You are on page 1of 5

RADIO BROADCASTING SCRIPT

Anchor 1: Pauline Sicat

Anchor 2: Christine Quiambao

Infomercial 1:

Infomercial 2:

Infomercial 3:

News Presenters: Crizzaine Valenzuela, Helena Aguirre, Yasmien Yumul,

-intro-

Anchor: DWHS RADYO EXPRESS BALITA

Anchor 1: Magandang umaga Pilipinas. Narito na ang mga nagbabagang balita sa oras na ito.

Anchor 2: Bulkang Hibok-hibok, pumutok, limang daang residente, patay!

Anchor 1: Malaking bahagi ng Mindanao, niyanig ng magnitude 7.1 na lindol. Ibang detalye, alamin!

Anchor 2: Pagguho ng lupa sa Leyte dulot ng Bagyong Vicky, tutukan!

Anchor 1: Ito ang DWHS RADYO EXPRESS BALITA

Anchor 2: Mata ng bayan, boses ng katotohanan

Anchor 1: DWHS, otso otso sa palapihitan ng inyong mga radio

Anchor 2: Mula sa buong puwersa ng DWHS News Information Center

Anchor 1: D-D-D-DWHS

Anchor 1, 2: SINGKO OTSO KUWATRO

Anchor 2: Mula sa bulwagang pambalitaan, himpilan at sandigan ng bayan, Ito ang DWHS!

Anchor 1: Daluyan ng tapat at totoong isyu ng bayan

Anchor 2: DWHS RADYO EXPRESS BALITA

Zaine: Miyembro ng KBP, Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas (soft tone)

(back to news)

*infomercial*

-news-

Anchor 1: At muling nagbabalik ang DWHS RADYO EXPRESS BALITA. Mt. Hibok-hibok, pumutok, limang
daang residente, patay! Alamin ang detalye ng pagsabog mula kay Radyo Express Crizzaine Valenzuela.

Zaine: Unang pumutok ang Bulkang Hibok-Hibok noong 1827 at nasundan noong 1862. Parehong
nagdulot ng malaking pinsala sa mga taniman ang mga pagsabog na ito. Noong Enero 1871, ang mga
lindol at pagyanig sa ilalim ng bulkan na tumagal hanggang Abril ay sinundan ng pagbuga ng mga bato at
abo na sumira sa kalupaan at mga plantasyon sa dulong hilaga ng Camiguin. Sa pagsabog na ito nabuo
ang isa sa mga simboryo ng bulkan na tinawag na Vulcan at umabot ang taas nitó sa 457 metro. Ang
kasalukuyang simboryo ng bulkan ay nagbuga ng maputing usok ng asupre na sumisira sa mga pananim
sa lugar. Tumagal ang ganitong aktibidad ng bulkan hanggang 1902 at naulit ang ganitong pagbuga ng
asupre noong 1948 na nagresulta sa pagkakaroon ng panibagong butas sa bulkan. Nang sumabog ito
noong 4 Disyembre 1951, may 500 katao ang namatay, nasunog ang maraming bahay, at maraming
nasirang pananim. Dahil sa pagiging aktibo, maraming naninirahan sa paligid nitó ang lumipat sa ibang
kalapit na pulo. (AMP) (ed VSA)
Zaine: Crizzaine Valenzuela, nag-uulat para radyo express balita!

Anchor 2: Malaking bahagi ng Mindanao, niyanig ng magnitude 7.1 na lindol! Para sa mga detalye,
naririto si Radio Express Asy Aguirre

Asy: Niyanig ng malakas na lindol ang malaking bahagi ng Mindanao alas-8:23 ng gabi noong January 21.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang isang magnitude 7.1 na lindol na tumama sa karagatan ng Davao
Occidental. Naitala ang Intensity 5 sa General Santos City, at sa mga bayan ng Kiamba, Glan, Maitum at
Malungon sa Sarangani. Ramdam din sa bayan ng Magsaysay sa Davao del Sur ang malakas na pagyanig
na nagpagalaw ng ilang gamit at pader, ayon kay municipal information officer Anthony Allada. Sa bayan
ng Bansalan, Davao del Sur, nahulog ang mga produkto sa isang tindahan na katatapos lang maayos sa
mga istante. Ayon sa may-ari ng tindahan na si Marife Agsaulio, abala siya sa pag-asikaso ng mga
kustomer nang biglang makaramdam ng malakas na pagyanig.
Nag-unahan sa paglabas ng tindahan ang mga customer habang si Marife ay natisod.
Nahulog din ang mga paninda sa isang tindahan sa Barangay Rodero, Makilala, Cotabato. Sa bayan ng
Lutayan, South Cotabato, nahulugan ng bitak ng hollow blocks ang mga gamit ni si Nash Alfonso
Naitala sa bayan ang epicenter ng dalawang lindol.

Asy: Helena Aguirre, nag-uulat para sa radyo express balita!

Anchor 1: Susunod ay ang pagguho ng lupa sa Mahaplag, Leyte na dulot ng Bagyong Vicky. Sa’tin ay
nakatutok si Radio Express Yasmien Yumul.

Yasmien: Limang katao ang naiulat na namatay noong Sabado dahil sa pananalakay ng Tropical
Depression Vicky.Isang pagguho ng lupa na sanhi ng malakas na pag-ulan ang pumatay ng halos
dalawang tao at sanhi ng pagbagsak ng isang bahagi ng kalsada sa Mahaplag, Leyte, sinabi ng alkalde ng
bayan na si Daisy Lleve noong Sabado.

Ang mga nasawi mula sa pagguho ng lupa sa Barangay Cuatro de Agosto ay isang 67-taong-gulang na
babae at isang 62-taong-gulang na babae, sinabi ni Lleve sa isang post sa Facebook.

Sinabi ng alkalde ng Mahaplag na dalawa pa ang nakaligtas, ang isa sa kanila ay dinala sa ospital matapos
magtamo ng mga pinsala.

Nauna nang inilagay ang bayan ng Mahaplag sa ilalim ng Signal No. 1 dahil sa malakas na hangin at
malakas na pag-ulan sanhi ng Tropical Depression Vicky. Radyo express Yasmien Yumul, nag-uulat.

Anchor 2: Susunod sa balitaan, sanhi ng pagsabog ng Bulkang Taal, tutukan

Anchor 1: Bayan ng Magsaysay, Davao del Sur, niyanig ng magnitude 6.3 na lindol

Anchor 2: Pagguho ng lupa dahil sa malakas na pag-ulan, naitala sa Davao City


Anchor 1: Magbabalik ang DWHS radyo express balita pagkatapos ng paalalang ito.

*infomercial*

Anchor 2: DWHS Radyo express balita. Time check: “ “

Anchor 1: Balik sa mga balita, detalye ng pagsabog ng Bulkang Taal, alamin mula kay Radyo Express
Christine Quiambao.

CJ: Hapon ng Linggo, Enero 12, 2020, ang Taal Volcano sa Pilipinas ay sumabog, ang gobyerno
ng Pilipinas ay agad naglabas ng alert level of 4 (out of 5), na nagpapahiwatig ng isang
mapanganib na pagsabog ay posible sa loob ng ilang oras hanggang isang araw. Ang nasabing
kalamidad ay kumalat sa mundo sa pamamagitan ng social media na may mga kamangha-
manghang mga imahe ng ilang-kilometrong taas ng mga ulap ng abo na nag-iilaw dulot ng
tinatawag na volcanic lightning, at ang lava fountains na binubuga nito ay maihahalintulad na
mas mataas pa kaysa sa Empire State Building na makikita sa gabi, at pinakahuli, mga bitak sa
lupa ng mga tahanan at kalsada.Noong Martes, Jan. 14, ang mga koponan ng PHIVOLCS ay nag-
dokumentado ng maraming mga halimbawa ng mga fissure sa paligid ng Taal.
Naglabas ang gobyerno ng Pilipinas ng isang mandatory evacuation warning sa mga
naninirahan sa loob ng 14-kilometrong radius sa paligid ng Taal; Tantiya ng UN Office for the
Coordination of Humanitarian Affairs nasa 450,000 katao ang nakatira sa rehiyon na ito. Sa
ngayon, higit sa 53,000 katao ang nananatili sa mga evacuation center, ayon sa pinakahuling
ulat ng Philippine National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Radyo Express Christine Quiambao, nag-uulat.

Anchor 2: Susunod, Bayan ng Magsaysay, Davao del Sur, niyanig ng magnitude 6.3 na lindol.
Alamin ang ibang detalye kay Radyo Express Pauline Sicat.

Pau:  Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang bayan ng Magsaysay sa Davao del Sur na
naramdaman sa mga kalapit na lalawigan sa Mindanao kahapon.

Sa inilabas na ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap


ang lindol sa layong anim na kilometro silangan ng Magsaysay, Davao del Sur dakong alas-
12:22 ng tanghali noong Pebrero 8 2021.

Naitala ang lalim ng lindol sa 15 kilometro sa nasabing lugar at tectonic ang pinagmulan ng
pagyanig. Naramdaman ang Intensity V ng lindol sa Kidapawan City.

Naitala naman ang Instrumental Intensity V sa Koronadal City, South Cotabato; Instrumental
Intensity IV sa Alabel at Kiamba, Saranggani; General Santos City habang Instrumental Intensity
II naman ang naitala sa Cagayan de Oro at Gingoog, Misamis Oriental at Instrumental Intensity I
sa Cagayan de Oro, Misamis Oriental.

Ayon sa Kidapawan CDRRMO officer na si Psalmer Bernalte, nasa 100 pamilya ang ililikas ng
pamahalaang lokal mula sa Mt. Apo dahil sa naturang pagyanig. Magpapatupad naman aniya sila
ng forced evacuation sa mga hindi lilikas.

Bagaman at walang may naiulat na nasawi, ayon sa NDRRMC ay aasahan ang mga aftershocks
at pinsala dulot ng malakas na lindol.

Pinagalaw na ng pamahalaang lokal ng Davao del Sur ang kanilang damage assessment team
para matukoy ang pinsala ng lindol. Radyo Express Pauline Sicat, nag-uulat.

Anchor 2: Sunod ay Tutukan ang detalye ng Pagguho ng lupa dulot ng malakas na pag-ulan sa
Davao City. Naririto si Radyo Express Crizzaine Valenzuela upang magbalita.

Zaine: Landslide naitala sa Davao City dahil sa malakas na ulan 


Gumuho ang lupa ng isang bundok sa Davao City Miyerkoles ng gabi bunsod ng malakas na pag-ulan.
Walang nasugatan sa insidente, pero pahirapan ang mga residente ng Sitio Matigsalog, Barangay Marilog
na makadaan dito. Ayon kay Alberto Maliao Jr., apektado ang kanilang paghatid ng mga produktong
gulay. Wala kaming ibang dadaanan kundi ito lang. Kung paakyat kami, ito lang din ang daan. Kung 'di
pa ito puwedeng madaanan, mahihirapan kami mailabas ang mga produkto namin," aniya.
Kasalukuyang mga motorsiklo lang ang puwedeng makapasok sa lugar.
Para naman kay Dodong Aglas, pinangangambahan niyang magkakaroon uli ng landslide sakaling uulan.
"Tuwing malakas ang ulan, 'di ako makatulog kasi nakikinig ako sa paligid," aniya. Ipinaabot na ng
barangay ang problema, gaya ng paggamit ng heavy equipment para sa clearing operation, sa lokal na
pamahalaan. Radyo express Crizzaine Valenzuela, nag-uulat.

Anchor 1: Manatiling nakatutok sa iba pang mga balita. Magbabalik muli ang DWHS Radyo
Express Balita.

-infomercial-
Anchor 2: AT nagbabalik ang ating balitaan. Hunyo 15 nang sumabog ang bulkang Pinatubo.
Ating balikan ang mga pangyayari mula kay Radio Express Asy Aguirre

ASY: June 15, 1991, nakatatak na sa kasaysayan ang araw na yan kalian sumabog ang bulkang Pinatubo.
Itinuturing ito ng United State Geological Survey o USGS na ikalawang pinakamalaking volcanic eruption
sa nakalipas na isang daang taon. Buhay ng libo-libong residente ng Pampanga at kalapit probinsyal ito
nagbaong tuluyan. Ang pagsabog ng bulkan, balikan natin. Tatlumpu’t limang taon na mula nung
sumabog ang bulkang Pinatubo, ang pangalawang pinakamalakas na pagputok ng bulkan noong
ikadalawampung siglo. Mahigit walong daan ang namatay, mahigit sampung bilyong halaga ng ari-arian
ang napinsala. Ang pagsabog na yan ay sinabayan sa paghagupit ng bagyong Diling kaya mabilis ang
pagbuga ng abo at bato ng bulkan. Dahil sa pagsabog, naapektuhan din ang global climate. Ang binuga
nitong abo ay umabot maging sa ibang bansa. Radyo express asy Aguirre, nagbabalita.

Anchor 1:

Yasmien: Sa 08:03 AM Philippine Standard Time (PST) ng 18 Ago 2020 (Martes), isang malakas na
Magnitude (Mw) 6.6 na lindol ang yumanig sa lalawigan ng Masbate at paligid. Ang lindol ay may isang
sentro ng lindol na matatagpuan sa 7 kilometro S29 ° E ng Cataingan (Masbate) at lalim na 21 na
kilometro. Hanggang 4:00 ng umaga, Agosto 19, 2020, 218 na aftershock mula M 1.6 hanggang M 4.4
ang naitala, 108 dito ay naka-plot, at lima ang naramdaman.Ang lindol noong 18 Agosto 2020 M6.6 ay
naramdaman na may pinakamataas na lakas na pag-alog sa lupa ng PEIS VII (Destructive). Sa PEIS VII,
karamihan sa mga tao ay natatakot at tumatakbo sa labas. Ang mga mabibigat na bagay at kasangkapan
sa bahay ay tumaob o ibagsak. Ang mga puno ay malakas na inalog. Ang mga istraktura ng luma o hindi
maganda ang itinayo ay nagdurusa ng malaki. Ang ilang mga maayos na istraktura ay bahagyang nasira.
Ang ilang mga bitak ay maaaring lumitaw sa mga dike, mga pond ng isda, mga ibabaw ng kalsada, o mga
kongkretong guwang na bloke ng pader. Ang mga epekto sa pagpapadulas Pagkalubog, mga pigsa ng
buhangin, mga pag-ilid sa gilid, atbp. Sa mga mabababang lugar at pagguho ng lupa sa mga bundok ay
sinusunod malapit sa sentro ng lindol.Radyo express Yasmien Yumul, nagbabalita.

Anchor 2: Susunod, mga minero sa Benguet, natabunan ng lupa. ALAMIN ang mga detalye mula
kay Radio Express Pauline Sicat.
Pau:

Umabot sa 43 ang mga bangkay ng mga minero na nahukay mula sa landslide sa Itogon, Benguet
Linggo ng gabi, ayon kay presidential spokesperson Harry Roque na dumayo sa Baguio bilang
bahagi ng pag-inspeksiyon sa naging pinsala ng bagyong Ompong sa hilagang Luzon. 

May isang minero na nakuhang buhay, samantalang may 30 pang nawawala, ani Roque. Itutuloy
ang paghahanap hanggang makita ang lahat ng mga minero, aniya sa radyo DZMM. 

Bandang alas-6 ng gabi, may 33 nang natagpuang bangkay sa Barangay Ucab sa Itogon, ayon
kay Benguet Gov. Crescencio Pacalso. Patuloy, aniya, ang paghahanap sa mga ibang natabunan
ng lupa matapos gumuho ang tinutuluyan nilang mga bunkhouse sa Ucab at sa kalapit-barangay
nitong Loakan, ayon kay Pacalso. 

Linggo ng hapon ay nakatakda nang huminto ang mga rescuer dahil sa patuloy na paglambot ng
lupa sa Barangay Ucab, ayon kay Senior Supt. Lyndon Mencio, provincial director ng Benguet
provincial police office. 

"Sa tingin po namin, nasa ibabaw kami ng building na natabunan, mukhang wala na po," ani
Mencio nang makapanayam sa radyo DZMM, at tanungin kung ano ang lagay ng mga
natabunan. 

Sa tingin niya ay hindi na sila makakapagpatuloy sa search and rescue operations kahit pa may
mga iba nang minero at rescuer na tumutulong sa kanila. Radyo express Pauline Sicat,
nagbabalita.
Anchor 1: Susunod. Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Maynila at iba pang lugar. Ang mga
pangyayari ay iuulat sa atin ni Radyo Express Christine Quiambao.

CJ:

Niyanig ng magnitude 6.1 lindol nitong hapon ng Lunes ang Metro Manila at mga kalapit na probinsiya,
na itinuturong dahilan ng pagkasawi ng 2 tao sa Pampanga, ayon sa gobernador ng probinsiya.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang sentro ng lindol sa
Castillejos, Zambales bandang alas-5:11 ng hapon.

Sanhi ng lindol ang paggalaw ng mga bitak sa plates sa ilalim ng lupa.

Labimpitong aftershocks ang naramdam sa iba-ibang bahagi ng Kamaynilaan at mga karatig-lalawigan


alas-5:33 ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, kadalasang kapag 6.1 magnitude na lindol ay 100 aftershocks ang normal na aasahan.

Radyo Express Christine Quiambao, nag-uulat.

Anchor 1: At iyan nga ang mga balita sa oras na ito.

Anchor 2: Mula sa buong puwersa ng DWHS News Information Center

Anchor 1: D-D-D-DWHS

Anchor 1, 2: SINGKO OTSO KUWATRO

Anchor 2: Mula sa bulwagang pambalitaan, himpilan at sandigan ng bayan, Ito ang DWHS!

Anchor 1: Daluyan ng tapat at totoong isyu ng bayan

Anchor 1,2: DWHS RADYO EXPRESS BALITA

Zaine: Miyembro ng KBP, Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas (soft tone)

INFORMERCIALS

-Informercial 1-

You might also like