You are on page 1of 10

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

Ika 11 ng Abril, 2022

I. LAYUNIN

Sa loob ng 40 minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a) Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagmamahal sa
bansa at pandaigdigang pagkakaisa tungo sa isang maunlad,
mapayapa at mapagkalingang pamayanan;
b) Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ang mga gawain na may kaugnayan sa kapayapaan at
kaayusan tungo sa pandaigdigang pagkakaisa; at
c) Mga kasanayan sa pagkakatuto:
Pagtupad sa mga batas para sa kaligtasan sa daan; pangkalusugan;
pangkapaligiran; pag-abuso sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot
(EsP6PPP-IIIh-i-40).

II. PAKSANG-ARALIN

a) Paksa: Modyul 6, Aralin 1— Mga Batas Para sa Kaligtasan at


Lumalahok sa mga Kampanya at Programa Para sa Pagpapatupad ng
Batas
b) Sanggunian: K to 12 Most Essential Learning Competencies sa
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 6, Ikatlong Markahan, pah. 88.
c) Kagamitan: PowerPoint Slides, Video Clip, Mga Larawan, “Ang
lumalabag sa kabawalan ay napaparusahan samantalang ang
sumusunod sa batas ay napagpapaumanhinan.” by wilkins dableo
d) Values Integration: Pagsunod sa batas at Pag-disiplina sa sarili

III. PAMAMARAAN

a. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng mga mag-aaral na dumalo sa klase sa pamamagitan
ng Google Form
4. Pag-papakita ng mga Alituntunin o Pamantayan na Dapat
Tandaan sa Online Class.
(https://www.youtube.com/watch?v=PiDRupTWy6o)
5. Balik-aral
Ang guro ay magpapakita ng mga larawan bilang balik-aral sa
nakaraang leksyon o aralin sa Modyul 5: Pagkamalikhain, Susi
sa Pag-unlad ng bansa;

• Lumang Dyaryo

• Plastik na Bote

• Lumang Damit

At pagkatapos, ang guro ay magbibigay ng mga sumusunod na


katanungan na sasagutan ng mga mag-aaral:

1. Ano sa tingin niyo ang makabuluhang gamit o proyekto


ang iyong mabubuo sa pamamagitan ng bagay na
ipinakita?
2. Ayon sa naging talakayan sa nakaraang klase, paano
maipapakita ang pagiging malikhain?
3. Ano-ano ang mga katangian na makatutulong upang
malinang ang pagiging malikhain?

6. Pagganyak

Bago talakayin ang bagong aralin, ang guro ay magpapakita ng


iba’t ibang larawan.

Mga tanong:

1. Anong mga suliranin ang ipinapakita sa bawat larawan?


2. Anu-anong batas ang nilabag nito?
3. Sinu-sino ang maaring maapektuhan sa hindi pag sunod
ng mga batas?

b. Pagtalakay

Ibabahagi ng guro ang kanyang screen sa klase upang talakayin ang


bagong aralin tungkol sa Pambansang Batas at magbibigay rin ng mga
karagdagang katanungan upang mas mapalalim ang pagkatuto ng
mga mag-aaral.

Ang Pambansang Batas

Ang mga pambansang batas ay ipinatutupad sa buong bansa.


Tungkulin ng lahat na mamamayang Pilipinong sumunod dito sapagkat
nagsisilbi itong gabay sa mga mamamayan sa pamumuhay nang
naaayon sa pinapahalagahan ng bansa. Ito ang mga batas na ginawa
ng Kongreso upang mapanatili ang kaayusan sa bansa. Halimbawa sa
mga batas na ito ang sumusunod:

BATAS PARA SA KALIGTASAN SA DAAN

• R.A. 10054 o Motorcycle Helmet Act of 2009


- Ito ay isang batas na nagpapatupad ng mandatory
enforcement ng paggamit ng standard protective
helmet sa pagmomotorsiklo.

BATAS PARA SA PANGKAPALIGIRAN

• RA Blg. 9003 o Ecological Solid Waste Management


Act of 2000
- Isang pambansang batas na may kinalaman sa
makakalikasan (environmental) at praktikal na
pamamahala ng basura. Nagagawa sa pamamagitan
ng segregation, pag-recycle at pag-reuse; at pag-
compost o paggawa ng abono (fertilizer).
BATAS PARA SA PAG-ABUSO SA PAGGAMIT NG
IPINAGBABAWAL NA GAMOT

• RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of


2002
- Isang batas laban sa pinsalang dulot ng ilegal na
droga at mga kauri nito.

BATAS PARA SA PANGKALUSUGAN

• Republic Act 11037 o Masustansiyang Pagkain Para


sa mga Batang Pilipino
- Feeding program sa bawat pampublikong paaralan
para sa mga undernourished na bata sa Pilipinas.

Mayroong mga pandaigdigang batas na nagsilbing gabay sa


mga mambabatas ng iba’t ibang bansa upang maisakatuparan ang
layon na pangangalaga sa kapakanan ng lahat ng mamamayan. Ang
halimbawa sa mga pinagbatayang pandaigdigang batas para sa
Pilipinas ay ang:
• United Nations Convention on the Rights of the Child
- Nagtatakda ng mga Karapatan ng mga kabataang
nasa 18 na taong gulang pababa. Saklaw ng
kasunduang ito ang karapatang sibil, political, kultural,
ekonomik at pangkalusugan.

c. Paglalapat

Pangkatang Gawain:
✓ Hahatiin ang klase sa apat na (4) na grupo. At sa bawat grupo
may nakatakdang break out room na kanilang papasukan kung
saan nila maaaring talakayin at paghandaan ang kanilang
presentasyon.
✓ Inaasahan rin na sa bawat grupo ay may napili o itinakdang
maging;
a. Pinuno (leader)- na siyang handang susubaybay at
gagabay sa bawat miyembro ng grupo sa kani-kanilang
gawain.
b. Kalihim (secretary)- na siyang maglilista ng bawat
kontribusyon ng mga miyembro ng grupo sa paggawa ng
pangkatang gawain. (hal. Cruz, Ana- tumulong sa
pagsagot sa mga tanong)
c. Tagapag-ulat (presenter)- na siyang magprepresenta sa
klase ng kabuuang nagawa ng grupo.
✓ Bibigyan lamang sila ng limang (5) minuto sa break-out room.
✓ At pagkatapos ng limang (5) minuto, tapos man o hindi pa tapos,
kinakailangan ng bumalik ang bawat grupo sa main room para
presentasyon.

Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa natutunan o naunawaan sa


aralin na itinalakay.

1. Ano ang layunin ng pagpapatupad ng batas para sa kaligtasan sa


daan; pangkapaligiran; pag-abuso sa paggamit ng ipinagbabawal
na gamut; at pangkalusugan?
2. Paano makilahok ang mga mamamayan sa pagpapatupad ng
batas?
3. Bilang mag-aaral, paano makasusunod sa batas na ito upang
mapanatili ang kapayapaan sa bansa at daigdig?
Gawin ring gabay sa inyong pagsagot ang rubriks sa ibaba.

d. Paglalahat

1. Ano ang kahalagahan ng pambansang batas?


2. Bilang mag-aaral, ano ang kahalagahan ng pag-alam o pag-
aaral sa mga batas?

Likas na sa ating mga tao ang kasamaan, ngunit sa kabila nito,


ang bawat isa ay may kabutihan. Ang mundo, puno ng
kasamaan at pang-aabuso. Ngunit sa pagkakaroon ng batas, ito
ay gumanda at kahit papaano’y naging mapayapa.

Dahil sa kadahilanang nagabayan tayo nito upang mahubog ang


kabutihan sa atin sa pagsunod sa mga regulasyon,
nagkakaroon tayo ng disiplina sa ating mga sarili at nalalaman
natin ang mga dapat gawin. Nagbibigay din ito ng gabay kung
ano ang tama at mali. Samakatuwid, natutulungan nito ang
bawat indibidwal na maging mabuting tao.

Tandaan!

“Ang lumalabag sa kabawalan ay napaparusahan samantalang


ang sumusunod sa batas ay napagpapaumanhinan.” by wilkins
dableo
IV. PAGTATAYA

Upang matukoy ng guro kung ang mga layunin sa pag-aaral na itinakda ay


nakamit o hindi. Ang guro ay magbibigay ng pagtataya sa pamamagitan ng
Google Form.

Panuto: Tingnan ng mabuti ang mga larawan. Piliin lamang ang titik ng
tamang sagot.

1.

a) Republic Act 11037


b) R.A. 10054
c) RA 9165
d) RA Blg. 9003

2.

a) Republic Act 11037


b) R.A. 10054
c) RA 9165
d) RA Blg. 9003

3.

a) Republic Act 11037


b) R.A. 10054
c) RA 9165
d) RA Blg. 9003

4.

a) Republic Act 11037


b) R.A. 10054
c) RA 9165
d) RA Blg. 9003

5.

a) United Nations Convention on the Rights of the Child


b) R.A. 10054
c) Republic Act 11037
d) RA Blg. 9003

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Masusing magmasid sa inyong pamayanan. Magtala sa Hanay A ng


limang (5) sitwasyon kung saan naipakikita ang pagsunod sa mga patakaran
at batas. Isulat naman sa Hanay B kung ano ang pangalan ng batas. Gamitin
ang Microsoft word sa paggawa nito at ipasa ang softcopy nito sa Assignment
tab ng Microsoft teams.
Sitwasyon na Nagpapakita ng Pangalan ng Batas
Pagsunod sa mga Patakaran at
Batas
Halimbawa: R.A 9003 o Ecological Solid Waste
Pagbubukod – bukod ng basura Management Act of 2000.
1.
2.
3.
4.
5.

Inihanda ni: Inobserbahan ni:

DIVINE N. POROL HEDDY S. CHUA


Pre-service Teacher Teacher III

You might also like