You are on page 1of 2

11-20.

KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK

Abstrak

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng
mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang
sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient
sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang
bilang ng mga respondente ay tatlumpu't lima (35) na batang ina na may edad na labing-dalawa
hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang
pagkakaiba sa mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang
panganganak at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang
pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa
estadong marital.

-ayon sa abstrak na ito, ito ay makikitaan ng wastong paggamit ng wika at pinapakita rin dito na Ang
abstrak na ito ay nagpapakita ng makatotohanang pananaliksik base ito sa nangyayare sa ating bansa.

21-30.

"DepensangMekanismo na ginagamit ng mga Piling mag-aaral sa Politeknikong Unibersidadng Pilipinas


Santa Rosa Campus sa Taong 2015-2016 sa kursong Sikolo&iya."

Buod

Ang pag-aaral na ito ay isinaga(a upang matukoy ang DepensangMekanismo na ginagamit ng Piling mag-
aaral ng Politeknikong Unibersidad ngPilipinas Santa Rosa Campus sa taong 2015-2016 sa kursong
Sikolohiya. Ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga inpormasyon sa pagkakakilanlan ng mga
estudyante. Ikalawa ay upang malaman ang iba't-ibang Depensang Mekanismo.Ikatlo kung ano ang
pagkakaiba ng kanilang paraan kung paano gumamit ng depensang mekanismo. At ang panghuli ay kung
nakaka-apekto ba ang edad at taon ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo.

Upang matukoy ang iba't-ibang mga Depensang Mekanismo at ang mga epekto nito, ang mga
mananaliksik ay naghanda ng isang talatanungan o survey questionnaire para sa mga piling mag-aaral
lamang na magsasagot. Ang datos na natipon ay nagsilbi bilang pangunahing nakalap na kasagutan ng
pag-aaral na kung saan ay maingat na iniharap at nasuri ng maayos

-ayon naman sa buod ng pananaliksik na ito, ito rin ay nagpapakita ng maayos na pagkakalapat ng wika
na kung saan gumamit ito ng mga wastong wika upang mas maging makatotohan ang pananaliksik na ito
at mas maengganyo ang mga mambabasa.

31-40.

ZIA CZARINA A. GARCIA. Isinilang sa bayan ng Maria Aurora, Aurora noong ika-labinglima ng Abril taong
1999. Siya ay nag aral ng kanyang Primarya sa Maria Aurora CentralSchool ngunit kalaunan ay lumipat sa
Sagana Elementary School sa Nueva Ecija at doontinapos ang kanyang Primarya. Siya ay nagtapos ng
kanyang sekondarya bilang junior high saAngelcare Science Academy sa Baler, Aurora at siya ay
kasalukuyang nag- aaral sa Aurora National Science High School bilang isang Senior High School
Student.Marami din siyang sinalihang patimpalak noong siya ay nasa Primarya tulad ng MTAP,History
Quiz Bee at DSPC, naging President din siya ng SPG o Supreme Pupils Governmentnoong nasa
elementarya at siya ay nagtapos bilang Valedictorian sa kanyang klase. Sa sekondarya ay patuloy pa din
siyang nakikilahok sa iba’t ibang kompetisyon at siya ay nagtapos na may ikalawang karangalan.
Ngayong siya ay nasa Senior High siya aynangangarap na makapag-aral sa University of Baguio at
makapagtapos bilang isang Dentista.

Mahusay Ang pagkakalapat ng mga salita at meron itong paggamit ng wastong salita.

You might also like