Attachments ESP Q3 Week 7

You might also like

You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
FRANCES NATIONAL HIGH SCHOOL
Frances, Calumpit, Bulacan

Malamasusing Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10

I. Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang...

a. nasusuri ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan ( patriotismo)

b. nakagagawa ng

c. naisasabuhay ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan

II. Nilalaman:

Paksa: Pagmamahal sa Bayan

Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 10 gabay sa pagtuturo Pahina

Kagamitan: Pisara, yeso, laptop, telebisyon

Karagdagang kagamitan: https://images.app.goo.gl/TV46v2RpZymKacP57

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1. Pagbati

Panalangin

Pagpipisik ng alcohol sa kamay

Pagtatala ng liban

2. Balik aral

Ang guro ay magbabalik aral sa pamamagitan ng ilang katanungan.

* Ano ang kahulugan ng espirituwalidad at pananampalataya

* Ibigay ang ibat ibang uri ng pananampalataya sa panginoon.

B. Panlinang na Gawain

Pagganyak:

Ang guro ay magpapakita ng larawan ng mga halimbawa ng pagmamahal sa bayan.

( Pictures)

Paghahabi ng Aralin:

I .Pagkatapos magpakita ng mga larawan ang mga mag-aaral ay magbibigay sariling hinuha tungkol sa mga larawang
kanilang nakita .

Paglalahad:

Tatalakayin ng guro at ng mag-aaral ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan

Ang importansya ng pagmamahal sa bayan


Halimbawa ng pagmamahal sa bayan:

II. Sa pagpapalalim ng talakayan, ang guro ay tatalakayin ang..

1. Pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan

2. Mga pagpapahalaga sa mga indikasyon ng pagmamahal sa bayan

3. Mga angkop na kilos na nagpamalas ng pagmamahal sa bayan

Ang mga mag-aaral ay gagawa ng malayang tula na may temang "pagmamahal sa bayan"

*Ang guro ay magpapakita ng kriterya para sa gagawing aktibidad.

*Pagsasagawa ng mga magaaral sa aktibidad.

Pagpapahalaga:

Bilang isang mag-aaral pano niyo maipapakita ang pagmamahal sa bayan o sa inyong komunidad

Paglalahat:

*Alin sa mga pagpapahalagang nabanggit ang kailangan mo pang malaman?

*Anong kilos ang maaari mong gawin upang matigil at mapreserba ang ating kultura bilang isang Pilipino?

Pagtataya:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag at tukuyin kung tama o mali ukol sa pagmamahal sa bayan. Isulat
ang TAMA kung ang pahayag ay tama at isulat ang MALI kung hindi tama ang pahayag.

_________1. Isa sa mga paglabag sa Pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan ay ang hindi pag-aaral ng mabuti.
_________2. Ang pagmamahal sa bayan ay nagiging daan upang makamit ang layunin.

_________3. Sinuman ay ligtas sa pagsasabuhay ng umiiral sa mundo kasama ang ating kapwa.

_________4. Napapahalagahan ang pagmamahal sa bayan ang kultura, paniniwala, at pagkakakilanlan.

_________5. Makakamit ang pagsulong ng bansa kahit kaniya kaniya o iba iba ang layunin ng mamamayan nito.

Takdang Aralin:

Gumawa ng proyekto sa iyong komunidad na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan, maaaring ito ay islogan o
panawagan upang mahikayat ang mga kababayan natin na mapreserba ang kulturang Pilipino. Ikabit sa komunidad at
kuhanan ng larawan. Makipag-ugnayan sa mga namumuno sa komunidad. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

You might also like