You are on page 1of 1

Ang menshaeng nais iparating ng awiting “Ang awit ng wika” na hindi makikita sa

mga awiting ingles ay ang pagpapakita ng mga katangian na nagagawa ng wikang


filipino sa buhay ng isang pilipino. Makikita ang paggamit ng pagtutulad ng wika sa
mga bagay na kailangan natin para mabuhay. Gaya na lamang ng tubig, apoy, bato at
hangin. Tila ba nais ipabatid ng sumulat ng kanta na gaya ng mga bagay na
nabanggit, hindi din natin kakayanin mabuhay kung wala ang ating wika. At hindi
natin ito karaniwan makikita sa mga awiting ingles dahil ang madalas na paksa o
tema ng mga awiting ingles ay tungkol sap ag-ibi at wala o iilan lamang ang mga
awitin na tungkol sa pagpapahalaga sa kanilang wika.

Papel ng wikang filipino sa bayan.

 Ang wikang filipino ang nagbubuklod sa bawat mamayan ng ating bansa. Dahil
wika ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipagkaunawaan sa bawat isa.
 Ang wikang filipino din ang nagpapakita ng pagkakakilanlan sa ating bilang isang
filipino dahil ito ay sarili nating wika.
 Nasabi rin sa awit na ang wika ay sandigan nitong kasarinlan. Napakalaking
gampanin ng wika sa ating kasarinlan sapagkat ito ang ating ginamit upang
manindigan at ipaglaban ang kalayaan ng ating bayan.
 Sa rap na parte ng kanta ay nasabi na ang wika ay hangin na siyang bumubuhay
sa patid na higal ng kulturang patay. Alam natin na hangin ay isa sa pinaka
kailangan ng isang tao para mabuhay. At upang itulad ang wika sa hangin ay
napakalaking bagay dahil kagaya ng hangin paano na lamang mabubuhay ang
isang tao kung wala itong wikang kinagisnan. Paano na lamang niya
maipapabatid ang kanyang mga saloobin at ideya kung walang wika na
instrumento upang maipabatid ito.

You might also like