You are on page 1of 1

Isang maganda at mapagpalang araw sa inyong lahat.

Ako ay natutuwa at nagagalak sa pagkatataong


ako’y nasa inyong harapan upang makapabigay ng isang talumpati. Hinihiling ko na naway buksan niyo
ang inyong pusot isipan sa paksang aking tatalakayin. Ito ay aking pinamagatang ang pagmamahal ng
isang magulang.

Lahat ay gagawin para sayo, lahat ibibigay ano mang gusto. Sino nga ba ang taong ito? Ito ang ating
magulang ang unang taong nagmahal, nag aruga at nagsakripisyo sa atin. Ama’t ina kung ating tawagin.
Sa bawat hakbang ng ating buhay, sila ang ating kaagapay. Sa hamon ng mundong animo’y gulong na
minsay hindi natin natin mawari, hindi sila nangiwan at umurong.

Sa oras na ito nais kung magpasalamat at ipahayag kung paano magmahal ang isang magulang sa
kanyang anak? Sa lahat ng tao sa mundo, sila ang pinakakakampi mo. Sila yung laging nariyan, madapa
ka man, ilang beses ka mang makalimot ikaw ay patuloy na babalikan at tatanggapin ng buong puso. Sila
yung taong napapagalitan ka man minsan pero tanda lang ito ng kanilang pagmamahal.

Ngunit hindi sa lahat ng oras nariyan sila, lahat ay umaalis at nawawala. Habang may pagkakataon,
habang meron pang panahon iparamdam mo sa kanila kung gaano sila kahalaga, kung gaano ka
nagpapasalamat sa buhay na handog nila.Pasalamat kung hindi dahil sa kanila, wala ka sa kung saan ka
man. Kung ano ka man sa susunod na yugto ng iyong buhay, ito’y iyong tandan. Hindi ka magiging ikaw,
kung walang ama na nagpakahirap sa pagtatrabaho at pagtataguyod saiyo o sa inyo. Hindi ka magiging
ikaw, kung walang inang nagsilang sayo at minulat ka sa mundo. Hindi ka magiging ikaw kung walang
magulang na minsan ng naging ilaw mo sa madilim na mundo. Maswerte ang taong may ama’t ina pa,
maswerte ang may buong pamilya kaya’t kung isa ka sa masuswerte na iyon, sila’y iyong pahalagahan.

Bago matapos ang talumpating ito, tatlong salita na may labing isang letra lamang ang bibitawan ko
“mahal ko kayo” Ito ay pagmamahal na walang limitasyon, lahat ibibigay sa inyo na walang kondisyon.
Sa piling niyo’y langit ang buhay, nawa’y kayoy pagpalain habang buhay. Salamat sa inyo mahal kung
nanay at tatay.

You might also like