You are on page 1of 17

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Mga Mahalagang Hakbang Upang
Mapaunlad Ang Talento at
Kakayahan Ayon sa Hilig at
Mithiin

CO_Q4_EsP9_Module2
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Mga Mahalagang Hakbang Upang Mapaunlad Ang
Talento at Kakayahan Ayon sa Hilig at Mithiin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Emerita C. Acoymo
Editor: Vicente Jose V. Suarez, II
Evelin E. Luzarita
Tagasuri: Jephone P. Yorong
Tagaguhit: Edgardo P. Jamilar, Jr.
Tagalapat: Peter A. Alavanza, Reggy C. Asupre
Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres
Eugenio B. Penales,
Sonia D. Gonzales
Felix Romy A. Triambulo
Ella Grace M. Tagupa
Jephone P. Yorong

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region IX


Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City
E-mail Address: region9@deped.gov.ph
Alamin

Sa nakaraang modyul ay iyong natuklasan ang mga pagbabago sa mga


pansariling salik sa pagpili ng tamang kurso o track. Sa modyul namang ito,
inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-
unawa:
13.2 Napagninilayan ang mga mahahalagang hakbang na ginawa upang
mapaunlad ang kanyang talento at kakayahan ayon sa kanyang hilig, mithiin,
lokal at global na demand. (EsP9PK-IVa-13.2)

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng wastong
kasagutan at isulat ito sa iyong kwaderno o sagutang papel.
1. Sino ang Sikilohistang naghati sa anim na mga Jobs/Careers/work
environment?
a. Dr. Howard Garner c. Dr. Manuel Dy
b. John Holland d. Martin Luther King

2. Ang lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang
talino o talento. Bilang nasa Baitang 9, ano ang mahalagang
gampanin na dapat mong gawin sa mga talino o talentong
ipinagkaloob sa iyo na may kaugnayan sa pagpili mo ng nais na
kurso sa pagtuntong mo sa Senior High School?
a. Pahalagahan at paunlarin
b. Pagtuunan ng pansin at palaguin
c. Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat
d. Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso

3. Alin sa sumusunod ang dapat taglayin mong katangian upang


masabing asset ka ng kompanya?
a. Kung ikaw ay masahing manggagawa
b. Kung ikaw ay matalinong manggagawa
c. Kung ikaw ay produktibong manggagawa
d. Kung ikaw ay aktibong maggagawa

4. Si Lito ay mahusay bilang isang computer Programmer. Ngunit di


niya maisakatuparan ito kung wala siyang sariling kagamitan tulad
ng computer. Kaya nagsumikap siya na makamit ang hangaring
magkaroon nito, dahil hangad niyang mabigyan ng magandang buhay

1 CO_Q4_EsP9_Module2
ang kanyang mga magulang. Ano kaya ang kanyang gagawin na
makatulong sa pagkamit ng kanyang minimithi sa buhay?
a. Magkakaroon ng sariling computer
b. Matapos ang kaniyang kursong computer
c. Magkaroon ng computer shop
d. Humingi ng donasyon

Para sa aytem 5-6


Si Eric ay may kakayahang kumuha ng kursong Medisina ngunit ang
kanyang mga magulang ay kapos-palad upang tustusan ang kanyang minimithi sa
buhay bilang isang doctor.

5. Anong panlabas na salik ang nakakaapekto kay Eric sa kanyang


minimithi sa buhay?
a. Impluwensiya ng pamilya c. impluwensiya ng barkada
b. Kakayahang pinansyal d. lokal na demand

6. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Eric ano ang iyong gagawin?
a. Huminto muna at maghanap ng trabaho
b. Mag-alaga ng mga hayop sa bukid
c. Kumuha ng pasulit para sa scholarship
d. Maghanap ng mayamang mapapangasawa

Para sa aytem 7-8


Alam ng mga magulang ni Agatha na siya ay likas na maabilidad ngunit bago
siya mamili ng kurso ay humingi muna siya ng payo at mungkahi sa kanila.

7. Sa aling panloob na salik napapabilang ang sitwasyong ito?


a. Hilig c. pagpapahalaga
b. Kasanayan d. talento

8. Dapat bang suportahan ng mga magulang ang desisyon ng kanilang


mga anak?
a. Oo, para maging matagumpay ang anak sa hinaharap
b. Oo, para makita na yayaman ang mga anak sa hinaharap
c. Hindi, dahil kailangan munang magpahinga para mag-ipon
d. Hindi, dahil siya lamang ang nagdala ng swerte sa buhay niya.
9. Ang mga panloob na mga pansariling salik ay makakatulong sa pag-
unawa ng kahalagahan ng pagpaplano ng kursong akademiko o teknikal-
bokasyonal o negosyo bilang tugon sa hamon ng paggawa. Alin sa mga
sumusunod ang HINDI kabilang sa mga ito?
a. Talento
b. Hilig
c. Katayuang Pinansyal
d. Kakayahan
10. Kinahiligan ni Joe ang paggamit ng mga makina at iba pang mga
kagamitang pang-kunstruksiyon. Anong kakayahan ang tinutukoy ng
pahayag?
a. pakikiharap sa Tao
b. mga datos
c. mga bagay-bagay
d. mga ideya at sulosyon

2 CO_Q4_EsP9_Module2
Mga Mahalagang Hakbang
Aralin
Upang Mapaunlad Ang
2 Talento at Kakayahan Ayon
sa Hilig at Mithiin
“Handa ka na ba?” ang malimit na tanong ng taong hinihintay ang iyong
paghahanda sa isang gawain. Madalas ito rin ang linya ng iyong guro bago ang
pagsusulit o di kaya naman, ito ay nasasambit ng isang Game Master sa kanyang
contest bago magsimula ang kompetisyon o laro. Kawili-wiling tanong ngunit
nakakagulat kung paano ito sasagutin nang mabilisan. Ikaw, handa ka na rin bang
pumili ng nais mong kurso sa pagtuntong mo sa Senior High School (Baitang 11 at
12)? Ito na ang huling markahan bago magtapos ang iyong taon sa Baitang 9,
ngunit bago ito mangyari, kailangan mo munang magpasya at pumili para sa iyong
sarili kung ano ang nais mong kuning kurso. Nais mo bang masagot ang mga
tanong na iyan nang sigurado ka at nang walang alinlangan? May mga dapat bang
pagbatayan sa mga pagpili mong ito, o sapat na bang makinig na lamang at umasa
sa mga taong nakapaligid sa iyo? Ang mga tanong na iyan ay malinaw na sasagutin
at ipaliliwanag sa iyo ng modyul na ito kasama na ang susunod na tatlo pang
bahagi ng markahang ito. Ang mga kaalaman na makukuha mo rito ang
magsisilbing unang hakbang patungo sa direksyong minimithi mo at ang pangarap
ng mga taong sa iyo ay nagtitiwala.
Inaasahang masasagot mo ang pinakamahalagang tanong pagkatapos ng
modyul na ito: Bakit mahalagang tugma ang mga pansariling salik sa mga
pangangailangan (requirements) sa napiling kursong Akademiko, Teknikal-
Bokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay daan upang magkaroon ng
makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak ang pagiging produktibo at
pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa?

3 CO_Q4_EsP9_Module2
Balikan

Naalala mo pa ba ang mga pagbabagong natukoy mo sa iyong talento,


kakayahan at hilig sa tulong ng nakaraang modyul? Mula sa pagbabalik-tanaw
mo, dalawang taon mula ngayon, nalaman mong maraming mga pagbabago ang
nangyari sa iyong sarili, hindi lamang sa pisikal ngunit sa iyong kabuuan. Ang mga
pagbabagong ito ay nakaapekto sa iyo sa pagpili ng kukuning kurso o track sa
Senior High School. Muling alalahanin ang iyong naging pagsusuri sa nakaraang
modyul at buong-husay na sagutin ang mga sumusunod sa iyong kwaderno.

Mga Tanong:
1. Ano-anong mga pagbabago sa talento, kakayahan at hilig ang iyong
natuklasan?
2. Nagbago rin ba ang kursong kukunin mo noong nasa Baitang 7 ka?
Ipaliwanag.
3. Sa mga pagbabago sa iyong talento, kakayahan at hilig, nakaapekto ba
ito sa track o kursong nais mong kuhanin sa Senior High School?

Tunay na hindi ganoon kadali ang pumili at tumukoy ng mga pagbabagong


naranasan noong ikaw ay nasa Baitang 7 na may kaugnayan sa talento,
kakayahan, at hilig ngunit dahil sa angking kalayaan sa pagpapasya ay magagawa
mo ng walang alinlangan ang mahalagang bagay na ito sa buhay mo. Sa
pagtuntong mo sa susunod na gawain, mapagninilayan mo ang mga mahahalagang
hakbang na ginawa upang mapaunlad ang talento at kakayahan ayon sa iyong
hilig at mithiin.

Mga Tala para sa Guro


Magandang araw sa iyo. Kumusta ka? Muli na naman tayong
magkakasama. Inaasahan kong natulungan ka ng mga naunang
modyul na ginawa ko para sa iyo. Muli, naghanda na naman ako
ng modyul na tutulong sa iyo upang tuklasin ang iyong mga
pansariling salik sa pagpili ng tamang kursong akademiko o
teknikal-bokasyonal, sining at isports, negosyo o hanapbuhay.

4 CO_Q4_EsP9_Module2
Tuklasin

Basahin ito:

“Anak, mag-aral kang mabuti para sa iyong kinabukasan at para sa ating


pamilya”. Narining mo na ba sa iyong nanay o tatay, maging sa sa iyong lolo o lola?
May ideya ka ba kung bakit nila ito sinasabi sa iyo? Bunga ng kanilang mga
karanasan at karanasan ng iba nilang kakilala, ibinahagi sa iyo ang ganitong payo.
Matapos mong tuparin ang kanilang payo, may mga paghahanda ka bang
ginagawa para sa papasukin mong mundo pagkatapos ng pag-aaral – ang mundo
ng paggawa?

Matapos mong magpamalas ng kasipagan sa pag-aaral, paghahasa ng iyong


isipan sa mga pagsusulit, at pagbubuo ng mga konsepto mula sa lahat ng mga
natutuhan, ano naman ang paghahandang iyong ginawa upang makapili ng
angkop o tamang track o kurso tungo sa hanapbuhay o trabahong iyong
papasukin?

Ang anim na pansariling salik sa pagpili ng track o kurso ay ilan lamang na


gabay tungo sa iyong maayos na pagpili patungo sa maunlad na hanapbuhay na
nag-aantay sa iyo sa pagtatapos mo sa Senior High School. Kaya, ngayon pa
lamang mula sa iyong kakayahang mag-isip (intellect) at kalayaan ng kilos-loob
(freewill) ay gamitin ito tungo sa tama at wastong pagpili o pagpapasya.

Ang nakalulungkot dito ay hindi mo man lang masabi o maipahayag ang


iyong tunay na pasiya o nais na kukuning track o kurso dahil may gusto ang iyong
mga magulang para sa iyo. Maaring hindi pa matatag ang iyong loob na ito ay
sabihin at ipaliwanag. Hindi pa huli para sa iyo na magpasiya para sa sarili at
maging maligaya sa pinili mo ang iyong loob na ito ay sabihin at ipaliwanag. Hindi
pa huli para sa iyo na magpasiya para sa sarili at maging maligaya sa pinili mo.

5 CO_Q4_EsP9_Module2
Suriin

Kaya sa modyul na ito ay palalawakin natin ang iyong pang-unawa sa mga


pansariling salik sa pagpili ng tamang track o kursong akademiko, teknikal
bokasyunal, sining at desenyo at isports.

1. Talento- isang pambihrang biyaya at likas na kakayahang kailangang


tuklasin dahil ito ang magsisilbi mong batayan sa pagpili ng track o kursong
akademiko, o teknikal bokasyunal, negosyo o hanapbuhay sa iyong
pagtatapos ng Junior High School. Tulad ng:
1. Visual/Spatial 5. Musical/Rhythmic
2. Verbal/linguistics 6. Intrapersonal
3. Mathematical/Logical 7. Interpersonal
4. Bodily Kinesthetic 8. Existential

2. Kasanayan o Skills- ay mga bagay kung saan tayo mahusay o magaling, na


naiiugnay ito sa salitang abilidad, kakayahan o kahusayan. Tulad ng;
a. Kasanayan sa pakikiharap sa mga tao (People Skills)- magiliw na
naglilingkod sa kapwa.
b. Kasanayan sa mga datos (Data Skills)- magaling magtago ng mga
piles/dokumento
c. Kasanayan sa mga bagay-bagay (Things Skills)- nagpapaandar ng
mga makina, nag-aayos ng mga kagamitan, nakaunawa at umaayos
sa mga pisikal, kemikal at biyolohikong mga functions.
d. Kasanayan sa Ideya at Solusyon (Ideas Skills)- lumulutas ng mga
mahihirap at teknikal na bagay at nagpapahayag ng mga saloobin at
damdamin sa malikhaing paraan.

3. Hilig - nasasalamin ito sa mga paboritong Gawain na nagpapasya sa iyo


dahil gusto mo at buo ang iyong puso na ibigay ang lahat ng makakaya ng
hindi makaramdam ng pagod o pagkabagot. Salungat ditto ang mga Gawain
o bagay na ayaw mong gawin.
Hinati ng sikolohistang si John Holland sa anim ang mga
Jobs/career/work environment, ito ay:
a. Realistic –Nasisiyahan sa pagbuo ng mga bagay gamit ang malikhaing
kamay o gamit ang mga kasangkapan kaysa makihalubilo sa mga tao at
makipagpalitan ng opinion. Matapang, praktikal at mahilig sa mga
gawaing outdoor .
b. Investigative- Nakatuon sa mga gawaing pang-agham, gusting
magtrabaho ng mag-isa kaysa may kasamang iba. Mayaman sa ideya at
malikhain sa kakayahang pang-agham. Sila ay mapanaliksik, mapanuri,
malalim, matalino at task oriented.
c. Artistic – Malaya, malikhain at mataas ang imahinasyon at may
malawak na isipan. Nais nila ang mga gawaing may kaugnayan sa wika,
sining, musika, pag-arte at iba pa.
d. Social - Palakaibigan, popular at responsible. Gusto nila ang
interaksiyon at
pinaliligiran ng mga tao. Madalas mas interesado sila sa mga talakayan
ng mga problema o sitwasyon ng iba at mga katulad na gawain.
e. Enterprising- Mapanghikayat, mahusay mangumbinsi ng iba para sa

6 CO_Q4_EsP9_Module2
pagkamit ng inaasahan o target goals. Ang mga taong may mataas na
interes dito ay madalas na masigla, nangunguna at may pagkukusa at
kung minsan ay madaling mawalan ng pagtitimpi at pasensya.
f. Conventional - naghahanap ng mga panununtunan at direksiyon;
kumikilos
ayon sa tiyak na inaasahan sa kanila. Mailalarawan sila bilang
matiyaga, mapanagutan at mahinahon. Masaya sila sa mga gawaing
tiyak, may sistemang sinusunod, maayos ang mga datos at organosado
ang record.

4. Pagpapahalaga- ay nagpapamalas ng pagsisikap na abutin ang mga


ninanais sa buhay at makapaglingkod ng may pagmamahal sa bayan bilang
pakikibahagi sa pag-unlad n gating ekonomiya.

5. Mithiin- Kailangang magkaroon ng matibay na personal na pahayag ng


misyon sa buhay para makamit ang minimithi. Di lang dapat umiiral sa iyo
ang hangaring magkaroon ng mga materyal na bagay at kaginhawaan sa
buhay, kailangan ay isipin rin ang pakikibahagi para sa kabutihang
panlahat.

Sa pagpili ng Track o Kurso para sa Baitang -11 dapat isalang-alang ang


mga sumusunod:
1. Ang magkaroon ng makabuluhang hanapbuhay o maiangat ang antas
ng buhay.
2. Tataglayin mo ang katangian ng isang produktibong maggagawa.
3. Kung masisiguro ang pagiging produktibo sa iyong mga Gawain, ikaw
rin ay nakikibahagi sa pag-uunlad ng ekonomiya ng bansa.

Sa pagsusuri ng maigi at pagbabalanse ng kahalagahan at epekto sa iyo ng


mga pansarili at panlabas na salik ay higit na makapagbibigay ng tamang pasya na
makatutulong upang maging produktibo bilang isang mamamayan.

Mga Gawain:
Panuto: Sundin ang sumusunod na panuto. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Sa bahaging ito ay tingnan natin na mas malawak na pang-unawa ang pansarili
na salik at mga hakbang sa pagtupad.
2. Sa unang kolum, isulat ang iyong mga hilig
3. Sa ikalawang kolum ay isulat naman ang mga hakbang o mga hakbang na
dapat isagawa upang ito ay maisakatuparan o magamit na kapakipakinabang.

7 CO_Q4_EsP9_Module2
Gawain 1
Hilig Mga Hakbang Upang Maisakatuparan at
Kapakipakinabang

Panuto: Sagutan ang sumusunod at isulat ang sagot sa kuwaderno. Punan ang
sumusunod na kahon ng angkop na sagot tulad ng sa Gawain 1.

Gawain 2
Kakayahan Mga Hakbang Upang Maisakatuparan at
Kapakipakinabang

Panuto: Sagutan ang sumusunod at isulat ang sagot sa kuwaderno. Punan ang
sumusunod na kahon ng angkop na sagot tulad ng sa Gawain 1.

Gawain 3
Talento Mga Hakbang sa Pag-unlad

8 CO_Q4_EsP9_Module2
Pagyamanin

Pagkatapos mong maunawaan at mapagnilayan ang mga hakbang upang


maisakatuparan at magamit sa kapakipakinabang ang iyong mga talento,
kakayahan at hilig. Buong husay namang sagutin sa iyong kwaderno ang mga
sumusunod na katanungan.

Gawain 1

Mga tanong:
1. Ano-ano ang iyong mga naging batayan sa upang malaman kung anong
hakbang ang dapat gawin upang maisakatuparan o magamit sa
kapakipakinabang ang iyong talento, kakayahan at hilig?
2. Bakit mahalagang magkaroon at masunod ang mga hakbang sa
pagsasakatuparan o paggamit ng pansariling salik sa pagpili ng kurso sa
kapakipakinabang?
3. Paano mo mapapanatili ang sarili na sinusunod ang mga hakbang na iyong
ibinigay?

Isaisip

Panuto: Muling alalahanin ang mga hakbang na iyong inilista sa nakaraang


gawain. Pagnilayan mo ang mga ito at sa tulong ng talahanayan sa ibaba ay
sagutin ang mga katanungan sa iyong kwaderno.

Mga Panloob na
Hilig Mithiin Demand
Salik
1. Ano-anong mga 1. Ano-anong mga 1. Ano-anong
mahalagang hakbang mahalagang hakbang mga mahalagang
Talento na iyong gagawin na iyong gagawin hakbang na
upang mapaunlad upang mapaunlad iyong gagawin
ang Talento ayon sa ang Talento ayon sa upang
iyong Hilig? iyong Mithiin? mapaunlad ang
Talento ayon sa
iyong lokal at
Global na
Demand?

9 CO_Q4_EsP9_Module2
1. Ano-anong mga 1. Ano-anong mga 1. Ano-anong
mahalagang hakbang mahalagang hakbang mga mahalagang
Kakayahan na iyong gagawin na iyong gagawin hakbang na
upang mapaunlad upang mapaunlad iyong gagawin
ang Kakayahan ayon ang Kakayahan ayon upang
sa iyong Hilig? sa iyong Mithiin? mapaunlad ang
Kakayahan
ayon sa iyong
Lokal at Global
na Demand?

Isagawa

Sa nagdaang modyul sa parehong bahagi, meron kayong nailista na


mga kurso o trabaho na ayon sa inyong talento hilig at kakayahan. Batay sa
mga kursong inyong nailista i-aayos mo ito ng sunod-sunod ayon sa inyong
hilig, mithiin at lokal at global na demand. Pagkatapos ipaliwanag kung
paano mo nabuo. Isulat sa inyong kuwaderno.

Tayahin

Halina’t ating sukatin ang iyong natutunang kaalaman sa aralin. Buong-husay


mong sagutin ang mga sumusunod na aytem para sa pagtataya.
Panuto: Basahin ang bawat aytem at piliin ang angkop na sagot sa mga
tanong/pahayag . Isulat lamang ang titik sa sagutang papel sa napili mong sagot.
1. Alin sa mga sumusunod na interes napapabilang ang pagiging Economist?
a. Realistic c. Investigative
b. Artistic d. Social

2. Ang lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang talino o
talento. Bilang nasa Baitang 9, ano ang mahalagang gampanin na dapat mong
gawin sa mga talino o talentong ipinagkaloob sa iyo na may kaugnayan sa
pagpili mo ng nais na kurso sa pagtuntong mo sa Senior High School?
a. Pahalagahan at paunlarin
b. Pagtuunan ng pansin at palaguin
c. Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihanG panlahat
d.Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso

10 CO_Q4_EsP9_Module2
3. Sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipiliang kurso
para sa nalalapit na Senior High School, Ano ang dapat na maging
aksyon mo?
a. Makinig sa mga gusto ng kaibigan
b. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
c. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at
magplano
d. Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umasa sa kanilang
desisyon
4. Ang aming kapitbahay ay laging nakikipagtulungan, nakikisama sa iba
kaya’t naging matagumpay sila sa kung anumang aktibidades na gagawin ng
aming pamayanan. Sa aling kasanayan/skills ito napapabilang?
a. Kasanaya sa mga ideya at solusyon
b. Kasanayan sa mga bagay-bagay
c. Kasanayan sa mga datos
d. Kasanayan sa pakikiharap sa mga tao
5. Nakasanayan na ni Athan ang pagsasaayos ng mga gamit sa talyer. Kaya
naisip niya na mag-aaral ng kursong Engineering sa unibersidad ng Dapitan.
Anong pansariling salik ang isinaalang-alang ni Athan sa kaniyang naging
desisyon sa kursong kukunin sa kolehiyo?
a. pinansyal
b. kakayahan
c. pagpapahalaga
d. mithiin

6. Si aling Agnes ay nagtatrabaho bilang Clerk sa isang kompaniya. Siya ang


humahawak sa mga dokumento at nag-aayos ng mga files at inoorganisa ito.
Sa aling kasanayan/skills ito napapabilang.

a. kasanayan sa mga ideya o solusyon


b. kasanayan sa mga datos
c. kasanayan sa pakikiharap sa mga tao
d. kasanayan sa mga bagay-bagay

7. Siya ay maabilidad, may kakayahan at kahusayan sa paggawa kung ang


pag- uusapan ay ang pagluluto ng iba’t ibang kakanin. Sa alin pansariling
interes siya napapabilang?
a. mithiin
b. pagpapahalaga
c. kasanayan
d. hilig

11 CO_Q4_EsP9_Module2
8. Alam ni Cita na hindi niya kakayanin ang kursong Medisina gayundin ang
kakayahan ng kaniyang magulang na suportahan siya. Kaya ang kanyang
ginawa ay naghanap siya ng mga scholarship sa kanilang munisipyo at iba
pang institusyon at unti-unti ay nagsulat siya ng mga tiyak niyang plano at
mga paalaala daan upang maging gabay niya. Anong pansariling salik ang
isinagawa ni Cita?
a. katayuang pinansyal
b. mithiin
c. hilig
d. pagpapahalaga

9. Kung si Maria ay mahusay sa paghihikayat at pangungumbinsi sa iba para


sa pagkamit ng inaasahan o target goals ay sa aling pansariling interes siya
napapabilang?
a. investigative c. social
b. Enterprising d. Realistic

10. Ang mga sumusunod ay mga hakbang na gawain sa pagpili ng track o


kurso, maliban sa isa.
a. Ang magkakaroon ng makabuluhang hanapbuhay
b. Taglayin ang katangian ng isang produktibong manggagawa
c. Makapagtapos at yumaman sa buhay na di alintana ang iba
d. Masisiguro ang pagiging produktibo sa gawain na makapapaunlad sa
bansa

Karagdagan Gawain

Panuto: Bilang paglalahat na gawain ay sagutin mo ang mga tanong sa kuwaderno.


1.) Ano-ano sa mga salik na ating tinalakay ang sa tingin mo ay makaaapekto sa
iyong pagpapasiya? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2.) May pagbabago ba sa iyong pasiya matapos malaman ang mga panloob na mga
salik? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3.) Ano ang bagong natuklasan mo sa iyong sarili? Paano mo magagamit ang mga
natuklasang ito sa agpli ng kurso o Track sa Senior High?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

12 CO_Q4_EsP9_Module2
CO_Q4_EsP9_Module2 13
Subukin Tayahin
1. B 1. A
2. C 2. C
3. C 3. C
4. A 4. C
5. B 5. B
6. C 6. A
7. D 7. C
8. A 8. A
9. C 9. B
10.C 10.C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Gayola, Sheryl T., et al. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao 9: Modyul Para sa
Mag-aaral. 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig City,
Philippines 1600: FEP Printing Corporation.

14 CO_Q4_EsP9_Module2
Para samgakatanungan o puna, sumulat o tumawagsa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

15 CO_Q4_EsP9_Module2

You might also like