You are on page 1of 2

Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa pananaliksik na ito, layon ng mga mananaliksik na malaman ang epekto ng

teknolohiya sa patuloy na paghubog sa ugali o personalidad ng mga mag-aaral.

Mahalagang matukoy kung ano ang epekto ng teknolohiya sa paghubog sa ugali ng

mag-aaral lalo sa panahon ngayon kung saan mataas ang porsyento ng pag-depende

ng mga tao sa teknolohiya. Ang pag-aaral na ito ay inaasahang maging kapaki-

pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, malalaman ng mga mag-

aaral kung paano nakaka-apekto sa paghubog o pagbabago ng kanilang ugali sa

patuloy na paggamit nang teknolohiya sa araw-araw na pamumuhay. Magkakaroon

ng mas malawak na pananaw ang mga mag-aaral sa maaring epekto ng teknolohiya

sa paghubog nang kanilang ugali o personalidad na kanilang dadalhin hanggang sa

kanilang paglaki. Makatutulong din ito upang matutunan nila ang pagkakaroon ng

limitasyon sa paggamit nang nasabing teknolohiya at paggamit nito bilang gabay sa

pagpapaunlad ng kanilang sarili.

Sa mga magulang. Ang pananaliksik na ito ay maaring magsilbing gabay para sa mga

magulang upang malaman nila ang mga masama at mabuting epekto ng teknolohiya

sa paghubog sa ugali o personalidad ng kanilang mga anak. Sa pamamagitan ng pag-

aaral na ito, magkakaroon ng ideya ang mga ito at maaring maagapan ng maaga ang

matagal na pagpapa-gamit nang teknolohiya sa mga anak dahil sa mga masamang

epekto ng teknolohiya sa paguhobog ng ugali o personalidad ng mga ito.

Sa lahat ng mamamayan. Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa mga mamamayan

na madalas gumamit ng teknolohiya sa kanilang araw-araw na pamumuhay sapagkat

magkakaroon sila ng malalim na pag-unawa sa epekto nito lalo na sa paghubog ng


kanilang mga ugali o personalidad. Kung paano ito nakaka-apekto sa pagtingin nila sa

mga isyu o pananaw sa buhay dahil sa mga nakikita nila sa kanilang mga gadyet.

Sa mga mananaliksik sa hinaharap. Ang pananaliksik na ito ay maaaring magsilbing

gabay at dagdag na impormasyon kung sakaling kaugnay ang paksa na ito sa kanilang

napiling paksa. Makapagbibigay ito ng dagdag na kaugnay na literatura at

karagdagang kaalaman.

You might also like