasyon ng mga
kasanayan.
• Ang maalam na mambabasa ay tila pinagmumukhang madali lamang ang
naturang proseso, ngunit ang pagtuturo ng pagbasa sa lahat ng mag-aaral ay
ngangailangan ng sistematikong pagtuturo kapwa pagbasa ng salita at
komprehensyon.

Modernong Pagtingin sa Pagbasa

• Itinuturing dito na ang tradisyunal na pananaw sa pagbasa ay nakasandig sa


istruktura. Sa pananaw na ito, ang kaalaman sa lingguwistikong katangian ay
isang importanteng kasangkapan upang mas magkaroon ng komprehensyon sa
binabasa.
• Kognitib na Pananaw
o Teoryang Top-Down
› Goodman (1991)- Ang teoryang ito ay proseso na ang nakasentro
ng pagbabasa ay nasa mismong mababasa

› Mambabasa Taglay na paunang kaalaman sa teksto

› Teksto Kahulugan ng teksto
Teorya sa Pagbasa

1. Teoryang Bottom-up
› Isang tradisyunal na pagbasa

› Bunga ng Teoryang Behaviorist nagbibigay pokus sa kapaligiran sa
paglinang ng comprehension sa pagbasa.
› Badayos, 2000
o Ang pagbasa ay pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na
simbolo (stimulus) upang maibigay ang katumbas nitong tugon
(response).
o Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay
nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik sa salita,
parirala at pangungusap ng teksto, bago pa man ang
pagpapakahulugan sa buong teksto.
› Proseso ng pagunawa
o Nagsisimula sa teksto (bottom) patungo sa mambabasa (up)
› Tinatawag din itong “outside in” o “data -driven” – sapagkay ang
impormasyon ay hindi nagmula sa mambabasa kundi sa teksto.
2. Teoryang Top-Down
› Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya

› Ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestalt ang pagbasa ay isang
prosesong holistik
› Ang mambabasa ay may taglay na dating kaalamang nakaimbak sa
kanyang isipan at may sariling kakayahan sa wika na kanyang ginagamit
habang nakikipagtalastasan sa may-akda sa pamamagitan ng teksto.
› Tinatawag din ang teoryang ito na “inside-out” o “conceptually-driven”
dahil angkahulugan ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto.
› Napatunayan kasi ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi
nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa (top) tungo sa teksto (down).
3. Teoryang Interaktibo
› Bunga ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang teorya
› HIgit na angkop ang kombinasyong top-down at bottom -up na
nagpapahiwatig ng dalawang direksyon ng komprehensyon, itaas-pababa
at ibaba-pataas.
› Ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-
unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman
sa wika at mga sariling konsepto o kaisipan. Dito nagaganap ang
interaksyong awtor-mababasa at mambabasa-awtor.
› Ito’y may dalawang direksyon o bi-directional.
› Pagbibigay-diin sa pag0unawa sa pagbasa bilang isang proseso at hindi
bilang produkto
› Mahalaga ang kasanayan ng mambabasa.
4. Teoryang Iskema
› Ito ay proseso ng pag-uugnay ng mga kaalaman sa paksa at kaalaman
sa pagkakabuo ng mahahalagang salik sa pag-unawa.
› Bawat bagong impormasyon nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa
dati nang iskema
› Bago pa man basahin ng isang mambabasa ang isang teksto, siya ay
may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa
paksa.

Proseso ng Pagbasa

• Ayon kay William S. Gray


1. Persepsiyon o Pagkilala
› Hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo at maging
sa pagbigkas nang wasto sa mga simbolong nababasa
2. Komprehensiyon o Pang-unawa
› Pagpoproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang ipinahahayag
ng simbolong nakalimbag na binasa
3. Reaksiyon
› Hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan, kahusayan at
pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.
4. Asimilasyon o Integrasyon
› Isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang
kaalaman o karanasan.
Teoretikal na Modelo sa Pagbasa at Pagsulat
Chapter 1
Dual Coding Model

• Ipinanukala ni Allan Pavio noong 1960s


• Teorya ng pagkaalam na batay sa kung paano maproseso at mailathala ng
isang indibidwal ang berbal at di-berbal na impormasyon nang magkahiwalay
ngunit magkaugnay na sistema.
• May dalawang uri ng representational units
o “Imagens”- para sa mga mental na imahe; tumutukoy sa part whole
relationships
o “logogens”- verbal entities; tumutukoy sa mga associations at
hierarchies

Transactional Model

• Noong 1970s, isang mananaliksik pang-edukasyon na si Luise Rosenblatt ang


nagpabago sa pagturo ng pagbasa mula sa nagawang teorya.
• Ang pag-unawa ng resulta ng transakyon sa pagitan ng mambabasa at mga
salitang kaniyang binasa
• Sa modelong ito, ang tagatanggap at tagapadala ng mensahe ng mensahe ay
maaring gumanap sa magkatulad na tungkulin ng sabay, gaya nang nagaganap
minsan, ang mensahe ay maaring ipadala at tanggapin nang magkasabay.
Socio-Cognitive Theory

• Pinakilala at pinalawak ni Albert Bandura


• Ipinapakita ang impluwensiya ng karanasan, mga taong naksalamuha at
kapaligiran sa pagkatuto ng isang tao sa pamamagitan ng ‘panonood’ at
panggagaya
• Bobo Doll Experiment
• Mga Pangunahing Kaisipan
o Personal- paniniwala na ang isang indibidwal sa kaniyang kakayahan na
gawin ang isang bagay
o Behavioral- reaksyon o tugon na natatanggap ng indibidwal sa paggawa
ng isang bagay
o Environmental- mga aspeto ng kapaligiran o ng tagpuan na
nakakaapektosa kakayahan ng indibidwal na gawin ang isang bagay.
Cognitive Processing Model

• Tinatawag din itong ‘Information processing”


• Pokus nito sa kung ano ang nagaganap sa pagitan ng pag-input at output ng
impormasyon

• Yugto ng Memorya (Memory Stages)


o Sensory Memory
› Humahawak ng impormasyon na nauugnay sa mga pandama ng
tao na sapat lamang para maiproseso pa ang mga impormasyon
o Short-term Memory (STM)
› Tinatawag ding “Temporary working memory” o “Working
Memory”
› Ang prosesong ito ay isinasagawa upang maihanda at maiimbak
ng pangmatagalang memorya ang impormasyon o para sa
tugon.

o Long-term Memory (LTM)


› Permanenteng kamalig o storage ng impormasyon
› Kakayahang mapanatili ang walang limitasyong halaga o iba’t-
ibang uri ng impormasyon.
• Ang Daloy ng Impormasyon sa Pag-aaral
o Atensyon
› Tumutukoy sa kakayahan o abilidad ng tao sa pagpili at
pagproseso ng tiyak na impormasyon habang hindi pinapansin
ang ibang impormasyon.
o Maintenance Rehearsal
› Tumutukoy sa pag-uulit ng impormasyon upang ito ay mapanatili
sa itinalagang tagal ng oras o panahon
o Encoding/ Elaborative Rehearsal
› Tumutukoy sa proseso ng pag-uugnay ng mga bagong
impormasyon upang ang mga kosepto at ideya na nasa
memorya o alaala ay hindi malimutan.
o Retrieval
› Ang prosesong ito ay ang pagsasaisip muli sa mga naunang
impormasyon na natutunan upang maunawaan ang mga bagong
impormasyon na dadating upang makapag-bigay tugon.

Socio Cognitive Model

• Ang pagkatao ay nabubuo sa pag-aaral na hindi kailangan gamitan ng dahas.


• Ang indibidwal ay aktibo sa pagimpluwensiya sa kapaligirang nag-iimpluwensiya
sa kanya
• Mga Pangunahing Kaisipan
o Behavior- mga gawaing maaring parusahan o parangalan
o Cognitive factors- mga paunang kaalaman
o Situational Factors- ang kapaligiran o sitwasyon

Integrated Reading and Writing Models

• Bagaman ang koneksyon sa pagitan ng pagbabasa at pagsusulat ay tila kilala.


Ang pagbabasa ay hindi palaging nangingibabaw sa pwersa sa mga silid-aralan
sa pagsulat. Ang pagbabasa at pagsusulat ay naging magkaugnay sa kurso,
nang magpasya ang mga unibersidad na ang pagbabasa ay mahalaga sa pag-
aaral na magsulat.

Pagsulat
Komprehensibong pagtalakay

Kahulugan at Kalikasan

• Ayon kay Xing at Jin (1989)


o Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng
wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang
elemento.
• Ayon kay Badayos (2000)
o Ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong
mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa una o
pangalawang wika man.
• Ayon kay Peck at Buckingham
o Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang
tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa.
• Ayon kay William Strunk, E.B White
o Ang pagsulat ang bumubuhay at humuhubog sa kaganapan ng ating
pagiging tao
• Ayon kay Kellog
o Pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayundin naman, ang
kalidad ng pagsulat ay hinid matatamo kung walang kalidad ng pag-
iisip.
• Ayon kay Hellen Keller
o Ang pagsulat ay kabuuan ng pangangailangan at kaligayahan

Mga Pananaw sa Pagsulat

• Ang pagsulat ay kapwa isang mental at sosyal na aktibiti. (Sosyo-kognitibong


Pananaw)
• Ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong intrapersonal o interpersonal o
Ano ang aking isusulat?
o Paano ko iyon isusulat?
o Sino ang babasa ng aking isusulat?
o Ano ang nais kong maging reaksyon ng babasa sa aking isusulat?
• Tinitignan din ang pagsulat bilang isang multi-dimensiyonal na proseso
o Oral na Dimensiyon
▪ Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong
isinulat, masasabing nakikinig rin siya sa iyo.
o Biswal na Dimesnsiyon
▪ Mahigpit na nauugnay sa mga salita o lenggwaheng ginamit ng
isang awtor sa kanyang teksto na inilalantad ng mga nakalimbag
na simbolo

Mga Teorya sa Pagsulat

• Pisikal na Aktibiti
› Ginagamit dito ang pisikal na kakayahan ng manunulat
• Mental na Aktibiti
› Ineehersisyo ng pagsasaliksik ng mga ideya ayn sa tiyak na metodo ng
debelopment at pattern ng organisasyon as isang istilo ng grammar na
naaayon sa mga tuntunin ng wikang ginamit.
• Konsyus
› Malayang pagsulat kung saan patuloy-tuloy na nagsusulat ang
manunulat nang walang pagtatangi sa spelling, grammar, o paksa.
› Hindi gumagawa ng pagwawasto.
› Paraan upang makaipon ng mga pangunahing ideya para sa isang
paksa.
• Sabkonsyus
› Lahat ng kaisipan at ideya ay nagmumula rito.
• Solitari
› Ang pagsulat ay maaring maging gawaing pang-isahan.
• Kolaboratib
› Tumutukoy sa mga proyektong sama-samang gumagawa ng likha ang
mga manunulat.

Mga Layunin sa Pagsulat


1. Ekspresibo
2. Transaksyunal
3. Impormatibo
4. Mapanghikayat
5. Malikhain

Proseso sa Pagsulat
› Ang proseso ng pagsulat ay mahahati sa iba’t-ibang yugto.
› Ang mga yugtong ito ay sunod-sunod ayon sa pagkakalahad, ngunit
importanteng mabatid na ang mga propesyunal na manunulat ay hindi
nagtratrabaho nang hakbang–bawat-hakbang.
› Ang pagsulat ay isang prosesong rekarsib at ispayraling, kaya’t ang mga
manunulat ay bumabalik-balik sa mga yugtong sa mga yugtong ito ng paulit-ulit
sa loob ng proseso ng pagsulat ng isang teksto
1. Pre-Writing
› Lahat ng pagpaplanong aktibiti, pangangalap ng impormasyon,
pag iisip ng mga ideya, pagtukoy ng istratehiya ng pagsulat at
pag-ooraganisa ng mga materyales bago sumulat ng burador.
a. Brainstorming
b. Pagpili ng paksang susulating
c. Pagkolekta ng mga kailangang impormasyon
d. Pagtukoy ng layunin ng pagsulat at kung sino ang
mambabasa
e. Pagpili ng estilong gagamitin sa pagsulat
2. Actual Writing
› Aktwal na pagsulat o ang pagsulat ng burador.
› Tuloy-tuloy lamang ang pagbuo ng mga kaisipan at saloobin
tungkol sa paksang napili.
3. Revising
› Ito ang proseso ng pagbabasang muli ng burador nang
makailang ulit para sa layuning pagpapabuti at paghuhubog ng
dokumento.
› Sinusuri nang mahusay ang teksto upang matiyak ang nang sa
gayon kawastuhan, kalinawan at kayarian ng katha nang sa
gayon ay malinaw na makuha ng mambabasa ang layunin ng
sumulat.
› Sinusuri ang:
a. Istraktura ng mga pangungusap at lohika ng
presentasyon.
b. Nagbabawas o nagdaragdag dito ng ideya.
c. May pinapalitan siyang pahayag na sa palagay niya’ y
kailangan para sa pagpapabuti ng dokumento
4. Editing
› Halos pareho na ito ng pagrerebisa, ngunit sa bahaging ito ng
pagsulat, ang pokus ay ang maiwasto ang gramatika, baybay o
ispeling at estruktura ng pangungusap kung wasto ang gamit ng
mga salita at kung nasunod ang mekaniks sa pagsulat.
› Ang mga hindi magkaka-ugnay na pangungusap ay aayusin at
muling isusulat upang maipakita ang pagkakaugnay-ugnay ng
mga ideya.
5. Paglalathala
› Ililimbag na ang sulatin. Makikita at mababasa na ito .
Mga Bahagi ng Teksto

• Mahalagang bigyang-pansin ang mga bahagi ng teksto upang maging kaaya-


aya ito sa mga mambabasa.
1. Panimula
▪Ito ang unang nababasa kung kaya’t kinakailangan makuha ang
kawilihan at interes ng mambabasa
2. Katawan
▪ Kinakailangang mailahad na nang wasto at maayos ang mga
detalye at kaisipang nais palutangin ng may-akda.
▪ Ang kaisahan ng mga ideya at kaugnayan ng mga ito ay
mahalaga upang hindi malito ang mambabasa. Iwasan ang
pagiging maligoy. Ibigay ang wasto at direktang ideya.
3. Wakas
▪ Sapagkat ito ang huling nababasa, kinakailngang hindi mawala
ang interes ng mga mabbasa. Mag-iwan ng isang hindi
malilimutang kaisipan sa wakas.
Uri ng Pagsulat
1. Akademiko
› Intelektwal na pagsulat
› Layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng mga estudyante sa
paaralan
2. Teknikal
› Tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal na pangangailangan
› Nakatuon sa espesipikong audience o pangkat ng mga mambabasa
3. Dyornalistiko
› Pampamamahayag
4. Propesyonal
› Nakatuon o eksklusibo sa isang tiyak na propesyon

You might also like