You are on page 1of 5

TEORYANG PAMPANITIKAN Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng

pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin ng


may-akda sa pagsulat at layunin ng tekstong panitikan na ating binabasa.

Teoryang Feminismo Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga


kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga
kababaihan.
EXPLAIN:
Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o
sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at
magagandang katangian ng tauhan.

Teoryang Humanismo Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro
ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao
gaya ng talino at talento.
EXPLAIN:
Sa Teoryang ito naman ay sinusuri nito ang mga positibong katangian ng tauhan
sa akda o ng tao na mayroon ito.

Teoryang Bayograpikal Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o


kasagsagan sa buhay ng mayakda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal
ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya,
pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga "pinaka" na inaasahang
magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.

EXPLAIN:
Teoryang Imahismo Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na
higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang
nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit
lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad
ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng
panitikan.
EXPLAIN: Sa teoryang ito ipinapakita ng may akda ang pag gamit ng mga imahe
upang mas maipahayag at maintidihan ng mambabasa kung ano ang nais nito
ipahayag.

Teoryang Moralistiko Inilalahad dito ang mga pilosopiya o proposisyong


nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang
itinakda ng lipunan.
EXPLAIN: Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba't ibang pamantayang
sumusukat sa moralidad ng isang tao - ang pamantayan ng tama at mali.
Ano nga ba ang pamantayan ng isang tao kung tama ba o mali ang isang bagay.
Mayron tayong dalawang pamantayan na maari nating ikunsidira ito ay ang Batas
ng TAo at Batas ng Diyos. Malalaman natin sa akda kung ang ginawa ng tauhan
ay tama ba o ,ali depende sa kung ito ba ay naayon sa simasabi nating
pamantayan.

TEORYANG KLASISMO Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga


pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-
iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa
paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
EXPLAIN: sapagkat kadalasan ang mga tauhan dito ay mga aritokratika o
mga dugong bughaw. Sinasabi din dito na kaisipan kaysa damdamin ,inuuna
dito ang kaisipan kaysa damdamin.
Hal. Obra Maestra (florante at laura, ibong adarna ) masasabing klasiks ang mga
ito sapagkat sa akdang iyon may mga pangyayari doon na nangyayari parin
hanggang ngayon.

TEORYANG ROMANTISISMO Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t


ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa
kapwa, bansa at mundong kinalakhan.
EXPLAIN: Kabaliktaran ito ng klasismo, kung sa klasismo ay isip kaysa
damdamin dito naman ay damdamin kaysa isip. Ipinakikita rin sa akda na
gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang
kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.

TEORYANG REALISMO Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at


nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Ang madalas na paksa sa ganitong
Teorya ay sosyo-politikal, kalayaan, at katarungan.

EXPLAIN: Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi


tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at
pagkaepektibo ng kanyang sinulat.
Ang madalas na paksa sa ganitong Teorya ay sosyo-politikal, kalayaan, at
katarungan.

TEORYANG PORMALISTIKO Ang layunin ng panitikan ay iparating sa


mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan.
EXPLAIN: Ito ay isasa pinakamadaling paraan na gagamitin kapag kayo ay susuri
o magsusuri ng kwento sapagkat ang titignan lamang dito ay kung papaano ang
porma ng isang akda. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na
malalimang pagsusuri’t pang-unawa.
TEORYANG SIKOLOHIKAL Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa
pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang
behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa
kanyang akda. Makikita ang takbo ng isip ng may- katha - Antas ng buhay,
paninindigan, pananiniwala, pinahahalagahan, at mga tumatakbo sa isipan at
kamalayan ng may- akda.

EXPLAIN:
Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong
behavior dahil may nag- udyok na mabago o mabuo ito. Kun

TEORYANG SOSYOLOHIKAL Binibigyang diin ang pagtatalakay sa kapiligirang


panlipunan na nagpapalalim at nagpapatingkad sa paksa. Ito ay ekstinsyon ng
historikal na pananaw. Nagbibigay diin din sa usapin tungkol sa kahalagahan at
pananagutang panlipunan
EXPLAIN:

TEORYANG EKSISTENSYALISMO Binibigyan-diin ang bahagi ng akda na


nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at gawi ng tauhan. Ang tao ay
may malayang pagpapasya para sa kaniyang sarili upang mapalutang
ang pagiging indibidwal nito at sa gayon ay hindi maikahon sa lipunan
EXPLAIN: Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao
na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro
ng kanyang pananatili sa mundo (human existence). Halimbawa na
lamang noong sa kwento ng Noli Me Tangere nagdesisyon si ibarra na
sumama kay elias at sa desisyong iyon ay mayroong pag babago na
magaganap at duon natin makikita sa Florante at Laura kung ano nga ba
ang mga pagbabagon iyon.
(ibarra at elias)

1. Ito ay isang matalinong pagbabasa,pagaaral, at pagtatalakay


at paghahatol sa isang likhang sining. (PANUNURING
PAMPANITIKAN)
2. Anong Teorya ang madalas na paksa ay tungkol sa sosyo-politikal, kalayaan,
at katarungan. ( REALISMO)

3. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng


panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.
(SIKOLOHIKAL)
4. Mawawari sa Teoryang ito na na mas inuuna ang kaisipan kaysa
damdamin. (KLASISMO)
5. isa sa sangay ng panunuring Pampanitikan na may siyam na uri.
(PANANALIG)

6. Anong teorya ang nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali


ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. (MORALISTIKO)

7. Bahagi ng Panunuring Pampanitikan na naglalaman ng paliwanag ng


iyong mga ideya at katibayan mula sa teksto at sumusuporta sa iyong
inilalahad na tesis. (KATAWAN)

You might also like