You are on page 1of 7

Filipino sa Piling Larangan

Ipaniz, Angel Colette M. Ika-26 ng Marso 2021


12 HUMSS 1 – Birhen ng Medalyang Milagrosa G. Ralph Robert J. Alalay

ABSTRAK

Isang taon na ang lumipas mula nang ideklara ng World Health Organization ang
Coronavirus bilang isang pandaigdigang krisis sa kalusugan. Sa gitna ng ating pagtugon sa
kinakaharap na pandemya, naapektuhan ang buhay ng nakararami. Ang pagtaas ng mga
positibong kaso sa bansa ang naghikayat sa gobyerno na magpatupad ng mahigpit na quarantine
protocol. Ito ay isang paraan upang matiyak ang kalusugan ng publiko, ngunit nagresulta din ito
sa pagbagsak ng trabaho, negosyo at edukasyon. Sa New Normal Education System, ang
pinakamahalagang isyu ay ang mapagpatuloy ang edukasyon ng mga mag-aaral. Gumagawa ang
sektor ng edukasyon ng paraan para sa kasalukuyang sistema ng mga estudyante, kung saan sa
pakikipag-ugnayan ay nagaganap ito sa iba't ibang uri ng mode, modality sa online, modular
modality, flexible modality at iba pa. Ang paglipat mula sa tradisyonal na klase sa pag-aaral at sa
kasalukuyang sistema ay malaking hamon na maituturing, ngunit upang maipagpatuloy ang
edukasyon, marapat na harapin ang hinihiling na demand nito.

Ang mga mag-aaral, guro at magulang ay umangkop sa mga pangunahing pagbabago sa


ilalim ng new normal. Para sa kanila ang pagbubukas ng taong ito sa pag-aaral ay walang
katulad. Tinanggap nila ang sitwasyong ito sa hindi maipaliwanag na pakiramdam, sa kung
gaano katagal na panahon ang kailangan nila upang makayanan ang bagong sistema. Ang
pangunahing layunin ng tesis ay maliwanagan ang kahalagahan ng suporta ng mga magulang
tungkol sa bagong sistema ng pag-aaral, para sa isang mabisang pangangasiwa sa edukasyon ng
kanilang mga anak at sa kahandaan sa mga tungkulin ng hindi inaasahang panahon. Sa mga
limitasyon ng pag-aaral sa online, ang paglawak ng edukasyon at ang pangunguna sa mga mag-
aaral ay ipinasa sa mga magulang. Ang pagkakaroon ng mabisang pagbagay ng magulang at
anak sa kasalukuyang edukasyon ay magreresulta sa positibong pananaw sa pag-aaral, paghasa
ng mga kasanayan, at tagumpay sa bagong sistema ng pag-aaral.

Gumamit ang mga mananaliksik ng Descriptive method sa paglalarawan at pagkilala sa isang


partikular na sitwasyon o isyu, pumapatungkol sa pang-unawa ng mga magulang sa ilalim ng
bagong normal na sistema ng edukasyon. Ang pangunahing layunin ng pagsasaliksik ay upang
ihayag ang mga pananaw tungkol sa mga magulang o tagapag-alaga sa walang ulirang sandaling
ito. Gamit ang Simple Random Sampling Technique, pumili ng 175 na mga respondente na
nakuha nang sapalaran para piliin ang sample frame at sample size. Ang bawat seksyon ay
nahahati sa 25 na mga respondente na may pantay na pagkakahati. Ito ang mga magulang ng
mga mag-aaral na unang nakaranas ng bagong normal na edukasyon sa ilalim ng pandemikong
COVID-19 na nagmula sa mga magulang ng mga mag-aaral sa Baitang 12 ng ABM 1 at 2,
HUMSS 1 at 2, STEM, ICT at GAS ng St. Michael's Institute Bacoor, Inc. Ang edad ng mga
magulang at tagapag-alaga ay mula 25 hanggang 46 na taong gulang pataas at inuri batay sa
kanilang kasarian, relihiyon, estado bilang magulang at nasyonalidad. Ang mga palatanungan ay
naipamahagi sa mga tagatugon sa pamamagitan nang paggawa ng mga form sa Google. Ito ay
upang matiyak ang kanilang kaligtasan at nakalkula sa ilalim ng proseso at pagsusuri. Ito ay sa
pamamagitan ng Percentage and Frequency Distribution method na ginanap sa panahon ng
pagpapatakbo ng talatanungan.

Ang lahat ng nakalap na datos mula sa pangangasiwa ng mga talatanungan ay lumabas na


hinahamon ng kasalukuyang pandemya ang mga magulang sa pamamahala ng kanilang mga
tungkulin bilang pangalawang gurong pang-akademiko ng kanilang mga anak na nagmumula sa
mga bagong paraan ng pagtuturo. Ang pinaka mahirap na materyales na kinakailangan ay ang
kakulangan ng mga gadget at malakas na koneksyon sa internet upang dumalo sa mga klase sa
online. Naging mas mahirap maintindihan ang mga aralin sa pagtuturo na pupunan ng mga
magulang. Bilang karagdagan, ang isa dito ay ang hindi sapat na pinansyal na mapagkukunanan
dahil naging mahirap para sa kanila na makahanap ng mga pangkabuhayan para sa bagong
sistema ng edukasyon na kinakailangan ng kanilang mga anak. Sa kabilang banda, sila ang
nagpapakita ng pagkakaroon ng positibong pananaw at pamamahala sa progresibong pagbagay
sa kasalukuyang panahon. Ang mga magulang bilang kasapi ng akademikong pamayanan ay
may mahalagang papel sa edukasyon ng kanilang mga anak.

Sa pandemyang ito, ang bagong sistemang pang-edukasyon ay ang tanging pagpipilian para
sa milyon-milyong mga eskuwelahan. Ang new normal ay naging sanhi ng isang pangunahing
pagbabago bilang magulang at sa kauna-unahang pagkakataon, ang mga mag-aaral ay nasa
pangangalaga ng kanilang mga magulang sa bahay habang sila ay nasa ilalim ng pangangasiwa
at tagubilin ng mga guro sa virtual na silid aralan. Ngunit ang pakikibahagi ng mga magulang ay
mahalaga sa dahilang hindi dapat palampasin ng mga bata ang kanilang edukasyon. Ang mga
magulang ay nagkakaroon ng independyenteng pamamahala sa loob ng bahay, sa pamamagitan
ng pagsubok na makayanan ang bagong normal na pagkatuto at pagtuturo sa kanilang mga anak
sa pag disiplina sa seryosong pagkuha ng mga mode ng pag-aaral. Matutulungan nito ang mga
magulang na mapagtagumpayan ang lahat ng oposisyon ng may tamang tugon at naaangkop na
solusyon para sa kanilang mga anak, na nagtataglay ng maalab na damdamin para sa mga
hamon, karanasan at pagkakataon sa hinaharap.
Filipino sa Piling Larangan

Ipaniz, Angel Colette M. Ika-26 ng Marso 2021


12 HUMSS 1 – Birhen ng Medalyang Milagrosa G. Ralph Robert J. Alalay

(Balik tanaw: ang naglilinaw sa kasalukuyan, tatak Michaelian!)

Ang isang linggong pagdiriwang ng ika-63 Taong Pagkatatag ng St. Michael’s Institute of
Bacoor, Inc. noong taong panuruan 2019-2020 ay ipinagdiwang ng makahulugan at kagilas-gilas.
Taon-taon ang paaralan ay ipinagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ni San Miguel Arkanghel
upang gunitain ang marubdob na pagkilala sa Mahal na Tagapagtanggol. Ang mga Michaelian ay
hindi nagpahuli sa pagpapakita ng kanilang mga talento na bigay ng Maykapal at nagbigay ng
oras upang mapaghandaan ang okasyon. Ang pagbalik-tanaw sa mga nakaraang pangyayari ay
naging simbolo upang alalahanin ang mga preparasyong handog na aktibidad bilang suporta sa
bawat isa. Upang simulan ang pagdiriwang, sa unang araw ng pagdaraos, ang pamilya ni San
Miguel Arkanghel ay naggawad at dumalo sa Misa Concelebrada sa ganap na ika-9 ng umaga
Setyempre 27, 2019 sa araw ng Biyernes. Ito ay pinangunahan ng ating Obispo, Most. Rev.
Reynaldo Evangelista, D.D at nagpasalamat ang lahat sa panibagong taon na paggabay ng Diyos
sa okasyong ginaganap. Naging makabuluhan ang layunin ng pagdiriwang sa isinagawang
benefit concert para sa isang Michaelian na ginanap sa ika-3 ng hapon sa awditoryum na
binigyang musika ng bandang Ehemplo Band. Layunin nitong makatulong sa kapwa mag-aaral
na lumalaban sa sakit na Low Intensity Pulsed Rate (LUPUS), ang lahat ng perang malalakop ay
mapupunta sa kaniya kung kaya’t ito ay pinangalanang “Para kay Eyog”.

Sa araw naman ng Oktubre 1, 2019, sa ika-9 ng umaga ang mga mag-aaral ng Sekundarya ay
nagkaroon ng kanilang “Opening of SHS Bazaar”, dito ay kanilang iprinesenta at ibinenta ang
iba’t-ibang mga produkto. Tawag ng tanghalan naman sa ika-10 ng umaga sa loob ng school
gymnasium kung saan narinig ang mga magandang himig ng Michaelian. Para sa paaralang
sekundarya, mula sa baiting 11 ng HUMSS 2 – San Maximilian Kolbe, si G. Denmark Abaigar
ang nakakuha ng unang pwesto sa karangalan, ang ikalawa naman ay mula sa baiting 12 ng
ABM – Birhen ng Lourdes, Bb. Rocela Abaigar at para sa ikatlong parangal nakamit ni Ezekiel
Castano mula sa baitang 11 ng HUMSS 1 – San Luis Gonzaga. Mula sa tinig tumungo naman sa
galaw, upang ipakita ang kumpetisyon tungkol sa pagganap ng sayaw sa iba't ibang antas,
isinagawa ang Danz O’lympix Season 11 sa ala una ng hapon. Para sa paaralang sekundarya,
nagwagi ang grupong “Nekrotafeio” estudyante mula sa baiting 11, pumangalawa naman ang
grupo mula sa baiting 12, ang Tenelites, at para sa ikatlong posisyon muli itong nakuha ng
baitang 11, Wander Duo. Para sa huling laban sa pagdiriwang na iyon, sinundan ito ng ika-6 ng
gabi sa school gymnasium, ang Lakan at Lakambini ng Kalikasan 2019. Hindi lamang ito
itinanghal para maipakita kung gaano kaganda at kaguwapo ang mga kalahok, layunin din nitong
ipakita ang kanilang Katolikong adbokasiya ng JEEPGY at ang pagkahabag sa serbisyo na
nakakaapekto sa mabilis na pagbabago sa lipunan. Justice and Peace, Ecological Integrity,
Engaged Citizenship, Poverty Reduction, Gender Equality and Youth Empowerment ang ninanais
na bigyang pansin ng ginanap na patimplak sa kagandahan. Para sa paaralang sekundarya,
nakuha ng baitang 12 ang unang karangalan bilang Lakambini mula sa STEM 12- Birhen ng
Fatima, Rumika Hosono, ikalawang karangalan naman para sa baitang 11 ng STEM – San
Gerolamo Emiliani, Trisha Mae San Jose at sa ikatlong parangal, mula sa baitang 12 ng HUMSS,
Birhen ng Bundok ng Carmelo, Shane Marie Pandiño. Sunod namang binigyan parangal ang
mga pinalad bilang Lakan na nakuha ng baitang 12 ng GAS, Birhen ng La Salette, G. Jhino
Tecson, ikalawang parangal naman mula sa baitang 12 ng HUMSS – Birhen ng Bundok ng
Carmelo, G. Luigi Pamaran, at ikatlong parangal mula uli sa baitang 12 ng ABM 1, Axel
Lavalan.

Sa ganap na Oktubre 3, 2019 sa ika-pito ng umaga, ginanap ng pamilyang Michaelian ang


parada, kung saan ang bawat antas ng paaralan ay hindi nagpahuli sa pagpapakita ng kanilang
representasyon. Ang magagarbong kasuotan ng kanilang napiling bansa ay agaw-pansin.
Sinundan ito ng Field Demonstration sa ganap na alas nuwebe ng umaga, ang bawat estudyante
ay nagpakita ng kanilang sayaw sa partikular na bansa na kanilang nabunot, ang school
gymnasium ay naging makulay sa mga paghahanda mula pa lamang sa kasuotan, sa sayaw, at sa
mga palamuti. Sa paaralang sekundarya, ang mga nanalo sa baitang 11 para sa unang parangal ay
ang HUMSS 1 seksyon ni San Luis Gonzaga, pumangalawa naman sa HUMSS 2 seksyon ng San
Maximilian Kolbe, at pangatlo sa STEM San Gerolamo Emiliani. Sa baitang 12 ang mga nag-
uwi ng karangalan, mula sa STEM, Birhen ng Fatima, sinundan ito ng HUMSS, Birhen ng
Bundok ng Carmelo, at pangatlo naman ang Grade 12 ABM.

Para sa huling selebrasyon, ginanap ng mga Michaelian ang World’s Teachers Day
Celebration, mga gurong nasa unahan ng mga pagsisikap na makamit ang pandaigdigang. Ang
mga estudyante ng Michaelian ay nagpakita ng kanilang mga talento, nagbigay ng regalo, at
presentasyon ng pasasalamat sa kanilang mga pangalawang magulang na hindi lamang matuto sa
pang-akademiko pati na rin sa pagpapakatao. Sa mga iba’t ibang klase ng pagpapakita ng
selebrasyon tunay ngang naging makabuluhan ang mga pangyayaring iyon. Ipinahayag nila ang
pinakamalalim na pasasalamat sa panibagong taon na naging imposible sa pagkakaroon ng
Diyos. Bukod dito, ito ay paraan ng pagbibigay ng pag-asa at pagpapakita ng isang tunay na
Michaelian. Naniniwalang palaging mayroong isang ilaw na magdadala ng pag-asa sa pangarap
na malalim, upang maghangad ng mas mataas at mag-uudyok na magbigay ng inspirasyon. Na
kanilang nadala sa walang ulirang pangyayari ngayong taon, sabay na mapagtagumpayan ang
mga hamon na hatid ng akademikong taon.
Filipino sa Piling Larangan

Alalay, Ralph Robert Juanillo Ika-26 ng Marso 2021


12 HUMSS 1 – Birhen ng Medalyang Milagrosa G. Ralph Robert J. Alalay

BIONOTE

Si G. Daniel R. Gaad ay isinilang noong ika labing-dalawa ng Mayo noong taong 1999 sa
Ermita, Manila. Siya ay nakapag-aral ng elementarya sa Alapan I-Elementary School noong
2005-2011, nag-aral sa sekundarya sa Imus National High School noong 2015 at nakapagtapos
ng kolehiyo sa Pamantasan Normal ng Pilipinas (PNU) mula 2015 hanggang 2019 sa kursong
Batsilyer ng Edukasyong Pangwika sa Ingles. Nakapasa siya sa Board Exam para sa Professional
Teachers noong 2019 at lisensyadong propesyonal na guro.

Noong 2014, nanalo siya ng unang gantimpala sa isang patimpalak sa extemporaneous speech
noong ikaapat na taon sa antas ng sekundarya. Isa rin siya sa napasali bila representatibo ng
kaniyang grupo sa pagbabaybay at umani ng kampeon sa district at division level. Bilang isang
mag-aaral sa PNU ang kanilang undergraduate thesis para sa isang presentasyon sa Free
Linguistic Conference na ginanap sa Malaysia noong 2018. Nagtatrabaho siya ngayon sa isang
pribadong paaralan sa Imus Cavite bilang isang guro sa asignaturang Ingles sa Grade 5 hanggang
Grade 9, Computer at Values sa Grade 6.
Filipino sa Piling Larangan

Alalay, Ralph Robert Juanillo Ika-26 ng Marso 2021


12 HUMSS 1 – Birhen ng Medalyang Milagrosa G. Ralph Robert J. Alalay

Talumpati: Inflation rate

Isa sa mga isyung Pangkabuhayan ng bansa ay ang Higher of Inflation rate o ang pagtaas ng
mga bilihin sa mga pamilihan. Sa panahon ng pandemya naging problema ito ng nakararami,
nagging dagdag pasanin ito sa hamong kinakaharap ngayon lahat ng tao. Ayon sa aking pag-
aaral noong ako ay nasa baiting siyam pa lamang, ang isang final product ay mayroong dalawang
bahagi, ang input at output. Ang input ang mga materyales o ingredients na kinakailangan upag
magawa ang isang final product. Halimbawa na lamang nito, ay ang silya na kinakailangan ng
pako, kahoy, at martilyo. Samantala kung sa pagkain naman ay sinigang, baboy, kangkong,
talong at iba pa. Kung iisipin nating mabuti, ang pagtaas ng input ay nagiging dahilan kung bakit
ang mga pinal na produkto ay tumataas rin. Bukod dito, ay ang transportasyon, mahalaga ito
sapagkat ito ang nagbabahagi ng mga supply sa buong Pilipinas. Naging problema ito sapagkat
nagging mataas ang demand ng mga suppliers o manufacturer dahil sa ginanap na lock down at
quarantine. Nag-uwi ito sa pagsasara ng mga gusali at mga negosyo na talaga nga namang
nangangahulugang isyu ito sa pangkabuhayan. Ang lahat ng mga mamimili naman ay
nagrereklamo sa srp o ang suggested retail price na ibinaba ng Gobyerno. Pamahal kasi ng
pamahal ang mga bilihin na dati ay abot kamay naman ng lahat, nagrereklamo naman ang mga
negosyante dahil sa pagkasira ng mga supply na mayroon sila at hindi ito nabibili ng mga
mamimili. Nakakalungkot ang mga pangyayari na nangyari sa pangkabuhayan at pamilihan,
ngunit ang lahat ay kailangang makibagay sa panahong ito. Walang mangyayari kung uunahin
ang emosyon bago ang emosyon.

You might also like