You are on page 1of 1

“Karir”

Ang napili kong salita na angkop para sa pagdadalumat ng aking sarili ay ang salitang "KARIR" .
Bilang ako ay may isang kaugalian na may pagiging "Futuristic" o pag iisip kung ano ako bilang tao,bilang
anak o bilang kapwa sa ibang tao. Isa dn ang lagi kong pinaplano ay kung ano ang karir na mapapasukan
ko sa darating na taon. Ako ba ay magiging matagumpay na inhinyero? Baka naman nasa linya ng pag
nenegosyo? O kung sswertihin ay pwedi namang pag nenegosyo at pagtatrabaho. Pagpili ng karir ay isa
sa malaking hakbang para sa akin lalo na sa edad namin,ilang taon mula ngayon ay magkakapamilya na
kami at isa sa mga gagabay sa aming pamilya maliban sa aking magulang ay ang karir na napili ko. Ito ang
magsusustento sa aming pamilya hanggang sa pag aaral ng aking anak at iba pa naming
pangangailangan. Katulad ng iba isa sa mga pinaka pinag iisipan kong desisyon ay ang pagpili ng karir.
Katulad ko at ibang pangarap ng maramin sa atn ,sana ay swertihin at magbunga ang mga sakripisyo
natin sa pinili nating karir sa buhay.

You might also like