You are on page 1of 3

ATTENDANCE

Balik – aral

Pagganyak –

Pagkatapos ng talakayan, inaasahan na:

- nalaman at naunawaan ang dokumentaryong pantelebisyon at sangay nito;


- nakapagbibigay halimbawa sa mga tuntunin at sangay ng dokumentaryong pantelebisyon; at
- naiuugnay ang dokumentaryong pantelebisyon sa pang-araw-araw na gawain at sa lipunan.

Dokumentaryong Pantelebisyon

- Isang mabisang midyum ng programang pantelebisyon sa paghahatid ng mga kabatirang


PANLIPUNAN, PANGKULTURA, PANG-ISPIRITWAL, PANG-EDUKASYON, PANGMORAL, AT
PANGLIBANGAN

Gaya ng pelikula, ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng sining na
nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito’y mahalaga at mabisang sangay
ng kabatirang panlipunan, pang-espirituwal, pangkultural, pangmoralidad, pang-edukasyon, at iba pa.
Malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan, ugali,
kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng pinanonood na mga
programa sa telebisyon.

Dokumentaryong Pantelebisyon – mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at


estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at
pamumuhay sa isang lipunan.

Dapat malaman ang isa pang uri ng Mass Media ng Dokumentaryong Pantelebisyon.

1. Maisa-isa kung ano ang katangian ng isang programang tulad ng dokumentaryo


2. Masuri ang lohikal na pagkakalahad ng isang programang pantelebisyon.
3. Maihahalintulad at maihahambing ang pagkakaiba ng bawat dokumentaryong pantelebisyon.

Hindi maikakaila napakalaki ng impluwensiyang nagagawa nito sa sambahayan lalo nan ga at may
katangian itong Biswal o potograpiko.

Ang programang pantelebisyon ay maaaring magsilbing libangan o kaya’y gumising ng kaisipan at


damdamin, pumukaw ng interes, at maging instrumento ng pagkilos kaugnay ng mga maiinit at
napapanahong isyu.

Ito ang mga palabas na naglalahad ng mga komprehensibong impormasyon sa sumasalamin sa


katotohanan sa buhay. Tumatalakay ito sa aktwal na pangyayari at kaganapan na maaaring makaapekto
sa malaking populasyon.
Gumagamit ito ng mga panayam sa mga awtoridad ng paksa, footage, at video clips upang mapatunayan
na awtentiko ang pananaliksik.

Gamiting gabay ang sumusunod sa pagpili ng dokumentaryong pantelebisyon

- Napapanahon at napakahalaga ng paksa o isyu.


- Nakakaapekto ang paksa o isyu sa malaking sector ng lipunan.
- May panayam ng mga eksperto at awtoridad sa paksa o isyu ang dokumentaryo.
- Sapat ang mga footage at video clips bilang patunay sa katotohanan ng panig ng isyu.
- Malinaw at lohikal ang presentasyon at paglalahad ng documentaryo.
- Nakapupukaw ng interes ng mga manonood mula sa simula hanggang wakas.
- Nakahihikayat sa mga manonood na tumugon at gumawa ng pagwawastong panlipunan.

Mga Dapat Tandaan sa Pakikipanayam Upang Maisakatuparan ang Pagbuo ng Dokumentaryong


Pantelebisyon

Paghahanda para sa Panayam

- Magpaalam sa taong gustong kapanayamin


- Kilalanin ang taong kakapanayamin

Bago Magpanayam

- Maging magalang
- Magtanong nang maayos
- Itanong ang lahat ng ibig malalam kaugnay sa paksa
- Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam

Pagkatapos ng Panayam

- Magpasalamat
- Iulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa panayam

Programang Pantelebisyon

LAYUNIN – Nahihinuha ang paksa, layon at tono ng napanood na mga programa sa telebisyon.

Movie and Television Review and Classification Board

The Movie and Television Review and Classification Board (Lupon sa Rebyu at Klasipikasyon ng Pelikula
at Telebisyon; o MTRCB) ay isang ahensya ng gobyerno ng Pilipinas sa ilalim ng Opisina ng Pangulo ng
Pilipinas na RESPONSABLE para sa PAGBUBUKOD at PAGSUSURI ng mga programa sa telebisyon, pelikula
at mga bidyo na pantahanan.
G- GENERAL PATRONAGE – lahat maaaring makapanood, walang edad na pinipili

PG- PARENTAL GUIDANCE – pababa edad 13 ay kailangan subaybayan ng magulang o nakatatanda

RATED -13 – edad 13 taong gulang pataas ang maaring makapanood lamang

RATED -16 – edad 16 taong gulang pataas ang maaring makapanood lamang

RATED 18 -– edad 18 taong gulang pataas ang maaring makapanood lamang

CHILDREN’S SHOWS – Pambata

Educational Program – Programang Pang-Edukasyon

DOCUMENTARY PROGRAM - Dokumentaryong Programa

Documentary Show – Mga Palabas ng Magazine

Morning Shows - Mga Palabas sa Umaga

News Program – Balitang Programa

Travel Shows - Palabas sa Paglalakbay

Mga Variety Show

Youth Oriented Program – Programa para sa Kabataan

Teleserye

Malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang tao. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan
at pananaw ng isang tao ay maaaring maipluwensiyahan ng mga pinanonood na mga programa sa
telebisyon.

You might also like