You are on page 1of 2

Romero, Pamela A.

Pagsaasanay 3

BSN 4 – 2

1. Ipaliwanag kung bakit ang Noli Me Tangere ay humati sa lipunan ng panahon ni


Rizal. Magbigay ng sariling analisis at argumento. 10

Ang Noli Me Tangere ay isang nobela na nagpapakita ng baluktot na paghahari


ng mga Espanyol sa Pilipinas. Sinasalamin nito ang lipunan sa panahong iyon at ayon
kay Rizal ay hindi ito nagtataglay ng subersibong ideya. Nagsimula ang pagkahati ng
lipunan noong nagpadala si Rizal ng mga kopya ng nobela sa iba’t ibang namumuno
at ng magbigay sila ng sari-sarili nilang opinion patungkol dito. May mga iilan ang
nasiyahan at ang iba naman ay hindi. Ayon sa komite ng prayleng Dominikano,
nagtataglay ang aklat ng pagkawalan ng puri sa relihiyon, hindi makabayan, at
maaaring makasira ng kaayusang pambayan. Sinabihan din niya ang Gobernador
Heneral na ipagbawal ang aklat na siya naming hindi pagsang ayon ng Gobernador
sapagkat iniisip niya ay dahil dulot lamang ito ng personal na galit ng prayle kay
Rizal. Ibinigay naman ng Heneral ang aklat sa mga pari upang makakuha ng patas na
opinion ngunit hindi rin sila sang-ayon sa libro. Ang pagbabawal sa pagkalat ng libro
ang siyang kinasikat ng nobela kung saan ang mga tao ay patagong bumibili ng kopya
nito. Ang pagkahati ng lipunan ay dahil sa mga tao na ayaw makita ang tunay na ibig
sabihin ng libro at ang mga tao na ginagamit ito upang mamulat sa mga bagay na
nangyayari sa paligid nila.

2. Ipaliwanag ang kahulugan ng pahayag na “Ang paglilingkod sa kapwa ay hindi


nangangailangan ng kapalit o posisyon sa lipunan upang makatulong”. 10

Ang pahayag na ito ay patungkol sa bolunterismo kung saan nangangahulugan na ang


paggawa ng isang bagay ay hindi dapat pinipilit kundi bukal sa loob. Tumutulong ka
dahil gusto mo, may papuri man o wala, may kapalit man o wala. Bilang isang tao,
may panahon kung saan minsan hindi natin maiwasan na maghintay ng kapalit
pagkatapos nating tumulong. Kahit yung simpleng “salamat” lang ay ating inaasam
asam dahil kahit papaano ay mararamdaman natin na tayo ay may nagawang mabuti.
Subalit, kailangan ay handa tayong maglingkod anumang oras ng walang anumang
iniisip. Ang paglilingkod sa kapwa ay maaaring magawa sa kahit anong paraan, maliit
man yan o malaki. Isa sa mga katangian ng tao na handang maglingkod sa kapwa ng
bukal sa kanyang kalooban ay ang pagsasakripisyo. Darating sa ating buhay na mas
kailangan natin unahin ang iba bukod sa ating sarili para lamang sila ay matulungan at
ito ay isang halimbawa ng paglilingkod sa kapwa ng walang hinihintay na kapalit.
Para sa akin masarap sa pakiramdam yung may mga taong tumutulong sayo sa oras ng
kagipitan pero mas masarap yung ikaw yung nakakatulong. Lagi kong isinasaisip na
kapag tinututulungan natin ang isat isa ay pinaglilingkuran na natin ang Diyos.

Aralin 6

3. Kung ikaw si Rizal, nanaisin mo pa rin bang bumalik sa Pilipinas kahit na alam
mong maaari kang mapahamak? Pangatwiranan.

Kung ako si Rizal, mas nanaisin kong bumalik sa Pilipinas sa kabila ng mga
naghihintay na kapahamakan sa akin. Hindi hadlang sa akin ang mga banta sapagkat
alam kong dito ako isinilang, kabilang ako sa bansang ito at mas nanaisin kong
mamatay dito. Bilang isang mamamayang Pilipino, handa akong mamatay ng alam
kong may pinaglalaban ako. Ang ipinakita ni Rizal ay nagtataglay ng pagiging
makabayan na siya ring nagbigay sakin ng kakayahan na taglayin ang katangiang ito.

You might also like